Saturday, December 7, 2013

Anime Love Affair : Chapter 8


8: Anime-sion Impossible
(Yuki Jezryl POV)



“Colonel Nick Fury!!! Agent of S.H.I.E.L.D. Si Samuel L. Jackson ng The Avengers the movie!!!” Gusto ko nang maglupasay sa kinatatayuan ko. Gusto kong maniwala na may malalim na dahilan ang Black Joker sa twist na ito, pero meron nga ba? “Sa Marvel Comics ka!!! Bakit nag-crossover ka rito? Anime ito!!!”




“Bakit ang dami mo rin yatang alam sa Marvel Comics?” Tanong saakin ni Col. Fury.



“Wide-reader ako eh!!!” Harujusko!!! Ang bata ko pa para magkaalta-presyon! Pero dahil sa buset na Joker na ‘to, maha-highblood na ako. Tinignan ko si Enzo. “Ano ba ‘to Enzo? Sakop na rin ba ng kaepalan ng mga Black Jokers ang Western comics? Akala ko ba Anime at mga manga lang ang usapan?”



“I guess they are getting more imaginative and creative.”



Imaginative and creative? “May kulang pa, they are getting crazier!!!”




“Oh tara, patayin na natin yan.” Excited naman masyado si Enzo. Poporma na sana siya para sa Animexorcism pero pinigilan ko siya.



“Sandali Enzo. Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko kanina? Idaan nga muna natin sa mabuting usapan!”



“Pero—”



“Sheesh! Ako na na munang bahala. Pwede? Kausapin natin siya ng maayos para malaman natin kung anong dahilan niya sa panggugulo.”



“Hoy, wag niyo akong ino-OP sa usapan niyo. Nandito pa ako.” Sabat naman ni Colonel Fury.



“Ano pong problema mo? Bakit ka ba nanggugulo rito sa kwento ni Naruto.”



“Eh anong pake mo! Ito ang trip naming mga Black Jokers eh.”



Medyo barado ako nun ha. Bastos na kausap ‘to. “Sige na, wag ka nang mahiya saamin. May nag-utos ba sayo kaya nanggugulo ka? May big boss ba kayo? Bakit hindi kayo nauubos? At anong nakukuha nyong mga Black Jokers sa panggugulo ng mga kwento sa Anime?”



“I invoke my right against self-incrimination.” Sagot niya saakin sabay ngiti ng nakakaloko. “Hindi niya ako mapipigilan. Ang kailangan ko lang naman ay si Naruto.”



“Bakit? Anong kailangan mo sa bida nitong kwento?”



“Gusto ko siyang irecruit sa Avengers.”



“Woah! Bakit? Dahil ba gusto mo siyang tumulong sa pagliligtas ng mundo?”



“Hindi. Dahil trip ko nga lang. Kailangan ba may dahilan? Wag kang pakelamera, Anime Jumper!”



Hindi ko na kaya. Matino naman akong makipag-usap pero binubully niya ako! Basag na basag na ako sa pambabara niya! “From Marvel, biglang Anime? Ang panget nun, Colonel Fury!!! At tsaka naglipana na ang mga superheroes sa mundo niyo! Ganito na lang, ipagsanib pwersa mo na lang ang Avengers at Justice League para mas malapit. Mas bongga rin yun, Marvel plus DC Comics!”



“Ha? Plano na nga ring irecruit ng Justice League si Naruto eh.”



Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. “Ano ngayong gusto mong palabasin? Inuunahan mo lang sila?”



“Ganun na nga!”



Walanjo! Nai-stress ang anit ko sa kanya! “Makinig ka, hindi kayo pwede dahil American po kayo at Japanese naman si Naruto. Western kayo, Asian po rito.”



“Racist ka!” Aww ha! Wala naman akong intensyong ganun! “Si Naruto ang missing piece namin. Wala pa kaming ninja sa grupo!!! At tulad nga ng sinabi ko kanina, wag kang pakelamera!” Ang hirap niyang kausap. Promise, nakakapikon!



Habang nagsasalitan kami ng mga maaanghang na salita, pinanood lang talaga kami ni Enzo hanggang sa… “Oh ano? Suko ka na?” Tanong niya saakin. “Pinagbigyan na kita sa gusto mong idaan natin sa civilized way. Anong napala mo ngayon sa mabuting usapan niyo?”



“Che!!! Simulan mo na ang Animexorcism at tapusin na natin ‘to.”



Pumorma na ulit si Enzo para sa Animexorcism. Kaso hindi niya na-lock yung Joker dahil bigla itong naglabas ng baril at pinagbabaril kami. Kung gaano kagaling ang totoong Colonel Fury sa mga nabasa ko noon sa comics, ganun din siya kagaling ngayon.



Kung hindi pa ako nahila ni Enzo para magtago sa puno, sabog na siguro ang bungo ko. Pero dahil sa ginawa niya, napatitig ulit ako sa mukha niya. Linchak~ nakikita ko talaga si Kakashi sa kanya! In love talaga ako kay Kakashi, hindi ko mapigilan.



“Makinig ka, gamitin mo ang pagiging Haruno Sakura mo.”



“Ha? Paano?”



“You are Haruno Sakura. At sa season na ito, naturuan ka na ng Fifth Hokage na si Tsunade. Malakas ka na at kaya mong makipagsabayan sa laban. Gumawa ka ng paraan na lituhin siya para ma-lock ko siya at maisagawa ko ang Animexorcism. Hindi kasi natin siya mapapatay hangga’t hindi nakalabas ang tunay na Joker form niya.” Saka niya inilabas sa kamay niya ang Tiere Athame. “Alam mo na ang gagawin, isaksak mo sa puso niya.”



Isang tango lang ang sagot ko pero bago pa maganap ang totoong aksyon…



“At mag-iingat ka. Tulad nga ng sabi ko, mas malakas na Black Joker siya. Baka hindi na lang saksak sa kamay ang makuha mo kapag hindi ka nag-ingat.” Ang sabi niya saakin at saka niya isinuot ulit ang takip sa mukha niya.



“Sandali, Sir Kakashi.” Napataas siya ng kilay sa tinawag ko sa kanya. “Kapag nakauwi na tayo, pwede bang akin na lang yung picture mo na naging si Sir Kakashi ka. Yung lumalabas sa history book mo.”



“Hindi pwede. Automatic yun na nakadikit sa pahina ng history book ng isang Jumper.”



“Pilasin natin?”



“Hindi nga pwede! At tsaka pwede ba, mag-focus ka sa misyon natin!”



“Hindi ako makakapag-focus hangga’t hindi ka pumapayag.”



“Lintek na yan! Mahal na mahal mo talaga ako noh?”



“Ha?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi. Anong ibig sabihin nun?



“Ano na naman yang iniisip mo? I mean mahal na mahal mo ako bilang si Sir Kakashi!”



“Ah! O—oo talaga! Mahal na mahal ko si Sir Kakashi!”



Bigla kaming nakarinig ulit ng mga putok ng baril. Ang pampam lang ng kalaban.



“Oh sige, bibigyan na lang kita ng kopya para matigil ka na. Mag-focus ka na sa misyon natin. At galingan mo, Jezryl! Hinihintay ng Lolo ko ang ikalawang Black Card na nakapangalan sayo.” At sa isang iglap, nawala nang parang bula si Enzo.



Itinuon ko na ang atensyon ko kung nasaan ang kalaban. At pagsilip ko, meron na siyang higanteng baril na hawak. Jusmio, saan galing yun! “Hetong sayo!” Tinira niya ako at parang canyon na yung gamit niya.



“Waaaaaaaaah!” Napatalon naman ako agad sa kabilang puno. Kaso sunud-sunod na ang tira na ginawa ng kalaban  kaya hindi ako makabwelo.



Nag-isip ako ng pwedeng gawin para makipag-sabayan sa kalaban namin. Ang kailangan ko lang naman ay ang lituhin siya para maisagawa ni Enzo ang Animexorcism. Pero ano nga bang magagawa ko bilang si Sakura?



“TAIJUTSU!” Tama! Brutal at bayolente nga pala si Sakura! Bale, brutal at bayolente AKO!



Habang walang humpay, sa pamamaril si Colonel Fury, nag-ipon na ako ng chakra sa kamay ko. Kung paano ko siya ginawa, eh hindi ko na alam! Basta pure instinct! Nang makahanap na ako ng tamang tyempo, saka ako tumakbo palapit sa kalaban at, “TANGGAPIN MONG KAMAO KO!” Take note, feel na feel kong isinigaw yun.



*broooooooogssh!*



“Argh—” Ang lupet ng pagkakalanding ng kamao ko sa mukha si Colonel Fury. Kita ko ngang nagtalsikan ang mga ngipin niya sa ere. At sa tindi ng impact ng pagkakasuntok ko, nagkaroon ng crater yung lupang tinatapakan namin.



Sinubukan pa niya akong barilin at nadaplisan ako ng konti pero gumanti ulit ako ng suntok sa kanya. Sunud-sunod yun hanggang sa lumobo na ang mukha niya sa pasa at lumubog na sa lupa.



“Enzo! Gawin mo na!”



“Black Joker, lock!” Narinig ko ang boses ni Enzo at nasa ere siya habang isinasagawa ang Animexorcism. Kailangan ba talaga, ganun ka-dramatic ang pose niya? “Yeh jadu hona! Aagya jo deh!”



“Accck!” Nanginsay sa harap ko ang kalaban namin at ilang sandali pa, sumabog na ito at lumabas na nga ang Black Joker form niya. Black jester clown pero may suot nang eye-patch. Kamukha pa rin ni Colonel Fury.



Akala ko madali na lang na mapatay ang Joker pero nang mahimasmasan ito, mas bayolente pa pala ito kesa sa inaakala namin. Sinugod niya ako pero bago pa man ako tamaan ng atake, tinulak ako ni Enzo at siya ang nakipaglaban.



“Chidori!” Pinalabas ni Enzo ang original technique ni Kakashi na Lightning Cutter at yun ang ginamit niya sa kalabang Black Joker. Dahil sa ginawa niya, mas pumogi siya paningin ko. “Hoy Jezryl! Ano pang ginagawa mo!”



“Ang lupet mo, Kakashi! Ini-enjoy ko pa ang eksena mo. Tuloy mo lang!”



“Chupeste! Tumulong ka! Nasa iyo ang Tiere Athame, patayin mo ang kalaban!”



Dahil sa sinabi ni Enzo, napatingin saakin ang Black Joker. Mukhang balak na niyang agawin ang Tiere Athame na pwede kong gamitin na pamatay sa kanya.  Sinubukan pa sana siyang pigilan ni Enzo, pero nakaganti na ang kalaban ng suntok kaya tumalsik siya palayo.



Ako at ang Black Joker na lang talaga ang magkalaban ngayon. Tinira ko siya ng mga kunai at shurikens para hindi makalapit.



“Baguhang Anime Jumper. Ibigay mo saakin ang Tiere Athame kung ayaw mong masaktan!”



“Eh ikaw nga ang nabugbog-sarado ko kanina! Hindi ka ba natatakot?” Kasi ako, takot na takot na! Nagmamatapang na lang.



“Sa tunay kong anyo, tingin mo gagana pa saakin ang mga simpleng suntok mo?”



Hinamon ako ng kalaban kaya sinubukan ko siya suntukin ulit. Pero tama siya, hindi na nga gumana ang lakas ko.



Naubos na ang lahat ng armas sa weapon bag ko. Ang natitira na lang talaga ay ang Tiere Athame. Isang paraan na lang ang naiisip ko. “Enzo!” Tinawag ko siya kahit hanggang ngayon ay nahihilo pa rin siya sa ginawa sa kanya ng Black Joker kanina. “Gaano katibay itong Tiere Athame?”



“Hindi yan basta-bastang nasisira… bakit? Anong plano mo?”



Syempre hindi ko sinabi kay Enzo. Baka marinig ng kalaban noh!



Hinawakan kong mabuti ang Tiere Athame. “Itong gusto mo diba?” At nang subukan na ulit lumapit saakin ng Black Joker, tinira ko ito sa kanya na parang kunai.



Ang kaso… “Ahahahaha! Bobong baguhan! Hindi naman ako tinamaan!”



Kupal talaga ‘tong Joker na ‘to. Nagawa pa akong asarin dahil nasalo niya lang ang Tiere Athame na tinira ko sa kanya. Pero ang hindi niya alam… “Shunga ka naman! Tignan mo kaya yang hawak mo!”



Napatingin ang Black Joker sa Tiere Athame na hawak niya. Hindi niya napansin na may tatlong explosive tags akong idinikit doon. At sa isang kisap-mata…



*buuuuuuuuugsssssssh*



Sumabog ang mga explosive tags sa mukha ng kalaban. Tignan ko lang kung hindi pa siya tablan nun! At tulad nga ng sinabi ni Enzo, matibay ang athame at hindi man lang ito nasira sa pagsabog.



Nanghina na ng tuluyan ang kalaban. At nang makalapit ako sa kanya, kinuha ko ang Tiere Athame at hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa, sinaksak ko na siya sa mismong puso niya.



“Enzo! Nagawa ko!” Matapos kong talunin ang kalaban, muli na akong nakalapit kay Enzo. “Heto na ang second Black Card ko!” At iwinagayway ko sa mukha niya ito.



Shocked pa rin si Enzo sa nagawa ko. Pero nang pilitin niyang tumayo, nahirapan siyang gawin yun. “Sira-ulong Black Joker yun. Ang tindi ng pagkakasuntok niya sa mukha ko. Buti tinalo mo. Tara na, bumalik na tayo sa real world…”



“Teka!” Sinilip ko ang mukha ni Enzo at, “HALA! Bali ang ilong mo, Enzo! At tsaka sabog pa nguso mo!”



“Pakshet!” Napatakip siya ng mukha. Ngayon ko lang nakita ang sugatan niyang mukha. “Di bale, kapag nakabalik na tayo, magagamot ko sarili ko.”



“Teka lang ulit, Enzo.” Pinasandal ko siya sandali sa puno at inilapit ko ang kamay ko sa mukha niya. “Diba nga, isa rin akong medical ninja. Ibig sabihin, madali na lang saakin na gamutin ang sugat mo.”



At parang magic! Pero hindi talaga magic kundi medical ninjutsu. Napagaling ko ang nabaling ilong at sumabog na nguso ni Enzo. “Ayan, pogi ka na ulit—I mean, pogi ka na ulit bilang si Sir Kakashi!”



Nang kapain niya ang mukha niya, napangiti na lang si Enzo. “Bilib na talaga ako sayo, Jezryl.” At pagkatapos, ginulo niya ang buhok ko na para bang alaga niya akong aso.



Hindi ko naman alam kung anong ire-react ko nun. Si Enzo… si Sir Kakashi… kung sino man siya ngayon, siya ang dahilan ng biglaang abnormality sa puso ko. Ang lakas ng kabog eh.



Matapos ang isang tila ba Anime-sion Impossible na eksena kanina, matiwasay kaming nakabalik sa real world.


End of Chapter 8








7 comments:

  1. Yaaaaaaaah! Ang ganda ganda gandaaaaaa! Huhuhuhu where to, next, ate Aegyo?

    ReplyDelete
  2. waah! ang galing ni jezryl natalo nia yung black joker :)

    ReplyDelete
  3. pareho kami ni jezryl hihihi! favorite ko rin kasi si sir kakashi eh!

    ReplyDelete
  4. sana sa gakuen alice naman yung next or sa kimi ni todoke!

    ReplyDelete
  5. The best ka tlaga miss author!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^