Wednesday, January 1, 2014

You Are My Life : Chapter Twenty Two

AUTHOR'S NOTE:
New Year Special update. :) Bumabawi ako sa inyo. :) HAPPY NEW YEAR!
------------x
(Martin's POV)
Nung magising ako, may babaeng nakayuko sa tabi ko at parang natutulog. Katulad ng buhok niya yung buhok ni Danielle kaya itinaas ko yung kanan kong kamay at hinaplos yung buhok niya.

"Danielle." Napapikit ako nung makaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko. Shit. May saksak nga pala ako sa tagiliran.


Naramdaman kong inangat niya yung ulo niya kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa buhok niya pero di pa rin ako dumidilat. Masakit pa rin kasi yung tagiliran ko.

"Martin, baby."

Napadilat ako nung mapansin kong kakaiba yung boses. Pamilyar pero hindi boses ni Danielle.

"A-althea, what are you doing here?" I asked.

Pinilit kong maupo pero pinigilan niya ako. "It's okay, It's okay." Sabi ko sa kanya saka ko pinilit maupo. Medyo sumakit yung sugat ko sa tagiliran pero hinayaan ko lang.

"What are you doing here? Diba dapat nasa US ka?"

Naupo siya sa upuan sa tabi ng kama ko. Napansin ko kung gaano kalungkot yung mga mata niya. Mamasa masa rin yung mga mata niya. Siguro kagagaling lang sa pag-iyak.

"Martin... Martin he's not like you..." She started to burst into tears.

"What do you mean?"

She looked at my eyes. "Akala ko okay kami... Akala ko... Akala ko ako lang talaga. Akala ko panaginip ko lang na may iba daw siyang babae. Akala ko mahal niya ako, pero Martin... Martin akala ko lang pala lahat yun." She choked and started to sob loudly. "Martin... I saw him with a lady last night. Tapos... nung sinugod ko sila, tapos napansin niyang ako yun, parang naging cold yung expression niya. Nagmakaawa ako na wag niya akong iwan pero bigo ako. Nakipag-break siya sakin at iniwan ako sa parking lot ng bar sa US. Martin, ano bang meron sa akin? Minahal ko naman siya eh. Ginawa ko naman lahat para sa kanya. I even gave my virginity to him tapos ganito yung mangyayari. Martin kaya ako pumunta dito kasi ikaw lang yung laam kong makaka-intindi sakin. Kahit wag ka ng mag-advice. Kahit... Kahit makinig ka lang okay na."

Hinawakan ko yung kamay niya kaya napatingin siya sakin. Tumango ako kaya tumayo siya at yumakap sakin.

After the hug, I cupped her face while she's crying. "Stop crying, babe. He's not worth your tears."

"Martin I heard about your break up with her. Martin, please tayo na lang ulit? I want to fall in love with you again. Just you."

Tumango ako. "Don't fall too hard, babe. I can't promise to catch you when you fall too hard. You know I love her that much, so please no."

Tumango-tango siya. Inilapit niya yung mukha niya sakin habang nakatitig siya sa mga labi ko. Tumitig ako sa mga mata niya tapos bumaba yung tingin ko sa mga labi niya. Parang hinihigop ako nun at parang ang sarap-sarap halikan. Mas inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Her kisses almost drown me kung hindi lang talaga biglang bumukas yung pinto at may suminghap. Napalingon kami ni Althea at nakita namin dun si Mika at Cyrus. Si Mika yung suminghap habang si Cyrus nakatitig sa akin ng masama. Sumugod sila. Tinabig ni Cyrus si Althea tapos hinila ni Cyrus yung hospital dress na suot ko kaya napa-angat yung katawan ko.

"Oo, thank you dahil niligtas mo ko. Pero yung mahuli kitang may kahalikang babae habang kayo pa ng matalik kong kaibigan? Eh gago ka pala eh!" Sabi niya sabay tulak sakin.

Napansin kong pipigil dapat si Althea pero hinila siya ni Mika sa braso tapos sinampal siya.

"Huwag mo siyang saktan!" Sigaw ko.

Sumubsob si Althea sa hospital bed kaya sinalo ko siya at niyakap.

"Saktan niyo na ako huwag lang siya! Hindi niyo alam kung gaano siya kaimportante sa akin." Sabi ko.

"Mas importante pa siya kesa sa girlfriend mo na nagligtas sayo at hinarap pa si Matthew para lang mabawi ka?! Anong katangahan yan Martin?!"

"Tangina, Cyrus! Para malaman mo, break na kami ni Danielle! At para malaman mo rin, si Danielle yung nakipag-break, hindi ako!"

"Eh putangina mo pala eh! Hindi ko tinatanong kung sinong nakipag-break! Ang importante sa akin dito, yung kaibigan ko! Sa pangalawang pagkakataon 50/50 na naman yung buhay ng kaibigan ko! Kung siya lang naapektuhan, matatanggap pa namin eh. Pero may batang hindi pa nga nabubuhay at isang linggo pa lang ang itinagal sa tiyan niya, nadamay."

Parang gumuho yung mundo ko sa sinabi ni Cyrus. Ano? May bata sa sinapupunan niya na namatay? Putangina, gusto kong patayin yung sarili ko.

"Papunta siya dito nun para sundan kami dahil isinugod ka namin dito tapos nung tumawag si Fei, may humahabol daw sa kanya at napaparinig ni Fei yung mga tama ng bala sa kotse ni Danielle. Nung makarating siya sa may ER, duon siya hinimatay dahil nagkulang na siya sa dugo. Tinawagan ako nung isang nurse at sabi pumunta daw ako dun." Nagsimula nang umiyak si Cyrus. "Pre, kung alam mo lang. Kung nakita mo lang siya nung pinuntahan ko siya dun. Nagflashback sakin lahat ng nangyari years ago. Nung nag 50/50 siya at wala akong nagawa para iligtas siya. Pre, hindi mo kasi siya nakita kung gaano siya naghirap para lang iligtas ka na umabot pa sa puntong siya na naman yung muntik mamatay. Duguan siya nung inabutan ko siya dun. Ang putla-putla ng labi niya pati ng katawan niya."

Nanlamig ako sa narinig ko. Pinilit kong tumayo pero pinigilan ako ni Althea.

"Get off me, Althea. I need to see her right now." Pagmamadali ko.

Hinawakan ko yung sabitan ng dextrose ko tapos lumabas ako ng kwarto. Paika-ika pa akong naglalakad. Maya-maya nung hindi ko na kinaya, natumba ako sa hallway ng ospital, mabuti na lang may mga lalaking nurse na tumulong sa akin at binigyan ako ng wheel chair at pinaupo ako dun. Sinamahan pa nila ako papunta sa information desk sa baba.

"Sir ano po yun?" Tanong nung babae sa information desk.

"Nasa ICU pa ba si Danielle Rivera?"

"I'll check po, sir." Humarap yung babae sa may monitor niya at naghanap. Maya-maya bumaling ulit sa akin. "Sa may ICU 4 po, sa 4th floor." Tapos bumaling siya sa dalawang nurse na kasama ko. "Paki-dala na lang si sir dun."

Dinala ako nung dalawang nurse sa may 4th floor sa ICU 4 tapos pinagsuot lang nila ako ng mask and hair net na puti tapos iniwan na nila ako. Hinawakan ko yung dalawang gulong ng wheel chair at pinaandar papalapit sa kamang hinihigaan ng dalagang walang malay. Totoo nga ang sinabi ni Cyrus. Ang putla-putla niya. May nakakabit na oxygen sa ilong niya tapos dextrose naman sa may kamay niya. Mas lumapit ako at hinawakan yung kamay niya. Bigla na lang tumulo yung luha ko nung hawakan ko yung kamay niya.

Palagi na lang siyang nasa ospital. Suki na yata siya sa ospital eh. Putangina mo, Martin. Nagagawa mo pang magbiro sa kabila ng pinagdadaanan ng mahal mo.

Inilapit ko ng konti yung wheel chair tapos naglean ako at hinalikan yung kamay niya.

"Sana hinayaan mo na lang akong mamatay dun, mahal ko. Sana hinayaan mo na lang at hindi mo na lang ako niligtas kasi lahat naman kakayanin ko basta para sayo. Ayoko kasing nakikita kang naghihirap eh. Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan ka. Hindi ko alam kung bakit naging kumplikado bigla ang lahat. Dumating lang si Matthew nagkaganito na. Danielle, mahal ko, matatag tayo eh. Mas matatag pa tayo kesa sa inaakala ko eh. Bakit bigla na lang tayong nasira?" Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Yumuko na lang ako at umiyak sa kamay ni Danielle. Ang sakit-sakit. Mas masakit pala sa pakiramdam yung makita mo yung taong mahal mo na naghihirap emotionally and physically.

May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako. Nakita ko dun yung doctor tapos sa likod niya nurse na babae.

Inatras ko yung Wheel Chair para makadaan siya at ma-check up niya si Danielle.

"Doc, ano po ang lagay niya?" I asked.

Tinanguan ako nung doctor. Dinala nila ako sa labas tapos naupo yung doctor sa may bench habang ako nakaharap sa kanya.

"Sir, ka-ano-ano ka po ng pasyente?"

"Nobyo niya po. Ano po ang nangyari sa kanya?"

"Nung isang gabi po, dumating siya sa ER na hinang-hina. Puro dugo po yung tagiliran niya tapos maya-maya lang hinimatay na po siya. We checked kung anong nangyari and it turns out na nagkulang na siya sa dugo. May tama siya ng baril sa tagiliran niya at yun ang naging dahilan para makulangan siya ng dugo. Dahil dun, naapektuhan yung baby na dinadala niya na sa palagay ko po eh linggo pa lang ang itinatagal. Nakakuha na rin po kami ng isang bag ng blood kaya inaantay na lang po namin na magising siya and magstable yung lagay niya kasi as of now po, mahina pa rin yung katawan niya. Nalinis na rin po namin yung cells ng baby na natira sa katawan niya."

Habang sinasabi yun ng doctor na babae, iyak lang ako ng iyak. Tangina mo talaga, Martin. Kasalanan mo yan eh.

"Doc, please gawin niyo po lahat." Humahagulgol kong sabi.

"I will, sir."

"Martin!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita kong tumatakbo papalapit si Althea. Nung makalapit siya, agad niya akong niyakap.

"Mauna na po ako, sir." Paalam nung doctor. 

Umalis na yung doctor tapos si Althea umupo sa harap ko.

"Grabe, Martin. Akala ko kung ano nang nangyari sayo."

"Althea, I'm fine. Pinuntahan ko lang dito si Danielle para kamustahin siya and it turns out na ang putla-putla niya pa rin."

Hinawakan ni Althea yung kamay ko. "Martin, you also need to rest. Paano ka magpapaka-tatag para sa kanya kung pati ikaw mahina pa?"

I smiled. She's right. I should take a rest first para maalagaan ko si Danielle.

After 2 weeks

Nakalabas na ako ng ospital. Hindi na masakit yung katawan ko pero medyo may sugat pa rin yung tagiliran ko. Parati kong pinupuntahan yung kwarto ni Danielle sa Smith's pero ayaw akong papasukin ni Cyrus. Well, silang lahat. Ang alam ko hindi galit si Tita tsaka si Precious pero dahil sinabi siguro ni Cyrus na wag akong papasukin, di nila ako pinapayagang pumasok. Tangina lang.

Naglalakad ako ngayon sa may hallway ng ospital. Tatlong araw akong hindi nagpakita sa kanila, nagbabaka-sakaling akalain nila na sumuko na ako.

Nung makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Danielle, pinihit ko ang seradura at binuksan ang pinto. Si Danielle lang ang tao sa loob kaya pumasok ako at ni-lock yung pinto. Natutulog si Danielle kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. Medyo gumalaw siya. Naupo ako sa upuan malapit sa hospital bed at hinawakan ang kamay niya. Nagmulat siya ng mata at tumingin sakin.

"Hi." Simpleng bati ko sa kanya.

Tinitigan niya lang ako. Maya-maya pa, umupo siya.

"Bakit ka nandito?" She asked.

"Babe, ako dapat yung nandito at nag-aalaga sayo." 

Umiwas siya ng tingin at binawi yung kamay niya. "Break na tayo diba? Bakit pa?"

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. So that's it? Talagang break na kami para sa kanya?

"Kapag mahal mo kasi gagawin mo lahat para sa kanya."

Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay. "Sa tingin mo ba, minahal talaga kita eh niloko na nga kita? Martin, niloko kita! Hindi pa ba sapat na dahilan yun para iwan mo ko? Martin wag kang tanga!"

"Oo, minahal mo ko. Naramdaman ko eh. Niloko? Babe, hindi. Hindi ko naramdaman na niloko mo pala ako pero sige, kung niloko mo nga ako, maniniwala na lang ako. Pero Babe, hindi ako magagalit. Kasi nararamdaman ko kapag nagsisinungaling ka o hindi."

"Niloko kita, Martin! Yung sinabi ko sayo na kay Matthew yung batang dinadala ko? Martin, sayo yun eh! Oo na, sige. Inaamin ko na, hindi ko kayang magsinungaling pagdating sayo. Oo na, sige, mahal kita. Mahal na mahal kita. Pero Martin, we need a break. Siguro tama na muna yung nangyari sa ating dalawa. Masyado na kasing masakit eh. Masyado na tayong pinapahirapan ng tadhana. Siguro panahon na para itigil na natin 'to. Magpahinga muna tayo. Kung tayo talaga para sa isa't isa, dadating tayo sa panahon na yun." She started to cry.

"Babe, kung ano man yung nagawa ko, Sorry. Sorry sa lahat. Sorry kasi hindi ako nag-ingat. Nagpadalos-dalos ako at hindi kita inintindi. Sorry kasi naging iresponsable ako pagdating sayo. Pero Babe, bakit kailangan nating maging ganito? Babe mahal na mahal kita eh. Hindi ko kayang maala ka sa buhay ko. Better yet, hindi ko kayang mawala yung buhay ko. Sinasabi ko sayo, Babe, hindi ko kaya kapag wala ka. Baka di ko mapigilan yung sariil ko at mapatay ko pa sarili ko. Babe please. You don't have to do this. Okay naman tayo eh."

"Okay? Martin, okay tayo DATI. Mula nung dumating si Matthew sa buhay natin nagkagulo na tayo. Oo, masaya naman tayo dati eh. May selosan at may tampuhan pero nalalampasan natin yun dati, pero ngayon, hindi na kaya eh. Love is never enough, Martin. Oo nga at mahal natin ang isa't isa, pero marami nang nangyari. Hindi ka pa ba napapagod? Ako kasi ngayon ko nararamdaman yung pagod. Parang hindi naman kasi worth it kahit ipaglaban natin yung atin. Pilit akong inaagaw sayo ni Matthew. Sa tingin mo magiging tahimik tayo kung parati niya na lang tayong ginugulo? Martin, hindi! Lalo lang tayong di magkakaintindihan kapag ipinilit natin 'to ngayon. Please, I need space."

"Danielle, Babe, let's fix this."

"We can't fix this now, Martin. Sorry." Sabi niya saka humiga at tumalikod sakin.

Wala akong ibang nagawa kaya tumayo na lang ako at dumiretso sa pinto. Nung pipihitin ko na yung seradura, biglang bumukas yung pinto. Lumantad sa harap ko si Cyrus.

"Eh gago't kalahati ka pala talaga eh. Ang kapal naman talaga ng mukha mo para pumasok dito 'no? Pagkatapos kitang makitang may kahalikan last 2 weeks tapos ngayon nandito ka sa kwarto ng kaibigan ko? Tangina mo rin eh." Tinulak at sinapak ako ni Cyrus pero di na ako pumalag. Nilagpasan ko na lang siya at umalis. 

Pumunta ako sa Parking Lot ng ospital at pumasok sa kotse ko. Pinaandar ko ito tapos nagplay ako ng music.

NP: Faber Drive - I'll be there


Tangina, parang gusto kong patayin ulit yung kanta pero may pumipigil sa akin eh.

♫ ♪ If your lost, 

And you need to find some escape
Or some peace of mind, 
Call my name
When you need a friend
I'll be there, I'll be there
If your dreams
Are drenched in sweat
You can't sleep
There's too much in your head
Call my name
Any type of day, 
I'll be there, I'll be there ♫ ♪


Shet na feeling 'to. Naiiyak na ako dahil sa pagkarelate ko sa kantang 'to.

♫ ♪ When you can't carry on, 

When the road's way too long
Know that you're not alone
I can carry you home
If you hold on tonight
I'll be there (Da, da, da, da...) ♫ ♪


Shit. Ngayon lang ako nagkaganito. Yung umiyak ako sa babae. Kay Danielle lang. Si Danielle lang yung tanging babae na iniyakan ko at patuloy na iniiyakan. Mahal na mahal ko siya, anong magagawa niyo? At yung pagtaboy niya sakin kanina? Shet. Ang sakit eh. Oo, mahal niya ako. Oo na, sa akin na yung batang namatay sa tiyan niya. Putangina, bakit ko pa naalala yun. Mas naiiyak lang ako. Anak ko yun! Sa halip na ako yung pumoprotekta sa kanya ako pa yung wala sa tabi niya nung mga oras na nagluluksa siya para sa namatay naming anak. Putangina mo, Martin. Ang bobo mo para pakawalan basta-basta si Danielle.

♫ ♪ If you give, 

Till you've got nothing left, 
Wanted more, 
But you end up with less, 
All your friends, 
Have turned away
But I'll be there, I'll be there ♫ ♪


Shet talaga! Ang sakit! Gusto ko na lang magpakamatay para mawala 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon. Tangina bakit ba ganito.

♫ ♪ When you can't carry on, 

When the road's way too long
Know that you're not alone
I can carry you home
If you hold on tonight
If you hold on tonight ♫ ♪


If you just hold on tonight, Danielle. If you hold on tonight maybe this night won't be over now. It will never be over now.

♫ ♪ The weight of the world is too much to take

Pulling you down like a tidal wave
I can hold you, I will hold you
Here and now ♫ ♪


I can hold you forever, Babe. I will hold you even if it costs a broken heart. I will hold on to you, Babe. I'll fix this, don't worry.

♫ ♪ If you're lost and you need to find some escape, 

Or some peace in mind, yeah

When you can't carry on, 
When the road's way too long
Know that you're not alone
I can carry you home
If you hold on tonight
When you can't carry on
When the road's way too long
Know that you're not alone, 
I can carry you home
If you hold on tonight, 
I'll be there ♫ ♪


I will always be there to hold you, Babe. I'll carry you when you can't carry on, I promise you that.

♫ ♪ When the world seems wrong

When you've come undone
No, you're not alone
I'll be there for you
When the world seems wrong
When you've come undone
No, you're not alone
You know I'll be there, (Da, da...) ♫ ♪


You were never alone, Babe. I'm here for you. I'll be there for you. I'll be better for you. I will always be there to protect you when the world seems wrong. Even if its too hard to hold on because of thorns. I'll be there for you, because I love you. Forever and Always, Babe.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^