Sadie - Two
"So what is this all about? Namiss niyo nga ako kaya
kayo nandito?" tanoong ko habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa library
dito sa Mansion.
"We're going back." Napatingin ako kay Dad ng sabihin niya yon.
"Going back where?" tanong ko pa ulit kahit may
hint na ako kung saan ang sinasabi niyang lugar. "Hey! Raji get me some
chocolate cake." baling ko sa butler kong di ko alam kung paano ko naging
butler. Tumango naman siya at yumuko.
Pagkaalis niya hinrap ko ulit si Dad.
"Going back where?" ulit ko, para kasing hindi
niya ako narinig.
"Sadie---
"Meredith." pagtatama ko bago pa niya ituloy ang
sasabihin niya.
"Meredith or Sadie walang pinagbago , Hija. At isa
dapat ka nang masanay na gamitin ang totoo mong pangalan dahil babalik na tayo
sa ating lupain." may diin ang bawat salitang binitiwan ni Dad.
Naiintindihan ko ang ibig niyang iparating.
So babawiin na pala namin ang matagal ng dapat sa amin.
Na-eexcite ako! Makakapaghasik na ako ng kamalditahan ko ng walang pumipgil sa
akin. Pero siyempre kahit na natutuwa ako hindi ko iyon ipinakita sa kanila.
"Paano naman natin gagawin iyon? Hindi ba't
pinagbawalan tayong bumalik doon?" Wala kaming kapangyarihan. Tinanggalan
nila kami ng kapangyarihan. Isang sumpa. Nanggigil ako sa isipin na iyon.
"Nagawan ko na ng paraan iyon, Mer." Pssh. Hindi
ko nilingon ang nagsalita. Mer her Face! Siya na! Siya ng magaling.
"So kung nagawan niya na pala ng paraan bakit may
meeting pang ganito? Nagmamabagal pa
tara na! Bagal eh!!" may pangungutyang sabi ko. Hindi ko alam
umiinit talaga ang ulo sa mga ganitong usapan lalo't nararamdaman kong may
binabalak na naman sila patungkol sa akin.
"Hindi ganoon kadali iyon,Sadie. Kahit na pa hawak
parin natin ang ibang pamilya sa lugar na iyon hindi maiiwasan magkaaberya
dapat tayong mag-ingat." Isa yan sa mga bagay na gusto ko kay Dad maingat
siya sa bawat galaw niya. Karespe-repesto ang dating hindi katulad ng iba diyan.
"Kung ganoon, anong plano?" naiinip na tanong ko
habang kinukuting-ting ang mga kuko."
"Kailangan mong pakasalan ang ang isang Caelum."
"K." Simpleng sagot ko lang. Wala naman akong
magagawa eh. Kahit ang gusto ko talagang sabihin eh. "What?! Pati ba naman
ako Dad?! Si Lucifer nga fixed marriage na pati ako isasali niya sa kagaguhan
na yan!"
Yes, Fixed marriage lang si Elleiana at Lucifer.
Makapangyarihan ang pamilya nila Elleiana kaya ayun ang sira ulong Lucifer,
pumayag pakasalan ang kawawang babae. Sinamantala niya na patay na patay
sa kanya ang babaeng yon. Sino nga ba
naman ang hindi, Gwapo siya, matalino ---- Teka hindi ko siya pinuri!
Hindi talaga!!
"Sadie!!"
"Sadie!"
"Huh?" napatingin ako tumatawag sa pangalan ko.
Mukhang lumipad na naman ang isip ko. Nakatingin silang lahat sa akin. Problema
nila
.
"Oh bakit kayo nakatingin?" tanong ko. Nandito
narin pala si Raji. At nasa harap ko na din ang chocolate cake na hiningi ko.
"Nandito na ang Fiance mo,Sadie." napangalingon
ako sa may pinto ng bumukas iyon. Hindi ko alam pero automatic na gumalaw ang
kamay ko at inihagis ang chocolate cake na hawak ko sa may pintuan."
--
"Grabe, Sadie! Ang sadista mo talaga! Hagisan daw ba ng
chocolate cake ang fiance?! Sakto pa sa mukha!!" Hindi ko pinansin si
Elleiana na kanina pa tawa ng tawa. nasa may terrace kami habang hinhintay ang
Fiance niya at FIANCE ko na nililinis nag mukha niya dahil sa hinagis ko na
cake.
"Pero inferview kahit na pa may chocolate siya sa
mukha, gwapo pa din siya! Ang gwapo talaga ng Fiance mo!!" Tsk.
"Palit tayo gusto mo??" seryosong sabi ko.
Napatingin naman siya sa akin.
"Huh?"
"Sabi ko palit tayo ng Fiance."
"Ah eh joke ba ya---
"Mukha ba akong nagbibiro?" napansin kong namutla
siya. Para bang may sinabi akong mali.
"He he-- Sadie naman eh, magkapatid kaya kayo ni
Lucifer."
"So?" seryoso padin ang mukha ko habang nakatingin
kay Elleaina. Medyo nagulat ako sa pag-iiba ng kulay ng mga mata niya pero
hindi ko pinahalata saknya yon.
Hindi ako natatakot sa kanya kahit alam kong sa oras na to,
wala akong laban sa kanya kung kapangyarihan ang labanan. Pero kahit ganoon
hindi ko siya aatrasan.
Para saan pang naging Malum ako kung matatakot ako sa kanya.
Tiningnan ko siya deretso sa mata.
"Your still inlove with him." usal niya. Hindi ko
siya sinagot at tinalikuran ko nalang siya. Hindi naman tanong ang sinabi niya
kaya wala akong dapat isagot.
Bago pa ako makalayo ay nagsalita pa siyang muli.
"Kaibigan kita, Sadie. Pero what's mine is mine."
Hinarap ko siyang muli at nagsalita.
"For the record, Elleiana hindi kita kaibigan. And
she's not yours. Remember that." May diin ang bawat salitang binitiwan ko
bago ako tuluyang umalis.
Naglalakad ako sa may pasilyo ng madaanan ko ang Fiance ko.
"So your still inlove with him, huh?" Aish.
Pagkatapos ni Elleiana eto na naman?! Hindi ba sila nagsasawa sa paninira ng
araw ko.
"Pwede
ba!?" naiinis na sabi ko, saka ko siya nilagpasan.
"Forget about him, Meredith. I'm here." Psh. I'm
here daw. Leche siya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Meredith!!" Binilisan ko ang paglalakad ko ng
maramdaman kong malapit na siya sa akin.
"Stop right there Meredith Malum!!" doon ako
napahinto, tinawag niya ako sa pangalan
ko.
"Ano bang problema mo ha Jace Caelum??!" balik
sigaw ko.
Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Tinabig ko ang
kamay niya.
"Hindi ka parin nagbabago." sabi niya.
"Nagbago na ako."
"Kung nagbago kana bakit naapektuhan ka pa din kay
Travis?"
"Psh."
"Kita mo?"
"Pwede ba! Nakakanis na kay omga leche kayo! Ulit -ulit
kayo?! Sinabii ko na ngng nagbago na ako! Ano bang pakealam ko sa Travis o
lucifer nayon?! Pakialam ko kung fiancee na niya yung babaeng yon?! Pakelam ko
kung sweet siya sakanya-----
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng yakapin ako ni
Jace.
"Wala ka ngang pakialam." natatawa niya pang sabi.
Sasagot sana ako sa kanya ng biglang makarinig kami ng pagsabog.
Dali-dali kaming pumunta roon.
Nanlalaki ang mata ko ng makita ko ang pinagmulan ng pagsabog.
"Chase?!!"
"Oh! Hi there! Sadie loves!!"
paalala po, sa next post, paki-JUSTIFIED po ang post. thanks~
ReplyDelete