Friday, February 7, 2014

Pabitin Stories : Zeke and The Mystery Girl at Burberry



          Hindi naman kami mayaman, kaya nga nagdesisyon ako na magpunta ng ibang bansa paraa doon magtrabaho. I know that it wouldn’t be easy. Lahat naman mahirap sa simula, but eventually magiging ayos din naman ang lahat.


          Nandito ako ngayon sa California, USA at mamasukan bilang isang chambermaid. I can say na swerte rin ako dahil sa isang kilalang hotel ako makakapasok. Swerte in a way na puro bigatin ang pumupunta sa hotel na ito, meaning malaki ang tip na makukuha naming mga maids, mas madali akong makakaipon. Bonus na lang yung may makita kang sikat na mga Hollywood celebrities.



          “What time is your duty tomorrow?” tanong sa akin ni Taylor na kagaya ko ay isa ring chambermaid. She’s American. “I hope we have the same schedule Johara.” She smiled at me sweetly.


          Matapos kong ilagay ang mga pinagpalitan na bed sheets na nakuha ko sa isang kwarto ay saka ako sumagot. “My shift will start at seven in the evening until five in the morning the next day.” Sagot ko sa kanya habang nagre-refill ng laman ng cart ko. “How about you, what’s your schedule for tomorrow?”


          I saw her pout, malamang hindi kami pareho ng schedule kaya ganyan ang itsura nya. She was about to answer ng biglang pumasok si Victoria, na katulad ko ay pinay rin, pero hindi kasundo ng ilang maids.


          Hindi na tinuloy ni Taylor ang anumang sasabihin nya, sumunod na lang sya sa akin sa paglabas. Ng makalayo na kami kay Victoria ay saka sya muling nagsalita.


          “I really don’t like that brunette.” Halatang naiinis sya. “I bet she’s not a real Filipina, because if she’s a real one, she would be as nice as you are Johara. But no, that bitch was way too far from what you are.” Patuloy sya sa paglilitanya habang lulan kami ng elevator na mga chambermaids lang ang gumagamit.


          “Let her be.” Yun lang ang nasabi ko dahil bumukas na ang elevator. “See you later.” Tumuloy na ako sa isa sa mga kwarto na tumawag sa baba para magpapalit ng bed sheets and para ipalinis na rin ang kwarto nila.


          Sa ilang buwan ko na pananatili dito, iilang beses pa lamang ako nagkakaron ng karanasan na pagsalitaan ng hindi maganda ng mga guests ng hotel. Hindi naman sa pagtatanggol ko sa sarili ko, pero talagang wala naman akong kasalanan at sadyang maarte lang sila.


          “Good morning Mam, Sir.” Bati ko with smile sa mga occupants ng room na pinasukan ko. “This will be quick.” Nginitian nila ako, sign na pwede na akong pumasok sakwarto nila.


          Pagpasok ko ng kwarto, daig pa noon ang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo. Tinanggal ko na agad ang mga punda at kobrekama para mapalitan. Ng matapos ako, sinunod kong silipin ang bathroom ng silid. Hindi nga ako nagkamali, makalat at magulo rin.


          Sa sobrang kaabalahan ko, hindi ko namalayan na pumasok pala sa kwarto yung guest na babae. Napalingon ako sa kanya, sumenyas lang naman sya na ituloy ko lang ang ginagawa ko.


          “What’s your nationality, Johara?” tanong nya bigla.


          “I’m a Filipino Ma’am.” At binigyan ko sya ng isang ngiti.


          Hindi naman na ako nagulat kung paano nya nalaman ang pangalan ko, may name tag kaya kami, hello. “I love Filipinos; they are very accommodating and one of the happiest people on the planet.” And I saw a sweet smile from her. “Why are you here? I mean, why here? Why being a chambermaid?” na-gets ko naman agad ang gusto nyang sabihin.


          Siguro buryong na buryong na ang babae na ito kaya pati ako pinatulan ng kausapin. Tinapos ko lang ang ginagawa ko, tapos noon ay hinarap ko na sya at saka sinagot ang mga tanong nya. Yung totoo, parang hindi sya nauubusan ng tanong. Pati nga love life ko inungkat.


          Ilang minuto din kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na ako dahil ba mapagalitan pa ako dahil masyado ng akong matagal. She told me before I left their room that they when they need something, they will ask the management to send me. They like me daw kasi, and they will give me a big tip when they check-out na.


+++++++++++++++++++++++++++++++


          Sa The Peninsula Beverly Hills Hotel ako pumapasok as chambermaid, at itinuturing ko iyong isang malaking himala. Hindi ko talaga alam kung paano ako nakapasok. Imagine, AAA-Five Diamond and Mobil Five-Star ang rating ng Peninsula Beverly Hills for thirteen consecutive years. It has one hundred ninety six guest rooms, including thirty six suites and sixteen villas that are equipped with a state-of-the-art electronic system that allows are guests to control the environment of their room according to their mood with just a touch of a fingertip.


Day-off ko today, pero pupunta pa rin ako sa hotel later to get my schedule for the next two days. I was walking on the street while holding a cup of my favorite hot coffee, when someone bumped me out of nowhere.


          “Oh shocks!” yun lang ang nasabi ko dahil shock talaga ako.


          Nagmamadali akong pinagpag ang kape na tumapon sa sweater ko. Oh God, why is this happening to me? My very first signature trench coat that I bought for myself, may mantsa na! I bought it for almost a hundred bucks!


          “I’m so sorry. Oh God, I’m really sorry miss.”


          He has that beautiful but sexy voice, but the fuck I care. Yung sweater ko!!! “Look what have you done, Sir? This is my very first coat that I bought for myself after three months of working hard.” Tuloy-tuloy na litanya ko.


          “Nakaka-inis naman oh, kung nalaman ko lang na ganito mangyayari kapag sinuot ko ‘to at bumili ako ng kape, sana pala hindi na lang ito ang isinuot ko. Remember Johara, hindi magandang combination and expensive clothes and coffee while walking on a street full of in a hurry people.”


          I don’t give a damn if he can understand me or not, I need to talk and talk para mawala ang bad vibes ko sa katawan. Oo nga at nainitan ako, pero hindi naman sa ganitong paraan. Pwede namang hindi na ako matapunan ng kape, sapat naman na ang init na ibinibigay ng makapal kong suot.


          “Come with me. I may not understand what you’re saying awhile ago, but I can sense that you’re upset because of what happened.”


          Hinila na nya ako papunta sa Wilshire Boulevard. “Wait, where are we going?” ayoko kasi nung dinadaanan namin, pang mayaman lang to. Hinila nya ulit ako papunta sa isang eskinita na wala masyadong dumadaan, sa eskenita na madalas kong daanan.


          Humarap sya sa akin, at muntik ko ng malunok ang dila ko. Speechless ako! “W-wa-wait, are you? Is that y-you, Zeke? Zeke Wade?” seryoso, isang Hollywood star ang kaharap ko?


          I was about to shout, pero bigla nyang tinakpan yung bibig ko. Nanlaki naman ang mga mata ko, nagulat ako eh. Shemay, ang bango ng kamay nya. Pwede na akong himatayin!


          “Please do not shout.” He said. “Ok Miss?” then I said my name. “ I’m really sorry. I will buy you a new coat as a replacement of your stained trench.” Lumuwag na yung magkakatakip nung kamay nya sa bibig ko. “Don’t shout and make a scene, understand?” napatango na lang ako, hindi ko magawang magsalita eh.


          Pero hindi ko pa rin mapigilang kiligin, he’s one of my crush!!!! Would you believe it, natupad ang pangarap ko na makita sya, sobra-sobra pa nga sa pinapangarap ko.


          Naglakad na sya pabalik sa Wilshire boulevard, kung saan magkakatabi lang ang mga boutiques and department store. Name it; you can see all of it here. Burberry, Jimmy Choo, Prada, LV, lahat ng mamahaling mga shops nandito na yata. Well, puro mga saksakan naman ng yaman ang mga nandito eh.


          Nung minsan si Johnny Depp daw ang nakita ni Taylor na naka-check in, nakapunta na rind aw dito ang US President Barrack Obama, pati daw si Keanu Reeves. See, kung isa akong businessman magtatayo din ako ng business dito.


          Biglang lumiko si Zeke, papasok sa Burberry. Literal na nanlaki ang mga mata ko. Sa sobrang shock ko nga hindi ko na nagawang sumunod sa kanya sa loob, nasa labas lang ako ng shop. Siguro napansin ni Zeke na hindi ako sumunod sa kanya, lumabas pa eh.


          “What are you doing there, come with me inside.”


          Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko eh, star struck pa rin ako hanggang ngayon kay Zeke. Ang pangarap ko, hinihila ako papasok sa isa ko pang pangarap. Eh bakit ba, pangarap ko naman talagang makapasok sa mga mamahaling boutique at lumabas na may dala kahit isang paper bag man lang.


          “You choose a trench coat you like, don’t mind the price tag.”


          Mayroon akong nakita na isang coat, kulay pula. Ang ganda nya, ang ganda-ganda nya talaga. Alam ko bagay sya sa akin, magiging maganda ako kapag isinuot ko yun… kaya lang ayoko, mahal masyado yun panigurado.


          Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ni Papa Zeke, don’t mind the price tag! Tanong sa akin ng isang bahagi ng utak ko. Pero nakakahiya! Magkano lang yung coat ko na natapunan nya ng coffee? Baka nga sampung ganon ang mabili non sa presyo nung gusto ko. Sagot naman nung kabila.


          Eto ba ang epekto ni Zeke sa akin, para akong mababaliw? Kung nalaman ko lang sana hindi ko na lang sya nakita sa personal. Hello, marami pa akong pinag-aaral sa Pilipinas.


          “Y-you don’t have to buy a new coat for me. Ay mali, you need to buy pala, but not here. Those coats are too expensive for a replacement to this cheap coat that I have.” Kumunot lang naman ang noo nya sa mga sinabi ko. “Fine!”


          Itinuro ko sa kanya yung trench coat na nakita ko, na agad naman kinuha nung sales lady. Iniabot iyon sa akin, at pasimple kong tiningnan yung price tag. Tungunu, one thousand seven hundred ninety five dollars! Para lang sa isang trench coat, napakamahal non.


          “I don’t like this, this is too expensive.” Iyon lang ang sinabi ko at ibinalik iyon iyon kay Zeke. “I’ll go ahead.” Tinalikuran ko na sya at lumabas na ng boutique na iyon.


          Kalokohan yung coat na iyon. Kung peso yun malamang pinatulan ko na iyon, kaya lang in dollars. Hay, dadalhin ko na lang ito sa laundry shop, baka magawan nila ng paraan na matanggal yung stain.


          I was about to cross the road, when someone pulled me away the pedestrian.


“Watch out!”


Si Zeke na naman! Parang gusto ko na tuloy isipin na na-love at first sight sa akin ang sikat na Hollywood star na nasa harap ko. Nakatingin lang sya sa akin, ganon din naman ako sa kanya.


“Here! Take this!” Iniabot nya sa akin yung Burberry paper bag. “I don’t take no as an answer.” Saka sya naman ang nag-walkout.


Wala naman na akong choice kundi tanggapin na lang yung paper bag. Alangan namang iwan ko yung paper bag dito sa kalsada, baka may bigla na lang dumampot na lang sa aking mga pulis.


++++++++++++++++++++++++++++++


          “She’s so lucky!” naabutan kong sinasabi ni Lynette. “I wonder who that girl is.”


          Nakita naman ako ni Taylor, at agad nya akong nilapitan at ipinakita sa akin yung newspaper. ‘Zeke and his Mystery Girl at Burberry’ iyan lang naman ang caption nung photo sa front page ng entertainment section ng Beverly Times Newspaper.


          “Nobody knows who she is. How I wish I was that girl, as in she’s super lucky.” Hindi napigilang comment ni Taylor na akala mo nananaginip lang. “After three months of not dating anyone, he shocked all of us that he’s dating here in Beverly Hills.”


          Ako? Ano sa tingin nyo ang reaksyon ko? Syempre wala! Shock pa rin ako hanggang ngayon eh. Ok lang naman yung makunan kaming dalawa na nasa tapat ng Burberry, pero yung isang maliit na picture sa baba noon yung nakaka-intrig talaga. Yakap nya ako, at yakap ko rin sya.


          “Aren’t you envy to that girl?” tanong sa akin ni Taylor. “If you ask, I envy her so, so much!”


          I just rolled my eyes at her. Saka bakit ko naman kakainggitan ang sarili ko. Pero wala dapat makaalam na kahit sino na ako yung babae na kasama ni Zeke. Eh wala kaya akong balak pumasok sa Hollywood dahil sa pagkaka-link sa isang sikat.


          “Ms. Johara Salvador, phone call for you at line number 2.”


          For the first time, ngayon lang yata ako naka-received ng tawag while I’m on-duty here at The Peninsula Beverly Hills. Kaya nga kasunod ko ang mga tingin ni Taylor at ng ibang maids dito, kasi kahit sila alam nila na walang tumatawag sa akin.


          “Johara speaking.” Bungad ko. “May I know who’s on the line?”


          “Burberry.”


Shit, seryoso? “Z?” oh shit, I need to speak low. “Why, why are, why did you call?”


          He chuckled, parang enjoy pa ang loko na nagpa-panic ako dahil lang sa tawag nya. Kung kaharap ko lang ang lalake na ito, malamang nasipa ko na sya.


          “What do you need this time? I already accepted the coat…”


          “Just because I leave you with no choice.” At sinundan pa nya ng smirk, ramdam ko. “Can I see you right now?”


          “NO!” sa lakas ng pagkakasabi ko, napatingin sa akin lahat ng maids na nasa lugar kung nasaan kami. “Sorry. I-I, obviously I have work right now.” Hindi naman agad sya nagsalita, pero kinabahan ako sa mga sunod nyang sinabi.


          “Maybe I come there, pick the most expensive room at The Peninsula Beverly Hills Hotel. What do you think?”


          “What do you really want to happen?” hindi ko na napigilang itanong.


          “I want to see you. I enjoy your company, especially when you say something that I can’t understand.”


          “Huh?


          “You heard me right, I want to see you. You know, have some chit-chat while seeping hot coffee. You’re fun to be with.”


          “Ewan ko sa’yo.”


          “What did you say? You know I can’t figure that those words means since I can’t see your expression.”


          Urrggghhh, pwede ko bas yang pagbagsakan ng telepono? I know I can’t, my job is at stake if I did that.


          “I said whatever. I gotta go, still need to work my ass out. Bye!”


          Ibinalik ko na yung phone sa cradle. Kasabay ng pagbaba ko sa telepono ay ang paglapit sa akin ng mga kaibigan ko na kapwa chambermaid na pinangungunahan ni Taylor.


          “So, care to share who just called you?”


          Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yung mga nangyari. Kapag nalaman nila ang totoo, malamang na magsisigaw tong mga ito. No choice, I have to lie to them.


          “Just a bored friend who wants a clown.”


          “Ok, time to work. Come on, come on!” biglang sabi ni Mrs. Howard ng pumasok sya sa maids station. “Get your ass out here, time to work.”


          I thank Mrs. Howard dahil bigla na lang syang umepal, nakaligtas ako sa pang-iintriga nila… for awhile.


          Naka-schedule ako na maglinis ng limang suites, at dalawang villa, at apat na guest room. Marami na iyan, at masakit na sa katawan ang napunta sa aking load ngayon. Hindi naman ako nagrereklamo dahil kapag madami akong nililinis, mas malaki rin ang naiuuwi kong tip.


          “Swerte naman, hindi masyadong madumi. Konting punas, palit ng bed sheets, and viola. Tapos ang trabaho.” Hindi ko napigilang sabihin ng makita ko ang unang kwarto na pinuntahan ko.


+++++++++++++++++++++++++++++


          “Huh?” nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Howard. “Why?” bigla ba namang akong inabala sa paglilinis ko, tapos sinabihan na wag ko ng ituloy ang ginagawa ko. “Did I do something wrong?” tapos yung iba kong loads ipinasa nya sa iba. Ano ngayon ang aasahan kong tip?


          “Someone requested you to be his personal maid. Meaning, you need to be with that guest 24/7.” Simpleng sagot ni Mrs. Howard sa madami kong tanong. “You have to accompany him while he’s staying here. You understand?”


          Bongga! Mas hindi na ako chambermaid, security guard slash chaperone na ako ngayon. Wala naman akong choice, napatango na lang ako sa superior ko. Mahal ko ang trabaho ko.


          Iniabot na sa akin ni Mrs. Howard ang card kung saan naka-check in yung guest namin na nag-request na maging julalay ako. Sana naman manawa agad sya para marami akong magawang trabaho. Kinakailangan ko talaga ng kikitain ko ngayon dahil enrolment na naman.


          Big time na nayayamot na sa buhay nya ang kailangan kong samahan. Bakit hindi, yung pinakamahal na kwarto yung kinuha nya. Ang mga mayayaman talaga, walang paglagyan ng pera.


          “Cause I see sparks fly whenever you smile. Give in with those green eyes baby as the light goes down.” Kumakanta pa ako habang paakyat. Kailangan good vibes lang. “Give me something that’ll haunt me when you’re not around, ‘cause I see sparks fly whenever you smile.”


          “Good day! Welcome to The Peninsula Beverly Hills Hotel!!!” masiglang bati ko ng bumukas ang pinto nung villa.


          “Hi!”


          That voice… I already hear that voice. To confirm kung tama ba ang pagkakakilala ko sa boses na iyon, nagtaas ako ng tingin. Kutson, kailangan ko ng kutson sa paanan ko. Gusto kong himatayin.


++++++++++++++++++++++++++++++


          “So where are we heading now?”


          “Let’s experience together the famous Rodeo Drive.” Sagot naman nya.


          Isa sa pinakasikat ang Rodeo Drive. Hindi kumpleto ang pagpunta mo ng Beverly Hills kung hindi ka makakapunta doon. I’ve been there once, at talaga namang nag-enjoy ako ng husto... sa pagwi-window shopping. Pangako ko sa sarili ko na babalik ako ng Rodeo Drive kapag kaya ko ng bumili ng kahit na isang item lang sa mga mamahaling shops doon. Pero syempe pa, promises are made to be broken.


          “Ano naman ang gagawin ko dun eh wala nga akong pera. Window-shopping na naman ang peg ko nito, tapos gagawin lang akong julalay.” Litanya ko pa kasi alam ko naman na hindi nya ako maiintindihan.


          “Huh? What did you just say?” tanong pa nya na halatang nagugulumihanan.


          “Ok, I promised to myself that I will not go to Rodeo Drive if I do not have money to buy anything from that place.” Simpleng paliwanag ko. I’m not expecting anything, I just want to be honest to him. “Shall we go now?”


          “You still can buy anything you want.” Naka-kunot ang noo ko ng tumingin ako sa kanya. “With help of this!” at winagayway nya sa muka ko ang credit card nya.


          “What will I do with your credit card, that’s not mine? And for your information, I want cash as payment for my service.” At naglakad na ako papunta sa pupuntahan namin.



+++++++++++++++++++++++++++++++++



          Nilibot talaga namin ang buong Rodeo Drive, lahat ng boutique pinasok namin, at sa lahat ng pinasukan namin ginawa lang naman akong taga-sukat ni Zeke. Ang dami nyang binili para sa girlfriend nya, ang dami na nyang dala at madami na rin akong dala. Hindi ko alam kung balak bang magtayo ng business ng jowa nya, kasi sobrang dami talaga.


          “Seriously Zeke, wala kang paglagyan ng pera mo?” tanong ko sa kanya habang abala ako sa pagkain. “Kayo talagang mayayaman, gastos lang ng gastos, pero kunsabagay, you can’t bring your wealth in heaven when the you die, so better spend it, but I wish you people spend it wisely.”


Nang mag-angat ako ng tingin, noon ko lang nalaman na nakatitig pala sa akin si Zeke. Bakit, ang messy ko bang kumain? Madungis ba ako, humuhulas nab a ang muka ko? Paanong gagawin, ang sarap kaya ng Lobster Mac and Cheese dito sa The Capital Grille.


Actually sa kanya yung Lobster Mac and Cheese na kinakain ko. Yung mga orders ko ba? For appetizer, I ordered Field Greens with Shallot Champaign Vinaigrette; for entrée, Seared Citrus Glazed King Salmon with Fresh Green Beans; and for my favorite meal desserts, I ordered Flourless Chocolate Espresso Cake and Cheesecake with Fresh Seasonal Berries. Kinuha ko lang yung Lobster Mac and Cheese nya kasi ayaw nyang ubusin, mukang masarap naman so kinuha ko.


“How’s your life back in your hometown?” biglang tanong nya sa akin.


Yung totoo, hindi ako komportable na kausap sya. Alam nyo yun, hindi ko kasi ma-express ng maayos yung sarili ko sa English language. Pinoy na pinoy pa rin kasi ako, I love my own language kaya.


“We’re poor, but we are rich too. Mayaman kami sa love.” proud na sabi ko pa kahit na mukhang hindi nya ako maiintindihan. “I don’t want to talk about it now, but that doesn’t mean kinakahiya ko sila, I love every bit of my family.” Ngumiti lang ako sa kanya.


Nag-aya na rin syang bumalik sa hotel, napagod na siguro sya. Bukas kaya, saan naman kaya nya ako hihilahin?


          “Here are your shopping bags. Anyway, I’ll go to our station so I can get my uniform and change.” Paalam ko sa kanya matapos kong iayos lahat ng pinamili nya sa isang part ng kwarto nya. “Just call downstairs if you need anything.” I smiled at him and left.


++++++++++++++++++++++++++++


          Three days na mula ng mag check-out si Zeke sa Beverly Hills Hotel. Tatlong araw,at talong gabi ko na ring tinititigan yung mga gamit na ibinigay nya sa akin. Ibinigay lang nya sa akin yung mga yon ng maka-alis sya ng hotel.


          “These are all yours Johara. Don’t dare to return or decline to accept all these because it will cost your job.”


          Anak ng sampung pating naman oh! Talagang kailangan may ganong klaseng pananakot? He definitely knew kung anong dapat gawin at sabihin para tanggapin lahat ng ibinigay nya.


          Hindi ko ginagalawa lahat ng ibinigay nya sa akin, sapilitang ibinigay sa akin. I just put it on one corner of my place. Hindi bagay sa isang tulad ko ang magsuot ng ganong kagagara at kamamahal na damit.


          “There past three days, I noticed that you’re sad. What’s the problem, Johara?” nag-aalalang tanong ni Taylor sa akin.


          Nandito na kami ngayon ni Taylor sa isang coffee shop, kakatapos lang ng shift naming dalawa. Problem, wala naman tlaga akong problema eh. Hindi ko lang siguro trip ngayon ang maging masaya.



          “Let me guess, is it because of Zeke? Why, what’s between you and Zeke. Come on, you know you can say everything to me, you can trust me about everything.”


          I tell her what exactly how I feel right now. She didn’t look surprise at all, muka nyang inaasahan na nya yung mga sinabi ko. Am I that obvious?


          “You know what Johara, I can’t see any problem. You like him, period. End of discussion. As easy as that. You just don’t want to admit to yourself that you really like him. Not as an actor that you idolized, but as a man that you be with for a short period of time. That’s normal Johara, trust me.”


          Do I really like him? Yes! I like him! “But you see Johara, you should not expect anything from him. It’s not that you’re not a nice person but, who do he think you are. You’re just a simple woman who works as a maid in a fancy hotel. That admiration you feeling right know, time will come that it will fade without you noticing it. That’s how life goes, Johara. Harsh but true.” Mahabang sabi nya.


          Tama, wala naman talaga akong maaasahan sa isang katulad nya. Maybe he just find me amusing, a breath of fresh air for him. Ganon lang yon, at kung ano man ang ipinakita nyang mabuti sa akin, walang kahulugan yon maliban sa mabuti lang talaga syang tao.


++++++++++++++++++++++++++


          “We heard that you and Samara dating, how true is that?” tanong ng reporter kay Zeke.


          Nanonood kaming dalawa ni Taylor ng balita dahil break time naman. Zeke and Samara’s face was all-over the entertainment section of every newspaper here in Beverly Hills. Why not, dito lang naman nila napiling maglandian.


          “I don’t wanna call it that way, because that’s way too far of what we did.” Sagot naman ni Zeke. Eh anong itatawag sa ginagawa nilang paglabas-labas?


          Samara is one of the most-renowned fashion designers of her time. And today is her time. Sikat na sikat sya dahil sa magaganda nyang creations, and hindi lang sya basta designer dahil runway model din sya. Sya na biniyayaan ng maraming talent.


          “Samara and I are friends since nobody knows when.” Dagdag pa ni Zeke sa naging sagot nya kanina.


          “But do you have any special girl right now?”


          Napatingin sa akin si Taylor, and I’m wondering why? Ilang buwan na ba mula nung nagpunta dito si Zeke, two or three months I guess. Hindi ko alam pero interesado akong malaman kung meron na nga ba.


          “Yes, there is this special girl in my life right now. Well, except my mom.” at natawa pa talaga sya.


          Nasa isang TV show kasi ngayon si Zeke, siguro para sa promo ng bago nyang show. For the past months, we didn’t hear anything about him. Kaya nga ngayon na kasama sya sa isang bagong show, talagang hindi inaasahan ng lahat.


          “And can you give as a privilege to know who’s the luck girl?” tanong na naman nung host ng show.


          “Zeke and the Mystery Girl at Burberry.” Simpleng sagot nya.


          Parang niyanig ang buong pagkatao ko. Me? Well, ako nga ba yung tinutukoy nya? Baka naman masyado lang akong assuming. Baka naman hindi lang ako yung naging mystery girl nya sa Burberry.


          “That lucky girl!” biglang react ni Taylor ng sumagot si Zeke. “Right now, I wish I was that girl.” Napatingin naman sya sa akin.


          She still didn’t know anything about that incident at Burberry. Wala akong pinagsabihan na kahit na sino.


          “Oh, I’m so stupidly wrong. I wish my friend Johara was that girl who’s with Zeke that time!” nilapitan nya ako at niyakap. “Are you okay?”


          “What’s her name?” narinig kong tanong na naman nung host.


          “I’d rather keep her name secret, but I’ll love if you call her Burberry.” At tumawa pa si Zeke after nyang sabihin ‘yon. “I don’t want her life to be complicated as mine. She’s just a simple girl, and that simplicity really fits her.”


          Napa-‘aaawww’ naman yung audience nung show, pati na rin yung host na babae. “You’re such a sweet guy, and Burberry is so lucky to have you.” She said fondly to him.


          “I really envy that girl. She’s so, so, so, so, so, so lucky!” maarteng sabi na naman ni Taylor.


          “Do you have any message for your Mystery Girl at Burberry?”


          “Hi there! I don’t know if you’re watching right now, but I’m hoping you do. I missed you so damn much. Hope to see you again, so soon. I love you!”


          And that’s the final straw. Napatili na ng tuluyan si Taylor. Jusko, parang bulate lang na binudburan ng asin ang peg ng bruha. Akala mo sya yung sinabihan ng ‘I missed you so damn much’ at ‘I love you’ kung maka-react. Well, I can’t blame her though, kasi talaga namang nakakakilig.


          “I love you too!”



[Masama ugali ko ngayon so ayan, open ang ending. Hahaha! Madudugtungan pa yan, hindi ko lang alam kung kailan. Iisip muna ulit ako. Labsyu espren Pressy!]

2 comments:

  1. Nakakainis ka!!!!!! nabitin ako dun!! Dugtungan mo yan!!! hahaha.

    ReplyDelete
  2. Atey!!! Bakit ganitey?? Haha.. Bitin much!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^