Sunday, January 5, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 2

CHAPTER 2


Walang tigil na sinermunan ni Shane si Richelle nang magkita na ulit sila. Patung-patong kasi ang kasalanan nito.



Una, walang kwenta ang pagpasok nila ng maaga dahil na-late pa rin si Richelle sa first class niya. Alam ito ni Shane dahil nauna pa pala itong dumating sa room ng kaibigan.



Pangalawa, nawala pa ni Richelle ang registration card niya. Chini-check pa naman yun ng mga professors during the first day of class para masiguro nilang kasali nga ito sa klase nila. Bukod doon, ito ang nagsisilbing initial ID ng mga estudyanteng enrolled sa kasalukuyang sem.



Pangatlo at higit sa lahat, inip na inip na kasi si Shane sa haba ng pila para makapag-reprint ng registration card si Richelle.



“Sa dami ng pwede mong i-wala, yung registration card mo pa!”



“So okay lang sayo na mawala ang cellphone ko?”



“Wag mo akong pinipilosopo, Iche. Hindi ka nakakatawa.”



Napasimangot na lang tuloy si Richelle. Kapag pinangunahan na talaga ng init ng ulo si Shane, ang hirap nang amuhin!



Pero hindi siya titigil na subukang baguhin ang mood ng kaibigan. “Nakakagutom, noh? Kain na lang kaya muna tayo? Ililibre kita! At tsaka mamaya pagbalik natin, baka wala nang pila!”



Ngunit dahil sa sinabi ni Richelle, lalo lang nagsalubong ang kilay ng best friend niya. “Nag-iisip ka pa ng pagkain? Late ka na sa first class mo, hindi ka pa nakapasok sa second class mo, tapos gusto mo pang unahin ang pagkain ngayon! Akala ko ba gusto mo nang magtino ngayong college ka na? Umayos ka nga, Iche!”



Hindi na nakaimik si Richelle at napabuntung-hininga na lang. Nahiya na lang siya dahil nasigawan siya ni Shane at narinig pa ito ng ibang tao sa paligid nila. Hindi na nga lang siya magsasalita para hindi na magalit ang kaibigan niyang dinaig pa ang mga magulang niya kung pagalitan siya.



Ngunit ilang minuto lang rin, si Shane ang unang bumasag ng katahimikan. “Nagugutom ka na ba talaga?” Tanong nito. Parang na-guilty ito sa dating ng boses niya.



“Hindi.” Pero mas guilty pa rin si Richelle sa ginawa niya. “Sinubukan ko lang ibahin yung usapan kanina para hindi ka na magalit. Sorry na.”



“Saan ka ba kasi dumaan kanina? Bakit ‘di ka pa dumirecho sa classroom mo?”



“Dinaanan ko kasi yung locker ko para iwan yung ibang gamit ko dun. Ang bigat kasi.”



“Dapat kasi hinintay mo akong ihatid kita para hindi ka nabigatan sa dala mo. Ayan tuloy, naiwala mo pa yung registration card mo.”



Habang malumanay nang nagpapangaral si Shane ay nalihis naman bigla ang atensyon ni Richelle sa isang pamilyar na lalaki na nakasalamuha niya kanina. Si Mr. Muscle! Napatago na lang tuloy si Richelle sa likod ni Shane para hindi siya makita nito.



“Iche, ano na naman yan? Kinakausap kita ng matino, diba?”



“Teka lang, Shane. Mamaya ka na magsalita, baka makita niya ako.”



“Sino?”



“Yung bully kaninang umaga.”



“Bully?” Nilingon-lingon ni Shane ang paligid para alamin kung sino ang tinutukoy ni Richelle. Isang tao agad ang namukhaan niya na posibleng taong-bully na tinutukoy ng kaibigan. “Si Miggs?”



“Kilala mo yang sira-ulong yan?”



“Ka-batchmate ko siya.”



“Porket parang pumapak siya ng steroids dahil sa laki ng muscles niya, ang yabang-yabang tapos namamatid pa!”



“Pinatid ka niya?” Napataas agad ang boses ni Shane. “Gago yun ah!” Seryoso na itong susugurin sana si Miggs pero mabuti na lang at napigilan siya ni Richelle.



“Teka, hindi ako yung pinatid niya! Si Zenn.”



“Hindi ikaw ang sinaktan niya?”



“Hindi niya ako sinaktan.”



Nakahinga naman ng maluwag si Shane. “Sandali lang kitang hindi nakasama, nadawit ka na agad sa gulo?”



“Si Mr. Muscle ang nauna!”



“Kupal talaga ang isang yun! Sikat siya sa pambu-bully niya at panti-trip niya sa mga lower years. Wala nga lang pumapalag sa kanya dahil mayaman siya. Pero kapag nalaman kong pati ikaw ay sinaktan niya, mata niya lang walang latay saakin!”



“Gagawin mo talaga yun?”



“Oo.” Mabilis na sagot ni Shane pero ilang sandali lang rin ay napaisip siya. “Pero hangga’t maari naman Iche, iwasan mo na lang siya para hindi tayo umabot doon.”



Napangiti naman si Richelle. Bukod sa natutuwa siyang malaman na handa siyang ipagtanggol ng best friend niya laban sa notorious bully ng NEU, mukhang nakalimutan na ni Shane ang pagka-inis nito sa kanya kanina.



“Oo nga pala, sino si Zenn?”



“Yun yung lalaking pinatid ni Miggs. Tinulungan ko siya kasi nakakaawa.” Pero pagkabanggit palang noon ni Richelle, mahahalata sa mukha niya na may iba pa siyang naiisip. Nakangiti lang siya at parang nagdi-daydream habang iniisip ang gwapong mukha ni Zenn.



Dahil din doon kaya may bigla siyang na-realize. “Aha! Doon pala sa locker ko, Shane! Doon yung huling beses na hawak ko yung registration card ko. Baka nandun pala yun!”



“Ano pang hinihintay natin? Tara na!” Saka hinawakan ni Shane ang kamay ni Richelle at…



“Oh no—” Tumakbo sila nang napakabilis. “Waaaaaaaaah! Shane, dahan-dahan naman!”



Matulin kasing tumakbo si Shane. Idagdag mo pa na ang laki ng bawat hakbang na kaya niyang gawin. Kaya nga siya nakabilang sa mga varsity players ng basketball team ng NEU dahil sa legs niyang mala-kabayo sa bilis.



At sa tulin niya, nakaladkad na lang talaga si Richelle. Kung nasa karera sila, paniguradong sila na ang panalo.



= = = = =



Nang makarating na sila sa lockers’ area, kapansin-pansin naman na pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyante—karamihan ay mga babae. Hindi kasi maipagkakailang sikat sa mga babae si Shane.



Pagdating nila sa harap ng locker ni Richelle, laking tuwa nito nang makita na ang hinahanap nila. “Ang registration card ko!” Naka-tape ito sa pinto ng locker niya. Ibig sabihin, nawala nga ito ni Richelle pero may mabait na taong nakapulot nito at ibinalik sa kanya.



Ang tanong, sino kaya ang nagbalik sa kanya nito? Si Zenn kaya? Hindi sigurado si Richelle.



Napansin naman nila na may kung ano pang bagay ang nakadikit sa pinto ng locker na natatakpan lang ng registration card. Nang iangat ni Richelle ang manipis na papel, mas nagulat siya sa nakita.



“Wow! Ang cute naman nito!”



May nakadikit din na rose ring na yari sa copper wire at sa itchura nun, hand-made lang ang singsing ngunit maganda pa rin ang pagkakagawa. Nang isuot na ito ni Richelle sa daliri niya, kasyang-kasya ito.



“Hindi kaya si Zenn ang nagbigay nito?” Umaasang sabi ni Richelle.



“Si Zenn agad? Ang daming estudyanteng pwedeng gumawa niyan noh.”



“Eh bakit may singsing pang kasama? Baka siya nga kasi gusto niyang magpasalamat dahil tinulungan ko siya kanina.” Tuwang-tuwa si Richelle at mahahalata sa boses niya ang kilig. “Ang sweet!”



“Sweet?” Hinablot ni Shane ang kamay ni Richelle at tinitigan nito ang singsing na natanggap ng kaibigan. “Ang korni naman nito, Iche. Hubarin mo nga!”



“Asa ka!” Iniiwas agad ni Richelle ang kamay niya para hindi matanggal ni Shane ang singsing sa daliri niya kung magbalak man ito na gawin yun. “Mga ganitong kaliit at pinaghirapang bagay ang naappreciate naming babae!”



Pero mukhang hindi pa rin masaya ang itchura ni Shane sa natanggap ni Richelle.



Maaring sabihin na over-protective siya pagdating kay Richelle. Lahat ng nanligaw noon kay Richelle ay dumaan muna sa pagkilatis niya. At palaging hindi maganda ang kinalalabasan nun kaya magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkaka-boyfriend si Richelle.



“Oh paano? Nasa akin na ulit ang registration card ko! Makakapasok na ako sa susunod kong klase!” Tinakbuhan na agad ni Richelle si Shane. Pero nang papaliko na siya sa hallway, may nabunggo siyang isang estudyante.



Mabuti na lang at hindi ito nagalit. Niyukuan lang siya nito at nagpatuloy na sa paglalakad.



Tutuloy na lang sana ulit si Richelle sa pagtakbo pero napatigil siya ulit.



 “Si Zenn ba yun?” Hinanap niya yung estudyante pero hindi na niya alam kung saan na ito nagpunta.



Sayang at hindi niya namukhaan. Sayang at hindi si Zenn yun.




End of Chapter 2






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^