Sunday, December 22, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 51


CHAPTER 51

                        [ PAUL’s POV ]


Kanina pa nakaalis sina Jaylord papasok ng building. Sana lang maging okay ang lahat. Alam ko ang pakiramdam niya ngayon, minsan sa buhay ko, naranasan ko na ‘yon.


Ang mga kalaban namin, mga bagsak na halos lahat. Bugbog at sugatan. Mahigit sa sampu sila. Ten to fifteen maybe. Gano’n din kaming DSG. Kaya patas lang. Yun lang, mga tuso ‘tong mga bwisit na ACG na ‘to! Mga mga dala sila. Good thing, walang baril. Mga pamalo at patalim ang dala nila.


Magpapatalo ba kami? Syempre, nagdala rin kami.


“Paano ba ‘yan, Paul? Mukhang tayo na lang ang matatag?”


Napatingin ako kay Janus nang magsalita siya. May mga sugat din siya, pero galos lang. Kumunot ang noo ko. Kanina ko napapansin, parang hindi siya lumalaban. Lagi siyang nagtatago sa mga kasama niya.


Nilingon ko ang mga kasama ko. Mga nakahiga at nakaupo ang iba. May sugat at pasa ang mukha’t katawan nila. Halatang pagod na din sila. Pagod na pagod. Kaya nga mortal na kaaway namin ang ACG, mahirap din silang kalaban.


Pagod na din ako pero kaya ko pang labanan ‘tong pangit na Janus na ‘to. Nadaplisan ng patalim kanina ang braso ko pero mababaw lang ‘yon. Masakit na din ang katawan ko sa mga palong nakuha ko kanina.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo ako. “Tapusin na natin ‘to, Janus.”


Ngumisi siya. Yung ngisi niyang nakakainis. “Paano kung ayoko pa?” May kinuha siya sa bulsa niya. Phone ‘yon. May kung sino siyang tinawagan.


“Ano pang hinihintay ninyo? Pasok na!”


Mas lalong kumunot ang noo ko. Napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ako ng mga ingay. Halos mapamura ako sa nakita ko. No. Napamura talaga ko nang malutong, “Tangina!”


Lagpas sampung mga lalaki ang nagsipagpasukan sa gate. Fifteen. Twenty.


Sinong hindi mapapamura lalo nang mapatingin ako sa mga kasama kong pagod na?


“Natatandaan mo ba sila, Paul?” tanong ni Janus.


Malay ko kung sino sila o kung sa’n niya kinuha ang mga lalaking ‘to!


“Alpha Beta Gang.”


Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalang sinabi ni Janus.


Alpha Beta Gang.


I gritted my teeth. Ang pangalang ‘yon! Bukod sa Abrafo Crevan Gang, isa pa ang ABG sa kalaban naming gang nung college. Pero hindi katulad ng ACG, mahinang kalaban ang ABG.


At nang mangyari nga ang aksidenteng ‘yon seven years ago, nagkawatak-watak na sila. Hindi ko makakalimutan ang araw na ‘yon. Ni hindi ko man lang naipaghiganti ang ginawa nila sa babaeng—


“Long time no see, Paul.”


Dahan-dahan akong napalingon sa nagsalitang ‘yon. And when I finally saw who the guy is, nakuyom ko na lang kamao ko. Kumulo ang dugo ko. Unti-unting bumalik ang galit na nakatago sa dibdib ko.


“Ikaw.” nanggigigil na sabi ko.


Ngumisi siya. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, dito pa tayo nagkita, Paul. Kamusta ka na?”


May gana pa siyang magtanong na hayop siya!


“Kayo ng bahala dito, Remuel! Sumunod sakin ang iba!” Sumunod ang halos kalahati ng mga lalaki kay Janus na papunta sa building.


Akmang pipigilan ko sila nang humarang ang mga natitirang lalaki na kasama ng Remuel na ‘to!


“At sa’n ka naman pupunta, Paul?”


I gritted my teeth. “Buhay pa pala kayong ABG.” Ni ayaw kong banggitin ang pangalan niya.


“Oo naman. Pero hindi na kami katulad noon. Yung mga walang kwentang ka-brod ko, wala na sila. Ibang-iba na kami ngayon, Paul.” Ngumisi siya.


“You’re just the same as before. Wala pa rin kayong buto. Hanggang ngayon ba, kailangan ninyo pa ring makipagkampihan sa iba para talunin kami? Nakakaawa kayo.”


Ngumisi siya. “Nagkataon lang na isa ang gusto ng ABG at ACG. At ‘yon ay ang talunin kayong DSG.” He smirked. “At mukhang ngayon na ang araw na ‘yon.” Nilingon niya ang mga kasama ko. “Mukhang talo na kayo, Paul. Paano pa kayo lalaban niyan?”


“I’m still standing. At ngayong ikaw na mismo ang nagpakita sakin, I’m gonna make sure you’ll gonna regret this day.”


Tumawa siya. “Hindi mo pa rin nakakalimutan ang ginawa ko sa girlfriend mo? Kamusta na nga pala siya?”


“Hayop ka!”


“Oh! Wag kang masyadong hot! Hindi pa nga tayo nagsisimula, eh.” Sinenyasan niya ang mga kasama niya.


Tiningnan ko sila isa-isa. May mga dala silang pamalo at patalim. Nilingon ko ang mga kasama ko. May mga tumayo pa. Pagod na sila. Samantalang ang mga kalaban namin ngayon, hindi pa.


Bigla kong naalala ang sinabi ni Jaylord kanina.


“Kung ilan tayong pumasok sa loob, gano’n din dapat tayo lalabas. Maliwanag ba ‘yon?”


Walang hiya talaga ang Janus na ‘yon! Ano bang plano niya?! Balak ba nilang pagtulungan sina Jaylord?! Yun ay kung kaya nila. Si Jaylord ang pinag-uusapan dito. Kayang-kaya niya silang lahat.


“Behind my back!”


Natigilan ang mga kasama ko sa sinabi ko.


“What?!”


“Ano?!” halos sabay-sabay nilang tanong.


“Kaya ko pa, Paul.” Tumayo si Sean.


“Me, too.” said Keith.


“Pumunta kayong lahat sa likuran ko!” Mataas na pader ang nasa likuran ko. Hindi nila kami mapapaikutan kapag nagkataon. Yun lang, corner nila kami. Pero mas mabuti na ang ganito kesa paikutan nila kami.


“Ano bang problema mo, Paul?” tanong ni Keith.


“That’s an order! Sean! Keith! Help the others! Behind my back! That’s an order!” Tiningnan ko sila ng seryoso. “I’m serious! Move!”


Kumilos sila. Nasa bandang likuran ko na sila. May mga nakaupo, nakatayo at nakasandal sa pader.


“Anong drama ‘yan?”


Tiningnan ko nang masama si Remuel. “It’s called brotherhood. Wala kasi kayo no’n. Ni wala ata sa vocabulary ninyo ang salitang ‘yon. You know the Military Code? Whatever happens, never leave your partners.” Lumapit sa gilid ko sina Keith at Sean, sa DSG, kung sina Jaylord, Chad, Khalil at Clay ang laging magkakasama, itong dalawang ‘to ang kasanggang-dikit ko. “And in DSG Code, whatever happens, protect your brothers. Ngayong alam mo na, isaksak mo ‘yan sa utak mo.”


“Never leave? Protect? Kalokohan!” Na sinabayan niya ng tawa.


“Kaya ninyo pa ba?” tanong ko kina Sean at Keith.


“Oo naman!” sabay nilang sagot.


“Halata nga.” Nilingon ko ang mga kasama namin na pilit na tumatayo. “Kailangan na nating tapusin ‘to.”


Kakayanin ba namin ‘to?


Kung nandito lang sana ang apat na Others na ‘yon. Nang sabihan ako nina Chad na tipunin ang DSG no’n nang hindi pa namin alam na buhay si Jaylord, kinontak ko ang apat na Others na ‘yon. Pero some things will never change. Pupunta na lang daw sila kapag oras na nang bakbakan. Kaya never silang umatend sa mga meetings namin. Gano’n na sila nung college pa lang kami. May kaniya-kaniyang mundo ang apat na ‘yon. Kaya nga Others ang tawag namin sa kanila.


At nang tawagan ko sila kanina, binagsakan lang nila ko ng phone at hindi sila naniwala sa mga sinabi ko.


“Uno, nasa’n kayo? We need you!”


“Wag mo kong sigawan. Sino ka ba?” Hindi ba naka-save ang number ko sa kaniya? Lagi na lang siyang ganyan tuwing tatawagan ko siya. Kahit naman siguro kahit kanino lagi siyang naka-‘hu u’.


“Si Paul ‘to!”


“O bakit?”


“Jaylord needs you!”


“Wag mo kong pinaglololoko, Paul. Nagbabasa ako.”


Call ended. Cannot be reach na nang tawagan ko uli. Sunod kong tinawagan si Zurk.


“Zurk, kailangan kayo ng DSG ngayon na!”


“Nasa gym pa ko. Anong nangyari?”


“Kailangan kayo ni Jaylord! Ano ba?”


“Wala pa kong balak na sumunod sa kaniya, Paul. Tigilan mo ko sa kalokohan mo.”


Call ended. Tinawagan ko uli pero ring lang ng ring. Si Dax naman ang sunod na tinawagan ko. Dineretsa ko na siya.


“Buhay si Jaylord, Dax!”


“I’m in the middle of composing a song, Paul. Wag mo akong badtripin.”


Call ended. Kainis! May mga sarili nga silang mundo pero when it comes with Jaylord, sensitive sila masyado. Kaya hindi na ko nagtaka kung bakit ayaw nilang maniwala. Sunod kong tinawagan si Draic. Matagal pa bago niya sagutin ang tawag ko. Mukhang natutulog na naman siya.


“Hello! Natutulog yung tao!”


Bawal siyang istorbohin pag natutulog siya, nagiging dragon siya.


“Where are you, Draic?”


“Sa impyerno!”


“DSG needs you! Jaylord needs you! Sabihan mo sila Uno! Ngayon na!”


“Alam mo yung kasabihan na biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising?”


Call ended. Napamura na lang ako. Hindi ito ang oras para pilitin ko sila. Bahala sila sa mga buhay nila!


“Yung sugat mo, Paul.”


Napatingin ako sa braso ko. Dumudugo pa rin ‘yon. “Okay lang ako.” Kahit kumikirot na ‘yon. Pumunit ako sa damit ko at itinali sa sugat ko. Kinuha ko ang dospordos na sa paanan ko. “Tapusin na natin ‘to.”


Pinalibutan na kami ng ABG.


“Dapat ko bang sabihing, paalam sa inyo?” Ngumisi si Remuel.


Pero bago pa magkasuguran, may malakas na tunog na umagaw ng pansin namin. Ang malakas na tunog na kahit nakapikit ako, alam ko kung saan nanggagaling.


Apat na big bike ang pumasok sa gate. Sunod-sunod silang huminto. Sunod-sunod din nilang tinanggal ang mga helmet nila.


“Paano ninyo nalaman ‘to?” tanong ko.


“Ever heard of technology?” balik tanong ni Draic na humikab pa.


Napangiti na lang ako habang umiiling.


Tinanggal ni Uno ang suot niyang salamin sa mata. Si Dax naman, pinatunog ang mga daliri niya.


“Late na ba kami?” tanong ni Zurk habang nag-iinat ng mga braso niya.


“Kanina pa nagsimula! Pero pwede pa naman kayong humabol!” Nilingon ko si Remuel. “Ano nga uli yung sinasabi mo? Paalam?”



= = =



[ MEGAN’s POV ]


Napalingon ako sa pintuan nang makarinig ako ng mga boses. Lumapit ako do’n at pinakinggan ang ingay mula sa labas. Pero agad din akong napalayo sa pintuan nang may kung sinong nagbubukas no’n.


“Jaylord!”


“What?!”


Ang mga boses na ‘yon. Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi nila pwedeng malaman na nandito ako. Umatras ako ng hakbang habang hinihintay na sirain nila ang pintuan.


“Sa roof top!”


Nakahinga ako nang maluwag na makarinig ako ng mga yabag papalayo. Nanghihinang napaupo ako sa swivel chair. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong sumakit ‘yon.


“Ano ba kasi ‘tong ginawa ko?”


“You started this Megan. I’ll just finish it. For you.”


“Yeah. He was right. I started this game.”



- F L A S H B A C K -

Three years ago...


“Megan!!!”


Ang boses na ‘yon ang nakapag-pagising sakin. Iminulat ko ang mga mata ko. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si lolo, kasama niya si daddy.


Napalunok ako. “Lolo, what are you doing here?”


“I should be the one to ask you that. Sino ang kasama mo kagabi at hindi ka dumeretso ng mansion?”


Ito na ang umpisa. Ang four years na kalayaan ko nung nasa States pa ko, wala na. Coz I’m back in my Lolo’s shadow again. “I went to a bar, Lo, just to celebrate. Coz finally I’m back. Mas malapit ‘tong hotel sa mansion kaya dito na ko dumeretso because I’m tipsy and sleepy. I’m all alone last night.” Hindi kaya nakilala ako sa bar na ‘yon? Hindi naman siguro. Kasalanan ‘to ng lalaking ‘yon! Walang modo! Hinalikan pa ko!


Natigilan ako nang maalala ang halik na ‘yon.


That kiss.


Hindi ko alam, pero parang...


“Megan!”


Napakislot ako sa lakas ng boses ni lolo.


“Yes, Lolo?”


“I said, where’s your car?”


Shit! Yun pa! Nang bumalik ako sa bar na ‘yon kagabi, wala na yung kotse ko!


“I... It’s... I left it in the auto shop—”


“You’re lying!”


Napapikit ako nang mariin. Tiningnan ko si daddy to ask his help. Napailing lang siya. What kind of parent is he? Ano pa bang aasahan ko? Since I was a child, wala na silang ginawa ni mommy kundi ang sundin si lolo. Lagi na lang si lolo. Parang wala silang anak. Ako na nga lang ang nag-iisa nilang anak, hindi pa nila ko maalagaan.


Sa kanila nga ata ako nagmana na sundin si lolo sa lahat ng utos niya. Okay lang. Kasi lagi kong nakukuha ang gusto ko. Wala naman akong maaasahan kina daddy kaya ako na ang gumagawa ng way para makuha ko ang gusto ko.


“Alam mo ba kung sino ang nag-uwi ng kotse mo sa mansion?!”


Kumunot ang noo ko. “Inuwi?”


“Stop lying, Megan! Kararating mo lang ng Pilipinas and you’re with that guy again?!”


“Who’s ‘that guy’? Sorry, lolo, but—”


“Hanggang ngayon ba may communication pa rin kayo ng lalaking ‘yon?!”


“Lolo, I really don’t—”


“I’m warning you, Megan!”


Masama ang tingin na lumabas si Lolo ng kwarto. Ang kapag gano’n ang tingin niya sakin, nakakaramdam na ko ng takot.


“Dad?”


“Hindi mo ba talaga alam?”


Umiling ako. Pero...


Natigilan ako. Isa lang naman ang lalaking nakasama ko kagabi. That stupid, idiot, moron and perverted guy!


Siya kaya ang—


“Stop acting like you didn’t know, Megan. Wag mong painitin pa ang ulo ng lolo mo. Get dress at uuwi na tayo. Wag mo kaming paghintayin sa lobby.”


Lumabas na si daddy.


That stupid, idiot, moron and perverted guy.


That stupid, idiot, moron and perverted guy.


That stupid, idiot, moron and perverted guy.


Bakit parang...


“You forgot your slipper, Cinderella.”


Nilingon ko ang lalaki. “It’s not a slipper, okay! Where’s my stiletto?”


“I don’t know?” patanong pa ‘yon ng sabihin niya na parang iniinis ako.


“You, stupid, idiot, moron guy! You’ll gonna pay for this!”


Nagkibit-balikat siya. “Mayaman ang pamilya ko. Kaya kitang bayaran. Kahit magkano pa ‘yan.” Humakbang siya palapit sakin hanggang sa tuluyan siyang makalapit sakin. Tumaas ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko. Tinabig ko ang kamay niya. “Gusto ko ‘yan.”


“What?!”


“Gusto kita.”


Napatili na lang ako ng bigla niya na naman akong buhatin katulad ng ginawa niya kanina. “Put me down!”


Hindi niya ko ibinaba kahit anong palag ang gawin ko. Nakarating kami sa gilid ng kalsada. May humintong taxi sa harapan namin. Parang sakong ibinaba niya ko sa back seat. This is the worst treatment I’ve ever received in my entire life! How ungentleman he is! “What the hell is wrong with you?” bulyaw ko sa kaniya.


“Everything.” Tinitigan niya ko. “Until you came tonight.”


Ano daw? Hindi na ko nakasagot nang walang paalam na hawakan niya ang paa ko. Nagulat na lang ako ng isuot niya sakin ang isa kong stiletto. Where did he hide that?


“From now on, I’ll gonna treat you right.”


“What?!” Naguguluhan na ko sa mga pinagsasabi niya. Is he insane? Is he in drugs?


“You hate troubles. I do love it. That’s why...”


“What—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya. He kissed me! This stupid, idiot, moron guy is kissing me! Nanlaki na lang mga mata ko sa ginawa niya.


“Bagay tayong dalawa.” He murmured against my lips.


Napahawak ako sa labi ko.


That kiss.


That voice.


That stare.


“Stop lying, Megan! Kararating mo lang ng Pilipinas and you’re with that guy again?!”


“Who’s ‘that guy’? Sorry, lolo, but—”


“Hanggang ngayon ba may communication pa rin kayo ng lalaking ‘yon?!”


“Lolo, I really don’t—”


“I’m warning you, Megan!”


Isa lang ang lalaking natatandaan ko na ayaw ni Lolo na kasama ko kahit pa sabihing nagmula siya sa mayaman na pamilya.


Bakit hindi ko napansin? Dahil ba sa nainom ko kagabi kaya gano’n? O dahil ba...


“Why don’t you change, Seth?”


“Change for nothing. Wag na lang. This is me. Megan.”


Hindi ako sumagot.


“Bagay tayo, Megan.”


“What?” Tiningala ko siya.


“You hate troubles, right? I do love it. Maldita ka, basagulero ako.”


Tinaasan ko siya ng kilay. “So?”


“Megan! Open the door!”


“Go, Seth. Magtataka na si daddy.” Kumawala ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Pinigilan niya ko at iniharap sa kaniya.


“Makakalimutan mo ba ko kapag umalis ka na?”


I rolled her eyes. “How could I forget a stupid, idiot, moron, perverted and a wannabe gangster like you?”


He smirked. Walang sabing hinila niya ko at hinalikan na naman. Hindi ako tumutol but when he kissed and...


Tinulak ko siya. “You!” Hawak ko ang leeg ko. “Why did you?!”


He grinned. “That’s my mark, Megan.”


“What?!”


“That this stupid, idiot, moron, perverted and wannabe gangster likes you.”


“I’m with Seth Nevarez last night.”


Hindi ko siya nakilala agad kasi...


Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko.


Hindi siya nagbago katulad ng sinabi niya four years ago pero lumala siya. Hindi siya gano’n no’n. Maigsi lang ang buhok niya pero kagabi, ang haba na, na halos matakpan na ang mga mata niya. Ang dami niya ding hikaw sa tenga unlike no’n. I couldn’t explain it clearly, basta hindi ko siya nakilala agad dahil physically nagbago siya.


So tama nga bang sabihin kong nagbago siya?


How about me?


Hindi niya ba ko nakilala?










“That’s Jaylord Nevarez, Megan.” sabi ni Lolo nang ituro niya sakin ang lalaking kapapasok lang ng event hall. Nandito kami sa anniversary ng NPC na ginanap sa isang hotel. Three days ago na simula nang makauwi ako.


Nagulat ako sa sinabi niya. Lalo na sa sunod niyang sinabi.


“That is the guy that you’re going to marry.”


Hindi ko na kailangang magtanong dahil dineretsa na ko ni Lolo.


“Siya ang isa pang apo ni Ferdinand. Anak siya ni William na panganay ni Ferdinand na itinakwil niya no’n.”


All along, I thought si Seth lang ang nag-iisang apo.


“He’s a Nevarez, Lolo. I thought...” Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Alam ko namang may lalaki siyang ipagkakasundo sakin. Pero dati pa niyang sinabi na hindi isang Nevarez ang pakakasalan ko.


Malapit na kaibigan niya ang lolo ni Seth, pero dahil black sheep ang turing niya kay Seth, hindi pumasok sa isip niya na si Seth ang pakakasalan ko. Wala daw naitutulong si Seth sa NPC, kaya wala daw siyang maitutulong kapag nagpakasal kami.


At ayaw na ayaw ni Lolo na kasama ko si Seth.


“He is. And he is better than Seth. Much better. Matalino. Masipag. Magaling na bata.”


Kaya pala. Kung naging gano’n ba si Seth, sa kaniya niya ako i-pu-push? Malamang, oo. Dahil hindi lang ang kayamanan ng isang tao ang mahalaga kay Lolo, pati ang personality nito.


Pinagmasdan ko si Jaylord. Malapit lang siya sa gawi namin. He’s handsome, yeah. Kahit pa sabihing walang ekspresyon ang mukha niya, nakadagdag pa ‘yon sa dating niya.


Napangiti ako. Not bad.


Pero sino ang babaeng kasama niya?


“Lolo, who’s that girl?”


“His girlfriend.”


“He has a girlfriend?”


“It doesn’t matter, Megan. You are a Fredella, compared to that girl. Gusto siya nina Ferdinand para kay Jaylord kaya hirap akong kumbinsihin sila na ipagkasundo ka kay Jaylord.”


Hindi ako sumagot. So, kailangan kong magpaka-aggressive nito?      


Tiningnan niya ko. “Don’t tell me hindi mo kayang makuha si Jaylord?”


“I can.”


“Siguraduhin mo. Or else...”


“I know, Lo. ”


Iniwan na ko ni Lolo. Uminom ako sa wine glass na hawak ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Jaylord. Ngumiti kasi siya. Mas gwapo pala siya kapag nakangiti siya. Yun lang, ngumiti siya dahil parang may sinabi sa kaniya ang babaeng ‘yon.


Humakbang ako palapit sa kanilang dalawa. Pero bago ko pa magawa ‘yon, may humarang na sa daraanan ko.


“Seth!” Mukha siyang matino ngayon dahil naka-tuxedo siya. Pero gano’n pa rin ang buhok niya na halos humarang sa mga mata niya.


Tumaas ang sulok ng labi niya. “I’m glad na kilala mo na ko, Megan. Akala ko ba walang limutan?”


So, I am right. Nakilala niya ko ng gabing ‘yon. That’s why he kissed me that night katulad ng nakagawian niya no’n.


Umilap ang mga mata ko. Baka makita kami ni Lolo. “I’m sorry about that. It was dark that night. Besides, you’ve changed, Seth.”


“I didn’t.”


“You are.”


“I didn’t. Lumala lang ako, Megan.”


Kailangan talagang ipagmalaki ‘yon? Hindi nga siya nagbago. Hobby niya ang ipagmalaki ang mga bagay na hindi naman dapat ipagmalaki.


Napakislot ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Napatingin ako sa kaniya. “Seth.”


“I miss you, Megan.” Dahan-dahan siyang umatras. “See you around.” Yun lang at tinalikuran niya na ko. Kumunot tuloy ang noo ko.


“What are you doing, Megan?” madiin pero pabulong na tanong ‘yon na nagmula sa bandang likuran ko. Boses ‘yon ng lolo ko. Kaya pala umalis si Seth dahil nakita niya si Lolo na palapit samin. “Nakakahiya ka. Pinagtitinginan na kayo ng mga bisita kanina.”


Mas lalong kumunot ang noo ko. Lalo na ng tingnan ko ang mga bisita. Napapailing sila. “What’s wrong with that?” hindi ko napigilang itanong ‘yon. Bakit parang criminal naman kung ituring nila si Seth?


“Four years had passed. Madami nang nagbago, Megan. Ayoko na uling makikita kang kasama siya. Mag-focus ka kay Jaylord. Good thing, hindi niya kayo napansin ng lalaking ‘yon kanina. Umayos ka.”


Iniwan na niya uli ako na parang walang nangyari. Tiningnan ko kung sa’n nagpunta si Seth. Hindi ko na siya makita.


Tama nga siguro ang sinabi niya kanina. Lumala siya kaya gano’n na lang ang tingin sa kaniya ni Lolo at ng ibang tao.


“Mag-focus ka kay Jaylord.”


I sighed. Hinanda ko na ang ngiti ko nang lumapit ako kay Jaylord. “Hi.”


Tiningnan niya ko. “Yes?” Ni hindi man lang ngumiti.


I extended my hand. “I’m Megan Fredella. My surname sounds familiar right?”


“Yeah.”


Ang tipid naman niyang magsalita. Ganito ba talaga siya? Pero sa halip na mainis, mas lalo akong napangiti. Nakaka-challenge siya, hah.


“I just came back from States. I’m the grand daughter of Don Arturo Fredella.”


“I know him.” Napatingin siya sa kamay ko. Tinanggap niya ‘yon. “Jaylord.”


“I know who you are.” Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya nang maramdaman kong bibitaw siya. Kumunot tuloy ang noo niya. “I just want to say...” I tiptoed and kissed him at the side of his lips. “Nice meeting you, Jaylord.”


Naramdaman kong marahan niya kong itinulak. Napangiti na lang ako. Inakbayan niya ang babaeng katabi niya na magkasalubong ang kilay na nakatingin sakin. The so called girlfriend. “This is my girlfriend,” may diin pang sabi niya sa huling salita na ‘yon. “Ellaine.”


I smiled at her. “Hi, Ellaine. Nice meeting you.”


Ngumiti siya. Nang tipid. “Nice meeting you, too.”


“Elle, you’re hungry, right?”


“Hah?”


“You’re hungry.”


“Kararating lang—” Tumigil si Ellaine. Ilang segundo pa silang nagtinginan nang magsalita si Jaylord.


“She’s hungry. So excuse us, Megan.”


Sinundan ko na lang sila ng tingin nang umalis sila. Mukhang magiging masaya ‘to. Kakaiba kasi silang dalawa. Pero mas kakaiba si Jaylord.


This would be fun.

- E N D  O F  F L A S H B A C K -



“Yeah. Right. Fun.”


Napahawak ako sa balakang ko nang kumirot ‘yon. Hindi naman siguro masama ang pagkakabagsak ko kanina. Malambot naman ang kinabagsakan ko. Yun nga lang, madumi. Napangiwi ako nang maalala ko ‘yon kanina.


“Kadiri!”


Sumandal ako sa swivel chair na kinauupuan ko. Wala akong magagawa ngayon kundi ang maghintay. Sumasakit lang lalo ang ulo ko sa pag-iisip kung anong pwede kong gawin at kung ano ang pwedeng mangyari.


Hindi ako pwedeng ma-stress.


I sighed.


Seth, please... Wag mong gagawin ‘yon...


I closed my eyes. Dahil siguro sa pagod, nakatulog agad ako. Hindi ko alam kung gaano katagal pero nagising na lang ako ng may malakas na lagabog na nakapag-pagising sakin.


Bigla akong napatayo nang may mga lalaking pumasok. May mga hawak silang pamalo at patalim na pinaglalaruan pa nila.


“Wow! May chikababe pala dito!”


“Ang ganda mga ‘tol!”


“Hanep!”


Umatras ako ng hakbang. “Don’t touch me or else lagot kayo kay Seth.” madiing pagbabanta ko.


“Sino si Seth?” Nagtawanan pa sila.


“Wag ninyo siyang gagalawin!”


Napatingin ako sa lalaking nagsalita no’n.


“Akala ko hindi ka na darating. Alam ko namang iiwan ka dito ni Seth oras na malaman niyang nandito ka. Ang galing ko talaga!” Humalakhak siya.


“What are talking about?”


“Paano mo nalaman ang lugar ‘to? Hindi ba’t may nagtext sa’yo?”


“Ikaw ang nagtext sakin?”


“Sino pa ba?”


“How did you know my number?”


“Nakuha ko ang number nang tawagan ka ni Seth. Teka! Ba’t ang dami mong tanong?” Sinenyasan niya ang mga kasama niya. “Sirain ninyo na ‘yan!”


Impit akong napatili nang paghahampasin ng mga lalaki ang mga screen na nakapatong sa mahabang table. Humakbang ako palayo do’n.


“Walang ebidensyang matitira! Akala siguro ng Seth na ‘yan, mauutakan niya ko! Pwes siya ang nautakan ko!” Tiningnan niya ko. “At ikaw,” Nilapitan niya ko.


“Anong gagawin mo?” Umatras ako ng hakbang.


May inilabas siyang knife. A bowie knife to be exact. Mero’n kasi no’n si Lolo kaya alam ko. Napalunok ako. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis.


Am I going to die? Is this how I’m going to pay for everything that I did? Pero hindi ko naman kasalanan kung bakit umabot sa ganito. At kung bakit ko nagawa ‘yon.


Napahawak ako sa tiyan ko.


Hindi ako pwedeng mamatay.


Hind pwede.
 
= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^