Babysitting A Prince
Chapter 4
“Anung tawag mo sa baboy na marunong magkarate?” tanong ko sakanya. Nag-isip siya ng mga ilang seconds pero nag-give up siya. “Ano?” tanong niya saakin “Kelan pa naging sagot ang tanong sa isang tanong?” at inirapan ko siya.
Haaay, pagod na ako. Nagsimula
ang pagbigay ko sakanya ng mga jokes nang mga 6:30 PM tas 12:30 AM na ngayon.
Wala na akong maisip na joke. Yung itinanong ko lang sakanya ang last joke na
alam ko.
“Ano ba? Wag ka nga KJ, panira ka eh! Oh anong sagot?”
“Di pa ba obvious, ede pork chop!” at inirapan ko siya. Magbilang
kayo ng 1-3.
3..2…1…..
“Aahahahahahahaha!!!!!!” oh diba, kelangan pa niya ng 3 seconds
para ma-absorb ang joke. Anslow lang eh no? Tss, kaya naman pala nasa
pinakababa siya ng topnotcher list. PS, Ako ang top 10 out of 40 topnotchers,
oh! ansipag ko mag-aral no?
Di katulad ng isa dito na
tumatawa sa isang corny na joke.
Oo, alam ko, ang korne ng joke
ko. Pero, tumawa siya, psh! Babaw ng kaligayahan niya eh no?
“Oh, 12:30 na oh, may pasok pa mamaya. Matutulog na ako.”
“Ayoko, gusto ko pa ng isang joke.” Haiiist! Kakairita ka.
“Eto nalang, tingnan mo sarili mo sa salamin.” Kinuha ko ang
salamin ko na nasa bulsa ng uniform ko at ibinigay sakanya. Nang matanggap niya
ang salamin ay nagtaka siya. “Anong
gagawin ko dito?” tanong niya. Aish! Di pa ba obvious? Ulol! “Titingnan mo sarili mo sa salamin, di pa
ba obvious? Prinsipe ka ba o preschooler?”
Siyempre, inirapan niya ako. “Alam ko, tss! Eh bakit ko naman titingnan
sarili ko sa salamin, eh may salamin naman ako doon.” At itinuro niya ang
mirror sa pader. “Eh may salamin ka naman
pala eh! Akin na nga yan!”
Inagaw ko sakanya ang salamin ko
pero inagaw niya rin saakin ang salamin kaya pinag-agawan namin. But, in the
end, siya ang nanalo. Pinagbigyan ko eh, baka umiyak.
“Oh ayan! Ayan! Isaksak mo sa baga mo!”
“Tss! Sagutin mo nga tanong ko kanina.”
“Anong tanong mo kanina?”
“Kung bakit ko titingnan sarili ko sa salamin, tss! Ulyanin.” At
inirapan niya ako ulit. Mahilig talaga siya umirap eh no? prinisipe ba siya ng
irapan? “Mukha ka kasing joke.” Sagot
ko at agad ako umalis sa kwarto niya. Pero, siyempre, nagpaalam ako. Kasi, may
respeto pa rin ako sakanya, prinsipe kasi siya eh, kahit gaano siya Katanga eh,
prinsipe pa rin siya.
Pagdating ko sa maids’ quarters
ay agad ako sinalubong ng samutsaring mga tanong. Hindi ako sumagot kasi
nakakatamad magsalita. Dirediretso akong pumunta sa higaan ko at natulog.
***
Kinabukasan, nagising ako ng mga
4:30. Take note, 5 hours lang ang tulog ko. Inaantok pa rin ako. Haaay, kainis
kasi eh, kasalanan ng prinsipe na yun! Siyempre, naligo ako at sinuot ko
uniform ko. Habang hinihintay ko ang pagkain para sa prinsipe ay nag-aaral ako
sa English, may quiz kasi kami ngayon eh.
Everyday, may quiz. Ang saya
diba?
“Laia, eto na pagkain ng prinsipe.” At inilapag ng chef ang tray sa
table. “Salamat.” Kinuha ko ang tray
at pumunta sa kwarto ng prinsipe.
Katulad ng kahapon ay nakatitig
ako sa pagkain ng prinsipe. Gutom ako eh, isang cup lang ng kanin at itlog lang
nakain ko. Take note, nagmakaawa ako kay Madam Tanda na dagdagan kanin ko kasi
kalahati lang ng cup ang ibinigay niya saakin. Super bait niya eh no.
Tss! Samantalang ang prinsipe na
‘yun, eh anlaki ng kanin, may manok pa at itlog, may salad na, may dessert pa!
haaay, kung yan lang ang pagkain ko everyday, willing akong gumising ng maaga.
Kumatok ako ng tatlong beses sa
pintuan niya pero hindi siya sumasagot. Natutulog pa rin ata. Nagpuyat ba siya
kakatitig sa sarili niya sa salamin? Kung ganun, eh I can conclude na tanga
talaga siya. Ewan ko nalang kung anung mangyayari sa kaharian kapag naging hari
na siya.
Ilang times na akong kumatok pero
wala paring sumasagot. I looked at my left and right side to see if there’s any
maid, baka ireport ako kay madam tanda na hindi ako kumakatok bago pumasok.
“Good.” Binuksan ko ang pintuan ng prinsipe. Nakita kong natutulog
siya ng mahimbing kaya nakaninja mode ako nang pumasok ako sa kwarto niya.
Inilapag ko ang tray sa table at pumunta sakanya para gisingin siya.
“Wake up Prince Nero.”
“Uuuunggg….”
“Rise and shine Prince Nero.”
“Uuuuuunggg….”
“Gising na po kayo Prince Nero.” Nakakawala ka ng pasensya, Prince Douchebag
“5 minuuuutesss…”
Aba!!! Ayaw mo gumising ha?! Agad
kong binuksan ang kurtina kaya siyempre, sunlight sunlight everywhere!
“Araaaay! Mata kooo….” At humarap siya sa kabilang side at
nagtaklob ng kumot. Haaaiiist! Nakakainis ka ah! Malalate na ako sa’yo! Kung
pwede lang iwan dyan pagkain mo eh! Ba’t pa kita hihintayin?! Susubuan pa kita
ng pagkain ha?! Psh!
Parang batang prinsipe ang
sineserbisyo ko eh!
Dahil sa inis ko ay agad kong
hinatak paalis ang kumot niya. Wala akong pake kahit prinsipe siya. Sinisira
niya araw ko. I hate him.
“Kumot ko!”
Nagulat ako nang bigla nalang
siya bumangon at hinatak pabalik sakanya ang kumot niya. Dahil sa lakas ng
paghatak niya ay napasama ako. Natumba ako sa kama niya. Nanlaki mga mata niya
nang makita niya akong nasa ibabaw na niya ako.
Parang bigla nalang ako
naparalyze at hindi ako makagalaw. Napako ang mga tingin ko sakanya katulad ng
dati.
Dug dug…dug dug…
Tumitibok ng malakas ang puso ko
na parang nakikipagracing sa isang kabayo. Help! Di na ako makahinga ng mabuti.
Ginawa ko ang unang pumasok sa isipan ko at yun ay…
“Aray!”
Itulak siya paalis sa kama.
“So..sorry, ikaw kasi eh!”
“Anong ako? Eh ikaw nga ‘tong nang-alis ng kumot eh!”
“Hindi ko naman ‘yun gagawin kung gumising ka at bumangon kanina. Oh!
pagkain mo! Kumain ka na nga! Malalate pa ako eh!” at umalis ako sa kama.
Pumunta ako sa pinto para lumabas. Di ko pa nahanda mga libro ko. Haaay,
malalate na talaga ako. 30 minutes na bago magalas-otso. Eh 20 minutes kapag
lalakarin ko dito papunta doon. Haaay…
Kasalanan mo talaga Prince
Nero!!!
“San ka pupunta?” tanong niya. “Pupunta
sa school. Di pa ba obvious?!” naiirita kong sagot sakanya. “Ayoko.”
“Anong ayaw mo?! Kaylaki mong tao tas magpapasubo ka ng pagkain. Bahala
ka dyan! Malalate na ako oh!”
“It’s an order! And if you will not….”
“Oh ano? Kapag hindi kita susunurin eh isusumbong mo ako sa hari at
reyna? Yun ba? Psh! Pake ko!” inirapan ko siya at umalis sa kwarto niya.
Nang masarado ko ang pinto ay sumandal ako doon at nagbuntong hininga.
Haay, buti…I can breath na.
Kelangan ko talaga umalis sa kwarto niya kasi kanina pa nagiging abnormal ang
heart beat ko.
***
“Waaah! Failed na naman ako ulit!” “Eh ikaw kasi eh, di ka naniwala na sa Chapter 4 ang pointers.”
Kakatapos lang namin magquiz sa
English. Andaming nagluluksa ngayon kasi mafafail na naman sila sa quiz.
Pinag-aralan kasi nila ay chapter 3. Yun ang sabi ni Ms.Top 1, pero hindi ako
naniwala sakanya. Sinabi kasi ni Ma’am na Chapter 4. Pero di sila nakinig.
At saka, parating
nagsisinungaling yang Ms.top 1 na ‘yan. Ayaw niya kasi na may mas tumaas
sakanya. Psh! Palibhasa, nasa Superior class siya at ayaw niyang may mas tumaas
sakanya na student mula sa low class.
“Huhuhu!
Di na ako makikinig sa loser na ‘yun.”
“Well, nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa kaya punta na
tayo sa cafeteria. Kanina pa ako nagugutom.” Umalis na kami sa room at
naglakad papunta sa cafeteria.
Habang kumakain kami at
pinag-uusapan namin ang tungkol sa quiz sa English, (Di sila makaget-over) ay
bigla nalang nagtilian ang mga babae. Dito raw kasi kakain ang Di bell ewan.
Usually, kumakain sila sa so-called tambayan nila.
Nasa pinakaitaas at pinakadulo ng
building na ‘to. Pinagawa iyon ni Prince Nero ewan ko kung bakit. Pero, para
saakin, nadidiri siya na makita kaming mga low class. Maarte raw kasi siya.
Psh! Daig pa ang isang babaeng noble.
Dahil nandito si Prince Nero,
nagfafangirl ‘yang si Aisla. Di niya lang pinapahalata. “Ihhhhh! Nandito na silaaaa…” bulong niya saakin habang nagshashake
mga papa niya. Kinokontrol niya kasi pagfafangirl niya kaya ayun, nagshashake
mga paa niya.
“Ihhh…..wala akong pakialam.” At inirapan ko siya. Magfafangirl
nalang ako sa pagkain ko hihi!!! Mas gwapo pa ‘to at mas masarap keysa sa mga
lalakeng yun!
Kakainin ko na sana ang manok ko
nang bigla nalang tinapik ni Aisla ang balikat ko. Haaay, nilalamig na manok ko
oh! Aish! “Ano?” naiirita kong
tanong sakanya. “Si Prince Neroooo….”
“Oo na, oo na…gwapo na siya, whatever. Kelangan ko pang kumain.”
“Hindiii, nakatitig siya sa’yoooo…”
“H..huh?” pa..pakiulit nga? Nakatitig saakin ang prinsipe? Weeh?
Imposible naman na makita niya ako dito. Andami pa namang nakapaligid na mga
babae sakanya kaya imposible. Baka, ibang tao ang tinititigan niya.
Kakainin ko na sana ang manok
pero kinalbit na naman ako ni Aisla. “Ano
ba?! Nilalamig na manok ko oh!!!”
“Ano ba, nakatitig si Prince Nero sa’yo.”
“Haist! Whatever, nagkakamali ka ata. Baka nakatitig siya sa ibang tao.”
“Nagkakamali ka, nakatitig siya sa’yo, tingnan mo kasi siya…”
Inirapan ko nalang siya at nilingon si Prince Nero baka hindi pa ako tantanan
ni Aisla.
O__o
Dahil sa gulat ay nabitawan ko
ang manok ko at nahulog ito sa sahig. Tama si Aisla, nakatitig nga saakin si
Prince Nero. Hindi lang siya, pati na rin ang mga kasama niya, at ang mga
babaeng nakapaligid sakanya.
He then smirked at me at
ipinagpatuloy niya ang paglakad niya. Huh? What the? Ba’t siya nakatitig
saakin? Wala namang madumi saakin diba? Anak ng tipaklong, alam ko na ang
dahilan. Kasalukuyang nakatingin saakin ang mga fangirls ni Prince Nero. They
were all shooting daggers at me.
I’m dead meat…
Mabobotcha pa ako…
Help
Pakyu Prince Nero, ikaw ang may
kasalanan sa mangyayari saakin mamaya.
***
T__T
Huhuhu! Alam niyo ba kung anung
nangyari saakin kanina? Pinaligiran nila ako at ininterrogate nila ako na
parang isa akong kriminal. Tas yun, sinabi ko sakanila na personal maid ako ng
langyang prince na ‘yun. Tas…tas…nagsimula na.
Kung dati ay hanggang insult lang
sila, ngayon na naglevel up na, pero hindi naman humantong sa physical
bullying.Hanggang pagsira lang nila ng gamit ang ginawa nila.Katulad ng ngayon,
wala akong suot suot na sapatos kaya naglalakad ako ngayon papunta sa palasyo
na nakapaa lang.
*thubalup* (It’s a sound of a
horse running. XD)
Huh? Ka…kabayo yun diba?
Oh, nooo….
*whoosh*
OH.MY.GOD.
“Oy! Kuyaaaa!!! Mag-ingat naman po kayo sa pagpapatakbo niyo ng kabayo!
May mga natatalsikan dito ng putik oh!” sigaw ko sa kutsero pero hindi siya
sumagot. Langya,aish!!!! Malas, malas, malas!!! Kainis na kutsero na ‘yun ah!
Di man lang nagsorry, ang sarap tadyakan! Aish!
Kasalanan mo ‘tong lahat Prince
Nero! I hate you! I hate you! I hate you!
“Gaaaaahhhhhh!!!!!!” Inilabas ko nalang lahat lahat ng nararamdaman
ko. Patay ka saakin Prince Nero. Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa nangyari
saakin. “I HATE YOU PRINCE NERO!”
***
Pagdating ko sa bahay ay agad
akong dumiretso sa maids’ quarters para magpalit ng damit pero inutusan ako
agad ni Madam Tanda na dalhan ng pagkain ang prinsipe. Dahil sa pagiging BV ko
ay agad ko siyang sinagot.
“Laia, go and serve the prince.”
“Magpapalit po muna ako.” Matamlay kong sagot sakanya. Kinuha ko
ang uniform ko sa cabinet at nagsimulang magpalit. First three buttons palang
ng damit ko ang naaalis ko ay agad siyang sumagot.
“Go now! He’s starving! Kanina ka pa niya hinihintay!” sigaw niya
saakin. Haaaaay, kainis kaaaa….sira na nga araw ko, sisirain mo pa! Dahil sa
inis, ay agad ko siyang sinigawan.
“Hindi niyo po ba nakikita na nagpapalit ang tao. Maghintay naman po
kayo ng mga ilang minutes, hindi naman po ako inaabot ng isang linggo sa pagpalit.
Gusto niyo po bang pagsilbihan ko ang prinsipe na ganito itsura ko?! Ha?! Ha?!”
napatahimik ang lahat sa ginagawa nila, lalong lalo na si Madam Tanda. Sanay na
siya na sinasagot ko siya pero ngayon lang siya napatahimik kasi sinigawan ko
talaga siya.
Eh sino namang hindi mawawalan ng
respeto sa isang tao kung wala siyang respeto sa’yo diba? Kainis lang. Umalis
nalang siya sa quarters at ipinagpatuloy ko nalang ang pagpalit ko ng damit.
Pagkatapos kong magpalit ay
dumiretso ako sa kusina at kinuha ang pagkain para sa prinsipe at pumunta sa
kwarto niya para ibigay ang meryenda niya.
***
Nagkatok ako ng tatlong beses at
agad pumasok sa kwarto niya. Wala akong pakialam kung hindi siya sumagot. Gusto
kong ibigay sakanya ang meryenda niya at umalis na sa kwarto niya. Ayoko makita
pagmumukha niya kasi baka may magawa pa ako sakanya na masama.
Nahuli ko siyang nagsustrum ng
guitar nang binuksan ko ang pinto. Pero, agad siya tumigil nang pumasok ako sa
kwarto niya.
“Here’s your food,” at inilapag ko sa table niya ang pagkain. “Please enjoy it.” Nagbow ako sakanya
naglakad paalis sa kwarto niya.
“Laia” Masaya niyang tawag saakin. “What?” naiirita kong tanong sakanya. Alam kong aasarin niya naman
ako, it’s because of that tone. It sounds happy yet mischievous. “I can play the guitar!”
=__=
Haha, very funny.
“Pake ko, bakit tinatanong ko ba?” at tinaasan ko siya ng kilay. “By the way Prince Nero, may atraso ka
saakin.”
“Huh? Atraso? Anong ginawa ko sa’yo?”
Fuuuudge, antanga mo eh no?
Ansarap lang sapakin eh! “Tss! Tanga! Alam
mo ba nung nginisian mo ako eh dinumog ako ng mga bubuyog mo ha?! Ininterrogate
nila ako na parang isang kriminal, hindi lang yun ah! Sinira pa nila sapatos
ko! Dahil doon eh naglakad ako mula sa RHA hanggang dito sa palasyo!”
“Aaaah, I did not smirk at you,” Dahil sa sinabi niya ay agad kong
kinuha ang apple sa pagkain niya at ibinato sakanya pero nakailag siya. “Hehe, joke lang. Oo, oo! Ikaw nga…”
“Kainis ka ah! Next time, wag mo ako titigan at ngisian ha?! Magpanggap
ka nalang na di mo ako nakikita.”
“Okay, pero sa isang kondisyon.”
“Ano?!”
“I want you to play the guitar.” Tss, yun lang!? piece of cake.
Naglakad ako papunta sakanya at kinuha sakanya ang guitar niya. Umupo ako sa
upuan na nasa tapat niya at nagsimulang tumugtog. Playing the guitar is a piece
of cake to me, kasi nung bata pa ako ay tinuruan ako ng uncle ko na isang
traveling musician.
Fingerstyle guitarist ako, it’s
one of my assets. Pero, walang nakakaalam sa talent ko, except sa isang tao na
nasa harapan ko.
“Waah, galing mo pala tumugtog.”
“Siyempre, expert ako eh,” At inirapan ko siya. “Nang makita kitang magstrum eh wala sa
tono. Nakakatawa nga eh, kasi feel na feel mo pa.”
“Marunong ako, pero matagal na akong di nag-gigitara.”
“Bakit?” tanong ko sakanya. Tiningnan niya ng saglit ang gitara na
nasa tabi ko, and then I saw it. A glint of sadness in his eyes. Pero, agad
iyon napalitan ng isang ngiti. “Kasi,
tinatamad ako.” Sagot niya na nakangiti. Liar
“Oh, nakapagtugtog na ako. Aalis na ako, tawagin mo nalang ako kapag
may kelangan ka.” Tumayo na ako at umalis na sa kwarto niya. “Wag mo akong pansinin sa
RHA ah? Sasapakin
talaga kita.” Sabi ko bago ako umalis sa kwarto niya.
“Paturo bukas.” Sabi niya at sinarado ko na ang pinto.
Those sad eyes
Hindi ko inaakala na naging
malungkot ang prinsipe.
***
Kasalukuyan akong naghuhugas ng
mga pinggan, ganundin si Aisla. Kakatapos lang kasi kumain ng Hari at Reyna at
ang magaling nilang anak na si Prince Nero. Kaming mga dalaga ang gumagawa ng
mga household chores sa mga ganitong oras kasi kumakain ngayon ang mga
matatanda. Saka na kami kakain pagkatapos naming gawin ang mga dapat gawin.
“Kadiri ka Aisla.”
“Pake mo, I’m in love with him na.”
“Anung in love? Obsession ang tawag dyan.”
“Ano ka ba?! Wag ka nga bitter.”
Nakakadiri lang ang ginagawa ni
Aisla. Yakap yakap niya kasi ang pinggan na kinainan ni Prince Nero. Pero,
nahugasan naman siyempre. Super kadiri talaga kapag yakap yakap niya ang pinggan
ni Prince Nero na hindi nahugasan.
Napabuntong hininga nalang ako.
Kung hindi lang sana ako nakipagpalit ede sana okay na ang buhay ko. Pero, baka
si Aisla ang gumahasa sa prinsipe at baka matraumatize ang prinsipe dahil
sakanya.
Pagkatapos naming maghugas ay
nagsimula na kaming kumain. Masaya kaming nagchicihikahan ng bigla nalang
sumulpot si Madam Tanda. Siyempre, lahat kami tumahimik.
“Ms. Laia” tawag niya saakin. Nakakapanibago kasi hindi masyadong
galit ang tono ng boses niya nang tinawag niya ako. “Bakit po?”
“The king and queen wants to talk to you. Go to the throne room, they
are currently there.” Anak ng tipaklong, anung gusto nilang sabihin saakin?
Nalaman ba nila ang tungkol sa pag-iinsulto ko sa anak nila? Waaah! Ipapabitay ba
nila ako?
Napatingin ako kay Aisla, worry
is written all over her face. Nginitian ko nalang siya at naglakad papunta sa
throne room.
Throne room
Nang makapasok ako sa throne room
ay nagbow ako sa hari at reyna. Nakatingin ako sa baba kasi hindi ko sila pwede
tingnan. Like duh? Royals sila…
“Your Laia Iris Claudel right? the daughter of Meredith Claudel.” Tanong
ng reyna na si
Queen Maerwynn Herallin. “Opo.”
Sagot ko sakanya.
“Raise your head, I want to see the face of my son’s new personal maid.”
Utos ng hari na si King Cassius Herallin. Dahan dahan kong itinaas ang ulo ko,
at unti unti ko ring nakikita ang itsura ng hari at reyna. But, I stopped
halfway.
Natatakot kasi ako eh, baka kapag
itinaas ko ulo eh mapaparusahan ako kasi test lang pala ‘to saakin. Uwaa! Samutsaring
bagay ang naiisip ko.
“Sigurado po ba kayo? Kasi, hindi po pwede diba?” tanong ko
sakanila.
“It’s okay, we’re the one who requested it.” Sagot ng reyna at
tuluyan kong itinaas ulo ko at nakita ako ang itsura ng hari at reyna.
*gulp*
They look so, young but not that
young!!! Sa edad nilang fifty eh mukha silang nasa mid 20’s. Angwapo ng Hari,
pwede ko na maging crush. Aish! Nahahawa na ako kay Aisla. Tas yung queen,
anganda niya, wala siyang wrinkles, tas ang kinis pa ng kutis niya.
Nakakainsecure.
“Nalaman namin ang tungkol sa pag-insulto mo sa anak namin,” Sabi ng
reyna. “Nalaman namin iyon mula kay Head
of maids na si Augusta.” Fuuudge, ayoko na talaga kay Madam Tanda. Wala
talaga siyang konsiderasyon, batang bata palang ako eh gusto na niya ako
makulong?! Eh kung ayaw niya saakin, eh bakit hindi nalang siya ang umalis. Total,
mayaman na siya at matagal na siyang naninilbihan dito sa palasyo.
“Patawad po Reyna Maerwynn! Di ko po sinasadya na insultuhin si Prince
Nero. Ku..kusa po kasi na gumalaw ang katawan ko dahil po sa ginawa niya…parang
awa niyo na po…” pagmamakaawa ko sakanila habang nakapikit mga mata ko.
Hindi ko sila kayang tingnan kasi ayoko makita kung anung expression nila. Kung
galit sila, nalulungkot o masaya…
“Laia, kami dapat ang humingi ng tawad sa’yo.” At napatigil ako
magsalita nang magsalita ang hari. Huh? Ano daw? Sila ang humihingi ng tawad? Si..sigurado
kayo? Baka nag-iimagine lang ako.
“H…ho?”
“Hindi naman alam kung ano ang nangyari sa anak namin. Pinalaki namin siyang
mabuting bata, napakabait pa nga niya dati pero bigla nalang nag-iba ugali niya
dahil sa isang pangyayari. Hindi naming inaasahan na dahil doon ay magbabago
siya bigla…” pagpapaliwanag ng reyna. “na
parang isang kidlat.”
“Dati, nirerespeto niya lahat ng mga naglilingkod dito. He even asked
us to abolish the rule about the low class not looking at the superior class.”
Dugtong ng hari.
“Maaari ko po bang malaman ang dahilan?” nacucurious talaga ako.
Ano bang nangyari at naging ganun si Prince Nero? Sa paliwanag ng hari at reyna
eh may kinalaman iyon sa aming mga servants. May gumawa ba ng masama sakanya?
“I’m sorry but it’s highly confidential. We don’t want any information
be leaked out of this palace.” Sagot ng reyna. “But, there will be a right time, where you will know about it.”
“A…ayos lang po saakin na hindi ko po malaman ang nangyari, kasi wala
po akong karapatan na malaman iyon.”
“Mabuti, Laia. Mabait kang bata.” Ano ba King Cassius? Kinikilig ako! Undo! Undo! Undo!
“Gusto lang naming sabihin sa iyo na ayos lang saamin na maging ganun
ka sa anak namin.” O__o huh? What?!!!! “H…ho?”
“I think that there’s must be someone who will stood up and face him in
order for him to change, and I think that the suitable person is you, Laia.”
Bakit ako? Porket sinasagot ko na siya eh kaya ko na siyang kalabanin? Eh
paminsan minsan pa nga eh, parang napaparalyze ako kapag tinitingnan niya ako
ng maigi at parang napapako lang tingin ko sakanya.
“Ako po?”
“Oo, ikaw nga. May tiwala kami sa’yo na mababago mo siya, na mababalik
mo siya sa dating siya, sa totoong siya.”
YIIIIIEEEEEEEEEEEE! Nakakakiliiiiig! SHAAAKS! Tapos bagay pa kay Song Joong Ki yung pangalang, Nero! YOHOHOHO susubaybayan ko po ito. As in! <3 <3 <3
ReplyDelete~AnnaBanana:">
Ayieee! thanks!!!! *virtual hug*
Delete