CHAPTER
54
[ ELLAINE’s POV ]
“Hindi ko ‘to
bibitawan, Elle... I promise... Just trust me...”
Hirap
na hirap na siya. Paano niya nagagawang kumapit sa mga lubid na ‘yan? Napaiyak
na ko lalo nang maramdaman kong parang bumababa ako nang paunti-unti. Sobrang
kaba ang nararamdaman ko. Takot na takot akong baka tuluyan na kong bumagsak sa
ibaba.
“Jaylord...”
“Hindi ko ‘to
bibitawan, Elle... Kahit pa mabali ‘tong mga buto ko sa kamay...”
“Jaylord!”
Boses ‘yon ni... May sumulpot na ulo sa tabi ni Jaylord. Si Khalil! Hinawakan
niya ang lubid nung kay Drenz. “Ako na dito! May tama ka! Kaya mo ba?”
“Oo!”
“Khalil! Jaylord!
Bilisan ninyo dyan!”
Dalawang
kamay na ang ginamit ni Jaylord sa lubid na nakatali sa upuan ko. Nakangiwi na
siya habang dahan-dahan niyang hinila ang lubid. Ni hindi ako makahinga nang
mabuti habang palapit ako nang palapit sa kaniya. Hanggang sa tuluyang...
Hinawakan
ng kanang kamay niya ang kinauupuan ko at hinila ‘yon hanggang sa tuluyan akong
makasampa sa rooftop. Saka lang ako nakahinga nang maluwag.
“Elle!”
Niyakap niya agad ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Ramdam ko
din ang panghihina niya dahil halos nasakin na ang bigat niya. Nanginginig ang
katawan niya. “Akala
ko...” He just hugged me tightly. So tight na parang hindi na ko
makahinga.
“Jaylord...”
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. “Takot na takot ako... Akala ko mawawala na ko sa’yo...
Akala ko...” Mas lalo akong napaiyak.
Humiwalay
siya sakin. Pinunasan niya ang pisngi ko. “Okay na. Nandito na ko.” Niyakap niya uli ako
nang mahigpit. “Sabi
ko naman sa’yo, hindi ako bibitaw diba?” Humiwalay siya sakin. Mabilis
niyang hinalikan ang bawat parte ng mukha ko. Tinitigan niya ko. “You’re safe
now, okay?”
Tumango
ako.
May
kinuha siya sa bulsa niya. Tinanggal niya ‘yon sa lalagyan. Maliit na kutsilyo
‘yon.
“Jaylord... May tama
ka sa braso mo... Yung kamay mo may sugat...”
“Nadaplisan lang ako
ng bala but it’s okay.” Pinutol niya ang taling nakagapos
sa mga kamay ko. “Itong kamay ko, wala ‘to, gagaling din ‘to. So stop crying, okay?” Binigay
niya sakin ang kutsilyo.
“Kailangan ko silang
tulungan. Tatapusin lang namin ‘to. Dito ka lang. Walang makakalapit sa’yo
dito. I promise.” Hinalikan niya nang mabilis ang labi
ko. “I love
you.” Niyakap niya pa ko nang mahigpit na mahigpit bago siya tumayo
at tinulungan sina Chad at Khalil na nakikipagsuntukan na.
Hindi
na ko nag-aksaya ng oras. Gamit ang kutsilyong hawak ko, pinutol ko ang taling
nakagapos sa katawan ko at mga paa ko. Nilingon ko si Drenz na nasa gilid ko.
Nilapitan ko agad siya.
“Hindi ko siya
maintindihan.” Sunod-sunod siyang umiling. “Bakit hindi
niya binitawan ang lubid kanina?”
Hindi
ko siya sinagot. Pinakawalan ko ang pagkakagapos niya. Napatingin ako sa kaniya
nang hawakan niya ang pisngi ko.
“Okay ka lang?”
Pumatak
ang luha ko. “Okay
lang. Gagaling din ‘to. Ikaw ang hindi, okay. I’m so sorry, Drenz.”
Yumuko
lang siya at hindi sumagot.
Napakislot
ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok. Napalingon ako sa pinagmulan
no’n. Nakita ko si Seth may hawak na baril at nakatutok kay...
Hindi
ko makita ang taong nakahiga dahil natatakpan ‘yon ng mga lalaking naestatwa sa
kinatatayuan nila. Parang kanina lang mga naglalaban pa sila pero ngayon...
Itinutok
ni Seth ang baril niya sa gawi namin at sa mga lalaking kasama ni Janus. “Sinong gustong
sumunod sa inyo sa hayop na Janus na ‘to?!”
Si
Janus ang binaril niya? Did he killed him?
Nawala
sa paningin ko si Seth dahil may humarang sa harapan ko. Napatingala ako sa
taong ‘yon. Si Jaylord. Lumapit din samin sina Chad at Khalil. Tumayo ako at
kumapit sa braso ni Jaylord.
“Sinong gustong
sumunod sa inyo?!” sigaw ni Seth.
“Jaylord.”
“Stay behind my
back, Elle.”
“Oo.” Hinigpitan
ko ang pagkakahawak sa kaniya.
Napapikit
na lang ako nang may narinig akong isang putok.
“Sino pang
susunod?!”
Sumilip
ako sa gilid ni Jaylord. Nakatutok na samin ang baril ni Seth.
“Jaylord.”
He said. He smirked. “Pasalamat ka, niligtas mo si Megan kanina. Kung hindi,
sa’yo na ‘tong susunod na balang lalabas dito.”
“I don’t need to
thank you and I didn’t do it for you in the first place. I did it because of my
girl at my back. Ayaw niyang masaktan yung baby. At ayaw ko rin namang may
masaktan na babae sa mismong harap ko pa.”
Hindi
ko alam kung namalikmata lang ba ako, pero nakita kong ngumiti si Seth! He
smiled! Saglit lang pero ngumiti talaga siya!
Pero
mero’n pang isa akong napapansin! Kanina pa! Si Jaylord, bakit parang kung
makipag-usap siya kay Seth, nakakaalala na siya? Gustong-gusto ko na siyang
tanungin pero...
“Seth!”
Mabilis
na lumapit si Seth kay Megan. “Anong nangyari?”
“Sumasakit yung
tiyan ko! May dugo yung pants ko! Seth! Yung baby! Oh my God!”
At
kung gaano kabilis nakalapit si Seth kay Megan, gano’n din kabilis
nagsipagkilusan ang mga kasama ni Janus. Buti na lang at mabilis sina Jaylord,
nakipaglaban na naman sila ni Chad. Umatras ako palapit kay Drenz.
“Seth! Yung baby
natin!”
Parang
hindi malaman ni Seth ang gagawin niya kay Megan.
“Go, Seth! Umalis na
kayo dito!” sigaw ko. Hindi na ko nakatiis.
Lumingon pa siya sakin habang natataranta. “Oliver! Eco! Back-upan ninyo sila para makaalis na
sila!” Tiningnan ko si Seth. Gusto ko nang magmura kasi hindi pa rin
siya kumikilos. “Tanga
ka ba?! Buhatin mo na si Megan at umalis na kayo dito!! Yung baby ninyo!!
Bilisan mo nga!!”
Alam
kong may ginawa siya sakin na hindi maganda. At may balak siyang hindi maganda
na pati buhay namin ni Jaylord, gusto niyang mawala. Pero ibang usapan na yung
baby nila. Kawawa naman ung baby kung...
Napalunok
ako. Wag naman sana.
Nakita
kong kumilos na si Seth at binuhat si Megan. Nag-aalalang mukha ni Seth ang
huli kong nakita bago sila tuluyang nawala sa paningin ko kasama nila Eco.
Kung
ano man ang nagawa nila, bahala na si Lord sa kanila...
Nilingon
ko sina Jaylord. Mga nasa walo na lang ang kalaban nila dahil bumagsak na ung
iba pati yung isang binaril ni Seth at si Janus. Kumunot ang noo ko nang makita
ko ang mga patak ng dugo sa sahig ng rooftop. Galing ‘yon kay...
“Jaylord.”
I murmured. Hindi pa ko nakakapag-move on sa muntikan kong pagkahulog mula dito
sa rooftop at sa dami ng mga nangyayari pero... shit! Yung kaliwang kamay niya,
mapula na dahil sa dugo! Yung tama niya sa braso niya! Hindi lang daplis ‘yon!
Tumayo
ako pero may pumigil sa braso ko. Paglingon ko, pigil ako ni Drenz. “Ako na ang
pinakamatigas ang ulo. But I need to help them.” Inalis ko ang kamay
niya sa braso ko.
Pagdating
nila kanina, may napansin na kong pasa sa at sugat sa mukha nina Khalil. Para
sa’n pa yung mga tinuro ni Jaylord sakin kung hindi ko naman magagamit?
Kinuha
ko ang pamalong malapit sakin at lumapit kay Jaylord. “Elle! What the—”
“I know! Kaya mo
sila kahit ilan pa sila! Pero may tama ka sa braso mo! Hindi daplis ‘yan, eh! Just
let me!”
Hindi
ko na siya hinintay na sumagot dahil pinalo ko ang lalaking sumugod sa gawi ko.
Yun lang, nahawakan niya yung pamalong hawak ko. But I was able to free it from
him. Yun lang, tumilapon yung hawak kong pamalo.
Ngumisi
siya bago niya ko sugurin. Syempre, nakahanda na ko. Nakahanda na kong
patumbahin siya gamit ang mga tinuro ni Jaylord sakin. Ilang beses siyang
bumagsak dahil tayo pa rin siya ng tayo. Natamaan niya ko sa katawan pero kaya
ko naman yung sakit. Hindi ko mapigilang mapangiti nang hindi na siya tumayo.
This
is my first ever fight nang totohanan. Ang sarap lang sa pakiramdam.
“Good job, Ellaine!”
Napalingon
ako kay Chad na binigyan ng upper cut yung kalaban niya. Nilingon ko si Jaylord
na halos kababagsak lang din ng kalaban. Napailing siya pero nakita kong tumaas
ang sulok ng labi niya.
I’m
proud of myself. Kung laging ganito, hindi ako magiging pabigat sa kanila.
Hindi ako magiging—
“Elle! Sa likod mo!”
Hindi
lumilingong yumuko ako. Hindi tumama sakin ang pamalo dahil hangin ang
nakinabang no’n.
“Damn it, Elle!”
Halos
mag-usok ang ilong ni Jaylord nang tingnan ko siya. Hinarap ko ang lalaking
sumugod sakin. Pero laking gulat ko nang...
Bumagsak
siya. Hindi dahil nahimatay siya kundi dahil kay Drenz. “Drenz!” May hawak siyang pamalo
na pinatama niya sa ulo ng lalaki.
“Ayokong magsisi na
naman ako dahil wala akong ginawa.”
“Pero—”
“Matigas din ang ulo
ko, Ellaine. Parehas lang tayo.”
Tatlo
na lang ang kalaban dahil pinabagsak nina Khalil ang iba. Mukhang hindi na nila
kinaya. Kay Chad at Jaylord ang dalawang natira. Si Khalil, nakasandal na
habang hapong-hapo. Yung isa, sa gawi namin pumunta at sumugod.
“Ako na dito. Kaya
ko ‘to.” Sinalubong ‘yon ni Drenz.
“Ellaine!”
Napalingon
ako kay Jaylord. Bagsak na ang kalaban niya. Palapit na siya sakin.
“What did I tell
you?!”
“Hah?”
“When you are in a
fight, magfocus ka sa kalaban mo! Bakit ba lagi mo na lang akong pinag-aalala?!
Halos hindi na ko huminga kanina habang hawak ka ni Seth! Halos mamatay na ko
habang hawak kita sa gilid ng rooftop! Elle naman! Gusto mo ba talaga kong
patayin?!”
Hindi
ko pinansin ang galit niya pero ang mga sinabi niya. “Jaylord, tell me, bumalik na ba—“
Nanlaki ang mga mata ko nang mahagip ng mga mata ko ang kalaban niya sa likuran
niya. Gumapang ‘yon at kinuha ang...
Shit!
Yung baril na naiwan ni Seth kanina! Itinutok niya ‘yon sa gawi namin.
“Jaylord! Sa likuran
mo!”
Hindi na ko nakapag-isip at mabilis akong humarang sa likuran niya at ipinikit
ang mga mata ko. Pero bago ko narinig ang putok, naramdaman kong umikot ako.
And then...
Bang! Bang!
Dalawang
putok ang narinig ko. At isa pang putok.
Pinakiramdaman
ko ang sarili ko. Bakit parang wala akong maramdamang sakit? Bakit parang
bumibigat si Jaylord habang nakayakap siya sakin?
I
opened my eyes. Nakita ko si Jaylord na nakalingon sa likuran niya habang hawak
ang baril niya na nakatutok do’n sa kalaban niya. Bakit nagkapalit kami ng
pwesto? Ako dapat ang nakaharang, hindi siya! He swift our position! Kung
gano’n, siya ang natamaan ng...
“Ang tigas ng ulo
mo, Elle...” Naramdaman kong dahan-dahan siyang
dumausdos mula sa pagkakayakap niya sakin.
“Jaylord...”
Dahan-dahan akong napaluhod kasama niya. Tuluyan siyang napahiga sa sahig. His
eyes were closed. Tinapik ko ang pisngi niya. “Jaylord! May tama ka! Jaylord!”
Nakangiwi
siya nang idilat niya ang mga mata niya. “Sinong nagsabing humarang ka...?” Mas lalo
siyang napangiwi.
Nag-init
ang sulok ng mga mata ko. Oh my God! Yung panaginip ko! Don’t tell me, hindi
ako ang mawawala kundi...
Sunod-sunod
akong umiling. Sa dala ng takot at kaba ko dahil sa panaginip na ‘yon,
napasigaw tuloy ako.
“Jaylord! Wag mo uli
akong iiwan! Wag na wag mo na uling gagawin ‘yon! Hindi na kita mapapatawad
kapag ginawa mo uli ‘yon! Naririnig mo ba ko?!”
“Elle...”
May
mga boses akong naririnig mula sa gilid ko. Kina Khalil. Pero ayaw mag-sink in
no’n sa utak ko. Na kay Jaylord ang atensyon ko.
“Please! Hindi ko na
kakayanin! Ayoko nang maulit ‘yon! Maawa ka naman sakin...”
Tuluyan na kong napaiyak. Ayoko nang mangyari uli na maranasan kong mawala
siya. And this time, hindi na talaga siya babalik. Double dead na ang
kalalabasan ko nito. Baka hindi pa double, triple pa siguro.
“Hindi ko na uli
gagawin ‘yon...”
“Promise me,
please... Mag-promise ka sakin...”
“Elle...”
Niyakap
ko siya. “Mag-promise
ka, please...”
“I promise...”
“Yung madaming
promise, Jaylord...”
“Elle…”
“Hindi ko na kasi kakayanin
kapag nawala ka uli... Hindi na magiging matigas ang ulo ko... Susunod na ko
sa’yo... Wag mo lang akong iwan... Hindi mo pa ko naaalala, eh... Kaya hindi
pwede... Kahit maalala mo pa ko, hindi pa rin pwede...”
Naramdaman
ko ang paghaplos niya sa ulo ko. “I’m sorry kung nahubad ko yung necklace ko nung kasal
natin... I’m sorry kung hindi ako nakarating no’n... I’m sorry kung natagalan
ako bago bumalik... I’m sorry kung pinaiyak kita ng mawala ako...”
“Jaylord...”
Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya. Hindi ko na
siya makita dahil sa mga luha ko.
“But I promised you,
right...? Hindi man tayo magkita ng araw ng kasal natin...”
He closed his eyes. “Marami pa namang bukas para magkita tayo... Natagalan
nga lang bago ako nakabalik...”
Ang
promise niyang ‘yon. “B-bumalik na ang alaala mo...” Mas lalo akong
napahagulgol ng iyak.
“Oo... Naaalala ka
na ng isip ko...”
“Kaya nga hindi ka
pwedeng mawala... Natatandaan mo ba yung sinabi ko na.. gagantihan kita kasi... kasi pinahirapan mo
ko sa mansion...? Hindi ko na gagawin ‘yon, Jaylord... Wag mo lang akong
pahirapan ngayon... Dumilat ka naman, o...”
“Elle...” He
opened his eyes.
“Jaylord...”
“I promise that I’ll
say ‘I love you’ everyday...” Naramdaman ko ang
paghila niya sa batok ko. “I love you, Elle...” Hanggang sa maglapit ang
mga labi namin. I closed my eyes. Pero ilang segundo lang ‘yong nagtagal dahil
naramdaman kong pumaling ang labi niya. When I looked at him, nakapaling na ang
ulo niya sa kanan niya.
Parang
naramdaman kong bumagsak ako sa semento mula sa mataas na bulding na ‘to.
Parang
naramdaman kong pinipiga ang puso ko, pati ang isip ko.
No.
Nararamdaman ko talaga siya.
Ni
hindi ko magawang hawakan ang leeg niya to check if he...
No!
Ayokong
gawin ‘yon!
Hindi
pwedeng maulit na naman ang nangyari no’n!
Panaginip
lang ‘to! Hindi ‘to totoo!
“Mamamatay ako na
ikaw lang ang una’t huling babae sa puso ko.”
Hindi
niya pwedeng tuparin ‘yon ngayon. Matagal pa kaming magsasama because he promised
me.
He
promised me that he will protect me forever.
He
promised me that he will love me forever.
Dito
na ba nagtatapos ang forever na ‘yon?
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^