Sunday, January 19, 2014

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Epilogue (Part1)

EPILOGUE (part 1)
                      [ ELLAINE’s POV ]

One year and a month later...


February 4.


“Naka-ready na ba ang lahat? Wala ng problema? Wala ng kulang?” malakas na tanong ko paglabas ko ng bahay.


“Okay na!!!”


Nilapitan ko si Dax. “Yung music, okay na ba?” Tumango lang siya habang hawak ang gitara niya. Asual.


“Whoah!”


Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Napakamot ako ng noo nang makita kong hila lang ni Zurk ang table sa halip na buhatin. Sumabit yung table na basta na lang niyang hinila. “Zurk naman! Para san pa ‘yang muscles mo kung hindi mo mabuhat ‘yan? Masisira yung bermuda grass dyan, eh!”


Binuhat niya ang dalawang table sa magkabilang kamay niya. “May reklamo pa, boss?”


“Wala na.” Nahagip ng mga mata ko sina Draic at Uno. Napakamot na naman ako ng noo nang makita kong nakahiga si Draic sa bench. Hindi ko alam kung natutulog siya o ano dahil nakatakip lang ang braso niya sa mga mata niya. Pero si Uno, alam kong nagbabasa siya dahil literal na may hawak siyang libro habang nakaupo sa bermuda grass. Nilapitan ko silang dalawa.


“Excuse me, you two.”


Hindi nila ko pinansin! Ni hindi man lang nila ko tiningnan!


“Sumasakit ang tiyan ko sa inyong dalawa.”


Saka lang ako nilingon ni Uno. “Why?”


“Anong ginagawa ninyo?”
Itinaas niya ang librong hawak niya. “Reading.” Tinuro niya si Draic. “Sleeping.”


“Anong oras na? Kailangang ready na tayo. Bakit nakatunganga lang kayo dyan?”


He waved his hand holding the book. “May ginagawa ko.”


Itinuro ko ang mga kasama nilang busy sa kaniya-kaniya nilang gawain. “Baka gusto ninyong tumulong do’n?”


“Okay.” Tumayo na siya.


“Or better yet, tulungan ninyo na lang sina Chad at mama sa kusina.” Kinuha ko ang librong hawak niya. “Mamaya mo na ‘to basahin.” Ipinangtapik ko ang libro niya sa natutulog na si Draic.


“I think it’s not a good idea.”


“Ang alin? Ang gisingin siya?” Tinapik ko pa uli si Draic ng librong hawak ko. This time, medyo malakas na.


Bigla siyang napabalikwas ng bangon. “Ano ba?! Natutulog yung tao, eh!” bulyaw niya. Magkasalubong ang mga kilay niya nang mapatingin siya sakin.


Napakislot ako at napahawak sa braso ni Uno. “Draic. Sinisigawan mo ba ko?”


“No.”


Tumikhim ako. “Baka gusto mong tumulong kina Chad sa kusina? Tutal naman, natutulog ka lang.”


Ginulo niya ang buhok niya at hindi na nagsalita nang pumasok siya ng bahay. Sumunod naman agad sa kaniya si Uno. Pero bago ‘yon, kinuha muna niya ang libro niyang hawak ko.


Napailing na lang ako. Grabe talaga ang dalawang ‘yon. Idagdag pa sina Dax at Zurk. Nandito nga sila pero parang wala naman dito ang utak nila at naglalakbay sa kaniya-kaniya nilang mundo. Hindi na sila nagbago. Others’ Men forever na talaga sila. Although, mas madalas na silang sumusulpot simula nang mangyari ang nangyari one year ago hindi katulad no’n na once in a blue moon ko lang ata sila makita.


“Pinasakit na naman ba nila ang ulo mo?”


Boses ‘yon ni Khalil mula sa likuran ko. Hindi ko na siya nilingon habang nakatingin sa bahay. “Yung tiyan ko ang sumasakit sa kanila.”


“Okay ka lang ba? Buti nga at napapasunod mo ang apat na ‘yon. Pumasok ka na ng bahay, ako ng bahala dito.”


“Okay lang ako.” Nilingon ko siya. “Si Paul? Ba’t biglang nawala?”


“Sumunod sa sementeryo. Just to make sure.”


“Sina Keith?”


“May binili lang.”


Tumango-tango ako. Tumingala ako sa langit. Napangiti ako. “Ang ganda ng araw ngayon.”


“Do you think magugustuhan niya ‘to?”


Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa noo ko dahil sa nakakasilaw na araw. “Oo na hindi. Once a year lang naman ‘to.”


“Siguradong naramdaman niyang gagawin natin ‘to.”


“I know.” Natakpan ng ulap ang araw. Napahikab ako.


“Inaantok ka na naman?” tanong niya.


“Lagi naman. Hindi na nawala ‘to.”


“Sige na. Magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito.”


“Hindi pwede. Kailangang nandito ako.” Humikab uli ako. “Pupuntahan ko lang yung mga mokong sa kusina.”


Pumasok na ko ng bahay. Nasa sala pa lang ako, pero naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa kusina. Sa halip na dumeretso do’n, umakyat na lang ako ng kwarto. Nando’n naman si mama sa kusina kaya siguradong hindi magpapasaway ang mga ‘yon.
Hinanap ko ang phone ko sa drawer para tawagan si Paul nang makita ko ang isang necklace. Tali lang ang pinaka-lace no’n. At ang pendant? Yung dalawang bullet na tumama sa likod ni Jaylord one year ago.


At tuwing nakikita ko ang dalawang bullet na ‘to, hindi pwedeng hindi ko maalala ang nangyari no’n.



- F L A S H B A C K -

“Ang tigas ng ulo mo, Elle...” Naramdaman kong dahan-dahan siyang dumausdos mula sa pagkakayakap niya sakin.


“Jaylord...” Dahan-dahan akong napaluhod kasama niya. Tuluyan siyang napahiga sa sahig. His eyes were closed. Tinapik ko ang pisngi niya. “Jaylord! May tama ka! Jaylord!”


Nakangiwi siya nang idilat niya ang mga mata niya. “Sinong nagsabing humarang ka...?” Mas lalo siyang napangiwi.


Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Oh my God! Yung panaginip ko! Don’t tell me, hindi ako ang mawawala kundi...


Sunod-sunod akong umiling. Sa dala ng takot at kaba ko dahil sa panaginip na ‘yon, napasigaw tuloy ako.


“Jaylord! Wag mo uli akong iiwan! Wag na wag mo na uling gagawin ‘yon! Hindi na kita mapapatawad kapag ginawa mo uli ‘yon! Naririnig mo ba ko?!”


“Elle...”


May mga boses akong naririnig mula sa gilid ko. Kina Khalil. Pero ayaw mag-sink in no’n sa utak ko. Na kay Jaylord ang atensyon ko.


“Please! Hindi ko na kakayanin! Ayoko nang maulit ‘yon! Maawa ka naman sakin...” Tuluyan na kong napaiyak. Ayoko nang mangyari uli na maranasan kong mawala siya. And this time, hindi na talaga siya babalik. Double dead na ang kalalabasan ko nito. Baka hindi pa double, triple pa siguro.


“Hindi ko na uli gagawin ‘yon...”


“Promise me, please... Mag-promise ka sakin...”


“Elle...”


Niyakap ko siya. “Mag-promise ka, please...”


“I promise...”


“Yung madaming promise, Jaylord...”


“Elle…”


“Hindi ko na kasi kakayanin kapag nawala ka uli... Hindi na magiging matigas ang ulo ko... Susunod na ko sa’yo... Wag mo lang akong iwan... Hindi mo pa ko naaalala, eh... Kaya hindi pwede... Kahit maalala mo pa ko, hindi pa rin pwede...”


Naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko. “I’m sorry kung nahubad ko yung necklace ko nung kasal natin... I’m sorry kung hindi ako nakarating no’n... I’m sorry kung natagalan ako bago bumalik... I’m sorry kung pinaiyak kita ng mawala ako...”


“Jaylord...” Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya. Hindi ko na siya makita dahil sa mga luha ko.


“But I promised you, right...? Hindi man tayo magkita ng araw ng kasal natin...” He closed his eyes. “Marami pa namang bukas para magkita tayo... Natagalan nga lang bago ako nakabalik...”


Ang promise niyang ‘yon. “B-bumalik na ang alaala mo...” Mas lalo akong napahagulgol ng iyak.


“Oo... Naaalala ka na ng isip ko...”


“Kaya nga hindi ka pwedeng mawala... Natatandaan mo ba yung sinabi ko na..  gagantihan kita kasi... kasi pinahirapan mo ko sa mansion...? Hindi ko na gagawin ‘yon, Jaylord... Wag mo lang akong pahirapan ngayon... Dumilat ka naman, o...”


“Elle...” He opened his eyes.


“Jaylord...”


“I promise that I’ll say ‘I love you’ everyday...” Naramdaman ko ang paghila niya sa batok ko. “I love you, Elle...” Hanggang sa maglapit ang mga labi namin. I closed my eyes. Pero ilang segundo lang ‘yong nagtagal dahil naramdaman kong pumaling ang labi niya. When I looked at him, nakapaling na ang ulo niya sa kanan niya.


Parang naramdaman kong bumagsak ako sa semento mula sa mataas na bulding na ‘to.


Parang naramdaman kong pinipiga ang puso ko, pati ang isip ko.


No. Nararamdaman ko talaga siya.


Ni hindi ko magawang hawakan ang leeg niya to check if he...


No!


Ayokong gawin ‘yon!


Hindi pwedeng maulit na naman ang nangyari no’n!


Panaginip lang ‘to! Hindi ‘to totoo!


“Mamamatay ako na ikaw lang ang una’t huling babae sa puso ko.”


Hindi niya pwedeng tuparin ‘yon ngayon. Matagal pa kaming magsasama because he promised me.


He promised me that he will protect me forever.


He promised me that he will love me forever.


Dito na ba nagtatapos ang forever na ‘yon?


“Anong nangyari dito?”


“Tapos na ang bugbugan?”


“Damn! Buhay nga talaga si Jaylord!”


“Sabi ko naman sa inyo, eh! Ayaw ninyo pang maniwala sa phone!”


“Siya ba talaga ‘yan?”


“Bakit umiiyak si Ellaine?”


“May tama si Jaylord!”


“Anong nangyari sa kaniya, Khalil?”


“Draic, nandito din kayo?”


“Wala kami dito. Si Jaylord. Anong nangyari? Is he...”


“Is he dead?”


“No!!! Hindi siya pwedeng mamatay!!!” sigaw ko habang umiiyak sa mga boses na naririnig ko. “Hindi pwede!!! Hindi!!!”


Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Humarap ako sa gilid ko. Sina Khalil at Chad. Hinawakan ko ang mga braso nila. “S-si... si... Jaylord... O-okay lang siya... diba...?”


“He’s okay, Ellaine.”


Napalingon ako sa nagsalitang ‘yon. Si Drenz. Nakahawak siya sa leeg ni Jaylord.


“Hah?” Pinunasan ko ang mga luha ko.


Binuksan ni Khalil ang leather jacket ni Jaylord. May nakita akong...


“Nakasuot siya ng bullet proof.” Pinakita niya ang likuran ni Jaylord. “Ayaw niya pero pinilit naming mag-suot siya.”


“May tama siya sa balikat niya. Hindi daplis lang.” dagdag ni Chad. “Idagdag pa yung mga kamay niyang namamaga na. Nabalian ata habang hawak niya yung mga lubid ninyo kanina. Tapos nakipagsuntukan pa siya. Grabe. Nakaya niya ‘yon? Kakaiba talaga ‘tong si Jaylord.”


Dahil sa mga narinig ko, mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Sumubsob ako sa dibdib ni Jaylord at pinalo ‘yon. “Nakakainis ka, Jaylord... Akala ko...”


“I promise that I’ll say ‘I love you’ everyday...”


Ang promise niyang ‘yon...


“I’m glad, he’s okay.”


“Hindi siya mamamatay sa isang bala lang.”


“Eh, bakit parang namatayan si Ellaine kung umiyak kanina?”


“Hanggang ngayon kamo.”


“Keith, Sean. Shut up, okay.”


Inangat ko ang tingin sa mga lalaking nasa harapan ko. “Ano pang hinihintay ninyo?!”


Halatang nagulat sila sa biglaang pagsigaw ko. Tama ba naman kasing magkwentuhan pa sila?!


“Ellaine—”


“Buhatin ninyo na siya, bilis! Malalagot kayo sakin kapag naubusan siya ng dugo! Uubusin ko ang dugo ninyo para isalin sa kaniya kapag hindi pa kayo kumilos!”

- E N D  O F  F L A S H B A C K –



Dinala namin si Jaylord sa ospital no’n. Hindi lang siya ang ginamot, kami rin ni Drenz pati ang buong DSG.


Tungkol sa nangyaring gang war, naging laman ng mga tabloid ‘yon. Pati ang pangalan namin na pinaka-iingatan ni Jaylord na wag mapuna ng mga press, nasangkot. Sa kabila kasi ng kasikatan ng pamilya Nevarez sa lipunang kinagagalawan nila, ilag si Jaylord pagdating sa mga press at interviews. Gumagawa siya ng paraan na hindi kami pag-usapan o ang pangalan ko sa mga dyaryo o sa kahit sa anong social media noon.


Pero simula nang mangyari ang aksidente no’n sa warehouse at sa pag-aakala naming patay siya, dumagdag pa yung kidnap incident at gang war, naging instant celebrity kaming dalawa, nadamay pa ang DSG.


Back to the kidnap incident, nakulong ang ibang ACG at ang iba, nakatakas. Si Janus? Namatay siya. At siguro naman, wala nang magtatangka pang kumilos sa kanila dahil patay na ang lider nila. May isa pang gang na kasali no’n. Ang ABG. Nakatakas ang iba, nakulong ang iba.


Tungkol sa tunay na mastermind ng gulong ‘yon, sinabihan ko sina Khalil na kasama ko sa rooftop no’n na walang magsasalita sa kanila hanggang hindi nagkakamalay si Jaylord. Wala ring alam ang ACG at ABG sa tunay na mastermind. All along, alam nilang si Janus ang may pasimuno nang pagkidnap sakin. Mukhang kay Janus lang humaharap si Seth no’n.


Nang magising si Jaylord, simple lang ang sinagot niya sa mga pulis.


“Ang ACG ang kumidnap kay Ellaine.”


Nang tanungin ko siya no’n kung bakit hindi niya sinabi na si Seth ang may pakana ng lahat, binalik lang din niya ang tanong ko sakin. Mukhang parehas lang kami ng iniisip ng mga oras na ‘yon.


For the sake of their baby.


Pero sa kabila no’n, sinabi niyang...


“Everybody deserve to change. Pero hindi ko pa rin mapapatawad ang ginawa niyang pananakit sa’yo.”


Hanggang ngayon, walang nakakaalam kung nasa’n sina Seth at Megan at kung anong nangyari sa baby nila.


At hanggang ngayon, nanatiling sikreto na si Seth ang mastermind ng gulong ‘yon. Tanging kami lang nina Jaylord, Chad, Khalil, Janus na sumakabilang buhay na at si Drenz ang tanging nakakaalam.


Si Drenz. Bigla na lang siyang nawala pagkatapos siyang gamutin nung nasa ospital kami. Ni hindi ko siya nakausap no’n. At hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa kaniya.


At si Clay, na—


“Beshie!”


Napalingon ako sa pintuan ng kwarto. Nakatayo do’n ang bondat na si Pearl katabi si Emjhay. Mabilis na lumapit sakin si Pearl na agad na sinaway ni Emjhay.


“Babe naman! Madulas ka sa ginagawa mo! Parang hindi ka buntis, ah.”


Yep. My bestfriend is six months pregnant.


Hindi siya pinansin ni Pearl dahil niyakap lang ako ng bestfriend ko. “Namiss kita, beshie!”


“O yung mga tiyan ninyo!” Pinaghiwalay agad kami ni Emjhay.


“Ehem! Ehem! Mahigit isang araw lang simula nang maghiwalay ang mga landas natin.”


“Oo nga. Pero parang ang tagal-tagal na.” Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa nakikita ko. Nagluluha ang mga mata niya! “Hindi mo ba ko namiss, beshie?”


“Ah.. eh.. Namiss kita syempre! Ikaw pa hindi ko mamiss? Kung pwede nga lang na ipasok kita sa tiyan ko para hindi ka mawala sa tabi ko, eh.”


She pouted. “Hindi na ko kasya dyan.” Nilingon niya si Emjhay. “Babe, nagugutom si baby.”


“Ang baby o ikaw?” tanong ko.


“Ayaw ninyo ba kong pakainin? Gusto ninyo bang gutumin ang buntis? Ang sama ninyong dalawa! Hmp!” Humalukipkip siya.


“Ang drama mo, beshie! Simula nang magbuntis ka, ikaw na ang umagaw ng titulong drama queen.”


“Ikaw naman ang bossy queen!” Dinilaan niya pa ko. Pinameywangan ko naman siya.


Inakbayan siya ni Emjhay. “Babe, ang mabuti pa ipagluluto na lang kita sa baba. Anong gusto mo?”


“Isang buong litson.”


“What?!”


Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon ni Emjhay.


“Joke lang, babe. Kalahati na lang.”


Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Ang kulit lang nilang tingnan. Ano pa bang aasahan kapag nagsama ang dalawang makulit?


Nang mangyari ang gulong ‘yon one year ago, umuwi agad sila from States. Grabe ang iyak niya no’n na parang namatayan. Pero syempre, sobrang natuwa rin silang malaman na buhay si Jaylord. Double wedding ang nangyari saming apat. Nagtalo pa kami ni Pearl no’n sa date. Pero at the end, nagkasunod rin kami. Pinalipas muna namin ang ilang buwan after that kidnap incident bago ang  kasal.


Dito na rin pala nakatira sina Pearl at Emjhay sa exclusive subdivision kung sa’n nakatira ang lolo ni Jaylord. Neighbor namin sila. Yung dance studio nila sa States, pinahawak nila sa isa nilang kaibigan. Magtatayo daw sila ng dance studio dito pero pagkatapos na daw manganak ni Pearl.


Nagbitiw na rin si Pearl bilang choreo ng EXO two months before the wedding. Sayang nga, eh. Wala na tuloy akong libreng autograph mula kay Luhan.


May isa pa pala kong tsismis. Si Suho, yung crush niya, may girlfriend na daw. Hindi naman nasaktan si Pearl nung nalaman niya. Natuwa pa nga siya para sa bias niya. Pero mas lalong natuwa si Emjhay dahil wala na daw siyang kaagaw sa atensyon ni Pearl.


“Beshie, matatagalan pa ba si Jaylord?”


Napakurap ako at napatingin kay Pearl. Hindi pa pala sila nakakalabas ng kwarto ko. 


“Ano ‘yon?”


“Si Jaylord, matatagalan pa ba?”


“Matatagalan pa ‘yon. Mahalaga sa kaniya ang dadalawin niya sa cemetery.”


= = =


                     [ JAYLORD’s POV ]


Kalahating oras na kong nandito sa sementeryo habang naka-indian seat sa damuhan sa harap ng puntod ng isang taong mahalaga sakin.


It’s my birthday today. Kaya gusto ko siyang makasama ngayon just like the old days. Kausap ko siya nang maramdaman kong may papalapit sa gawi ko.


“Paul.” I said. Napansin ko na ang kotse niya kanina. “Hindi ba’t sinabi kong gusto kong mapag-isa kapag nandito ako? Si Ellaine ba ang nagpapunta sa’yo dito? Alam ko yung balak ninyo, okay, kaya tatagalan ko pang mag-stay dito. Ayokong magtampo siya kapag dumating ako tapos hindi pa kayo tapos.”


“Sorry, but I’m not Paul.”


Kumunot ang noo ko. Napalingon ako sa likuran ko. May nakita akong babaeng nakatayo. Sinilip niya ang lapidang nasa harapan ko. Tumango-tango siya.


“Sinong nasa puntod? Kaano-ano mo siya?”


Isa kaya siyang reporter at naghahanap na naman nang maibabalita tungkol sa buhay ko? Nakakainis talaga sila! It started one year ago nang makidnap si Ellaine. Simula no’n, naging instant celebrity na kami. And how I hated it! “None of your business.”


“Ang sungit mo naman.” Inayos niya ang suot niyang shades at tumalikod na. Naglakad siya sa isang puntod di kalayuan sakin.


Ibinalik ko na ang tingin sa puntod na nasa harap ko nang may makapa ang kamay ko sa gilid ko. Napalingon ako do’n. Panyo ang nakita ko. Kulay pink na panyo. May naka-burda do’n na pangalan.


Ayesha.


Nahulog siguro ng babaeng ‘yon ang panyong hawak ko. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. “Miss.”


Itinaas niya lang ang kamay niya at sumenyas ng sandali lang. Mukhang nagdadasal siya dahil may nakatirik na kandila. Na color pink na naman. At wala rin akong panahong maghintay sa kaniya hanggang sa matapos siya bago ibigay ang panyo niya. Inilapag ko ‘yon sa gilid niya at tumalikod na. Kasabay no’n ay nahagip ng mga mata ko ang isang taong nakasandal sa isang kotseng nasa likuran lang ng kotse ko. Naka-cap siya at shades.


Ramdam kong nakatingin siya sakin kaya humakbang ako papunta sa gawi niya. Tinanggal niya ang shades niya nang malapit na ko sa kaniya. More than a year had passed pero hindi ko siya makakalimutan kahit may nagbago na sa kaniya.


“Drenz.”


Tumaas ang sulok ng labi niya. “Long time no see, Jaylord.”


Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong palapit samin si Paul. Sinenyasan ko siya na okay lang. Nilingon siya ni Drenz.


“Bantay sarado ka pa rin.” He said.


Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Lumapit ako sa likuran ng kotse ko at sumandal do’n. “Anong kailangan mo sakin?”


“Hindi ka pa rin nagbabago. Lagi ka pa—”


“Sungit!” Ang malakas na boses na ‘yon ang pumutol sa sinasabi ni Drenz. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung sino ‘yon. Yung babae kanina. Kinakaway niya yung kamay niyang may hawak na panyo. “Thank you dito!”


“You know her?” tanong ni Drenz.


“I don’t. Don’t mind her.” Tumikhim ako at nagpamulsa. “How did you know I’m here?”


“Five years kitang sinubaybayan diba? Kaya alam kong nandito ka sa araw na ‘to.” Tumingala siya sa langit. “More than a year had passed simula nang mangyari ‘yon.”


“At bigla ka na lang nawalang parang bula.”


Nilingon niya ko. He smiled. “Namiss mo ba ko?”


“No.”


“I know.” He chuckled. “May galit ka ba sakin, Jaylord?”


“Wala.”


“Dati?”


“Hindi kita gusto.”


“The feeling was mutual. I hated your guts you know?” Nagkibit-balikat lang ako. “But then, nang malaman ko yung totoo. I hated myself twice more than I hated you.”


“Kaya ba naglaho ka na lang?”


“Bakit hinayaan mong mapalapit ako kay Ellaine kahit alam mong may hidden agenda ako no’n?” sa halip ay tanong niya.


Ayokong magkwento but I think he deserves my explanation after what had happened to him. Kaya kahit ayokong dumaldal, gagawin ko ngayon.


“I didn’t like you back then. But Ellaine liked you as his friend. Naging delikado na siya simula nang tanggapin ko siya sa buhay ko that’s why I had to set limitations para masigurong hindi siya mapapahawak. Hindi niya ko kasama sa lahat ng oras that’s why nandyan ang mga kaibigan ko kapag wala ako.”

“I didn’t do anything against you back then because of Ellaine. Importante ka sa kaniya dahil kaibigan ka niya. But the main reason was because of what happened to your brother. Your brother died in front of her because he saved her even if he didn’t know who Ellaine was.”

“Ellaine was traumatized. It had been months bago siya nakapag-cope up sa nangyari. Ginawa namin ang lahat. Ginawa ko ang lahat para hindi niya sisihin ang sarili niya sa nangyari. And then you came. Kapag nalaman niya kung sino ka at kung anong dahilan mo sa pagpasok ng NPC, babalik na naman sa alaala niya ang nangyari no’n. Kahit pa sabihing matagal nang nangyari ‘yon, alam kong sa kasuluk-sulukan lang ng utak niya, nando’n lang ‘yon. Ayoko nang bumalik pa sa alaala niya ‘yon. I’ll do everything to protect her feelings.”

“Sinubaybayan ko ang mga kilos mo. And when I saw how you looked at her, nakita ko sa’yo ang isang tao. You’re like this person na laging napapangiti si Ellaine. And I knew back then that you would never hurt her or do anything to hurt my Elle.”

I chuckled. “I knew it sounds weird dahil bakit ko hinahayaan ang isang taong alam kong may gusto sa girlfriend ko na umaaligid-aligid sa kaniya. I promised to protect her but it doesn’t mean that I should be selfish to someone who wanted to protect her, too. But I made sure then na ako ang katabi niya kapag ako ang kailangan niya at hindi ang taong ‘yon.”

“Kung naging normal na tao lang ako no’n, walang frat, walang gulo, walang kaaway, ako mismo ang po-protekta sa kaniya at hindi ko na kakailanganin ng tulong ng iba. Pero hindi. Ganito na ako mga bata pa lang kami. Maraming kaaway na handang gumanti whenever they wanted to. At hindi ako pwedeng mag-mayabang na kaya kong protektahan si Ellaine all by myself kahit pa sabihing hindi ko gusto ang taong gusto din siyang protektahan.”
Napahawak ako ng batok ko. “Did you get me?” I waved my hand. “Ako lang ata ang nakakaintindi sa sinabi ko.” I’m not good in words, I know.


“I get it, Jaylord.” I saw him smiled. “Ang hindi ko maintindihan, may nagbago na pala sa’yo. Kailan ka pa dumaldal?”


Kung alam lang niyang ayoko nitong ginagawa ko. Pero nangako na ko kay Elle no’n.


“Honey, promise me na kapag nagpakita sa’yo si Drenz, you have to explain to him everything, okay? Alam kong ayaw mong magsalita nang mahaba, but you have to, okay?”

“Magpapakita pa ba ‘yon?”

“Honey naman!”

“Okay, okay. I promise.”


Kaya eto. Naging madaldal ako ng wala sa oras. Kainis!


“That day. Why did you save me? Pwede mo namang bitawan yung taling nakadugtong sa upuan ko para hindi ka na nahirapan.”


“Not all the gangsters could kill people. I’m an ex-gangster, not a killer. One more thing, hindi lahat ng gangster, naninira ng buhay. Iba kaming DSG, hindi kami ang lumalapit sa gulo, sila ang lumalapit samin.” Humalukipkip ako. “Ikaw? Wala ka bang balak na makipagkita kay Ellaine?”


“Ako ng bahala sa bagay na ‘yan.” Nag-inat siya. “Maybe this would be the last time na magkikita tayo.” Tinapik niya ang ibabaw ng kotse niya. “By the way, happy birthday and congratulations!” Sumakay na siya ng kotse niya. Ini-start na niya ang makina ng sumilip siya mula sa bintana ng kotse niya.


“One more thing, Jaylord. One year had passed but still, I love your Elle! Goodbye!” Iyon lang at umandar na ang kotse niya.


“Idiot.” I murmured.


Nakita kong lumapit sakin si Paul. “Anong balak mo? Sasabihin mo ba kay
Ellaine?” tanong niya nang sumandal siya sa kotse ko.


“Hindi muna. Pagkatapos na lang—“


“Help!!!”


Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na ‘yon.


“Help!!! Sungit!!!”


Yung babae kanina, hawak siya ng dalawang lalaking naka-suit.


“Sungit!!! Hoy!!! Bingi ba kayong dalawa?! Tatangayin na ko ng mga mokong na ‘to!!!”


“A damsel in distress needs our help, Jaylord.” Paul said. Pinatunog niya ang kamay niya. “On the second thought, ako na lang ang bahala sa kanila. It’s your birthday today kaya chilax ka lang dito.”


“Bahala ka.” Prente na lang akong sumandal sa kotse ko habang nakasunod ang tingin sa kaniya. Narinig kong nag-ring ang phone ko na nasa loob ng kotse ko. Kinuha ko ‘yon. Si Khalil ang tumatawag.


“Hello. Bakit?”


“Jaylord, si Ellaine!”


Napaderetso ako ng tayo. “Anong nangyari sa kaniya?!”


= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^