Sunday, December 22, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 52

CHAPTER 52

                        [ SETH’s POV ]


“Ito ang kaya kong gawin. Kaya kong pumatay para kay Megan. Kaya mo ba ‘yon, Jaylord?”


“No. Hindi kasi ako mamamatay tao. Alam mo ba ang kaya kong gawin? Kaya kong mamatay para kay Ellaine. Kaya mo ba’yon, Seth?”


Natigilan ako. Kaya ko bang mamatay para kay Megan? Ang alam ko lang, kaya kong pumatay para sakaniya. Pero ang mamatay para sa kaniya? Kaya ko ba ‘yon?


“Kaya kong mamatay para kay Ellaine dahil mahal na mahal ko siya. Ikaw, Seth? Gaano mo ba kamahal si Megan para ibuwis mo ang buhay mo para sa kaniya?”


Mahal ko si Megan? Ni hindi ko nga alam ang salitang mahal tapos sasabihin niyang mahal ko si Megan? Bakit bigla akong naguluhan ngayon? Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi niya! Magulo na nga ang utak ko pero mas lalo yung gumulo ngayon!


Ano bang pinagsasabi niyang pagmamahal?!


“Late na ba ko?”


Napalingon ako sa nagsalitang ‘yon para lang magulat. For two reasons. Hawak si Megan ng isang lalaki habang may nakatutok na kutsilyo sa kaniya. At ang lalaking ‘yon ay walang iba kundi si...










“Janus! Anong ibig sabihin nito?!”


May mga lalaki siyang kasama na may mga hawak na pamalo at patalim. Damn! Don’t tell me...


“Nagulat ka ba, Boss Seth?” may diing tanong niya.



= = =


[ JANUS’ POV ]


Sina Jaylord at Seth.


Gulat na gulat sila sa biglaang pagdating ko. At natutuwa ako sa nakikita ko.


Sa pagkakaalam ni Seth, siya ang nagpapaikot ng larong ‘to. Pero hindi niya alam, siya na ang pinapaikot ko para gamitin sa pina-plano ko.


Nang araw na malaman at makita kong buhay si Jaylord. Nang araw na ‘yon na marinig ko mula kay Seth na parang wala lang sa kaniya ang pagkamatay ni Kairo, do’n na nag-umpisa ang lahat.


Inipon ko uli ang ACG. Kaya bago pa niya ako utusan na ipunin ang gang, nagawa ko na ‘yon. Pati ang ABG kinasabwat ko dito ng hindi niya nalalaman. Hindi naman talaga sila kasali dito, nagkataon lang na nakita ko si Remuel, ang leader ng ABG no’n.


Gustong burahin ni Seth si Jaylord. Sumang-ayon ako kaya sinunod ko ang lahat ng pinag-uutos niya. Ang hindi niya alam, kasama siya sa mabubura sa mundong ‘to!


Si Seth na galit pa kay Kairo sa ginawa niyang kapalpakan sa pagpatay kay Jaylord! At si Jaylord na pumatay kay Kairo!


Ang dalawang Nevarez na ‘yan! Dapat lang na mawala na sila sa mundo! Uunahin ko munang pahirapan ang hayop na Seth na ‘to!


“Nagulat ka ba, Boss Seth?” may diing tanong ko.


“Hayop ka! Bitiwan mo si Megan!”


“Sino?” Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Megan. Humakbang siya palapit samin. Hinayaan ko lang siya. Nakita ko ring humakbang si Jaylord sa babaeng ‘yon na nakatali sa upuan habang nakatingin sakin.


Napangisi ako. Sige lang. Hakbang pa. Pero bago pa sila tuluyang makalapit sa mga babaeng mahahalaga sa kanila...


“Hanggang dyan na lang kayong dalawa!” Binalingan ko ang mga kasama ko. “Kayo! Bantayan ninyo si Jaylord!” Itinutok ko ang patalim na hawak ko sa tiyan ni Megan. “Isang maling hakbang lang ng kahit na sino sa inyong dalawa! Dadanak ang dugo ng babaeng ito! Pati ang batang nasa tiyan niya!”


“A-anong sabi mo?!”


Ang lakas ng tawa ko sa nakita kong reaksyon ng mukha ni Seth. Kahit gaano pa siya kahayop, parehas lang sila ng pinsan niyang si Jaylord. Para silang nawawala sa sarili nila kapag ang babaeng mahalaga sa kanila ang pinag-uusapan.


Paano ko nalaman ang tungkol kay Megan? Sa mismong bibig rin ni Seth. Nang magkasama kami sa hide out, tuwing nalalasing siya, ang babaeng ito ang bukang bibig niya.


“Anong sabi mo, Janus?!”


Ngumisi ako. “Buntis siya, Seth!” Binalingan ko si Megan. “Hindi ba, Megan?”


Hindi siya sumagot.


“Hindi ba, Megan?!”


Hindi pa rin siya sumagot.


“Megan, answer me! Totoo ba ang sinasabi niya?!” sigaw ni Seth.


“Ayaw mo ba talagang magsalita!?” nanggigigil na tanong ko kay Megan. “Gusto mo na bang mamatay, hah?!”



= = =



[ MEGAN’s POV ]


Naramdaman ko ang patalim sa gilid ko. Nanginig ako. Parang konting galaw ko lang babaon sakin ‘yon.


“Isang maling hakbang lang ng kahit na sino sa inyo! Dadanak ang dugo ng babaeng ito! Pati ang batang nasa tiyan niya!”


Napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi ng lalaking ‘to. Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina.


“Don’t kill me. I’ll pay you, just don’t kill me.”


“Hindi pa sa ngayon, Megan.”


“Kilala mo ko?”


“Lagi kang bukang bibig ng Seth na ‘yon, eh. Paanong hindi kita makikilala? Pati nga picture mo, pinakita niya sakin. Gano’n siya kabaliw sa’yo.” Ngumisi siya. “Sabagay, napakaganda mo naman kasi.” Napaatras ako ng hakbang nang hawakan niya ang pisngi ko. “Ang arte mo!” Hinawakan niya nang pasabunot ang buhok ko. “Isang tanong, isang Megan. Sino ang ama ng nasa tiyan mo?”


Nagulat ako. “I’m not pregnant!”


“Wag ka nang magsinungaling. Nakita kita, Megan. Dahil lingid sa kaalaman ni Seth, minamatyagan din kita. Nakita kita sa ospital kailan lang. Nagpanggap akong nurse at narinig ko ang lahat ng sinabi ng doctor sa’yo.”


Tama siya. Nang araw na maging okay si Ellaine at Jaylord, umalis ako no’n. After Seth called me that day just to say he missed me so much, sumama ang pakiramdam ko kaya sumaglit ako sa ospital. Kaya nga pagdating ko, maghapon akong nakakulong no’n.


“Sabihin mo ang totoo, sino ang ama niyan?”


“Si...”


“Sasabihin mo o hindi na makikita ng magiging anak mo ang mundo?”


“Si...”


“A-anong sabi mo?!” Narinig kong sigaw ni Seth na nakapagbalik sakin sa kasulukuyan.


Tumawa lang ang katabi ko.


“Anong sabi mo, Janus?!”


“Buntis siya, Seth! Hindi ba, Megan?”


Hindi ako sumagot. Ni hindi ako dumilat. Ayokong makita ang reaksyon ni Seth.


“Hindi ba, Megan?!”


Hindi pa rin ako sumagot.


“Megan, answer me! Totoo ba ang sinasabi niya?!” sigaw uli ni Seth ‘yon.


“Ayaw mo ba talagang magsalita!?” nanggigigil na tanong ng katabi ko.  “Gusto mo na bang mamatay, hah?!”


I opened my eyes. Nagtama ang mga mata namin ni Seth.


“Answer me, Megan! Totoo ba ang sinabi niya?!”


Ayokong sabihin ang totoo sa kaniya kasi...


“Yes, Seth! I am pregnant!”


“Sino ang...”


“Ikaw. This is yours.”


Shock was written all over his face. Yan ang ayokong makita kapag sinabi ko sa kaniya na buntis ako at siya ang ama. Hindi niya alam ang meaning ng salitang pamilya, paano niya tatanggpin na magkaka-anak siya? Baka mamaya, ipalaglag niya pa ang nasa tiyan ko.


Ayoko.


Baby ko ‘to, eh.


Baby namin ‘to.


“Hindi! Hindi! Hindi!” Para na siyang baliw na sumisigaw.


Tumawa lang ang katabi ko na parang tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Hinawakan ko ang tiyan ko.


Baby, walang mangyayaring masama sa’yo. I’ll protect you, okay. Kahit hindi ko alam kung paano...



= = =



                        [ SETH’s POV ]


“Yes, Seth! I am pregnant!”


“Sino ang...” Ako ba?


“Ikaw. This is yours.”


I was totally shock. Buntis si Megan! Anak ko ‘yon! Buntis siya! Ako ang ama no’n! Magkaka-anak ako! Magkaka-anak ako?! Ano bang dapat kong maramdaman?! Hindi ko alam! Damn!


Anong gagawin ko ngayon?! Wala ‘to sa plano ko! At wala sa plano ko ang masaktan siya kasama ng...


Magiging baby namin?


“Hindi! Hindi! Hindi!” Hindi na ko makapag-isip nang matino.


Narinig kong tumawa si Janus. Tiningnan ko siya nang masama. Nakayuko si Megan. Hawak niya ang tiyan niya.


“Ano na ngayon ang gagawin mo, Seth? Hawak ko ang buhay ng babaeng ito at ng baby ninyo? Ang bilis ng karma ‘no? Parang kanina lang, hawak mo ang buhay ng babaeng mahalaga kay Jaylord? Anong feeling, Seth? Kinakabahan ka na ba?”


Ganito ba ang naramdaman ni Jaylord kanina?


Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ko? Oo. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng kaba ko. Ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko. Sa sobrang kaba ko habang nakatingin kay Megan at sa nakatutok na patalim sa tiyan niya, tanging sila na lang ang nakikita ng mga mata ko.


“Buhay mo kapalit ng buhay ng babaeng ito at ng magiging anak ninyo.”


Narinig ko ‘yon pero hindi ko maibuka ang bibig ko.


“Madali lang naman matapos ‘to. Gamitin mo lang ‘yang kutsilyong hawak mo para tapusin ang buhay mo.”


Napatingin ako sa kutsilyong hawak ko.


“Kaya kong mamatay para kay Ellaine dahil mahal na mahal ko siya. Ikaw, Seth? Gaano mo ba kamahal si Megan para ibuwis mo ang buhay mo para sa kaniya?”


“Bilis na, Seth! Tapusin mo na ang buhay mo!”


Itinaas ko ang kutsilyong hawak ko.



= = =



[ KHALIL’s POV ]


“Hindi! Hindi! Hindi!” Parang baliw na sumigaw si Seth. Sabagay, kanina pa siya ganyan na parang wala siya sa sarili niya.


“Wala na kong maintindihan sa mga nangyayari. Isa lang ang alam ko. Bumaligtad si Janus.” Narinig kong sabi ni Chad na nasa tabi ko. Hawak niya si Eco. Hawak ko si Oliver. Nandito kami sa pinakadulo ng rooftop. Malapit kina Seth. Sa bandang gilid niya kaya hindi kami pansinin.


“Me, too. Pinaikot niya si Seth.” I said. Binalingan ko ang dalawang alipores ni Seth na hawak namin. “Kayo bang dalawa, kasabwat din ba kayo ni Janus?”


“Hindi.” sabay na sagot ng dalawa.


“Gusto ninyo rin bang bumaligtad?”


“Hindi.” chorus na naman silang sumagot.


Napailing ako. “Wala ngang pakialam sa inyo si Seth, tapos kampi pa rin kayo sa kaniya?”


“Alam namin. Pero utang namin ang lahat sa kaniya.”


“Magulo ang buhay namin noon. Magulo pa rin naman ngayon. Pero at least, nararanasan namin ang makakain sa araw-araw, makatulog sa malambot sa kama at makuha ang gusto namin. Hindi katulad no’n na bago pa niya kami makita, sa kalye kami nakatira.”


“Utang namin ang lahat sa kaniya kahit pa sabihing alipin ang tingin niya samin, gawin kaming punching bag kapag trip niya at murahin niya kami araw-araw. Gano’n na namin siya nakilala kaya nasanay na kami.”


Napailing ako. Grabe. Natiis nila ‘yon?


Nagkatinginan kami ni Chad. Mukhang parehas kami ng iniisip.


“Okay. Tama na ang drama.” sabi ni Chad. “Hawak si Megan ni Janus. Hindi rin makakilos si Jaylord para iligtas si Ellaine dahil nakabantay sa kaniya ang mga pangit na ‘yon.”


“Alam mo ba ang naiisip ko, Chad?”


“Oo naman, tol. Ako pa.” Binalingan niya ang dalawa. “At kung gusto ninyong mabayaran ang utang ninyo kay Seth, help him to save his girl.” Inilabas niya ang phone niya. “This is the plan...”



= = =



[ JAYLORD’s POV ]


Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang, halos itaktak ko ang utak ko sa pag-iisip dito kung paano ililigtas si Ellaine na hindi siya mapapahamak. Tapos bigla na lang dumating si Janus na may mga kasamang asungot!


Hindi ako natuwa dahil na-bwisit pa ko! Mas lalong naging kumplikado ang lahat! Ngayon pang mas lalong hindi ako makakilos dahil nakabantay sakin ang mga asungot na kasama niya! Bwisit talaga!


Hindi ko alam kung paanong napunta si Megan dito. But the bottomline is, trinaydor ni Janus si Seth at pinaikot sa mga kamay niya!


Traydor talaga ‘tong Janus na ‘to kahit kailan! Napakahayop niya din para idamay ang anak ni Megan!


Nabigla ako nang marinig kong buntis siya. Ibig sabihin, nung nasa mansion kami, buntis na siya no’n. Pero bakit nararamdaman ko no’n na pinaghihiwalay niya kami ni Ellaine nung mga panahong wala pa akong maalala? Naglilihi ba ang tawag do’n?


Damn! Hindi ‘yon ang dapat kong isipin!


Nilingon ko si Ellaine. Hindi siya nakatingin sakin. Nakatutok ang mga mata niya kina Megan. Mukhang nagulat siya sa mga narinig niya. Dahan-dahan siyang napatingin sakin.


“Jaylord...” Pumatak ang luha niya. “Yung baby...”


Naisip pa niya ang mangyayari sa baby ni Megan kesa sa kalagayan niya. “Akong bahala. Wag kang gagalaw diyan, okay?”


Sunod-sunod siyang tumango. I glanced at Drenz. Nakayuko siya.


“Ano na ngayon ang gagawin mo, Seth? Hawak ko ang buhay ng babaeng ito at ng baby ninyo? Ang bilis ng karma ‘no? Parang kanina lang, hawak mo ang buhay ng babaeng mahalaga kay Jaylord? Anong feeling, Seth? Kinakabahan ka na ba?”


Tiningnan ko si Seth. Nakatingin lang siya kina Megan.


“Buhay mo kapalit ng buhay ng babaeng ito at ng magiging anak ninyo.”


Kailangan ko lang ng distraction. Kahit anong distraction para makuha ang baril na nasa likuran ko at patamaan si Janus.


“Madali lang naman matapos ‘to. Gamitin mo lang ‘yang kutsilyong hawak mo para tapusin ang buhay mo.”


Tiningnan ni Seth ang hawak niyang kutsilyo.


Damn! Pinapaikot ka lang niya, Seth! Buksan mo ‘yang isip mo! Mamatay ka man o hindi, mapapahamak din si Megan!


“Bilis na, Seth! Tapusin mo na ang buhay mo!”


Itinaas niya ang kutsilyong hawak niya.


Damn! Sinasamantala ni Janus ang pagiging wala sa sarili ni Seth! Kahit ano pang kasamaan ang ginawa niya sakin, samin ni Ellaine at sa kung sino-sino, hindi pwedeng mangyari ‘to! Mas gugustuhin ko pa siyang mabulok sa kulungan, kesa ang mamatay ng ganyan!


Tiningnan ko sina Chad. Nakatingin sila sakin. And the way they looked at me, alam ko agad na may plano sila. Tumango si Khalil ng tatlong boses. Alam ko na agad ang ibig sabihin no’n.


Yun ang balak nila? College pa kami ng huli naming gawin ‘yon. Pero mukhang yun ang kailangan namin ngayon. Yun ang kailangan ko. Distraction. Tatanga-tanga pa naman ‘tong si Janus. Mukhang nagmana pa ‘tong mga asungot na kasama niya sa kaniya.


Tinanguan ko sina Khalil.


Alam na nila ang ibig sabihin no’n.


Gawin nila ang plano.



= = =



[ ELLAINE’s POV ]


Ang daming nangyayari. Parang sasabog ang isip ko sa nalaman at nakikita ko. Pero sa kabila no’n, isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. Ang baby ni Megan! Nasa panganib ang baby niya! Kahit pa sabihing galit ako kay Megan, labas ang batang nasa tiyan niya. Walang kasalanan ang bata sa mga nangyayari.


Bakit kailangan pa siyang idamay ng hayop na Janus na ‘to?!


“Bilis na, Seth! Tapusin mo na ang buhay mo!”


Ipinikit ko ang mga mata ko. Gagawin ba ni Seth? Kaya niya bang patayin ang sarili niya para iligtas si—


“Seth! Don’t listen to him!” Boses ‘yon ni Megan. I opened my eyes. “Seth! Put that knife down!”


Bumagsak sa sahig ang kutsilyong hawak ni Seth. “Megan...”


“Napaka-pakialamera mo talaga!” Hinawakan ni Janus ang buhok ni Megan nang pasabunot. “Gusto mo na bang mamatay, hah?“


Umiling si Megan. Tiningnan niya si Jaylord. “Jaylord... Yung baby ko... Please...” Humihingi siya ng tulong kay Jaylord because the way how Seth looks now, parang wala siyang magagawang matino ngayon.


Umiiyak si Megan. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan na parang nagmamakaawa.


“Pulutin mo na ‘yan, Seth o mamamatay ang babaeng ito! O gusto mo bang sabay kayong mamatay?! At uunahin ko muna ang baby ninyo!”


Ipinikit ko ang mga mata ko. Ayoko nang makita kung ano ang mangyayari. Ayoko nang marinig ang mga sinasabi ng hayop na Janus na ‘yon. Kung pwede ko lang takpan ang mga tenga ko, ginawa ko na. Pero nakatali ang mga kamay ko kaya naririnig ko pa rin ang lahat.


Ang tunog ng wangwang ng pulis.


Ang tunog ng putok ng baril.


Ang halo-halong sigaw nila.


Ang pagkakagulo nila.


Naririnig ko lahat ‘yon.


Gusto kong idilat ang mga mata ko.


Yun ang ginawa ko.


Pero kasabay no’n ay parang matutumba ang kinauupuan ko sa...


“Jaylord!!!”


Matutumba ang upuan ko patalikod!


“Ellaine!!!”


Mukha ni Jaylord ang una’t huling nakita ko bago ko ipikit uli ang mga mata ko at maramdaman ang mabilis na pagbagsak ko.


Is this the end?


Mangyayari ba ang nasa panaginip ko?


Hindi nga ko namatay sa saksak.


Pero madudurog naman ang mga buto kapag...


Ayokong isipin ang mangyayari sakin kapag nangyari ‘yon.


Ayokong isipin na mawawala ko.

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^