Sunday, January 19, 2014

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Epilogue (part2)

EPILOGUE (part 2)
[ ELLAINE’s POV ]

Pagbaba ko ng sala, naabutan ko sina Lolo Ferdinand, Lola Corazon at daddy William. Kasama nila sina Tita George at Tita Carol with their daughters Cassy and Jaja.



“Ate Ellaine!” Sinugod agad ako ng yakap ni Jaja. At dahil hirap akong makayuko, sa hita ko siya yumakap.


“Jaja, yung tiyan ng ate mo. Mag-ingat ka.” saway sa kaniya ni Tito George.


“Okay lang po, tito.” Ginulo ko ang buhok ni Jaja. “Gusto mo ba ng chocolate?”


“Yes, Ate! Kuha ko sa ref, ah!” Patakbo siyang pumunta ng kusina.


“Jaja, wag mo kong ubusan!” Sumunod sa kaniya sa Cassy.


“Ang mama mo, Ellaine?” tanong sakin ni Tita Carol.


“Sa kusina po.”


Pumunta din siya ng kusina. Busy ang matatanda at si daddy sa pagtingin sa mga photo album. Si Tito George naman, pumunta ng veranda. Sinundan ko siya. Nakatingin siya sa mga DSG na busy-ing-busy sa mga ginagawa nila.


“Tito George, thank you.”


“Ano ka ba, Ellaine? Ang tagal na no’n.”


“But I have to thank you, Tito, kasi kung hindi ninyo nakita at niligtas si Jaylord no’n, hindi namin siya kasama ngayong birthday niya.”


“At siya naman ang dahilan kung bakit ko nakilala at nakita ang pamilya ko. Mapaglaro talaga ang tadhana, Ellaine. Sa dami ng tao, kami pa ang nagtagpo ng araw na ‘yon.”


I smiled. “Tama po kayo.”


Mapaglaro talaga ang tadhana dahil silang dalawa ang pinagtapo. And I’m very thankful for that. Hindi lang si Jaylord ang natulungan ni Tito George, pati rin ang sarili niya. Ang akala ng lahat na patay na siya, hindi pala. Simula nang makabalik siya, mas lalong naging masaya ang pamilya namin lalo na sina lolo at daddy. Naging one big happy family kami.


Ted ang binigay na pangalan sa kaniya ni Tita Carol. Pero dahil George ang tunay niyang pangalan, sinanay nilang iyon ang itawag sa kaniya, maging ng dalawang anak niya. Sa una, medyo naging mahirap. Pero habang tumatagal, naging okay din ang lahat.


Hindi na bumalik ng tuluyan ang lahat alaala ni Tito George. He undergoes many therapy and treatments. And a certain person ang tanging pumapasok sa isip niya habang ginagamot siya. Ang anak niyang si Seth.


Nalaman kaya ni Seth na buhay pa ang ama niya? Naging laman kasi ng dyaryo ‘yon. Ewan ko. Hindi ko alam. Walang nakakaalam.


Sa mansyon na ng Nevarez nakatira sina Tito George at ang pamilya niya. Si mama din, dito na siya nakatira sa bahay namin ni Jaylord. At ang dating bahay namin? Hindi namin binenta ‘yon. Mahalaga samin ‘yon. Pinatirhan namin sa dalawa kong pinsan na galing sa probinsya.


“Excuse me, Ellaine.”


Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Clay.


“Sa loob muna ko.” paalam ni Tito George.


“Sige, tito.” Hinarap ko si Clay. “Yes, Clemente?”


Napangiwi siya. Pero hindi na niya ko tinama sa pangalang tinawag ko sa kaniya. Alam naman niya ang dahilan kung bakit, eh.


“May nagpa-deliver.” Inangat niya ang maliit pero pahabang box na hawak niya. 

“Walang pangalan kaya binuksan ko just to check what’s inside. Pasensya na. It’s better to be sure kung hindi malalagot ako kay Lordy nito.” Inabot niya sakin ang box. Umupo ako sa upuan. “May chocolate sa loob.”


Binuksan ko ang box. Walang chocolate. Letter lang ang nakita ko. “Where’s the chocolate?”


Inangat niya ang kamay niya. Hawak niya. “Wag mo nang kainin. Baka mamaya expired na ‘to, eh. Lagot pa ko kay Lordy nito.”


“Clemente!” Inilahad ko ang kamay ko. “Give me that o isusumbong kita kay Jaylord?” Nginitian ko siya nang matamis. “Ayaw niya nang pinapagalit ako diba? Don’t worry, hindi ko kakainin ‘yan kapag hindi ko kilala ang nagpadala ng sulat na ‘to.”


Napahawak na lang siya ng batok niya bago ibigay ang chocolate sakin.


“Pakikuha naman ako ng orange juice.”


“Yes, boss.”


“At kapag sinabi kong orange juice. Yung fresh. Hindi yung instant. Marami pa namang stock ng orange sa ref.”


“Yes, boss.” Bubulong-bulong pa siya nang tumalikod. “Don’t worry, Clay. Malapit na. Konting tiis na lang. Lalabas na siya.”


Napangiti na lang ako. Pero nawala agad ‘yon nang mapatakip ako sa tenga ko. Ang lakas nung music. Mula sa verandah na kinaroroonan ko, sinilip ko si Dax. “Dax, yung volume!”


Humina agad ‘yon. I rolled my eyes. Bumalik na ko sa kinauupuan ko nang may mahagip na naman ang mga mata ko. “Zurk! Yung table, masyadong malayo!” Inayos niya agad ‘yon.


“Hay naku. Ilang beses ba silang inere ng mga nanay nila?” Umayos na ko nang pagkakaupo. Kinuha ko ang letter na nasa box at binuksan.


Miss Takaw,


Yun agad ang nabasa ko. Dahan-dahan akong napangiti.


Sorry. Yan ang gusto kong sabihin sa’yo kapag nagkita tayo. Kaya lang hindi ko pa kayang makita ka. Baka kasi kapag nagkita tayo, marealize kong hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Kaya eto, nakuntento na lang akong sulatan ka. Ang korni. Never ko pang ginawa ‘to. Nakakailang. Ah! Never mind. Gusto ko lang sabihing sorry sa lahat nang masamang nangyari. Paulit-ulit na lang ako pero sorry dahil bigla na lang akong nawalang parang bula ng araw na ‘yon. Hindi ko kasi alam kung paano ka haharapin, kayo ni Jaylord pagkatapos ng mga nangyari at nalaman ko. Paano ko haharapin ang taong akala kong pumatay sa kuya ko? Paano ko haharapin ang babaeng minahal ko na dahilan kung bakit namatay ang kuya ko?  I was mad. Halo-halo ang naramdaman ko ng araw na ‘yon. That’s why I chose to stay from all of you. Duwag ako dahil hindi ko hinarap ang mga dapat kong harapin. At hindi na siguro magbabago ‘yon. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti kong natanggap ang lahat. Natutunan kong patawarin ang sarili ko at ang mga taong nadamay noon. Siguro, kaya ka niligtas ng kuya ko noon, kasi alam niyang mamahalin pa kita.

Ellaine, isa lang naman ang gusto kong gawin para sa’yo noon. Ang pangitiin ka. Nagawa ko naman ‘yon bago nagkaloko-loko ang lahat diba? At ngayon, gano’n pa rin ang gusto ko. Pero hindi ko na magagawa ‘yon. Ibang tao na ang gagawa no’n. Isang taong kahit walang gawin para pangitiin ka, ngingiti at ngingiti ka makita lang siya.

I want you to be happy, Ellaine. Yun lang ang gusto ko. Don’t worry about me. Wag mo nang alamin kung nasa’n ako. I’m fine.
- D
Ps. Ito na siguro ang huling chocolate na mabibigay ko sa’yo. Stay happy. And congratulations!


“Sira ulo.” I murmured. “Ayaw daw niya kong makita, paano niya nalaman?” Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman kong basa ‘yon. “Not again. Ang iyakin ko talaga.” Pinunasan ko agad ‘yon bago ibalik ang letter sa box.


Tumayo ako nang maramdaman kong sumakit ang tiyan ko. Ilang segundo muna akong nakiramdam bago pumasok ng bahay, deretso ng kwarto. Inilagay ko sa drawer ang box. Yung chocolate? Hindi ko kakainin ‘yon. Itatabi ko ‘yon.


I felt the ache again.


Lumabas agad ako ng kwarto ko. Nasa kalagitnaan na ko ng hagdan nang mapahinto ako. I felt something running down my legs. “Oh my God! Mama!”


“Anong nangyari, Ellaine?” Hindi ko alam kung sino ang nagtanong no’n dahil nasa tiyan ko ang atensyon ko. Pero boses ‘yon ng lalaki.


“My water bag is broken!”


“Anong water bag? Asan?”


“Tumahimik ka nga, Clay! Manganganak na siya!”


“Manganganak ka na?!”


“Hindi ako, siya!”


“Siya nga! Ang gulo mo, Khalil!”


“Three days from now ka pa manganganak diba?”


“Tawagan ninyo si Jaylord!”


“Ano ka ba, Khalil, ikaw na ang gumawa! Teka, anong gagawin natin? Tatawag na ba ko ng ambulansya?!”


“Baliw ka ba, Clay?! Kung hihintayin pa natin yung ambulansya, aabutin pa tayo ng siyam-siyam! Tayo na ang magdadala sa kaniya!”


“Wag na kayong magtalo. Tawagan ninyo na si Jaylord. Kunin ninyo ang gamit ko. At dalhin ninyo na ko sa ospital bago ko pa kayo mahagis na tatlo palabas nitong bahay.” madiing sabi ko habang nakangiwi.




= = =


“Jaylord!”


“I’m here, Elle.” sabi niya habang hawak niya ang kamay ko. “Gawin mo lang yung sinasabi ng doctor.”


“Ang sakit!”


“Kaya mo ‘yan, okay. I’m just here.”


“One more push, Ellaine!”


“You heard the doctor? One more push, Elle.”


Ginawa ko ang sinasabi nila. Just one more push and...


“Elle, lumabas na siya! Lumabas na ang prinsesa natin!”


I smiled when I saw Jaylord’s face.


“Ellaine, kaya mo pa? Isa pang ire!”


“What do you mean, doc?”


“Isa pang ire, Ellaine!”


“Kambal ang anak namin?! Ellaine, kambal ang anak natin?!”


Hindi ko na inintindi ang sinasasabi nila. Inipon ko ang natitira kong lakas para makalabas na ang baby ko. And...


Narinig ko ang iyak ng sanggol. Ang iyakan nila. Lahat ng pagod ko parang nawala when I heard their crying.


“Elle.”


I opened my eyes. Nakita ko ang mukha ni Jaylord malapit sa mukha ko.


“Ba’t hindi mo sinabi na kambal ang anak natin?”


I smiled when I saw his face. Napakasaya ng mukha niya. Kung dati, hindi maipinta ang mukha niya kapag galit siya. Ngayon, hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang saya. 


“Honey, I’m tired...” I closed my eyes.


“You did great, Elle. This is the best birthday I ever had. They are the best birthday gift ever... Thank you so much... I love you...”


I felt his kiss on my forehead.


Naramdaman ko ding may pumatak sa pisngi ko.


Not from mine.


But from his eyes.


= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^