Saturday, December 14, 2013

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Prologue



12/14/13
I dedicated this first series to NORLIZA. Hope you like it sis! Muah! Goodluck sakin! Matapos ko sana 'to before magtapos ang Dec. Kaya ko 'to! Ajah! Hehe!
 Dear Pusong Bato Series
presents


- Chloe -
“Bubbly Heart”

Prologue


Love.


One word pero ang laki ng impact sa mga tao.


Maraming pusong nababaliw dahil dyan.


Maraming pusong nagiging tanga dahil dyan.


Maraming pusong naloloko dahil dyan.


Maraming pusong nasasaktan dahil dyan.


Pero syempre, mero’n din namang sumasayang puso dahil dyan.


At isa na ko do’n.


Oh! Don’t get me wrong, guys. Hihihi!


Hindi ako inlove.


Never pa nga kong kong nainlove, eh.


Siguro meant to be na talaga na hindi ako mainlove.


Pero kung ang tanong, nagmahal na ba ko?


Oo.


Nagmahal na ko.


Nagmamahal ako.


At magmamahal pa ako.


Pero hindi katulad ng iniisip ninyong pagmamahal.


Marami kasing klase ng pagmamahal.


Pagmamahal sa pamilya mo. Sa kaibigan mo. Sa mga taong mahahalaga sa’yo. At pagmamahal sa isang taong magpapatibok ng puso mo, sa taong makakasama mo sa habang buhay na darating sa’yo.



The first three ones. Oo.


Masaya na ang puso ko kapag napapangiti ko sila at napapatawa. Nakakataba kasi ng puso kapag may napapasaya kang tao lalo na yung mga taong mahahalaga sa’yo.



Pero yung huli. Hindi.


Wala pang nagpapatibok ng puso ko.


Hindi naman ako pihikan.


Hindi din ako naghahanap.


Kasi alam ninyo ba, may nakalaan na talaga sakin bago pa ako isilang sa earth?


Yap. Tama ang nabasa ninyo. Hindi ako nangti-trip lang. May tao na talagang nakalaan sakin.


Kaya nga hindi ko pino-problema kung sino ang makakasama ko habang buhay. Samantalang ang mga tao sa paligid ko, nawiwindang na sa lovelife nila.


Kung namo-mroblema sila kung sino sa dalawang taong mahal nila ang pipillin nila, pino-problema ko kung ano ang mas pipiliin ko sa dalawa: pagkain o damit.


Kung namo-mroblema sila kung iiwan na ba nila ang boyfriend nilang taksil na mahal pa rin nila, pino-problema ko kung paano ko iiwan si Snow na mahal na mahal ko.


Kung namo-mroblema sila dahil walang nanliligaw sa kanila, pino-problema ko kapag naubusan ng anda (pera) ang wallet ko.


Kung namo-mroblema sila dahil matatanggal na sila sa kalendaryo at walang pa silang boyfriend, pino-problema ko kung paano ko titikman ang masasarap na pagkain na nakakalat sa buong Pilipinas.


Yeah. Windang na windang na sila sa love life nila.


Samantalang ako, naghihintay na lang na dumating ang araw na ‘yon na makikita ko SIYA.



Anong status ng puso ko?


Hmm… Masaya. Hyper. Full of love.


Pero mas sasaya kaya ang puso kapag dumating ang ARAW na ‘yon?


Mas magiging hyper kaya ang puso ko pag NAKITA ko na siya?


Mas mapupuno kaya ng love ang puso ko pag NAKASAMA ko na siya?



Teka, bakit ko nga ba pino-problema ‘yon kung handa na ko sa mangyayari?


Pero ang tanong, handa na kaya SIYA sa mangyayari saming dalawa kapag dumating ang araw na ‘yon?


= = =



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^