INTRODUCTION
When
it comes with LOVE,
Ang
mga puso natin nagkakaro’n ng kaniya-kaniyang status.
Parang
status lang ‘yan sa facebook, eh.
Either
single, in a relationship or it’s complicated.
Kahit
pa sabihing single ka, hindi ibig sabihin na hindi na masaya ang puso mo. Hindi
naman laging naka-depende ang bawat pag-ngiti ng puso ng isang tao kung nasa
relasyon man siya o hindi. Pwede kang sumaya dahil sa mga taong nagmamahal
sa’yo. Pamilya mo. Kaibigan mo. Sila ang mga taong pwedeng magbigay saya sa
puso mo.
Pero
minsan, kahit pa sabihing masaya ka na sa single status ng puso mo, may
pagkakataon pa ring gusto mong dumating ang taong magmamahal sa’yo.
In
a relationship.
Sinong
nagsabing lahat ng taong nasa isang relasyon, masaya? Wala naman diba?
Kapag
na-experience mo na ang sakit, do’n mo masasabi na sa bawat pag-ngiti ng puso
mo, katumbas no’n ang dobleng sakit na pwedeng maramdaman nito.
Walang
perpektong relasyon, wala ring perpektong tao. Kaya nga kayo nagtagpo para
punan ang pagiging imperfect ng bawat isa sa inyo. You have each other’s heart.
And it is in your own hands kung paano ninyo pangangalagaan ang puso ng bawat
isa. Pwedeng masaktan mo siya, but make sure that at the end of the day,
mapapasaya mo uli ang puso niya. Nang triple pa sa sakit na naramdaman niya.
It’s
complicated.
Sinong
hindi naka-experience nito? Bakit ba nagiging kumplikado ang isang bagay?
Minsan tayo rin ang may kasalanan. Ang simple, ginagawa nating kumplikado. Ang
kumplikado, ginagawa nating simple. Ganyan tayo minsan. Kapag duwag tayong
harapin ang isang bagay. Kapag natatakot tayong gawin ang tama. Kapag hindi
natin matanggap ang katotohanan. Kung anu-anong kamalian ang nagagawa natin. At
do’n na nagiging kumplikado ang mga bagay-bagay.
Hindi
lahat ng kumplikado, mahirap intindihin. Hindi rin lahat ng kumplikado,
maiintindihan natin.
Single.
In a relationship. It’s complicated.
Hindi
lang ‘yan ang pwedeng maging status ng puso natin.
Depende
‘yon sa kung ano ang nararamdaman ng puso ko, ng puso mo at ng puso niya.
Dahil
bawat puso natin, may kaniya-kaniyang status.
Pwedeng
pansamantala lang. At mag-iba.
Pwede
ring manatili na lang at hindi na tuluyang magbago.
Dahil
nasa’yo kung anong kalalagyan ng puso mo.
Nasa’yo
kung anong magiging status nito.
Pusong
Bato.
Yan
ang status ng puso ko.
Ikaw?
Anong
status ng puso mo?
Kung
namo-mroblema ka sa status ng puso mo,
log
on lang sa www.dearpusongbato.com
At
makikilala mo ako.
Tutulungan
kita with all my power.
Sisikapin
kong ipa-realize sa’yo ang dapat ma-realize ng mga brain cells mo.
And
tiyaran!
Papayuhan
kita from the bottom of my puso.
Yes.
You
read it, right.
Nagtataka
siguro kayo kung paano ko nagagawang magpayo kung bato naman ang puso ko.
Gusto
ninyo bang ikwento ko sa inyo kung bakit at paano ko nagagawa ‘yon?
Kasi…
Ay!
Wait!
Mukhang
may nangangailangan ng powers ko.
Saka
ko na lang iku-kwento sa inyo.
Don’t
forget to visit me, okay?
Pusong
Bato is waiting.
(^_~)
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^