Babysitting A Prince:
Chapter 3
Syet! Syet! Syet! Syet!
Pagpasensyahan niyo na ako sa
pagmumura ko. Pero, di ko talaga mapigilan eh! Uwaaa! Ano nang gagawin ko?! Ano
nang gagawin ko?! Kasalanan mo kasi Laia eh! Ba’t di ka muna nag-isip sa
gagawin mo? Ha?! Ayun tuloy! Mapaparusahan ako, tas madadamay pa si Mama!
Waaah! Ibibitay ba ako o exile?!
Exile nalang! Kelangan ko pang mabuhay. Marami pa akong mga pangarap para kay
Mama! Uwaaa!!!!
Kasalukuyan akong naglalakad ng
mabilis papunta sa headquarters ng mga maids. Ewan ko bakit, Iyon kasi ang una
kong naisip na puntahan nang makalabas ako sa kwarto ng prince eh. Doon nalang
ako magmumukmok. Huhuhu!
Oy, may time machine ka? Pahiram
naman oh! Magpakamatay nalang kaya ako? Tutal, mamamatay naman ako eh!
Kasi….kasi…ibibitay ako dahil sa ginawa ko!
Pagdating ko sa headquarters ay
agad akong humiga sa kama ko at tinakluban sarili ko. Huhuhu! Pwede na akong
umiyak!!!!
“Antanga tanga tanga tanga tanga mo Laia. Okay lang kung si Madam Tanda
‘yun, pero isa siyang prince! Isang prince! Isang taong may dugong bughaw!
Isang taong may kapangyarihan na ipabitay ka
or ipatapon paalis sa kingdom.”
Nagmumukha na akong tanga sa
ginagawa ko. Okay lang naman kasi nakataklob ako gamit ang kumot ko. At saka,
ganito nangyayari saakin sa mga ganitong sitwasyon. I tend to say my thoughts
loudly. Kaya nalalaman ng iba na may pinoproblema ako kapag kinakausap ko
sarili ko.
“Dahil dyan sa ginawa mo eh, madadamay si mama. Kainis ka Laia! Lalong
na lalo na ang bibig mo.” May sarili bang utak ang bibig ko at nagsalita
nalang ng kusa. Like haller?! Still processing pa ang brain ko kung anung dapat
kong gawin.
Oy Lupa! Lamunin mo nga ako.
Huhuhu!
“Anak…” napatigil ako sa pag-usap ko sa sarili ko nang marinig ko
si mama. Uwaaa! Mas naging worse nang nandito si mama. Di na ako makapagsalita.
Di ko alam gagawin ko. Di ko siya kayang harapin. Oy! Mr.Brain! what should I
do na?! ba’t ambagal mong process ngayon ha?! “Anak…”
Waaah! Mama! Wag nga kayo ganyan.
Mas nagiguilty ako eh!
“Laia, okay ka lang ba?” Huh? Aisla! Ba’t ka nandito?! Dumadagdag
ang guilt na nararamdaman ko. Huhuhu! Andami kong gustong sabihin kina mama
pero ang lumalabas lang sa bibig ko ay…
“Uuuuuung…..”
Seriously! Diba may sariling utak
bibig ko? Ba’t di makapagsalita ng kusa?! Ba’t kung kelangang kelangan ko
talaga kayo eh saka kayo nagpoprocess ng matagal!
Be brave Laia, you should face
them and tell them the dumbest thing you did a while ago.
Dahan dahan kong inalis ang
pagkakatalukbong saakin ng kumot ko. Nakatingin saakin sina Mama at Aisla.
Worry is written all over their face. Meron ring mga nakikiusyusong maid na
nasa harapan ko. Pero, sila ang mga kaclose ko.
“Anak, may nangyari ba?” tanong niya. Kusa nalang tumulo ang mga
luha ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko talaga alam gagawin ko simula
ngayon. “Laia…” Hinaplos ni Aisla
ang likod ko kaya napahagulgol ako ng malakas.
“Mama!!!!” sambit ko habang humahagulgol ako. “Anak, anong nangyari? May ginawa ba sa’yo ang prinsipe?” tanong
niya saakin. “Waaah! Mama!!!!”
“Nirape kanya?!” tanong ni maid 1. “So, totoo ang rumors?!” tanong naman ni Maid 2. “Kung nirape kanya, bakit ambilis? Di ka
lumaban? Nagustuhan mo?” tanong naman ni maid 3.
PAK! PAK! PAK!
Isa isa silang hinampas ni Aisla
sa braso. Ang OO.A. kasi nila eh! Yan napala nila. “Ano ba kayo?! Andudumi ng iniisip niyo ah! Gusto niyo bang ipalaba ko
yang mga utak niyo ha?!”
“Hehehe…sorry, nagjojoke lang kami.”
“Magjoke pa kayo. Black eye na makukuha niyo saakin.” Banta ni
Aisla sakanila kaya napatahimik siya.
“Mama!!!!” at humagulgol ako
ulit.
“Ano ba kasi nangyari?”
“Mama!!!”
PAK!
“Aray naman ma!!!” Napatigil akong umiyak nang hinampas niya ako sa
braso ko. Grabe lang ah! Umiiyak ang tao eh tas hahampasin mo. Uso ba ang
hampasan ngayon?!
“Maghunus dili ka nga! Nakakairita ka na ah! Sabihin mo na kasi kung
anung nangyari. Haaay, nakakataas ka ng dugo!” sigaw niya saakin.
Napabuntong hininga nalang ako at sinabi sakanila ang lahat nang nangyari
kanina kasali na doon ang pagvolunteer ko na magpalit kami ni Aisla.
Dahil doon ay isa pang malakas na
hampas ang natamo ko mula kay Mama. Kung kanina ay sa kaliwang braso ako
hinampas, ngayon naman ay sa kanan kong braso ako hinampas. Kawawa naman mga
braso ko.
“Antanga mo alam mo yun!”
“Alam ko naman po na tanga ako eh!”
“Eh bakit mo iyon ginawa?! Isa siyang prinsipe! PRIN-SI-PE!”
inemphasize talaga ni mama ang word ni prinsipe saakin para ipamukha saakin na
isang prinsipe ang ininsulto ko.
“Ano
nang mangayayari kay Laia?” tanong ni Aisla kay mama habang hinahaplos niya
likod ko. Ba’t parang nanay kung umasta si Aisla tas parang kaibigan ko lang si
mama? Nagpalit ba sila ng katawan?
“Oo nga, mama! Ano nang mangyayari saakin?! Ipapabitay ba ako?! Exile?!
Slave?! Life imprisonment?” tanong ko kay mama. Huhuhu! Ewan ko anung
gagawin ng prinsipe? Please, sana hindi niya sinabi sa King at Queen. Sigurado
akong paparusahan nila ako.
“Ano bang pinagsasabi mo anak?” then she gave me a confused look. “Hindi ka mapaparusahan.”
And there was silence for a
moment, then…
“Ehhhhhh?!!!!!!!”
“Bunganga mo, anak.”
“So...sorry po, pero, bakit?” tanong ko sakanya. All this time,
nagmumukmok ako kung ano’ng gagawin saakin tas yun pala eh hindi ako
mapaparusahan. Napafacepalm tuloy ako. Nagmukha akong tanga kakaiyak kanina,
kakaisip sa mga iba’t ibang bagay.
“Pero, kailangan mo paring humingi ng tawad mula sa prinsipe.”
“Pe..pero…”
“Kung hindi, baka maparusahan ka talaga kahit minor de edad ka lang.”
Tas boom! Isa na namang malaking problema ang nahulog saakin. Haaay, akala ko
okay na ang lahat pero yun pala…haiiist! Ewan ko anung gagawin ko.
Paano ko haharapin ang prinsipe
dahil sa ginawa ko? Eh, para na nga siyang demonyo nang nginisihan niya ako eh.
Baka, may ipagawa siya saakin na masama bago niya ako bigyan ng tawad.
***
Nagmumukha akong pinagsakluban ng
langit at lupa ngayon kaya andaming mga superiors ang nang-iinsulto saakin.
Karma ko ata ‘to sa pag-insulto sa prinsipe. Nasa classroom ako ngayon.
Nakatulala na ewan. Ang utak ko nasa palasyo pa rin. Free time ngayon kaya
andaming mga students na umaalis sa classroom at nagchichismisan.
“Eeew! You look so disgusting.”
“What can you expect from her? She’s a low class.”
“I know right. People from low class look so stressed and ugly.”
“That’s why I don’t look at them. They destroy my day.”
Whatever! Insult me if you want.
Wala naman akong mapapala dyan. Di naman yan makakain. Di naman yan
makakatulong sa problema ko ngayon.
Haay, quiz namin ngayon sa Math
pero di pa ako nakakapag-aral. Makastudy na nga lang. Kinuha ko ang libro ko sa
bag ko at nagsimulang magbasa.
Syet, walang pumapasok sa isipan
ko. Wala akong ganang mag-aral.
Mas major pa problema ko sa
prinsipe no!
“Kyaaaa!!! They’re about to pass here.” Sigaw ng isang noble.
Haaay, noble ba yan? Daig pa ang mga low class magfan girl eh. Inirapan ko
nalang siya at pinagpatuloy ang pagbasa sa Math book ko kahit walang pumapasok
sa isipan ko.
“Laia, Laia, Laia!” Tawag saakin ni Aisla kaya napatingin ako
sakanya. “Dadaan na sila dito!” Ano
bang pinagsasabi niya? Sinu sinong dadaan dito? Akala ko equal kami dito. Bakit
meron paring angat? “Huh? Sino?”
“Di ko alam name nila! Nakakabulol sabihin eh.” Agad niyang hinatak
ang kamay ko at pumunta kami kung saan nagkukumpulan ang mga kaklase namin. Di
kami makakita kaya tumayo nalang kami sa upuan.
“Sinu sino bang hinihintay natin ha?” tanong ko kay Aisla na busy
tingnan ang hallway.
“Ewan, basta! Nakakabulol
nga yung name nila! Nakikiusyuso lang tayo no?” Really? You’re freaking
kidding me right? Haiist! Nasasayang oras ko, mas mabuti pang mag-aral nalang
sa Math.
Bababa sana ako sa upuan nang
bigla nalang magsigawan ang mga babae kaya napabalik ako sa dati akong pwesto.
Sinu sino ba ang hinihintay nila? Dadaan lang naman sila eh!
“Aisla, ano nga name nila? Or else, bababa ako.”
“Haist, di bell'aspetto.” Sagot nya. Huh? A…ano raw? Pakiulit nga!
Naintindihan ko lang doon eh bell. I ignored her answer at nagfocus nalang sa
mga taong dadaan sa hallway. Mas lumakas tili ng mga babae nang dumaan ang bell
ewan.
Hoy! Mga etiquette niyo. Psh!
What the….
Napatulala nalang ako sa nakita
ko. Mga superiors sila ah. Pero, sila yung sa pinakaupper class! Si Adrian
Strugnell, anak ng kanang kamay ng king at queen. Si Byron Levenson, anak ng
military commander dito. Si Elliot Holleran, anak ng isang noble sa kabilang
kingdom na pinaaral dito as a part of his training as a knight. At…at……
Napalunok ako ng laway sa nakita
ko. Si…Nero Herallin, ang…ang…prinsipe ng kaharian. Ang taong ininsulto ko
kahapon.
Pinagpapawisan ako ngayon at
hindi ako makagalaw katulad ng kahapon. Seriously, may kapangyarihan ba siyang
iparalyze ako? Gusto kong magtago pero nakapako lang ang tingin ko sakanya.
I felt shivers nang makita niya ako then he smirked at me. Syet!!! Patay! Nalaman na niya na nandito ako.
“Kyaaah! He smirked at me.”
“No, he smirked at me.”
“You b****” at nag-away ang dalawang babae. Sana, sana sa inyo
nagsmirk si Prince Nero. Huhuhu!!! Bumabalik na naman. Gusto ko magtantrums!!!
Huhuhuhu!!!! Help me….ilibing niyo na akong buhay! Saka na ako aalis sa
libingan ko ‘pag namatay na si Prince Nero. Huhuhu!!!
Kinalbit ko si Aisla at bumaba
kaming dalawa sa upuan. Hindi rin siya makapagsalita katulad ko. Umupo kaming
dalawa na nakatulala na ewan. Wait, bakit siya nakatulala?
“Oy, Aisla…Si Prince Nero, nakita niya akoooo…”
“Huh? Siya? Siya ang prince?” tanong niya saakin na may halong
gulat. Tumango ako sakanya as a sign of yes. “What the…
Angwapo niya!”
WAPAK!
Kainis ‘tong babaeng ‘to. Pinairal
niya fangirl niya keysa saakin! Leche lang ah! Dapat hindi nalang ako
nakipagswitch sakanya! Kung hindi lang ako nakipagswitch ede sana, hindi ‘to
nangyayari saakin. Leche! Leche! Leche! Leche plan! Huhuhu!
“So..sorry naman oh! di ko naman alam na ganun siya kagwapo. Kung alam
ko lang na gwapo siya eh ede sana hindi ako nakipagswitch sa’yo. Sayang.”
WAPAK!
At hinampas ko naman siya ulit sa
braso niya. “Ahhh! Ganun ah! Sige, ikaw
nalang ang humingi ng tawad sakanya! Ikaw ah! Hindi mo ba alam na siya ang
dahilan kung bakit unti unti nang nasisira mundo ko!” napabuntong hininga
nalang ako at ibinaling ko nalang atensyon ko sa labas ng bintana. Huhuhu! Sana
mamatay nalang ako at marereincarnate ako as a cloud para libre akong
makapaglibot sa iba’t ibang lugar.
“So…sorry!!! Haay, kasalanan ko naman ‘to lahat eh. Ano nang mangyayari
sa’yo ngayong alam na niya na nag-aaral ka rin dito?” tanong niya saakin. “Ewan, bahala na! Kapag magsisilbi na ako
sakanya, eh hihingi ako ng tawad.” Sagot ko sakanya.
Nakarating na ang professor namin
at nagsimula na siyang magturo habang nagtatake notes naman kami.
***
Walang masyadong nangyari nang
umalis na ako sa school. Akala ko nga eh ipapatawag niya ako. Don’t tell me,
nakalimutan na niya ako! Sana! Sana nakalimutan niya ko para tapos na ang
lahat, para everybody happy diba?
“Laia Iris Claudel” Kalimutan niyo nalang sinabi ko kanina.
Nagkunwari nalang ako na hindi ko naririnig si Madam Tanda. Ipinagpatuloy ko
lang ang paglalaba ko sa mga damit. “Laia”
woot, woot, woot. Wala akong naririnig, wala akong naririnig.
“Laia!!!” syet! May naririnig na ako. “Ba..bakit po? Madam Tan…este Augusta..” Muntikan ko nang tawagin
siya sa nickname niya. Patay kaming lahat ‘pag nalaman niya ang nickname namin
sakanya. At ngayon lang ako natakot sakanya.
Oras na kasi ngayon eh
“You need to serve the prince.” Utos niya saakin. Think! Think! Think!
“Uhm, medyo po ako busy maglaba. Pwede
po ba sa ibang maid nalang po?” tanong ko sakanya. Use your puppy eyes!!!
Wag nalang, hindi siya natatabla ng puppy eyes mo. Panget mo kasi. Leche lang.
“But, your only washing one dress.”
“Uhm, masyado po ‘tong madumi kaya medyo po ako matatagalan.”
“But, it’s already clean.”
“Pero..”
“You need to serve him right now!!!”
“Pero..”
“No but’s! dimwit! Go now and serve him food.” More like go now,
you need to apologize to him. Waaah! Ipagdasal niyo ang kaluluwa ko kapag
namatay na ako. Baka, hindi ako matahimik kapag namatay na ako. Baka, masapian
ko lahat ng mga tao dito.
Pinalaba ko nalang ang damit kay
Aisla at pumunta ako sa kitchen para kunin ang pagkain para sa prinsipe. Habang
naglalakad ako papunta sa kwarto niya ay nakatitig ako sa mga pagkain na
iseserve ko sakanya.
Pinag-iisipan ko kasi kung lagyan
ko yan ng lason o hindi. Pero, wag nalang. Mahahalata naman na ako ang suspect.
Haaay, now here you are again
Laia. You’re about to face it. The most hardest thing in your life. Daig pa ang
last quarter exams sa R.H.A.
I took a deep breath at binuksan
ang pintuan. As usual, madumi pa rin ang kwarto niya. And as usual, nakatalikod
siya. Nakatingin siya ngayon sa labas ng bintana.
“Ma…magandang hapon po, Prince Nero.” Bati ko sakanya pero di niya
ako sinagot. Good! He doesn’t recognize me. “Please enjoy your food.” At inalapag ko sa table niya ang tray ng
pagkain niya. “Aalis na po ako.” At agad
akong naglakad papunta sa pintuan para makalabas agad. Forget apologizing, you
need to save your life.
“Hmmm, you’re not going to apologize?” at napatigil akong maglakad
sa sinabi niya. Syet!!! Di pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ko sakanya
kahapon. Magsorry ka na! bago pa
mahuli ang lahat. Pero di pa ako handa!
“Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo saakin kahapon, Ms.Laia Iris
Claudel,” Syet! Alam niya pangalan ko. Di na ako makakatakas in case of
tatakas ako. “Entertain yourself, Prince
Douchebag. Natatandaan mo pa rin ba ‘yun?” Gulp! Di ko na kaya. Nanginginig
na talaga mga kamay ko.
“Ku…Kung ganun po, sorry po, bye!” I was about to open the door nang
bigla nalang may kamay na pumatong sa pintuan. Uwaa!!! Kamay yun ni…ni….waaah!
nasa likod ko siya. Dahan dahan ko siyang hinarap at muntik na akong sumigaw sa
gulat kasi sobrang lapit niya saakin. Parang 1 inch lang nasa pagitan namin.
Waaah! Pinagpapawisan na talaga
ako. Nanginginig na mga tuhod ko na para bang anytime ay matutumba ako. At, at….sobrang
naiinitan na talaga ako. Namumula ba ako?
“Ayoko ng sorry lang.”
“A…ano pong gusto niyo?” tanong ko.
“Entertain me.” Sagot niya. Napagulp nalang ako. At dahan dahan
kong inalis ang butones sa uniform ko. Huhuhuhu! Hindi ko na kayang harapin
sina mama at Aisla. Now, I know kung bakit tumatakas ang mga nirarape na maid
dito. Hindi na nila alam kung anung ihaharap nila sa madla.
“Huh? What are you doing?”
Agad akong napatingin sakanya. “Di…diba, gusto mo ientertain kita?”
tanong ko sakanya. Hindi pa ba obvious ang ginagawa ko. Tanga ba siya?! Akala ko
expert siya sa mga ganitong bagay. “Oo…”
“Eh ayan na oh! ieentertain na kita oh! oh!”
“Ibang entertainment ang sinasabi ko, Ms. Laia the dirty minded.”
“Eh anung gusto mong kind of entertainment? Akala ko ba manyak ka! Diba
ganito ang mga gusto ng manyak.”
“Kung maghuhubad ka sa harapan ko ede wag nalang. Ano namang mapapala
ko dyan sa katawan mong walang hinaharap at walang shape.” Aba! Nakakainsulto
ka ah! Agad ko siyang hinampas sa braso niya kaya napaaray siya. “Aray! Hindi mo ba alam na prinsipe ako?”
“Alam ko, pero nakakainsulto ka ah! Tss! Gusto mo magkaroon ng STD ha?!”
“Mukha mo, tss!”
“Ano bang gusto mong gawin ko ha?!!! Magpatawa, yun ba?!”
“Oo!!!”
Huh? Ano raw? Pakiulit nga? Magpapatawa
ako?! “Ano?!”
“Gusto kong magpatawa ka!”
What the?! Ito ang dahilan kung
bakit tumatakas ang mga maid?! Like what the fudge!!!
ang saya ng kwento na ito. update pa po.
ReplyDelete