Thursday, January 2, 2014

Love and Lies - Story

(Razel Dominguez)


“Maganda na ba ako?” tanong ni Razel sa mga kaibigan habang nakatitig sa harap ng full-length body mirror sa kwarto niya.


“Jusmio naman Razel ah. Pang-ilang tanong na yan?! Umay na umay na ako sayo” reklamo ni Johana habang kasalukuyang nagmamanicure ng kuko.



“Eh sa hindi ako sure kung kaakit- akit na ba ako sa paningin ni Allen. You know naman na I want this day to be memorable to both of us”


“Akala mo naman kung sinong gwapo yang boyfriend mong hilaw para pag-aksayahan mo ng panahon na magpaganda. Kung talagang mahal ka nun okay lang kahit mukha ka pang bilasang isda. Mahal ka pa rin niya.”


“Friendship naman...today is Valentines day. Kaya dapat special diba?”


“Ewan ko sayo. Aiesha ikaw na nga kumausap dyan sa kaibigan mo” turo nito sa kaibigan nilang busy din sa pagmemake-up.


“Kaibigan mo kaya yan” sagot ni Aiesha.


Binato ni Razel ng nilamukos na tissue paper ang dalawang kaibigan.


“Kayo napakasupportive niyo ah. Sarap niyong saktang dalawa.”


“Okay na nga kasi yan. Maganda ka na nga. Pero syempre mas maganda pa rin ako sayo” sagot ni Johana.


“Wala ba kayong mga date ngayon?” pag-iiba niya ng topic. Wala syang mapapalang matino sa mga ito.


“May date ako” sagot ni Aiesha. “Sabi ko dito nalang niya ako sunduin”


“Ikaw Johana? Wala kang date?”


“Wala”


“Oh? Himala yata at nawalan ka ng kadate ngayon?” nagtatakang tanong nila sa kaibigan. Ito kasi ang kaibigan nilang hindi mauubusan ng lalaking idedate.


“Eh sa hindi ko alam kung kanino ako makikipagdate sa kanila eh. Kaya naman single muna ang drama ko ngayon”


“Ikaw na teh!”


Maya maya pa ay nakarinig na sila ng busina mula sa gate ng bahay niya.


“Si Allen na yun. Maiwan ko na kayo. Johana. Ikaw na maglock nitong bahay ah” bilin niya at agad na dinampot ang hand bag na partner ng damit niya.


“Oo na. Gumamit ka ng proteksyon ah” bilin nito sa kanya.


“Yes mother dear”


Nagmamadali na siyang lumabas ng bahay. Naabutan niya ang nobyo na naghihintay na sa sasakyan nito.


“Hi Babe” bati niya sabay halik sa labi nito.


“Hello. Ready?”


“Yup”


At pinaandar na nito ang sasakyan.


***


Sa isang mamahaling hotel siya dinala ni Allen. Ito ang request niya sa nobyo. She wants to celebrate Valentines Day with him sa isang private place. Matapos dumating ang order nilang pagkain at alak ay ipinagsalin siya nito ng pagkain.


Allen Rodriguez is her boyfriend for almost five years. Isang taon mula ng makagraduate siya ng kolehiyo ay nakilala niya ito. Agad na naakit siya sa karismang taglay ng binata. Ang akala niya nga nung una ay ang kaibigang si Johana ang type nito dahil panay ang titig nito sa kaibigan. Pero nagulat nalang siya ng siya ang ligawan nito. Ang sabi ni Johana ay hindi naman daw nagpaparamdam dito si Allen. At kilala niya ang kaibigan. Hindi nito type ang mga mestisong tulad ni Allen.


Isang taon siyang niligawan nito. Mahal naman din niya ang binata at nakita niya ang sinseridad nito bilang isang nobyo at manliligaw. At sa loob nga ng limang na taong relasyon nila ay naging napaka gentleman ni Allen. Hanggang halik at yakap lang sila ng nobyo na sa tingin nga ni Johana ay napaka abnormal daw ng relasyon nila.  Wala daw thrill. Nung una ay para sa kanya napaka sweet at gentleman ng nobyo dahil iginagalang siya nito. Pero kalaunan ay parang nag-iisip na din siya. Mukhang walang balak si Allen na palawakin pa ang relasyon nila. Ni hindi nga siya niyaya pa nito na magpakasal.


Hindi naman sa nagmamadali siya. Pero ang gusto niya kasi bago man lang siya tumuntong sa edad na bente syete ay maikasal na siya. Magbebente syete na siya sa susunod na taon. Pero mukhang wala pang balak lumagay sa tahimik si Allen. To think na succesful na naman silang pareho. Siya ay may sariling business na pag-mamay-ari. Ang restaurant-slash-bar-slash-cafe  niya na ngayon nga ay may dalawang branch na. Si Allen naman ay may mataas na posisyon sa kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Everything is okay na naman.


Kaya nga ang balak ni Razel ay ibigay na ang sarili kay Allen sa gabing ito. Kung walang balak ang nobyo na kumilos ay siya na ang gagawa ng first move. Nasa modern era na naman sila kaya hindi na masamang siya ang gumawa ng first move. Baka nahihiya lang ang nobyo niya.


“Happy Valentines day Babe” ani Allen at iniabot sa kanya ang bulaklak at regalong dala nito.


“Thank you. Ako din may gift sayo.” Isang maliit na kahita ang iniabot niya sa binata.


“Really? Thanks.”


“Buksan mo”


Nakangiting binuksan naman ni Allen ang regalong ibinigay niya. Medyo kinakabahan si Razel sa magiging reaksyon ng nobyo. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Allen at parang namutla ito pagkakita sa regalong bigay niya.


“What’s this?” tanong nito.


“Condom”


“Razel alam kong condom ito. Pero bakit mo ako binibigyan nito?”


Hinawakan niya ang kamay ni Allen.


“Babe, I want this day to be memorable to both of us.”


“Razel look ---“


“Alam ko nahihiya ka lang gumawa ng move because your a gentleman. But i want us to be together. I want you Allen. I want to have a family with you.”


 “Razel...”


“Sabi ni Johana gumamit daw tayo ng proteksyon eh. Kaya naman iyan ang naisip ko”


“Wait...your friends know about this?”


“Well...oo”


“Gosh!”


Parang problemado si Allen.


“Babe what’s wrong?” nagtatakang tanong ni Razel. Tinangka niyang hawakan ang binata pero inalis nito ang kamay niya.


“Sorry Razel I cant do this...actually I cant do this anymore”


“Ang alin? To have sex with me? Okay lang kung hindi ka pa ready. Makakapaghintay naman ako sa first night ng honeymoon natin eh”


“No Razel. Hindi mo naiintindihan. I cant do this anymore”


“Ang alin nga? Naguguluhan na ako sayo. Hindi na nga natin gagawin diba?” inis na rin na sabi niya.


“Razel...I’m gay”


*** 


“Razel....I’m gay”


Parang bombang bumagsak sa tenga niya ang sinabi ng nobyo.


“Whhhhaaaattt???”


“I said I’m gay. That’s why i cant do this. I cant have any sexual intercourse with you. Hindi ko kaya”


“Is this some kind of a joke Allen? Kasi alam mo hindi ka nakakatuwa” naiiling na sabi ni Razel.


“No. It’s true. Actually matagal ko na ngang balak sabihin ito sayo. Hindi lang ako magkaroon ng lakas ng loob dahil napakabait mong girlfriend sakin.”


“Kelan pa? Kelan mo pa narealized na....na....whatever” ni hindi niya masabi ang salitang “bakla”.


“College pa ako. Pero hindi ko ito maipaalam sa family ko. Magagalit sila sakin. So para mawala ang suspisyon nila na bakla ako. Naisipan kong mag-girlfrend ng babae. That’s when i met you”


“So ginamit mo lang pala ako? Allen...five years??? Five years mo na akong niloloko”


“I’m sorry Razel”


Hindi na napigilan ni Razel ang umiyak. Akala pa naman niya kaya hanggang halik at yakap lang ibinibigay sa kanya ni Allen ay dahil gentleman ito. Iyon pala hindi nito magawa ang higit pa roon dahil bakla ito.


BAKLA!!!


“Razel...”


“Dont talk to me Allen. Nasusuka ako sayo.” Puno ng pang-uuyam ang boses niya at dinampot ang handbag na dala. Ibinato din niya rito ang bulaklak at regalong ibinigay nito sabay labas ng kwarto ng hotel.


She felt broken.


Kinasusuklaman niya ang araw na ito.


Kinasusuklaman niya ang Valentines day.


Kinasusuklaman niya ang lahat ng bakla sa mundo.


***


“Bwahahaha!!!!! Si Allen??? Bakla” tawa ng tawa ang mga kaibigan niya pagkakwento niya sa mga ito.


Kumpleto ang mga kaibigan niya ng araw na iyon sa restaurant niya at ngayon nga ay kasalukuyan siyang pinagtatawanan sa masaklap na kapalaran niya.


“Kaya pala napaka OC niya” komento ni Demi.


“Oo nga..ni hindi mo makikitang gusot ang damit niya” sabi naman ni Bea.


“Kaya pala hanggang halik lang at yakap sila ni Razel” natatawang sabi naman ni Allison.


“At kaya pala panay ang titig niya kay Johana kasi gusto din niya na maging girl” ani naman ni Phoebe.


“Sige mang-asar pa kayo” asar na sabi niya sa mga kaibigan.


“Eh kasi naman hindi rin kami makapaniwala eh. Imagine five years mong naging boyfriend si Allen pero wala ka man lang nahalata?” naiiling na sabi ni Akira.


“Magaling kasing magtago ang lolo mo...este lola mo pala” tumatawa pa ring sabi ni Demi.


“Sige tumawa ka pa sasabunutan na talaga kita” ani rito ni Razel. Agad namang tumahimik si Demi. Pero halatang pigil nito ang tawa.


“So break na kayo?” tanong ni Aiesha.


“Haller Ai??? Obvious ba? Winalk-outan na nga ni Razel sa hotel diba?” nakataas ang kilay na sabi ni Johana. “Sayang yung gift. Dapat kinuha mo. Galante pa naman yung exjowa mong hilaw magregalo”


“Hindi ko kailangan ang regalo niya. I hate him!” galit pa ring sabi ni Razel.


“Ang taray ng lola mo!”


At muli ay nagtawanan na naman ang mga ito na ikinaasar niya.


“Mga kaibigan ko ba kayo talaga?”


“Alam mo kasi Razel...pinapangiti ka lang namin. Ikaw din papanget ka niyan” ani Phoebe.


“Oo nga. Mas gusto mo ba na mas beauty si Allen sayo? I’m sure tuwang tuwa iyon na break na kayo.” Sabi naman ni Demi.


“Wag mo na pag-aksayahan ng luha at oras na iyakan si Allen, Razel. Coz he’s not worth it” suhestiyon ni Allison.


“Pero kasi friendships....five years...five years ang nasayang sakin”


“At hahayaan mo din ba na masayang pa ang ilang oras at minuto at segundo mo sa kakaiyak dahil kay Allen?” sabi ni Johana.


Nagsipag-sang ayunan naman ang mga kaibigan niya.


Tama nga naman ang mga ito. Limang taon na nga ang nasayang sa kanya. Kaya hindi na niya pag-aaksayahan pa ng panahon na iyakan si Allen.


Magmomove-on na siya. No matter what it takes. Dapat makalimutan niya na ang binata.


***


Isang taon ang matuling lumipas. Engage na ngaon ang kaibigan niyang si Aiesha sa nobyo nitong si Marrion. Matapos ang mahaba-habang drama ng dalawa ay sa wakas nagkaayos din ito. Isang malaking miscommunication lang talaga ang nangyare. Mabuti nalang ay nangibabaw ang pagmamahal ng mga ito sa isat isa.


“Ma’am Razel, pwede po bang mag-out ng maaga ngayon?” tanong ng waiter niya.


“Bakit? Anong meron?” tanong niya. Hindi naman siya istrikto sa mga empleyado niya. Katunayan ay nagagawa pa nga ng mga ito na makipag-biruan sa kanya.


“Eh may date po kasi kami ng girlfriend ko” sagot nito.


“Ako din po Ma’am. Magpapaalam sa inyo” sabi din ng cashier niya.


“May date ka din?”


“Opo”


“Bakit sabay sabay naman yata kayong may date?... baka naman kayong dalawa ang magjowa ah”


“Naku Ma’am hindi po ah. Valentines Day po kasi ngayon”


“Valentines Day?”


“Opo. Wag niyong sabihing hindi niyo alam Ma’am? Masyado kasi kayong busy sa trabaho eh”


Valentines day pala ngayon. Kaya naman pala puro pula ang nakikita niya sa paligid. Pati mukha ng mga empleyado niya ay hugis puso na din.


“Paniguradong puno na kasi lahat ng mga lugar sa mga gustong magdate Ma’am. Eh magagalit yung girlfriend ko kapag hindi ko siya idinate”


“Ako din Ma’am idedate ko din ang asawa ko” singit ng cook nila.


Napabuntong-hininga nalang si Razel.


“Sige, Magsara nalang tayo ng maaga. May mga date pala kayo”


“Thank You Ma’am...kayo Ma’am wala kayong date?” tanong ng waiter nila.


Agad naman itong sinaway ng cashier at cook niya.


“Ma’am wag mo nalang pansinin itong si Donato ah. Sige Ma’am Thank you po” anang cashier niya at bumalik na sa trabaho nito. Itinaboy na din nito ang nagtatakang waiter niya.


Hindi naman lihim sa mga empleyado niya lalo na doon sa mga matagal ng naninilbihan sa kanya ang kapalaran niya sa pag-ibig.


It’s been exactly one year mula ng magbreak sila ni Allen. Mula noon ay parang naging sarado na ang puso niya sa tawag ng pag-ibig. Hindi na siya naaatract sa mga lalaki. Hindi na rin siya nakikipagdate.


“Happy Valentines day everyone” anunsyo ni Johana pagpasok sa pinto.


Binati din ito ng mga empleyado niya.


“Happy Valentines day friendship” bati nito sa kanya. Pero batid niyang nang-aasar ito.


“Tse!”


“May dala akong cake para sayo. Wag kang mag-alala binili ko yan”


“Mabuti naman. Wala akong tiwala sa cooking abilities mo eh”


Niyaya niya ito papasok sa kusina. Binuksan nito ang dalang cake. Siya naman ay kumuha ng platito, kutsilyo at tinidor.


Napangiti nalang siya sa nakalagay sa cake.


“Happy birthday dear heartache”


“Sira ulo ka talaga” nakatawang sabi niya.


“One year na diba?”


“Yeah”


“Siguro naman okay ka na?”


“Okay naman ako ah”


“You know what I mean Razel.”


“Johana” sagot ni Razel at napatingin sa cook niya.


Parang nakahalata naman ito.


“Sa labas muna ako Ma’am. Tulungan ko sina Donato” paalam nito.


Nang makalabas ang cook nila ay muli siyang tinignan ni Johana.


Sa mga kaibigan niya ay si Johana ang pinakaclose niya.  Ito ang bestfriend niya. Kahit na nga madalas silang magtalong dalawa ay sila pa rin ang pinakamalapit. May mga bagay na hindi na niya kailangang sabihin dahil alam na agad iyon ni Johana. Ganun din naman siya rito.


“Kumusta na kayo ng bagong boylet mo?” pag-iiba niya ng topic.


“Wag mong baguhin ang usapan Razel”


Napabuntong hininga na lang si Razel.


“Ano bang gusto mong malaman? Kung okay na ako? Okay naman ako ah”


“Hindi ka okay Razel. One year na ang nakalipas pero ni hindi ka man lang nagkaroon ng boyfriend. Hindi ka rin nakikipagdate. Yun ba ang okay? Aba Razel...Three months rule lang ang meron tayo. Sobra na yung sayo. Quota ka na”


“Eh sa wala akong makita eh”


“Paano ka may makikita kung lahat ng gustong manligaw sayo binabasted mo agad? Kung lahat tinatanggihan mo makipagdate?”


“I’m not yet ready that time. Alam ko darating din ang time para sakin”


“Hindi lahat ng lalaki katulad ni Allen. Tignan mo si Aiesha, engage na. Ako, may boyfriend na. Si Demi may nilalandi na din. Si Allison may kaaway lagi. Si Bea nandyan naman lagi ang bestfriend nun. Si Phoebe...ayun nasa ibang planeta na naman. Si Aki...ayun kumakain.”


“Swerte lang kayo dahil ang mga natatagpuan niyo mahal talaga kayo”


“Dont tell me si Allen parin ang mahal mo at kakalbuhin talaga kita”


“Hindi ko na mahal yung lalaking yun okay?”


“Mabuti kung ganun. So ready ka na makipag date?”


“Hindi”


“Hay ewan ko sayo. Suko na ako”


Maya maya ay tumunog ang cellphone nito.


“Sige nandyan na sundo ko. May date pa kami”


“Enjoy your date”


“I will thanks. Ikaw din magsara na kayo. May mga date pa yata empleyado mo”


“Oo na”


“Remember Razel, darating din iyong lalaking para sayo. Sa panahong hindi mo inaakala” pahabol pa nito bago umalis.


Napailing nalang siya.


***


Pasara na sana sila ng isang lalaki ang bigla pang humabol.


“Ay Sir sarado na po kami”


“I just need a cup of coffee” anito.


“Sige na Donato. Ako na bahala.” Aniya. Nakakahiya naman kung pagsarhan nila ito. Customer din ito.


Pinapasok na din ito ng waiter niya. Mukha namang disente ito. And besides may guard naman sila.


“What can I do for you Sir?” tanong niya.


“Just a cup of hot coffee.” Anito at naupo sa harap ng counter.


Ipinagbrew naman niya ito. Habang nagbebrew ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang binata. Kahit na bahagyang gulo-gulo ang buhok nito at may tubo ng bigote ay hindi maikakailang gwapo ang binata. At hindi maintindihan ni Razel kung bakit parang naaliw siyang pagmasdan ito.


“Is there something wrong? May dumi ba ako sa mukha?” kunot noong tanong nito.


“Well maliban sa excess bigote mo..wala naman” sagot niya.


 “Staring is rude”


“I’m not staring at you. I’m just looking at you.”


Natahimik nalang ang lalaki. Isinerve naman dito ni Razel ang order nitong kape.


Hindi mapigilan ni Razel na tingnan pa rin ang lalaki habang umiinom ito ng kape. Parang may kung ano rito ang naghihila sa kanya na titigan ito.


“I cant drink my coffee if you’re looking at me”


“Ang sungit mo naman” minabuti nalang niya na iwan ito.


Maya maya ay muli siyang tinawag nito.


“Isa pa nga”


“Ilang kape ba ang balak mong inumin?” hindi mapigilang tanong niya.


“Magbabayad ako okay?” naglabas ito ng buong isang libong piso sa counter.


“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Pero parang balak mo kasing lasingin ang sarili mo sa kape”


“Kailangan ko lang ng pampakalma”


“At kape ang pampakalma mo? Baligtad ka din eh” natatawang sabi niya. Naaaliw siya kausap ang lalaking ito.


“Yeah. You think I’m crazy?”


“Well hindi naman... i have a friend na coffee addict din...mas matindi pa nga yun si Allison dahil pitong kape ang kayang ubusin nun sa isang araw.”


“Your friend is crazy”


“Sinabi mo pa”


Natawa nalang sila pareho.


“Ako nga pala si Razel”


“Yeah...nasa nameplate mo nga”


“Ikaw? Anong pangalan mo?”


“Alex”


“Nice name”


“Alex sa umaga...Alexis sa gabi” anito sabay inom ng kape.


“Ha???”


“I’m gay”


***


“Hindi ko alam kung anong klaseng kapalaran ang meron ka Razel. Ngayon ka na nga lang nagkaroon ulit ng interes sa lalaki bakla pa ulit. Anong malas ba ang meron ka?” natatawang tanong ni Phoebe habang tulak tulak ang pushcart.


Kasalukuyan niyang naisipan na maggrocery ng stocks sa bahay niya ng bigla nalang itong sumulpot. Kabababa lang daw sa bundok nito kaya naman naisipan nitong bisitahin ang syudad. Napaka weird talaga nitong kaibigan niyang ito. Sabagay lahat naman ng kaibigan niya ay weird.


“Hindi ko nga rin alam Phoebs eh...matino naman akong babae. Maganda din naman ako pero bakit lagi nalang palpak ang lovelife ko?” himutok niya.


“May mga tao talagang swerte sa career at palpak sa lovelife..sad to say mukhang kabilang ka sa mga taong iyon.”


“Gusto ko rin naman magkaroon ng matinong lovestory na maisheshare sa mga apo ko balang araw”


“Magtigil ka nga Razel. Boyfriend nga wala kang makita tapos nag-aambisyon ka pang magkaroon ng apo?”


“Sumapi na ba si Johana sayo at pareho na kayo mag-salita?” nakasimangot na sabi niya at basta nalang inilagay ang tissue sa pushcart. Paglingon niya sa kanan niya ay isang pamilyar na mukha ang nakita niya.


“Wait Phoebs...that’s him” turo niya.


“Sino?”


“Yung sinasabi ko sayo”


“Yung bakla? Asan?”


Sinundan din nito ng tingin ang tinuturo niya. Mula sa isa sa mga aisle ay nandun nga si Alex at kasalukuyang namimili din.


“Well, hindi siya mukhang bakla para sakin ah. Sabagay umaga pa nga lang pala ngayon. Malay mo mamaya pa siyang gabi maglaladlad” tumatawang sabi nito.


“Sipain kita dyan eh”


“Infairnes Razel ah. Gwapo siya. sayang nga lang at bakla. Gawin mo kayang lalaki?” suhestyon nito.

   
“At paano ko naman gagawin yun aber?”


“Hmmm..” kunwa’y nag-isip ito. “Reypin mo kaya?”


“Grabe ka ah! Hindi naman ako ganun kadesperada noh!”


“Sabagay. Saka baka mamaya kapag naghubad ka sa harap nun tumakbo iyon palabas” tawa ng tawang sabi nito.


“Hay naku hayaan na nga natin siya. Tara na at gutom na ako” yaya na niya sa kaibigan at pumila na sila sa counter para magbayad.


***


“Pssst! Alam mo na ba?” tanong ni Johana sa kanya kinabukasan.


“Ang alin?”


“May bagong kapit-bahay ka na. May lumipat na dyan sa binakante nila Misis Lopez”


“Talaga? Akala ko wala ng balak patirahan iyon ulit?”


“Balita ko kamag-anak din nila Misis Lopez yung lumipat  dyan. Saka Razel... Gwapo!”


“Alam mo ikaw tsismosa ka talaga. Isusumbong kita sa boyfriend mo. Tumitigin ka pa sa mga gwapo”


“Syempre may mata ako eh. Alangan namang takpan ko diba? Saka para sakin yung boyfriend ko pa rin naman ang pinakagwapo sa paningin ko eh”


“Ikaw na!  Lande mo!”


“Ganun talaga. Saka hindi naman para sakin eh. Para sayo. Malay mo iyan na pala ang future boyfriend mo”


“Gwapo ba talaga?”


“Oo girl. Saka ang yummy ng katawan. Ammppp!!!”


Binato niya ng unan si Johana.


“Ikaw talaga sira ulo ka. Hahawaan mo pa ako ng kalandian mo eh.”


“Sus! If I know interesado ka din naman. Gusto mo bosohan natin?” nakangising sabi nito.


“Ewan ko sayo!”


“Ikaw masyadong madumi ang isip mo. Ang ibig ko lang sabihin eh dalawin natin. Silipin. Ikaw talaga. Virgin pa ang utak ko wag mo dumihan”


“Mukha mo Johana! Virgin ka dyan.Eh ikaw nga ang may kasalanan kung bakit polluted na ang utak ko eh”


“Hay naku. Tara na bilis. Magdala ka kunwari ng food. Kunwari good neighboor ka kahit hindi”


Napilitan na din kumilos si Razel. Interesado din siya sa sinasabi ni Johana. Minsan lang pumuri itong kaibigan niya. Madalas puro panlalait ang maririnig mo kasi sa bibig niyan.


Nagdala siya ng niluto niyang kare-kare. Medyo kabado siya paglapit nila ng pintuan ng bagong kapit-bahay niya.


“Baka naman walang tao” sabi niya ng walang sumasagot sa katok nila.


“Meron. Nakita ko lang siya kanina pagpunta ko sa inyo eh”


“Baka naman umalis na o natutulog kaya. Tara na nga.”


“Wag kang nega. Kumatok ka lang dyan”


Inulit pa ulit niya ang pagkatok. Pero wala pa ding lumalabas.


“Hay naku naman. May doorbell naman pala kasi” sabi ni Johana. Ito na ang pumindot ng doorbell.


Maya maya ay lumabas na din ang bagong kapit-bahay niya.


“Yes?” tanong nito.


“Hi. I’m Johana, ito naman ang friend ko si Razel. Neighboors mo kami. Nagdala kami ng food oh para sayo” anito at kinuha sa kamay ni Razel ang mangkok na dala nito.


“Thanks. Nag-abala pa kayo. Pasok kayo” anito at binuksan ang pinto ng tuluyan.


“Hoy! Pasok daw tayo.” Ani Johana sa kanya.


Pero daig niya pa ang natuklaw ng ahas sa nakita. Dahil ang lalaking nasa harapan niya ay walang iba kundi yung baklang customer niya.


Si Alex sa umaga, Alexis sa gabi.


***


Puno ng pagtataka sa mukha si Johana ng bigla nalang magwalk-out si Razel.



“Problema nun?” takang tanong nito sabay baling sa binatang nakatingin lang sa kanila.
“Uy! Pasensya ka na sa kaibigan ko ah. Baka biglang nagkaroon ng buwanang dalaw. Ano nga pala name mo?”


“Alex. Alex Santillan”


“Nice to meet you Alex. Kainin mo yang bigay namin ah. Luto ni Razel yan. Masarap magluto iyon”


“Okay thanks. Soli ko nalang mamaya yung lalagyan.”


“Sige. Kay Razel mo nalang soli. Katabi mo lang sya ng bahay” anito at nagpaalam na.


Naiwan namang napangiti si Alex. Of course he know kung bakit bigla nalang nagwalk-out si Razel. Malamang ay natandaan pa siya nito. Maya maya ay sinagot nito ang nag-iingay na telepono.


“Hello? Yes insan. I think I’m gonna enjoy my stay here” anito habang isang mukha ang nasa isip niya.


***


“Hi Razel” ang nakangiting mukha ni Alex ang nabungaran ni Razel pagbukas niya ng pinto. Binalak niya pa ngang pagsarhan ito kung di lang naging maagap ang binata este...dalaga na pigilan ang tuluyang pagsara niya.


“Isosoli ko lang sana itong lalagyan” anito sabay taas ng hawak na mangkok. Napabuntong-hininga naman si Razel.


“Sige. Pasok ka muna” at niluwagan niya ang bukas ng pinto para makapasok ito.


“Thanks. Ikaw lang ang mag-isa dito?”


“Yeah. Nasa province ang whole family ko.”


“I see. So independent ka pala”


“Yeah. Anyway sorry nga pala kanina. Nagulat lang ako”


“That’s okay.” Nakangiting sabi nito.


Sayang talaga. Napakagwapo talaga ni Alex. Bakit pa kasi ito naging bakla eh. Ang malas na talaga ng mundo ngayon. Kung hindi mga taken na eh mga bakla naman ang mga gwapo.


==


As time goes by...mas nakilala ni Razel si Alex. Narealized niya na enjoy naman pala itong kausap. Kalog at masayahin ang binata. Nalaman niya na nag-iisang anak lang pala ito at nasa ibang bansa ang mga magulang. Hindi niya nga aakalaing malilibang siyang makipag-usap sa binata.


“Ahhmm... Alex, can I ask you a question?”


“Sure. Basta ba kaya kong sagutin eh”


“Ahhh...about your preference...kelan mo pa narealized na....na...” hindi niya maituloy ang sasabihin. Nahihiya siya sa binata.


“Na bakla ako?”


“Yes”


“Well...lately lang. Due to some unexpected event. Can I tell you a secret?”


“Sure”


“There’s this girl kasi na bigla nalang naghubad sa harap ko. Gusto niya na mag churvahan kami. Ayun parang bigla akong tinakasan ng kulay sa mukha. Nagtatakbo 
ako palabas ng hotel” tawa ng tawag kwento nito.


Pero hindi natawa si Razel. She remember something.


“Hey Razel okay ka lang?”


“Yeah. May naalala lang ako”


“Sad memories?”


“Yeah. Alam mo bang may bad experience ako sa mga bakla?”


“Kaya ba ganun nalang ang iwas mo sakin dati? Kasi bakla din ako?”


“Hmmm medyo”


“Why? What happened?”


“I had a boyfriend for five years. Sobrang okay niya. Mabait, gentleman, goodlooking. He’s everything na. Then on the day of Valentines day, we went into a hotel. Gusto ko na may mangyare samin. Kaso that day he told me that he’s gay. On the first day that I met you. That’s exactly one year since we broke up”


“So walang nangyare sa inyo?”


“Wala”


“Ano mas pinanghihinyangan mo? Yung nalaman mong bakla siya o yung walang nangyare sa inyo” pang-aasar ni Alex.


“Sira ka talaga!” binato niya ito ng throw pillow. “Mas nanghihinayang ako sa relasyon namin”


“Gwapo ba?”


“Sobra”


“Yummy”


“Oo naman.”


“Sayang hindi kami talo”


“Oo nga. Pareho kayong sister..hahaha!!!”


===


“Aba..aba..aba...mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Alex ah. Parang siya na ang bestfriend mo eh” isang araw ay sita sa kanya ni Johana.


“Oh..nakabalik ka na pala. Kumusta ang Cebu?”


“Ayun Cebu pa rin. Hindi pa naman nagiging Baguio. Loka ka. So ano ng update. Kayo na ba ni Alex?”


“Sira ulo. Alam mong hindi kami talo nung tao eh. Bakla yun okay? Bakla. Magkaibigan lang kami”


“Asus!!! Kaya pala ganyan nalang ang kinang ng mga mata mo eh. Kilala kita Razel ah. Ganyang ganyan ka kay Allen noon. Umamin ka nga sakin. Inlove ka na ba kay Alex?”


Napabuntong-hininga si Razel bago tumingin kay Johana.


“Masasaktan na naman ba ako espren?”


“Jusmio naman. Inlove ka nga. Razel naman eh. Alam mong hindi pwede si Alex”


“Alam ko. Pero hindi ko napigilan. Ikaw pa nga itong nagtutulak sa akin dati sa kanya diba?”


“Dati yun. Nung hindi ko pa alam na bakla siya. Wala kang mapapala sa kanya espren. Masasaktan ka lang. Hindi ka naman seseryosohin ni Alex eh.”


“Alam ko naman eh. Ewan ko nga ba kung bakit lapitin ako ng mga homosexual eh.”


“Buti pa ang tomboy may pag-asang patulan ka. Pero ang bakla wala...unless...”


“Unless ano?”


“Gagawin mo siyang lalake”


“Paano? Eh mukhang mahirap yun.”


“Reypin mo kaya”


“Hindi yun uubra. Nung minsan daw na may naghubad na babae sa harapan niya tinakbuhan niya palabas. Baka kapag ako ang naghubad sa harapan ko magrosary pa yun at tapunan ako ng holy water” naiiling na sabi ni Razel.


“So hahayaan mo nalang ganun?”


“Oo. Mawawala din ito. Parang si Allen lang.”


“Bahala ka nga. Anyway, engagement party ko sa sabado. Punta ka. Pakibigay nalang itong invitation kay Alex” isang envelop ang iniabot nito sa kanya.


“So tuloy na talaga ang kasal niyo?”


“Oo naman. Bakit? Balak mong tumutol?”


“Hindi naman. I’m happy for you”


“Thank you. I’m happy for myself too”


==


Sa isang hotel ginanap ang engagement party ni Johana. Nakakatuwa lang isipin na nahuli na rin sa wakas ang mailap na puso ng kaibigan niya. Masayang masaya si Razel para dito. May inilaang kwarto si Johana para sa kanila ng mga kaibigan niya na nais magpalipas ng gabi sa hotel. Since medyo naparami na din naman ang inom niya eh ipinasya na lang niya na sa hotel na magpalipas. Inihatid pa nga siya ni Johana.


Hindi na niya binuksan pa ang ilaw dahil napansin niya na  parang may nauna nang nakahiga sa kanya sa kama. Ayaw niyang maistorbo ito. Inisip nalang niya na marahil ay isa ito sa mga kaibigan niyang dito na din matutulog sa hotel. Hinubad nalang muna ni Razel ang dress na suot at tanging underwear ang itinira. May built-in bra na kasi ang dress niya kaya hindi na siya nagsuot pa ng bra at nahiga na siya sa kama. Sobrang sakit na talaga ng ulo niya.


Dala marahil ng antok at nainom ay parang nananaginip si Razel na may humahalik at humahawak sa katawan niya. At hindi niya maintindihan kung bakit masarap ito sa pakiramdam. Ganito pala ang epekto ng alak. Kung alam lang niya eh di sana noon niya pa sinubukang lasingin ang sarili. Ginantihan din niya ng halik at haplos ang lalaki sa panaginip niya. Mukhang napakakisig nito. Mamasel ang katawan at may abs pa. Sayang nga lamang at hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki sa panaginip niya. Baka ito na ang soulmate niya. Napangiwi si Razel nang makarmdam ng sakit sa unang pagpasok ng lalaki sa kanya. Pero maya maya lang ay napalitan na ito ng kakaibang sarap. Ramdam niya na parang may gustong sumabog sa kalooban ng pagkababe niya. Sabay silang nakarating sa tuktok ng binata sa panaginip niya. At hindi na napigilan pa ni Razel ang tuluyang pagbulusok at wala na siyang matandaan pa.


==


Masakit ang ulo ni Razel kinabukasan. Medyo nagtataka pa nga siya dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan. Saka lang niya naalala na narito nga pala siya sa hotel kung saan ginanap ang engagement party ni Johana. Naparami ang inom niya kagabi kaya masakit ang ulo niya. Pero ang hindi niya maintindihan eh kung bakit parang masakit din ang ibabang parte ng katawan niya. Naalala ni Razel ang panaginip niya kagabi. Nakipagniig daw siya sa isang misteryosong lalaki sa panaginip niya. Sayang nga lamang at hindi niya ito namukhaan.


Naramdaman ni Razel na may kamay na dumagan sa tyan niya. Parang mabigat naman yata ito para maging kamay ng isa sa mga kaibigan niya. Dahan dahang nilingon ni Razel ang katabi. Ganun nalang ang gulat at sigaw niya ng mapansing isang lalaki ang katabi niya sa kama at hindi isa sa mga kaibigan niya. Nagulat marahil sa sigaw niya ang lalaki kaya ngising ito.


“What happened?” kakamot-kamot pa ang matang tanong nito.


“Alex?” gulat na tanong ni Razel nang makilala ang binatang katabi sa kama.


“Razel. Ang aga aga pa eh.” Anito at tinangka pa ulit matulog pero agad niya itong hinampas ng unan.


“Bumangon ka nga diyan. Anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka natulog?”


“Dito ako pinatulog ni Johana eh.”


“Si Johana? Bakit?”


“Ewan ko.”


“Umalis ka nga diyan” aniya at sinipa ito pababa ng kama. Tuluyan naman itong bumagsak. Ganun nalang ang gulat at sigaw ni Razel nang makitang wala ni isang suot ang binata. Mas dumoble ang sigaw niya ng mapansin niyang wala rin siyang isang saplot sa ilalim ng kumot.


“What happened?” gulong-gulong tanong niya. “Bakit ka nakahubad? Bakit ako nakahubad? Saka magbihis ka nga!” sigaw niya sa binata.


“Hay naku OA ka Razel ah. Eh kung makahawak ka sa katawan ko kagabi parang wala ng bukas eh” anito at basta nalang sinuot ang roba na nasa ibabaw ng sofa.


“What? I didnt do that!”


“Yes you did”


“Chinorva mo ako kagabi?”


“Chinorva natin ang isat isa my dear.”


“Waahhhhh!!! It can’t be! Ibig sabihin totoo ang lahat ng nangyayare sa panaginip ko. Bakit mo ako chinorva?”



“Hello??? Ikaw kaya ang naunang maghubad dyan. Nananahimik ako dito eh.”


“Ako???” parang natatandaan nga yata niya na naghubad siya ng damit na suot kagabi
“Wait...pero paanong may nangyare sa atin kagabi?”


“Well mahirap iexplain eh”


“Pero di ba bakla ka? Bakit mo ako chinorva?”


“I was drunk last night.”


“I cant take this anymore. I gotta go” aniya at hila ang kumot na dinapot ang damit na suot niya kagabi. But sad to say hindi niya makita ang underwear niya.


“Looking for something?” tanong ni Alex.


“I cant find my underwear”


“Here” at ibinato nito sa kanya ang kapirasong saplot. Agad nagtatakbo si Razel papasok sa loob ng banyo.


One thing is clear. She just had sex with a gay last night. Hindi na siya nagpaalam pa kay Alex. Matapos magbihis ay dirediretso na siyang umalis. Kailangan niyang makausap si Johana.


==


Subalit paguwe niya ng bahay ay hindi niya na naabutan ito. Kaya naman tinawagan nalang nya ang cellphone nito. Matapos ang ilang ring ay sumagot din ang kaibigan niya.


“Alam mo bang gustong gusto na kitang kalbuhin ngayon babae ka! Nasaan ka?” bungad niya rito.


“Dito sa Quezon Province”


“Anong ginagawa mo diyan?!”


“Nag-aayos para sa kasal. Dito kami magpapakasal diba?”


“Why did you set me up last night?”


“Set-up? Wala akong alam sa sinasabi mo ah”


“Wag ka ng magmaang maangan pa. Kagabi dun sa kwartong pinagdalhan mo sakin nandun din si Alex”


“So? Ano naman. Eh di share kayo. Set-up na ba agad yun? Unless...something happened. Meron ba?” rinig ni Razel ang pang-aasar sa tinig ng kaibigan.


“May nangyare samin” amin niya.


Bigla namang tumili ito ng pagkalakas lakas.


“Sabi ko na eh.”


“Johana...hindi dapat nangyare yun. I thought nananaginip lang ako. When i woke up ayun katabi ko na siya and we’re both naked”


“So naenjoy mo naman ba? Masarap ba?”


“Alam mo ikaw polluted talaga ang utak mo.”


“Umamin ka na kasi. Masarap ba?”


“Okay okay. Plastic ako kung sasabihin kong hindi ako nasarapan at nag-enjoy. But i thought panaginip lang yun.”


“Panaginip...katotohanan..what’s the difference? Mahal mo naman si Alex diba?”


“Espren...bakla si Alex.” Paalala niya


“Espren kung talagang bakla si Alex eh di dapat walang nangyare sa inyo. Remember Allen?”


“What do you mean?”


“Baka hindi naman talaga 100% na bakla si Alex..baka pwede pa siyang maging lalaki. Kasi chinorva ka niya. Kung talagang bakla yun hindi niya maaatim na makipagchorvahan sa babae”


Napaisip si Razel. May point nga naman ang kaibigan niya.


“Sige na babush na at tinatawag na ako ng future hubby ko.” Anito at ibinaba na ang telepono.


Kailangan niyang makausap si Alex.


==


Subalit isang linggo na ang nakalipas pero ni anino ni Alex ay hindi na niya nakita. Hindi rin nito sinasagot ang mga text at tawag niya. Pinagtataguan ba siya ng lalaki? Pero bakit? Naikasal na rin si Johana pero hindi parin nagpapakita si Alex. Hindi naman nito tuluyang iniwan ang bahay nito dahil nandun pa rin ang mga gamit ng binata.


Isang araw ay nakatanggap siya ng email mula kay Alex.


“Razel, May aayusin lang akong importante. Sorry kung di na ako nakapagpaalam sayo. But I promise you babalik ako. Then we’ll talk about us. Wait for me –Alex”


Pinanghawakan niya ang sinabi ng binata. Babalik si Alex. Babalikan siya nito.


==


“Waahhhh!!! Kumusta naman ang bagong kasal? Kumusta ang honeymoon?”


Muli silang nagkita-kita ng mga kaibigan niya pagbalik ni Johana mula sa honeymoon nito.


“Ayun masaya naman” nakangiting sagot ni Johana. Obvious sa mukha nito ang kasiyahang nadarama.


“Grabe kayo ng asawa mo ah. Isang buwan kayo naghoneymoon. Kami ni Marrion one week lang” ani Aiesha


“Ganun talaga. Wala pa nga kaming balak umuwe ng Pilipinas kung di lang may urgent call sa company nila eh”


“So may laman na ba?” tanong ni Allison habang tingin sa tyan ni Johana.


“Wala pa nga eh”


“Mahina pala ang mga asawa niyo ni Aiesha eh. Parehong di makabuo” pang-aasar ni Akira.


“Okay lang. Hindi pa naman kami nagmamadali eh” sagot ni Johana.


“Oo nga. Gusto pa naming ienjoy ang life namin na kami muna ng mga asawa namin”


Habang masayang nagkukwentuhan ang mga kaibigan ay tahimik lang naman si Razel. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya.


“Razel okay ka lang?” tanong dito ni Phoebe.


“Yeah. Medyo nahihilo lang ako”


“Ang tagal naman ng order natin” reklamo ni Akira.


“Ito naman pagkain na naman ang nasa utak” saway ni Demi.


Maya maya lang ay dumating na ang inorder ni Akira. Saktong paglapag ng pagkain ay ganun din ang pagsama ng tyan ni Razel. Agad siyang nagtatakbo papuntang banyo. Naiwan namang nagtataka ang mga kaibigan niya.


“Ano nangyare dun?” takang tanong ni Allison.


Ewan”


“Wait...nahihilo...check...nagsusuka...check...hindi kaya?” tanong ni Bea.


“Buntis si Razel????” sabay sabay natanong ng mga kaibigan niya.


==


Hindi maintindihan ni Razel pero kanina pang umaga hindi maganda ang pakiramdam niya. Parang tamad na tamad siyang bumangon at mabigat ang katawan niya. Wala rin siyang ganang kumain.


Pagbalik niya sa mesa nila ay pawang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan niya.


“What?” tanong niya.


“Okay ka lang?” tanong ni Aiesha


“Yeah. May nakain siguro akong hindi maganda”


“Actually wala ka pa ngang kinakain eh. Kadarating lang ng order natin eh” sagot naman ni Akira.


“Razel...nagpacheck-up ka na ba?” tanong ni Allison


“Bakit naman? Wala naman akong sakit. Medyo pagod lang siguro ako”


“Razel... hindi kaya buntis ka?” tanong ni Johana.


“Paano naman mabubuntis si Razel eh wala namang boyfriend yan” sagot ni Bea.


“Hindi ba pwedeng mabuntis ng walang boyfriend? Si Mama Mary nga nabuntis eh” sagot ni Allison.


Napaisip bigla si Razel. She didnt count the possibility na buntis nga siya. Ngayon niya lang naisip na hindi pa nga pala siya dinaratnan ng buwanang dalaw niya. Napahawak siya sa tiyan niya.


“Buntis ako?” tanong niya sa mga kaibigan.


“Ewan namin. Baka lang naman. Magpacheck-up ka kaya para sure.”


“Sino ang ama?”


“Si Alex”


“Alex???? Yung bakla?”


“Kadiri ka!!!”


Binatukan bigla ni Allison si Bea.


“Tumigil ka nga diyan. Hindi ka nakakatulong.”


Hindi nalang pinansin ni Razel ang mga kaibigan. Buntis siya. Magkakaanak sila ni Alex.


==


Kinumpirma nga ng doktor ang hinala ng mga kaibigan ni Razel. She is two months pregnant. Halo ang nararamdaman ni Razel. Masaya dahil magkakababy na siya. Malungkot dahil hindi pa rin nagpaparamdam si Alex.


“So anong balak mo?” tanong ni Johana. Ito nalang ang natira sa mga kaibigan niya na pawang nagsipaguwian na.


“Ewan ko. But one thing is for sure. I’m gonna keep this baby”


“Basta anuman ang maging desisyon mo nandito lang kami ah.”


“I know. Thank you.”


==


Nagmessage si Razel kay Alex about her pregnancy. Hindi na niya ineexpect na sasagutin pa siya ng binata. Pero gusto pa ring ipaalam ni Razel dito. Patuloy na lumilipas ang mga araw. Alagang alaga si Razel ng mga kaibigan niya. Wala man siyang asawang nasa tabi ay may mga supportive naman siyang kaibigan. Kahit na nga minsan ay iniisip niya na sana ay nasa tabi niya si Alex.


Isang araw ay hindi inaasahang bisita ang naabutan ni Razel sa labas ng bahay niya.


“Alex” halos walang pagbabago ang binata. Maliban nalang sa excess bigote nito tulad noong una niya itong nakilala.


“Hi Razel”


“Pasok ka”


“Salamat”


“Razel...ang dami dami kong gustong sabihin sayo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula” anito nang makaupo na sila. “ Una sa lahat, gusto kong magsorry dahil umalis ako ng walang paalam. The day na umalis ka ng hotel ay tinawagan ako ng mommy ko. Inatake daw si Daddy kaya agad akong pumunta sa States. Nacoma si dad...I can’t leave my mom kahit na gustong gusto kitang puntahan. Ako kasi ang dahilan kung bakit inatake si Daddy. Actually, I’m not really gay”


Halata ang pagkagulat sa mukha ni Razel pero hindi siya nagsalita. Hinintay niya muna na matapos si Alex sa mga gustong sabihin nito.


“There’s this girl na sobrang obsessed sakin. Binalak niya na may mangyare samin then she will use it to blackmail me. Pero nalaman ko ang plano niya. So nag-iba siya ng plano. Nilasing niya ako. I dont know what she did. Maybe nilagyan niya ng pampatulog. Then nagising ako na wala na akong maalala pa. Then one day, may nagpadala ng mga pictures sa bahay. It was me...with another guy. We’re both naked and base on the pictures iisipin ng lahat ng makakakita na may nangyayare sa amin. But I swear na walang nangyare. Sobrang strict si dad. Ayaw niya ng kahihiyan. Ang kundisyon nung girl na nagpadala ng picture is for me to marry her. Alam ko namang pera ko lang ang habol niya. Their family is on bankrupt na at para makaahon ay gagamitin nila ako. But i wont allow them. So umalis ako ng States at nagpunta nga dito sa Pilipinas. I pretended to be gay kasi para makaiwas sa mga babae. Pero iba ka Razel. Hindi kita kayang iwasan. Sabi ko ayoko muna ng babae sa buhay ko dahil gulo lang ang dala nila. Pero ikaw ang gulong hahanap hanapin ko. Binalak ko na sanang magtapat sayo noong engagement party ni Johana. Pero di ako makakuha ng tyempo. Then bigla ka na nga lang pumasok dun sa kwarto na ipinagamit sakin ni Johana dahil medyo nakainom na ako. I pretended na hindi kita nakita. Pero nung bigla ka nalang naghubad...at tumabi sakin...hindi ko na napigilan ang sarili ko. You are so beautiful that night. At first sabi ko hahalikan lang kita. Pero nung gumanti ka ng halik sakin...I cant stop it anymore. Mababaliw siguro ako kapag tumigil ako. Ang I swear that was the best night of my life. Sabi ko paggising mo aamin na talaga ako at  yayayain na agad kitang magpakasal. Pero hindi ko rin naman agad naamin sayo dahil naghysterical ka na agad. So sabi ko some other time nalang, saka naman ako nakatanggap ng call from my mom. Hindi kita matawagan because ayokong madamay ka pa sa gulo ng buhay ko.”


Tumigil si Alex sa pagkukwento at tinitigan siya sa mga mata.


“Naniniwala ka ba sakin?”


Tango lang ang isinagot ni Razel. Pakiramdam niya kasi ay maiiyak na siya.


“Kaya pala inatake si dad dahil ipinakalat na pala yung mga pictures ko. Pero okay naman na ang lahat. Umamin na yung lalaki sa picture na gawa gawa lang yun. Na wala talaga kaming relasyon. Nagsampa na kami ng kaso laban sa babaeng yun. Kaya ngayon lang ako nakauwe dahil last night lang naging okay si dad. I already told them about you. And about our baby too”


“Alex” hindi na napigilan ni Razel ang sarili at umiiyak na yumakap na siya sa binata. She knows na babalikan siya nito like he promised.


“Sorry kung nasaktan kita” Hinawakan siya nito sa balikat at tinitigan sa mata. “Siguro naman ngayong alam mo ng lalake talaga ako pwede mo na akong mahalin?”


“Kahit nung akala ko pa na bakla ka eh minahal na kita ngayon pa kaya na lalake ka pala talaga” tumatawang sagot niya.


“Mahal na mahal din kita Razel. Will you marry me? To follow nalang yung singsing? Hindi ako nakapagdala eh. Sobrang gusto na kasi kita agad makita”


“Yes. I will marry you with or without a ring” then she kiss him.


=Wakas=








9 comments:

  1. AWWWWWWWWWWWWWW!!!!! Shocks!!! ANG CHUWIT NAMAN!!!! WHOOOOO!!!! BAWAS NA SA MGA BITTER!!!! PA-KAPE KA NAMAN RAZEL!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. number one bitter yan si razel eh kaya dapat alisin na sa mundo..este sa listahan lang pala haha..

      Delete
    2. HAHAHAHAHAHA! Kailangan mabawasan ang bitter sa magkakaibigan kundi sasabog ang earth.

      Delete
  2. Grabe lang tawa ko dito. :D HAHAHA Hindi kaya magpinsan sila ni Allen? :D

    ReplyDelete
  3. Teka lang... hindi ako makapagbasa...huhuhu...

    pramis, kapag may time na magbabasa ako... silip lang ako...


    babay!!!

    -QueenRichelle

    ReplyDelete
  4. HINDI NAPOST YUNG UNA KONG COMMENT! WAAAAAAAAAAAAAAAAA

    ReplyDelete
  5. ANG SAYA-SAYA!!!! NASAKTAN SI GGSS!!! SUPALPAL SI GGSS!!!

    doon na tayo sa kwento... pwede mag-commit ng crime? pwede bang paslangin ko lahat ng mga bully kong kaibigan at si allen mismo? hahaha...

    yung mga linya naman ni johana, tinalo pa ang manghuhula, nangyayari agad-agad...hahaha..

    nababa-badtrip ako... hindi detailed yung sa moment namin ni Alex... madaya..hahaha...tapos lasing pa kami pareho...ahahahaha...

    tapos gusto ko na ring balatan ng buhay si Alex dahil bigla na lang syang missing in action.. pero thankful ako for having good friends like them...

    mangyari man yan sa akin sa totoong buhay..yung mabuntis tapos walang daddy yung baby ko, itutuloy ko pa rin.. pangarap ko yan!!! hahaha!!! at sana suportahan din ako ng mga kaibigan ko... hahaha....


    ok, unexpected talaga ang biglang pagbabalik ni ALex.. walangya, wala man lang pasabe... surprise kung suprise... pati pagpo-propose surprise, wala tuloy singsing...hahaha...


    thanks espren pressy for this wonderful story... wish mo na lang na magkaron ako ng TOTOONGLABLAYP, yung hindi panandalian lang..hahaha...


    ~QueenRichelle~

    ReplyDelete
  6. Na miss ko talaga ang ddh so ngread talaga ako kahit busy.. Im glad that i did!

    I ssssoooo love this! Haha.. Nabigla ako,mei cameo pala ako rito.. Haha..

    Pakingteyp na valentines day na yan oh! Nananadya! Haha.. Bukas na pala yun.. And im actually reading ths story right now.. Naks nman sa timing...

    Gawa ka pa ng short stories ate josa ko.. Hehe.. Ung mga gawa nyo talaga ang gustong kong basahin pag masama pakiramdam ko.. Nakakagaan eh.. (And no, hndi ako umiispeech, namiss ko lang mgcomment dito XD)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^