Saturday, December 14, 2013

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 1



CHAPTER 1
( CHLOE’s POV )


“Magtatapos na naman ang taon pero wala pa rin akong lovelife.”


“Kailan ka ba nagka-love life, hah?”


“Mali ka, Sic. Ang tanong dito, may suitor ba siya para magkaro’n siya ng lovelife?”



Iyon ang naabutan kong eksena sa may verandah ng bahay ng bestfriend kong si Ren pagkabukas ko ng gate nila. Hindi naman ‘yon naka-lock kaya pumasok na ko.


“Tigilan ninyo nga kong dalawa! Mas pipiliin ko pa ang walang love life ‘no! Kesa naman mero’n nga, pasulpot-sulpot naman. Depende pa sa mood ng playboy na ‘yon! At kung magka-kalove life man ako, ayoko naman ng lalaking masyadong seryoso sa buhay na parang walang pakialam sa paligid niya. Yung tipong sasabog na ang Bulkang Pinatubo, saka lang siya kikilos.”


“Anong pasulpot-sulpot ang lovelife ko? Single kaya ako!”


“Pinaparinggan mo ba ko? Hindi ako gano’n, okay.”


“Defensive ninyo namang dalawa. Wala naman akong sinabing names, ah.”


“Love not war, guys!” singit ko sa kanila sa malakas na boses.


Napalingon silang tatlo sakin.


“Hi, Ate Chloe!” bati nila.


I smiled at them. “Hello! Wala kayong pasok? Or nag-cutting kayo?”


Sabay-sabay pa silang sumagot.


“Walang pasok, ate.”


“May gagawin kaming project, ate.”


“Nag-cutting kami, ate.”


“Sic!!!”


Sabay pang binatukan nina Diwata at Raven si Sic.


“Aray, ah!” Nilingon ako ni Sic. “Totoo naman, ah! Tumakas tayo sa klase kasi may demo ngayon. Ano bang problema ninyong dalawa?”


“Sic!!!”


Nakatikim na naman ng batok si Sic mula sa dalawang babae.


“Aray, ah!” Gumanti siya sa dalawa.


“Ang sarap ninyo talagang magmahalan ‘no?” natatawang sabi ko.


Tiningnan ko si Diwata. Yes. Diwata ang pangalan niya. Ang ganda ‘no? Kung siya Diwata, Prinsesa naman ang Ate Ren niya na bestfriend ko. Sana ako din, pinangalanan nila mama ng Diosa. O diba? Bet na bet ko ‘yon pag nagkataon.


Pero hindi, eh. Chloe ang pinangalan ng parents ko sakin. As in Chloe lang. Nagtitipid siguro ang parents ko nung panahong ipinanganak ako. Pero pag ako nagka-baby, Diosa ang ipapangalan ko. Mag-iisip pa ko ng second name. Diosa Queen. Queen Diosa. Eek! Binaligtad ko lang, eh.


Ah! Basta. Pag-iisipan ko talaga ‘yon ng mabuti. Para hindi ako masisi ng future anakis ko pag nagkataon. Teka. Future anakis agad? Sabagay, malapit na ‘yon.


“Ate Ren mo, Diwata?” tanong ko na lang sa kaniya bago pa mapunta kung saan-saan ang utak ko.


“Nasa room niya, ate...” natatawang sagot niya nang hindi lumilingon sakin. Busy siya sa pakikipagharutan sa dalawa.


“Children, quiet. Masermunan na naman kayo ni Lola Ising. Ipapaalala ko lang sa inyo, ayaw no’n nang maingay. Gusto niya kasing quiet ng sementeryo.”


“Wala si lola ate. Nasa kabitbahay.”


Ah. Kaya naman pala. Hinayaan ko na lang silang mag-ingay.


Pumasok na ko ng bahay at pinuntahan si Ren sa kwarto niya na nasa second floor ng bahay nila. Nakita ko siyang nakadapa ng higa sa kama habang nakaharap sa laptop niya. Sa kulay pa lang ng website na tinitingnan niya, alam ko ng wattpad ‘yon.


Dumapa ako sa tabi niya. “Anong binabasa mo?” malakas kong tanong.


“Ay puwet ng kawali!” gulat niyang sabi. Nilingon niya ko. “Best naman! Ginulat mo ko!”


Tinawanan ko siya. Tiningnan ko ang binabasa niya. “SPG ‘yan, ah. Ikaw, ah.” Dinutdot ko ang noo niya.


“Inggit ka lang. Gusto mo lang makibasa, eh.” Dinutdot niya rin ang noo ko. “Ba’t ngayon ka lang? Kanina pa ko tumatawag sa’yo. Nakabihis na ko’t lahat-lahat, wala ka pa rin. Namuti na ang mga mata ko sa kakahintay sa’yo, wala ka pa rin. Dapat hindi mo pinaghihintay ang magandang katulad ko. Bawal ‘yon.”


“Weh?”


“Oo nga. Nasa batas kaya ‘yon. Pinadagdag ko kahapon.”


“Pina-revised ko na kaninang umaga yang batas na sinasabi mo. Walang kaso kung maghintay ka kung maganda rin yung hinihintay mo.” Tumihaya ako ng higa at itinaas ang mga paa ko para abutin yung nakasabit na burloloy sa ceiling ng kwarto. Pero hindi ko naman maabot ‘yon dahil mataas ‘yon. ”Saka tinanghali na ko ng gising, eh. Naka-silent din yung phone ko. Dapat pinuntahan mo na lang ako sa bahay.”


Day off kasi naming dalawa ngayon. May usapan kaming dalawa na pupunta kami ng mall ngayong araw. Alas dose ang usapan namin. Alas tres na ngayon.


“Parang ang lapit ng bahay mo, ah.” Ibinaba ng kamay niya ang mga paa kong nakataas.


“Sa kabilang baranggay lang naman, ah.” Tumayo na lang ako at lumapit sa bintana. Kinalikot ko naman yung nakasabit na wind chimes do’n. “Dapat nagpahatid ka na lang kay Tom.”


“Work.”


Nilingon ko siya. Nakatutok na ang atensyon niya sa laptop. “Ano?”


“Nasa work siya.”


“Aah... Alam mo ikaw babae ka. Pag si Tom ang topic, ang tipid mong sumagot. Bakit nga ba?”


“Nagtanong ka pa.”


“Bakit nga? Hindi ko nga alam kaya nagtatanong ako, eh. Bakit, best?” Pero ang totoo, alam ko kung bakit. Bestfriend nga kami diba? Gusto ko lang siyang kulitin. Wahehe!


Sa halip na sumagot, binato niya ko ng unan. Umiwas ako kaya hindi niya ko natamaan. Yun lang, lumabas naman sa bintana yung unang hinagis niya. Tiningnan ko ‘yon na nahulog sa maliit nilang garden. Umulan pa naman kaninang umaga. At ang malas pa dahil sa maputik na parte ng garden bumagsak ang unang hinagis ni Ren.


Napailing ako. “Kawawang pillow. Hindi na siya white. Brown na siya. Diba gift ‘yon sa’yo ni Tom? Lagot ka, best. Lagot ka talaga. Lagot na lagot na lagot.”


Wala kong narinig na sagot mula kay Ren kaya nilingon ko siya. Wala na pala siya sa kwarto. Mukhang lumabas siya at kinuha yung unang hinagis niya.


“Wala na pala kong kausap.” Lumapit na lang ako sa kama at kinalikot ang laptop ni Ren.


Bestfriend ko na si Ren since elementary. Kahit magkaiba ang baranggay na tinitirhan naming dalawa, same school naman kami nung elementary kung sa’n kami naging close. Star section kasi kaming dalawa. Pati highschool hanggang nung nag-college kami, same school pa rin kami.


Unang half year after naming grumaduate, parehas kami ng company na pinasukan. Pero nung mag-resign kaming dalawa, magkaibang company na ang pinasukan namin.


Biruan nga namin no’n, nagsawa na kami sa sa pagmumukha ng isa’t isa. Pero syempre, alam namin sa sarili namin na hindi kami magsasawa sa isa’t isa. We’re bestfriends forever. Kahit uugud-ugod na kaming dalawa.


We’re partner in crime. Palibhasa, magkasundo kaming dalawa. Parehas kaming makulit, masayahin at malakas ang trip. In short, maganda kami. Wahaha!


Nagpatugtog na lang ako ng kantang nasa laptop ni Ren. Baka kasi tangayin na ko ng malakas na hangin sa mga iniisip ko. Wahehe.


*Now playing: Bubbly by Colbie Cailat*


Matagal na ‘tong song na ‘to. Favorite ko lang talaga siya kaya hindi ako nagsasawang patugtugin ng paulit-ulit. Parehas kami ni Ren. Pero hindi ‘Bubbly’ ang favorite niya. Yung ‘Realize’. Si Colbie Cailat din ang kumanta.


“It starts in my toes… and I crinkle my nose… wherever it goes… I always know… that you make me smile… please stay…” Sinabayan ko ang kanta habang tinitingnan ang binabasa ni Ren sa wattpad kanina. My voice trailed off nang mabasa  ko yung title ng story.


“Uy, eto din yung binabasa ko, ah.” Napangiti ako. “May update na pala.” Binasa ko yung bagong update.


Yung concept nung story is about arranged marriage. Kaya lang hindi pa tapos yung story. Mabagal kasi mag-update yung author. Sobrang excited na ko sa mangyayari sa dalawang bida. Kung pipiliin ba ng lalaki yung kayamanan niya over the woman he was married to at kung ipaglalaban ba ng babae ang marriage nilang nabuo dahil sa mga magulang nila. Nagkainlove-an na kasi sila. Pero hindi pa alam ng isa’t isa.


Nagpangalumbaba ako nang matapos kong basahin yung new update.


“Ako kaya?” Out of the blue kong tanong.


“Kung ikaw naman kaya ang ihagis ko sa bintana, best?”


Napalingon ako sa pintuan ng kwarto. Si Ren.


“Hindi mo naman ako magagawang ihagis, eh. Nasa’n na yung pillow mo?” tanong ko.


She pouted. “Nilabhan ko na. Kainis ka, best. Ba’t hindi mo sinalo?” Tumabi siya sakin sa kama.


“Sasaluhin ba? Dapat sinabi mo. Pwede naman nating ulitin, eh. Tapos sasaluhin ko na.” Inabot ko sa kaniya ang isang unan. “Ulitin natin. Bilis.” Tumayo ako at lumapit sa bintana. Pero hindi pa ko nakakaharap sa kaniya nang may tumama sa ulo ko. Pinulot ko ang unang binato ni Ren. I heard her laughing.


Binato ko sa kaniya ang unang hawak ko. Nabitin ang tawa niya dahil tumama ‘yon sa mukha niya. And it’s my turn to laugh. Ibinato niya uli sakin ang unan. Gano’n din ang ginawa ko. Hanggang sa ang nangyari, naghampasan na lang kami ng unan habang naghahabulan na parang bata sa loob ng kwarto.


Huminto lang kaming dalawa nang may tumawag kay Ren. Napalingon kami sa pintuan. Nakita ko si Diwata.


“Bakit, diwatang walang pakpak?” tanong ni Ren sa kaniya.


“Nandyan na po si lola, prinsesang walang prinsipe. Wag kayong maingay. Saka aalis pala kami nila Raven at Sic. Mag-e-evacuate kami. Do’n sa pwede kaming mag-ingay. Ciao!” Umalis na siya.


“Lahat ba ng diwata may pakpak?” tanong ko kay Ren. Itinigil na namin ang pillow fight at humiga na lang sa kama.


“Bakit? Lahat din ba ng prinsesa may prinsipe?”                       


“Oo naman. Bakit ako? Hindi ako prinsesa pero may prinsipe ako?”


“Nasa’n?”


“Malapit na siyang dumating.” Tinitigan ko ang kisame.


“Talagang bang pakakasal ka sa lalaking hindi mo pa ko kilala at hindi mo pa nakikita?”


“Matagal ko nang nasagot ‘yan.”


“At oo ang sagot mo. Paano kung pangit pala siya?”


“Matagal ko na ding nasagot ‘yan.”         


“Na hindi ka ipapakasal ng lolo mo sa lalaking pangit dahil gusto niya maganda at gwapo ang magiging apo niya. Eh, paano kung masama pala ang ugali niya? Ay, oo nga pala. Nasagot mo na din ‘yan. Hindi ka ipapakasal ng lolo mo sa taong sira ulo kasi ayaw ka niyang masaktan. Eh, hindi ninyo naman mahal ang isa’t isa diba? Ni hindi pa nga kayo nagkikita ng lalaking ‘yon. Paano kung hindi ninyo naman magustuhan ang isa’t isa? Yeah, right. Alam ko na pala ang sagot mo, natututunan ang love. Bla, bla, bla. Hayyy… Bakit ba ako nagtatanong kung alam ko rin naman ang sagot?”


Natawa na lang ako sa kaniya. Ang kulit niya kasing magsalita kapag ganyang ang haba ng sinasabi niya. Yung mga facial expression niya, ang kulit tingnan. Nakakatuwa. Parang nagpa-pacute na hindi naman. “Ang kulit mo din kasi, eh. Simula nang malaman mo ang fixed marriage ko, paulit-ulit na lang ‘yang tanong mo tuwing malapit na ang birthday ko.”


She pouted. “Eh, kasi naman. Concern lang ako sa’yo, best. Ikakasal ka sa lalaking hindi mo naman kilala.”


Tinapik ko ang balikat niya. “Don’t worry, best. Matagal na kong ready.”


“Sana lang gwapo siya at mabait.”


“May tiwala ko kay lolo.”


“Eh, sa sarili mo may tiwala ka?”


“Hah?”


“Never ka pang nagka-boyfriend, best. Anong alam mo sa isang relasyon? Tapos, ikaw? Kasal agad ang papasukin mo? Agad-agad? Goodluck talaga! Goodluck sa puso mo!”


Napahawak ako sa tapat ng puso ko. “Ni-ready ko na din ang puso ko sa mangyayari, best. Basta nandyan kayong mga mahal ko, okay na okay ang puso ko.”


“Basta oras na saktan niya ang puso mo, humanda siya sakin!” Tumayo pa si Ren sa ibabaw ng kama niya with matching taas kamay pa.


Bumangon ako at umupo. Tiningala ko siya. “Anong gagawin mo?”


Tiningnan niya ko. “Ano… Hmm… Ano nga bang pwede kong gawin best?” Napakamot siya ng ulo.


Tumayo ako. Itinaas ko ang kanang kamay ko. “Ipapakain natin siya kay Snow!” malakas kong sabi.


“Oo! Tama! Ipapakain natin siya kay Snow!” sigaw niya.


“Ipakain!” sigaw naming dalawa. “Ipakain!”


“Hoy! Ang ingay-ingay ninyo! Dalaga na kayo pero para pa rin kayong bata!”


Sabay pa naming tinakpan ni Ren ang mga bibig namin. Si Lola Ising ‘yon. Sanay na ko sa kaniya. Sobrang sanay na. Pero buti na lang at ni-lock na ni Ren ang pintuan kanina nung basta na lang pumasok si Diwata. Kasi kung nakapasok pa si Lola Ising, siguradong sermon ang kakainin naming merienda ni Ren ngayon.


“Yan talagang lola mo, hanggang ngayon, parang nasa menopausal stage pa.” mahinang sabi ko sa kaniya.


“Ang sabihin mo, hindi pa rin siya maka-move on sa panloloko ni lolo sa kaniya. Sumalangit nawa ang kaluluwa ni lolo.”


“Kung i-reto ko kaya siya kay Lolo Jose ko?”


“Ano ka ba? Baka biglang bumangon sa hukay ang lola mo pag ginawa mo ‘yon.”


“Ay oo nga. Wag na lang. Hindi ko keri ang kasungitan ni lola. Mas masungit pa siya kay Lola Ising, eh. Buti na lang, hindi tayo nagmana sa kanila ‘no?”


“Sinabi mo pa. Yung ganda lang naman ang namana natin, eh.”


Napahagikhik na lang kaming dalawa.



= = = = = = = =



“Ate Chloe!”


Ang matining na boses ‘yon ang sumalubong sakin pagkapasok ko ng bahay namin.


Nanlaki ang mga mata ko. “Kendra!” Lumuhod ako at sinalubong ang yakap niya. “I miss you baby!” Pinanggigilan ko siyang yakapin. She’s my five years old step sister. Anak ni mama sa second husband niya.


“I miss you, too, ate! Pero nasasakal po ko, eh.”


Natatawang binitawan ko siya. “Nasa’n sina mama?” tanong ko sa kaniya.


As if on cue, sumulpot si mama.


“Chloe.”


“Ma!” Mabilis akong lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya. “Pasalubong ko? Nasa’n?”


Natatawang humiwalay siya sakin. “So pasalubong talaga ang inuna mong sabihin?”


“Syempre, Ma, joke lang ‘yon ‘no.” I hugged her again. This time, mas mahigpit na. “Namiss ko po kayo.” Humiwalay ako sa kaniya. “Kailan kayo dumating?”


Halos one month kasi silang nasa States ni Kendra. May long business trip kasi si Tito Henry. Si Tito Henry ang pangalawang asawa ni mama. Five years after pumanaw ni papa, nag-asawa uli si mama. At ‘yon ang first love niyang si Tito Henry. Totoo pala ang first love never dies.


“Kanina lang.”


“Ba’t hindi ninyo sinabi sakin para nasundo ko kayo? Akala ko ba hindi kayo makakauwi para sa birthday ko?”


“We wanted to surprise you, Chloe. Pwede bang wala kami sa birthday ng maganda kong anak?”


Ang lapad ng ngiti ko. “Namiss ko ‘yang pambobola ninyo, Ma. Bilis po. Bolahin ninyo pa ko.”


Natawa na lang si mama. “Bakit ginabi ka ata, mala-dyosa kong anak?”


Ang lakas ng tawa ko. Ito ang namiss ko kapag kasama ko si mama. Ang biruan naming dalawa na para kaming mag-barkada. “Kaya ako sa’yo, Ma, eh. Alam ninyo ang kiliti ko.” natatawang sabi ko. “Galing po ko kina Ren. Off naming dalawa kaya bonding-bonding din po pag may time.”


“Hindi talaga kayo mapaghihiwalay ng kaibigan mo ‘no?”


“Aasawahin ko na nga ‘yon, Ma, eh.” natatawang sabi ko.


Unti-unting nawala ang ngiti ni mama. Hinaplos niya ang buhok ko.


“Ma, kararating ninyo lang, ah. Bawal ang drama. Hindi bagay.”


“One week na lang, Chloe, twenty three ka na.”


“I know, Ma.”


“Ikakasal ka na.”


“I know, Ma.”


“Pwede ka pang mag-back-out, anak.”


Nakangiting umiling ako. “I’ll do everything for my loved one’s happiness. Kaya nga pumayag akong magpakasal ka uli kahit ayaw pa ni lolo kasi gusto kong sumaya ka.”


“Paano ka naman, anak?”


“Okay lang po ako.” Tinapat ko ang kamay ko sa tapat ng puso ko. “Pag masaya po kayong mga mahal ko, sumasaya na rin ako.”


Hinaplos niya ang pisngi ko. “Ayoko lang na pagsisihan mo ang desisyon mo, anak.”


“Pinagsisihan ninyo po ba ang pagpapakasal kay papa? Pinagsisihan ninyo bang pumayag kayo sa gusto ni lolo na si papa ang mapangasawa ninyo?”


Ewan ko ba pero uso ang fixed marriage sa pamilya namin. Hindi naman kami Chinese. Nagsimula ‘yon kay lolo at lola, fixed marriage din sila. Pati sina mama at papa, gano’n din. Ako naman ang susunod sa yapak nila ngayon.


Umiling siya. “Minahal niya ko.”


“Minahal ninyo rin naman siya diba?”


“Yes.”


Sinong nagsabing hindi nagtatagumpay ang mga arrange marriage? “Malay natin, Ma, mangyari samin ng future husband ko ang nangyari sa inyo ni papa o kina lolo at lola. Malay ninyo magka-inlove-an din kaming dalawa. Edi happy-happy pa rin tayo sa huli.”


“Sana nga.” Hinaplos niya ang pisngi ko. “Maswerte sa’yo ang mapapangasawa mo, anak.”


“I know, Ma. Wala kaya akong balat sa wetpu. Malas ko lang kung mero’n siya.” natatawang sabi ko.


“Asawa?”


Sabay pa kaming napalingon ni mama sa gilid namin nang may magsalita. Si Kendra na nakatingala samin. Niyuko ko siya. “Yes, baby. Mag-aasawa na si ate. Kaw ang flower girl, ah.”


“Wow! Flower girl! Gusto ko po ‘yon!” excited niyang sabi.


“Ma, ready na po yung food. Nando’n na po sina lolo at tito. O, ate, nandyan ka na pala.”


Si Nicky ‘yon. Sister ko. She’s eighteen years old.


“Kararating ko lang.”


“Ah, okay. Sunod na kayo sa dining room.” Umalis na siya.


And yes. We’re not that too close. Yes we talk and talk and talk. That’s all. But we’re not like the other sisters na nag-uusap about girly stuffs and everything. Nah! I’m just kidding. Wahehe! Close kaming dalawa ni Nicky. Baliw-baliw din kasi yung kapatid ko na ‘yon. Mas madaming ka-weirduhan sakin.


Yun nga lang. We never talk about personal matters like crushes and stuff like that. Wala naman kasi akong iku-kwento about sa love life ko. Mukhang wala rin naman siya. Pero hindi ko rin alam, masyadong masikreto ang kapatid ko, eh. Kung hindi ka pa mahuhuli, hindi pa ‘yan magku-kwento.


“Ate Chloe, buhat mo ko.”


Napalingon ako kay Kendra. Tumabingi ang ngiti ko. Masyado kasing malaki si Kendra sa edad niya. Chubby kasi.


“Baby, wag ka nang magpabuhat. Pagod si ate mo. You’re a big girl na diba?”


Kenda pouted.


“Okay lang, Ma. Keri ko ‘to.”


And when I saw Kendra’s smile, napangiti na rin ako. Yumuko ako at binuhat siya.


“Ang bigat mo, baby. Mag-diet ka nga.” reklamo ko.


“Diet?”


“Wala. Ang sabi ko, magpataba ka pa para mabuhat pa rin kita. Cute mo talaga! Mana ka kay ate.”



= = = = = = = =



“Chloe, nabigay mo na ba yung resignation letter mo?”


Umangat ang tingin ko kay lolo. Nasa harap na kami ng hapag-kainan.


“Tomorrow, lolo.”


“Pa, hindi naman siguro kailangang mag-resign ni Chloe sa trabaho niya.”


“Hindi ako ang may gusto no’n, Letty.” sagot ni lolo kay mama.


“Lolo, gusto ko po ng shrimp. Pabalat po.” biglang singit ni Kendra.


“Ako na lang, baby. Kumakain si papa.” sabi ni Tito Henry.


“Ako na Henry. Namiss ko ‘tong apo ko, eh.”


Napangiti na lang ako habang naghihimay ng hipon si lolo. Tiningnan ko si mama nang maalala ko yung tungkol sa resignation ko.


“Ako ang may gusto no’n, Ma. Nabobored na kasi ako sa trabaho ko. Gusto ko naman ng ibang atmosphere. Puro mga alien ang nakikita ko sa office, eh.”


“Kung bakit kasi hindi mo ko tulungan sa pamamahala sa business natin.” May mga chain of restaurants kami na nakakalat sa buong Luzon at Visayas. Nagsimula ‘yon sa maliit hanggang sa mapalago ni lolo.


Si lolo pa rin ang nagsusupervise no’n until now simula nang mawala si papa. May mga kanang kamay naman siya na mapagkakatiwalaan. And besides, kahit nag-aaral pa lang si Nicky, tumutulong na siya. HRM kasi ang course niya. Second year na siya.


Si Tito Henry naman, may sarili na siyang business bago pa sila magpakasal ni mama na may kinalaman sa mga motorcycle and car parts.


Kahit pa sabihing may sinasabi kami sa buhay, simula nang magtrabaho ako, hindi ko inaasa sa lolo ko o sa mama ko ang mga pangangailangan ko. Kapag gusto ko ng isang bagay, mula sa bulsa ko mismo kukunin ‘yon.


“Yun nga po ang gagawin ko. Tutulungan ko po kayo sa business natin. It’s about time, lolo.” Pinagbigyan niya ko sa hiling ko na mag-apply sa ibang company pagka-graduate ko. Ilang taon na din simula no’n kaya ngayon, tutulong na ko. Matanda na rin si lolo. Ang dapat sa kaniya, pa-easy-easy na lang sa buhay.


“Talaga, apo?”


“Yes, lolo.”


Napangiti si lolo. Napangiti na rin ako, lalo na ang puso ko, dahil sa nakikita kong tuwa sa mukha niya. Pero alam kong pansamantala lang ‘yan. Malungkot pa rin si lolo. Malungkot pa rin ang puso niya. Kung pwede ko lang ibigay ‘tong puso kong nag-uumapaw sa saya, binigay ko na. Pero hindi. Hindi pwede.


Masayahin si lolo. Sa kaniya nga ako nagmana, eh. Kalog din siya. Pero nagbago ‘yon eleven years ago.


Namatay sa isang car accident si lola, kasama niya si papa no’n. Dead on the spot sila. Simula no’n, nawala na ang kasiglahan ni lolo. Mahal na mahal niya kasi si lola.


And I will do everything, para mapasaya lang siya.


At ‘yon ang hiling niya na pakasalan ko ang apo ng kaibigan nila ni lola. Yun daw kasi ang pangarap ni lola kaya gusto niyang matupad ‘yon. At tutuparin ko ‘yon para sa namayapa kong lola. At para mapasaya ko si lolo.


Ganyan ko sila kamahal. Makulit man ako at puro kalokohan minsan, pagdating sa pagpapasaya ng mga taong mahahalaga sakin, seryoso ako.


Pero ngayong malapit na ang araw na ‘yon, na-curious tuloy ako.


Highschool ako ng sabihin ni lolo, na may kasunduan sila ng kaibigan niya na ikakasal kaming mga apo nila.


Nakita ko na sa personal ang kaibigan ni lolo. Nang mawala sina papa at lola. Once lang ‘yon at hindi na nasundan. Pero ang lalaking pakakasalan ko? Hindi ko pa talaga nakikita. Ni pangalan niya, hindi ko alam.


“Lolo.”


“Ano ‘yon, apo?”


“Ang sabi ninyo kusang darating na lang dito ang mapapangasawa ko?”


“Oo.”


“Eh diba three years ago ng mamatay yung kaibigan ninyo?”


“Oo.”


“Sure po kayong darating siya? Hindi kaya nag-asawa na ‘yon?”


“I’m very sure, apo. Kilala ko si Gener.” Ang kaibigan niya ang tinutukoy niya. “Matagal man kaming walang communication. May isang salita kaming dalawa. Pangarap na namin ‘yon noon pang mga kabataan namin. Ang magkatululuyan ang mga apo namin.”


= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^