CHAPTER 16
( Janine de Vera’s POV )
“Magpapa-member.”
“Magpapa-member.”
“Magpapa-member.”
Sunod-sunod
kong iniling ang ulo ko dahil parang replay na nagpaulit-ulit sa isip ko ang
sinabi ni Warren sa loob kanina. Kinutkot ko ang mga kuko ko sa kamay gamit ang
kabilang kamay ko.
Bakit
siya magpapa-member dito? Ano bang iniisip niya?
Saka
si Janiyah. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman na magpapa-member si Warren
dito. Siguro sinabi sa kaniya ni Warren kaya siya nandito. Kung magpapa-member
si Warren dito, gano’n din ang gagawin ni Janiyah.
Kinagat
ko ang gilid ng labi ko. I sighed.
Bakit
dito pa? Sa lugar na nga lang na ‘to ako nakakahinga at nakakapag-isip ng
mabuti ng walang Warren na nakakapag-pagulo sa isip ko at walang Janiyang
maiinis sakin. Alam na alam ko naman na ayaw ni Janiyah sakin dahil kay Warren.
Isang
buwan matapos namin siyang makilala ni Warren sa labas ng university dahil
niligtas siya ni Warren nang muntik na siyang mabangga ng sasakyan. Nakita ko
‘yon dahil magkasama kami ni Warren no’n. Isang buwan matapos no’n ay nagtapat
sakin si Janiyah na may gusto siya kay Warren. Sinabi niyang wag akong
magdididikit kay Warren. Yun din ang panahong nagpa-member ako sa BartendAlonz
ng hindi alam ni Warren. Para na rin maiwasan ko si Janiyah.
Hindi
dahil natatakot ako sa kaniya. Alam ko namang hindi siya kakaibiganin ni Warren
kung masama siyang tao. Masama lang ang ugali niya. Yun ang madalas kong
naririnig mula sa bibig ng schoolmates ko. At ilang beses ko ng na-experience
‘yon.
Kaya
as long as darating siya at kasama ko si Warren, pasimple na lang akong aalis
at iiwan sila. Ayoko na kasing marinig ang mga masasakit na salitang
nanggagaling sa kaniya patungkol sakin. Normal na tao lang ako, nasasaktan din
naman ako. Hindi ko lang pinapakita kay Warren.
Si
Warren na rin ang nagsabi sakin na intindihin ko na lang si Janiyah. Hindi naman
daw niya papayagang mapahamak ako dahil sa pakikipag-kaibigan niya kay Janiyah.
Si
Warren at Janiyah. Magkaibigan. Magkaibigan nga lang ba sila? O baka tama lang
ang hinala kong may gusto si Warren sa kaniya dahil napapakisamahan niya si
Janiyah sa kabila ng ugali nito.
I
sighed.
“Ang
lalim naman no’n.”
Napaderetso
ako ng pagkakaupo sa batong malaki at napalingon sa gilid ko. “Landis.
Ginulat mo naman ako.”
“Pa’nong
hindi ka magugulat? Ang lalim kasi ng iniisip mo. Just like earlier.”
Umupo siya sa tabi ko.
“Bakit
nandito ka?”
“Ikaw?
Bakit nag-walk-out ka?”
“Hindi
ako nag-walk-out. Nagpahangin lang ako.”
“Wala
namang hangin dito.”
Hindi
ako sumagot.
“May
balak pa lang magpa-member si Warren dito.”
sabi niya.
“Hindi
ko alam. Wala naman siyang sinabi.”
“Just
like what you did to him when you joined this club.”
“Landis.”
Ngumiti
lang siya. “Paano
‘yan? Mukhang magpapa-member din si Janiyah dito.”
Hindi
ako sumagot.
“Aware
naman tayo sa ugali ni Janiyah. But I have nothing against her. Hindi ako
katulad ng mga estudyante dito na inis na inis sa kaniya kahit wala namang
ginagawa si Janiyah sa kanila. As long as hindi maiinvolve ang pangalan ko sa
kaniya, it’s fine with me na nasa paligid ko lang siya.”
Tama
siya. Si Landis ang tipo ng taong walang pakialam sa mga taong nasa paligid
niya basta hindi siya napeperwisyo ng mga ito. Kung hindi pa nangyari ang
nangyari one year ago, hindi kami magiging ganito. Hindi kami magiging
magkaibigan.
Tinapik
niya ang balikat ko. “Don’t worry, Janine. I will not allow her to hurt you.”
“Landis.”
He
smiled. “Because
you’re my friend. Gano’n naman talaga ang magkaibigan diba?”
“Thank
you, Landis. Pero wala naman sigurong gagawin si Janiyah na makakasakit sakin.”
She would not hurt
me physically. But emotionally, she could.
“Weh?
Di nga? Sa itsura niyang ‘yon? Parang kontrabida sa movie. Kung naging artista
nga siya, baka hinakot na niya ang award para sa kontrabida role, eh.”
Napapailing
na napapangiti ako sa sinabi niya. Minsan talaga hindi ko alam kung kailan
seryoso ang taong ‘to. Seryoso ang usapan pero sa huli sinisingitan niya ng
biro. Pero alam ko namang hindi niya ginagawang biro ang sitwasyon namin nila
Warren at Janiyah. Gusto lang niya akong...
“Buti
naman at ngumiti ka na.”
Gusto
lang niya akong mapangiti.
=
= =
( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
“You
are here to join the bartending club.”
Simula
ni Sir Julius.
Nakaupo
kaming tatlo nina Warren sa sofang maliit. Nakapagitna sa pagitan namin ni
Warren si Marky. Ang unggoy na ‘to! Inunahan ba naman akong umupo sa tabi ni Warren
kanina. Literal na nakipag-unahan. Kainis! Ano bang gusto niyang palabasin?
Epal talaga!
Ang
nakakainis pa do’n, magpapamember din siya. Ano bang course niyang unggoy siya?
“Ouch!”
Inis na nilingon ko si Marky nang sikuhin niya ko. “Why did you do that?”
“Tinatanong
ka ni Sir.”
Tiningnan
ko si Sir Julius na seryosong nakatingin sakin. I smiled sweetly at him. “What is it,
Sir?”
“Why
do you want to join this club?”
Ano
bang klaseng tanong ‘yon? Eh, gusto ko, eh. Anong paki nila? Sabagay. Nakakapagtaka
naman talaga. Wala akong club na sinasalihan dito since then. Maliban sa club
for each department na once na mag-enroll ka sa course na gusto mo, given na
ang maging member ka no’n. Yun nga lang, hindi naman ako active sa club ng
department namin.
“Ouch!”
Siniko na naman kasi ako ng unggoy na katabi ko! “Nakakarami ka na, hah.”
“Kinakausap
ka. Wag kang tumunganga dyan.”
“I
know.” Epal talaga.
Tiningnan ko si Sir. “Sir.”
“Yes,
Miss Alonzo?” Yung itsura niyang
parang gusto niya akong tirisin. Wahehe.
“I
want to join this club.”
“And
why?”
“Because
I really wanted to, sir.” Because of my
Warren. Hindi pwedeng masolo siya ni Janine.
“You
are a Business Ad student, Miss Alonzo. Hindi naman sa pinipigil kitang maging
member ng BartendAlonz. Pero lahat ng member dito, mula sa HRM department.
Madali para sa kanila ang makapasok dito dahil may background na sila sa bartending.”
Hindi
niya ako pinipigil ng lagay na ‘yan, ah. “I know, sir. Pero bakit po sa ibang club? May classmate
po akong member ng music club. May classmate po akong member ng drama club. May
classmate po akong member ng Alonzonian Journal. At wala pong kinalaman ang
course namin sa mga ‘yon.” Syempre, gawa-gawa ko lang yung may mga
classmates akong member ng mga club na ‘yon. Malay ko ba kung mero’n man.
“That
is what we called passion, Miss Alonzo. Hilig nila ‘yon at gusto nila ang
ginagawa nila. And in this club, we don’t just play here. We compete with the
other universities. Dala namin ang pangalan ng school natin na pagmamay-ari ng
daddy mo.”
Kulang
na lang sabihin ni sir na hindi ko hilig ‘tong club na papasukan ko. Na hindi
naman talaga. Pero bakit ko aaminin ‘yon? At kulang na lang sabihin niya na
makakasira lang ako sa club. Duh!
Nilingon
ko si Warren na tahimik lang na nakikinig samin. Sa itsura niya parang
naglalakbay ang utak niya. Biglang nawala sa line of vision ko si Warren. Bigla
kasing may umepal na unggoy. Nakangisi pa siya habang nakatingin sakin. Nang
may maisip ako.
“Anong
course mo?” tanong ko kay
Marky.
“Accountancy.”
todo ang ngiting sagot niya.
Tumaas
ang sulok ng labi ko. Ibinalik ko ang tingin kay Sir Julius. “Hindi rin siya
pwede, sir.”
“Dyan
ka nagkakamali, Janiyah.”
Nilingon
ko uli si Marky. “What do you mean?”
“Member
ako ng bartender’s club ng dating university na pinasukan ko.”
“You’re
lying.” Transferry pa pala
ang unggoy na ‘to. Tapos kung makaasta dito sa school, parang old student na sa
dami ng nalalaman.
“It’s
true. Gusto mo bang dalhin ko pa dito ang mga medals at certificate ko?”
Naiinis
na humalukipkip ako.
“So,
Miss Alonzo?”
Hindi
ako magpapatalo! “Lahat ng bagay, natutunan, sir. At para matutunan ang isang bagay na
gusto mo, mag-uumpisa ka muna sa wala. Wala kong background sa bartending.
Hindi kasama sa curriculum ko ‘yan. Pero lahat ng bagay napag-aaralan. I really
wanted to join this club, sir.” Seryoso kong sinabi ‘yon sa harap
nila.
“Are
you sick?” Narinig kong
bulong ng katabi ko. Hindi ko siya pinansin. Kailangan kong makapasok ng club
na ‘to. By hook or by crook!
“Sir,
alam kong newbie lang ako, pero pwedeng pong mag-suggest?”
Napalingon
ako kay Marky dahil sa sinabi niya.
“What
is it, Mr. Corpuz?”
“Bakit
hindi ninyo po bigyan ng chance si Janiyah sa gusto niya?”
The
way he say that, parang candy lang ang pinag-uusapan namin na gusto ko dito.
Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matutuwa sa suggestion niya.
“Bakit
hindi ninyo po siya i-test kung talagang gusto niya ‘tong pinapasok niya? Pwede
ninyo po siyang bigyan ng written test and practical test.”
Ano
daw?
“Yes,
Sir Julius. Why don’t we give her a chance?”
Napalingon
ako kay Warren nang magsalita siya. Sa wakas.
“Matalino
naman po si Janiyah. Kaya naman po ninyong matutunan ang dapat matutunan.”
Oh
my Warren! I love you talaga! Amp! Nahawa na ko kay Trixie.
“In
one condition.” Nilingon niya ko.
Hah?
Bakit may kondisyon pa? Warren naman, eh.
“Janiyah.”
I
smiled sweetly at him. “Yes, Warren?”
“You’ll
take this club seriously, okay? No plays. No fights.”
I
pouted. “Okay.”
“Sir
Julius.” baling ni Warren
dito.
Matagal
bago sumagot si sir. “Okay. I’ll give her a chance.”
=
= = = = = = =
Kumapit
agad ako sa braso ni Warren paglabas namin ng office ni Sir Julius. “Thanks,
Warren, for helping me to convince Sir Julius.”
“Don’t
forget our condition, okay?”
Ano
nga bang kondisyon uli ‘yon? “Okay.” nakangiting sagot ko.
“May
klase ka pa diba?”
“Yap.
I’ll go ahead na.”
“Ingat.” Tinapik
niya pa ang ulo ko nang marahan just like what he used to do.
Bago
ako lumabas ng BA HQ, pasimple kong inirapan ang mga estudyanteng nasa paligid
ko. Walang makakasira ng araw ko dahil tinulungan ako ni Warren na makapasok ng
club. Ang Warren ko. Hayyy...
Napahinto
ako paglabas ko ng HQ nang makita ko si Marky na nakatayo sa gitna ng daan
habang nakapamulsa na parang may hinihintay. Hindi naman siguro ako ang
hinihintay niya noh? Lalagpasan ko na sana siya nang harangin niya ko.
“Don’t
you know how to say thank you?”
Tinaasan
ko siya ng kilay. “What?”
“Madali
lang makapasok sa bartender’s club kahit taga ibang department ka pa. But with
your reputation, mahihirapan ka talaga.”
Alam
ko ang bagay na ‘yon. Kaya nga hindi na ko nag-aaksayang sumali sa mga club
dito sa university. “And your point is?”
“Tinulungan
lang naman kita na i-convince si Sir Julius na bigyan ka ng chance na makapasok
ng club.”
“As
far as I remember, si Warren ang naka-convince kay Sir Julius.”
“Ako
ang nag-suggest.”
“Magkaiba
ang nag-suggest sa nag-convince. Sobrang magkaiba. Spelling pa nga lang, right?
At ano bang pinapalabas mo?”
“Just
know how to appreciate someone’s effort, Janiyah.”
“Bla.
Bla. Bla. Fine.” Naalala ko ang
ginawa niya kanina sa loob ng office. “Before I forgot, ano bang drama mo kanina? Bakit
inagawan mo ko ng pwesto? Pinagitnaan mo pa talaga kami ng Warren ko.”
Halata kaya ang ginawa niya. Sobrang halata.
“Have
you forgotten our deal?”
Kumunot
ang noo ko. “What
deal?”
Kumunot
din ang noo niya. Parang naiinis na nga siya. “Ang pagselosin si Warren.”
“Ah!
Oo nga pala.”
“Seriously?
Nakalimutan mo ‘yon?”
“Yap.
Naka-focus kasi ang atensyon ko sa pagpasok ko ng BartendAlonz.”
“Naka-focus
kamo ang atensyon mo na makalapit kay Warren. Na mas lalo namang mapapalapit
kay Janine. For sure, magkausap sila ngayon sa loob.”
Sa
isiping ‘yon ay nainis ako. Humarap bigla ako sa HQ na parang makikita ko si
Warren at Janine sa loob.
At
ang sinasabi kong hindi masisira ang araw ko, tuluyan nang nasira. At ‘yon ay
dahil sa bwisit na unggoy na ‘to!
Nilingon
ko si Marky para lang malaman na wala na siya. Ayun ang unggoy! Prenteng nang
naglalakad sa quadrangle ng campus.
“Nakakainis!”
=
= =
( Warren Fernandez’s POV )
Hinintay
ko munang tuluyang makalabas si Janiyah bago ako humakbang papunta ng garden.
Naabutan ko si Janine na nakikipagtawanan kay Landis. Ang tawang bihira ko na
lang makita tuwing kasama ko siya.
That
one year ago. Ang dami talagang nagbago sa pagitan naming dalawa simula no’n.
Natigil
lang ang dalawa sa pagtatawanan ng mapalingon sa gawi ko si Janine. Nawala ang
ngiti niya.
Tiningnan
ko si Landis. “Can
I talk to her?”
Tiningnan
muna niya si Janine bago sumagot. “Sure.” Nagtanguan lang kami paglagpas niya
sakin. Simpleng tanguan lang talaga ang batian naming dalawa tuwing nagkikita
kami.
Nang
tuluyan siyang makapasok sa loob ay saka lang ako humakbang palapit kay Janine.
Nakaupo siya malaking bato at nakayuko. Umupo naman ako sa damuhan sa harap
niya.
“Janine.”
Saka
lang siya tumingin sakin. Ngumiti siya. “Kamusta?” Sinabi niya ‘yon na parang walang
nangyaring sagutan sa pagitan naming dalawa nung isang araw. Na parang okay
kaming dalawa nitong nakaraang araw kahit hindi naman.
Hindi
ako sumagot. Tiningnan ko lang siya. Gusto kong basahin ang iniisip niya para
alam ko ang dapat kong sabihin.
“Magpapa-member
ka pala dito.” sabi niya.
“Oo.”
“Si
Janiyah din?”
“Oo.”
Basta susundin ni Janiyah ang binigay kong kondisyon, magiging maayos ang
lahat. At kung talagang seryoso siya sa pagpasok ng club, makakapasa siya sa
ibibigay sa kaniyang test.
“Ah.”
Tiningnan niya ang relo niya. “May klase pa pala ko.” Tumayo siya pero
pinigilan ko ang kamay niya kaya napaupo uli siya.
“Wala
ka ng klase, Janine.”
Umiwas
siya ng tingin.
“Hindi
mo ba ko tatanungin kung bakit bigla ko na lang naisipang pumasok ng
BartendAlonz kahit matagal na kong kinukumbinsi ni Sir Julius na mag-join
dito?”
Hindi
siya sumagot. Napabuntong-hininga ako. Hanggang kailan ba kami magiging ganito?
Hinawakan
ko ang kamay niya at marahan siyang hinila palapit sakin. Niyakap ko siya.
“Warren!”
Nagulat siya. Alam ko. Kailan ko ba siya niyakap ng ganito? One year na rin
simula no’n.
“Just
for a while, Janine. Five minutes. Ngayon ko lang uli nagawa ‘to kaya pagbigyan
mo na ko.”
Hindi
na siya nagsalita pa.
Five
minutes.
Four
minutes.
Three
minutes.
Two
minutes.
One
minute.
Thirty
seconds.
Fifteen
seconds.
One
second.
Kahit
ayoko. Dahan-dahan ko siyang binitawan.
Hindi
siya pwedeng maging akin. Hindi pwedeng maging kami. Alam ko ‘yon. Pero...
“I
joined this club because of you, Janine.”
Nagulat
siya. “Warren...”
“Tutal
naman ayaw mong sundin ang sinabi ko sa’yo one year ago na sasabihin mo sakin
kung nasa’n ka, ang mga ginagawa mo at ang ginagawa mong desisyon sa buhay mo;
ako na lang ang gagawa.”
Hinaplos
ko ang pisngi niya. “Ayoko nang maulit na dumating ang araw na wala na naman
ako sa tabi mo kung kailan kailangan mo ko. I’ll stay by your side, Janine.”
I kissed her forehead.
“Warren...”
I
smiled at her. “May
klase pa ko. Sabay na tayong umuwi, okay?”
Hindi
siya pwedeng maging akin. Hindi pwedeng maging kami. Alam ko ‘yon. Pero...
Baka
naman pwede ko na lang siyang mahalin.
=
= =
Janiyah's fighting spirit level: over 9000!!! I salute her! Mahilig kasi ako sa mga kontrabida, nakakathrill kasi sila, nabobored kasi ako sa bida. Parati nalang kasi siya umiiyak. XD
ReplyDeleteNacucurious talaga ako sa contract na tinutukoy nina Warren at Janine, wedding contract or business contract?
Mukhang may napagseselosan si Warren ah! Haay, gwapo ni Landis. Boto ako sakanya hahahaha!