Sunday, January 19, 2014

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Author's Note

Aiesha’s Note


THANK YOU SO MUCH!



Yan ang una kong gustong sabihin sa mga nagmahal at sumuporta ng MLR and it’s book 2, MFML. Thank you sa matiyagang pag-iintay ng updates ko. Napakaba, napainis, napangiti, napatawa, napakilig at nainspire ko sana kayo sa kwento ni Ellaine at Lordy este Jaylord at ng ibang characters na nakasama nila sa kwentong ito.


To Ellaine (in real life), o ayan hah! Kotang-kota ka na ang pang-iispoiled ko sa’yong bruha ka! HAHAHA! Inabot ng 50+ chapters na supposedly, 20 lang. Tapos yung book 1, hanggang 7 lang, haha!


Speaking of chapters, dahil ang IMBA po talaga ng book 1 dahil ang igsi niya. May balak akong irevise ‘yon para maibalance ko sa pagkahaba-habang book two. When? Hindi ko pa alam.


WALA NA PONG BOOK THREE. Pagpahingahin na po natin sina Ellaine at Lordy este Jaylord, tama na yung mga pagpapahirap ko sa kanila. HAHA! (Ang sadista ko talaga XD) Wala man pong book three, mero’n naman po akong SPECIAL CHAPTERS na gagawin para sa kanila.


Gusto ninyo po bang malaman ang mga nangyari habang nagbubuntis si Ellaine: kung anong mga kabaliwan ang naisip niya while she was pregnant, kung sino ang mga naperwisyo niya, kung ano at sino ang napaglihian niya, kung bakit Clemente ang tawag niya kay Clay, at marami pang iba. Abangan ninyo po sa mga one shots na gagawin ko that will be posted on Ellaine’s birthday. Kailan ‘yon? Nasa book one po ‘yon! Hanapin ninyo! Hahaha! Pero paisa-isang one shot lang po ang magagawa ko. Mahina ang kalaban, hehe!


At wala man pong book three, abangan ninyo po ang cameo roles nina Ellaine at Lordy este Jaylord at ng dalawa nilang anghel sa new series na gagawin ko na pagbibidahan ng tatlong masqueteers starring Chad, Khalil and Clemente este Clay, hahaha! Entitled ‘THE THREE MASQUETEERS SERIES’ (wala man lang effort yung title ko, haha!). May kaniya-kaniyang story silang tatlo kaya tatlong book ‘yon (malamang, tatlo nga, eh, haha!).


Pero hindi ko pa alam kung kailan ko masisimulan ang story nilang tatlo. Depende po ‘yon kung kailan ko matatapos yung new series kong Dear Pusong Bato. Eight books po ‘yon, eh. At kasisimula ko pa lang po ng book one. Pakibasa din po pag may time.


Maka-segway, eh. Hahaha!


Speaking of segway, may fan made trailer video na ginawa for this story. Thank you again, Kaye! And to Ellaine and Raven! I love you, girls! Muah! Here’s the link: http://www.youtube.com/watch?v=Nztn6JHftvg&feature=youtu.be


May special chapter din akong ginawa. Ginawa ko siyang video instead of pa-story. First ever video na ginawa ko. Sana magustuhan ninyo. Here’s the link: http://www.youtube.com/watch?v=6wLW4a4Drkc&feature=youtu.be


Lulubusin ko na ‘tong pagpo-promote. HAHA!


Check out our blog and read more stories from different writers: aegyodaydream.blogspot.com













THANK YOU AGAIN!


Ay, wait. Haha! May magme-message pala sa inyo. Pagbibigyan ko na sila kahit ang haba na nitong A/N ko.


ELLAINE: Sa mga sumubaybay kung paano ko kukulitin at iinisin ang honey ko, sa mga sumbaybay nang pagsusungit niya sakin, sa mga kasama kong kinilig at umiyak ng bonggang-bongga, maraming salamat po! Thank you for supporting our story! And to Miss Aiesha, Iheytyu! You’re a sadist author! Pinahirapan mo ko! Hmp! Pero Ilabyu na kasi ginawa mong kambal ang baby ko. (turns to Jaylord) Honey, ikaw na.


JAYLORD: Anong sasabihin ko?


ELLAINE: Mag-thank you ka.


JAYLORD: And why? For killing me? For making me miserable nang magka-amnesia ako? And because of that, nahirapan ka?


ELLAINE: Yung mga readers ba ang gumawa no’n sa’yo? Si author kaya ‘yon! Yung mga readers ang pasasalamatan mo.


JAYLORD: Okay.


ELLAINE: Anong okay?


JAYLORD: Thank you guys.


ELLAINE: Yun lang?


JAYLORD: Okay na ‘yon.


CHAD: Then it’s my turn! Ehem! Ehem! Sa mga babaeng—


JAYLORD: I’m not yet done, Chad. Thank you for bringing me back to her, author. And thank you for allowing me to fulfill my promises of forever. Not only with her, but with our two angels.


CHAD: And cheesy naman no’n!


JAYLORD: Shut up.


CHAD: Later na. Magme-message pa ko, eh. Hi sa mga fans ko dyan!


KHALIL: Mas marami daw fans si Clay kesa satin.


CHAD: Who told you?


KHALIL: Si Miss Aiesha.


CHAD: She’s lying. Paanong magkaka-fans si Clay?


KHALIL: Sabi niya, eh. Wag mo nga siyang sabihang sinungaling! Baka patayin ka no’n sa story mo, sige ka.


CHAD: She’s not. Sinong nagsabing sinungaling siya? Not me.


KHALIL: Ikaw. Siguro dapat, magbago na tayo. Gayahin natin si Clay para satin naman sila ma-inlove! Ang unfair lang, eh. Ang unfair ninyong mga babae! Bakit puro siya na lang? Paano naman kami?


CHAD: Ang drama mo! Marami ka na daw kasing babae sa kwento kaya gano’n.


KHALIL: Ikaw ‘yon!


CLAY: Tapos na kayo? Message ang sabi, hindi kulitan. Ako na lang nga ang magsasalita. Ehem! Sa mga may crush sakin dyan, isang malaking hello! Pero mas mahal ko talaga ang laptop ko, sorry.


CHAD & KHALIL: Pakasalan mo na!


CLAY: Ewan ko sa inyo! Sa totoo lang, isa lang naman ang himutok ko sa kwentong ito, eh. Tatlo pala. Bakit parang gusto na kong pataying ng author nito? Bakit hindi niya ko sinama sa gang war na nangyari? At bakit kung kailan patapos na, siningit niya pa ang pangalang ‘yon?


CHAD & KHALIL: Yung Clemente?


CLAY: Shut up!



Tama na nga! Hahaha! Nagkulitan na naman yung tatlo. Pero alam ko naman yung gusto nilang iparating, thank you daw dahil kahit supporting characters lang sila dito, minahal ninyo pa rin sila.


AND THANK YOU AGAIN FOR SUPPORTING THIS STORY! I LOVE YOU, GUYS!
- Aiesha Lee


My Last Rose @ Wattpad @ Blog 4/1/2013

My First,My Last @ Wattpad 11/26/2013 @ Blog 6/10/2013 – 1/19/2014


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^