Monday, October 14, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 45



CHAPTER 46

[ MEGAN’s POV ]


Iniliko ko ang kotse ko sa may eskinita. Nang nasa dulo na ko, lumingon ako sa kanan. May mga mangilan-ngilang bahay akong nakita. Sa bandang kaliwa ko naman, isang bahay lang ang nakita ko at puro puno at damo na lang ang makikita ko mula sa malayo.


Sa kaliwa ko iniliko ang kotse. Dalawang minuto akong nagpaikot-ikot nang matanaw ko ang ilang palapag na lumang building. Inilapit ko ang kotse ko do’n. Nasa bandang likurang bahagi ako ng building na may nakapaligid na mataas na pader.


Umikot ako at hinanap ang gate. Nang makita ko ‘yon ay agad din akong napa-preno nang may matanaw akong mga sasakyan di-kalayuan. Iniatras ko agad ang kotse ko patago sa may kanto ng kalsada.


Bumaba ako ng kotse. Mabagal akong lumakad papunta ng gate. Bahagyang nakaawang ‘yon. Sumilip ako. May nakita akong mga lalaking nakatayo. “Oh my! Sina Jaylord!” Umatras agad ako ng hakbang. Sa pagmamadali ko, muntik pa kong matapilok. Naka-high-heels pa naman ako.


Bumalik ako sa kotse. Inistart ko ang ‘yon at nag-u-turn pabalik sa pinanggalingan ko kanina. Hininto ko ang kotse sa likurang bahagi ng building. Lumabas ako ng sasakyan. Lumapit ako sa isang puno. Hindi ko maabot ang sanga no’n. Nilingon ko ang kotse. May naisip ako. Pumasok uli ako ng kotse at inabante ‘yon palapit sa ilalim ng puno.


Hinubad ko ang high heels kong suot at hinawakan ‘yon. Sumampa ako sa ibabaw ng kotse. Napangiti ako nang maabot ko na ang sanga. Mas lalo akong napangiti nang makasampa ako sa puno. Habang nakakapit sa iba pang mga sanga, tinulay ko nang dahan-dahan ang malaking sanga na nakasampa sa ibabaw ng pader.


When I finally stepped over the wall, I accidentally slipped my other foot. Napatili na lang ako at napapikit nang tuluyan akong bumagsak.


“Ouch!” I opened my eyes. I landed over an... “Eeew!” Hindi nga ako nasaktan, pero bumagsak naman ako sa madumi at maalikabok na kutson. May mga maduduming plastic pa akong nahawakan. All in all, bumagsak ako sa isang basurahan! “Eeew talaga! Kadiri!”


Pero agad din akong napahinto nang may alaalang pumasok sa isip ko.


Déjà vu.



- F L A S H B A C K -

Three years ago...


Tinanggal ko ang sunglasses ko pagkalabas ko ng airport. “Welcome to the Philippines, Megan.” I murmured. It’s been four years since the last time I stepped my feet here in the Philippines. Sa States kasi ako nag-aral ng college.


Sumakay ako sa kotseng naghihintay sakin. Five minutes na kong nasa byahe nang makatanggap ako ng tawag mula sa daddy ko. I rolled my eyes. Katatawag lang niya thirty minutes ago.


“Hello, dad.”


“Where are you, Megan?”


“I’m on my way na, dad.”


“Just make sure—”


“Yes, dad. I know.” I rolled my eyes once again. Para naman akong bata nito. “I’ll see you later, dad. Ciao!” I ended the call. Ini-off ko din ang phone ko at inilagay sa bag ko. Binalingan ko ang driver. “Stop the car.”


Sinilip niya ko sa rear view mirror. “Po?”


“I said, stop the car.” mataray kong sabi. Mabilis naman niyang inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Bumaba ako ng kotse at tumapat sa driver seat. Kinatok ko ang bintana. “Get out.” Mabilis naman siyang lumabas ng kotse. “Just tell my dad that I’ll see them later tonight.” Pumasok ako ng kotse at pinaandar ‘yon.


“Ma’am Megan!”


Hininto ko ang kotse at iniatras pabalik sa driver. Binuksan ko ang bintana. “On the second thought, just tell them that I’ll see them tomorrow.”


“Pero, Ma’am Megan. Pagagalitan po—”


Pinaharurot ko na ang kotse.


= = =


“One more Margarita.” I said to the bartender. Pang-apat ko na ‘yon.


“Need some company, miss?”


Hindi ko nilingon ang katabi ko na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. May iniisip ako. Iniisip ko kung bakit pa ako bumalik dito sa Pilipinas. I should have stayed in States. For good.


Malaya kong nagagawa ang gusto ko do’n. Na walang mga matang nakasunod sakin. Na walang nagbabantay sa mga kilos ko. Yun nga ang dahilan kung bakit mas pinili kong mag-aral ng college sa States.


Lumaki akong nakukuha ang gusto ko. Lumaki akong spoiled brat. Apo lang naman ako ng presidente ng pinakamalaking airlines dito sa Pilipinas. Nakatutok sakin ang mga mata ng bawat tao sa paligid ko. Lalo na ng grandparents at parents ko. Dahil ako lang ang nag-iisang nilang apo at anak, malaki ang expectations nila sakin.


Binibigay nilang lahat ng gusto ko. Kahit ano pa ‘yon. Pero may kapalit naman ang mga ‘yon. At ‘yon ang dahilan kung bakit pinauwi nila ako ng Pilipinas.


“Miss.”


“I don’t need a company.” hindi lumilingong sabi ko sa katabi ko.


“But it looks like you need some—”


Tiningnan ko siya. “Go away.” Pumunta ko ng dance floor at nagsayaw. Dapat nga ngayon, nakakaramdam ako ng jetlag. Pero hindi. Wala kong maramdaman na kahit na ano.


“Hi, miss!”


Tiningnan ko lang ang lalaking sumulpot sa harapan ko bago siya talikuran. Pero may isa pang lalaking sumulpot naman sa harap ko. I rolled my eyes.


“Leave me alone, okay!”


Tinalikuran ko sila at bumalik sa kinauupuan ko kanina. “Margarita.” Isang minuto pa lang akong nakakaupo nang may sumulpot na naman sa tabi ko.


“Balak mo bang maglasing, miss?”


“Leave me alone, okay!” bulyaw ko sa katabi ko. Kumirot tuloy ang ulo ko. “Jeez! Go away!”


Pumunta ko dito hindi para makipaglandian sa kanila. Man! I decided na umalis na lang. Nakatingin na rin sa gawi ko ang mga taong malapit sakin. Pumunta muna ko ng restroom bago lumabas ng bar.


“Pa’no ba ‘yan? Walang nanalo sa pustahan natin.”


“Ang hina ninyo naman kasi.”


“Kami? Mahina? Nagsalita ang hindi mahina.”


“Ang ganda sana no’n. Katawan pa lang, ulam na.”


“Wait! Siya ‘yon, right? That woman in black?”


Kumunot ang noo ko sa mga narinig ko. Are they referring to me? Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko ang apat na lalaking nakatingin sakin. Tumaas ang kilay ko nang makilala ko sila. Sila lang naman ang mga lalaking lumapit sakin kanina.


“Hi, miss!”


Naalala ko ang mga narinig ko mula sa kanila kanina. Pustahan. Katawan pa lang, ulam na. Naningkit ang mga mata ko. Yumuko ako at inalis ang isang stiletto ko.


“Anong problema mo, pare?”


Umangat ang tingin ko sa kanila. May isang lalaking naka-itim na nasa harap nila. Pinasadahan ko siya ng tingin. Mahaba ang buhok niya na bahagyang tumatakip sa mga mata niya. At ang suot niya? Rugged look. Sigang-siga ang dating.


“Wag mo nga kong tawaging pare.” sagot ng lalaking bagong dating. “Anong problema ko? Ayoko lang ng hilatsa ng mga mukha ninyo. Nakakairita.”


“Mayabang pala ‘to, eh. Dapat—aray!”


Nilingon ako ng lalaking ‘yon. Ang isa sa mga lalaking nangulit sakin sa bar kanina. Tinuloy ko kasi ang balak kong batuhin sila ng stiletto ko. Malas lang niya dahil sa kaniya tumama ‘yon.


Tinaasan ko siya ng kilay. “That’s for making me your pustahan. You don’t know me, okay. So don’t mess up with me.”


Balewalang naglakad ako palapit sa kanila at kinuha ang stiletto ko. Pero bago ko pa ‘yon mahawakan ay kinuha na ‘yon ng lalaking bagong dating. Inilahad ko ang kamay ko. “My stiletto.”


Nakatingin lang siya sakin. Ang mga mata niya. Kahit madilim, kitang-kita ko ang ekspresyon ng mga mata niya. Ang talim ng tingin niya kahit salungat naman ‘yon sa ekspresyon ng mukha niya na parang bored na bored. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya at nakipaglaban ng titigan sa kaniya.


I’m Megan Fredella. Never akong sumuko at nagpakita ng kahinaan sa ibang tao.


Napatili ako ng basta na lang niya akong hilahin papunta sa likuran niya. Nakita ko pa kung paano niya sinuntok ang lalaking nasa harapan niya. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang sinusuntok at sinisipa niya ang apat na lalaking sinusugod siya.


“What the hell is happening?” halos pasigaw na tanong ko. Lumingon ako sa entrance ng bar. “Oh my!” Nakita kong may palabas na dalawang bouncer. Inalis ko ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay ko pero hindi ko maalis. Para pa rin siyang action star na nakikipagsuntukan gamit ang isa niyang kamay at mga paa.


I don’t have a choice but to pull this stupid guy na ayaw akong bitawan. “Let’s go!” Hinila ko talaga siya bago pa kami maabutan ng mga bouncer.


“Why the hell did you do that? Why did you punch those guys?” inis na tanong ko sa kaniya habang para akong tangang tumatakbo na walang suot na sandal ang isa kong paa.


“And why the hell did you pull me? I’m not yet finish with those stupid guys!”


“You are the stupid one, idiot! You didn’t let go of my hand that’s why I pulled you! Moron!” Naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko. Nilingon ko ang likuran namin. “Oh my! They are still following us!”


“Wait! Why the hell do I run?” Huminto siya.


“Jeez! I shouldn’t get myself involve with a trouble like this!” Nang nasa States pa ko, para hindi makarating kina lolo ang mga kalokohang ginagawa ko, binabayaran ko lang ang mga taong napeperwisyo ko. Pero, the hell! Nasa teritoryo na ko nila lolo! “It’s your entire fault! You are so nakakainis! You are so—”


“Okay.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. “This way.” Kung sa’n-sa’n kami lumusot na dalawa. Lumabas kami sa isang eskinita. Huminto siya sa harap ng isang pader. Nagulat ako nang lundagin niya ang ibabaw no’n at abutin. Walang hirap na nakasampa siya sa ibabaw ng pader.


“Hey! What are you doing?!” Nilingon ko ang mga humahabol samin. Hindi ko na sila matanaw.


“Your hand.”


Napalingon ako sa lalaki. “What?”


“Bingi ka ba? Akin na ‘yang kamay mo.” Naka-extend ang kamay niya sakin.


Napatingin ako sa kamay ko at sa kamay niya. Saka lang nag-sink in sakin ang gusto niyang gawin. “What? I will...” Itinuro ko ang pader. Sunod-sunod akong umiling. “No! No! No! No!”


“Don’t try my patience woman. Iiwan kita dito.” madiing sabi niya. “Or else parehas nila tayong mahuhuli. Nambugbog lang naman ako. At ikaw ang humila sakin. Which means magkasabwat tayo. Sabagay, I don’t give a damn kung mahuli man nila ako.”


“What?! Wait!” Mabilis pa sa alas-kwatrong inabot ko ang kamay niya. Walang hirap na nahila niya ko paakyat sa ibabaw ng pader. “Oh my!” Napakapit ako sa leeg niya.


“Hey! Shit naman! Mahuhulog tayo! Wag mo akong—”
 

Tuluyan na siyang na-out-of balance. At dahil nakakapit ako sa leeg niya, pati ako nasama sa pagkahulog niya sa kabilang bahagi ng pader. Napatili na lang ako at hinintay na sumakit ang katawan ko.


Pero bakit gano’n? Bakit parang hindi naman ako masyadong nasaktan? Hindi masyadong masakit ang kinabagsakan ko? Matigas, oo. Pero kakaiba yung tigas niya, eh.


I opened my eyes. Sinalubong ako ng mga matang ‘yon. Ang matalim na mga matang ‘yon.


At kaya hindi ako masyadong nasaktan dahil ang lalaking ito ang sumalo sa bigat ko. Nakaibabaw ako sa kaniya. Hawak niya ang ulo ko at nakayakap ang isang braso niya sa beywang ko. At nakahiga kami sa...


“Eew!” Hindi na ko nakatili dahil mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. Nagpumiglas ako. But in just one swift movement, napagpalit niya ang posisyon namin. Siya na ang nakaibabaw sakin. At ako na ang naka-direct contact sa basurahang kinabagsakan namin.


“Shhh...” saway niya habang haplos ng isang kamay niya ang pisngi ko. At naglalaro ang pilyong ngiti sa labi niya.


Nanlaki ang mga mata ko. Is he a maniac?


“Nasa’n na sila? Ba’t biglang nawala?”


“Do’n tayo, pre!”


Mga boses ‘yon na narinig ko mula sa kabilang pader na pinanggalingan namin. Isang minuto ang lumipas ng tuluyang tanggalin ng lalaki ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Buong lakas ko siyang itinulak. Diring-diri akong tumayo at pinagpag ang damit kong suot.


“Eeew! So yakii!” Hindi ko alam kung paano tatanggalin ang masangsang na amoy na kumapit sa katawan ko. Sa sobrang inis ko ay napasigaw na lang ako. “So yakii! Aaahhh! Eeew! So yak—”


Nagulat na lang ako ng bigla akong buhatin ng lalaki. Binuhat na parang bigas. “Put me down! You, moron!”


“Shut up, will you!” bulyaw niya sakin habang prente siyang naglalakad sa gilid ng kalsada at buhat ako sa balikat niya. Walang masydong sasakyan na dumadaan. Mangilan-ngilan lang.


“Don’t shout at me! Idiot!”


Bigla niya kong ibinaba. Nasa isang park na kami. Matalim ang matang tiningnan niya ko. Sobrang talim na parang papatay siya ng tao. Nilabanan ko lang siya ng tingin. Maya-maya ay tumaas ang sulok ng labi niya. Para pa siyang baliw na inamoy-amoy ako.


Bumalik sa alaala ko ang kinabagsakan kong basurahan kanina. “Eeew!” Parang ayokong hawakan maski kamay o mukha ko o kahit anong parte sa katawan ko. Sa sobrang inis ko sa nangyari, hindi ko namalayang napaiyak na pala ako.


For the first time in my life, ngayon lang nangyari sakin ‘to. And I’d never imagine na mangyayari sakin ‘to. Ang mapahiga ako sa basurahan!


“You’re crying?”


“I’m not!” Tumalikod ako at pinahid ang pisngi ko para lang ma-realize na may nahawakang basura ang kamay ko. “Aaahhh!” Hinarap ko ang lalaki. “It’s all your fault! Stupid guy!”


Tumaas lang ang sulok ng labi niya.


“Anong tinatawa mo?”


“I’m not laughing. At nagtatagalog ka pala.”


Inis na tinalikuran ko siya at nagmartsa. Napahinto din ako at napatingin sa mga paa ko. Walang suot na sandal ang isa kong paa.


“You forgot your slipper, Cinderella.”


Nilingon ko ang lalaki. “It’s not a slipper, okay! Where’s my stiletto?”


“I don’t know?” patanong pa ‘yon ng sabihin niya na parang iniinis ako.


“You, stupid, idiot, moron guy! You’ll gonna pay for this!”


Nagkibit-balikat siya. “Mayaman ang pamilya ko. Kaya kitang bayaran. Kahit magkano pa ‘yan.” Humakbang siya palapit sakin hanggang sa tuluyan siyang makalapit sakin. Tumaas ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko. Tinabig ko ang kamay niya. “Gusto ko ‘yan.”


“What?!”


“Gusto kita.”


Napatili na lang ako ng bigla niya na naman akong buhatin katulad ng ginawa niya kanina. “Put me down!”


Hindi niya ko ibinaba kahit anong palag ang gawin ko. Nakarating kami sa gilid ng kalsada. May humintong taxi sa harapan namin. Parang sakong ibinaba niya ko sa back seat. This is the worst treatment I’ve ever received in my entire life! How ungentleman he is! “What the hell is wrong with you?” bulyaw ko sa kaniya.


“Everything.” Tinitigan niya ko. “Until you came tonight.”


Ano daw? Hindi na ko nakasagot nang walang paalam na hawakan niya ang paa ko. Nagulat na lang ako ng isuot niya sakin ang isa kong stiletto. Where did he hide that?


“From now on, I’ll gonna treat you right.”


“What?!” Naguguluhan na ko sa mga pinagsasabi niya. Is he insane? Is he in drugs?


“You hate troubles. I do love it. That’s why...”


“What—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya. He kissed me! This stupid, idiot, moron guy is kissing me! Nanlaki na lang mga mata ko sa ginawa niya.


“Bagay tayong dalawa.” He murmured against my lips.

 - E N D  O F  F L A S H B A C K -



“Sino ka?”


Naputol ang pagbabalik-tanaw ko sa boses na ‘yon. Umangat ang tingin ko sa harapan ko. Impit akong napatili nang may makita akong baril na nakatutok sakin.


“Miss Megan?”


“Yes, it’s me! Stupid! Ilayo mo nga sakin ‘yan!” Nagmamadaling tumayo ako at pinagpag ang damit ko. “Eeew to the highest level talaga!”


“Anong—“


“Don’t talk, okay!” Isinuot ko muna ang high heels ko bago ko siya harapin. “Bring me to your boss. Now.” madiing utos ko.


                              = = =     


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^