Chapter 23
FARLEY'S POV
"Bakit mo ba naisipan na mamasiyal sa labas ng
campus?" Tanong
ko sa kanya.
"Kailangan. Dito palang ay nasasakal na ako." Sagot
ni Wistar. Nagkatinginan kami ni Fameh na nginangatngat ang apple.
"Nasasakal? Eh kanina lang ay hindi ka naman ganyan
ah."
"Basta. Kailangan ay sumama kayo sa akin. If it's about
your appearance ay kaya kitang pabalikin...I mean kaya kitang gawin isang tao
pansamantala at si Fameh naman ay walang problema dahil she could pretend
herself as one of my stuff toy."
Tinitigan
ko siya. Parang may hindi tama sa kanya pero hindi ko matukoy. "Hindi naman siguro tungkol sa redux tortoise? di
ba?"
Umiling
siya. "Huwag kang mag-alala dahil wala na
akong pakialam sa panaginip na iyon. Ang gusto ko lang ay mamasiyal sa labas.
Matagal na din akong hindi nakakaalis dito sa campus."
"Kung sa bagay."
Pagkatapos ng almusal namin ay umalis na kami sa canteen at naglakad papunta sa
gate.
"Alam mo na ba ang spell?"
"Oh yes."
"Okay pero huwag mo na lang sayangin ang enerhiya mo. Ako
na lang ang bahala sa sarili."
May
nahagip akong isang babae. Nakatalikod ito pero kakaiba ang kulay ng balat.
Sinulyapan ko si Wistar na maaliwalas ang mukha, binalik ko uli ang tingin sa
babaen iyon pero wala na ito sa kinatatayuan.
Baka
namalikmata lang ako.
"kaya mo ba magpalit ng anyo?"
"Oo naman! Isa akong high class familiar kaya kayang-kaya
ko ang pinapagawsa mo sa akin. Teka lang pupunta mo na ako sa CR." Tinaasan niya ako ng kilay. Oo nga
naman. Ano naman ang gagawin ko sa CR kung isa lamang akong BEAR.
Nagpaalam
muna ako ng sandali din pumunta sa CR ng mga lalaki. Pinagtitinginan ako pero
wala akong pakialam. Pumasok ako sa isang cubicle.
"Maa ... vesi ... kuule mu häält, annavad
minu soovi, muuta mind tagasi oma tõelise vormi." Naglabas ng liwanag ang hikaw ko na
nasa tenga ko at naglalabas ng kumikinang ng alikabok at dumikit sa katawan ko.
Unting-unti ko naramdaman na humaba iyong kamay at paa ko at kakaibang init na
sumungaw sa aking katawan.
Nang idilat ko na ang mata ko ay naging isang tao na ako.
Ang problema ko na lang ang kung saan ako kukuha ng damit. Wala akong damit! ni
isang maliit na saplot ay wala! Sumilip ako sa labas at naagaw ang pansin ko sa
isang lalaki na nag-ji-jingle. May dalawa itong maliit na bag. Baka may damit
doon kaya naman iniikot ko ang daliri at ang damit na nasa loob niyon ay nasa
kamay ko na.
"Pambihira! kaya ayoko maging tao eh dahil ang lamig!"
Sinuot ko na ang damit na iyon. Sa nagmamay-ari nitong damit. Pasensiya! kailangan ko ang damit mo!
Lumabas na ako sa CR at dumiritso na kung saan naghihintay
si Wistar. Sinulyapan niya ako at nag-o shape ang labi.
"Sinong artista ang ginaya mo?"
Sa
hindi malaman ay pinagpawisan ako, kaya ko naman iyon sagutin eh.
VESTER'S POV
Night
Rooftop
Habang
nakaupo sa bubong ng bahay ko, tinatanaw ang buong kapaligiran ng campus.
Kinuha ko ang bato sa breast pocket ng polo shirt na suot ko. Doon ko na naman
binaling ang attention ko. Habang tumatagal na titigan ko iyon ay naramdaman ko
ang kirot sa mata ko. Damn. Not now.
"Hindi ka pa ba aalis?"
Sa
gilid ng mata ko ay nakita ko si Raulin na nakatayo sa gilid ko. "How's your wound?"
Imbes
na sagutin ang tanong ko ay umupo ito sa tabi ko. "Your
eyes change again, better hide it or else someone will see you."
"Fuck." Hinilot ko ang sintido dahil sa tindi ng kirot. Tumayo na
ako at tumalon patungo sa balcony. Sumunod naman sa akin si Raulin. "Umalis ka na dito."
"Hahanapin ka nila kung hindi ka pa aalis ngayon.
Kailangan ka nila makausap."
"If it's about the stone, I have it already. I don't have any
intention to give to that retard levion."
"You can't do that."
"Yes i can. kagaya ng ginawa mo." Hinarap ko
siya, nanlilisik ang mga mata. Kung nagbago man ang kulay ng mata ko ay hindi
ko na alam.
"I have my own reason. Ikaw wala."
Nasabi
ko na ba sa inyo na ang tanging nakakaalam sa personality ko ay sina Raulin at
Hackette? iyan nasabi ko na. Hindi nga lang masiyado halata dahil pinagbawal ko
sila na tratuhin ako na close nila o kilalang-kilala. Takot lang nila kapag
nagalit ako.
"Oh yeah? E-explain mo nga sa`kin kung bakit mo ibinalik kay Ianthe ang bato? You already took it from her at anong ginawa mo? binalik mo!"
Tahimik
lang siya na nakikinig sa sinabi ko. Wala atang makuhang isasagot.
"Dahil sa babaeng iyan kaya nasa ganyan ka kalagayan ngayon.
Don't play dumb dahil alam ko na hindi pa naghilom iyang sugat mo na natamo
m--"
"Okay lang ako. maghihilom din ang sugat ko. Kaya pumunta ka na sa pulong. Inutusan ako ng ina mo." Putol niya sa akin.
"Mind your own business! Sabihan mo sa babaeng iyon na hindi ako aalis dito sa bahay! hindi ako uuwi para lang daluhin ang pulong na iyon!"
"Bahala ka. Ah nga pala, kanina nakita ko si Wistar na lumabas sa dorm na may bitbit na bag. I think may pupuntahan sa dis-oras na ng gabi."
Sukat na marinig ko iyong pangalan ng babaeng iyon ay bigla na lang ako huminahon kahit saglit lang.
"Babalik din naman siguro sa dorm." Patuloy ni Raulin.
Agad
din naman nagbalik iyong init ng ulo ko. "Bakit
mo naman nabanggit sa akin ang babaeng iyon?"
Nagkibit
balikat siya. "Napapansin ko kasi na
napapalapit ka sa babaeng iyon."
"Don't make me laugh. Nagpapalipas lang ako ng oras."
"Hindi iyan ang tingin ko sa nakikita ko sa kilos mo tuwing
kasama mo siya. Your acting as if..."
"Sasabihin ko sa`yo gusto ko siya dahil nakakatuwa siya. Siya
ang pangawalang babae na asar sa`kin."
"Wala na akong masabi. kalimutan mo na ang babaeng
iyon, Vester." Tumalikod na siya. Hindi na lang
ako nagkomento tungkol sa babaeng iyon. She only cause me a heart ache pero
naka-move on na ako.
Hahayaan
ko sana siya makaalis pero sumagi sa isipan ko ang babae na nakasuot ng nurse
uniform. Baka may alam siya.
"Sandali. Matanong ko lang may kilala ka bang babae na pale white ang kulay ng balat at ang mata niya ay dilaw?"
"Are you talking about the originator, vester?"
Of course alam ko na isa itong Orginator dahil sa balat palang nito at kulay ng mata. Alam ng lahat ang history ng Originator. Hindi iyon inborn ng isang newtar maliban sa isang tao fifteen years ago. I had read the historical book about this kind of being pero kunti lang ang nakasulat tungkol sa taong iyon. Back to Orginator. Kagaya nga ng sinabi ko hindi iyon inborn, isa iyon sa pinakamalaking issue sa Zephian, may mga sakim sa kapangyarihan nanaghahangad na makuha ang majika na tinataglay ng taong iyon kaya hayun ang ginawa nila ay nag-aral ang mga ito ng itim na majika at kinikidnap nila ang mga sanggol na bagong panganak palang at sinasagawa ang ritwal. And then they turn the baby into a Originator. Mas lalong lumalakas ang originator kapag napapalibutan sila ng negatibong enerhiya.
"Yes. She was wearing a nurse uniform at mukhang alam na alam niya
kung sino ako. She even called me 'panginoon' kahit na iyon ang una namin
pagkikita pero ang sinabi niya ay nagkita na kami."
"Siguro nagkita na kayo pero hindi mo lang alam iyon,
Vester. Wala akong masagot sa tanong mo kaya aalis na ako para magpahinga."
Sa pag-alis niya ay sakto din na tumindi ang kirot sa mata ko kaya
naman ay mariin na pumikit ako. Kailangan ang selyong iyon. Saan na ba iyon?
Hinalungkat ko sa cabinet o sa kung saan lugar iyong selyo pero hindi ko
makita. Dahil hindi ko makita iyon ay pumunta ako sa pintuan. Spactral door
iyon, konektado ito sa iba't ibang mundo. At ito din iyong muntik na madiskubre
nina Wistar at Yvonne, mabuti na lang at mahusay ako humabi ng kasinungalingan.
Pagbukas ko sa pinto ay sinalubong ako ng ingay na nagmumula sa ika-apat na
lagusan. I could sense from his voice na galit na galit ito. Wala akong
magagawa kundi harapin uli ang lolo ko, na nag-alaga sa`kin noong bata pa
ako.
Hindi talaga kami close ng lolo ko dahil narin siguro isa akong half.
Isa kasi itong full fledge celestial dragon, well, iyon nga eh. human form nga
lang at hindi dragon. Minsan ko lang siya nakikita na nasa dragon form. Bata
pa lang ako ay hindi na ako nakaranas ng pagmamahal mula rito, at sa mga
relative ko naman ay napaka-plastik! Tatratuhin lang ako maayos at kapag
nakatalikod naman ako ang tindi makainsulto! Siguro sa kanila ako natutong
magpakaplastik. Maging isang CLOWN sa harap ng tao.
Naputol ang pag-iisip ko nang may nagsalita sa likod ko. Hindi
iyon si Raulin dahil nakaalis na ito kanina pa lang at ang boses niya ay babae!
"Sinabi ko na sa`yo panginoon na patayin mo na ang babaeng
iyon... napalapit na ba ang puso mo sa babaeng iyon?”
Nang lumingon ako ay may kung anong pinasuot ito sa
mukha ko. May binulong pa siya sa`kin na hindi ko maintindihan dahil kung mas
sobrang sakit na naramdaman ko sa mata ko ay mas lalo pa tumindi ngayon, suot
ko ang bagay na ito sa mukha ko!
“Hindi bale, balang araw ay mamatay din naman siya sa kamay mo.”
ang ganda. Namiss ko po magbasa dito.
ReplyDelete~angel is luv~
Update pa po plss.. Namimiss ko na si vester..
ReplyDelete