CHAPTER 3
Unang araw pa lang ng klase, napakarami nang nabiktima ni
Miggs sa pambu-bully niya. Sa three years niya sa NEU, wala man lang pumalag o
nag-reklamo sa mga pinaggagawa niya. Kahit pa nga mga opisyales ng university
ay pinang-iiligan siya.
Bukod kasi sa yaman niya, maimpluwensya ang pamilya niya sa
politika at may mga kamag-anak pang kunektado sa kapulisan. Para kang babangga
sa isang konkretong pader kapag binangga mo si Miggs.
Alas-tres ng hapon at papunta na ng car park si Miggs. Ang
totoo ay hanggang alas-sais pa dapat ang klase niya sa araw na ito pero balak
na niya agad mag-cutting class at sa isang major subject pa.
“Oo, dude! Kung aattend
nga si Sherrie sa party niyo eh maaga talaga akong pupunta!” Humahalakhak na sabi ni Miggs sa
kausap niya sa phone. Sumakay na siya sa Ford Mustang niya at agad na ini-start
ang sasakyan. “I’ll be there in 30
minutes!”
Handa na sanang magpaharurot si Miggs nang bigla namang
umandar rin ang kaharapan niyang sasakyan at mas nauna pa ito sa daan.
“Tangnang yan! Sino naman
‘tong muntangang humarang sa mustang ko!” Simpleng bagay lang ay uminit na agad ang ulo niya.
Binusinahan niya ng maka-ilang ulit ang sasakyang humarang sa kanya. “Gago ka! Nauna ka pa saakin! Paunahin mo
ako!”
Hindi pa siya nakuntento, binuksan niya ang bintana ng
sasakyan niya para sumilip at bilang panakot ay idinisplay niya ang braso
niyang puro muscles. Pero sa mukha pa lang niyang maangas, agad naman siyang
nakilala ng taong yun kaya umatras ito ulit para ibigay na sa kanya ang daan.
Naka-abante na si Miggs pero bago siya umalis ay binantaan pa
muna niya ang driver ng sasakyang iyon. “Sa
susunod na harangan mo pa ang daraanan ko, pupulutin na sa latahan yang
sasakyan mo!” Sabi niya with matching dirty finger pa.
Paglabas ng NEU ay mas naging wild pa si Miggs. Dinaig pa
niya ang mga kaskaserong drivers na bumabyahe sa EDSA. Animo’y pagmamay-ari
niya ang daan at ni wala siyang pake sa mga batas trapiko. Madali lang naman
kasi sa kanya ang makalusot sa ganun.
“Fvcking b*tch!” Napamura ito sa isa na namang
simpleng bagay. Paubos na ang gas niya.
Dumaan siya sa isang gas station at maayos naman siyang sinalubong
ng gasoline boy. Sa kabila nito ay sadyang hindi naturuan ng good manners si
Miggs, “Full tank mo!” Sabay tapon
niya ng pera sa pagmumukha ng gasoline boy.
‘The customer is always right,’ ito naman ang nasa isip ng gasoline
boy kahit pa ang sarap nang painumin ng diesel ang maangas na si Miggs. Pinulot
na niya ang pera at kakargahan na sana ng gas ang sasakyan nang may mapansin
ito.
Pinagpawisan siya at parang kinabahan na akala mo ay nakakita
ng multo. “Si—Sir okay lang po ba kung
lumabas muna kayo at—”
“Binayaran ba kita para
mag-salita?” Nababanas
na tanong ni Miggs at saka ito binulyawan, “Full
tank mo na yan kung ayaw mong matanggal sa trabaho!”
Napayuko ang gasoline boy at sinunod na lang ang utos ni
Miggs. Pero mahahalata na hindi pa rin ito mapakali at parang may kinatatakutan
talaga.
Napailing na lang din si Miggs. Hindi niya pinansin ang
kakaibang reaksyon ng gasoline boy dahil baka naadik lang ito sa amoy ng gas. Nagpasya
na lang siya na magpatugtog ng malakas na heavy metal music para aliwin ang
sarili.
Matapos ma-full tank ang sasakyan niya ay may sasabihin pa
sana ang gasoline boy pero pinag-sarhan na siya ng bintana ni Miggs. At dahil
nga sa lakas ng tugtog niya ay hindi na niya narinig ang sumunod pang sinabi ng
gasoline boy.
= = = = =
Nasa maluwag nang kalsada si Miggs. At kung kailan wala nang
ibang sasakyan na pwede niyang mabunggo o taong pwede niyang masagasaan, ngayon
pa siya nagpabagal ng pagmamaneho. Yun ay dahil chini-check niya ang sarili
niya sa rearview mirror.
Sinisigurado niyang gwapo siya! Kailangan ay presentable
dahil ang magkikita na ulit sila ng pinapangarap niyang si Sherrie, ang cheer
captain ng NEU squad. Ang tagal niya kasi itong hindi nakita ng personal dahil
sa nagdaang bakasyon.
Matapos niyang siguruhin na maayos ang itchura niya ay
ibinalik na niya sa dating ayos ang salamin ng sasakyan niya. Natanaw pa niya
sa repleksyon nito na wala talagang ibang tao o sasakyan sa kalsadang
dinaraanan ngayon.
Nag-iisa lang siya at ang sasakyan niya…
Yun ang inaakala niya.
Biglang na lang may gumalaw na parang anino sa back seat ng
kanyang sasakyan.
Napa-mura na si Miggs sa isip niya. Sino yun?
Palingon na sana siya ngunit may ipinukpok na matigas na
bagay sa bunbunan niya, dahilan para mahilo siya. Kamuntikan siyang mawalan ng
control sa pagmamaneho pero nagawa pa niyang mag-break bago mabangga sa isang
poste.
May plano pang manlaban si Miggs ngunit naunahan na siya ng kriminal
sa loob ng sasakyan niya. Muli nitong pinukpok ng tatlong magkakasunod na beses
ang ulo niya. Pumutok na ang malaking bahagi sa ulo niya at bumalot sa buong
mukha niya ang naparaming dugo.
Nagdilim na ang panngin niya dahil sa magkahalong sakit at
pagkahilo. Walang napuntahan ang ilang taon niyang pagtambay sa gym para
palakihin ang muscles. Hindi man lang siya nakabawi sa taong yun at hindi man
lang niya maipagtanggol ang sarili niya.
Sa ganitong paraan ba siya mamatay?
“Si—sino ka?” Nagawa pang magsalita ni Miggs.
Hindi niya mamukhaan ang taong kaharap niya dahil sa suot nitong
triple-faced mask. Nakasuot rin ito ng itim gloves at jacket.
“Wag mo akong patayin…”
Pagmamakaawa na ni
Miggs. “Kung kailangan mo ng pera…
sasakyan… ibibigay ko…”
Ngunit di siya pinakinggan ng kriminal na yun. May dinukot
ito sa kanyang bulsa at naglabas ng wire. Itinali niya ito paikot sa leeg ni
Miggs at dahan-dahan ay hinihigpitan niya ang pagtali nito.
Nagsimula nang hindi makalanghap ng hangin si Miggs. Nagawa
pa niyang kumapit nang mahigpit sa braso ng papatay sa kanya para pigilan ito…
pero wala na rin iyong kwenta.
Konting segundo na lang ang lumipas at tuluyang nalagutan ng
hininga si Miggs.
= = = = =
May usapan sina Richelle at Shane na pagkatapos ng klase ay kailangan
nilang mamili sa grocery store para sa supply nila ng pagkain para sa buong
linggo. Dapat ay noong Sabado o Linggo nila ito ginawa pero nalipat ng Lunes.
Dahil mas maaga ang uwi ni Richelle ay nauna na siya sa
supermarket. Susunod na lang daw sa kanya si Shane pagkatapos ng klase niya sa
hapon.
Habang namimili ng mga bibilhin si Richelle ay pakiramdam niya’y
para bang may mga matang laging nakasunod sa kanya, parang may taong nasa
likuran niya. Pero sa tuwing lilingunin na niya ito ay wala naman siyang
naabutan.
“Baka guni-guni ko lang.” Yun na lang ang iniisip niya.
Matapos ang halos kalahating oras ay natapos nang makapamili
ni Richelle ngunit ‘di pa rin dumadating si Shane. Nagte-text siya rito ngunit
mabagal ang reply.
Dahil ayaw niyang tumambay sa loob ng store ay sa labas na
lang naghintay si Richelle, bitbit ang apat na mabibigat na bag na puno ng
pagkain nila. Hindi niya ito maibaba sa lupa dahil yari sa tela ang bag at ayaw
niya itong madumihan.
Sa ‘di malamang kadahilanan ay naramdaman ulit ni Richelle
ang presensyang ‘di niya makita. May nagmamasid sa kanya… pero ‘di siya
sigurado.
“Iche!” Narinig na niya ang boses ni Shane
sa may di-kalayuan. Tumatakbo na ito palapit sa kanya. “Kanina ka pa natapos?”
“Oo! Ang tagal mo ah! Ang
sakit na ng mga kamay ko sa pagbubuhat
nitong pinamili ko!”
Pagalit ngunit nagpapaawang sabi ni Richelle, saka ipinakita ang mabibigat na
bag na dala niya.
“Sorry naman! Amin na,
ako na magbibitbit lahat niyan.” Kinuha ni Shane ang lahat ng bag na hawak ni Richelle at
hindi man lang nito alintana ang bigat. “Bakit
ang dami mo naman kasi agad pinamili?”
“Tag-gutom kasi tayo palagi
kaya dinamihan ko na ang pagkain para may mapapak tayo.”
Nagsimula nang maglakad ang dalawa. Sa kalsada lang
nakapag-park ng sasakyan si Shane dahil puno ang parking area ng store. Lagi na
lang siyang minamalas sa pagpa-parking!
“Bakit nga pala ang
tagal mo?”
“Ah… dumaan ako sa
drugstore. Bumili ng gamot.”
“May sakit ka?”
“Wa—wala. Bumili ako ng
vitamin C at tsaka iba mo pang gamot. Para sa mga mahihinang resistensya na kagaya mo.”
“Yabang mo!” Napahampas si Richelle sa braso ni
Shane dahil sa pang-aasar nito. Hindi naman ganun kalakas yun pero parang
nasaktan talaga si Shane. Saka lang may napansin si Richelle, “Anong
nangyari dyan sa braso mo, Shane? Parang magkakapasa yan ah?”
“Ito ba? Wala lang ‘to.” Nginitian lang siya ng kaibigan niya
at nang makarating na sila sa sasakyan ay agad na silang bumyahe pauwi.
End of Chapter 3
ganda po n2ng new story niu. kakaiba ang madugo.,
ReplyDelete