Monday, November 25, 2013

Don't Fall Asleep: Chapter 8




Chapter Eight

Binigyan ko uli ng huling sulyap ang sarili ko sa human size mirror. Shit! Hindi ko makapaniwala na magsusuot na naman ako ng high school uniform! Sure, mukha parin naman akong high schooler dahil sa height ko pero… ang weird parin!

“Huwag kang mag-aalala bagay naman sa`yo ang uniform mo.”

Napalingon ako kay Jeff na nakasandal sa dingding. At least hindi na mabahong patay ang lalaki at bagong ligo. Kahit pano ay mukhang tao na. Ngayon ko lang na-realize na hindi naman siya panget tingnan. In fact I find him attractive kung wala lang sana iyong itim na bilog sa mata niya at iyong laslas sa pisngi niya ay baka may mga babaeng magkandarapa sa kanya. Pero huwag niyo akong isali sa mga ibang babae dahil hindi ako pumapatol sa may sayad sa utak.

Matalim na tiningnan ko siya.

“Huwag kang feeling close sa akin! Akala mo ba nakakalimutan ko ang ginawa mo sa kaibigan ko? Pwes hindi! At tsaka anong ginagawa mo dito sa CR ng mga babae? Bastos! Umalis ka dito!”

“Kanina pa kita hinihintay. Ang tagal mo naman umalis sa harap ng salamin.” Amuse na sabi niya.

“Pakialam mo? Mamaya pa naman magsisimula ang klase.”

 “Uh. Ano nga pala ang section mo?”

“Class 4-B.”

“Good.”

“Anong GOOD ang pinagsasabi mo?”

“Mas mapapadali ang trabaho mo iyon ay kung matuklasan mo ang ipapagawa ko sa`yo.” Iniwan niya ako na nakatunganga sa sinabi niya.

Ilang araw ko na siya tinanong kung anong klaseng trabaho ang ipapagawa niya pero wala man lang akong nakuhang sagot sa kanya. Nang marinig ko na tumunog na ang bell ay agad ako umalis sa CR at pumunta sa classroom ko. Nang nasa harap na ako ng pintuan ng classroom ko.

Kumatok ako ng tatlong beses.

“Class pakiusap lang tumahimik muna kayo. May importante akong anunsiyo sa inyo. May bago kayong classmate—Ms. Cliff, pwede ka ng pumasok.”
You wonder why kung bakit iyon ang tinawag sa akin. Well, ibang pangalan ang ginamit ko. Bago pa ako pumasok ay may narinig akong nag-uusap sa loob.

“I bet she’s hot!”

“I feel sorry for her dahil dito siya napadpad sa klase natin.”

“Hahaha!”

Bakit naman siya maawa sa akin dahil dito ako sa section nilagay?—Sa pagpasok ko ay tahimik na pinagmasdan ako ng mga studyante, ang ibang lalaki naman ay napanganga sa akin. Well, kahit pano ay masasabi ko na makakapasa ako sa ‘pretty department’, hindi ko na kailangan maglagay ng kolorete sa mukha pero para sa araw na ito ay nag-ayos ako para naman hindi ako lolang tingnan sa mga batang ito!

“Would you like to introduce yourself, Ms. Cliff?”

“Sure. My name’s Samantha Cliff but you can call me Sam for short. I transferred here from England because of my family work. It’s nice to meet you all.”

“Nosebleed ako pare!”

“I love her!”

Napailing nalang ako. Boys!

“May gusto ba kayong itanong ni Ms. Cliff?” Tanong ng guro.

“Single ka ba?” May isang lalaki na sumigaw. Hindi ko alam kung sino sa kanila dahil nasa malalim akong pag-iisip.

Ngumiti ako. “Yeah. I’m taken.” Ha! Hindi ako pumapatol sa totoy `no! Mabuti na malaman nilang hindi na ako available kahit wala naman talaga. Narinig ko pa iyong lalaki na nag-`aww’

Umupo na ako sa bakanteng upuan. Katabi ko iyong isang babae na nakayuko at abala sa pagbabasa ng textbook. Nagpatuloy na sa pag-tuturo ang guro. Geez, buong umaga ay napaka-boring! Nadaanan ko na ang lahat ng lesson na iyan noong high school pa ako eh.

Nang lunch break na ay malaking pasalamat ko dahil tas na ang first period. Nagligpit na ako ng gamit nang may lumapit na grupong babae sa akin. Mas stylish iyong uniform nila kesa ibang babae.

“Hi!” Nginitian niya ako pero sigurado ako na fake iyang ngiti niya.

“Um…hi” naiilang na bati ko sa kanya.

“Ako nga pala si Denise at ito naman sina Zaira, Cathy and Mandy.”

Let me guess, kayo ang reyna-reynahan sa klase na ito? Gusto ko iyon sabihin pero isinaloob ko na lang. Ilang minute pa ay nakipagkaibigan sila sa akin at go with the flow naman ako. Ayaw ko ng gulo at tsaka maganda naman ang trato nila sa akin kahit na fake ang smile nila sa akin. I guess kaya gusto nila ako makipagkaibigan dahil makadagdag siguro sa kasikatan? `di biro lang.

Inanyahan nila ako na sumabay kumain at kahit na gusto ko man tanggapin ag imbitasyon nila ay hindi pwede dahil may business pa akong gagawin. At ang business na iyon ay kausapin si Jeff. Hindi ako makapaniwala na gusto niya ako makapasok dito sa school at mag-imbestiga na wala akong kaalam-alam na kung anong gagawin ko!

Ang tanging alam ko lang ay mas maganda na nilagay ako sa klaseng ito, so sigurado ako na may kinalaman ang klaseng ito. Pumunta ako sa likod ng high school building. Walang tao dito maliban sa akin. Bumuntong hininga ako.

“Alam ko na nandito ka, Jeff, kaya magpakita ka na.”

Wala pa din Jeff the na nagpakita o nagparamdam man lang. Saan lupalop naman kaya iyon? Bakit ba pakiramdam ko na may mangyayari na hindi tama… at tama ang hinala ko dahil may narinig akong isang tili sa loob ng CR ng mga babae. Tumakbo ako papunta doon at sa pagdating ko ay may madaming babae tao na nagkumpulan sa labas ng CR. Kailangan ko pa sumingit para lang makapasok sa loob. Nang sa wakas ay nandon na ako ay nakita ko ang malamig na bangkay ng isang babae, sa pagkakatanda ko ay ang pangalan niya ay si Mandy. Naligo siya sa kanyang sariling dugo at halatang maraming beses na sinaksak ang dibdib nito at makikita mo na ang nasa laman loob niya. Pero ang nakakuha ng attention ko ay ang pisngi niya na may hiwa na parang ngiti.  

Hindi ko na kailangan malaman kung sino ang pumatay sa kanya dahil na din sa pisngi niya.

Kinuyom ko ang kamao ko. How dare him! 


***
 please leave a review. :) 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^