CHAPTER
50
[ JAYLORD’s POV ]
Nakikipagpalitan
ako ng suntok sa kalaban nang may bumangga sa likuran ko.
“Jaylord! Hanapin mo na si Ellaine! Kami na
ang bahala dito!”
Si
Paul ‘yon.
“Kaya ninyo na ba
sila?”
“Kami pa!”
May bagay siyang sinuksok sa likuran ko. “In case lang na kakailanganin mo.”
Sinalo
ko ang kamao ng isang lalaking sumugod sakin. Pinilipit ko ang kamay niya. “Khalil! Chad!
Let’s go!” tawag pansin ko sa
dalawa.
Tumakbo
ako papunta ng building. Sumunod ang dalawa sakin. May humabol pa samin pero
hinarang na sila ng mga kasama namin.
“Maghihiwalay-hiwalay
ba tayo para hanapin siya? Limang floor ‘to.” tanong ni Chad
habang tumatakbo kami.
“Mas mapapadali kung
maghihiwalay tayo.” Khalil said.
Nilingon
ko sila. May sugat sa gilid ng labi sa Khalil. May pasa naman sa pisngi si Chad.
“I don’t
think so.” Paano kung makita ng isa sa kanila si Ellaine? “It’s better if
we stay as one. Mag-ingat kayo.”
And
I’m so frustrated dahil nahalughog na namin ang lahat ng floor maliban sa fifth
floor, hindi pa rin namin makita si Ellaine!
“Damn! Sa’n nila
dinala si Elle?!” Sunod-sunod akong napamura sa bwisit
habang paakyat kami sa fifth floor. Walang tao sa lahat ng floor, wala rin si
Ellaine! Where the hell did they keep her?! Dumodoble din ang kaba ko sa bawat
minuto na dumadaan at hindi ko pa siya nakikita!
“Jaylord!”
“What?!”
Sinusubukan kong buksan ang isang kwarto pero mukhang naka-lock ‘yon. Lumapit
ako kay Khalil. May hawak siyang necklace. Kumunot ang noo ko. Agad kong kinuha
‘yon. “Kay
Elle ‘to.” Nakuyom ko ang kamao ko.
“Look at this Jaylord.”
May tinuro si Chad sa sahig. Maalikabok ang sahig pero may mark kang makikita. “Parang may
kung anong hinila dito tapos biglang nawala pagdating do’n.” Tinuro
niya ang hagdan paakyat.
“Sa roof top!”
sabi ni Khalil.
Nauna
akong tumakbo papunta do’n.
“Kung nasa baba si
Janus, sinong may hawak kay Ellaine?”
“Kung hindi si
Janus, sino ang pasimuno nito?”
“Pwede ba? Tama na
ang tanong! Kailangan kong makita si Elle ng ligtas!”
When
we finally reached the rooftop, nakuha namin ang kasugatan. Kung sino ang
pasimuno ng lahat ng ‘to. Kung sino ang may hawak kay Elle!
“Boss, nandito na
siya!”
Si
Seth!
Nasa
kabilang dulo siya ng rooftop.
Tumayo
siya mula sa pagkakaupo niya. He extended his arms. “Welcome back to hell, Jaylord! At kasama
mo pa ang dalawang alalay mo! Ba’t parang kulang ng isa? Oh! Nabalitaan kong
napuruhan daw siya ng ACG, tama ba?”
Kinuyom
ko ang kamao ko.
“Sinasabi na nga ba.
May kinalaman din siya dito. Hayop siya!” narinig kong
sabi ni Chad sa gilid ko.
“Hayop talaga siya!
Nakipagsabwatan pa siya sa ACG!” madiing sabi ni
Khalil.
“Don’t move, you
two. Si Elle.”
“Talagang pumunta ka
dito sa kabila ng amnesia mo para iligtas ang babaeng ‘to! How romantic!”
At sinabayan pa ni Seth ng halakhak.
“Elle.”
I gritted my teeth when I saw her. Kinuyom ko din ang kamao ko na halos mabali
ko na ang mga buto ng kamay ko sa sobrang panggigigil ko!
Si
Elle. Nakaupo siya at nakatali sa upuan. Nakayuko siya. Mukha siyang walang
malay. May isa pang lalaki akong nakita na halos kaunti lang ang layo sa kaniya
na nakayuko rin.
Pero
hind yun, eh! Yung upuan nila na nakapatong sa pinakagilid nitong rooftop na
baka konting galaw lang, babagsak sila! At kung puputulin ang lubid
naka-konekta sa mga upuan nila at sa bakal na pinagtatalian no’n na nasa gitna
nitong rooftop, mahuhulog sila! Mahuhulog si Elle!
At
kahit tumakbo ako, hindi ko mahahabol ‘yon kung sakaling maputol ‘yon! Damn!
“Hep! Hep! Wag na
wag kang lalapit dito, Jaylord!” Hindi ko napansin na
naihakbang ko na pala ang mga paa ko sa sobrang pag-aalala ko sa pwedeng
mangyari kay Elle. “Dahil oras na lumapit ka…” Tinaas ni Seth ang
hawak niyang kutsilyo. “Alam mo na ang mangyayari!” Inilapit niya ang
kutsilyo sa lubid. “Siguradong may paglalamayan ka!”
“Don’t!”
sigaw ko.
“Okay! Madali naman
akong kausap, eh!” Inilayo niya ang kutsilyong hawak niya
sa lubid. “Pero
sino sa kanila ang sinasabihan mo ng wag? Si Ellaine o ang lalaking ito?” Tinuro
niya ang lalaki. “Hoy, Drenz! Nandito na ang gagong pumatay sa kuya mo!”
Nagulat
ako sa pangalang sinabi niya. Anong ginagawa dito ni Drenz? Bakit siya nandito?
Dahan-dahang
umangat ang ulo ni Drenz papunta sa gawi ko.
“Namumukhaan mo ba
siya Jaylord?”
Hindi
ako sumagot.
“Oh! May amnesia ka
nga pala! Edi hindi mo rin ako kilala?”
“Bakit pati siya,
Seth? Anong kinalaman niya dito?”
Matagal
bago siya nakasagot. “Kilala mo ko?”
“Bumalik na ang
alaala ko!”
“Bumalik na pala ang
alaala mo! Magaling!” Humalakhak siya. “Edi hindi ko na kailangang mag-aksaya ng
laway kung bakit ko ginawa ‘to!” Iwinasiwas niya ang kutsilyo niya. “At dapat lang
talaga na mawala ka na nang tuluyan!”
“Ako lang naman ang
kailangan mo diba? Wag mo na silang idamay dito!”
“No!”
sigaw niya. Kumunot ang noo ko. Para siyang… “Inagaw mo sakin ang lahat, Jaylord! Ang
lahat-lahat! Pati si Megan! Inagaw mo siya sakin!”
Para
siyang wala sa sarili niya.
Mag-isip
ka, Jaylord! Mag-isip ka ng gagawin mo na hindi masasaktan si Elle!
“Hindi ko siya
inagaw, Seth!”
“Sinungaling!”
“Paano ko siya
aagawin sa’yo kung kahit kailan hindi siya naging sa’yo? Kailan mo ba siya
pinaglaban para maging sa’yo siya? Hindi diba?”
Natigilan
siya.
“Tama naman ako,
Seth, diba? Hindi mo pinaglaban si Megan kahit gustong-gusto mo siya! This is
your chance!” Binulungan ko ang dalawang katabi ko
bago lumayo. “Kayo
ng bahala sa dalawang alipores niya. Just wait for my signal, okay.”
“Kami na ang
bahala.”
“Mag-iingat ka,
Jaylord.”
Humakbang
na ako papunta sa gitna nitong rooftop nang mabagal habang pinapakiramdaman ko
din si Seth. Wala siyang kibo hanggang sa makarating ako malapit sa kanila.
“Gawin mo ang gusto
mong gawin sakin, Seth!” Wag lang mapahamak si Elle.
I
glanced at her. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Kinuyom ko ang kamao
ko. Gustong-gusto ko na siyang takbuhin mula sa pwesto ko pero pinigilan ko
lang ang sarili ko.
“Bugbugin mo ko
hanggang sa magsawa ka!” Mas kakayanin ko pa ang suntok at
sipang ibibigay niya kesa ang mapahamak si Elle.
Tiningnan
ako nang matalim ni Seth. “Gusto kitang patayin, Jaylord! Yun ang gusto kong gawin
sa’yo!” Sinugod niya ko. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko
hanggang sa suntukin niya ko.
Pinunasan
ko ang gilid ng labi ko. “Ang hina naman no’n.”
Sunod-sunod
niya kong sinuntok. Hindi ako gumanti. Umatras lang ako ng umatras palayo kina
Elle nang magawa na nina Chad ang dapat nilang gawin. Sinenyasan ko na sila.
“Yan lang ba ang
kaya mo, Seth?”
“Inagaw mo sakin ang
lahat!” sigaw niya kasabay ng suntok. Mula sa gilid ng mga
mata ko, nakita kong nilabanan nina Chad ang dalawang alipores ni Seth. Pero
hindi pa ko dapat magsaya.
“Inagaw mo sakin si
Megan!” Sinipa ako ni Seth. Napasadsad ako sa semento. “Hayop ka!
Mamatay ka na!” Sunod-sunod na sipa at suntok ang binigay niya
sakin. Ginawa na niya kong punching bag.
“Jaylord! We got her!”
Yun
lang ang kailangan kong marinig mula kina Chad para makakilos na ko nang walang
inaalala.
“Ilayo ninyo siya
dito!” sigaw ko.
“Anak ng—“
Sinuntok ko si Seth.
Pinagalaw
ko ang panga ko. Pinatunog ko ang mga buto sa daliri ko. “Ginawa mong punching bag ang mukha at katawan
ko. Now, it’s my turn, Seth.” Inundayan ko siya ng suntok.
“Jaylord!”
“Shit!”
Napalingon ako kay Elle. Nagkamalay na siya! Hawak siya ni Chad.
“Jaylord!”
“Dalhin ninyo na
siya Chad!”
“Jaylord!”
“Wag matigas ang
ulo, Elle! Umalis na kayo!” Napasadsad
ako sa semento nang sipain ako ni Seth.
He
grinned. “Siya
talaga ang kahinaan mo ‘no?” Inilabas niya ang kutsilyong hawak
niya. I rolled sidewards before that thing hits me. Kinapa ko ang likuran ko.
“Shit! Nasa’n na
‘yon?” Hinanap ko ang baril na isinuksok ni Paul sa
likuran ng pantalon ko kanina. Nakita ko ‘yon. Pagapang kong kinuha ‘yon.
“Ano sa tingin mo
ang gagawin mo?”
Saktong
paghawak ko ng baril…
“Jaylord!”
“Sinabi nang—“
Naputol ang sasabihin ko sa nakita ko paglingon ko.
Nabitiwan
ko ang baril na hawak ko.
Si
Elle. Nakaharang siya kay Seth. Si Seth. Hawak ng isa niyang kamay ang balikat
ni Elle. At ang isang kamay niya nasa bandang tiyan na parang…
“Ellaine!”
sigaw ko.
Sunod-sunod
niyang sinasaksak si Elle. Kitang-kita ‘yon ng mga mata ko hanggang sa
dahan-dahan siyang mapaluhod.
“Dapat lang sa
kaniya ‘yan! Haharang-harang siya, eh! At ikaw naman—”
Nakarinig
ako ng dalawang magkasunod na putok. Hindi ko lang alam kung sa’n nanggaling,
pero nakita kong napaluhod si Seth sa tabi ni Ellaine hanggang sa mapahiga
siya.
Hindi
ako makakilos. Para kong tuod.
“J-jaylord…”
She was lying now. Puno ng dugo ang damit niya.
“E-ellaine...
Ellaine!!!” Hindi ko alam kung paano ako nakalapit
sa kaniya dahil hindi ko nga maigalaw ang katawan ko. Nanginginig ang kamay na
hinawakan ko ang mukha niya.
“Sabi na nga ba...
darating ka...”
“Ellaine, ano bang
ginawa mo?!” Ngayon lang ako nagalit ng
sobra-sobra! Galit ako sa sarili ko dahil ganito ang nangyari!
“I’m sorry... wag ka
nang magalit...”
“Don’t talk!”
“I’m sorry...”
Ngayon
lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko na parang anumang oras, lalabas
na ang puso ko sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito.
“I’m sorry kung...
hindi ko na mahihintay... bumalik ang...” May lumabas na
dugo sa bibig niya. “..alaala mo...”
“Bumalik na ang
alaala ko, Elle! Kaya wag mong sasabihin ‘yan!”
I
saw her smiled. Pumatak ang luha niya. “Ang saya-saya ko... Naaalala mo na ko... Ang
saya-saya...” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya.
“Elle...”
Hindi
ako makapag-isip. Blanko ang isip ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang
sakit. Sobrang sakit na makita siyang ganito!
“Jaylord! Dalhin na
natin siya sa ospital!”
Hindi
ko alam kung sino ang nagsabi no’n dahil kusa na lang kumilos ang katawan ko
para buhatin si Elle. Hindi ko din alam kung bakit nanlalabo ang paningin ko
habang mabilis akong bumababa ng hagdan.
“Jaylord...”
Naramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko. “Stop...”
“No, Elle!!! No!!!”
“Please...”
“Ayoko!!!” Patuloy
lang ako sa paghakbang nang mabilis. Kung pwede ko lang liparin ang papunta sa
baba, ginawa ko na!
“Jaylord... Stop...
Gusto nang sumuko.. ng puso ko... Hindi ko na kaya... Please... Stop...”
Sa
sinabi niyang ‘yon ay napahinto ako. Tiningnan ko ang dibdib niya. May tama ‘yon.
Naramdaman kong pinunasan niya ang pisngi ko. Napatingin ako sa kaniya.
“Wag kang umiyak...
Hindi ako sanay...”
Umiiyak
na pala ko ng hindi ko alam. “Elle...” Nanghihinang napaluhod ako habang
buhat siya.
“Namiss ko ang..
pagtawag mo sakin niyan... Hindi ko na uli maririnig ‘yan... Mamimiss ko
‘yan...”
“Elle. Elle. Elle.
Elle. Elle. Elle. Elle...” My voice trailed off. Sunod-sunod
na pumatak ang luha ko. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Nang mamatay si mama
no’n, nagpakatatag ako. Pero ngayon...
Isipin
ko pa lang na anumang oras, mawawala siya. Putangina! Hindi ko kaya!
“Elle. Elle. Elle.
Elle. Elle. Elle. Elle... Kahit buong araw kong sabihin ‘yan sa’yo wala kong
pake... Kahit malatin ako… Kahit mapagod ako… Just please... don’t go... Stay
with me... Please...”
“I’m sorry...”
“Don’t say sorry...
Wag mo namang gawin sakin ‘to, Elle...”
“Gusto pa kitang..
makasama, Jaylord... Gustong-gusto... Ayokong gawin sa’yo ‘to... Ayokong
maramdaman mo.. ang sakit na naramdaman ko.. nung mawala ka... Pero...” Napaubo
siya. May lumabas na naman na dugo sa bibig niya.
“Elle naman...”
Kinulong ko ang mukha niya sa mga kamay ko. Tinitigan ko ang mga mata niya. “Wag na wag
mong iisiping iwan ako... I promise you, hindi na kita susungitan, pati ang mga
taong nasa paligid ko... Lagi akong ngingiti... Hindi na kita sisigawan... Kahit
araw-araw mo kong kulitin... Kahit anong hilingin mo, gagawin ko... Kahit
pagsayawin mo pa ko sa harap ng ibang tao... Kahit ano, Elle...”
Napahagulgol na ko ng iyak. “Just stay... Please stay...”
“Mahal na.. mahal
kita, Jaylord... I’m sorry... Patawarin mo ko... Hindi ko gustong iwan ka...
Hin...”
Sinasaksak.
Pinupukpok. Hinihiwa.
Gano’n
ang nararamdaman ng isip ko, ng puso ko, ng katawan ko. Napakasakit! Sobrang
sakit!
Nanghihinang
idinikit ko ang noo ko sa kaniya. “Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din
kita, Elle... Hindi ko kayang mawala ka...”
She
closed her eyes.
“Elle, dumilat ka...
wag kang pipikit...”
She
opened her eyes.
“Wag na wag kang
pipikit, okay...” Hinawakan ko ang kamay niya. “Hawakan mo ang
kamay ko...” Naramdaman kong ginawa niya ang sinabi ko. Tumayo uli
ako.
“Jaylord.”
Nilingon
ko sina Chad. “Mabubuhay
siya.” madiing sabi ko. Naniniwala ang puso ko kahit kabaligtaran
naman no’n ang sinasabi ng isip ko.
Bumaba
uli ako ng hagdan. Binilisan ko na. Pero...
“Jaylord... Nasa’n
ka...” Naramdaman ko ang kamay niya sa leeg ko.
Napahinto
ako. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. “Elle... Wag, please...”
“Jaylord... nasa’n
ka...”
Nanghihinang
napaluhod na ko. Hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit.
Kinuha
ko ang kamay ni Elle at dinala sa pisngi ko. “I’m here, Elle... I’m just here... Hindi
ako aalis... Kaya wag kang aalis...”
Hindi
ko na siya makita dahil parang gripong umaagos ang mga luha ko. Ganito ba?
Ganito ba kasakit ang naramdaman niya nung mawala ako? Pinunasan ko ang mga
mata ko para malinaw ko siyang makita.
“I love you so much,
Jaylord...” Unti-unting pumikit ang mga mata niya
kasabay nang pagpatak ng luha niya.
“I love you so much
too, Elle... Wag kang bibitaw, okay... Itutuloy pa natin ang kasal natin...
Magkaka-anak pa tayo... Magkaka-apo pa tayo... Bubuo pa tayo ng pamilya...”
Naramdaman
kong dumadausdos ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Hinigpitan ko ang
pagkakahawak do’n.
“Ikaw lang ang...
una’t huling minahal ko, Jaylord...”
“Minahal? Hindi ba
dapat mamahalin? Kasi matagal pa tayong magsasama...”
Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “Elle, wag mo kong iiwan... Naririnig mo ba ko...”
“Till next
lifetime...” Mahina na ‘yon pero rinig na rinig ko
‘yon.
Ang
tigas ng iling ko. “Ayoko... Ayoko, Elle...”
“I love... you, Jayl...” Ni
hindi na niya nabuo ang pangalan ko.
“I love you, Elle...
Wag mo kong iwan... Hindi ko kaya...” I kissed her lips.
Ilang segundong nakalapat ang mga labi ko sa kaniya.
Lord,
please... Wag Ninyo siyang kunin sakin... Wag Ninyo namang gawin sakin ‘to...
Hindi ko kakayaning mawala siya... Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na
mahal ko siya... Alam kong naging masama din ako dati... Pero nagbago na ko... Parang
awa Ninyo na... Matagal pa kaming magsasama... Let her live, please...
Naramdaman
kong pumaling ang mukha ni Elle. Nawala na ang labi ko sa labi niya. Nang
tingnan ko siya, nakalaylay na ang ulo niya mula sa pagkakahawak ko.
“Elle...”
Nanginginig ang kamay na pinakiramdaman ko ang leeg niya. Wala kong maramdaman.
Sunod-sunod akong umiling. Nilingon ko sina Khalil. “Buhay pa siya diba? Buhay pa siya!!!”
“Jaylord—”
“Tangina!!! Bakit ba
kayo umiiyak?! Bakit ba...” My voice trailed off when I
realized I was crying, too. “Hindi siya pwedeng mawala...” I kissed her
again. Again and again and again and again. “Mabuhay ka, please...” Pero
walang nangyari.
Niyakap
ko siya nang mahigpit.
“Ellaine!!!”
I shouted her name out loud.
Ganito
ba kasakit na para kong pinapatay?
Ganito
ba ang naramdaman niya nang mawala ko?
Ganito
ko ba siya pinahirapan?
Pero
bumalik naman ako diba?
Pero
siya...
“Ellaine!!!”
Hindi
ko na kaya ang sakit. Parang anumang oras, aatakihin na ko sa sobrang sakit.
Dahan-dahan
ko siyang binitawan. Tumayo ako at sunod-sunod na sinuntok ang pader na nasa
gilid ko.
“Jaylord! Tama na
‘yan!”
“Putangina!!!
Buhayin ninyo siya!!! Parang-awa ninyo na!!! Buhayin siya!!1”
Nagwala ko nang nagwala. Suntok. Sipa.
Malakas
na inuntog ko ang noo ko sa pader. Baka sakaling nananaginip lang ako. Baka
sakaling magising ako mula sa isang napakasamang bangungot.
“Jaylord, ano ba?!
Tama na ‘yan!”
Pero
hindi. Hindi ako nagising. Ramdam na ramdam pa rin ng buong katawan ko ang
sakit. Para na kong mababaliw sa sobrang sakit.
May
umagos mula sa noo ko.
“Jaylord, ang noo
mo!”
“Wala kong pakialam!!!”
sigaw ko. “Ibalik
ninyo lang siya sakin kahit ilang galon pa ng dugo ang ibigay ko!!! Buhayin
ninyo lang siya!!!”
“Jaylord. Wala na
siya...”
“Buhayin ninyo
siya...” Nanghihinang napaluhod ako. “Ellaine...” Kinuyom ko ang
kamao ko. Nilapitan ko siya. At niyakap. Nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. “Ellaine!!!”
I
promised to protect her forever.
But
there will be no forever for us.
I
promised to protect her with my life.
But
she was the one who protect me with her own life.
Sobrang
sakit.
Gusto
ko na lang mamatay sa sobrang sakit.
Two
years later…
“Kamusta ka na,
Elle?”
“Eto namimiss na
kita. Wala kasi akong makulit, eh. Namimiss mo na ba ko, honey?”
“Oo naman, Elle.
Sobra. Kung alam mo lang.”
“Wag ka ng sad,
honey. Malulungkot ako niyan. Gusto ko, tuwing dadalawin mo ko, naka-smile ka
dapat.”
I
smiled. “Nakangiti
na ko.”
“Nakikita ko nga.
Ang gwapo mo talaga kapag nakangiti ka. Siguro, marami ka ng chicks ‘no?”
I
chuckled. “Wala
‘no. Nangako ako sa’yo diba? Na ikaw lang.”
“Oo nga. Pero hindi
ka ba malungkot kasi mag-isa ka lang? Nag-asawa na sina Chad at Khalil. Wala ka
ng kasama dyan. Kung nandyan lang sana si Clay. Kaya lang sabay naman kaming
nawala no’n. Binilinan mo ba ‘yon na bantayan pa rin ako hanggang dito sa
heaven?”
“Wala kong sinabi sa
kaniya. It’s his own choice maybe. I don’t know. Ikaw, Elle? Choice mo din ba
na iwan ako?”
“Honey naman!
Syempre hindi ‘no! Love na love kaya kita! Kaya lang... sabi ni papa God. Tapos
na daw ang time ko. Pero alam mo ba? Humiling ako sa Kaniya na sa next life
time natin, pagtagpuin Niya uli tayo. Gusto ko kasi, ikaw pa rin ang una’t
huling lalaking mamahalin ko sa susunod kong buhay.”
“Same here, Elle.
Mamamatay akong ikaw lang ang una’t huling babae sa puso ko.”
Ganito
ako lagi tuwing dinadalaw ko sa cemetery si Elle. Kakausapin ko siya at iniisip
kong sumasagot din siya sa bawat sabihin ko. Maybe I’m insane, yes. But I don’t
care.
“Sinong kausap mo?”
Napalingon
ako sa gilid ko. May nakita akong babaeng nakatayo. Sinilip niya ang lapidang
nasa harapan ko. Tumango-tango siya.
“Sister? Cousin? Friend? Girlfriend? Fiancee? Wife? Alin
siya do’n?”
Kumunot
ang noo ko. “None
of your business.”
“Honey naman, wag
kang masungit.”
Mas
lalong kumunot ko. May narinig akong boses. Boses ni Elle ‘yon! Napatingin ako
sa lapida. “Ikaw
ba ‘yon, Elle?”
“Ah, hindi Elle ang pangalan ko. I’m—”
“I’m not talking to
you!”
“Honey, ang kilay,
magkasalubong na naman.”
I
sighed. Nababaliw na ba ko at naririnig ko ang boses niya? Maybe, I am. I miss
her so much. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang
halikan. Gusto ko siya makausap. Miss na miss ko na siya. Sa bawat araw na
dumaraan, mas lalong nadadagdagan ‘yon.
“Eto, o.”
May
panyong nasa harap ng mukha ko. Napaangat ang tingin ko sa babaeng nasa gilid
ko. Nakaiwas ang tingin niya sa sakin.
“Hindi ako humihingi
ng panyo.”
“Hindi nga. But your eyes do.”
Napahawak
ako sa mga mata ko. “Shit!” Hindi ko namalayang tumulo na ang luha
ko. Inilagay ng babae ang panyong hawak niya sa kamay ko. Pagkatapos no’n ay
umalis na siya.
Napatingin
ako sa panyong hawak ko. May naka-burda do’n na pangalan.
Aiesha.
“Jaylord...”
Kumunot
ang noo ko. “Elle?”
Naramdaman kong parang may yumakap sakin. “Elle, ikaw ba ‘yan?”
“Jaylord, I love
you...”
I
closed my eyes. “I
love you, too, Elle.”
“I want you to be
happy.”
“Masaya naman ako.”
“You’re not. I’m
sorry kung iniwan agad kita. May babae kasing ibang nakalaan sa’yo ngayong
lifetime na ‘to.”
Umiling
ako. “Ikaw
ang babaeng ‘yon, Elle. Wala ng iba.”
“Help! Hoy sungit! Help!”
Kumunot
ang noo ko nang marinig ko ang boses na ‘yon. Napalingon ako sa gawi na
pinuntahan ng babae kanina. Nakita ko siyang hawak ng dalawang lalaking
naka-suit na itim.
“Hoy sungit! Tulong!”
“I want you to be
happy, Jaylord. Go and help her.”
“Elle, tama na. Ikaw
lang ang mamahalin ko. Wala ng iba.”
“But promise me that
you’ll be happy without me. And always smile for me, okay?”
I
sighed. “I
promise, Elle.”
“Sungit! Bingi ka ba?! Tatangayin na ko ng mga mokong na
‘to!”
Pinatunog
ko ang mga buto ko sa kamay ko. Ang tagal na rin simula nang huling may
makatikim ng suntok ko.
Nakakamiss
din pala.
“Sungit!”
. . . . . . . .
Aiesha’s
Note : (12/15/13)
And
I’m sure, susungitan ako ng bonggang-bongga ni Lordy nito. Pinaiyak ko kasi
siya tapos pinadugo ko pa ang noo niya! Tapos sumingit pa ko sa kwento nila.
Bwahaha!
End
na ang kwento at mukhang ang buhay ko din ang mag-eend dahil sa ginawa ko.
Mukhang kailangan ko ng last will and testament, ah. Kailangan ko na rin
sigurong magtago-tago sa makakabasa nito. Sa’n kaya ako pwedeng magtago? Sa
mahiwagang baul na lang ni Hikari para sekretong malupit.
Sisihin
ninyo si Ellaine (in real life). Huntingin ninyo siya bilis! Lagi niya kasi
akong kinukulit pag tinatawagan niya ko! Una, patayin ko daw si Clay para hindi
na daw pag-agawan, tapos lahat na ng characters patayin ko na lang daw! Edi
yung character na lang niya ang pinatay ko, sinama ko na rin si Clay! At
malamang sumunod ako sa kanila, dahil baka patayin rin ako ng mga admirers ni
Clay!
At
sina Chad at Khalil, tutal naman daw, walang humahanga sa kanila. Nagpaka-taken
na ang dalawa. Nagtampururot sa inyo!
Ano
nga palang nangyari kay Megan? Ayun! Nabulok na sa kwartong pinag-iwanan sa
kaniya ni Seth. Hindi na kasi bumalik si Seth, naglalagalag na sa hell. Tutal
naman favorite word niya ang hell kaya do’n siya napunta.
Si
Drenz? No comment.
Abangan
ninyo na lang ang book three. Ang story namin ni Sungit (Lordy) entitled, The
Last Singit este Sungit on Earth.
Violent
reactions are not allowed. Parang awa ninyo na. Pagbigyan ninyo na kong
makapartner si Lordy bago ako tuluyang mabaliw dito.
Ciao!
(^_~)
Ay!
Wait! Pakanta muna, hah!
Takip
ninyo ilong ninyo, baka magsalita.
Ehem!
Ehem!
Ako
ay may topak.
Dinedo
si Ellaine.
Dinamay
din si Clay.
Pina-cry
si Lordy.
Taken
na ang chickboys.
Dahil
sila’y nagtampo.
Lakas
ng topak ko.
At
sumingit sa kwento.
Bow!
Version
ko ‘yan ng... secret! Hahaha! Gets ninyo na ‘yan!
Hay...
Mahirap talaga kapag ligalig ang pagkatao at hindi mapalagay. Kung anu-anong
nagagawa. Pagpasensyahan ninyo na si Aiesha. Sadyang may topak lang minsan.
Pero tanong niya, huhuntingin ninyo ba siya sa ending na ginawa niya? Magdala
daw kayo ng chocolate kapag hinunting ninyo na siya, hah. Para naman bago siya
sumunod kina Elle at Clay, may baon siyang makakain. Mahaba-haba din ang
lalakbayin niya.
Pero
hindi nga.
Seryoso?
Yun
na nga ba ang ending?
Paano
kung...
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^