Shane and Richelle |
CHAPTER 1
“Iche, hanggang kailan ka ba dyan?”
“Sandali na lang,
malapit na!” Sa
huling beses, tinignan ni Richelle ang sarili sa harap ng salamin. Maganda ang
pagkakulot ng kanyang buhok, tamang-tama lang ang make-up na nilagay niya sa
mukha at hindi man ganun ka-fashionista, presentable pa rin ang dating niya.
Matapos nun ay sinilip naman niya ang laman ng bag. Naroon na
ang lahat ng kailangan niya para sa unang araw niya as college student.
“Richelle Ariano!” Mas malakas pa ngayon ang bulyaw ng
best friend niyang si Shane Venavidez. Kahit
kailan talaga, mainipin ang kaibigan
niyang yun. “Kaya nga maaga akong
gumising para hindi ka ma-late! Ang aga pa naman ng first class mo!”
“Ito na po!” Nagmadali nang lumabas sa apartment
niya si Richelle at nang madatnan niya si Shane, nakabusangot na ito agad.
Gwapong nakakatawa lang ang itchura nun. “Grabe
naman yang pagka-distort ng mukha mo, Shane. Akala mo naman isang oras na
kitang pinaghintay!”
Ngunit lalo lang siyang sinimangutan ng kaibigan. Nang
lumapit ito sa kanya, napatitig lang ito sa mukha niya. “Are you wearing make-up?”
“Yeah. Makapal ba?” At pupunasan na sana niya ang mukha pero
pinigilan ito ni Shane.
“Ayos lang, Iche.
Maganda naman eh.” Nakangiting
sabi ni Shane. Parang nakalimutan na niya agad ang pagkainis sa paghihintay
kanina. “Let’s go!” Aya niya sabay
akbay kay Richelle.
Pero napansin ni Richelle ang kapit-bahay nilang babae na
nakatira sa katabing apartment. Siya ang chismosa nilang kapit-bahay na
nagkakalat ng chismis tungkol sa kanila ng bestfriend niya.
Friends with benefits. Yun ang mismong term na ginamit. Sa
chismis na kumakalat, ang laging tanong ay bakit hindi na lang sila
maglive-in? Bakit kailangang umupa pa sila ng dalawang magkatabing apartment?
Bakit hindi na lang nila itigil ang pagkukunwari?
Ang mga sagot ay simple lang.
Una sa lahat, magkaibigan lang talaga sina Richelle at Shane.
They were childhood friends at kahit mas matanda ng dalawang taon si Shane ay
hindi rin mahahalata ang age gap nila dahil magkasundung-magkasundo sila.
Noong mauna nang mag-college si Shane, saka palang sila
nagkahiwalay ni Richelle. But after two years, Richelle decided to enroll at
the same university na pinapasukan ni Shane.
Pinayagan lamang si Richelle ng parents niya na mahiwalay sa
kanila with the condition na magkalapit dapat ang titirahan nila ni Shane para
maalalayan siya nito.
“Shane…” Inalis ni Richelle ang kamay ng
kaibigan na nasa balikat niya para hindi na makadagdag sa malisyosang pag-iisip
ng chismosa nilang kapit-bahay. “Paunahan
tayo sa sasakyan mo! Kapag nauna ako, ako ang magda-drive.”
“Ano? Hindi pwede!” Saka kumaripas ng takbo si Shane
para hindi manalo sa pustahan si Richelle.
= = = = =
Nanalo si Shane kaya hindi nakapag-drive ng sasakyan si
Richelle. Samang-sama ang loob niya dahil ni-minsan, hindi pa pinapahiram ni
Shane ang sasakyan niya. Marunong naman na siyang mag-drive.
Pero batid ni Richelle na para naman sa safety nila ang
iniisip ni Shane. May pinanghahawakan kasi itong pangako sa parents niya, that he
will always keep her safe from any harm.
“Alam mo, nagsisimula
na akong mainis dun sa kapit-bahay nating chismosa. Nakita mo ba yung tingin
niya saatin kanina?”
“Kapit-bahay natin? Hindi
ko naman napansin.”
“Titig na titig siya
saatin! For sure, ibang kwento na naman ang iimbentuhin nun! Ang sarap nang
tahiin ng bibig niya para matigil sa kaka-chismis!” Nagmamaktol na sabi ni Richelle.
“Wag mo nang
pag-akasayahan ng oras ang tulad nun.”
“Kung walang
mag-sasaway sa kanya, hindi yun titigil! Para siyang basura, ang dapat sa kanya
dini-dispatcha!”
Napatingin na si Shane kay Richelle. Ibang klase na nga ang
inis niya sa kapit-bahay nilang iyon. “Wag
kang mag-alala, kakausapin ko siya para matigil na siya—pati na rin ikaw.”
“Bakit pati ako?”
“Para matigil ka na sa
ka-badtripan mo! Malapit na tayo sa NEU.”
Napatingin na nga sa dinadaanan nila si Richelle. Ilang
sandali pa, natanaw na ang isang malaking building na may nakasulat na ‘North
Erden University,’ ang school na pinapasukan ni Shane na papasukan na rin niya
simula ngayon.
Hi Boss!” Bati ng school guard na nagbabantay
sa entrance ng parking area.
“Kuya Nick!” Saka sila nag-apir ni Shane.
Sinilip naman ni Kuya Nick ang loob ng sasakyan para alamin
kung sino ang bagong kasama ni Shane. “Good
morning po, Ma’am! Bago po kayo?”
“Opo. Freshman.”
“Ay hindi yun ang ibig
kong sabihin. Bagong girlfriend po?”
Nagkatinginan sina Shane at Richelle, at saka natawa na lang.
Kahit dito yata sa NEU, mapagkakamalan na sila.
Pagpasok nila sa loob, halos puno na ng mga sasakyan ang
school’s parking area. Ito ang na nga ba ang sinasabi ni Shane kung bakit
kailangang maaga dapat sila kanina. Ngayon, hirap na silang makahanap ng
parking space.
Dahil nga likas nang mainipin si Shane, nai-imagine na ni
Richelle na anytime ay maghuhurumentado na ito at sisisihin siya kaya kahit
umaandar pa ang sasakyan, binuksan niya ang pinto at saka mabilis na bumaba.
“ICHE!” Napasigaw naman si Shane sa ginawa
niya. “Delikado yun! Ano ka ba!”
“Mahina lang naman ang
andar mo. At tsaka mauna na ako!”
“Hintayin mo ako,
ihahatid kita.”
“Kaya ko na! Magkita na
lang ulit tayo mamaya!” At para hindi na talaga makapalag si Shane, kumaripas na ng takbo si
Richelle.
= = = = =
Dahil may ilang minuto pa naman bago magsimula ang klase,
dumirecho na muna si Richelle sa lockers’ area. At ayon sa registration card
niya, locker 306 ang nakapangalan sa kanya.
Pagdating niya dun, ini-sprayan niya ito agad ng paborito
niyang pabango na halos kaamoy ng baby cologne. Saka niya ipinasok doon ang
ilang mga gamit niya tulad ng extra sandals, pen at notebook. Ni-lock niya ito
gamit ang bagong bili niyang kandado.
Paalis na si Richelle para dumirecho na sa classroom niya
nang may masalubong siya.
Isang lalaki, kapwa niya estudyante. Misteryoso at nakasaklob
pa sa ulo niya ang hood ng suot na jacket. The weird thing is magkapareho sila
ng style ng jacket and it was also the same shade of navy blue. Kung magtatabi
sila, parang couple jacket yun.
Napatitig si Richelle sa mukha ng lalaki pero hindi niya ito
masilip dahil nakayuko lang ito habang naglalakad. Nalagpasan na siya nito at
ang tanging nagawa na lang ni Richelle at lingunin ito at sundan ng tingin.
Tutuloy na lang sana ulit sa paglalakad si Richelle nang
makarinig ng malakas na pagbagsak. Muli siyang lumingon at nakita niyang nadapa
yung lalaki sa paglalakad.
Pero hindi yun dahil sa aksidente o sa simpleng katangahan.
May isang lalaki na mukhang tambay sa gym ang tila ba
sinadyang bungguin yung kawawang lalaki. Natatawa pa ito sa ginawa niya.
“HOY!” Sinigawan ni Richelle ang lalaking
yun.
Napatigil naman ito sa paglalalakad at taas-noo siyang hinarap.
He’s stupidly pretending he didn’t do anything. “Bakit, anong problema mo?” Mayabang na tanong nito.
Napalunok naman si Richelle. Oo nga at matapang siya pero ano
namang laban niya sa Mr. Muscle na yun kapag pinatulan siya nito. “Hi—hindi ka man lang ba magso-sorry?”
Napataas ang kilay ng taong kaharap niya. Tinignan siya nito
from head-to-toe at saka napangisi na lang, “Sorry.” But he’s really not sorry. Obvious yun sa boses niyang
walang halong pagsisisi at sinseridad.
Umalis ito na mas malakas pa ang paghalakhak.
Napailing na lang din si Richelle, kakarmahin din siya.
Nilapitan lang ni Richelle yung kawawang lalaki at kinamusta
ito. “Okay ka lang ba?”
“Hindi mo na dapat
ginawa yun.”
“I was just helping
you.”
“You don’t know who
you’re messing with.” Sabi ng lalaki. Hindi alam ni Richelle kung galit ba ito o nag-alala. “Anyway, thank you.”
Napangiti naman na si Richelle. At sa pagkakataon ding iyon,
nakita na niya ang itsura ng kausap niya.
Medyo may kahabaan ang buhok niya at naka-one side bangs pa na halos
natatakpan na ang kanang mata niya. May matangos siyang ilong at magandang
hugis ng labi—na mas gaganda pa siguro kung nakangiti siya. Singkit na parang
medyo inaantok naman ang mga mata niya pero kapag tinitigang mabuti ay makislap
naman.
Matangkad din siya ngunit mukhang hindi siya ang tipo na
mahilig sa physical sports. Kung nagawa kasi siyang patirin ni Mr. Muscle
kanina, malamang ay lampa nga siya at walang binatbat. But overall, he was a
fine good-looking guy. Almost like Richelle's dream guy.
Nang ma-realize ni Richelle na grabe na pala ang pagkatitig
niya sa mukha nung lalaki, nakaramdam ito ng hiya kaya iniba na lang agad ang
usap. “Mag-ingat ka na lang sa susunod.”
Nginitian niya ito at nagmadali na lang umalis.
“Teka!” Pigil sa kanya nung lalaki. “My name is Zenn. And you are?”
Hindi iniexpect ni Richelle na magpapakilala ito sa kanya
kaya ipinakilala na rin niya ang sarili. “I’m
Richelle Ariano.”
“Richelle.” Inulit ni Zenn ang pagbanggit sa
pangalan niya, saka ito nag-alok na makipag-kamay sa kanya.
Iaabot na sana ni Richelle ang kamay niya pero napansin niya
ang oras sa wristwatch niya. 8:25 na. 8:00 ang unang klase niya.
“Syet! Late na ako!” Nagpanic na ito at tumakbo na lang
agad. Pero bago siya tuluyang umalis, “Nice
meeting you nga pala. See you around, Zenn!” And Richelle gave him her best
smile.
End of Chapter 1
NANANA .. may pag kaMYSTERIOUS guy si Zenn ahaha ,,
ReplyDelete