Sunday, January 19, 2014

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Epilogue (part 3)

EPILOGUE (part 3)
[ Author’s POV ]

Promise.


Protect.



Dalawang salitang madaling sabihin pero hindi gano’n kadaling gawin. Simpleng salita pero kapag ginawa mo na, parang ang hirap.


The word promise could came from your mouth, or could came from your heart. Either way, you should protect your promise for you to be able to keep it.


But how are you sure na kaya mong panindigan ang mga salitang binitawan mo at ang nararamdaman mo until the end?  Madali lang diba? Yan ang sasabihin mo. Sa ngayon. Sabi nga nila, walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago. Kapag lumipas na ang panahon, maraming magbabago. At maging ang mga salitang binitiwan mo, pati ang nararamdaman mo, pwedeng magbago.


Promises were made to be broken. Wag ka ng mangako kung sisirain mo lang din naman. Once na sinira mo ang pangako mo, sasaktan mo lang ang taong pinangakuan mo. Nasira mo na ang pangako mo, hindi mo pa na-protektahan ang nararamdaman ng taong ‘yon. Dahil once na sinabi mong mahal mo ang isang tao, kasama na do’n ang pangakong po-protektahan siya para hindi siya masaktan.


Keeping a promise is a choice. Madaling sumira ng pangako, mas mahirap tumupad. Staying in a relationship is a choice, too. A choice made by your mind and heart. Hindi lahat kasi ng nasa relasyon, nagmamahalan. Minsan ayaw na ng isip mo, gusto pa rin ng puso mo. Ayaw na ang puso mo, pero nakokonsensya naman ang isip mo.


But hurting someone you love, it’s not always a choice. Minsan kasi kahit nangako kang po-protektahan siya para hindi siya masaktan, may mga bagay pa rin na makakasakit sa kaniya na hindi mo maiiwasan.


Yan ang mga natutunan nina Jaylord at Ellaine sa lahat ng pinagdaanan nila.


Trust. Ang salitang ‘yan ang dahilan kung bakit tumagal silang dalawa. May tiwala sila sa isa’t isa na kahit anong mangyari silang dalawa pa rin hanggang sa huli. May tiwala sila sa narararamdaman ng isa’t isa. May tiwala sila na lahat magbabago, pero ang pangako nila sa isa’t isa, hinding-hindi. Hindi man nila sabihin ‘yon ng paulit-ulit, nagkakaintindihan na ang mga puso’t isip nila.


It was his choice to keep his promise to her. It was her choice to believe him. It was their choice to protect each other. Dahil yun ang gustong gawin ng isip at puso nila. Ang protektahan hindi lang ang isa’t isa, pati ang mga taong mahahalaga sa kanila...










“Penge nga ng mansanas, Chad.”


“Sure, Pearl.”


“Babe, kakain ka na naman?”


“Gutom na si baby, eh.”


“Tol, ako din. Penge.”


“I bought it for Ellaine, Clemente.”


“Hindi pa siya pwedeng kumain niyan. Saka ba’t si Pearl, binigyan mo? And don’t call me Clemente, okay.”


“She’s pregnant. Maawa ka naman sa baby na nasa tiyan ka. Magpabuntis ka muna Clemente bago kita bigyan.”


“I said, don’t call me Clemente!”


“Huy! Ang ingay ninyo! Nagpapahinga si Ellaine, o.” saway ni Draic.


“Okay lang.” nakangiting sabi ni Ellaine.


“O, okay lang daw.”


“Hindi okay. Nasa ospital tayo.” kontra pa rin ni Draic.


“Ang sabihin mo, naiistorbo lang ang pagtulog mo.” sabad ni Khalil.


“Hindi ako natutulog.”


“Eh, ba’t nakapikit ka?”


“Gusto ko lang.”


“Teka lang, hah.” singit ni Chad. “Ano bang ginagawa ninyo dito? Present ata kayong apat? Himala ng mga himala ng lahat ng himala!”


“Oo nga ‘no!” segunda nina Khalil at Clay sa kaniya.


“Napansin mo pa ‘yon pre?”


“Matalino ako, eh. Kayo lang ang hindi.” Tiningnan isa-isa ni Chad ang Others’ Men. “So guys, what are you doing here? Hindi tuloy nakapasok sina Paul. Masyado na daw tayong madami. Buti na lang malaki ‘tong kwarto. Teka lang, nasa’n nga pala si Paul? Wala rin sina Keith at Sean. Magkakasama ba yung tatlo?”


“Something came up.” sagot ni Jaylord. “But they can handle that one.”


“Anong nangyari, honey? May problema ba?”


“Nothing, Elle. It’s personal.”


“Pumepersonal na rin ang Paul na ‘yon, ah. So, mabalik tayo sa apat na mokong na ‘to.”


“Ayaw mo talaga kaming tigilan ‘no?” Itinaas ni Uno ang librong hawak niya. 

“Reading.”


“Bakit dito pa?”


“Magandang magbasa sa ospital. Tahimik. Kayo lang ang maingay.”


“How about you, Dax and Zurk?” Khalil asked.


“Sarado yung gym. Wala kong mapuntahan.” sagot ni Zurk.


“Nandito ako because of Ellaine’s wish while she was pregnant. Gusto niyang kantahan ko daw ang baby niya.”


“Babies, Dax.” pagtatama ni Ellaine sa kaniya.


“Babies.”


“Kung ako na lang ang pakantahin mo, Ellaine?”


“Ayoko, Clemente. Wala kong tiwala sa boses mo.”


“Ellaine naman! Hanggang ngayon bang nanganak ka na, ‘yan pa rin ang itatawag mo sakin? Lordy, gawan mo ‘to ng paraan.”


“Gawan mo din ng paraan ‘yang dila mo na wag akong tawaging Lordy at naaalibadbaran ako.”


“Lordy!”


“Ano ‘yon, Clemente? May sinasabi ka?”


Nagtawanan ang lahat ng nasa loob ng kwarto.



True friends are rare. Pero ang mas mahirap hanapin ay ang kaibigan na kayang ibuwis ang buhay niya para protektahan ka. Sila. Iba-iba man ang mga ugali nila, hindi yun dahilan para hindi sila magkaintindihan. At hindi na rin nila kailangang sabihin na po-protektahan nila ang isa’t isa. Nasa puso na nila ‘yon at dinadaan nila sa gawa kesa sa salita.



“Excited na kong makita ang mga apo ko!”


“May makakalaro na po ako, lolo!” excited na sabi ni Jaja.


“Ano ka ba, Jaja? Baby pa sila. Saka pag lumaki na sila, highschool ka na. Don’t tell me maglalaro ka pa rin no’n? You’re a big girl now, okay? Wag ka ng isip bata.” kontra sa kaniya ng ate niyang si Cassy.


She pouted. “Parang ikaw hindi?” Lumapit siya sa nakahigang si Ellaine. “Ate Ellaine, maglalaro kami nila baby, ah.”


“Oo naman.”


“Yes!”


Ginulo ni Jaylord ang buhok ni Jaja. “Wag mo lang silang hawaan ng kakulitan mo.”


“Kahit hindi niya hawaan, may pagmamanahan pa rin sila.”


“Mama, pinaparinggan mo ba ko?” tanong ni Ellaine.


“Malamang ikaw. Malabong si Jaylord ang patamaan ko.”


Nagtawanan sila sa sinabing ‘yon ni Julia.


Nakangiti lang si George habang nakatingin sa kanila. “Si Seth kaya? Kamusta na siya ngayon? May anak na kaya siya?” mahina lang ‘yon nang sabihin niya pero umabot sa pandinig ng katabi niyang si William.


“Kung nasa’n man siya, siguradong masaya na siya ngayon.”


“Paano mo nasabi, kuya?”


“Dahil kasama niya ang taong mahalaga sa kaniya. Darating ang araw na magpapakita rin siya satin. In the right time, George.”



Blood is ticker than water. Yan ang sabi nila. Kahit anong gawing masama ng taong kadugo mo, gusto mo pa rin siyang protektahan sa kabila ng lahat ng ‘yon. Hindi man aminin ni Jaylord, yun ang ginawa niya more than a year ago para kay Seth. Without saying anything against him.


Kung ang Diyos nga nagpapatawad, siya pa kaya? Sa paglipas ng taon, napatawad na rin niya si Seth.










“Seth! What did you do?”


“Dumulas sa kamay ko. May nakaalala ata sakin.”


“You’re being clumsy again.” Pinulot ni Megan ang nabasag na baso.


“Ako na dyan. Masugatan ka pa.”


Kasabay no’n ay may iyak ng sanggol silang narinig.


“Gising na naman si Yen-yen? Wala pang isang oras nang makatulog siya, ah.”


“Pano’ng hindi magigising? Nagulat siguro nang mabasag mo ‘tong baso. Puntahan mo na siya. Bilis.”


Patakbong pumunta si Seth sa kwarto ng baby nila. Naabutan niyang nakadapa na sa crib ang seven months old nilang anak at umiiyak. Binuhat niya ito.


“Ba’t nagising agad ang baby girl ko, hah?”


She’s the baby na pinagbubuntis noon ni Megan.


“Gutom ka na naman? Ba’t parang ang baho?” Inamoy niya ang pampers nito. 

“Tumatse ka pala.” Inilapag ni Seth ang baby sa kama. Kumuha siya ng pampers at baby wipes. Nililinisan niya ito nang pumasok sa kwarto si Megan.


“Sanay na sanay na si daddy, ah.”


Ngumiti lang si Seth.


Napangiti na lang din si Megan habang nakatingin sa ginagawa ni Seth. Sinong mag-aakala na ang isang Seth Nevarez maglilinis ng dumi ng baby at magpapalit ng pampers? Hindi pumasok sa isip niya na magagawa ‘to ni Seth. Not until their baby Rhyle Sheeyen came.


Natapos nang palitan ni Seth ng pampers si Yen-yen pero umiiyak pa rin ito. “Gutom siguro. Magtimpla ka ng gatas.” utos niya kay Megan. “Wala ng gatas yung feeding bottle niya.”


Inalis ni Megan ang pagkakabutones ng blouse niya.


Tumaas ang sulok ng labi ni Seth sa nakita niya. “Ang sabi ko, magtimpla ka, hindi ang magbold ka. Pagkatulog ni Yen-yen, saka natin gawin ‘yan—aray!” Binatukan kasi siya ni Megan.


“You’re so manyak talaga! Yan na lang yung hindi nagbago sa ugali mo!” Kinuha ni Megan ang baby kay Seth. “Tinatamad akong magtimpla ng gatas kaya sakin na lang.” Tumahimik agad si Yen-yen nang makadede sa kaniya.


Napangiti na lang si Seth habang nakatingin sa mag-ina niya. Sinong mag-aakala na magagawa ni Megan ang ganito?


Pero sinong mag-aakala na magiging ganito sila? Isang black sheep at isang spoiled brat na nagsama. Anong magiging buhay nila pagnagka-pamilya sila? Wala silang kaalam-alam sa buhay may pamilya dahil hindi naman nila naranasan kung paano magkaroon ng isa sa piling ng sarili nilang mga pamilya.


Naging mahirap sa kanila ang lahat. Kailangan nilang magtago. Kailangan nilang iwan ang mga nakasanayan nilang buhay noon. Literally, na hindi sila nakibalita sa mundong dati nilang kinagagalawan. They have to learn everything simula nang magbuntis si Megan hanggang sa lumabas si Yen-yen.


“Megan.”


“Yes?”


“Nahihirapan ka na ba?”


“Oo. Ang hirap magpalaki ng baby tapos wala tayong alam.”


“Kaya nga pinag-aaralan natin diba?”


“I know.” Nilingon ni Megan si Seth. “Just stay by my side, okay?”


“Then will you marry me?”


“Seth!” Nagulat si Megan. Simula nang magsama sila, wala silang pinag-uusapan tungkol sa kasal. Ngayon lang.


“So that I can stay by your side forever. I promise you, I’ll protect you and our baby, Megan. So, will you marry me?”


Ngumiti si Megan. Inilapit niya ang mukha niya kay Seth. “Yes.” They sealed it with a kiss.


They never said I love you to each other. But that word promise and protect means they do because she accepted it.


Jaylord’s right then. They deserve to change. And God gave them the chance to change.
Where are they?


No one knows. One thing’s for sure, they are living in a far, far, away land. Malayo sa mga taong nagpahirap, nanakit at nagpagulo ng buhay nilang dalawa...










“Here comes the babies!”


“O, padaanin ninyo yung dalawang magandang nurse natin!”


“Babae na naman ang nakita mo, Chad! O, humawi kayo, may dadaang maganda!”


“Nagsalita ang chickboy, Khalil!”


Kalalapag lang ng dalawang nurse sa baby twins sa tabi ni Ellaine, pinagkaguluhan na ang mga ito. Except syempre sa Others’ Men na prente lang na nakatayo at nakaupo sa mga pwesto nila.


Ang ku-cute nila, honey.” Hindi mawala-wala ang ngiti ni Ellaine habang marahang hinahaplos ang ulo ng dalawang baby niya.


“Ang liit nila. Parang nakakatakot silang hawakan.” Jaylord said. At katulad ni Ellaine, abot din hangang tenga ang ngiti niya.


Kinuha ni Ellaine ang kamay ni Jaylord at inilagay sa ulo ng kambal nila. And she saw how Jaylord eyes became teary. The same eyes na nakita niya bago siya makatulog nung nanganak siya. Hinaplos niya ang mukha ni Jaylord.


“Ang galing natin, honey. Biruin mo, nakadalawa agad tayo.”


“Ikaw ang magaling, Elle. Natago mo sakin na kambal sila.”


“Nagalit ka ba?”


“Of course not. Sobrang saya ko kung alam mo lang. They are the best birthday gift ever.”


At nakikita nga ni Ellaine ‘yon sa mga mata ni Jaylord. At habang parang may sarili silang mundo kasama ng mga anak nila. Hindi maawat sa pagsasalita ang pamilya at kaibigan nila.


“Ang cute-cute talaga ng mga apo natin!”


“Ninong kami niyan!”


“Magkamukha talaga silang dalawa.”


“Naman, ‘tol! Kambal, eh!”


“Hello, babies! Ako ang ate Jaja ninyo!”


“Wag kang sumigaw, Jaja. Saka tita ka nila, hindi ate.”


“Paanong natago ni Ellaine na kambal ang pinagbubuntis niya? You surprised us, iha!”


“Babe, baka mamaya kambal din ‘yang anak natin. Magpa-ultrasound nga tayo ngayon.”


“Anong tayo? Buntis ka din? Ako lang ‘no! Saka wala kaming lahing twins.”


“Nasa lahi ba ‘yon?”


“Yes, babe. Sa side ng mother ni beshie.”


“Siguradong next year, may kasama nang magse-celebrate si Jaylord ng birthday niya. Kaya sa ayaw niya at sa gusto niya, magse-celebrate siya.”


“Ano palang pangalan ni baby boy? Dahil ang alam namin, baby girl lang ang isisilang mo, anak. May pangalan na si baby girl. May naisip ka na ba para kay baby boy?”


“Recca!”


“Ang pangit naman no’n, Chad! Baka bigla na lang siya maglabas ng apoy niyan. Gokou!”


“Mas pangit sa’yo, Khalil! Baka mamaya mag-super sayan ‘yan kapag nagalit!”


“May naisip ka na ba, Elle?” tanong ni Jaylord kay Ellaine.


“Mero’n na.”


“Ano?” chorus na tanong nila sa kaniya.


“Clyde Drexler.” First name pronounced as Clayd.


“Kapag wala na sila, tell me kung sa’n mo nakuha ‘yan.” bulong ni Jaylord kay Ellaine. “But I like it, Elle.”


“Why, Clyde?” tanong ni Clay.


“Secret, Clemente.”


“Ellaine naman!”


Nagtawanan sila.


“At isa pa pala.” Ellaine said. “Nasabi ko ng Azmarie ang magiging name ng baby girl ko diba? Second name niya lang ‘yon. Si Jaylord na ang magsasabi nung first name niya.”


“Bakit ako?”


“Sige na, honey.”


Tumikhim si Jaylord. Lahat ng taong nasa kwarto, sa kaniya nakatingin. “Kapag wala ako sa tabi ni Elle, sila ang tatlong pinagkakatiwalaan ko na po-protektahan siya. Ang pangalan—”


“And one more thing pa pala.” singit ni Ellaine sa sinasabi ni Jaylord. “Para kapag nakikita nila ang baby girl namin at babanggitin nila ang pangalan niya, magtitino na sila at hindi mambababae. Except syempre do’n sa isa.”


“Ano ngang pangalan?” naiinip na tanong ng mga tao na nasa loob ng kwarto.


Nagtinginan sina Ellaine at Jaylord. At ngumiti.


“Chaylil. Chaylil Azmarie.” First name pronounced as is, Chaylil.


“Wait! Kami ba yung tinutukoy ninyong tatlo? Chaylil? Kinuha sa pangalan ko ‘yan! Chaylil, Chay, Clay. At hindi ako kasama sa mga babaerong ‘yon.”


“It’s from mine! Chaylil, Chay, Chad. Mas lalong hindi ako babaero. One woman ako.”


“Mag-ilusyon lang kayong dalawa hangga’t gusto ninyo. It’s from mine, okay. Chaylil, Khalil. Magkatunog na magkatunog.”


“Excuse me, ma’am, sir. Kailangan na po kasing magpa-breast feed ni Mrs. Nevarez sa kambal niya.”


“O, narinig ninyo na ang sinabi ng magandang nurse. Wag daw tayong
maingay.”


“Ang dami mong alam, Chad. Lumabas daw muna tayo, yun ang gusto niyang sabihin. Ever encounter the word privacy?”


“Oo na. Ang dami mong alam, Clemente!”


“Ang pangit mo!”


“Mas pangit ka!”


“Sa cafeteria lang kami, anak.”


“Sige, apo.”


“Bye, babies!”


Nakalabas na silang lahat. Ang natira na lang ay ang nurse at si Jaylord.


“Pa’no ‘to? Dalawa silang ano...”


“Paisa-isa lang, Elle.”


“Honey naman, eh! Wag mo kong pagtawanan!”


“I’m not.”


“You’re smiling!”


“And not laughing.”


Nagpalipat-lipat ang tingin ng nurse sa dalawa. Akala nito, nag-aaway na sila. Napansin ‘yon ni Ellaine. Tumikhim siya.


“Hindi kami nag-aaway, miss. Ganito lang talaga kami.” Napakamot siya ng kilay. “Paano ba ‘to?”


“Aalalayan ko naman po kayo, ma’am. Ganito—”


“Jaylord!” Tinapik ni Ellaine ang kamay ni Jaylord ng akmang bubuksan nito ang suot niyang damit. “May tao dito.” madiing sabi niya pero mahina.


“I’m just helping you. Gutom na yung kambal.”


Napangiti na lang ang nurse habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Sir, first time kasi ni misis kaya medyo naiilang siya.”


“So, lalabas ako dito? Yun ba ang gusto mo?”


“Ah, sir, hindi naman po sa gano’n.”


“Jaylord.” Tiningnan ni Ellaine ang nurse. “Miss, hindi siya nagsusungit. Normal na niya ‘yan. And she’s right, honey. Medyo naiilang ako.”


“I’m your husband, Elle.”


“Oo nga. Talikod ka na lang. Please...”


“Fine. Fine.” Tumalikod nga si Jaylord.


“Pasensya na, miss, ah.” bulong ni Ellaine sa nurse.


“Okay lang po, ma’am.”


“Si baby girl muna. Girl’s first para lumaking gentleman ang baby boy ko.”
Inalalayan siya ng nurse. Maya-maya...


Hanggang tenga na ang ngiti niya. “My God! Ang lakas niyang dumede! Nararamdaman ko. Ano, baby Chaylil? Gutom na gutom ka ba? Wag mo masyadong damihan, ah. Si baby Clyde pa. Wag mo siyang ubusan ng gatas.” tuwang-tuwang sabi niya.


“Oo nga.”


“Jaylord! Ang sabi ko tumalikod ka.”


Hindi siya pinansin nito. “Gutom na gutom nga siya.”


“Ma’am, Sir, Sa nurse station lang po ako. Babalik na lang po ako.” Lumabas na ang nurse at iniwan silang dalawa. Wala na ring nagawa si Ellaine dahil sa nakikita niyang tuwa sa mukha ni Jaylord.


“Ang takaw niya, Elle. Nagmana siya sa’yo.”


“Ito kayang si baby Clyde, honey, kanino nagmana? Tulog na tulog, eh.”


“Ganyan daw talaga ang mga baby. Matakaw sa tulog.”


“At paano mo nalaman?”


“Nag-research ako.”


Hinaplos ni Jaylord ang ulo nina baby Chaylil at Clyde. Then he kissed Ellaine’s forehead. “Tatlo na kayong po-protektahan ko. Thanks for this wonderful gift, Elle. I promise, magiging mabuting ama at asawa ako. I love you so much.”


“I love you so much, too, Jaylord. At kung talagang mahal mo ko, please lang, ito muna ang una’t huli, ah. Ang hirap manganak, eh.”


“Of course, Elle. Maybe after a year?”


“Jaylord!”










Happy ending?


Maybe for now. Dahil ngayong nadagdagan na ng dalawang anghel ang buhay nilang dalawa, nadagdagan din ang taong po-protektahan nila. At siguradong marami pa silang pagdadaanan na dalawa nang magkasama kasama ng mga anghel nila.


At habang nilalampasan nila ang mga pagsubok na ‘yon, mananatili ang pangako nila sa isa’t isa na habang buhay silang magmamahalan.





They said that a man is lucky if he wins the FIRST LOVE of a woman. And a woman is luckier if she wins the LAST LOVE of a man. But I think, they are both the luckiest people on earth if they win the FIRST and LAST love of each other’s heart.


Ellaine and Jaylord are two of that luckiest people to win each other’s heart.


And it will be forever...


If not forever, but until...






THE END.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^