(Martin's POV)
5 days have passed. 5 days without communication with her. Break na talaga? :/ Ang sakit kasi eh. Pasensya na.
Nagring yung phone ko kaya dinampot ko yun at sinagot ang tawag.
"Yes?"
"Dude, si Prince 'to. Ready na yung grupo nila Carter. Kararating lang nila dito sa pilipinas kaninang 4 ng madaling araw."
"Okay, dude. Salamat. Pakisabi sa kanila magpahinga muna sila. Aantayin ko yung tawag ni Matthew."
"Sige sige, dude. Sinasabi ko na nga ba eh. Gago yang kapatid mo."
Pinatay ko na yung tawag imbis na bulyawan ko pa si Prince. Tangina ni Matthew. Babawiin ko muna si Cyrus bago ako makipagbalikan kay Danielle.
Nilapag ko sa Bedside table yung phone ko tapos bumangon. Pumasok ako sa banyo at naligo.
"Beb, okay ka na?" Hindi siya sumagot kaya sinundot ko siya sa tagiliran.
"Putarages naman, Martin!"
"Look, ano na naman bang ginawa ko this time?"
"Ano nga bang ginawa mo? Hmm. Nakita lang naman kitang may katawanang babae at nagusap pa kayo. Talaga namang hindi ka pa nakuntento sakin 'no? Martin ibinigay ko na sayo lahat! Jusko naman, pati katawan ko binigay ko na sayo tapos may gana ka pang maghanap ng iba, nalingat lang ako saglit? Wow naman."
Sumeryoso yung mukha ko. What did I do this time? What did you do this time, Martin?
"First of all, hindi ko sinabi sayo na magtalik tayo. Second, nasuka yung tao kanina kaya tinulungan ko dahil katabi ko naman. Nagthank you siya sakin at nahihiya pa nga siya dahil sa ginawa niya kaya dinaan na lang namin sa tawa. Third, hindi ako naghahanap ng iba kaya please naman, wag kang praning dyan!" I said to her.
"Nagiging praning na nga ba ako? Martin, takot lang kasi ako na mawala ka sakin! Minsan na akong natakot! Alam mo ba kung kelan? Nung inakala naming lahat na patay na si Matthew. Sa totoo nga lang, dapat nga hanggang ngayon galit pa rin ako sayo dahil itinago mo sakin na alam mo palang buhay si Matthew, pero hindi ako nagalit sayo! Mahal kasi kita at hindi ko kayang magalit sayo, Martin!" Fuck! She started to cry! Martin, ano nga bang ginawa mo? "Well siguro nga tama yung sinabi nung gwapong lalaki na yun. Na iiwan mo rin ako, pero ako rin 'tong isang tanga't kalahati eh, ipinagtanggol pa kita na hindi mo ako kayang iwan pero ayun na nga, kitang-kita ko na nagtatawanan kayo nung babaeng yon! Ano bang akala mo sakin Martin? Kung katawan lang ang habol mo sakin, sana sinabi mo na lang agad! Ayokong maging tanga sa harap ng ibang tao, Martin. Lalong lalo nang ayokong magmukhang tanga sa harap mo."
"Sino yun? So ganyan na pala tayo ngayon? Nagiging impulsive ka na dahil lang nakita mo akong may kasama kanina?" I asked.
She crossed her arms. "So what if I'm being impulsive now? Why do you care? Don't waste your time, Martin. Wala akong panahon para makipaglokohan sayo."
"Sinong nagsabi sayo na nakikipaglokohan ako? Sa tingin mo may gana pa akong makipag-lokohan ngayong nag-aaway tayo?"
"Don't fool yourself, Martin. Tama si Matthew, manloloko ka nga."
"So si Matthew na naman. Kelan ba niya tayo lulubayan, Danielle?! Can't you see?! Ginagawa ko naman lahat para sayo ah? Ano pa bang gusto mo?"
"Gusto ko ng break-up! Ano, masaya ka na?"
Break-up? Fuck! Yun yung gusto niya? Bakit? Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba matatag kami?
Fuck these tears! I started to cry too.
"Break-up? Danielle akala ko ba matatag tayo?"
"Matatag? Akala ko din, Martin eh. Akala ko hindi tayo matitibag ng kahit na anong pagsubok, pero ito lang pala yung makakapagpatibag satin, yung simpleng away natin. We're stronger than this, Martin, diba?"
And then she left. And it hurts.
Natauhan ako nung marinig ko yung sarili ko na humahagulgol.
Ang sakit! Akala ko sa lagay namin na 'to matatag kami. Kasi ang dami na naming napag-daanan eh. Madami na masyado at hindi na halos kaya ng puso ko. Putcha, bakit ang sakit?!
Sinimulan kong suntukin yung tiles sa pader sa galit ko.
Hindi ako galit kay Danielle. Tangina, galit ako sa sarili ko. Galit ako kasi hindi ko siya inalagaan! Putangina! Gusto kong magmura. Gusto kong sumigaw hanggang sa mawala 'tong sakit na 'to. Gusto kong magpaka-lulong sa alak para malimutan ko yung sakit. Gusto kong saktan yung sarili ko para maging manhid na lang ako. Gusto kong wasakin yung mga gamit dito sa banyo. Gusto kong pumatay ng tao kasi masakit. Gusto kong mamatay kasi ayoko nang maramdaman kung gaano kasakit maiwan. PUTANGINA! Gusto ko yun gawin pero kailangan ko si Danielle! Kailangan ko siya dahil siya ang buhay ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko kapag hindi ko naibalik sa akin si Danielle. Putangina talaga, ang sakit!
Tinapos ko na yung pagligo tapos kumuha ako ng benda at binendahan ko yung kamay ko.
Dinampot ko yung phone ko at lumabas na ng pad ko. Bumaba ako sa Carpark at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko iyon papunta sa Darkeey Wineey Restobar. Pagkadating, umasok ako sa loob at nag-order.
"Brad, Red Horse nga!"
Binigyan niya ako ng bote ng red horse kaya agad ko iyong nilaklak. Tangina, init.
"Brad, may blood mary kayo?"
"Meron po, sir."
"Isa nga."
Binigyan niya ako ng bloody mary kaya ininom ko.
Tangina, sakit mawala ka na! Hirap na hirap na ko!
(Danielle's POV)
"Danielle, tumawag na ba sayo si Matthew?" Tanong ni Fei. Kausap ko siya sa phone.
"Di pa, Fei. Pero feeling ko tatawag yun maya-maya. Magbibihis na lang ako."
"Samahan ka na namin, Danielle."
"Wag na, Fei. Madadamay pa kayo sakin. Kaya ko naman."
"Tawagan ko na lang si Martin para samahan ka."
"No!"
"Ha? Bakit naman? May nangyari ba?"
"Ha? A-ah, wala."
"Wala? Meron, Danielle. Sabihin mo yung totoo."
"Fine. Break na kami."
"SAY WHAT?! BREAK NA KAYO?"
"Nyeta, fei. Oo, Break na kami."
"Ganun lang kadali, Danielle? Ganun lang kadali para sayo na ilet go si Martin?"
"Fei, nasasaktan din naman ako!"
Tears started flowing down face. Fuck!
"Fine, fine. Stop crying na. I'll talk to you soon, Danielle. Take care." Sabi ni Fei saka na ibinaba ang tawag.
Pumasok ako sa kwarto ko. Binuksan ko yung cabinet ko at pakiramdam ko gusto kong yakapin yung buong cabinet. Shet, may mga damit dito si Martin. Ibalik ko na kaya 'to sa kanya?
Tama, Danielle. Ibalik mo na sa kanya yan. Tapos na kayo diba? Tapos na kayo para sayo diba? Mabuti pa nga para makapag-move on ka na.
Kinuha ko yung bag ni Martin na malaki sa ilalim na part ng cabinet. Sinimulan ko nang alisin yung mga damit ni Martin sa cabinet ko at nilalagay sa bag.
Ewan ko kung bakit, pero habang ginagawa ko yun umiiyak ako. Ang sakit ng ginagawa ko. Ang dami na naming napagdaanan ngayon pa ako sumuko. Putangina naman.
Nung matapos ako sa paglalagay ng mga damit sa bag, nagbihis na ako. Jeans at white polo and flats lang tapos dinampot ko na yung wallet, phone at yung bag saka bumaba.
Pagbukas ko ng pinto, nabitawan ko yung bag.
(A/N: Play the music video at the right side. Multimedia Section. Thank you.)
Nasa harapan ko si Martin, umiiyak. Pulang-pula yung mga mata niya kakaiyak.
"Please come back to me, Danielle."
Shit. Dapat ako yung pumupunta sa condo niya para sabihin yung linyang yan.
Nagulat ako nung lumuhod siya sa harap ko habang nakahawak sa mga kamay ko.
"Danielle, please. I'm begging you. Please come back. Please. I love you, Danielle. I really do. Di ko kayang mawala ka sa buhay ko. Danielle ikaw na yung--yung buhay ko. Danielle mamamatay ako kapag nawala ka sakin. Danielle please come back." Umiiyak niyang sabi habang nakatingin siya sa mga mata ko.
Seeing him like this... Fuck. Danielle what have you done?
"Martin, tumayo ka dyan." Hinatak ko siya pero pilit niyang tinataboy yung kamay ko.
"No, no. Hindi ako tatayo dito hangga't di ka nakikipagbalikan sakin. Danielle, mahal kita."
"Tumayo ka sabi, Martin!" Hinatak ko siya kaya tumayo siya. Bumubuhos pa rin ang luha mula sa mga mata niya.
"Danielle, please."
Sabihin mo na, Danielle. Magsinungaling ka na lang. Kayanin mo na lang. Saktan mo na lang siya ngayon, lilipas din yan.
"Martin ano ba? Diba break na tayo?! Ano pa bang gusto mo?!"
"Gusto kong bumalik ka sakin, Danielle! Please, Danielle! Parang awa mo na!"
Umiling-iling ako. "Martin, hindi na. Hindi na ako babalik sayo. Mahal ko si Matthew. Inaamin ko, mahal ko pa rin si Matthew. Hindi naman nawala yun eh. Siya pa rin yung kauna-unahan kong minahal."
"Hindi totoo yan! Danielle ako yung mahal mo! Ako na yung mahal mo! Danielle sinisira niya lang tayong dalawa!"
"Tama na, Martin! Wag mo ng saktan yung sarili mo! Hindi na kita mahal! Umalis ka na dito! Umalis ka na sa harap ko!" Pinulot ko sa sahig yung bag tapos ibinato ko sa kanya. "Umalis ka na, Martin! Wag ka nang bumalik! Umalis ka na sa buhay ko kasi sawang-sawa na ko sayo! Punong-puno na ako! Hindi ko na kayang magpanggap para kay Matthew! Gusto na naming tapusin 'to! Gusto naming dalawa na lumayo ka na sa akin! Martin, sa kahit anong bagay may magaling sayo si Matthew!"
Natigilan siya at parang nawala yung pamumungay ng mga mata niya.
"So ginamit mo lang ako? So kung sakali palang nabuntis ka sakin mo ipapasa yung obligasyon ni Matthew?"
Natigilan din ako. Pero agad ko iyong binawi. "Oo, buntis ako! Anak ni Matthew 'tong dinadala ko! Kapag hindi ka lumayo, ipapasa ko na lang sayo yung obligasyon ni Matthew. Pero iiwan ko yung bata sayo kapag nanganak na ako."
"Handa ako, Danielle! Aakuin ko yung bata basta wag ka lang lumayo! Wag mo kong iwan parang awa mo na! Danielle, please!"
Tinulak ko siya. "Umalis ka na, Martin! Dalhin mo na yang gamit mo! Wag ka nang babalik! Hindi kita mahal! Niloko lang kita! Umalis ka na!"
Magsasalita pa dapat siya kaso tumunog yung phnoe ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko. May Unknown number na tumatawag. Sinagot ko ito.
"Hello?"
"Hello, mahal ko. Si MDP ito, ang nagmamahal sayo."
"Hi, Matthew, mahal ko. Kamusta ka na?" Tumitig ako kay Martin. Mas lalong bumuhos yung luha niya.
Maya-maya binawi niya yung phone ko sakin tapos siya yung kumausap kay Matthew.
"Putangina mong hayop ka. Saan mo dinala si Cyrus? Tayo magharap kung ako ang gusto mong putangina ka."
Lumapit ako at pilit kong inagaw sa kanya yung phone pero ayaw niyang ibigay.
"Martin, ano ba!"
"Wag kang puro asar, hayop ka. I-text mo sakin yung address, tayo ang magtutuos, putangina ka." Ibinaba niya na yung tawag.
Binigay niya sakin yung phnoe ko tapos dinampot niya yung bag at tumalikod na.
Aalis na dapat siya kaso hinawakan ko siya sa braso.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kanya tapos sa mga mata ko. "Bitaw." Sabi niya.
Bumitaw ako pero hinila ko siya sa t-shirt niya.
"Wag kang pupunta sa kanya. Delikado si Matthew."
"Bakit mo ako pinipigilan ngayon? Diba hindi mo ako mahal? Diba niloloko niyo lang naman akong dalawa? Diba plano niyo naman talaga 'to? Wag mo akong pigilan, Danielle."
"Please, Martin. Wag kang pupunta."
Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa t-shirt niya tapos tinignan niya ako sa mata.
"Wag kang mag-alala, Danielle. Aakuin ko yang batang dinadala mo dahil mahal kita. Antayin mo ko. Masakit, Danielle, pero mas masakit pag hinayaan lang kita kaya ipaglalaban kita kahit sa huling hininga ko." Tumalikod na siya. Naglakad palayo pero tumigil at bumalik. Hinalikan niya ako ng mariin sa noo saka na umalis.
Naiwan akong nakatulala mag-isa. Pumasok ako at sinarado yung pinto. Naupo ako sa gilid at duon humagulgol.
Baka mapano siya dun. Baka patayin siya ni Matthew. Baka di na siya ibalik sakin ni Matthew. Baka... baka kapag nalaman ko yun magpakamatay na lang rin ako.
(Martin's POV)
Nagda-drive na ako papunta sa address na tinext sakin ni Matthew.
Tangina. So totoong may relasyon si Danielle at si Matthew? Tangina, para akong sinasaksak ng ilang beses ngayon. Ano bang meron at parati na lang akong niloloko ng mga tao sa paligid ko? Oo na, hindi naman ako dapat nagpapaniwala sa sinabi kanina ni Danielle pero anong magagawa ko, mahal ko eh, kaya lahat paniniwalaan ko. Magpapaka-tanga ako para sa kanya kasi sobra ko siyang mahal. Mahal na mahal ko siya to the point na isususgal ko yung buhay ko para sa kanya.
Tumunog yung phone ko kaya dinampot ko. Tumatawag si Prince.
"Pre."
"Pre, tumawag na?"
"Sunod na kayo sa isesend kong address. Bilisan niyo. Malapit lang 'to sa HQ natin sa Laguna."
"Sige-sige, pre. Sabihin ko sa kanila."
Pinatay ko na yung tawag tapos ni-forward ko kay Prince yung address.
Maya-maya nakarating na ako dun. Inantay ko silang dumating.
"Pre, baril mo." Inabutan ako ni Prince ng dalawang baril.
Nasa may Sta. Rosa kami. Sa may liblib na lugar. Medyo malayo pa kami.
"Pasok kayo sa likod habang nakikipaglaban kami sa harapan. Edward, sama ka sakin. Pati ikaw, Prince. Si Kristoff nasaan?"
"Di ko ma-contact, dre." Sabi ni Edward.
"Osige. Carter, hatiin mo yung grupo mo sa dalawa. Isang grupo sa likod isang grupo sa harap. Sama ka dun sa grupo sa likod. Kailangan ka dun."
"Sige, boss."
Nung nahati na yung grupo, pumwesto na kami. May kanya-kanya kaming lapel na magkaka-konekta. Wala lang wire.
"Lahat ng makita niyong kalaban patayin niyo. Use your abilities. Prince, maghagis ka ng granada." Utos ko.
Naghagis ng granada sa loob si Prince.
"Done, dude."
"Edward, yung smoke grenade ihagis mo."
Naghagis si Edward ng smoke grenade.
"Done, pre."
Sabay-sabay na naming isinuot yung mask namin. Inantay naming sumabog yung granada at umusok yung smoke grenade na may kasamang pampatulog bago kami pumasok.
May mga lasog-lasog na katawan sa loob. May mga tulog din. Nung pumunta yung mga galing sa likod na mga tauhan ni Matthew, nakatulog din.
"Prince, and Edward, tara dito."
Pumasok kami sa loob ng mansyon. Binabaril ko yung mga nakakasalubong ko. Humiwalay na sila Prince at Edward sakin. Nung nagkainitan na, pumasok ako sa isang kwarto. Muntik pa akong mabaril sa likod mabuti naka-iwas ako.
Sinara ko yung pinto. Pagtalikod ko, nakita kong may lalaking nakayuko.
"Cyrus!" Lumapit agad ako sa kanya. Tulog siya kaya tinapik-tapik ko yung pisngi niya.
"Pre, gising."
Naalimpungatan siya. Nagulat siya nung nakita niya ako sa harap niya. Kinalagan ko siya at tinanggal ang tel sa bibig niya.
"Pre, si Mika. Kailangan niya ako. Kasama niyo ba siya?"
Umiling-iling ako. "Ako lang at ang mga kasamahan ko ang nandito. Di ko kasama sila Mika."
Yumakap sakin si Cyrus. "Salamat, pre."
Tumango ako. Binigay ko sa kanya yung isang baril ko. "Umalis ka na dito, pre. Mauna ka na. Bilisan mo."
"Salamat talaga, pre. Ingat ka."
"I will, pre. Sige na. Ingat ka rin."
Umalis na siya. Nagpahinga muna ako saglit bago lumabas ng kwarto. Binaril ko yung una kong nakita.
Lalakad na sana ako kaso may naramdaman akong matalim sa may leeg ko.
"Long time no see, brother. Kamusta ka na?"
Inilabas ko yung kutsilyo sa bulsa ko. Siniko ko siya sa mukha kaya nabitawan niya yung kutsilyo niya at napaurong. Itinutok ko sa kanya yung kutsilyo ko. Tumawa lang siya.
"Do it! Tandaan mo, kahit patayin mo ako, hinding-hindi ka mamahalin ni Danielle. Ako ang mahal niya. Narinig mo yung sinabi niya kanina? Mahal ko yung sabi niya. Mahal niya ko, Martin. Ako lang ang tangi niyang minahal. Niloloko ka lang namin. Sumuko ka na. At para malaman mo, buntis siya at ako ang ama."
Lumapit siya sakin. Itinutok niya yung kutsilyo ko sa leeg niya.
"Gawin mo, Martin! Patayin mo na ako! Diba yun naman ang gusto mo dati pa?! Patayin mo na ako para malaya mo nang maagaw kung ano yung akin! Lahat inagaw mo sakin, Martin! Atensyon ni Mommy, pagmamahal ni Mommy, lakas ng loob, pati si Danielle aagawin mo?! Ayos ka rin eh!"
"Hoy Matthew, hindi mo nanay ang nanay ko kaya wag mo siyang matawag-tawag na Mommy! Tandaan mo, kabit lang ng tatay ko ang nanay mo! Malandi yung nanay mo kaya may nabuong bastardong tulad mo! Tsaka ako na ang mahal ni Danielle, Matthew! Kahit anong gawin mo hindi na lalapit sayo si Danielle! Hindi na siya sasama sayo dahil Gago ka! Nagpanggap ka na patay ka na! Dinamay mo pa ako! Plano mo bang magalit sa akin si Danielle para ikaw ang piliin niya?! Tandaan mo, hindi ka niya pipiliin dahil yung pagmamahal niya para sayo nasa akin na at wala akong planong ibigay yun sayo. Magkakamatayan muna tayo."
Tinulak niya ako. "Eh putangina mo pala eh! Wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang nanay ko dahil hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan niya! Sinaktan siya ng nanay mo tapos inilayo pa ako sa nanay ko! Sabihin mo sa kanya, Putangina niya! Sabihin mo sa kanila ng tatay mong bobo't tanga, bagay sila! At hindi nakakapagtakang anak ka nga nila dahil putangina mo rin!"
Susugurin ko dapat siya kaso may humawak na sa magkabila kong braso.
"Gulpihin niyo tapos igapos niyo sa poste. Gusto ko yung makikita siya ni Danielle pagdumalaw dito si Danielle ko."
Umalis na si Matthew habang ako dinala sa may poste sa gitna ng mansyon at iginapos.
"Pre, nasaan ka na?" Naparinig kong sabi ni Prince. Nakakabit pa sakin yung headset at yung lapel.
"Naka-gapos ako, Prince. Wag niyo na akong puntahan dito. I'll be okay. Asikasuhin niyo yung mga patay na kakampi natin pati yung mga sugatan." Bulong ko.
"Pre, si Edward. May tama siya."
"Gamutin niyo na agad. Wag niyo na kong alalahanin. Ipaalam mo sa Feather Gang na nakatakas na si Cyrus."
"Sige-sige, pre."
Lumapit sa akin yung isang lalaki na malaki yung katawan.
"Ano yang nakakabit sayo?"
"Ano sa tingin?"
"Eh gago pala 'to eh. Sumagot ka ng ayos!"
"Putangina mo! Bobo ka ba? Di mo makita kung ano yan? Lapel yan! Tapos yung nakakabit sakin earphone! Ngayon mo lang yan nakita? Dali, tanggalin mo na tapos isaksak mo sa baga mo. Tangina mo eh, inggitero ka eh."
"Eh talaga naman palang gago ka eh." Sinuntok niya ako sa tiyan kaya napa-urong ako.
"Sinong mas gago sa atin sa tingin mo? Ako na ginagawa yung lahat para sa mahal ko o ikaw na nagtatrabaho sa kapatid ko na gustong agawin yung girlfriend ko?"
Ginulpi niya ako ng ginulpi hanggang sa nagsawa siya.
(Danielle's POV)
Nagpupunas na lang ako ng luha nung biglang magring yung phone ko. Tumatawag si Matthew.
"Anong kailangan mo, Matthew? Hindi ka pa ba masaya? Break na kami ni Martin. Nasaktan ko na siya. Nasaktan na rin ako. Ano pa bang gusto mo?"
"Mahal ko, iniimbitahan lang naman kita dito sa mansyon ko dahil hindi ka pala isinama ng mahal mo. Dibale, ako na lang ang nag-imbita sayo dito. Inaantay ka ng mahal mo dito. Nakagapos siya sa poste." Sabi niya saka na ibinaba ang tawag.
Dumiretso agad ako sa labas at bumaba sa car park. Tinext sakin ni Matthew yung address kaya pinaharurot ko na papunta dun. Nung malapit na ako, nakaramdam ako ng pagsuka kaya pinarada ko yung kotse ko at bumaba ako para sumuka. Fuck. Ano bang nangyayari sakin?
"Danielle?"
Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Ohmygod, Cyrus!" Yumakap ako sa kanya nung nakita ko siya pero napabitaw din agad ako nung makaramdam ulit ako ng suka.
"Okay ka lang, Danielle?"
Di ako makasagot dahil suka ako ng suka. Wala naman akong matandaang kinain ko na panis or hindi gusto ng panlasa ko.
"Gusto mo dalhin kita sa ospital?"
"Hindi na, Cy. Pupuntahan ko pa si Martin sa mansyon ni... ni Matthew--" Yumuko ulit ako at sumuka.
"Galing ako dun, Danielle. Wag ka na munang tumuloy, delikado dun."
"No! Cyrus kailangan ako ni Martin! Kailangan niya yung tulong ko!"
"Danielle, calm down. Kung sa akin nga wala silang ginawa eh. Ginulpi lang nila ako nung isang araw pero hindi naman malala yun. Hindi kayang gawin yun ni Matthew kay Martin. And isa pa, kapatid niya pa rin yun kahit na anong mangyari."
"NO! Cyrus hindi mo kilala si Matthew! Parati siyang gumagawa ng paraan para paghiwalayin kami ni Martin! Gusto niya akong maangkin! Cyrus kung ako yung kailangan niya, ibibgay ko yung sarili ko sa kanya basta wag niya lang sasaktan si Martin! Cyrus kailangan ko na siyang tulungan ngayon!"
"Danielle, calm down! Sa tingin mo gugustuhin ni Martin na sumama ka sa kanya kung ganyan yung kalagayan mo? Alam mo, tara sa ospital, ipapacheck up kita. Wag kang magulo dahil hindi ko babaguhin ang desisyon ko."
Hinila na ako ni Cyrus papunta sa passenger's seat. Pinaupo niya ako tapos siya naman yung pumunta sa Driver's seat at pinaharurot niya na papunta sa ospital.
Pagpunta namin sa ospital, hinila niya ako papunta sa may ultrasound. Wala nang nagpapacheck up pero nandun pa yung doctor.
"Hi, sir, may I help you po?"
"Uhm, gusto ko po sanang ipa-check up 'to. Kanina lang po kasi sumuka siya ng sumuka pero parang hindi naman masama yung pakiramdam niya."
"Sige po, tuloy kayo."
Inassist ako nung doctor.
"Higa ka dito, hija. Kelan ka pa dinatnan?"
Kelan nga ba?
Dapat actually ngayong katapusan ng buwan ang mens ko pero hindi pa ako dinadatnan. Baka delay na naman.
"Last month pa."
"Okay. Kelan ka dapat sunod na dadatnan?"
"Ngayon dapat, kaso baka delay ulit."
Bumaling siya kay Cyrus tapos ngumiti. "Sir, kelan po kayo unang nagtalik?"
Nanlaki pareho yung mata namin ni Cyrus tapos nagkatinginan kami.
"Sir?"
Kumamot-kamot sa batok niya si Cyrus. "Ah-eh, doc, may girlfriend po ako eh. Bestfriend ko po siya."
"Ay, sorry sir. Ikaw na lang, hija. Kelan kayo unang nagtalik ng asawa mo?"
Wow, how I wish asawa ko na siya. Lecheng doctor 'to, break na nga kami eh. :( At kasalanan ko yun.
"Nung lunes pa."
Nanlaki yung mata ni Cyrus. Ano bang meron sa kanya?!
"Yung huli?"
Tangina, daming tanong ha.
"Nung martes."
"Okay." May kinuha siyang maliit na garapon. "Nakakaramdam ka po ba ng pag-ihi?"
Lintek talaga. "Actually oo."
"Okay good. Dito ka umihi then eto yung pregnancy test, 3 to 4 drops if urine will do."
Bumangon ako tapos kinuha yung mga binigay niya. Pumunta ako sa CR sa loob at ginawa yung sinabi niya. 4 drops yung ginawa ko. Maya-maya, may lumitaw nang isang linya. I'm expecting na lilitaw din yung isa pa pero hindi. Shit. Bakit nga ba ako nag-eexpect?
Lumabas na ako ng CR.
"Oh, kamusta?" Cyrus asked.
Nabitawan ko yung Pregnancy Test. Shit. Ayokong makita. Nadidismaya ako. Di ko alam kung bakit.
"Aw. Okay lang yan, Danielle. Kahit one line lang."
Sinamaan ko ng tingin si Cyrus. "Tangina mo, tumigil ka dyan. Ikaw magbayad ng bill, aalis na ko. Pupunta na ko sa mansyon."
"Ha--pero..."
"Shut up, Cyrus. Pupunta ako sa ayaw at sa gusto mo."
Lumabas ako ng ospital at sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko pabalik sa mansyon na tinutukoy ni Matthew. Pagbaba ko dun, nag-aantay sa labas si Matthew.
"Mahal ko, halika, ipapakita ko sayo ang taong niloloko ka lamang."
Dinala niya ako sa loob ng mansyon. Napamura ako dahil sa nakita ko. Si Martin naka-gapos sa poste, duguan at may humahalik sa kanya na babae. Lumapit agad ako at hinila yung babae saka sinampal. Eh gago pala 'to eh. Ako lang ang pwedeng humalik kay Martin!
Kakalagan ko dapat si Martin nung pigilan ako ni Matthew.
"Makakalaya siya sa isang kundisyon."
"Anong kundisyon?"
"Sasama ka sakin."
"Putangina mo, Matthew. Hinding-hindi ako sasama sayo. Walang sasama sayo. Mabubuhay kang mag-isa dahil sa ugali mong yan. Kung meron man, baka yung mga pokpok sa labas magawa ka pang pagtiisan pero hindi ako, Matthew. Hinding-hindi ako magiging iyo. Mamatay ka kahihintay!"
Hinatak niya ako at hinalikan kaya tinulak ko siya at sinampal.
"Ano, bastusan?! Alam mo, sa ginagawa mong yan lalo lang akong natuturn off sayo. NAKAKADIRI KA MATTHEW MARC VILLA FUENTE."
"PUTANGINA, DANIELLE! HINDI NA KASI AKO YUNG MATTHEW NA KILALA MO! AKO NA SI MATTHEW MARC DELA PEÑA! AT KAHIT NA ANONG GAWIN MO DANIELLE IBANG TAO NA YUNG KILALA MO, PERO HINDI MAGBABAGO YUNG PAGMAMAHAL KO SAYO!"
"Baliw ka na, Matthew! Tumigil ka na! Tigilan mo na kami!"
Tumunog yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
"Fei."
"Danielle, nasaan ka? Tinawagan kami ni Cyrus. Nandyan ka daw sa mansyon ni Matthew, saan yan? Puntahan ka namin?"
"Tanungin mo si Cyrus. Alam niya yung address. Bilisan niyo."
"Okay, okay. Mag-ingat ka, Danielle. Papunta na kami dyan."
Ibinaba ko na yung tawag at ibinulsa yung phone ko.
Sinimulan ko nang kalagan si Martin habang salita lang ng salita si Matthew. Bahala siya dyan. Di na ko magpapatinag.
Lumuhod ako sa harap ni Martin. "Martin, wake up. Martin."
"Hindi yan magigising, Danielle. Ginulpi yan."
"DANIELLE! DANIELLE!"
Napalingon ako sa pintuan dahil sa tumawag sakin. Nakaharang yung mga tauhan ni Matthew sa kanila.
"Let them in."
"Papasukin niyo sila." Utos ni Matthew.
Pumasok sila Fei. Sinuntok ni Jairus si Matthew. Pati si Cyrus naki-suntok.
"Dali na, dalhin niyo na si Martin sa ospital. Ako na bahala dito."
Binuhat ni Jairus at Cyrus si Martin.
"Umalis na kayo, Fei, Mika. Kaya ko na 'to."
"Sure ka Danielle?" Fei asked.
"Oo, kaya ko na 'to."
Inantay ko muna silang umalis bago ko nilabas yung balisong ko sa bulsa ko.
"Sasama ka na sakin, Danielle?" Matthew asked.
Yumakap ako sa kanya. Malakas kong itinusok sa likod niya yung balisong ko sabay takbo paalis.
"ARAY! PUTA! HABULIN NIYO!"
Sumakay agad ako sa kotse ko at pinaharurot. Maya-maya pa, nasundan na nila ako. Nagsimula na silang magpaulan ng bala kaya mas binilisan ko yung patakbo ko ng kotse.
Nagring yung phone ko kaya dinukot ko ito sa bulsa ko tapos ni-loud speaker ko.
"Danielle, nasaan ka na? Sunduin ka namin."
"Hinahabol ako ng mga tauhan ni Matthew! Wag niyo akong sundan!"
Nagsimula na naman silang magpaulan ng bala kaya mas binilisan ko yung patakbo ng kotse ko.
"Saang ospital niyo dinala si Martin?"
"Sa Smith's, Danielle. Dire-diretso lang."
Naparinig ko yung huling pagtama ng bala sa kotse ko. maya-maya nakaramdam ako na parang may tumusok sa tagiliran. Shit!
"AHH! FUCK!"
"Danielle, what happened?"
"Dyan... Dyan lang kayo. Wag kayong lalabas ng ospital. Malapit na ko dyan."
Nagpaulan pa sila ng bala pero di na nila ako natatamaan.
Pagkarating ko sa tapat ng Smith's, dinampot ko yung phnoe ko at lumabas kahit hinang-hina na ako. Pumunta ako sa ER at maya-maya pa eh bumagsak na lang ako ng kusa. Ang huli ko na lang narinig eh nagsisigawan na silang lahat.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^