Saturday, November 16, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 46



CHAPTER 46

                        [ SETH’s POV ]


Hindi ko mapigilang mapadura habang nakatingin sa monitor na nasa harap ko. Para lang akong nanonood ng telenobela. Ang drama! Nakakasuka!


“Pwe!”


“Boss, bakit ba natin sinama ang lalaking ‘yan? Hindi kaya masira ang plano natin?”


Tiningnan ko nang matalim ang lalaking nakatayo sa gilid ko. “Natin, Oliver?! Kasama ba kita nung inisip ko ang planong ‘to, hah? Hindi diba?!”


“Hindi, boss.”


“Yun naman pala, eh. Kaya tumahimik ka dyan, pwede?” Kumunot ang noo ko. “Nasa’n ba si Eco, hah?”


“Umihi lang, boss.”


Nagsindi ako ng sigarilyo at ibinalik ang tingin sa monitor.


Sina Ellaine at Drenz.


Sila ang pinapanood ko. Ang walang katapusan nilang iyakan.


Pinatay ko ang monitor.


“Huh! Ang drama, puta! Napaduwag talaga ng lalaking ‘yan! Napakatanga pa!” Napakatanga talaga dahil umabot pa ng ilang taon bago siya maghiganti kay Jaylord. Palpak naman! Bwisit! Lalo na ang Kairo na ‘yon! Mga walang kwenta!


“Boss, hindi niya binaril si Ellaine.”


“Alam ko! Hindi ako bulag, okay! Ang tanga-tanga kasi ng Drenz na ‘yan! Puta!”


And that was because of that fucking so-called love!


Natigilan ako.


Love.

Huh!


Love only makes us weak.


“Boss, dumating na sila.”


Napangisi ako nang makita ko sa isa pang monitor ang grupo ni Jaylord.


“Huh! Talagang dumating siya.” Humithit ako sa sigarilyo ko at pinanood ang pagpasok nila sa teritoryo ko.


Nakapasok na sila nang mapakunot ang noo ko. Inilapit ko ang kinauupuan ko sa monitor. May isang babaeng lumapit sa gate.


“Megan?” Si Megan nga! “Anong ginagawa niya dito?”


Nakita ko siyang umatras at mabilis na umalis.


“Shit!”


Tiningnan ko ang iba pang monitor. May camera sa bawat sulok ng labas ng building na ‘to. Pati sa likurang bahagi. Maya-maya, nakita ko ang kotse niya na pumarada sa likurang bahagi ng building. Nakita ko kung paano siya gumawa ng paraan para makasampa sa ibabaw ng pader. Hanggang sa...


“Shit!”


Nakita ko kung paano siya na-out of balance at nahulog. Pero hindi lupa ang sumalo sa kaniya kundi ang lumang mattress. In short, sa basurahan siya bumagsak.


Hindi ko marinig ang sinasabi niya pero nakita ko ang reaksyon ng mukha niya. Just like what happened years ago...



- F L A S H B A C K -

Three years ago...


Just like what I used to do everynight, pumunta ko ng bar.


Maglalasing ako. At ang paborito kong gawin, ang manggulo.


Wala sina Eco at Oliver, ang dalawang alipores ko. I don’t know where the hell are they. At wala akong pakialam.


Lumabas na ko ng kotse at papasok na ng bar. Kaya lang, may grupo ng mga lalaki na nakaharang sa mismong daraanan ko. Walang pakundangang dumaan ako sa harap nila.


“Anong problema mo, pare?” narinig kong tanong ng isang lalaki.


Hinarap ko sila. “Wag mo nga kong tawaging pare. Anong problema ko? Ayoko lang ng hilatsa ng mga mukha ninyo. Nakakairita.”


“Mayabang pala ‘to, eh. Dapat—aray!” May bagay na lumipad at tumama sa ulo niya. Tiningnan ko ‘yon. Sandal? Where the hell it came from? From hell?


“That’s for making me your pustahan. You don’t know me, okay. So don’t mess up with me.”


Nilingon ko ang pinagmulan ng boses na ‘yon. Sa gilid namin. May isang babaeng palapit samin. Paika-ika siyang naglalakad. Walang suot na sapatos o ano ang isa niyang paa. So the sandal came from a hot lady fresh from hell, huh?


Kinuha ko ang sandal bago pa ‘yon makuha ng babae.


Inilahad niya ang kamay niya. “My stiletto.”


Tiningnan ko lang siya at hindi ibinigay ang sandal niya. Nakipaglaban siya ng titigan sakin. Na ipinagtaka ko. Hindi ba dapat, umiwas na siya ng tingin at matakot sa paraan ng pagkakatingin ko sa kaniya?


I am Seth Nevarez.


Sanggano lang naman ako. Maski ang mga naging babae ko, natatakot sakin kapag tinitingnan ko sila ng matalim.


Pero ang babaeng ‘to. Ni hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya.


Teka. Ang mukha niya. Bakit parang—


Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong hahawakan ng lalaki ang braso ng babae. Pero bago pa ‘yon magawa ng lalaki, mabilis ko nang nahila ang kamay ng babae na napatili pa papunta sa likuran ko. Gamit ang isang kamay ko, sinuntok ko ang lalaking nasa harap ko.


Ang sarap mangbugbog ngayon kaya ‘yon ang ginawa ko.


Gamit lang ang isa kong kamay at ang mga paa ko, pinagtulungan ko ang mga pangit na ‘to na nasa harap ko. Lumaki akong nakikipag-basag ulo kaya sisiw lang sakin ‘to.


“What the hell is happening?” narinig kong sigaw ng babae sa likuran ko. “Oh my!”


Hindi ko alam kung hinihila niya ba ang kamay ko dahil busy ako sa pakikipagbugbugan dito.


“Let’s go!”


Naramdaman ko na lang na may humihila na sakin hanggang sa tuluyan na kong napalayo sa mga bwisit na mga lalaking ‘yon.


“Why the hell did you do that? Why did you punch those guys?” inis na tanong ng babaeng hila ako.


“And why the hell did you pull me? I’m not yet finish with those stupid guys!” Sarap na sarap pa kong makipagbugbugan sa kanila.


“You are the stupid one, idiot! You didn’t let go of my hand that’s why I pulled you! Moron!”


Tangina! Kasalanan ko gano’n?


Binitiwan ko ang kamay niya.


Ba’t ko ba hawak ‘yon? Tss!


“Oh my! They are still following us!”


“Wait! Why the hell I’m running?” Huminto ako. Tangina talaga! Bakit ba ko tumakbo?! Bwisit na babae ‘to! Pahamak!


“Jeez! I shouldn’t get myself involve with a trouble like this!”


Natigilan ako.


Those words.


Her face.


Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya may—


“It’s your entire fault! You are so nakakainis! You are so—”


“Okay.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya. “This way.”


Dahil kabisado ko na ang lugar na ‘to, walang hirap sakin ang tumakas.


Tangina talaga! Si Seth Nevarez, tumatakas?! Pahamak talaga ang babaeng ‘to! Ano naman kasing pakialam ko kung mahuli siya? The hell I fucking care! Sanay na kong masangkot sa mga ganitong gulo. Panira ng diskarte ang babaeng ‘to! Magbabayad siya sakin!


Huminto ako sa isang pader. Medyo mataas ‘yon. Walang kahirap-hirap na nakasampa ako sa ibabaw no’n.


“Hey! What are you doing?!” Lumingon ang babae sa kung saan.


Inilagay ko sa likod ko ang sandal niyang hawak ko pa rin. Dapat tinapon ko na ‘yon, eh! Bwisit talaga ‘tong babaeng ‘to! “Your hand.” I extended my one hand to her.


Nilingon niya ko. “What?”


“Bingi ka ba? Akin na ‘yang kamay mo.” Wala kong panahong makipag-question and answer sa kaniya. Hindi ‘to pageant. Puta!


Hindi pa siya kumilos. Para pa siyang tangang tiningnan ang kamay niya at ang kamay ko.


“What? I will...” Itinuro niya ang pader. Sunod-sunod siyang umiling. “No! No! No! No!”


“Don’t try my patience woman. Iiwan kita dito.” madiing sabi ko. “Or else parehas nila tayong mahuhuli. Nambugbog lang naman ako. At ikaw ang humila sakin. Which means magkasabwat tayo. Sabagay, I don’t give a damn kung mahuli man nila ako.” Akmang bababa na ko nang pigilan niya ko.


“What?! Wait!”  Inabot niya agad ang kamay ko. Dahil payat lang naman siya, walang hirap ko siyang nahila. Kaya lang...


“Oh my!” Kumapit siya sa leeg ko nang mahigpit ng nasa ibabaw na siya ng pader.


“Hey! Shit naman! Mahuhulog tayo! Wag mo akong—”


Wala akong ibang makakapitan kaya tuluyan akong na-out-of-balance sa kabilang bahagi ng pader. Napangiwi pa ko nang tumili ang babae. Ewan ko pero kusang kumilos ang kamay ko para hawakan ang ulo niya. Pinulupot ko naman ang isang kamay ko sa beywang niya. Nagawa ko ‘yon bago pa kami tuluyang bumagsak sa basurahan. Oo. Basurahan. Napansin ko na ‘yon kanina nang sumampa ako sa pader.


Ilang segundo bago ko naramdamang kumilos ang babaeng naka-ibabaw sakin. Inangat niya ang mukha niya. Her eyes were closed. Then slowly, she opened it.


Nagtama ang mga mata namin. Gumalaw ang mga mata niya sa paligid niya. Nanlaki ang mga mata niya. Nalaman na siguro niya kung sa’n kami bumagsak.


“Eew!”


Tinakpan ko agad ang bibig niya. May narinig kasi akong paparating. Nagpumiglas siya. Kaya ang ginawa ko, pinagpalit ko ang posisyon naming dalawa. Nasa ilalim na siya. Nakaibabaw na ko sa kaniya.


And how I liked our position.


Napangiti ako ng pilyo.


“Shhh...” saway ko nang akmang magpupumiglas na naman siya. Hinaplos ko ang pisngi niya.


Nanlaki ang mga mata niya.


Tss! Ang mga babae talaga. Akala naman nila, lahat sila gagahasain ko. Mapili din naman ako. Gusto ko yung maganda at sexy. At hindi ako ang lumalapit sa kanila. Sila ang lumalapit sakin.


“Nasa’n na sila? Ba’t biglang nawala?”


“Do’n tayo, pre!”


Pinakiramdaman ko muna kung nakalayo na ang mga pangit na ‘yon na humahabol samin bago ko tinanggal ang kamay kong nakatakip sa bibig ng babae.


Agad niya kong itinulak nang malakas. Diring-diri siyang tumayo at pinagpag ang damit niya.


“Eeew! So yakii!”


Napapailing na pinagmasdan ko siya habang tumitili.


“So yakii! Aaahhh!”


Ang arte talaga ng mga babae! Bwisit! Ang daming kaartehan sa katawan!


“Eeew! So yak—”


Binuhat ko na siya sa balikat ko nang magtigil na siya sa kakatili niya na parang manok. Nakakarindi sa tenga! Baka mapatulan ko na siya kahit babae pa siya pag hindi siya tumigil!


“Put me down! You, moron!”


Tanginang babaeng ‘to! “Shut up, will you!” bulyaw ko sa kaniya habang naglalakad ako papunta sa natanaw kong park na malapit.


“Don’t shout at me! Idiot!”


Binaba ko siya. Nasa park na kami.


Idiot?! Moron?! Stupid?!


Punong-puno na ko sa kaniya!


Kinuyom ko ang kamao.


Sasapakin ko na siyang babae siya!


Matalim ko siyang tiningnan. At ang tapang niyang labanan ako ng tingin.


Papatulan ko na talaga—


Natigilan ako. May ilaw dito sa pwesto namin kaya malinaw kong nakikita ang mukha niya, hindi katulad kanina na madilim.


Ang mukha niya.


Pamilyar na pamilyar ang mukha niya.


Four years had passed. Marami na ring nagbago.


Pero hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Lalo na ang mga mata niya na hindi kababakasan ng takot.


Isang babae lang naman ang kilala kong nagmamay-ari ng mga matang ‘yon na kaya akong tingnan ng deretso sa mga mata na hindi kumukurap.


Tumaas ang sulok ng labi ko.


At dahil malapit lang siya sakin, naamoy ko ang amoy niya. Kahit basurahan ang kinabagsakan naming dalawa kanina, hindi pa rin nawawala ang amoy niya.


Yun pa rin pala ang pabangong gamit niya. Yun pa rin.


Hindi ko mapigilang amuy-amuyin siya.


“Eeew!” Tumili siya na parang diring-diri siya sa katawan niya. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang kinabagsakan naming basurahan kanina.


Some things will never change huh?


Pero ang ikinagulat ko, bigla na lang siyang umiyak.


“You’re crying?” Umiyak siya dahil bumagsak siya sa basurahan kanina?


“I’m not!” Tumalikod siya. Maya-maya ay sumigaw siya. “Aaahhh!” Hinarap niya ko. “It’s all your fault! Stupid guy!”


Tumaas ang sulok ng labi ko. That’s it! She was crying because of those damn trash.


“Anong tinatawa-tawa mo?”


“I’m not laughing. At nagtatagalog ka pala.” Ang sarap niyang asarin. Pikon pa rin siya hanggang ngayon.


Hindi na siya sumagot. Tinalikuran niya ko at nagmartsa paalis. Maya-maya ay huminto din siya. Nakita ko siyang yumuko. Nasa akin pa rin ang isa niyang sandal.


“You forgot your slipper, Cinderella.”


Nilingon niya ko. “It’s not a slipper, okay! Where’s my stiletto?”


“I don’t know?” patanong pa ‘yon.


“You, stupid, idiot, moron guy! You’ll gonna pay for this!”


Nagkibit-balikat ako. “Mayaman ang pamilya ko. Kaya kitang bayaran. Kahit magkano pa ‘yan.” Nilapitan ko siya. Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang pisngi niya. Pero bago ko pa magawa ‘yon, tinabig niya ang kamay ko. “Gusto ko ‘yan.”


“What?!”


“Gusto kita.”


Bago pa siya makapag-react ay binuhat ko uli siya sa balikat ko. Napatili na lang siya.


“Put me down!”


Hindi ko pinansin ang ginagawa niyang pagpalag. Kung hindi ko lang siya kilala, malamang kanina ko pa siya nasaktan. At kanina ko pa siya tinapon sa kung saan.


Nasa gilid na kami ng kalsada nang parahin ko ang taxi na paparating. Binuksan ko ang pintuan sa backseat at mabilis siyang ibinaba do’n. Muntik pa siyang mauntog dahil sa kapapalag niya.


“What the hell is wrong with you?” bulyaw niya.


“Everything.” Tinitigan ko siya. “Until you came tonight.”


Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.


At bakit hanggang ngayon, hindi pa rin niya ko kilala? Ni hindi man lang niya ko nakilala. Talaga bang kinalimutan na niya ko? O talagang nagbago na ko sa paningin niya?


I think it was the latter one.


Malaki na ang pinagbago ko.


Mas lalo akong lumala.


Kinuha ko ang sandal niyang nakaipit sa likuran ko. Yumuko ako at hinawakan ang paa niya na ikinagulat niya. Isinuot ko sa paa niya ang sandal.


Tiningnan ko siya. “From now on, I’ll gonna treat you right.” Sa paraang alam ko.


“What?!”


Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “You hate troubles. I do love it. That’s why...”


“What—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. I kissed him right on her lips.


“Bagay tayong dalawa.” I murmured against her lips as I deepened my kiss. She didn’t respond. Huminto na ko.


Nilingon ko ang driver na parang tangang nakatingin samin. Tiningnan ko siya nang matalim. Umayos siya ng upo. “Ihatid mo siya sa pupuntahan niya ng buo. Or else ha-hantingin kita sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas at pagsisihan mo ang araw na ‘yon. Tagalog ‘yan para maintindihan mo.”


“O-oo! Oo!”


Nilingon ko si Megan na nakatunganga pa rin. Kumunot ang noo ko.


“Hey.” Tinapik ko ang pisngi niya. Kumurap siya. Tiningnan niya ko. Nanlaki ang mga mata niya. Nagulat pa ko nang sampalin niya ko bigla.


I chuckled. “Too late for that.” Lumabas na ko ng tuluyan sa taxi at sinara ang pintuan.


“You stupid, idiot, moron, perverted guy! You’ll gonna pay for this!”


Napangisi na lang ako. Tinapik ko nang malakas ang ibabaw ng taxi. “Alis na!”


Mabilis pa sa alas-kwatrong pinaandar ng driver ang taxi. Lumabas pa ang ulo ni Megan sa bintana ng taxi. “You’ll gonna pay for this!”


“Long time no see, Megan.” sabi ko na hindi naman niya maririnig pa. Tumalikod na ko. Babalik pa ko ng bar. Nando’n ang kotse ko. At baka nando’n pa rin ang mga pangit na ‘yon. Nabitin ako sa pambubugbog sa kanila kanina. Kung wala na sila do’n, maghahanap ako ng ibang mapag-gagamitan ng kamao ko.


I licked my lips. I grinned. “I really missed her lips. Ang sarap talaga niyang halikan.”
 
- E N D  O F  F L A S H B A C K -



“Boss. Si Eco.”


Napakurap ako.


Ibinalik ko ang tingin sa monitor. “Tangina!” Nakita kong may nakatutok na baril kay Megan na hawak ng isang lalaki. Si Eco. Wala man akong boses na narinig, tumili si Megan. Maya-maya ay tumayo siya. Mukhang nakilala na siya ni Eco. Nawala na sila monitor.


Inikot ko ang swivel chair ko paharap sa pintuan. At hinintay ang hindi ko inaasahang bisita.


“Boss, anong ginagawa ni Miss Megan dito?”


“Hindi ko alam! Manahimik ka dyan!”


I gritted my teeth.


Anong ginagawa niya dito?! Paano niya nalaman ang lugar na ‘to?! Wala ‘to sa plano ko! Tang-ina!

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^