Sunday, December 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 48

A/N : Ngayon pa lang, humihingi na ko ng dispensa sa mga salitang lalabas sa bibig ng Seth ko este ni Seth. (Trip ko talaga ang mga badboys >////<)
Yun nga, pasensya na at may pagkaligalig din ang pagkatao niya. Ay! Hindi! Sadyang ligalig na talaga at naliligaw pa!




CHAPTER 48

[ SETH’s POV ]


“Boss, okay na!”


“Siguraduhin ninyong maayos ‘yan.”


“Yes, boss!”


Umupo ako sa sahig sa pagitan nina Drenz at Ellaine.



Sumagi sa isip ko ang sinabing ‘yon ni Megan kanina.


“Seth, ano ba ‘tong ginagawa mo?! Ano ba talagang plano mo, hah?! Bakit pati si Ellaine nandito?! Tell me!”


Bakit? I smirked.


Dahil si Ellaine ang kailangan ko para pumunta si Jaylord dito ng hindi ko siya kailangang pilitin.


Si Jaylord.


Ang hayop na ‘yon! Para siyang pusa, ang hirap niyang burahin! Ngayon niya pagsisisihan ang araw na naging parte siya ng Nevarez! Wala siyang karapatang maging Nevarez! Inagaw niya ang lahat ng para sakin! Inagaw niya ang atensyon ng nag-iisang taong gusto ko!


Kaya walang pwedeng sumisi sakin kung bakit ako naging ganito! Kung bakit umabot ako sa ganito! Silang lahat! Sila ang may kasalanan nito! Mga wala silang kwenta!



- F L A S H B A C K -


“Kasalanan ng batang ‘yan kung bakit namatay si Sofia!”


Simula nang magkaisip ako, lagi ko na lang naririnig sa bibig ng daddy ko ang mga salitang ‘yan sa tuwing nalalasing siya.


“Ba’t kasalanan ko kung bakit namatay si mommy, lola?”


“Pumasok ka na ng kwarto mo, Seth. Masyado ka pang bata para maintindihan mo.”


“Lolo? Kasalanan ko ba kung bakit namatay si mommy? Ano bang ginawa ko?”


“Tumahimik ka, Seth! Pumasok ka ng kwarto mo!”


I was four or five that time. Hindi ko na rin matandaan. Basta ang alam ko, hindi ko na uli sila tinanong kung bakit kasalanan ko kung bakit namatay si mommy. Lagi na lang kasi nila akong pinapagalitan at sinisigawan, lalo na si lolo at daddy.


Lumaki akong mag-isa sa mansyon. May ama ako, lolo at lola. Pero hindi ko naramdamang nandyan sila sa tabi ko. Katulong at driver ang lagi kong kasama. Pag may sakit ako, ang katulong pa rin ang nasa tabi ko.


“Pinatay mo daw ang mommy mo.” sabi sakin ng anak ng kaibigan ni daddy. Birthday ni daddy ngayon.


“Hindi ko pinatay ang mommy ko!”


“Narinig ko kaya! Sabi ng daddy mo kay daddy ko, nang manganak daw ang mommy mo, namatay siya kasi lumabas ka. Edi, pinatay mo ang mommy mo.”


“Hindi ko nga pinatay ang mommy ko!” Sa sobrang inis ko, sinuntok ko siya. “Hindi ko pinatay ang mommy ko!” Paulit-ulit ko siyang sinuntok.


“Seth! Stop it!”


Ang boses na ‘yon ang nakapagpatigil sakin. Paglingon ko, nakita ko si daddy.


“What did you do, Seth?!”


Iyak ng iyak ang batang lalaki na sinuntok ko. Dumudugo na ang ilong niya. Mas matanda siya sakin pero nakaya ko siya.


Hinila ako ng daddy ko palayo sa mga tao. Oo. Nakita nila ang ginawa ko. Galit na galit sakin si daddy nang dalhin niya ko sa kwarto ko.


“Kailan mo pa natutunang makipag-away, hah?! At sa mismong birthday ko pa! Pinahiya mo ko sa mga kaibigan ko!”


Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Ni hindi ako nakaramdam ng takot. Siguro dahil nasanay na kong lagi niya kong pinapagalitan at sinisigawan. Naging manhid na ko sa batang edad ko pa lang.


Pero ang hindi ko inaasahan ay nang sampalin ako ni daddy. Masakit. Sobrang sakit. Pero hindi ko hinawakan ang pisngi ko.


“Kailan ka pa naging matapang na bata ka?!”


“Pinatay ko daw si mommy, daddy? Paano? Hindi ko maintindihan.”


“Gusto mong malaman, hah?!” Hinawakan niya nang madiin ang magkabilang balikat ko. “Oo! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mommy mo! Pinatay mo siya! May sakit siya sa puso pero pinili niyang mabuhay ka! Nabuhay ka dahil mas pinili ka niya kesa sakin! Nawala ang babaeng pinakamahalaga sa buhay ko ng dahil sa’yo! Dapat nga, ikaw na lang ang nawala kesa sa kaniya! Mahal na mahal ko si Sofia pero nang dahil sa’yo nawala siya! Nang—”


“George, that’s enough!”


Umalis si daddy. Lumapit naman sakin si lola. Hinaplos niya ang ulo ko. “Pagpasensyahan mo na ang daddy mo, Seth. Are you okay?”


Tumango ako. Dapat nga umiiyak na ko. Pero hindi ako umiyak. Bakit naman ako iiyak? Lalaki ako. Matapang ako.


“Lola, inaantok na ko.”


“Hindi pa tapos ang party, Seth.”


“Ayoko na do’n.”


“Madam, hinahanap po kayo ni Don Ferdinand.”


Umalis din si lola nang sunduin siya ng katulong. Mag-isa na uli ako sa loob ng kwarto ko. Umupo ako sa kama at kinuha ang dalawang robot na laruan ko. Pinag-away ko silang dalawa. Napansin ko ang kamay ko. May sugat ‘yon.


“Eeew! May sugat ka!”


Napalingon ako sa gilid ko. Nakatayo ang isang batang babae. Nakangiwi siya habang nakatingin sa kamay ko. Tiningnan niya ko. Inirapan niya ko.


“You’re so bad, you know? You punched that tabatchoy kid. But it’s okay. That tabatchoy is so nakakainis!”


“Ano?”


“You’re rich, diba? You don’t understand English? Ang sabi ko ang bad mo kasi sinuntok mo yung bata kanina.”


“I know.”


“Nakakaintindi ka naman pala, eh.”


“What are you doing here in my room?”


“I followed you and your dad. Gusto kong tingnan kung anong gagawin niya sa’yo.”


“Tapos?”


“Parehas lang sila ni lolo. Ako din, pinapalo ng lolo ko kapag hindi ko siya sinusunod.”


“Talaga? Ngayon lang ako sinampal ni daddy. Eh, ang daddy mo?”


“No. My dad loves me. Pero takot naman siya kay lolo. Me, too. Takot ako kay lolo. Hindi daw niya bibilhin ang gusto ko kapag hindi ko siya sinunod.” Tinuro niya ang sugat ko. “Masakit?”


Inilapit ko sa mukha niya ang kamay kong may sugat. “Hindi.”


“Eeew!” Lumayo siya.


Natawa na lang ako.


“Don’t laugh!” Lumapit siya sa bintana. Akala ko kung anong gagawin niya. Nakita kong pinunit niya ang ibaba ng kurtina.


“Bakit mo sinira ‘yan?”


“I can pay you! Marami akong pera!” Lumapit siya sakin. “Give me your hand.”


“Bakit?”


She opened her eyes widely. “Just give me your hand!”


Inabot ko sa kaniya ang kamay ko. Binalot niya ang kamay kong may sugat sa kurtinang pinunit niya. Napangiti ako.


“There! It’s not kadiri na!” She extended his hand. “I’m Megan.”


Sa halip na tanggapin ang kamay niya, lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi niya. “I’m Se—” Pak! She slapped me.


“Aaahhh!! You kissed me! Isusumbong kita kay daddy!” Nagmartsa siya palabas ng kwarto ko.


Napahawak na lang ako sa pisngi ko. “Sakit.”








I was eight years old nang mangyari ‘yon.


Hindi ko pa masyadong maintindihan ang mga sinabi ni daddy no’n. Pero sa pagdaan ng mga araw, mga buwan at mga taon, unti-unti kong naintindihan.


And I fully understand everything now.


Galit sakin si daddy at ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni mommy. May sakit sa puso si mommy noon at delikado ang pagbubuntis niya. Nang araw na ipanganak ako, pinapili sila. Ako o si mommy. My dad chose mom. But my mom chose me. Si mommy ang nasunod.


She died. I lived.


Tangina! Kasalanan ko ba kung bakit pinili ako ni mommy na mabuhay kesa sa kaniya?! Wala akong kasalanan do’n pero bakit ako ang sinisi nila?!


Dapat nga ako na lang ang namatay. Kung makakapagsalita nga lang ako no’n, isisigaw ko na sana wag na niya akong piliing mabuhay. Nabuhay nga ako pero para namang impyerno ang buhay ko.


May ama akong walang kwenta na once in a bluemoon ko lang makita dahil ginawa niyang bahay ang office niya. Magkita man kami, parang wala ako sa harap niya. Kakausapin niya lang ako kapag lasing siya at syempre, ipapamukha nya sakin ng paulit-ulit na kasalanan ko kung bakit namatay si mommy. May lolo akong kapag kasama ko, mas masahol pa sa General ng army ang pagka-istrikto. May lola akong lagi namang sunud-sunuran kay lolo, parang buntot ni lolo.


Nung grumaduate nga ako ng elementary, sinong kasama ko ng grumaduate ako? Yung katulong namin. Out of the country ang grandparents ko. Ang daddy ko? Malay ko do’n! Malamang nasa bwisit na office niya ng araw na ‘yon! Wala namang pakialam sakin ‘yon kung grumaduate ako o hindi!

Simula nang araw na makipag-away ako sa tabatchoy na batang ‘yon, nagsunod-sunod na ‘yon. Yun ang dahilan kung bakit bumabagsak ako sa mga subjects ko. Isa pa, tamad din akong mag-aral. Nakakatamad din namang mag-aral kung wala namang makaka-appreciate ng ginagawa ko. Mukhang binayaran lang nila lola ang principal namin para ipasa na ko sa elementary no’n.


Trip kong makipag-away. Kapag may nabubugbog ako, sumasaya ang pakiramdam ko. Sumasaya kasi mapapansin na naman ako nina daddy. Mapapansin nga nila ako pero sermon naman ang aabutin ko sa kanila. Nakakatawa lang, eh. Mapapansin lang nila ko kapag nakakagawa ako ng mali. Pero pag wala akong ginagawa, para akong hindi nag-eexist sa buhay nila.


Hanggang sa dumating ang araw na maging hobby ko na ang makipag-basag-ulo. Pansinin man nila ako o hindi, wala na akong pakialam!


Second year higschool na ako ngayon. Sa awa ng demonyo, pinasa ako ng adviser ko nung first year ako. Supposedly, third year na ko. Ata? Hindi ko na din alam.








“Hoy! Seth!”


Nilingon ko ang tumawag sakin. Sino ba ang bisugo na ‘to?


“Gago ka! Bakit mo pinatos ang girlfriend ko?!”


Hindi ko alam kung sino ang babaeng tinutukoy niya pero… I smirked. “Ang galing naman kasi ng girlfriend mo. Nasubukan mo na ba siya? Try mo, pare. Hindi ka magsisisi.”


“Tangina mo! Gago!”


Tinakbo niya ang pagitan namin at sinalubong ako ng suntok. Hindi ko ‘yon iniwasan. Narinig kong nagsigawan ang mga estudyanteng nasa paligid ko.


Pinagalaw-galaw ko ang panga ko. May nalasahan akong dugo. Dugo?! Pinatunog ko ang mga buto ko sa kamay. Ikiniling ko ang ulo ko. “Kung sino ka mang bisugo ka, magdasal ka na.” Inilang hakbang ko lang siya at inundayan ko ng suntok ang mukha niya. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa hindi ako magsawa sa pagbasag ng mukha niya. Natigil lang ‘yon nang may mga umawat samin na guard ng school.


Sa principal’s office ang kinabagsakan ko. Ako lang, kasi dinala sa clinic ang bisugo na ‘yon. Anong nangyari?


I was expelled.


The hell I care! Bahala na sila lolong maghanap ng bago kong papasukan. Tatlong buwan pa lang naman simula ng mag-start ng klase. With our money, kayang-kaya nila akong ipasok sa kung saan. Oh! By the way, pangalawang school ko na ‘to ngayong high school. NPA ako, eh. No permanent school. Ang gago ko kasi. Wala naman akong natututunan.


Oh! Wait! Mero’n akong natutunan.


Ano nga ulit tawag do’n?


Ah, oo. Love.


That freaking love!


Love only makes people weak.


And love made me suffer.


Ginawa niyang weak si daddy nung mamatay si mommy. And in return, ako ang pinahirapan ni daddy ng dahil sa pesteng pag-ibig na ‘yan!


At ang love na ‘yan? Hindi ‘yan totoo! Hindi ko nga naramdaman ‘yan! Drawing lang ‘yan! Hindi ‘yan nag-e-exist at never ‘yang mag-e-exist sa buhay ko!


*Riiinnng! Riiinnng! Riiinnng!*


Tiningnan ko ang phone ko. Number ni lolo. Mukhang umabot na sa kaalaman niyang expelled na ko. Ang bilis talaga. I answered his phone call.


“Hello, general.”


“Seth.”                             


Kumunot ang noo ko. May kakaiba sa boses niya. At himala, hindi niya ko sinermunan ng tungkol sa pagkaka-expelled ko.


“You’re father.”


“What is it about my father? Mag-aasawa na siya at sa wakas nakalimutan na niya si mommy at sa wakas mapapatawad na niya ko sa kasalanang wala naman akong kontrol? I think it’s too late for that. I will never forgive him.”


“Listen,Seth. Nag-crash ang chopper na sinasakyan ng daddy mo.”


I don’t know what to react. Basta wala akong maramdaman ng mga oras na ‘to. “Buhay pa ba?” Yun ang lumabas sa bibig ko.


“Stop it, Seth! It isn’t funny!”


“Nag-crash lang naman diba? Malay ninyo buhay pa siya.” And I ended the call.


Ano nga bang dapat kong maramdaman?


Hindi ko alam.


Manhid na ang isip ko.


Pati ang puso ko.








Lumipas ang isang buwan.


Lumapit ako sa kabaong ni daddy.


Kabaong na walang laman kundi ang mga gamit ni daddy na nakitang lumulutang sa dagat. Hindi na nakita ang katawan niya. Wala ding nabuhay sa mga kasama niya.


“Seth. You’re drunk.”


Tiningnan ko ang babaeng humarang sakin. Si Megan. Ang ganda talaga niya.


“Yes, I am.”


“Are you insane?” mahinang tanong niya. “Burol ‘to ng daddy mo.”


“Burol?” malakas na tanong ko na ikinatingin ng mga taong nasa paligid ko. “Paano magiging burol ‘to kung wala namang laman ang kabaong na ‘yan?!” Inilang hakbang ko ang kabaong ni daddy. Itinuro ko ang picture niyang malaki.


“You! Don’t tell me sinundan mo na rin si mommy?! Bakit? Nagsawa ka na ba sa pagpapahirap mo sakin, hah?! Answer me! Hindi ka pa patay diba?! Hindi ka pwedeng mamatay! Hindi pa kita napapatawad sa pagpapahirap mo sakin! You should be alive! Hindi ko pa nasasabi sa’yo na galit na galit ako sa’yo! I hate you to hell, dad! Kung ayaw mo kong maging anak, triple naman ang pag-ayaw ko sa ‘yo bilang ama ko! Sinusumpa kit—“ Pak!


I was slapped. By whom? By my grandfather. Nang lingunin ko siya, galit ang nakarehistro sa mukha niya. Pigil siya ni lola.


“Wala kang galang! Umalis ka dito! Umalis ka!”


“Ferdinand, tama na ‘yan.”


I just smirked. “Hindi ninyo naman kailangang sabihin ‘yon dahil wala rin naman akong balak na makipaglamay dito.” madiing sabi ko.


Umalis na ko habang ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa paligid ko pati ang bulungan nila.


“Mga walang kwenta.” madiing sabi ko.


Pero bago pa ko tuluyang makalabas, may humawak na sa braso ko.


“Seth.”


Matalim ko siyang tiningnan. Ni hindi man lang siya kumurap o natinag sa kinatatayuan niya. Lagi siyang ganyan. Siya lang naman ang nag-iisang tao, maliban sa lolo ko, na kaya akong tingnan ng deretso sa mga mata ko kapag ganitong parang gusto kong pumatay ng tao.


“Why, Megan? Maglalasing pa ko at ise-celebrate ang pagkamatay daw ni daddy. You want to join me?” Tiningnan ko ang lolo niyang nakatayo at nakatingin samin. “Nakatingin dito ang lolo mo. Kung sasama ka sakin, tara na. Kung hindi...”


She let go of my hand as I expected.


I smirked. Tuluyan na kong umalis.


Hindi na ko tumira sa mansyon. I chose to stay at my condo unit na hiningi ko kay lolo. Pinagbigyan niya ko. Mukhang ayaw na rin niyang makita ang pagmumukha ko dahil sa ginawa ko sa burol ni daddy.


Kung nag-aral uli ako? Oo. Masaya sa school. Maraming chikababes at marami rin akong mapagti-tripang bugbugin.


Lumipas ang halos dalawang taon.


Kung malala ako dati, mas lalo akong lumala ngayon. Hindi nga ako makaka-graduate kasi mga bwisit yung teacher ko.


Ipinarada ko ang kotse ko di-kalayuan sa mansyon na natatanaw ko. Hindi mansyon ng Nevarez ‘yon.


Patakbong lumapit ako sa malaking puno. Walang hirap na naakyat ko ‘yon at tumalon sa mataas na pader papunta sa kabila. Pinuntahan ko ang pakay ko na nasa third floor ng mansyon. Pagkasampa ko sa verandah, nakita kong nakatayo ang isang babae.


“Hi, Megan.”


Napalingon niya sakin. “What are you doing here, Seth?” madiing tanong niya.


“Para namang hindi ko ginagawa ‘to.” Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako nag-umpisang pumuslit dito sa mansyon ng mga Fredella tuwing gabi at puntahan si Megan sa kwarto niya. Kung nahuli na ba ako? Yes. Half a year ago maybe.


“If my lolo catches you again—”


“Hindi na mangyayari ‘yon, Megan. Masyado ka talagang takot sa lolo mo.” Humakbang ako papasok ng kwarto niya.


“Seth!”


“Lower your voice. Gusto mo bang mahuli nilang nandito ako?” Prente akong humiga sa kama niya. “Kung ako ang tatanungin mo, okay lang sakin. Eh, ikaw?” Nang tingnan ko siya, nakita kong ni-lock niya ang pintuan. I grinned. “Why did you lock it?”


Tiningnan niya ko nang masama. Lumapit siya sakin at nagpameywang sa gilid ko. “Ano ba kasing ginagawa mo dito?”


“Wala akong magawa kaya nandito ako.”


Umasim ang mukha niya. “You’re drunk again.”


“Nakainom lang.” tinatamad na sagot ko. “Congratulations, Megan. Grumaduate ka na. Samantalang ako… Ah! Never mind! Pumunta lang naman ako dito para ibigay ang regalo ko.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palapit sakin. Napaupo siya sa gilid ng kama.


“If you’re thinking of kissing me—”


I did what she said. I kissed her. Ni hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Ilang segundo ang lumipas nang hindi ko maramdamang tumutol siya. Na ipinagtaka ko. Naging hobby ko na kasi ang halikan siya ng walang paalam. In return, lagi niya kong tinutulak at sinasampal.


Pero ngayon?


I let go of her lips.


“What’s wrong, Megan?”


She smiled. “There’s nothing wrong, Seth. Just like what I said, if you’re thinking of kissing me, then do it. Because this would be the last time.”


Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”


Tumayo siya at lumayo sakin. Pumunta siya ng verandah. Naiiling na sumunod ako sa kaniya. Nakahalukipkip siya at nakatingala sa langit. Nakatalikod siya sakin. Sumandal ako sa pader at nagpamulsa.


“My lolo will send me in States. Do’n na ko mag-aaral ng college.”


I moment of silence before I answered. “Gusto niya kong ilayo sa’yo.”


“I don’t know.”


“Bakit kailangang ilayo ako ng lolo mo sa’yo kung wala naman tayong relasyon?” Ano nga bang relasyon naming dalawa? We’re friends? I don’t know. Pag gusto ko siyang puntahan, pupuntahan ko siya. Pag gusto ko siyang halikan, hahalikan ko siya na may kapalit na sampal. And her? Kapag may bumabastos sa kaniya, binubugbog ko. Do I like her? I don’t know. Ang alam ko, siya lang nag-iisang babaeng umagaw ng atensyon ko. Kakaiba kasi siya sa lahat.


“I don’t know.”


“Natatakot ba siyang ako ang makatuluyan mo kesa sa lalaking napili niya sa’yo? Ang baduy talaga ng lolo mo. Arranged marriage? Hah!”


“Kung hindi ko siya susundin, mawawalan ako ng mana. I can’t live without this wealth. And you know that.”


“I know.”


Hinarap niya ko. She was smiling. “But you know what the good thing is? I can do whatever I want in States. I mean. Malayo ako kay lolo. Walang magbabantay ng mga kilos ko. That’s great, right?”


“Yeah. Great. But don’t under estimate your grandfather. He is a Fredella, Megan.”


“And so as me. Kung kaya niyang magbayad ng tao, kaya ko rin ‘yon. Alam mo naman ang mga tao, bayaran mo lang sila, for sure tatahimik na sila. And as long as I follow my grandfather, makukuha ko ang gusto ko.”


“Kahit ayaw mo ng gusto niyang ipagawa sa’yo?”


“Yes, Seth. Besides, wala pa naman siyang pinapagawa sakin na hindi ko talaga gusto. And when the time comes na utusan niya kong gawi ‘yon, saka ko na po-problemahin ‘yon. Ang mahalaga, makakalayo na ko sa kaniya nang matagal.”


“Then you’re leaving me here. All alone.”


“Oh! Stop being so melodramatic, Seth. Hindi bagay sa’yo.”


I smirked. Humakbang ako palapit sa kaniya. Huminto ako sa harap niya.


“How about you, Seth?”


“What about me?”


“What are your plans? Forever ka na bang ganyan?”


Nagkibit-balikat ako. “I’m still enjoying.”


“You’re ruining your life.”


“My father ruined it. They ruined my life.” Hinaplos ko ang pisngi niya. “You know what, Megan?”


“What?”


“I—”


“Megan!”


“Si daddy!” Akmang aalis siya nang yakapin ko siya. “Seth!” Nagpumiglas siya.


“You’re leaving me, right? Pagbigyan mo na ko.”


Tumigil na siya. “Why don’t you change, Seth?”


Parang gusto ko matawa sa sinabi niya. “Change for nothing. Wag na lang. This is me. Megan.”


Hindi ko na siya narinig na sumagot.


“Bagay tayo, Megan.”


“What?” Tiningala niya ko.


“You hate troubles, right? I do love it. Maldita ka, basagulero ako.”


Tinaasan niya ko ng kilay. “So?”


“Megan! Open the door!”


“Go, Seth. Magtataka na si daddy.” Kumawala na siya sakin at pumasok sa loob. Pero hinabol ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at iniharap siya sakin.


“Makakalimutan mo ba ko kapag umalis ka na?”


She rolled her eyes. “How could I forget a stupid, idiot, moron, perverted and a wannabe gangster like you?”


I smirked. Hinila ko siya palapit sakin at walang sabing hinalikan ko siya. Hindi siya tumutol but when I...


Tinulak niya ko. “You!” Hawak niya ang leeg niya. “Why did you?!”


I grinned. “That’s my mark, Megan.”


“What?!”


“That this stupid, idiot, moron, perverted and wannabe gangster likes you.”

= = =




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^