Sunday, December 22, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 53

CHAPTER 53

                     [ JAYLORD’s POV ]


Tinanguan ko sina Khalil.


Alam na nila ang ibig sabihin no’n.


Gawin nila ang plano.


“Pulutin mo na ‘yan, Seth o mamamatay ang babaeng ito! O gusto mo bang sabay kayong mamatay?! At uunahin ko muna ang baby ninyo!”


“Don’t please!” sigaw ni Megan. “Seth!”


Kasabay nun ay may umalingawngaw na wang-wang ng pulis. As expected nag-panic agad si Janus. Mukhang nawaha din ang mga kasama niya na nataranta na.


Lumuwag ang pagkakahawak niya kay Megan. Ang kamay niyang may hawak na patalim ay naitaas niya. Mabilis kong kinuha ang baril ko sa likuran na sinuksok ni Paul kanina. Inasinta ko ang kamay ni Janus na may hawak na patalim. Tumilapon ‘yon at napaigik sa sakit si Janus. Nabitiwan niya si Megan. Patalon-talon siya na parang palaka habang hawak niya ang kamay niyang nabaril ko.


“Megan! Kay Seth!” Pero mukhang natuliro siya sa mga nangyari dahil nakatakip lang siya sa tenga niya. “Bantayan ninyo si Ellaine!” utos ko kina Khalil at Chad na nakalapit na sakin at mabilis na tinakbo si Megan.


“Walang pulis! Mga gago!” sigaw na Janus sa mga kasama niya. Mukhang pumasok na sa isip niya na nagoyo lang namin siya. May kung ano siyang kinuha sa likuran niya. Baril ‘yon! May susugod sana sakin pero naharang na ‘yon ng dalawang alipores ni Seth.


Nahila ko si Megan pero may narinig na kong putok. Niyakap ko siya patalikod sa gawi ni Janus. Nilingon ko si Janus at inasinta ang kamay niyang may hawak na baril pero naiputok na niya ‘yon bago pa niya ‘yon mabitiwan. Napamura siya nang malakas dahil dalawang kamay na niya ang natamaan ko. Para siyang baliw na talon ng talon.


“Tangina! Sugudin ninyo siya!” sigaw niya sa mga kasama niya.


May sumugod na dalawa pero ang mga alipores ni Seth ang sumalubong sa kanila.


“Megan?” Nakahawak siya sa balikat niya. “Damn! May tama ka!”


“Yung baby ko...”


Bubuhatin ko na sana siya para dalhin sa dulo nitong rooftop pero may nauna na sakin. Si Seth.


“Megan!”


“Yung baby ko...”


“May tama siya pero daplis lang. Alam mo na siguro ang gagawin mo.”


Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil binalikan ko agad si Janus. Sabay pa kaming napatingin sa baril na nabitiwan niya. Bago pa niya ‘yon makuha, sinipa ko na ‘yon ng ubod ng lakas na tumilapon sa kabilang dulo nitong rooftop.


“Jaylord!!!”


Napalingon ako kay Elle. Nanlaki ang mga mata ko. Ang kinauupuan niya! “Ellaine!!!” Tinakbo ko ang lubid na naputol. Hindi ko alam kung paano. Hindi siguro napansin nila Khalil sa kakaiwas sa patalim at pamalong ng mga kalaban nila.


“Damn!” Halos hindi ako huminga bago ko tuluyang mahawakan ang lubid na nagdudugtong sa upuan ni Elle. Halos malapit na sa dulo ang nahawakan ko. Pinikot ko agad ‘yon sa kamay ko. “Damn!” Hindi lang ang lubid niya ang naputol! Pati kay Drenz, hawak ko na rin!


“Shit!” Hanggang dibdib ko na ang nakapatong sa gilid nitong rooftop!


Ramdam ko ang kirot sa kaliwang braso ko na siyang may hawak sa lubid na nakatali kay Elle. May likidong gumapang sa kaliwang braso hanggang sa maramdaman ko ‘yon sa kamay ko. Naramdaman kong dumausdos ang pagkakahawak ko sa lubid ni Elle. Hinigpitan ko ang pagkakahawak do’n, pati kay Drenz kahit ang sakit na ng kaliwang braso ko at ang mga kamay ko.


“Shit!” Sunod-sunod akong napamura.


Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra.


Nanginginig din ang buong katawan ko.


Ngayon lang ako sobrang natakot ng ganito sa buong buhay ko!


Hawak ko ang buhay nilang dalawa!


Hawak ko ang buhay ng taong mahal ko!


Parang ayokong huminga.


Alam kong imposible ‘tong ginagawa ko, pero hindi ko sila bibitawan!


Dahil pag nabitiwan ko ang taling hawak ko, parang ako na rin mismo ang pumatay sa kanila! At sa kaniya!


Hindi ko ‘yon kakayanin! Isipin ko pa lang na mawawala si Elle ng dahil sakin, para na kong mamamatay! Yun na ang nagsisilbing lakas ko para kumapit ng mabuti sa mga lubid nila!



= = =



[ ELLAINE’s POV ]


Yung feeling na sumakay ka ng roller coaster at pababa na pero bigla na lang huminto nang hindi ka pa nakakasigaw. Yun ang naramdaman ko ngayon.


Anong nangyari? Bakit huminto ang pagbagsak ko.


Naramdaman kong may pumatak na kung ano sa pisngi ko. I opened my eyes. Tumingala ako. Nagtama ang mga mata namin. “Jaylord...” Hawak niya ang lubid na nakatali sa upuan ko.


“Elle...”


“May sugat ka!” May dugo ang kamay niya. Hindi ko alam kung sa’n galing.


“I’m fine...” Pero hindi. Pulang-pula na ang mukha niya. Hindi lang lubid na nakatali sa upuan ko ang hawak niya. Pati kay Drenz!


“Bitawan mo na yung tali ko!”


Napalingon ako kay Drenz nang magsalita siya. “Drenz...”


“Bitiwan mo na—”


“Shut up, Drenz, will you?!” Napatingala ako kay Jaylord. “Ako ang may hawak nito kaya ako ang magdedesisyon! Hindi ko ‘to bibitawan!”


“Jaylord...” Kilala niya si Drenz? Paano? Kanino ko pa napapansin. Habang kinakausap niya si Seth parang...


“Hindi ko ‘to bibitawan, Elle... I promise... Just trust me...”


Hirap na hirap na siya. Paano niya nagagawang kumapit sa mga lubid na ‘yan? Napaiyak na ko lalo nang maramdaman kong parang bumababa ako nang paunti-unti. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Takot na takot akong baka tuluyan na kong bumagsak sa ibaba.


“Jaylord...”


“Hindi ko ‘to bibitawan, Elle... Kahit pa mabali ‘tong mga buto ko sa kamay...”      



= = =



[ MEGAN’s POV ]


“Pulutin mo na ‘yan, Seth o mamamatay ang babaeng ito! O gusto mo bang sabay kayong mamatay?! At uunahin ko muna ang baby ninyo!”


“Don’t please!” sigaw ko. “Seth!”


Tinakpan ko ang tenga ko at pumikit sa sobrang takot sa mangyayari sakin. At sa baby ko. Takot na takot ako. Ni hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko kahit naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sakin ng hayop na lalaking ‘yon!


May narinig akong putok ng baril. Naramdaman kong sumakit ang balikat ko. Napahawak ako do’n. Naramdaman kong may yumakap sakin. Isa pang putok ng baril ang narinig ko. At isa pa. Nanginginig na ko sa takot.


“Megan?” Boses ni Jaylord ang narinig ko pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. “Damn! May tama ka!”


“Yung baby ko...” umiiyak kong sabi.


Naramdaman kong may bumuhat sakin. Si Jaylord. Nasa’n ba si Seth? Kailangan ko siya. Nasa’n ba siya? Natatakot na ko...


“Megan!”


Boses ni Seth ang narinig ko. Malapit lang siya. Pero nasa’n siya?


“Yung baby ko...”


Nanatili pa rin akong nakapikit kahit naramdaman kong humakbang si Jaylord. Pero bakit parang pakiramdam ko hindi siya ang may buhat sakin? Naramdaman kong inilapag niya ko. Napasandal ako sa pader.


“Megan!”


Ang boses na ‘yon...


I opened my eyes. Nagtama ang mga mata namin. “Seth...”


Hahawakan sana niya ang mukha ko pero parang hindi niya magawa. Nanginginig ang mga kamay niya. Parang hindi niya alam ang gagawin niya. Ako na ang humawak sa mga kamay niya at inilapit ‘yon sa magkabilang pisngi ko.


Tinitigan niya ko. Nando’n pa rin ang talim sa mga mata niya pero mas nangingibaw ang isang emosyong lagi kong nakikita kapag tinitingnan niya ko.


“Megan...”


At ang hindi ko inaasahan. Na never kong inisip na gagawin niya. A tear fell from his eye.


“Seth...”


Niyakap niya ko nang mahigpit na parang ayaw niyang makita ko ‘yon. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya at nanginginig niyang katawan. Gulat na nga ko sa nakita kong pagpatak ng luha niya, mas lalo pa akong nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya na never kong narinig sa kaniya.


I hugged him back.


This stupid, idiot, moron and perverted guy.


Siya ang nag-iisang taong sumuporta sa mga kamalditahan ko kasi nga idiot siya.


Siya ang nag-iisang taong nakipagbugbugan para sakin kahit may lumapit lang sakin na lalaki kasi nga moron siya.


Siya ang nag-iisang taong laging nasa tabi ko kahit lagi niya kong minamanyak.


Siya ang nag-iisang taong nagpahalaga sakin kahit hindi niya napapansin ‘yon kasi nga stupid siya.


Pero sa lahat nang ‘yon, siya ang nag-iisang taong tumanggap sakin bilang ako.


I am Megan Fredella. Madali lang para sakin na gumawa ng paraan para paghiwalayin sina Jaylord kahit pa ang pikutin ko siya. Pero hindi ko ginawa.


Minsan na kong tinanong ni Seth no’n kung anong gagawin ko kapag may pinagawa sakin si Lolo na hindi ko gusto. Nasagot ko na ‘yon. Sinunod ko ang utos ni lolo na gumawa ng way para paghiwalayan sina Jaylord at Ellaine.


Nang makita kong buhay si Jaylord at hindi pa rin nagpapakita si Seth. Galit na galit ako no’n. Dahil kung siya ang namatay, parang nawalan ng saysay ang ginawa niyang planong paghiwalayan ang dalawa. Hindi ko alam kung dahil sa pagbubuntis ko, pero gustong-gusto kong paghiwalayin silang dalawa.


Bakit gano’n kasi? Bakit kaming dalawa pa rin ni Seth ang talo sa huli?


Pero bakit nga ba tumagal ng ganito?


Dahil nagdadalawang-isip ako. Dahil umaasa akong magbabago ang isang lalaking inaasahan ko. But it didn’t happen.


Sino ang lalaking ‘yon?


Siya ang daddy ng baby ko.


Bakit ko nga ba hinayaang may mangyari samin?


Because...










I like this stupid, idiot, moron and perverted guy.


Nakukuha ko ang gusto ko nang walang hirap. Kaya kong makuha si Seth nang walang hirap pero hindi ko ginawa. Because I chose wealth over him. Because I’m a selfish spoiled brat na hindi kayang maghirap.


What about now? Will I choose him over my wealth? Am I ready for the consequences? Handa na ba kong maghirap at mawala sakin ang lahat?


Pero, teka.


Ano nga bang nararamdaman ko sa kaniya para gawin ko ‘yon?



= = =



[ SETH’s POV ]


Naguguluhan na ko. Sa paligid ko. Sa mga nangyayari. Nakatingin lang ako kay Megan. Naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero wala akong magawa. Para bang nagkabuhol-buhol na ang utak ko at hindi ako makapag-isip nang matino. Nagrarambulan na ang mga nararamdaman ko.


Takot. Kaba. Galit.


Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung ano ang nangingibabaw pero alam kong mero’n, eh. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako makapag-isip nang matino. Ngayon lang nangyari sakin ‘to. Parang konti na lang, tuluyan na kong mababaliw.


May narinig akong mga putok. Kitang-kita ko nang yakapin ni Jaylord si Megan paharap sakin. Umiiyak si Megan. Damn!


Parang may nag-uutos sakin na tumayo ako at mag-isip nang matino. Na ako dapat ‘yon, hindi si Jaylord!


“Megan? Damn! May tama ka!”


“Yung baby ko...”


“Yes, Seth! I am pregnant!”


“Sino ang...”


“Ikaw. This is yours.”


Bigla akong napatayo dahil parang narinig ko ang mga salitang ‘yon. Mabilis akong lumapit kay Megan at binuhat siya. “Megan!”


“May tama siya pero daplis lang. Alam mo na siguro ang gagawin mo.” Si Jaylord ‘yon.


“Yung baby ko...”


Dinala ko si Megan sa bandang dulo ng rooftop. Inilapag ko siya. Nakapikit siya at umiiyak.


“Megan!”


Idinilat niya ang mga mata niya. “Seth...”


Gusto kong hawakan ang mukha niya pero hindi ko magawa. Nanginginig ang mga kamay ko. Pati katawan ko. Siya na mismo ang humawak no’n at inilapit sa mukha niya.


Habang tinititigan ko siya, parang lahat ng iniisip ko simula kanina, unti-unting nawala. Parang siya na lang ang gusto kong isipin. Ganito ako no’n kapag tinitingnan ko siya. Ganito ako no’n bago pa mangyari ang pagkamatay ni Jaylord. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko no’n. Kasi kapag kasama ko siya, saglit akong tumitino.


Siya na nga lang ang nasa isip ko ngayon. Pero yung nararamdaman ko, halo-halo pa rin hanggang sa unti-unti kong marealize kung bakit hindi ako makapag-isip nang matino kanina at para akong mawawala sa sarili ko.


Ngayong hawak ko na siya, malinaw na sakin ang lahat.


“Megan...” Naramdaman kong may pumatak sa pisngi ko. Ano ‘yon?


“Seth...”


Niyakap ko siya nang mahigpit. “Takot na takot ako.”


She hugged me back.


Takot na takot ako. Yun ang nararamdaman ko. Hindi ako makapag-isip nang matino kanina habang hawak siya ng hayop na Janus na ‘yon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ngayon lang nangyari sakin ‘to. Ngayon lang ako natakot ng ganito nang sobra.


Hindi ako natakot sa mga masasamang tingin ng daddy ko noon at ni Lolo hanggang ngayon. Hindi ako natakot kapag lagi akong bisita ng police station. Hindi ako natakot kahit may hawak na baril o patalim ang kaaway ko.


Wala akong kinatatakutan na kahit na ano o sino. Pero kanina habang hawak ng hayop na ‘yon si Megan na nalaman kong buntis pala...


Tangina!


Ganito ba ang naramdaman ni Jaylord kanina habang hawak ko ang buhay ni Ellaine? Ganito ba ang naramdaman ni daddy dahil wala siyang magawa no’n para mabuhay si mommy?


Damn! Love only makes people weak. Yun ang sabi ko. At yun ang nangyayari sakin ngayon. Nanghihina ako sa sobrang takot.


“Takot na takot ako kanina habang hawak ka ng hayop na ‘yon.” madiing sabi ko. “Wala akong magawa dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon lang nangyari sakin ‘to.”


“Akala ko mamamatay na ko kanina... Pati yung baby ko... Takot na takot ako...”


I gritted my teeth. “Wala ‘to sa plano ko. You shouldn’t be hurt, Megan. Pati ang...” Marahas akong napabuntong-hininga. “Pati ang baby natin. Hindi mo lang dahil kasama mo ko ng ginawa ‘yan.” Humiwalay siya sakin. Pinunasan ko ang pisngi niya. “Damn! Why the hell didn’t you tell me?”


“Baka kasi hindi mo tanggapin, eh...”


“Dahil ba ganito ako, hah? Dahil ba lumaki ako na walang matinong pamilya? Dahil ba sira ulo ako?”


Hindi siya sumagot.


Kinuyom ko ang kamao ko. “I’ll do everything for you, remember? Kahit ganito ako kasiraulo. Kahit hindi ko alam ang salitang pamilya, pag-aaralan ko ‘yon. Kahit hindi ko alam kung paano, basta sabihin mo lang na magbago ako, gagawin ko.”


“Sinabi ko na ‘yon...”


“Sinabi mo lang na bakit hindi ako magbago. Pero kung sinabi mo lang na magbago ako para sa’yo, gagawin ko.”


“Stupid...” Itinaas niya ang kamay niya pero napangiwi siya.


I gritted my teeth. Tiningnan ko ang balikat niya. Tama si Jaylord, daplis lang. Si Jaylord. Niligtas niya si Megan. Pero bakit? Hindi ba balak kong patayin si Ellaine? What’s with him?!


“Does it hurt?” Pumunit ako sa laylayan ng damit ko.


“Baka maubos ‘yung dugo ko...”


“Mas mauunang maubos ang dugo ng hayop na may gawa niyan sa’yo.” Itinali ko ang telang napunit ko sa balikat niya.


“Seth, yung sugat ko... yung baby... ”


I cupped her face. “Stop crying, okay? Hawak na kita. Wala ka nasa hayop na ‘yon.”


Tumango lang siya. Pinunasan niya ang pisngi niya. Tinitigan niya ang mga mata ko. Parang ang lalim ng iniisip niya. “Ngayon ko lang narinig sa’yong natakot ka? Why, Seth?”


Wala akong makuhang sagot. “Because I like you.”


“And?”


“I don’t know.” Hinaplos ko ang pisngi niya. “Ikaw? Bakit pinigilan mo ko sa plano ko? Bakit hindi mo pinalaglag ‘yang nasa tiyan mo? Oras na malaman ‘yan ng lolo, malalagot ka sa kaniya, Megan.”


“I don’t know.”


Sabay pa kaming umiwas ng tingin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Napatingin ako sa kaniya. “Change for me...”


Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ‘yan. Pero... “I will.” Hinubad ko ang jacket ko at ipinatong sa bandang tiyan niya. “Wag mong tatanggalin ‘yan. Ayokong makita ng baby natin ang gagawin ko. This would be the last. For now. Tatapusin ko lang ang buhay ng traydor na ‘yon, pati ang mga mga alipores niya. Takpan mo ang mga mata mo kung gusto mo.”


“But Seth—” Tinakpan ko ang bibig niya. Kinuha ko ang mga kamay niya at ipinangtakip ‘yon sa mga mata niya.


“Wag kang titingin.”


I kissed her on the lips bago ako tumayo. Nagrarambulan na sila. At kaya walang nakakalapit samin ni Megan ay dahil hinaharangan ‘yon ng mga alipores ko. Pagkatapos nang nangyari kanina, pinagtatanggol pa rin nila ko?


And damn! Anong nangyari sakin? Kung kanina para na kong baliw, parang bigla na lang dumeretso ang isip ko ngayon. Nilingon ko si Megan. Dahil ba sa kaniya? Dahil ba sa nalaman kong magkaka-anak na kami? Dahil ba sa na-realize kong hindi lang simpleng gusto ang nararamdaman ko sa kaniya?


Damn! The hell I care! Kung ano man ‘to, so be it!


Hinanap ng mga mata ko si Janus. Kinapa ko ang baril na nasa likuran ko. Dumeretso nga ang takbo ng utak ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit ko sa traydor na hayop na ‘to!


= = =

 12/22/2013
 A/N: Last one chapter na lang before the epilogue. Mamaya ko ipopost or tomorrow morning.  Tapos ko na yung last chapter na 'yon pero parang may kulang na something kaya magmumuni-muni muna ko bago ko ipost, hehe

.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^