Tuesday, December 31, 2013

You Are My Life : Chapter Twenty

(Danielle's POV)
Akala ko sa EK niya ako dadalhin pero nagulat ako nung pumunta kami sa Star City. Bumili siya ng dalawang tickets na ride all you can tapos hinila niya na ako papasok.


Pumunta kami sa may Pilahan ng Star Flyer. Sabi niya nasakyan niya na raw yun nung kasama niya yung mga ka-gang niya dati. Astig daw kaya heto at pumila din kami. Mukha nga namang astig. Pero... ayoko na rin sana. Naalala ko kasi nung sumakay kami ni Matthew sa Space Shuttle dati, mula nun di na ulit ako sumasakay sa mga delikadong rides. Or should I say na hindi pa ulit ako pumupunta sa Amusement Park. I'm scared, Don't you remember that?!
Nung kami na yung sumunod, hawak-hawak ni Martin yung kamay ko habang papunta kami sa may upuan. Mataas yung upuan. Tinulungan niya akong umupo tapos siya naman umupo sa tabi ko. Grabehan lang, nakaupo pa kami sa unahan. Ayos 'no?

Nagsimula ng umandar yung ride. Dahan-dahan lang at first. Napahiyaw pa nga ako nung tumigil nung paakyat na eh. Grabeng kaba 'to. Shet langs.

Hinawakan ni Martin yung kamay ko. Lilingon dapat ako pero naka-harang yung malaking parang life-vest. Nagsimula nang umakyat ng umakyat kaya mas lalo akong kinabahan. Mas lalong mas lalo na nung bumilis yung takbo at biglang pumihit pababa yung sinasakyan namin.

"WHAT THE FUUUUUUUUUUUUUUCK! CURSE YOU MARTIN VILLA FUENTE! KYAAAAAAA!"

Nagtuloy-tuloy yung ride na puro sampal ng hangin ang natatanggap ko. WHAT THE FUCK! HINDI NA AKO SASAKAY ULIT DITO! 

Hindi pa nakuntente yung ride na 'to, umikot pa tapos biglang pihit ulit pababa. WHAT THE FUCK!!!!!!

Pagtapos ng ride na yun, bumaba kami ni Martin. Tawa lang siya ng tawa habang paalis kami sa may ride.

"Grabe ka kanina, Beb. Parang papatayin mo ko eh." Tuwang tuwa niyang sabi.

"Gusto mo ng sapak, Martin?"

"I'm just joking, Beb. Ikaw naman."

Sinamaan ko siya ng tingin. "JOKING?! HOY MARTIN HINDI BIRO YUNG PAGSAKAY NATIN DUN! HINDI NA AKO UULIT DUN!"

"Ows? Bat napapangiti ka dyan?"

Umiwas ako ng tingin. SHET. Ngumingiti ba talaga ako kanina? Walastek.

Nagulat ako nung sumunod na hilahin niya ako papunta sa may Star Frisbee. WHAT THE FUDGE?!

Pagpila namin, pasimple akong humawak sa mga rehas at tatakas sana kaso inakbayan ako ni Martin.

"Wag ka nang magplanong tumakas, Beb. Nandito lang ako 'no. Akong bahala sayo." Aba't ang gago kumindat pa.

"Kapag ako nasuka sa susunod na ride na 'to, Martin, tignan mo, makikipag-break talaga ako sayo."

Tumawa siya tapos kinurot yung ilong ko. "Ang babaw mo, beb."

"I'm dead serious here, Martin."

Sumeryoso siya. "You don't mean that, right?"

"Do I look like I'm joking? Come on, Martin. I'm not joking."

Umirap siya tapos naglakad paalis kaya hinabol ko siya.

"So walk out ang drama mo ngayon? Fine, I'll try the ride without you."

Bumalik ako sa may pila tapos nag-antay hanggang matapos na yung sunod. Umakyat ako kasabay nung iba tapos pumili ako nung uupan ko. Nung nakapili na ako, uupo sana ako kaso di ko maabot. May inilapit na maliit na upuan yung lalaking nagtatrabaho sa ride tapos nilahad yung kamay niya sakin. Hahawakan niya na dapat yung kamay ko nung may biglang humawak sa wrist ko. Paglingon ko, nakita ko dun si Martin na nanlilisik ang mga mata.

"Upo." Utos niya.

Umapak ako dun sa maliit na upuan tapos umupo sa may upuan ng ride. Tumalon siya para makaupo sa tabi ko. Ibinaba nung lalaki yung mukhang lifevest tapos itinulak sa may bandang puson ko.

"Putangina, masakit naman!"

Nginitian niya lang ako tapos kinidatan then inayos niya naman yung kay Martin.

Nung magsimula na yung ride, nagsimula nang magtilian yung mga kasama sa ride. Ako? WHAT THE FUCK. Pumikit lang ako. Nung pataas na ng pataas yung pagsway ng ride, sinusubukan kong tumili pero feeling ko susuka ako kaya tinikom ko lang yung bibig ko. SHET! FEELING KO MALALAGLAG AKO AT WALA AKONG INUUPUAN! PUTANGINA, AYOKO NAAAAAAAAA!

Sinubukan kong dumilat pero ang nakita ko, langit tapos biglang sway patalikod kaya napahiyaw ako.

"WHAT THE FUUUUUCK!!! AYOKO NA AYOKO NA!!!!!!"

Unti-unti nang humina yung sway ng ride hanggang sa tuimigil na. Binuksan nung lalaki kanina yung lifevest ko habang nakangiti siya tapos binuksan niya na rin yung kay Martin.

Bumaba ako sa may upuan, pati si Martin. Umalis agad ako at dumiretso sa may Exit pero nakita ko munang lumapit si Martin dun sa lalaki tapos binulungan yata. After nun, sumunod siya sakin at niyaya ako sa may Surf Dance.

"Can't we just sit first and rest? Grabe lang, pagod na pagod na ako! Alam mo bang sukang-suka din ako ngayon?! Please naman, pagpahingahin mo ako!"

"Fine, sit there while I take the ride okay?"

"Go on. Ganyan ka namang boyfriend eh." Bulong ko.

Humalik siya sa pisngi ko tapos pumasok na sa may pilahan. WOW. Grabe talaga siyang boyfriend. Sobra akong na-touch sa ginawa niya. Seriously speaking.

Yumuko lang ako habang nagpapahinga. Maya-maya may naramdaman akong tumabi sakin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko dun ang isang maputing lalaki na blonde ang buhok. Nakatingin siya sa iba pero nung napansin niyang nakatingin ako, napatingin din siya.

"Hi." Bati niya.

"Hi."

"Are you with someone?" He asked.

"Ah, yes. I'm with my boyfriend."

"Where is he?"

"Sa surf dance."

"Iniwan ka?"

"Hm. Obviously."

"Alam mo, miss, kung mahal ka talaga niyang boyfriend mo, hindi ka iiwan niyan dito. Sasamahan ka lang niya kapag ayaw mo."

Eh gago pala 'to eh. Gusto ba nito ng sapak? Anong karapatan niyang pagsalitaan ng ganyan boyfirend ko?!

"Hindi mo kilala boyfriend ko kaya wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganyan."

"Hm. I'm just stating the obvious, miss. Baka malay mo iwan ka na lang niyan bigla. Sige, bye."

Tumakbo na siya at umalis. Takas yun ah? Bibigwasan ko sana siya eh!

Tumingin ako sa may surf dance. Labasan na nung mga katatapos lang sa ride. Nakita kong papalabas na si Martin tatauyo na dapat ako at lalapitan ko sana kaso may katawanan siya. Nung wala nang humaharang, nakita ko siyang may kasamang babae. Tumigil sila sa may giild ng labasan tapos nag-usap kaunti bago nagpaalam yung babae. ABA! KUMAWAY PA SI GAGO.

Lumapit siya sakin kaya inirapan ko siya at yumuko na lang ulit ako. Putangina niya, wag siyang lalapit sakin.

"Beb, okay ka na?"

Di ako sumagot. Bahala siya dyan. Beb niya mukha niya. Sinundot niya ako sa tagiliran ko kaya napatayo ako.

"Putarages naman, Martin!"

Tumitig siya sakin. "Look, ano na naman bang ginawa ko this time?" He asked.

"Ano nga bang ginawa mo? Hmm. Nakita lang naman kitang may katawanang babae at nagusap pa kayo. Talaga namang hindi ka pa nakuntento sakin 'no? Martin ibinigay ko na sayo lahat! Jusko naman, pati katawan ko binigay ko na sayo tapos may gana ka pang maghanap ng iba, nalingat lang ako saglit? Wow naman."

Mas sumeryoso yung itsura niya ngayon. "First of all, hindi ko sinabi sayo na magtalik tayo. Second, nasuka yung tao kanina kaya tinulungan ko dahil katabi ko naman. Nagthank you siya sakin at nahihiya pa nga siya dahil sa ginawa niya kaya dinaan na lang namin sa tawa. Third, hindi ako naghahanap ng iba kaya please naman, wag kang praning dyan!"

"Nagiging praning na nga ba ako? Martin, takot lang kasi ako na mawala ka sakin! Minsan na akong natakot! Alam mo ba kung kelan? Nung inakala naming lahat na patay na si Matthew. Sa totoo nga lang, dapat nga hanggang ngayon galit pa rin ako sayo dahil itinago mo sakin na alam mo palang buhay si Matthew, pero hindi ako nagalit sayo! Mahal kasi kita at hindi ko kayang magalit sayo, Martin!" I started to cry. Fuck these tears. "Well siguro nga tama yung sinabi nung gwapong lalaki na yun. Na iiwan mo rin ako, pero ako rin 'tong isang tanga't kalahati eh, ipinagtanggol pa kita na hindi mo ako kayang iwan pero ayun na nga, kitang-kita ko na nagtatawanan kayo nung babaeng yon! Ano bang akala mo sakin Martin? Kung katawan lang ang habol mo sakin, sana sinabi mo na lang agad! Ayokong maging tanga sa harap ng ibang tao, Martin. Lalong lalo nang ayokong magmukhang tanga sa harap mo."

Tumalikod na ako at umalis.

Ang sakit lang. Lokohan naman kasi yata lahat 'to eh. Bakit ba kasi nagpaniwala pa ako sa mga kagaguhan niya? Tama pala si Matthew noon. Gago nga talaga yung kapatid niya.

Nakasalubong ko yung lalaki kanina na kumausap sakin.

"Hulaan ko, nag-away kayo 'no?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't state the obvious."

"Haha. Chill, miss. Tara sa food court."

Inakbayan niya ako kaya tinabig ko yung kamay niya.

"I'm not going with you."

"Ay, nag-english si ate. Wag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng kalokohan."

"Hindi ako sasama sayo kahit pilitin mo ako. Go away."

"Nakuuuuuuuu! Wag kang pakipot miss, di na uso yan."

Tinitigan ko siya ng matalim. "Will you please just go away? I'm having my moment of cry here, don't you know that?"

"Sige na nga, nandyan na yata yung boyfriend mo eh."

Umalis na siya. Lumingon ako at nakita ko dun si Martin na papalapit.

"Sino yun? So ganyan na pala tayo ngayon? Nagiging impulsive ka na dahil lang nakita mo akong may kasama kanina?"

Nagkibit-balikat ako sa harap niya.

"So what if I'm being impulsive now? Why do you care? Don't waste your time, Martin. Wala akong panahon para makipaglokohan sayo."

"Sinong nagsabi sayo na nakikipaglokohan ako? Sa tingin mo may gana pa akong makipag-lokohan ngayong nag-aaway tayo?"

"Don't fool yourself, Martin. Tama si Matthew, manloloko ka nga."

"So si Matthew na naman. Kelan ba niya tayo lulubayan, Danielle?! Can't you see?! Ginagawa ko naman lahat para sayo ah? Ano pa bang gusto mo?"

"Gusto ko ng break-up! Ano, masaya ka na?"

Natigilan siya sa sinabi ko. Maya-maya nagsimula na rin siyang umiyak.

"Break-up? Danielle akala ko ba matatag tayo?"

"Matatag? Akala ko din, Martin eh. Akala ko hindi tayo matitibag ng kahit na anong pagsubok, pero ito lang pala yung makakapagpatibag satin, yung simpleng away natin. We're stronger than this, Martin, diba?"

Tumalikod na ako at tumakbo palayo sa kanya. Napadpad ako sa pilahan ng Ferris Wheel kaya pumila ako dun.

I'm done with this thing. Break kung break na nga siguro 'to.

Nung turn ko na, pumasok ako sa loob tapos sinarado na nung crew at umandar na paakyat.

Parang kanina lang nagtatawanan kami sa may banyo. Tapos dinala niya ako dito sa Star City at hinila sa Star Flyer. Oo na, nagustuhan ko naman yung Star Flyer, di ko lang maintindihan yung sarili ko kung bakit trip kong magdrama kanina. Gusto kong suyuin niya ako. Pagdating sa Star Frisbee nag-iba pa yung mood ko hanggang sa nagkanda-leche leche na. Hanggang sa nauwi na sa selosan. Hanggang sa nauwi na sa Break-Up. Putarages na yan. Ano bang meron sa akin bakit bigla-bigla na lang akong nakikipagbreak? May sapi na yata ako eh.

Nung pataas na ng pataas yung sinasakyan ko, nakikita ko na yung view sa baba. Puro ilaw lang. Napansin ko yung mga naka-park na kotse. Napatingin agad ako dun sa part kung saan nagpark si Martin. Nandun pa yung kotse niya. Shit. Diba Danielle, break kung break? Ano bang sapi meron ka ngayon, Danielle?

Umiwas na ako ng tingin at inantay na lang na bumaba yung sinasakyan ko. Nung turn ko na para lumabas, lumabas ako tapos dumietso na sa labas ng Star City. Mabuti na lang nakapagdala ako ng pera. Mamamasahe na lang ako papunta sa condo ko. Magtataxi na lang ako.

Pumara ako ng taxi tapos sinabi ko yung pangalan ng condominium tapos bumaba na ako at binayaran siya. Pumasok ako sa condominium at sumakay ng elevator tapos pumunta na sa pad ko. Dumiretso ako sa kwarto ko at ibinagsak ko ang sarili ko dun. 

Lintek na buhay 'to. Ano? Masaya na ba si Matthew sa nangyari sa amin ni Martin ngayon? Break na kami, ano pa bang gusto niya? Ibalik niya na si Cyrus para makapamuhay na kami ng matiwasay. Bwiset naman.

Kelan ba ako magiging masaya?

Nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

From: 0926*******
Oh, I see. Kamusta ang break-up niyo, dear?

Nag-init ang dugo ko dahil sa na-recieve kong message. 

To: 0926*******
I don't have time for this, Matthew. Hindi ka pa ba masaya na break na kami?

From: 0926*******
I'm sorry but this is not Matthew. And you know, I love seeing how devastated you are right now. That's great, you don't have your prince charming na. Aww. </3

Eh gago pala 'to eh. Talaga bang gusto nitong mamatay na?

To: 0926*******
Really? Well, at least ako yung gustong makuha ni Matthew. Kung ikaw man yung assistant niya at babae ka pati mahal mo siya, sorry ka na lang. Ang lapit-lapit mo na sa kanya pero ako pa rin yung gusto niyang makuha. How sad naman. Ako yung mahal ng taong mahal mo.

Nag-antay ako ng reply pero wala na hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Sana pala hindi na lang ako nakipag-break kay Martin. Pero, alam ko ring masakit. Nakakabobo talaga ang pag-ibig. Pas madali pa kung math problems eh. Pero alam mo yun? Sobrang sakit! Sinaktan ko lang yung sarili ko eh. Sobrang tanga ko talaga.






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^