CHAPTER
47
[ MEGAN’s POV ]
Dinala
ako ni Eco sa isang saradong kwarto. Huminto kami sa harap ng pintuan.
“Boss, kasama ko si
Miss Megan.”
“Pasok.”
Boses
‘yon ni Seth. Kumunot ang noo ko. Bakit parang hindi siya nagulat na nandito
ako?
Binuksan
ni Eco ang pintuan. Nakita ko agad si Seth na parang haring nakaupo sa swivel
chair. Nakaharap siya sakin na parang hinihintay ako.
Tumayo
siya. Pero hindi ako ang nilapitan niya. Lumagpas siya sakin. Napalingon na
lang ako sa kaniya nang sumigaw siya.
“Sinong nagsabing
tutukan mo siya ng baril?!”
“Sorry, boss. Hindi
ko siya nakilala.” sabi ni Eco na nakaupo sa sahig sa
labas ng kwarto. Hawak niya ang panga niya. Dumudugo din ang gilid ng labi
niya. Seth punched him kahit hindi ko nakita.
“Ang tanga mo kasi!
Gago!” Para siyang papatay sa itsura niya.
Two
months.
Pero
hindi pa rin siya nagbabago.
Never
na talaga siyang magbabago.
“Gawin ninyo na nga
yung pinapagawa ko! Bilisan ninyo! Wag kayong papalpak!”
“Masusunod, boss.”
Tumayo
si Eco. Lumabas na rin si Oliver. Naiwan kaming dalawa ni Seth. Malakas niyang
sinarado ang pintuan. Saka lang niya ko nilingon.
Nakita
ko na naman ang matalim niyang mga mata sa kabila nang buhok niyang natatakpan
ang kaunting bahagi no’n.
“I miss you, Megan.
So much.”
Naalala
ko bigla ang gabing ‘yon. Tinalikuran ko siya.
Kumunot
ang noo ko nang mapansin ko ang mga monitor sa harap ko. Mabilis akong lumapit
sa mga ‘yon. Kaya pala hindi siya nagulat nang makita niya ko dahil nakita na
niya ang pagdating ko dahil sa mga hidden camera na nakakabit sa labas ng
building na ‘to.
Nanlaki
ang mga mata ko nang makita ko sa isang monitor ang grupo ng mga lalaking
nagrarambulan. Sina Jaylord?!
“What is this,
Seth?” Nilingon ko siya.
“Hindi mo na
kailangang malaman. You’re not supposed to be here. What the hell are you doing
here? How the hell did you know this damn place?”
“It doesn’t matter. What
is this, Seth?” madiing tanong ko.
“It does matter,
Megan, because you’re not supposed to be here.”
Nilapitan niya ko. “How did you get here?” may diing tanong niya.
“Sinundan mo
ba sina Jaylord?”
“No.”
“Then what?”
Hindi
ko pinansin ang sinabi niya. “What is your plan, Seth?”
“My plan?”
Inilapit niya ang mukha niya sakin. “Do you want to my plan, Megan?” Hinaplos
niya ang pisngi ko. Iniwas ko ang mukha ko.
“Ano ba talagang
plano mo, Seth?”
“Why do you want to
know?” Naningkit ang mga mata niya. “Huh! You want to save that fucking guy?!”
“Seth—”
“You want to save
him!” Para siyang baliw na nagpalakad-lakad sa loob ng
kwarto. “You
want to save him! You want to help him! I know! I know!” Tiningnan
niya ko. At mabilis na nilapitan. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Damn it,
Megan! Bakit?! Bakit?!”
Napangiwi
ako. “Seth!
You’re hurting me!”
Binitawan
niya ang balikat ko. Umiling-iling siya. “I’m sorry.” Ngumiti siya. Hinaplos niya ang
pisngi ko. “I
wouldn’t hurt you, okay? Gusto nga kitang sumaya, eh. Yun naman yung ginagawa
ko diba?” Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nagdilim ‘yon. “Yun ang
gagawin ko ngayon. Buburahin ko sa mundo ang mga taong nagpapahirap satin.”
“Seth, ano bang
nangyayari sa’yo?” He was acting like he was insane.
Lumambot
ang ekspresyon ng mukha niya. “This is what you wanted, right?”
“Ano bang sinasabi
mo?”
Hindi
siya sumagot. Humakbang lang siya palapit sa mga monitor.
“Seth, ano ba?!”
Hindi
niya ko nilingon.
“Tama na!”
Kumunot
ang noo ko. Boses ‘yon mula sa labas ng kwarto. At kilala ko ang boses na ‘yon.
Mabilis
na lumabas si Seth.
Napalabas
na din ako.
And
I saw her kneeling on the ground.
“Ellaine?!”
Anong
ginagawa niya dito? At sino ang kasama niyang lalaki?
=
= =
[ ELLAINE’s POV ]
Hindi
ko alam kung ilang minuto na simula nang sabihin ko kay Drenz ang totoo. Tahimik
lang siyang nakayuko. Huminto na rin ako sa pag-iyak.
Ang
dami kong tanong sa isip ko.
Ang
dami kong gustong sagot.
Ang
taong ‘yon ba ang nagpadukot sakin? Pero bakit niya ginawa ‘to? Bakit pati si
Drenz dinamay niya dito? Ano ba talagang plano niya? Paano niya nalamang buhay
pa si Jaylord? Hindi kaya si Megan?
Kinuyom
ko ang kamao ko.
Si
Clay, ano na kayang nangyari sa kaniya?
Pinikit
ko nang mariin ang mga mata ko.
Si
Jaylord.
Alam
niya na kayang nandito ako? Alam niya na kaya ang nangyari sakin? Darating ba
siya? Will he save me?
Pumatak
ang luha ko. Kinagat ko ang labi ko.
Jaylord...
Napaderetso
ako nang pagkakaupo nang may kung ano akong narinig. Kumunot ang noo ko. Para
‘yong echo na umaabot sa pandinig ko. Pinakinggan kong mabuti ang naririnig ko.
Mga
boses.
Hiyawan.
Parang
may away na nagaganap sa kung saan.
“Jaylord.”
Siya
agad ang unang pumasok sa isip ko. Pero paano mangyayaring nalaman niya ‘to?
Iniling
ko ang ulo ko. Hindi ‘to ang oras para magtanong ng kung anu-ano. Kailangan
kong gumawa ng paraan para makatakas.
Tiningnan
ko si Drenz.
Kailangan
kong gumawa ng paraan para makatakas kasama siya. Alam kong nadamay lang siya
dito. Hindi dapat siya nandito. Hindi dapat.
Bumalik
sa alaala ko ang mga sinabi niya kanina.
“Tama ang mga
narinig mo, Ellaine. I had a brother who was killed. Pumasok ako sa NPC para
paghigantihan si Jaylord. He was the one who killed my brother five years ago.
Sinira niya ang buhay naming dalawa. At alam mo ba ang gagawin ko para
maghiganti sa kaniya? Sasaktan ko ang taong pinakamahalaga sa buhay niya. Ikaw
‘yon, Ellaine.”
“But when I saw you.
Your smile. Nang mapalapit ako sa’yo. Nang makilala kita ng lubusan. Everything
suddenly changed. Kahit gustong-gusto kong maghiganti kay Jaylord, hindi ko
magawa. Hindi kita kayang saktan. Hindi ko rin magawang saktan si Jaylord.
Dahil kahit anong piliin ko sa dalawa, ikaw pa rin ang masasaktan sa huli.”
“Your wedding day.
Ako ang dahilan kung bakit nasa warehouse si Jaylord. Dinala ko siya do’n.
Kilala ko kung sino ang pumatay sa kaniya ng araw na ‘yon pero hindi ko sinabi
sa’yo dahil ayokong malaman mo ang tungkol sakin. Ayokong magbago ka sakin.”
“Siya ang
pinakamahalagang tao sa buhay ko bago ka dumating...! Pero kinalimutan ko ang
paghihiganti ko kay Jaylord dahil sa’yo...! Nanahimik ako...! Nagbulag-bulagan
ako...! I chose you over my brother, Ellaine...! Because I love you...! Minahal
ko ang girlfriend ng taong pumatay sa kuya ko...!”
“Kinalimutan ko si
kuya, Ellaine... Tapos may alam ka pala sa nangyari no’n... Hindi ako makatulog
sa kakaisip sa’yo dahil nag-aalala ako sa’yo nang mawala sa’yo si Jaylord...
Sinisisi ko pa ang sarili ko... Yun pala alam mong buhay pa rin siya... Habang
ako nasasaktan dahil sinaktan kita...”
“Alam mo ba ang
nararamdaman ko ngayon, hah...? It fucking hurts me na hindi ko man lang
naipaghiganti ang kuya ko dahil buhay pa rin ang taong pumatay sa kaniya..!
It’s unfair...! It’s really unfair...!”
“Wala naman siyang ginagawa sa kanila... Pero
bakit nila ginawa ‘yon kay kuya...? Bakit, Ellaine...? Bakit...? Bakit ginawa
‘yon ni Jaylord sa kuya ko...?”
“Simula nang
makilala kita, naging bulag ako, Ellaine... Pati ba naman ngayon...? Bakit mo
ba ko pinapahirapan ng ganito...?”
“Kung sasaktan kita,
sasaktan ko din si Jaylord... Pero kulang ang sakit na mararamdaman niya...
Buhay ang kinuha niya sakin, Ellaine...”
“Napakaduwag ko
talaga... Ba’t hindi ko magawa...? Bakit...? Isang kalabit lang... Pero hindi
ko magawa... Napakahina ko...”
“Drenz...”
Pinikit ko ang mga mata ko.
Bakit
kailangang mangyari samin no’n? Bakit samin pa? Bakit kay Drenz pa?
Bakit
ba lahat ng taong gusto akong protektahan, nasasaktan?
Si
Jaylord.
Si
Clay.
Si
Drenz.
Lahat
sila nasaktan ng dahil sakin.
Kinuyom
ko ang kamao ko. I opened my eyes.
Walang
mangyayari kung maghihintay ako sa mangyayari sakin. Samin ni Drenz. Wala akong
aasahan kundi ang sarili ko. Hindi ko pwedeng asahan si Drenz ngayon. He’s
physically and emotionally stress right now. And it was all my fault.
Kailangan
kong maging matapang.
Because
I am Jaylord’s fiancée. I’m his other half.
At
mas matapang na ako ngayong alam kong darating siya. May tiwala ako sa kaniya
na darating siya. Kahit pa sabihing hindi pa bumabalik nang tuluyan ang mga
alaala niya. Alam kong darating siya.
Umusad
ako palapit kay Drenz. Nakapatong ang mga braso niya sa tuhod niya. Nilapit ko
ang bibig ko sa kamay niyang nakatali. Inalis ko ang pagkakatali no’n. Madali
lang para sakin ‘yon. Jaylord taught me how to free myself kapag nakatali ang
mga kamay ko.
Nakatali
ang mga kamay ko sa likuran ko kaya mahihirapan ko. Pwede kong tanggalin ang
pagkakatali ng mga paa ko. Pero mahihirapan ako dahil kailangan ko pang yumuko.
Kailangan kong ipunin ang lakas ko.
At
mas madali kung ang pagkakatali ng mga kamay ni Drenz ang uunahin kong
tanggalin.
“Ellaine...”
“Don’t talk, Drenz.
Just save your energy. Tatakas tayo dito.”
Hindi
na siya kumibo. Ilang sandali lang, natanggal ko na pagkakatali ng mga kamay
niya. Tumalikod ako.
“Drenz, tanggalin mo
yung sakin.”
Hindi
siya kumilos. Nilingon ko siya. Nakayuko pa rin siya.
“Drenz, please...”
Kumilos
siya pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Naiintindihan ko naman kung
bakit.
Nagawa
niyang tanggalin ang pagkakatali ng mga kamay ko. Gamit ang laylayan ng damit
ko, pinunasan ko ang mukha ko. Sunod kong tinanggal ang pagkakatali ng mga paa
ko. Ako na din ang nagtanggal ng kay Drenz.
“Dito ka lang.”
Tumayo
ako at lumapit sa pintuan. Sumilip ako sa butas na nasa ibaba. Walang bantay.
Tinanggal ko ang hairpin na nakaipit sa buhok ko. Ginamit ko ‘yon para buksan
ang pintuan.
Jaylord
taught me how to.
Marami
siyang itinuro sakin para kung dumating ang pagkakataon na ‘to, magagamit ko
ang mga ‘yon.
Magagamit
ko ang mga ‘yon habang hinihintay ko siyang dumating. Malaki talaga ang tiwala
kong darating siya. Because until now, nakatatak pa rin sa isip ko ang mga
sinabi niya nung debu ko five years ago.
“I promise that I will protect you pero na-realize ko ding hindi
naman sa lahat ng oras mapo-protektahan kita. You have your own life. I have my
own. Hindi sa lahat ng oras lagi kitang kasama. But I will assure you na
darating ako kapag kailangan mo ko.”
“Promise?”
“You know I always keep my promise. Just like what I told you, I
was programmed to protect you.”
Kaya
hihintayin ko siya.
Tuluyan
ko nang nabuksan ang pintuan. Nilapitan ko si Drenz na nakatingin sa gawi ko.
Iniwas niya ang tingin niya.
Kinuha
ko ang baril na nasa tabi niya.
“Get up, Drenz.”
Tinulungan ko siyang tumayo pero umiwas siya. “Drenz.”
“Kaya kong tumayo
nang mag-isa.”
I
sighed. “Okay.”
Dahan-dahan
siyang tumayo. Sumandal siya sa pader.
“Drenz.”
Akmang tutulungan ko siya nang pigilan niya ko.
“Okay lang ako.”
Kumuha siya ng suporta sa pader at naglakad palapit sa pintuan. Sumunod lang
ako sa kaniya. Nakalabas na kami ng kwarto nang...
“Hoy! Sa’n kayo
pupunta?”
“Tang-ina! Tatakas
pa kayo, ah!”
Shit
naman! “Wag
kayong lumapit.” Tinutok ko ang
baril na hawak ko sa kanila. Napahinto sila. Kilala ko sila. Sila ang dalawang
alipores ni Seth. Si Eco at Oliver. Tama nga ako. Si Seth ang may pakana nito.
Pumunta
ko sa harap ni Drenz. “Wag kayong lalapit. Ipuputok ko ‘to.”
“Ellaine...”
narinig kong sabi ni Drenz.
“Kaya mo namang
maglakad diba?” mahinang tanong ko sa kaniya ng hindi
siya nililingon. “Umalis ka na. Ako ng bahala dito.”
Hindi
ko siya narinig na sumagot.
“Bakit hindi mo
iputok, Ellaine?” sabi nung Eco.
“Gago ka ba? Paano
kung iputok niya ‘yan?”
“Duwag ka ba? Babae
lang ‘yan! Hindi niya ipuputok ‘yan!”
“Hindi pala, hah.”
I clicked the trigger. Hindi ko ‘yon pinutok mismo sa kanila. Sa sahig lang.
Pero hindi ‘yon pumutok. Kumunot ang noo ko. I clicked the trigger again.
Again. And again.
Narinig
kong nagtawanan ang dalawa. Napatingin ako sa kanila.
“Sorry, Ellaine. Ang
malas mo lang. Kami ang swerte.” sabi ni Oliver nang
kunin niya ang baril na hawak ko nang lumapit sila ni Eco samin.
“Bakit walang bala
‘yan, Oli?”
“Malay ko kay boss.
At buti na lang walang baba, kundi, may tama na tayo dahil sa babaeng ‘to.” Hinawakan niya ang braso ko at tinulak
ako. “Lakad!”
Kinuyom
ko ang kamao ko. “Ano ba talagang balak ninyo? Wala naman kayong makukuha sakin, eh.
Hindi ako mayaman. Mas lalong hindi pupunta si Jaylord dito dahil wala siyang
maalala. Ni hindi nga niya ko kilala, eh.”
“Ang dami mo pang
satsat! Lakad na!”
Tinulak
uli ako ni Oliver.
“Ikaw din, lakad na!
Ang bagal mo! Konting bugbog lang, hindi mo na kaya? Anong klaseng lalaki ka?”
Napalingon
ako kay Drenz. Nakasandal siya sa pader. Kinuyom ko uli ang kamao ko. Konting
bugbog ang tawag nila dyan? Mga hayop ba sila? Halos lumpuhin na ng mga gumawa
niyan si Drenz, eh.
Akmang
susuntukin ni Eco si Drenz nang pigilan ko siya. “Wag!” Mabilis akong lumapit kay
Drenz. “Ako
na sa kaniya. Wag ninyo na siyang saktan. Maawa naman kayo. Parang hindi kayo
tao, eh.”
“Hindi daw tayo tao,
o?”
“Mga halimaw ata
tayo, eh.”
Nagtawanan
pa ang dalawa.
I
just gritted my teeth. Mas masahol pa sila sa halimaw. Hindi na ko sumagot.
Tiningnan ko si Drenz. “Kumapit ka sakin.”
“Kaya ko.”
“Drenz, sige na.
Baka saktan ka pa nila.” bulong ko sa kaniya. Ako na ang
kusang naglagay ng isang braso niya sa balikat ko.
“Bilis na! Lakad na!
Ang bagal ninyo!”
Humakbang
na ko habang inaalalayan ko si Drenz. Nanghihina pa siya kaya halos lahat ng
bigat niya nasakin.
“Bagal! Bilis
naman!”
Simula
nang umalis kami sa pinagkulungan naming kwarto, panay reklamo nung dalawa na nasa
likuran namin.
“I’m sorry, Drenz.
Hindi ka dapat nandito.” bulong ko sa kaniya.
Hindi
siya sumagot.
“Bilisan ninyo ngang
maglakad!” Malakas akong itinulak ng kung sino sa likuran ko.
At dahil inaalalayan ko si Drenz, parehas kaming napasadsad sa sahig. Lumingon
ako sa likuran ko. Tiningnan ko nang masama ang dalawa.
Tinutukan
ako ng baril ni Oliver. “Ano? Lalaban ka?”
Kinuyom
ko na lang ang kamao ko bago alalayan si Drenz. Mukhang nainis yung dalawa sa
tagal niyang tumayo dahil binigyan nila ng tig-isang sipa si Drenz na napa-igik
sa sakit.
“Tama na!”
sigaw ko. “Hayop
talaga kayo!”
Nagtawanan
lang ang dalawa. Pero agad din silang natahimik. Nakatutok ang mga mata nila sa
bandang likuran ko.
Lumingon
ako sa likuran ko. Mula sa nakabukas na pinto malapit samin, nakita ko siya.
Nakita ko si Seth. Pero ang ikinagulat ko ay ang taong nasa tabi niya.
“Ellaine?!”
“Megan? Ikaw?
Kasabwat ka nila?”
Hindi
siya sumagot.
“Anong nangyari
dito?”
“Boss, muntik na
silang makatakas.”
“Ano?!”
“Eh, boss. Hindi
namin alam kung paano nila nabuksan yung pintuan. Tinutukan pa kami ng baril ng
babaeng ‘yan. Pero buti na lang boss, walang bala.”
“Mga tanga ba kayo?
Malamang walang bala! Edi nasira ang plano ko kung namatay agad ang babaeng
‘yan! Gusto ko lang silang paglaruan! Mukhang tinuruan siya nang maayos ni
Jaylord. Napakagaling!”
Hindi
ko pinansin ang sinabi ni Seth dahil nakatutok pa rin ang mga mata ko kay
Megan. Tumayo ako. Galit ako. Hindi lang ako naiinis ng mga oras na ‘to.
Nanggigigil ako sa kaniya. Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sampalin.
“Bakit, Megan?! Why
did you do this?! Jaylord trusted you but you betrayed him!”
Hindi
siya sumagot. Mas lalo akong nainis sa kawalang reaksyon ng mukha niya. Kunwari
pa siyang nagulat kanina na makita ako? Ang galing talaga niyang umarte!
“Alam mo, matagal ko
nang gustong gawin ‘to, eh.” madiing sabi ko.
Mabilis akong humakbang palapit sa kaniya at ginawa ang gusto kong gawin. I
slapped her face. Twice.
“Masakit ba? Bagay
lang—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil
sumadsad ako sa pader. Sobrang sakit ng pisngi ko. Ang manhid nang pakiramdam
ko. Nagdidilim na rin ang paningin ko dahil sa pagtama ng noo ko sa pader.
“Sinong nagsabi
sa’yong pwede mong saktan si Megan?!”
“Seth, ano ba?!”
That
was all I heard before I passed out.
=
= =
[ MEGAN’s POV ]
“Bakit, Megan?! Why
did you do this?! Jaylord trusted you but you betrayed him!”
Hindi
ako makasagot sa sinabi ni Ellaine.
Jaylord
trusted me? No. He didn’t trust me at all. Ako nga ang nagbalik sa kaniya sa
pamilya niya, pero ang babaeng ‘to pa rin ang pinagkatiwalaan niya.
Ano
bang mero’n sa kanilang dalawa?
Bakit
hindi ko magawang paghiwalayin sila?
Bumalik
sa alaala ko ang sinabi ni Ellaine nang araw na maging okay sila ni Jaylord.
“Even if he couldn’t
remember me, naaalala naman ako ng puso niya.”
Puso?
Love?
Huh!
Love
only makes us weak.
“Alam mo, matagal ko
nang gustong gawin ‘to, eh.”
I
didn’t expect that Ellaine would slap me. Not just once, but twice. Napahawak
na lang sa magbilang pisngi ko habang nakatingin sa kaniya.
“Masakit ba? Bagay
lang—”
Nanlaki
na lang ang mga mata ko sa ginawa ni Seth kay Ellaine. He slapped Ellaine using
the back of his hand.
Napasadsad
si Ellaine sa pader.
“Sinong nagsabi
sa’yong pwede mong saktan si Megan?!”
“Seth, ano ba?!”
Pinigilan ko ang braso niya. “My God!” Dumudugo ang noo ni Ellaine na
tumama sa pader. May sugat din ang pisngi niya at gilid ng labi niya.
She
passed out.
“Dalhin ninyo na
‘yan! Susunod ako!”
“Yes, boss.”
Hinila
ako ni Seth sa loob ng kwarto.
“Dito ka lang.
Babalikan kita kapag tapos na ko sa kanila.” madiing sabi niya.
Pinigilan
ko ang braso niya. “Seth, ano ba ‘tong ginagawa mo?! Ano ba talagang plano
mo, hah?! Bakit pati si Ellaine nandito?! Tell me!”
Hinaplos
niya ang pisngi ko. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. “This is for you, Megan. Pinahirapan ka
nila diba?”
“Seth. Wala ka na sa
sarili mo, eh. Itigil mo na ‘to.”
Tumigas
ang ekspresyon ng mukha niya. “You started this Megan. I’ll just finish it. For you.”
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Si Jaylord naman kasi, nabuhay pa. Kung tuluyan na
siyang namatay, wala tayo dito. We’re all happy now.”
“Seth, don’t do—”
“No!”
Binitiwan niya ko at mabilis siyang lumabas ng kwarto.
“Seth!” I
tried to open the door but it was locked. Kinalampag ko ang pintuan. “Seth! Open
this damn door!”
Pero
sumakit na ang kamay ko’t lahat-lahat, walang nangyari.
Nanghihinang
napaupo ako sa swivel chair.
Biglang
bumalik sa alaala ko ang sinabi niya bago ko malamang nandito si Ellaine kanina.
“This is what you
wanted, right?”
Pinikit
ko nang mariin ang mga mata ko.
“Si Jaylord naman
kasi, nabuhay pa. Kung tuluyan na siyang namatay, wala tayo dito. We’re all
happy now.”
“Hindi ‘to ang gusto
ko, Seth.”
- F L A S H
B A C K -
Three
months ago…
Pabalik-balik
ako sa loob ng kwarto ko. Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Si lolo.
Binantaan na ko kanina. I need to do something.
“It’s late, Megan.”
Napakislot
ako nang marinig ko ang boses na ‘yon. Mula sa labas ng kwarto ko. Sa may
verandah. May anino akong nakita.
“Seth.”
I know it’s him. Highschool pa lang kami, napapasok na niya ‘tong kwarto ko ng
walang nakakakita. Ah, no. Nahuli na pala siya dati ni lolo bago pa nila ko
ipadala sa States.
Pumunta
ko ng verandah. Nakita ko siyang prenteng nakaupo sa may terrace.
“What are you doing
here in the middle of the night, Seth?”
“I just missed you.
That’s all.”
“Nakita mo na ko.
Pwede ka nang umalis.”
“What’s the problem,
Megan? About Jaylord, huh?”
I
sighed frustratedly. “Ilang weeks na lang, ikakasal na sina Jaylord at Ellaine.
Si lolo. Binantaan na niya ko kanina. Kung wala pa kong gagawin, lahat ng ‘to,
mawawala sakin. In just a snap of finger.”
Nilingon ko siya. “You heard me,
Seth? This wealth. Mawawala sakin ‘to kapag natuloy ang kasal nilang dalawa.
Hindi ko kaya ‘yon. Never.” madiing sabi ko.
Umalis
siya sa pagkakaupo niya. Lumapit siya sakin. Tinitigan niya ko. Hindi pa rin
nagbabago ang tingin niya. Nando’n pa rin ang talim. Pero may halong ibang
emosyon ang mga mata niya tuwing tinitingnan niya. Na ayoko nang i-analyze pa.
“Remember what I
told you at the NPC’s anniversary party?” Hinaplos niya
ang pisngi ko. “I
will do everything for you, Megan. No matter what it takes.”
Tumaas
ang sulok ng labi ko. “You liked me that much, huh?”
“Just one kiss,
Megan.” Bumaba ang mukha niya palapit sakin. “You’ll just
have to sit back and relax.” His lips were only inches from mine. “And I’ll do my
part.” He whispered as his lips touched mine.
- E N
D O F
F L A S H B A C K –
Napahawak
ako sa labi ko.
“Hindi ko sinabing
gusto kong mawala sa Jaylord, Seth. Gusto ko lang na hindi sila magkatuluyan ni
Ellaine. That’s all.”
=
= =
Aiesha's Note: Hello kay Kaye na tudamax ang effort sa
ginawa niyang trailer video ng story ko (My Last Rose and it’s Book 2, My
First,My Last). Pati sa tumulong sa kaniya na si Raven, hello sis! ^^
Kailangan ko pa bang batiin si Ellaine? BWAHAHA! Labyu beshie!
And to Charlene, Mara and Honielyn, new reader ko at silent readers na nakilala ko fb. Hello din! Salamat girls! Labyu! :*
And to Francis, hello sau! ^^
Watch
it guys here:
May fb account po pala sina Jaylord and Ellaine:
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^