Tuesday, February 11, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 4

CHAPTER 4




Halos magda-dalawang linggo na ang lumipas at nakapag-adjust na si Richelle sa university na pinapasukan niya. From Monday to Wednesday, umaga ang simula ng klase niya at sa hapon ang uwi. Thursday and Friday naman ay sa tanghali ang pasok niya at sa gabi na ang uwi. Tuwing Sabado ay may NSTP naman sa umaga na nagtatagal lamang ng 2 hours.



So far, masaya ang college life ni Richelle… may kulang nga lang.



Si Zenn.



Ever since first day of school, hindi na ito ulit nagpakita sa kanya. Napapa-isip nga siya kung para saan yung rose ring na natanggap niya na ina-assume na niya agad na kay Zenn nga galing. Hanggang ‘thank you’ gift lang ba talaga yun?



Umaasa siya na sana ay may mas malalim pang dahilan.



Lunch break na at every Friday, nagkakasabay sila ni Shane ng tanghalian. May usapan sila na magkikita sa lobby ng Engineering building kaya doon na naunang naghintay si Richelle.



Nakasandal lang siya sa pader at pinapanood ang mga estudyanteng dumaraan sa harapan niya. Dahil sa pwesto niya ay madali niyang naririnig ang usapan ng ibang tao lalo na at kung may kalakasan ang mga boses nito.



Sa dami ng usapang napapakinggan niya, ang usapan ng grupo ng mga estudyante halos kalapit niya lang ang umagaw sa atensyon niya.



“Hindi ko alam kung malulungkot ba ako makakahinga na ng maluwag dahil sa nangyari.” Sabi ng isang lalaking medyo madungis ang ayos at may pagka-emo ang istilo ng pananamit. “Ever since freshman pa lang, binu-bully na ako nun eh!”



“Akala mo ikaw lang? Ako rin!” Segunda naman ng kaibigan niyang ubod naman sa taba at halos puputok na ang suot niyang damit sa sobrang sikip. “Karma na niya siguro yun sa sama ng ugali niya.”



“Oy ano ba kayo! Patay na nga yung tao, ganyan pa usapan niyo.” Sabi ng ikatlo sa kanila, isang lalaking payatot na may pagka-nerd. Siya ang mukhang pinaka-duwag sa kanilang tatlo. “Hindi ba kayo natatakot kay Miggs?”



“Mas takot ako sa kanya noong buhay pa siya kaysa ngayon patay na!”



“Eh kung multuhin ka niya?”



“Kung magmumulto siya, unahin niya munang dalawin yung pumatay sa kanya para naman magbigyang hustisya ang pagkamatay niya!”



Sa itchura nilang tatlo, hindi talaga maipagkakaila na tampulan nga sila ng pambu-bully. Kaya nga siguro ganun na lang din ang usapan nila.



Ang ikinagulat lang ni Richelle, nabanggit nila ang pangalan ni Miggs. At patay na raw ito!



‘Si Mr. Muscle kaya ang pinag-uusapan nila?’ Ito ang agam-agam ni Richelle.



Nang mag-alisan ang tatlo, sakto naman ang dating ni Shane na humahangos mula sa pagtakbo. “Late kaming na-dismiss sa klase. Kanina ka pa ba?”



“Medyo lang.” Sagot ni Richelle at hindi pinahahalata sa kaibigan ang natuklasan. Medyo nagtataka rin kasi siya na kung si Miggs nga yung namatay, bakit hindi man lang ito nasabi ni Shane sa kanya?



“May nadaanan na nga pala akong vacant room kanina sa taas. Doon na lang tayo kumain kaysa sa cafeteria.” Pag-aya ni Shane, saka ito humawak sa kamay ni Richelle at nagsimula nang maglakad.



= = = = =



Tahimik ang buong floor kung saan matatagpuan ang vacant room na kinaroroonan nina Richelle at Shane. Sa lugar na walang sino man ang makakaistorbo sa kanila, malaya nilang napag-uusapan ang gusto nilang pag-usapan.



“Bakit ‘di ka masyadong kumakain, Iche? Masarap naman ‘tong pagkain ah.”



“Alam kong masarap yan dahil ako nagluto niyan.”



“Pero bakit nga kakarampot lang yang isinusubo mo?”



“Wala lang… wala akong masyadong gana.”



“May sakit ka ba? Hindi ba maganda pakiramdam mo? Iniinom mo pa ba yung vitamins na binili ko sayo noon? Ibinilin saakin ng parents mo na dapat nagba-vitamins ka dahil sakitin ka pa naman.”



Napakunot naman ng noo si Richelle. Heto na naman si Shane sa mga sermon niya kaya naman isa-isa na nitong sinagot ang mga tanong ng kaibigan. “Iniinom ko po yung vitamins. Hindi masama ang pakiramdam ko. At basta, wala lang talaga akong ganang kumain.”



“Tss! Ibig sabihin, sinusumpong ka naman!”



“Hindi ako sinusumpong!” Pasigaw na sagot ni Richelle sabay simangot. “Mga bata lang ang sinusumpong.”



Hindi naman napigilan ni Shane na mapangiti sa reaksyon at facial expression ni Richelle. “Alam ko. Hindi ka na bata.”



Natahimik na ulit ang dalawa. Pero, hindi rin napigilan ni Richelle na basagin ang katahimikan para itanong ang kanina pang gumugulo sa isip niya.



“Shane, may gusto akong malaman. Totoo ba yung narinig kong usapan na pinatay raw si Miggs. Yung Miggs na bully?”



Napatigil naman sa pagsubo ng pagkain si Shane at natagalan bago sagutin ang tanong sa kanya. “O—oo. Si Miggs nga yun.”



Nahalata ang mas gulat at medyo takot na reaksyon ni Richelle nang malaman niya na tama nga ang hinala niya. “Bakit ‘di mo naman agad sinabi saakin?”



“Bakit pa? Close ba kayo?”



“Shane naman eh! Seryoso ang usapan! Ano raw nangyari sa kanya?”



“Akala ko ba narinig mo na sa usapan kanina?”



“Hindi lahat.”



Dahil mapilit si Richelle ay walang nagawa si Shane kundi sabihin ang mga nalalaman niya.



“Noong magsimula ang pasukan, yun din ang araw na nawala siya. May naka-engkwentro pa raw na isa pang estudyante si Miggs bago siya umalis noon dito sa school. May pupuntahan kasi siyang party ng isang kaibigan. Pagkatapos nun, hindi na siya nakauwi sa kanila at matagal ring nawala. Kahapon lang natagpuan ang naagnas niyang bangkay sa isang talahiban.”



“Sino raw ang suspect?”



“Hindi pa alam eh. Pero ninakaw rin kasi pati ang sasakyan niya.”



Sa pagkakataong iyon, pareho na silang walang gana na ubusin pa ang pagkain.



“Iche, may sasabihin ako.”



“Ano yun?”



“Medyo…” May kakaibang lungkot sa mga mata ni Shane. Parang kinakabahan sa sasabihin niya, “...medyo nagi-guilty ako.”



“Nagi-guilty ka? Bakit?”



“Naalala mo yung halos nagkapasa na ang braso ko noong araw ding yun?”



“O—oo...” Nakaramdam ng kaba si Richelle sa di-malamang dahilan. Kinakabahan siya para sa kaibigan. “Bakit mo natanong?”



“Si Miggs ang may gawa saakin nun.”



“Ha?” Lalong nanuyo ng lalamunan ni Richelle at kung anu-ano na ang naiisip niya. “Bakit ba, Shane? Anong nangyari sa inyo?”



“Magka-kaklase kasi ulit kami sa isang subject. Hindi ko naman talaga siya papansinin nun pero nung magsimula na naman siyang pagdiskitahan yung mga kaklase namin, ‘di ko na napigilan ang sarili ko. Naalala ko yung ginawa niya sayo kaya ayun... nagkainitan at halos makapisikilan na. Kung wala pang umawat saamin noon, baka natuloy na talaga sa sapakan.”



“Bakit mo naman ginawa yun! Sa laki ng katawan nun, paano kung napano ka! At tsaka ikaw ang nagsabi na umiwas ako sa kanya para walang gulo, tapos ikaw pala ang makikigulo sa kanya!”



“I know! Kaya nga nagi-guilty ako. Hindi pa maganda yung huling encounter namin bago siya namatay.”



Bilang isang mabuting kaibigan, walang ibang ginawa si Richelle kundi i-comfort si Shane. “Wala kang kasalanan. Hindi mo naman alam na matapos ang away niyo, mamatay pala siya.”



“Yung buong batch namin, may planong dumalaw sa burol niya mamaya.”



“Ganun ba? Sige, okay lang na magpunta ka dun.”



“Pero paano ka? Sasama ka?”



“Hindi na siguro. Sabi mo nga kanina, hindi kami close, di ba? Mag-isa na lang akong uuwi.”



“Sigurado ka?”



Ngumiti at tinanguan na lang ni Richelle si Shane. Wala namang kaso sa kanya ang umuwing mag-isa.



= = = = =



Natapos ang usapan ng dalawang magkaibigan at tapos na rin ang breaktime nila. Sabay na silang lumabas ng room para magpunta sa mga susunod nilang klase.



“Itext mo lang ako kapag kailangan mo pa rin ng hatid pauwi.”



“Hindi na! Mabilis lang naman ang train.”



Sa magkaibang direksyon na ang tungo nila ngunit bago pa man makaalis si Richelle, lumapit pa muna si Shane sa kanya at hinalikan siya nito sa noo.



“Para saan yun?”



“Wala lang.” Sagot ni Shane na may matamis na ngiti.



“Adik ka rin talaga minsan—ay hindi! Adik ka talaga! Pumasok ka na nga at papasok na rin ako.”



Na-weirduhan naman si Richelle sa kaibigan. Pero ‘di na lang niya ito pinansin at nagsimula nang maglakad.



Lingid naman sa kaalaman ng dalawa, may isang nakakita sa kanila. Si Eunice, ka-batchmate rin ni Shane at kabilang siya sa sikat na cheering squad ng NEU.



Agad siyang may kinontak sa phone niya. “Sherrie! You will not believe what I just saw! It’s about Shane.” Saka nito ichinismis ang nakita niya.



Tila naman napasigaw ang babaeng nasa kabilang linya. Ngunit matapos ang ilang sandali na paghi-hysterical nito, muli siyang kinausap ni Eunice.



“Hello, are you done with the screaming? Yes... I saw it with my own two eyes! And yes, may ebidensya ako!”



Saka nagsend ng picture si Eunice kay Sherrie.




Picture yun na kuhang hinalikan ni Shane sa noo ang babaeng ngayon pa lang nilang nakita.




End of Chapter 4


1 comment:

  1. so inosente si shane? pero either siya or si zenn lang talaga yung killer psycho..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^