Friday, January 17, 2014

Don't Fall Asleep: Chapter 9




Chapter Nine
Nang makauwi ako ay agad na pumasok ako sa kwarto ko at hindi naman ako nabigo na makita doon si Jeff na nakaupo sa kama ko at sinusuri ang kanyang patalim na may bahid na dugo.


“Oh you’re back. How’s your first day in school, Sophie?”

Dumilim iyong paningin ko.

“Great! Maganda ang araw ko. First day palang ng school ko ay may bangkay akong nakita! How dare you! nangako ka!” Hindi ko na mapagilan ang sarili na singhalan si Jeff.

Ah nakita mo pala iyon. Well, una sa lahat, babae, wala akong matandaan na nangako ako sa`yo. Pangalawa, hindi ko kasalanan iyon.”

“Ganyan ka naman parati eh! Hindi mo kasalanan! Wala naman ginawa ang kawawang babaeng iyon sa`yo ah!”

He mumbles pero hindi ko narinig iyong sinabin iya dahil napakahina ng boses niya.

“So?” Untag ko.

“Just mind your own business, Sophie, gusto mo malaman ang impormasiyon kung bakit kita gusto pumasok sa paaralan niyon `no? Sige, sasabihin ko.” Alam ko na gusto niya ibahin ang topic pero kahit gusto ko pa na makipag-away sa kanya tungkol doon sa biktima niya ay pinili ko na lang na isantabi ang diskusiyon na iyon.

I cross my arms over my chest at tiningnan siya. “Fine. Ano ba talaga ang gusto mo ipagawa sa akin doon? Honestly, wala talaga akong clue. Ayoko masayang ang oras ko saw ala.”

“I want you to find out whose the real killer doon sa skwelahan na iyon. Kung hindi mo pa alam ay kilala ang school na iyon na may mamatay twice a month—“ pinutol ko ang sasabihin niya.

“Whoa! Whoa! Teka lang! twice a month may mamatay? Ha! Grabe ka na talaga—“

“Hindi ako ang salarin na pumatay doon. So, patapusin muna ako sa kwento ko unless you want me to stop.” Sinenyasan ko na magpatuloy na lang. “It started last year, matapos mamatay ng isang babae na nagngangalan Fernanda dahil sa isang sunog. Na-trap siya sa isang equipment room.”

“Bakit kailangan mo ang tulong ko? I mean bakit gusto mo ako ang dumeskubre kung sino ang salarin? Wala sa mukha mo na mahirap mag-imbestiga lalo na at marami kang alam sa akin. May dapat pa ba akong malaman?”

He shrug. “Kung meron man ay sa akin na iyon.”

Matalim na tiningnan ko siya. “Jerk.” Lumabas na ako sa kwarto at nakapag-decision ko na pumunta na lang sa mall. “Aalis muna ako. Bantayin mo ang bahay, at least naman may silbi ka dito sa bahay.” Sabi ko sa kanya nang bumaba siya sa hagdan.

Nakakunot ang noo niya na tiningnan ako. “Saan ka naman pupunta?”

“None of your business.” Chineck ko ang bag ko kung nasa loob ba ang laptop ko. Sinuot ko ang boots ko at lumabas na.

Ginamit ko ang paboritong kotse ng papa ko papunta sa mall. Pagdating ko sa mall ay dumiritso agad ako sa isang cafĂ© para kumain at makapag-sulat na rin siguro. Isang oras na ako doon at kahit pano ay nakatatlong chapters na ako. At maya’t maya ay may isang tao na tumigil sa mesa ko.

***
Dalawang araw pa ako sa klase at iyong mga babae na lumapit sa akin noong unang araw ko dito sa klase ay naging close ko. Napansin ko na hindi man lang sila nalungkot ng mamatay ang isa sa kanilang kaibigan, at kasalukuyan ang topic naming ay si Mandy.

“Hindi ba kayo pupunta sa burol niya?” Tanong ko sa kanila.

The three of them smirk at me. “Nope. Ayaw naming sayangin ang oras namin na pumunta doon—nakakakilabot.” Sabi ni Cathy.

“Pero kaibigan niyo naman siya.”

“Girl, kung hindi mo pa alam mas natuwa pa nga kami sa nangyari eh.”

Si Denise at si Zaira naman ay hindi na lang nag-komento pero alam ko na kagaya nila ay wala siyang pakialam kay Mandy. How can they be so heartless? Kaibigan nila iyon!

Naglakad na kami papunta sa locker namin. Kinuha ko sa bulsa ang susi at pinasok sa keyhole. Ganun din ang ginawa nilang tatlo at tumigil na sila sa pakukwento tungkol kay mandy. Abala ako sa paglagay ng mga gamit ko sa locker ng marinig ko ang pagsinghap ni Zaira at sa gilid ng mata ko ay nakita ko siya na nanginginig at umasal. “Oh god…”

“Are you alright, zaira?”

“H-ha?...ah oo,  may nakalimutan lang akong kunin sa room. Mauna na kayong umuwi.”  Sabi ni Zaira tas agad tumalikod sa akin at mabilis na umalis.

“Anong nangyari don?” Tanong ni Cathy sa akin.

“Ewan ko.”

“Hey girls! Pumunta tayo ngayon sa G&D bar!” masayang sabi ni Denise sa amin.

Kumunot ang noo ko. “Hindi ba bawal ang minor de edad doon?”

Tinaas ni Denise ang kanyang hintuturo at iwinagayway sa harap ng mukha ko. “Tsk tsk! Anong silbi ng fake I.D’s at make up?”

Napapailing na lang ako. “Sorry pero hindi kasi ako pwede eh. Bawal.”

“Ang killjoy naman ng parents mo.” She rolled her eyes. “So… kami lang pala ni Cathy at Zaira ang pupunta pala.”

“Sorry din Denise pero hindi ako pwede. May date pa kasi ako kay Harold.” Paumanhin naman ni Cathy sa kanya.

“Aw… mga killjoy! Bahala na nga kayo. Basta ako pupunta ako doon at maghahanap ng hot guys doon!” Inirapan niya kaming dalawa at nagmartsa na iniwan kami.

Natawa na lang ako sa kanya.

Zaira’s POV
“Girl, kung hindi mo pa alam mas natuwa pa nga kami sa nangyari eh.” Napapailing na lang ako sa sinabi ni Cathy.

Hindi ko alam kung matutuwa ba o malungkot sa sinapit kay Mandy. Hindi ko matatawag na kaibigan ko siya, siguro nga parati kami magkasama pero dahil lang naman pareho kaming apat na may tinatagong sekreto. Sa ganda naming apat ay kabaliktaran ang nasa loob naming. Parehong matatalas at kay haba ng sungay namin.

Huli na din naman na magsisi ako dahil nangyari na ang hindi dapat mangyari…at alam ko ang kaluluwa ni Olivia ay hindi parin matatahimik.  

Binuksan ko ang locker ko at nagimbal sa nakita. May isang papel na nakadikit sa loob ng locker ko at may nakasulat, hindi ballpen ang gamit sa pagsulat niyon kundi dugo at nakasulat sa papel na iyon ay…

Author's Note: Sorry ngayon lang ako nakapag-update. masiyado kasi akong busy kaya ngayon lang ako nakapag-update. :D

1 comment:

  1. waahhhh!!! na miss ko to!
    hihihihi...
    ngayon lang ako nka balik dito..
    kailan ba yung next ud?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^