CHAPTER
50.5
[ JAYLORD’s POV ]
Nakikipagpalitan
ako ng suntok sa kalaban nang may bumangga sa likuran ko.
“Jaylord! Hanapin mo na si Ellaine! Kami na
ang bahala dito!”
Si
Paul ‘yon.
“Kaya ninyo na ba
sila?”
“Kami pa!”
May bagay siyang sinuksok sa likuran ko. “In case lang na kakailanganin mo.”
Sinalo
ko ang kamao ng isang lalaking sumugod sakin. Pinilipit ko ang kamay niya. “Khalil! Chad!
Let’s go!” tawag pansin ko sa
dalawa.
Tumakbo
ako papunta ng building. Sumunod ang dalawa sakin. May humabol pa samin pero
hinarang na sila ng mga kasama namin.
“Maghihiwalay-hiwalay
ba tayo para hanapin siya? Limang floor ‘to.” tanong ni Chad
habang tumatakbo kami.
“Mas mapapadali kung
maghihiwalay tayo.” Khalil said.
Nilingon
ko sila. May sugat sa gilid ng labi sa Khalil. May pasa naman sa pisngi si
Chad. “I
don’t think so.” Paano kung makita ng isa sa kanila si Ellaine? “It’s better if
we stay as one. Mag-ingat kayo.”
And
I’m so frustrated dahil nahalughog na namin ang lahat ng floor maliban sa fifth
floor, hindi pa rin namin makita si Ellaine!
“Damn! Sa’n nila
dinala si Elle?!” Sunod-sunod akong napamura sa bwisit
habang paakyat kami sa fifth floor. Walang tao sa lahat ng floor, wala rin si
Ellaine! Where the hell did they keep her?! Dumodoble din ang kaba ko sa bawat
minuto na dumadaan at hindi ko pa siya nakikita!
“Jaylord!”
“What?!”
Sinusubukan kong buksan ang isang kwarto pero mukhang naka-lock ‘yon. Lumapit
ako kay Khalil. May hawak siyang necklace. Kumunot ang noo ko. Agad kong kinuha
‘yon. “Kay
Elle ‘to.” Nakuyom ko ang kamao ko.
“Look at this
Jaylord.” May tinuro si Chad sa sahig. Maalikabok ang sahig
pero may mark kang makikita. “Parang may kung anong hinila dito tapos biglang nawala
pagdating do’n.” Tinuro niya ang hagdan paakyat.
“Sa roof top!”
sabi ni Khalil.
Nauna
akong tumakbo papunta do’n.
“Kung nasa baba si
Janus, sinong may hawak kay Ellaine?”
“Kung hindi si
Janus, sino ang pasimuno nito?”
“Pwede ba? Tama na
ang tanong! Kailangan kong makita si Elle ng ligtas!”
When
we finally reached the rooftop, nakuha namin ang kasugatan. Kung sino ang
pasimuno ng lahat ng ‘to. Kung sino ang may hawak kay Elle!
“Boss, nandito na
siya!”
Si
Seth!
Nasa
kabilang dulo siya ng rooftop.
Tumayo
siya mula sa pagkakaupo niya. He extended his arms. “Welcome back to hell, Jaylord! At kasama
mo pa ang dalawang alalay mo! Ba’t parang kulang ng isa? Oh! Nabalitaan kong
napuruhan daw siya ng ACG, tama ba?”
Kinuyom
ko ang kamao ko.
“Sinasabi na nga ba.
May kinalaman din siya dito. Hayop siya!” narinig kong
sabi ni Chad sa gilid ko.
“Hayop talaga siya!
Nakipagsabwatan pa siya sa ACG!” madiing sabi ni
Khalil.
“Don’t move, you
two. Si Elle.”
“Talagang pumunta ka
dito sa kabila ng amnesia mo para iligtas ang babaeng ‘to! How romantic!”
At sinabayan pa ni Seth ng halakhak.
“Elle.”
I gritted my teeth when I saw her. Kinuyom ko din ang kamao ko na halos mabali
ko na ang mga buto ng kamay ko sa sobrang panggigigil ko!
Si
Elle. Nakaupo siya at nakatali sa upuan. Nakayuko siya. Mukha siyang walang
malay. May isa pang lalaki akong nakita na halos kaunti lang ang layo sa kaniya
na nakayuko rin.
Pero
hind yun, eh! Yung upuan nila na nakapatong sa pinakagilid nitong rooftop na
baka konting galaw lang, babagsak sila! At kung puputulin ang lubid
naka-konekta sa mga upuan nila at sa bakal na pinagtatalian no’n na nasa gitna
nitong rooftop, mahuhulog sila! Mahuhulog si Elle!
At
kahit tumakbo ako, hindi ko mahahabol ‘yon kung sakaling maputol ‘yon! Damn!
“Hep! Hep! Wag na
wag kang lalapit dito, Jaylord!” Hindi ko napansin na
naihakbang ko na pala ang mga paa ko sa sobrang pag-aalala ko sa pwedeng
mangyari kay Elle. “Dahil oras na lumapit ka…” Tinaas ni Seth ang
hawak niyang kutsilyo. “Alam mo na ang mangyayari!” Inilapit niya ang
kutsilyo sa lubid. “Siguradong may paglalamayan ka!”
“Don’t!”
sigaw ko.
“Okay! Madali naman
akong kausap, eh!” Inilayo niya ang kutsilyong hawak niya
sa lubid. “Pero
sino sa kanila ang sinasabihan mo ng wag? Si Ellaine o ang lalaking ito?” Tinuro
niya ang lalaki. “Hoy, Drenz! Nandito na ang gagong pumatay sa kuya mo!”
Nagulat
ako sa pangalang sinabi niya. Anong ginagawa dito ni Drenz? Bakit siya nandito?
Dahan-dahang
umangat ang ulo ni Drenz papunta sa gawi ko.
“Namumukhaan mo ba
siya Jaylord?”
Hindi
ako sumagot.
“Oh! May amnesia ka
nga pala! Edi hindi mo rin ako kilala?”
“Bakit pati siya,
Seth? Anong kinalaman niya dito?”
Matagal
bago siya nakasagot. “Kilala mo ko?”
“Bumalik na ang
alaala ko!”
“Bumalik na pala ang
alaala mo! Magaling!” Humalakhak siya. “Edi hindi ko na kailangang mag-aksaya ng
laway kung bakit ko ginawa ‘to!” Iwinasiwas niya ang kutsilyo niya. “At dapat lang
talaga na mawala ka na nang tuluyan!”
“Ako lang naman ang
kailangan mo diba? Wag mo na silang idamay dito!”
“No!”
sigaw niya. Kumunot ang noo ko. Para siyang… “Inagaw mo sakin ang lahat, Jaylord! Ang
lahat-lahat! Pati si Megan! Inagaw mo siya sakin!”
Para
siyang wala sa sarili niya.
Mag-isip
ka, Jaylord! Mag-isip ka ng gagawin mo na hindi masasaktan si Elle!
“Hindi ko siya
inagaw, Seth!”
“Sinungaling!”
“Paano ko siya
aagawin sa’yo kung kahit kailan hindi siya naging sa’yo? Kailan mo ba siya
pinaglaban para maging sa’yo siya? Hindi diba?”
Natigilan
siya.
“Tama naman ako,
Seth, diba? Hindi mo pinaglaban si Megan kahit gustong-gusto mo siya! This is
your chance!” Binulungan ko ang dalawang katabi ko
bago lumayo. “Kayo
ng bahala sa dalawang alipores niya. Just wait for my signal, okay.”
“Kami na ang
bahala.”
“Mag-iingat ka,
Jaylord.”
Humakbang
na ako papunta sa gitna nitong rooftop nang mabagal habang pinapakiramdaman ko
din si Seth. Wala siyang kibo hanggang sa makarating ako malapit sa kanila.
“Gawin mo ang gusto
mong gawin sakin, Seth!” Wag lang mapahamak si Elle.
I
glanced at her. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Kinuyom ko ang kamao
ko. Gustong-gusto ko na siyang takbuhin mula sa pwesto ko pero pinigilan ko
lang ang sarili ko.
“Bugbugin mo ko
hanggang sa magsawa ka!” Mas kakayanin ko pa ang suntok at
sipang ibibigay niya kesa ang mapahamak si Elle.
Tiningnan
ako nang matalim ni Seth. “Gusto kitang patayin, Jaylord! Yun ang gusto kong gawin
sa’yo!”
“Then do it!”
“No!”
Damn!
=
= =
[ SETH’s POV ]
“Bumalik na ang
alaala ko!”
I
smirked. “Bumalik
na pala ang alaala mo! Magaling!” Humalakhak ako. “Edi hindi ko
na kailangang mag-aksaya ng laway kung bakit ko ginawa ‘to!” Talaga
nga naman. Mas gumaganda ang larong nilalaro ko. Iwinasiwas ko ang kutsilyong
hawak ko. “At
dapat lang talaga na mawala ka na nang tuluyan!”
“Ako lang naman ang
kailangan mo diba? Wag mo na silang idamay dito!”
“No!”
sigaw ko. “Inagaw
mo sakin ang lahat, Jaylord! Ang lahat-lahat! Pati si Megan! Inagaw mo siya
sakin!”
“Hindi ko siya
inagaw, Seth!”
“Sinungaling!”
“Paano ko siya
aagawin sa’yo kung kahit kailan hindi siya naging sa’yo? Kailan mo ba siya
pinaglaban para maging sa’yo siya? Hindi diba?”
Natigilan
ako. Hindi naging sakin si Megan? Naangkin ko na siya diba? Physically, oo.
Naangkin ko siya. Yun na yun diba?
Pinaglaban?
Kailan ko nga ba pinaglaban si Megan? Pinaglaban ko naman siya diba? Kaya nga binura
ko si Jaylord no’n dahil gusto ko akin lang siya!
“Tama naman ako,
Seth, diba? Hindi mo pinaglaban si Megan kahit gustong-gusto mo siya! This is
your chance!”
Gusto
ko si Megan pero hindi ko siya pinaglaban? Eh, anong tawag sa ginagawa ko
ngayon?
“Gawin mo ang gusto
mong gawin sakin, Seth!”
Gusto
ko siyang pahirapan! Gusto kong maranasan niya ang hirap na naranasan ko!
“Bugbugin mo ko
hanggang sa magsawa ka!”
Tiningnan
ko siya nang matalim. “Gusto kitang patayin, Jaylord! Yun ang gusto kong gawin
sa’yo!”
“Then do it!”
“No!”
I smirked. “Gusto
kitang patayin pero wag na muna! Madaling matatapos ang larong ‘to kung
mamamatay ka kaagad! Alam mo ba ang gusto kong gawin sa’yo? Ang pahirapan ka
muna! Emotionally torture, Jaylord!”
“Masakit ‘yon, alam
mo ba? Dahil buong buhay ko, naranasanan ko ‘yon! Maliit pa lang ako,
naranasanan ko na ‘yon! Si daddy! Si lolo! Si lola! Lahat sila! Pinahirapan
nila ko!”
“Naranasan mo na ba
ang sisihin ka sa pagkamatay ng isang tao na wala kang alam? Hindi diba?!
Naranasan mo na ba na pag may sakit ka, walang mag-aalaga sa’yo? Hindi diba?!
Naranasan mo na bang tutuntong ka ng stage sa graduation mo, tapos wala kang
kasama? Hindi diba?! Naranasan mo na ba na sa halip na
gamutin nila
ang sugat mo, pagagalitan ka nila, sisigawan ka nila? Hindi diba?! Naranasan mo
na bang pag-aralan ang pagiging manhid para hindi ka makaramdam ng sakit? Hindi
diba?! Naranasan mo na ba ang pakiramdam na hindi ka nag-eexist sa buhay ng
pamilya mo? Hindi diba?! Pamilya ko nga sila, pero hindi ko naramdaman ‘yon!!!”
Punung-puno
ng galit ang puso ko. Hindi ko alam na ganito kalalim ang sakit na tinatago ko.
Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang galit ko. Galit na galit ako. Para na
kong mababaliw sa galit.
“Naranasan ko ang
lahat ng ‘yon! At ikaw hindi! Pero ikaw ang gusto nila! Ikaw ang magaling!
Lahat na lang ikaw! Kasalanan nila kung bakit ako naging ganito pero parang
wala lang sa kanila! Dahil puro na lang sila Jaylord! Naging mabait sila sa’yo,
pero sakin?! Anong ginawa nila para sakin? Ito!!! Naging ganito ako because of
them!!! I hate them to death!!!”
“It’s your choice,
Seth. Ginawa mong ganyan ang sarili mo.”
“Shut up!!! Wala
kang alam!!!” Hinabol ko ang paghinga ko. Parang
hindi ako makahinga sa sobrang galit na nararamdaman ko. “Kasalanan mo din kung bakit ako humantong
sa ganito! Inagaw mo sakin ang lahat! Inagaw mo ang nag-iisang babaeng
nagparamdam sakin na nag-e-exist ako!”
“Hindi ko siya
inagaw sa’yo, Seth. Hindi siya naging sakin dahil isang babae lang ang minahal
ko at mamahalin ko.”
“Mahal? Love?”
Natawa ako sa sinabi niya. “Yan ang kahinaan mo, Jaylord! Yang pesteng love na ‘yan!
Bakit ba baliw na baliw kayo dyan, hah?!”
“Anong tawag mo sa
ginagawa mong ‘to, Seth?”
Natigilan
ako.
“Mahal mo si Megan
kaya—”
“Shut up!!!”
Mahal? Tangina! Ano bang pinagsasabi niya? “Anong tawag dito? This is a game, Jaylord. It’s my game.
At magsisimula na ang laro ko ngayon.”
=
= =
[ ELLAINE’s POV ]
“Jaylord...”
“Elle? Elle, ikaw ba
‘yan?”
“Jaylord, I love
you...”
“I love you, too,
Elle.”
“I want you to be
happy.”
“Masaya naman ako.”
“You’re not. I’m
sorry kung iniwan agad kita. May babae kasing ibang nakalaan sa’yo ngayong
lifetime na ‘to.”
“Ikaw ang babaeng
‘yon, Elle. Wala ng iba.”
“Help! Hoy sungit! Help! Hoy sungit! Tulong!”
“I want you to be
happy, Jaylord. Go and help her.”
“Elle, tama na. Ikaw
lang ang mamahalin ko. Wala ng iba.”
“But promise me that
you’ll be happy without me. And always smile for me, okay?”
“I promise, Elle.”
I
opened my eyes.
Nanlalabo
ang paningin ko dahil sa luhang lumalabas mula sa mga mata ko.
Nanaginip
ako. Hindi nga ata panaginip ang tawag do’n. Bangungot.
Dumating
daw si Jaylord para iligtas ako. Nasaksak ako ni Seth dahil sa pagligtas sa
kaniya. Umiiyak si Jaylord. Nagmamakaawa siya na wag akong mawala. Pero iniwan
ko siya. Sinaktan ko siya. Para ko na rin siyang pinatay sa ginawa ko sa
kaniya.
Hindi
daw ako ang nakalaan sa kaniya. May isa pang babae sa panaginip ko. Sa kaniya
daw nakalaan si Jaylord.
At
ang sakit.
Gusto
kong hawakan ang dibdib ko pero hindi ko ‘yon magawa. Saka ko lang na-realize
na nakatali na naman ako sa upuan. Pati ang mga kamay at paa ko. At hindi lang
‘yon. Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko. Halos malula ako nang malaman
kong nakapatong ang upuan ko sa gilid nitong rooftop na para bang konting galaw
ko lang, babagsak na ko mula sa mataas na building na ‘to.
Pinigil
ko ang paghinga ko dahil feeling ko kung gagalaw ako, mahuhulog ‘tong
kinauupuan ko.
Bakit
ba ako nandito sa pwesto ‘to? Ang huli kong naaalala ay nang sampalin ko si
Megan at...
Masakit
ang pisngi ko. Pati din ang noo ko. Seth slapped me. Napakasakit ng ginawa niya
dahil parang nararamdaman ko pa rin ‘yon hanggang ngayon. Nahihilo pa rin ako.
Masakit ang ulo ko.
“Shut up!!! Wala
kang alam!!! Kasalanan mo din kung bakit ako humantong sa ganito! Inagaw mo
sakin ang lahat! Inagaw mo ang nag-iisang babaeng nagparamdam sakin na
nag-e-exist ako!”
“Hindi ko siya
inagaw sa’yo, Seth. Hindi siya naging sakin dahil isang babae lang ang minahal
ko at mamahalin ko.”
“Mahal? Love? Yan
ang kahinaan mo, Jaylord! Yang pesteng love na ‘yan! Bakit ba baliw na baliw
kayo dyan, hah?!”
May
naririnig akong mga boses. Pero bakit parang hindi ko sila maintindihan? Tanging
ang boses lang nila ang pumapasok sa utak ko. Dahil ba sa pagtama ng noo ko
kanina na parang nakalog ang ulo ko?
“Anong tawag mo sa
ginagawa mong ‘to, Seth?”
Ang
boses na ‘yon...
“Mahal mo si Megan
kaya—”
“Shut up!!! Anong
tawag dito? This is a game, Jaylord. It’s my game. At magsisimula na ang laro
ko ngayon.”
Gusto
kong makita kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses na ‘yon. Gusto ko
siyang makita.
Dahan-dahan
kong inangat ang ulo ko. May dalawang tao akong nakita. Nakatalikod ang isa
sakin at ang isa...
Nanlalabo
ang paningin ko dahil sa luha ko kaya hindi ko siya masyadong makita.
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko para mawala ang luhang nando’n.
Ngayon,
malinaw ko na siyang nakikita. Parang nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman
ko nang makilala ko siya. Parang luminaw bigla ang utak ko. Kanina wala kong
maintindihan. Pero ngayon...
“Jaylord...”
pabulong lang ‘yon pero parang narinig niya dahil napatingin siya sakin. “Dumating
ka...”
Dumating
siya kahit wala siyang maalala.
Bumuka
ang bibig niya at may sinabi siya. Hindi ko man narinig ‘yon pero sa pagbuka ng
bibig niya, binanggit niya ang salitang ‘yon. Hindi ko alam kung bakit
napangiti ako.
Tinawag
niya kong Elle.
His
face. He’s worried. Yun ang nakikita ko sa mukha niya.
“Okay lang ako.”
Sinabi ko ‘yon nang malakas para marinig niya. Hindi okay ang kinalalagyan ko
ngayon, pero ngayong nandito na siya at nakikita ko siya, magiging okay ang
lahat.
“Oh! Nagising ka na
din sa wakas, Ellaine!”
Napatingin
ako kay Seth.
“Anong nangyari sa
mukha mo?” nagtatakang tanong niya.
Para
siyang baliw. Siya ang may gawa nito tapos nagtataka pa siya?!
“Ang sama naman ng
tingin mo, Ellaine. Kasalanan mo rin naman dahil sinaktan mo si Megan!”
Bigla na lang siyang sumigaw habang nanlilisik ang mga mata niya.
Nababaliw
na ba siya? Mukhang wala na siya sa sarili niya.
“Pwede na nating
simulan ang laro!”
Laro?
Anong laro?
“Minimaynimo lang
‘to, Jaylord.” Hinawakan niya ang magkabilang lubid.
Lubid? Saka ko lang napansin na ang lubid na ‘yon ay nakatali sa upuan ko at sa
bakal na malapit kay Jaylord. At ang isang lubid...
Sinundan
ko ang kinatatalian no’n hanggang sa mapunta ang mga mata ko sa katabi ko na
malapit lang sakin.
“Drenz.”
Parehas kami ng kinalalagyan. Nakatingin siya kina Jaylord. Hindi ko masyadong
makita ang mukha niya dahil naka-side view siya pero parang... “Drenz.”
Tinawag ko siya. Dahan-dahan siyang lumingon sakin. At katulad kanina, wala
kong mabasang ekspresyon sa mukha ko. It was all blank. “Drenz...” Kinuyom ko ang kamao
ko.
“Alam mo ba kung
para sa’n ang knife na to? Para sa isa sa kanila. Pumili ka lang sa dalawa. Si
Ellaine o si Drenz? Sino ang ililigtas mo sa kanila? Ang babaeng pinakamamahal
mo o ang kapatid ng lalaking nagligtas sa babaeng mahal mo? Choose, Jaylord!”
Pinikit
ko nang mariin ang mga mata ko. Ito ba ang larong gusto niya?
“Pipiliin mo bang
iligtas si Ellaine at hayaang mamatay ang kawawang si Drenz? Si Ellaine na nga
ang dahilan kung bakit namatay ang kuya niya. Tapos ngayon, siya na naman ang
magiging dahilan kung bakit susunod si Drenz sa kuya niya? Kawawang Ellaine!
Alam mo bang sinisisi na niya ang sarili niya sa nangyari sa kuya ni Drenz at
sa lalaking ‘yan? Kung nakita mo lang ang pag-iyak niya nang malaman niyang
naging ganyan si Drenz ng dahil sa kaniya. Siguradong kamumuhian na niya ang
sarili niya kapag namatay pa ang lalaking ‘yan ng dahil sa kaniya.”
Bakit
kailangan niyang sabihin ‘yan? Alam ba niyang walang maalala si Jaylord? Oo nga
pala. Alam niya dahil kay Megan. Kaya nga niya ginawa ‘to!
Walang
maalala si Jaylord kaya gusto niyang pahirapan siya.
“At kapag pinili mo
siya over this stupid guy, malamang sisihin ka rin niya. Sisisihin ka niya,
Jaylord! Katulad ng ginawa ni daddy sakin! Mararamdaman mo ang sakit na
naramdaman ko! Pero kung iligtas mo na lang kaya si Drenz para quits na kayo ng
kuya niya? Tama! Oo nga! It’s your turn, Jaylord! Niligtas ng kuya niya si
Ellaine. Pwes, ito na ang oras para gumanti ka sa utang na loob mo sa kuya
niya. Iligtas mo ang kapatid niya, Jaylord! Dahil pag niligtas mo siya, bayad
na ang utang mo. Kaya lang, namatay naman ang babaeng pinakamamamahal mo.”
Gusto
niya kaming pahirapan na dalawa.
Humalakhak
si Seth. “Ano
na ngayon ang gagawin mo, Jaylord? Sino sa kanila? Bilisan mong pumili bago pa
mangati ang kamay ko at sabay kong putulin ang dalawang lubid na ‘to!”
Gusto
niya kaming saktan. Emotionally. Mas masakit ‘yon kesa sa pisikal na sakit.
Ayokong
mamatay. Dahil isipin ko pa lang na mawawala ko, pumapasok na sa isip ko ang
mangyayari kay Jaylord katulad sa panaginip ko. Ayokong maramdaman niya ang
sakit na naramdaman ko nung mawala siya.
Pero...
Si
Drenz.
Ang
haba ng panahon na nasaktan siya. He doesn’t deserve this. He doesn’t deserve to
die.
Ano
na ngayong gagawin ko ngayong walang maalala si Jaylord? Mag-isip ka, Elle!
=
= =
[ JAYLORD’s POV ]
Sobrang
pagpipigil ang ginawa ko para hindi lapitan si Elle nang magkamalay siya. May
sugat ang noo niya. May dugo na ngang umagos sa pagitan ng mga mata niya na mukhang
natuyo na. Nangingitim din ang pisngi niya. May sugat din ang labi niya.
Kitang-kita
ko ‘yon mula sa kinatatayuan ko.
Gusto
ko nang sugurin si Seth lalo nang malaman kong siya ang may gawa no’n!
Damn!
Lalo
nang sabihin niya ang larong gusto niya.
Gusto
niyang mamili ako sa dalawa.
Si
Ellaine o si Drenz? Sino ang ililigtas ko sa dalawa?
Hindi
ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol kay Drenz pero hindi yun ang oras
para isipin ko kung paano.
“Ano na ngayon ang
gagawin mo, Jaylord? Sino sa kanila? Bilisan mong pumili bago pa mangati ang
kamay ko at sabay kong putulin ang dalawang lubid na ‘to!”
Kinuyom
ko ang kamao ko. Kilala ko siya. Kahit sino ang piliin ko sa dalawa, parehas
silang masasaktan.
Pinitik
ko ang daliri ko na alam kong makikita nina Chad mula sa likuran ko. Ni hindi
man lang namalayan ni Seth ang ginawa ng dalawa sa mga alipores niya dahil para
siyang baliw na pinaglalaruan ang kutsilyong hawak niya. Umiikot-ikot pa siya
habang paulit-ulit na sinasabing pumili na ko.
“Boss!”
Huminto
si Seth. Napalingon siya sa mga alipores niya. Ako din. Nakita kong hawak na
nina Chad at Khalil ang dalawa.
“Mga tanga!”
Nang
tingnan ko si Seth, ngumisi siya.
“Gusto ninyo silang
patayin! Go! The hell I care! Gusto ninyo, ako pa ang tumapos sa dalawang
‘yan!”
“Boss!”
“Shut up!!!”
Tiningnan ako ni Seth.
“Sila ang
kasa-kasama mo, pero kaya mo silang patayin.” Hindi ko gustong
gamitin sila para sumuko si Seth, kailangan ko lang siguraduhing hindi sila
makakilos kapag ginawa ko na ang balak ko.
“Wala akong paki!
Eh, ang gagong Eco na ‘yan! Tinutukan ng baril si Megan kanina! Walang pwedeng
manakit kay Megan!”
Wala
na sa sarili niya. Yun ang gagamitin ko para makalapit ako sa kaniya at maagaw
ang kutsilyong hawak niya. Pero bakit kailangang...
“Bakit kailangang
umabot sa ganito, Seth?” Hindi ko na napigilan ang sarili
kong itanong yon. Kadugo ko siya. Pinsan ko siya. Gusto ko siyang bugbugin sa
ginawa niya kay Elle, pero hindi ko maramdamang gusto ko siyang patayin.
Naaawa
ba ko sa kaniya? Hindi ko alam.
Madami
siyang pinagdaanan pero bakit kailangan niyang maging ganyan? Bakit hinayaan
niya ang sarili niyang umabot siya sa ganyan? Sina lolo, ang daddy niya. Sila
ba ang dapat sisihin?
Ang
daddy niya. Si Tito George na sa pagkakakilala ko ay si Tito Ted. Parang ang
layo niya sa amang tinutukoy ni Seth.
“Bakit?! Dahil
pinahirapan ninyo ko! Pinahirapan ninyo si Megan! Inagaw mo ang lahat ng dapat
na sakin! Kapag nawala ka, sakin na mapupunta si Megan! Magiging masaya na
kaming dalawa!” Humakhak siya.
Hindi
ko alam ang dapat kong maramdaman ng mga oras na ‘to. Maaawa ba ko sa kaniya?
Magagalit? O dapat na kabahan?
Dahil
kaunting pagkakamali lang niya, maaaring mapahamak si Ellaine. Pati si Drenz.
Kailangan
ko nang kumilos habang parang nawawala siya sa sarili niya.
He
smirked. “Ito
ang kaya kong gawin. Kaya kong pumatay para kay Megan. Kaya mo ba ‘yon,
Jaylord?”
“No. Hindi kasi ako
mamamatay tao. Alam mo ba ang kaya kong gawin? Kaya kong mamatay para kay
Ellaine. Kaya mo ba’yon, Seth?”
Natigilan
na naman siya. Hanggang ngayon ba hindi pa rin niya alam ang tunay niyang
nararamdaman para kay Megan?
“Kaya kong mamatay
para kay Ellaine dahil mahal na mahal ko siya. Ikaw, Seth? Gaano mo ba kamahal
si Megan para ibuwis mo ang buhay mo para sa kaniya?”
Hindi
niya ba alam na hindi lang niya gusto si Megan?
“Late na ba ko?”
Kumunot
ang noo ko. Lumingon ako sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Hindi ko alam kung
dapat akong matuwa o mas lalong mabwisit dahil sa pagsulpot ng lalaking ito!
Hawak
niya si Megan.
Si
Megan?!
Anong
ginagawa niya dito?!
=
= =
Patayin ninyo na ko! At parang awa ninyo na! Wag po kayong spoiler sa comment. Labyu beshie!!! <3
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^