Sunday, December 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 49



CHAPTER 49

[ SETH’s POV ]


Continuaton of flashback…


Lumipas ang mga taon.


At katulad ng sinabi ko kay Megan no’n bago siya umalis, hindi ako magbabago. Kung malala na ko, mas lalo pa akong lumala.


Drugs. Grabe. Para kong nasa heaven kapag gamit ko ‘yan. Mas lalong lumalakas ang trip ko.


Sex. Ang sarap, eh. At wala akong AIDs. Hah! Mapili din naman ako ng mga babaeng kinakama ko.


Fights. Ang sarap talaga sa pakiramdam ang mangbugbog. Yung tipong dederetso na sila sa orthopedic.


Gambling. Dyan ko nilulustay ang pera ko. Tutal naman, hindi na ko nag-aaral, edi dyan ko na lang ilalagay ang pera ko.


Lahat ng pwede kong paglibangan, ginawa ko na.


Nandyan naman si lolo para ilabas ako sa mga gulo ko. Para sa’n pa ang pera niya kung hindi niya ko matutulungan? Besides, ako ang nag-iisa niyang apo. Ang tagapag-mana ng Nevarez.


But not until he came...


Pumunta ko ng mansyon para humingi kay lolo ng allowance ko. Bwisit kasi, c-in-nut niya ang credit card pati ATM ako! Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makikita ko...


Naabutan ko sa salang kasama nina lolo at lola ang dalawang lalaki. Magkalapit lang ang edad namin nung isa. Samantalang ang isa, nasa forties na siguro. Magkamukha sila. At...


Kumunot ang noo ko. Kamukha ng lalaking nasa forties ang taong kinamumuhian ko.


“Seth.”


Sa wakas, napansin na rin ako ni lola. Hindi na talaga sila nagbago. Hindi talaga ko nag-eexist sa buhay nila.


Lumapit ako sa kanila. Hinarap ko ang lalaking nasa forties. “Kamukha ka ng daddy kong nasa impyerno na—”


“Seth!” saway sakin ni lolo.


Tinaas ko ang kamay ko. “I’m kidding here, lolo. Chillax, okay? Sino sila?”


Si lola ang nagpaliwanag. “Panganay na anak namin siya ng lolo mo. Si William, your uncle. And this is his son, si Jaylord, your cousin.”


Kumunot ang noo ko. “Akala ko ba patay na ang kapatid ni daddy? Bakit bigla na lang silang sumulpot dito? Oh! Dahil sa mana ‘no?”


“Seth! Sumosobra ka na!”

“Fine! Fine! Titigil na ko.” Nagtitimpi na si lolo. Pero bakit hindi niya ko magawang saktan? Nagtaka pa ko. Simula ng mawala si daddy, nag-iba na siya. Pero gano’n pa rin, lagi pa rin niya kong sinesermunan. Breakfast, lunch, merienda at dinner ko na ‘yon.


Hinarap ko ang sinasabi ni lola na pinsan kong si Jaylord. I extended my hand. “I’m Seth. Nakakatuwa namang malamang may pinsan pala ko.”


Walang ekspresyon ang mukha niya. Ni hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Matagal niyang tiningnan ang kamay ko bago niya ‘yon tinanggap.


“Jaylord.” simpleng pakilala niya.


I grinned. “Welcome to hell.”


Nagsalubong ang kilay niya. Natawa ako.


“Seth!”


Si lolo, baka atakihin na. Makalayas na nga.


“Gotta go. And by the way, lolo. Yung allowance ko.”


And then I leave.


Nabigla man ako dahil buhay pa pala ang kapatid ni daddy at may pinsan pala ko, I don’t care!


And the hell I care about their story kung bakit ngayon lang sila sumulpot!


Pero tang-ina! Ang sarap magmura nang malaman kong ang pinsan kong tuod na ‘yon ang successor ni lolo! Puta talaga! Isang kabuteng tuod ang gagawin niyang successor ng company!


Dahil ba nakapagtapos siya at ako hindi?!


Ang nakakainis pa talaga do’n, iba ang pakikitungo ni lolo at lola sa tuod na ‘yon! Bakit gano’n?! Bwisit!


Si Jaylord ang mas magaling! Si Jaylord ang mas matalino! Si Jaylord ang mas masipag. Si Jaylord na lahat! Edi siya na! Saksak niya sa baga niya!


Hah! Magsama-sama sila! Mga walang kwenta! Pakialam ko sa kumpanya! Basta ibigay ni lolo ang mana ko, then I’m fine with it!


Wala rin naman akong pakialam sa kanila! Gagawin ko ang gusto ko! Hah! Umabot pa ngang kapag may event sa company, nanggugulo ako. And on the rescue naman ‘tong si Jaylord. He’s a gangster, yes. An ex-gangster. Ang sarap kaya niyang kabugbugan.


Do’n ko nailalabas ang bwisit ko sa kanila!








Until she came…


Megan came back…


Bumalik siya para gawin ang gusto ng lolo niya.


At ‘yon ay ang pakasalan si Jaylord.


Pakasalan? Sira ulo din yung lolo niya, eh. Paano mangyayari ‘yon kung may syota na si Jaylord? Ang yaman nga, tanga naman!


What’s the girl’s name again? Einnie? Ella? Oh! Ellaine pala. Hindi ko talaga matandaan ang pangalan niya. Na kay Megan lang naman kasi ang buong atensyon ko.


Do I still like Megan? Yes. I still like her. Kaya nga hinahayaan ko siya sa gusto niyang gawin. But when I’m around, gusto ko nasakin lang ang atensyon niya. Nasakin at wala kay Jaylord.


Pero hindi ko pa rin siya pinigilan sa gusto niyang gawin. Hinayaan ko siyang sirain ang relasyon ni Jaylord at ng syota niya. Ang saya lang kasing tingnan kung paanong baliw na baliw sa isa’t isa si Jaylord at ang babaeng’yon.


What’s with them? Yun ang gusto kong alamin kung bakit tahimik lang ako na nanonood sa ginagawa ni Megan sa kanila.








Years passed…


Until that night came…


Sa anniversary ng NPC, nang malaman ni Jaylord na pupunta ko. He made a deal with me. Magiging escort ko si Megan. Lagi naman siyang gano’n. Ginagamit niya lang si Megan para hindi ako makapang-gulo. So be it.


“Napupuno na sakin si lolo.” Sinabi ‘yon ni Megan habang kasayaw ko siya. Three years, ngayon lang siya nag-reklamo ng tungkol dyan.


Sinundan ko ang tinitingnan niya. Si Jaylord at si Ellaine na nagsasayaw di kalayuan samin. At sweet na sweet sila. Tss! Hindi ba sila nagsasawa sa isa’t isa? “What do you want me to do, Megan?”


Napalingon siya sakin. “Hah?”


“Ang sabi mo, napupuno na sa’yo ang lolo mo. Dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin nagagawa ang gusto niya.”


Umiwas siya ng tingin. “Don’t mind me. I can handle this one.”


Hinawakan ko ang baba niya. Hinuli ko ang mga mata niya. “I like you, Megan. And I will do everything for you. No matter what it takes.”


Wala siyang sinabi. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. And then she spoke. “I want to go home na, Seth. My head aches.”


She said she can handle it. Pero mukhang hindi ‘yon ang nakikita ko nang puntahan ko siya ngayon sa mansyon.


Mahigit dalawang buwan na ang lumipas simula nung anniversary ng NPC.


At mukhang ang laki ng problema niya ngayon habang nandito ako sa verandah at nakikita ko siyang hindi mapakali at palakad-lakad sa loob ng kwarto niya.


“It’s late, Megan.”


Maya-maya ay lumabas na siya. Napapalatak ako. Ang nipis naman kasi ng suot niya. Nang-aakit ba siya?


“What are you doing here in the middle of the night, Seth?”


“I just missed you. That’s all.”


“Nakita mo na ko. Pwede ka nang umalis.”


“What’s the problem, Megan? About Jaylord, huh?”


Nagpalakad-lakad na naman siya. “Ilang weeks na lang, ikakasal na sina Jaylord at Ellaine. Si lolo. Binantaan na niya ko kanina. Kung wala pa kong gagawin, lahat ng ‘to, mawawala sakin. In just a snap of finger.” Nilingon niya ko. “You heard me, Seth? This wealth. Mawawala sakin ‘to kapag natuloy ang kasal nilang dalawa. Hindi ko kaya ‘yon. Never.” madiing sabi niya.


Umalis ako mula sa pagkakaupo ko at nilapitan siya.


“Remember what I told you at the NPC’s anniversary party?” Hinaplos ko ang pisngi niya. “I will do everything for you, Megan. No matter what it takes.”


Tumaas ang sulok ng labi niya. “You liked me that much, huh?”


“Just one kiss, Megan.” Bumaba ang mukha ko palapit sa kaniya. “You’ll just have to sit back and relax.” My lips were only inches from hers. “And I’ll do my part.” I whispered as my lips landed on her lips.


It took a few seconds before I felt her response. Yumakap siya sa leeg ko. Iniyakap ko naman ang mga braso ko sa beywang niya. Shit! She’s making insane! Hindi niya ba alam ‘yon?


“Help me, Seth.” She murmured against my lips. Napatigil ako. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. “Hindi pwedeng matuloy ang kasal nila. Hindi pwedeng—” I kissed her again.


“Just one night…” I said as I planted kisses from her cheek down to her neck. “One night with you, Megan…” I started to untie her clothes. “Walang magaganap na kasal…”


Hindi ko siya narinig na sumagot. Silence means yes, right?


Tuluyan ko na siyang binuhat at dinala sa loob ng kwarto niya.


And we did it.


Pero ang hindi ko inaasahan…


“You’re still a virgin?”


Sinalubong niya ang tingin ko. “Yeah. So?”


“Is just that...”


“Na-shock ka?”


Oo. Pero hindi ko na ‘yon sinabi ko sa kaniya.


“Nakuha mo na ko. So do your part, Seth. Hindi dapat matuloy ang kasal nila.”


Napatango na lang ako. “Did I hurt you?” sa halip ay tanong ko.


Umiwas siya ng tingin. “A bit.”


Napatango na lang ako. Tang-ina! Ano bang nangyayari sakin? Parang ngayon lang ako nakipag-sex sa virgin, ah! Kailan pa ko nagtanong sa mga babaeng naka-sex kong virgin kung nasaktan sila kasi first time nila? But this is Megan! Si Megan ‘to! Tang-ina! Ano naman kung si Megan ‘to? Yun nga, eh! Si Megan ‘to! Si Megan! Shit! Paulit-ulit na lang ako! Ano ba talagang nangyayari sakin?


“Seth.”


“What?”


“Ang bigat mo. Can you please...”


Napatingin ako sa kaniya. Yung dalawang kamay niya nasa dibdib ko at parang tinutulak ako. I was still on top of her. And I’m getting hot again because of that idea. I grinned. “Please what?”


Tiningnan niya ko nang masama. “Roll over, okay.”


“What if I don’t?”


Pinanlakihan niya ko ng mga mata. “Seth!”


Seryoso ko siyang tiningnan. “Why did you allow this to happen, Megan? Bakit hinayaan mong may mangyari satin?”


Hindi siya sumagot.


“Ganyan ka ba talaga katakot maghirap?”


“You know the answer, Seth. Lumaki ako sa ganito. My parents? Buntot lang naman sila ni lolo. Si lolo ang batas. Siya ang nasusunod sa pamilya namin. Kung ano ang sabihin niya, yun ang masusunod. Kapag sinabi niyang wala akong manang makukuha, wala. I already experienced that, right? Nung highschool tayo. Nang mahuli ka niyang nasa kwarto ko. C-in-ut niya ang allowance ko. I don’t want that to happen again. Hindi ko ‘yon kaya. Hindi ko kayang maghirap.”


“Pero kaya ko.” bulong ko.


“What?”


“Nothing.” I caressed her face. “I like you, Megan.”


“I know.”


“That’s why I will do everything for you.” I started kissing her again.


“Seth... nandito tayo sa bahay...”


“The hell I care, Megan… I want you now…”


I couldn’t get enough of her. For the first time in my life, ngayon lang ako naging ganito ka-adik sa isang babae physically. Once is not enough. Twice? Thrice? I don’t know. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.


Maybe I’m insane. And she’s the reason why.


Tiningnan ko ang relo ko. It’s almost past three am in the morning. Sinilip ko ang mukha ni Megan na mahimbing na natutulog habang nakaunan sa braso ko.


I smirked. She was exhausted. Nakailang round ba kami? I don’t know. Thirty minutes ago simula nang makatulog siya. Napailing ako. Kailan ba ko umabot ng thirty minutes sa tabi ng babaeng naka-sex ko? Sa pagkakatanda ko, never pang umabot ng isang minuto. Pagkatapos ko kasing makuha ang gusto ko sa kanila, aalis na agad ako. Pero bakit ngayon?


Sex nga ba ang ginawa namin ni Megan? It was different, I know. But I couldn’t pin point kung anong tawag sa ginawa namin.


Napatingin ako kay Megan nang maramdaman kong sumiksik siya sakin. Here we go again. She’s driving me insane again!


I held her cheek and kissed her on her lips. Shit! Kailan ba ko magsasawa sa kaniya?


“You’re a coward, Seth. Babaeng gusto mo, hindi mo maipaglaban. Talagang magkaiba kayo ni Jaylord. Dahil siya, kaya niyang ipaglaban ang mga mahahalaga sa buhay niya.”


I suddenly stopped nang maalala ko ang sinabi ‘yon ni Ellaine nang makausap ko siya sa NPC’s anniversary for the first time. Bihira ko lang naman siyang makita. Bihirang-bihira.


I smirked. That stupid girl! Hindi ko akalaing gano’n katapang ang babaeng ‘yon.


Bumangon na ko. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang humiwalay kay Megan. Kailan pa ko nagtimpi sa sarili ko? Nagtataka na talaga ko sa sarili ko. And I don’t have time para i-analyze ang nangyayari sakin. Kung ano man ‘to, bahala na si batman.


Pagkatapos kong magbihis, umupo ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko si Megan. There was something inside of me telling me na hindi siya pwedeng mawala sakin. Na hindi siya pwedeng mapunta sa iba.


Akin lang siya! Then I realized one thing. Kaya kong pumatay para sa kaniya!


Naalala ko ang sinabi niya kanina.


“You know the answer, Seth. Lumaki ako sa ganito. My parents? Buntot lang naman sila ni lolo. Si lolo ang batas. Siya ang nasusunod sa pamilya namin. Kung ano ang sabihin niya, yun ang masusunod. Kapag sinabi niyang wala akong manang makukuha, wala. I already experienced that, right? Nung highschool tayo. Nang mahuli ka niyang nasa kwarto ko. C-in-ut niya ang allowance ko. I don’t want that to happen again. Hindi ko ‘yon kaya. Hindi ko kayang maghirap.”


Hinaplos ko ang pisngi niya. “Pero kaya ko, Megan. Kaya kong hindi ka maghirap. Pero hindi ko kayang mapunta ka sa gagong Jaylord na ‘yon. Inagaw niya ang lahat ng dapat na sakin. Ang atensyon nina lolo at ang kumpanya. Pati ikaw.” Kaya kong burahin siya sa landas ko. Kung mawawala siya, ako na lang ang nag-iisang tagapagmana ng Nevarez. Wala ng choice ang lolo ni Megan kundi ang ipakasal siya sakin.


Inayos ko ang pagkakabalot ng kumot kay Megan. And before I leave, I planted a deep kiss on her lips.


Mukhang matatagalan bago ko uli siya makita dahil sa planong gagawin ko.


Madali akong nakaalis sa mansyon ng walang nakakakita. Nakarating ako sa isang bar. At tingnan mo naman ang pagkakataon, do’n ko pa nakilala sina Kairo at Janus na napag-alaman kong mortal na kaaway ni Jaylord.


Nasa bakanteng lote sila malapit sa isang bar at nakikipagbugbugan sa maraming lalaki. Dalawa laban sa lagpas sampu na mga lalaki. Wala naman talaga akong balak na bumaba ng kotse ko pero nangangati ang kamao ko, eh. Bumaba ako at nakipagsapakan sa kanila. Bugbog na yung dalawa. Mga lasing ba naman. Mga gago rin, eh! Makikipagsapakan sa napakadaming lalaki ng lasing?


Nang mahismasan sila, nalaman kong nagtatago pala sila. Wanted sila sa mga pulis. Nalaman ko ang kwento kung bakit. Dahil sa gagong Jaylord na ‘yon!


At do’n na nag-umpisa ang plano ko.


Bibigyan ko sila nang permanenteng matitirhan at pera, pero dapat lang na gawin nila ang gusto ko. Mautak din ako, eh. Bakit pa ako ang gagawa kung may mababayaran naman ako para gumawa ng gusto ko? Iwas sabit din. Hindi ako pwedeng sumabit dito.


Two weeks before the wedding, tinext ko si Megan na ilagay ako sa list ng mga taong may flight to Canada. Pag-aari ng pamilya niya ang Fredella Airlines. And with Megan, kaya niyang gawan ng paraan ‘yon.


Damn! Kung alam lang niya na para na kong mababaliw dahil gustong-gusto ko na siyang makita! At ulitin ang nangyari ng gabing ‘yon ng paulit-ulit!


Pero kailangan kong magtimpi. Ayoko rin siyang madamay sa gagawin ko. Shit! Kailan pa ko nag-alala sa ibang tao?!


Nang araw ng kasal, tinambangan na namin ni Kairo si Jaylord. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko kung paano siya mawawala sa mundong ‘to. Sinundan namin siya. Dumaan siya sa sementeryo. Yun lang, may biglang umeksena. Nalaman ko mula kay Kairo na si Drenz ‘yon. At sinabi niya sakin kung sino si Drenz. Nalaman ko ang lahat. At wala na rin naman akong pakialam do’n! Sinundan namin sila. Nakarating sila sa warehouse.


“Boss, ako nang bahala dito. Sisiguraduhin kong hindi na makakalabas ng buhay ang hayop na ‘yon.” nanggigigil na sabi niya.


“Gusto kong makita kung paano siya mawala.”


“Ano bang mas mahalaga sa’yo, boss? Ang makitang mawala siya o ang siguraduhin kong mapupunta siya sa impyerno?”


Binatukan siya. “Wag mo nga kong sagutin, gago ka!”


Napahimas siya ng ulo niya. Between him and Janus, siya ang atat na atat na makaganti kay Jaylord. Kaya nga siya ang pinili ko para gumawa nito.


“Lumabas ka na! Siguraduhin mong buburahin mo na siya o ikaw ang buburahin ko at dadalhin ko sa dulo ng impeyrno!”


Umalis na ko at iniwan siya. Sa nakikita ko sa mga mata niya, mukhang hindi na talaga aabot ang gagong Jaylord na ‘yon sa kasal niya.


Nandito ako ngayon sa hide out ko. Walang nakakaalam nito. Maski sina lolo, hindi nila alam ‘to. Kasama ko si Janus. Hinihintay na lang namin ang pagdating ni Kairo.


Pero hindi si Kairo ang nagdala ng balitang pinakahihintay ko, kundi ang dalawang alipores kong sina Eco at Oliver.


“Anong ginagawa ninyo dito?! Diba sabi kong wag kayong basta na lang pupunta dito ng hindi ko alam?! Mga gago ba talaga kayo, hah?!”


“Importante ang sasabihin namin, boss.”


“Ano ‘yon?! Bilisan ninyo!”


“Wala na si Jaylord, boss. Nakita ang bangkay niya sa nasusunog na warehouse. Hindi na daw makilala ang katawan niya.”


Nawala ang pagkakakunot ng noo ko. Unti-unti akong napangiti hanggang sa maging mapuno ng halakhak ko ang buong kwarto.


He’s gone.


Patay na ang lalaking umagaw sakin ng lahat.








Hindi ako pumunta sa libing ni Jaylord. Mismong daddy ko nga no’n, hindi ko pinuntahan, siya pa kaya?


Nandito lang ako sa hideout ko habang sa pagkakaalam nila, nasa Canada ako. And my phone? Sinira ko ang phone ko para walang maka-kontak sakin. Kahit si Megan, hindi ko siya kinontak. Hindi pa ‘to ang tamang oras para magpakita ako. Palilipasin ko muna ang pagluluksa nila bago ako susulpot sa eksena.


Tutal naman, sanay naman silang lagi akong wala kaya hindi na sila magtataka. Magpakita man ako o hindi, wala rin naman silang pakialam. Magluksa sila at ako, mag-eenjoy dahil wala na ang gagong ‘yon.


Okay na sana. Okay na okay na ang lahat.


Pero may isa pang problema.


Lumipas ang isang linggo na hindi nagpakita samin si Kairo.


“Boss, hindi gawain ni Kairo ‘yon. Hindi man siya magpakita sa’yo, pero hindi niya gagawin sakin ‘yon. Kami ang magkasanggang dikit no’n kahit saan.”


“Anong pake ko kung hindi siya magpakita sa’yo o sa akin? Ang mahalaga dito, nagawa niya ang dapat niyang gawin.”


“Pero, boss, paano kung hindi kay Jaylord ang bangkay na nakita?”


Tiningnan ko siya nang matalim. “Anong ibig mong sabihin?”


“Nang araw na ‘yon, sinabi sakin ni Kairo na gagawin niya ang lahat para mamatay si Jaylord kahit pa ang madamay ang buhay niya. Gano’n siya ka-obsess na mamatay ang gagong Jaylord na ‘yon. Paano kung—”


“Shut up, Janus! Patay na si Jaylord, tapos! Malamang nilulustay na ni Kairo ang perang ipinangbayad ko sa kaniya kaya tumahimik ka dyan! Kung gusto mong umalis dito, pwes umalis ka at hanapin mo ang Kairo na ‘yon!”


Pero paano nga kung tama ang sinabi niya? Paano kung buhay si Jaylord? Pero kung buhay siya, nasa’n siya ngayon? Paano kung may nabanggit ang bwisit na Kairo na ‘yon sa kaniya? Paano kung bigla akong sumabit dito? Shit talaga! Bakit ko ba iniisip ‘yon? Patay na siya! Tapos!


Lumipas ang halos isang buwan. Mahigit isang buwan na ata.


Walang nagpakitang Jaylord. Walang nagpakitang Kairo.


Kung nasa’n man si Kairo, malay ko sa kaniya!


Pero ang hindi ko inaasahan na halos isumpa ko ay ang makita siya!


Napilitan akong dumaan sa eskinita na ‘to para makaiwas sa pesteng traffic. 

Huminto ang tricycle na nasa unahan ko. Ilang beses akong bumusina.


“Jaylord! Pakibuhat nga ‘to!”


Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalang ‘yon. Napalingon ako sa kanan ko. And I didn’t expect na makikita ko uli ang pagmumukha niya.


“Jaylord?”


Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa tricycle na nasa unahan ko. Binuhat niya ang mga gamit na nasa tricycle at pumasok sa mini grocery store.


Nawala siya sa paningin ko. Nakuyom ko ang kamao ko.


Si Jaylord ba talaga ‘yon? Humaba ang buhok niya at pumayat siya pero hindi ako pwedeng magkamali. Pero hindi pwede ‘to! Hindi pwedeng siya ‘yon!


Hindi ako umalis. Sinigurado kong siya nga ang nakita ko. Nagparada ako sa tapat ng palengke na katapat lang ng grocery store. Hindi ko alam kung ilang oras na kong nasa loob ng kotse ko habang nakatingin sa kanya na nakaupo sa tapat grocery store. Hanggang sa makauwi siya, sinundan ko siya. At nang pumasok siya ng bahay na ‘yon, napamura na lang ako.


“Damn! Si Jaylord ‘yon!” Hindi talaga ako makapaniwalang buhay siya! Pinaharurot ko ang kotse ko palayo sa lugar na ‘yon.


“Boss, anong nangyari?”


Halos ibato ko kasi ang lahat nang mahawakan ko pagdating ko sa hideout. “Buhay siya!”


“Sinong buhay, boss?”


“Ang hayop na Jaylord na ‘yon!” nanggigigil na sabi ko.


“Hah? Pero paano—”


“Tawagan mo si Janus! Bilisan mo!”


I gritted my teeth. Bakit nabuhay ka pa?! Bakit?!


“Sumama ka sakin, Janus!” Yun ang sabi ko pagdating niya. Pumunta ko ng kotse ko. Sumunod siya.


“Boss, bakit?”


“Buhay ang hayop na Jaylord na ‘yon! Hindi ko alam kung paano at bakit, basta nakita kong buhay siya!”


“Tang-ina! Ibig sabihin kay Kairo na bangkay ‘yon?!”


“Hindi ko alam! Oo siguro!” May isa pang lalaki silang kasama no’n. Paano kung siya ang namatay at hindi si Kairo? At kaya hindi nagpakita si Kairo dahil natatakot siyang harapin ako! Lalo tuloy akong nabwisit! “Gagong Kairo na ‘yon! Palpak siyang hayop siya! Bwisit! Tangina!”


“Hindi kaya namamalikmata ka lang, boss?”


“Gusto mo siyang makita? Pwes, sumama ka sakin!”


Pinuntahan namin si Jaylord. Nakaparada lang ang kotse namin di-kalayuan sa bahay na pinasukan niya kanina.


“Boss, kung buhay siya, bakit hindi siya nagpakita?”


“Hindi ko alam, okay! Wag mo kong tanungin!”


Natahimik na siya.


“Boss, siya ba ‘yon?”


May nakita akong lalaking lumabas ng bahay. Sinundan namin siya. Palingon-lingon siya sa kotse namin. Sa sobrang bwisit ko, pinaharurot ko ang kotse papunta sa gawi niya. Pero ang galing ng hayop, nakaiwas siya. Kasabay nang pagpreno ko, biglang lumabas si Janus.


“Janus! Bwisit!” Hinampas ko ang manibela. Akmang bababa ako nang makarinig ako ng putok. Paglingon ko sa likuran ng kotse, nakita kong pabalik na si Janus. Bumaba ako ng kotse at sinalubong siya. Wala na si Jaylord. “Sira ulo ka ba, hah?!”


“Boss, hindi niya ko kilala.” nagtatakang sabi niya.


“Ano?!”


“Nang magkatinginan kami, tinanong niya ko kung sino ako.”


Natigilan ako. Hindi kaya...


Tama! Hindi kaya may amnesia siya kaya hindi agad siya nakabalik kina lolo? Pero paano kung nagpapanggap siya? Pero hindi rin, eh.


Tumaas ang sulok ng labi ko. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Talagang umaayon sakin ang lahat.


Pinahanap ko si Jaylord kina Eco at Oliver. Hindi siya makakalayo agad. Hindi siya pwedeng makabalik kina lolo. Nakita nga siya ng dalawa, natakasan naman.


“Ang tatanga ninyo talaga! May amnesia na nga natakasan pa kayo!” bulyaw ko sa kanila nang tawagan nila ako.


“Sorry, boos. Eh, boss, may amnesia ba talaga ‘yon?” tanong ni Oliver.


“Anong ibig mong sabihin?”


“Ang galing pa rin lumaban, eh. Napuruhan kami sa ginawa niya.”


“Mga tanga ba kayo? May amnesia lang siya, hindi siya balbado! Wag kayong titigil hangga’t hindi ninyo siya nakikita! Hindi ‘yon makakalayo! Talasan ninyo ang mga mata ninyo!”


Hindi nga agad nakalayo si Jaylord dahil nakita nila uli ang gagong ‘yon. Eh, tinamaan ng magaling ang mga alipores ko! Hindi nga sila natakasan. Naunahan naman sila!


“Boss, palapit na kami sa kaniya nang biglang sumulpot si Miss Megan.”


“Ano?!”


“Sinundan namin siya, boss.”


“Sa’n niya dinala si Jaylord?!”


“Sa lolo mo, boss.”


Nabalibag ko ang phone ko sa sobrang inis!


Sa lahat ng tao na pwedeng makakita sa kaniya, bakit si Megan pa?! Kailangan kong kumilos. Halos mabaliw ako sa pag-iisip kung anong gagawin ko. Paano kung bumalik ang alaala niya? Paano kung may sinabi si Kairo sa kaniya? Paano kung nabanggit niya ako sa kaniya? Anong gagawin ko?! Damn!


Mag-isip ka, Seth! Mag-isip ka!


Natigilan ako nang may pumasok sa isip ko.


I smirked. Magaling, Seth! Napakatalino mo talaga!


Tinawagan ko si Janus. “Ihanda mo ang ACG.” Yun ang gang nila dati na nagkawatak-watak na. “Oras na para magharap-harap kayo ng DSG.” Yun ang gang na pinamumuan ni Jaylord noon. It’s a war. Naiisip ko pa lang ang mangyayari, puapalakpak na ang tenga ko. “Kaya mo ba ‘yon, Janus?”


“Madali lang ‘yon, boss. Pero bakit? Anong balita sa hayop na Jaylord na ‘yon?”


“Nakabalik na siya sa mansyon.”


“Paano ‘yan, boss?”


“Basta siguraduhin mong handa kayong ACG. Ako ng bahala sa lahat.”


Pinamatyagan ko ang labas ng private subdivision nila lolo. Hindi lang ‘yon, pati ang labas ng village nila Ellaine. Si Ellaine ang kailangan ko para lumapit sakin si Jaylord na hindi siya pinipilit.


Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang kinuha ko ang kaisa-isang babaeng mahalaga sa kaniya? Susundin niya kaya ang utos ko kahit wala siyang maalala? Ang tanong, pupuntahan niya kaya si Ellaine oras na malaman niyang hawak ko ang babaeng ‘yon?


Dumating nga ang oras na pinakahihintay ko.


Nakuha ng mga mga ACG si Ellaine. With bonus pa. Si Drenz.


Mukhang mas magiging exciting ang mga mangyayari. Paglalaruan ko sila sa larong gagawin ko. Sa larong ‘to, pahihirapan ko sila at sisiguraduhin kong ako ang mananalo.


- E N D  O F  F L A S H B A C K -



“Boss, nandito na siya!”


Umangat ang tingin ko sa harapan ko.


I saw him.


I smirked. Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. I opened my arms. “Welcome back to hell, Jaylord!”


= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^