CHAPTER
2
( LEI’s POV )
Nasa harap ako ng isang
bahay. Mukhang may kasiyahang nagaganap sa loob. Pero hindi ‘yon ang ipinunta
ko dito.
Bumalik sa alaala ko ang
pag-uusap namin ng attorney ni lolo kagabi.
-
F L A S H B A C K -
“What?!”
Halos magpantay ang kilay ko nang basahin sakin ni Attorney Crus, ang attorney
ni lolo, ang clause sa last will and testament ni lolo.
“You
heard it, right, Lei. Mapapasaiyo ang buong shares ng lolo mo sa kumpanya kapag
pinakasalan mo ang babaeng sinasabi niya. And that is the day when you reached
your twenty five.”
“And
that is tomorrow, attorney.” I gritted my teeth.
Three years ago nang
mawala si lolo, sinabi sakin ng attorney niya na makukuha ang mana ko at ang
buong shares niya para mapasaakin ng tuluyan ang kumpanya when I reached my
twenty five. Yun eh, kung hindi ako mag-aasawa. Dahil kung magpapakasal ako
before I reached my twenty five years, mapupunta ang kumpanya kay Flynn.
Wala naman sa bokabularyo
ko ang salitang kasal kaya hindi ako nahirapang sundin ang nakasaad sa clause
na ‘yon. Pero ngayon mero’n na namang panibago?! Tang— Ang sarap magmura! Bakit
sa lalaking ‘yon pa ibibigay ni lolo ang lahat ng shares niya?! Ni hindi siya
isang Constantine!
Sigurado ng makukuha ko
ang mana ko once na mag-twenty five ako tomorrow. Pero hindi ko magagamit ‘yon para
bilhin ang mga shares ng iba pang stockholders. A malabong ipagbili nila sakin
‘yon. Mas gusto pa nila ang Flynn ‘yon na pumalit sa pwestong naiwan ni lolo!
Hindi ko alam kung anong
nangyari sa kanila. Pero nang mamatay si lolo, they’ve changed. Tumutol pa nga
sila nang ako ang maging acting President nang mawala si lolo. And valid lang
‘yon ayon kay lolo for three years dahil sa susunod na stock holders meeting,
malalaman na kung sino ang permanenteng mamamahala ng kumpanya.
I didn’t even had a doubt na
hindi mapapasaakin ang kumpanya dahil sa iniwan na last will ni lolo. Pero may
ang clause na hinihingi niya! Ako? Magpapakasal? Damn!
I gritted my teeth.
I only have five percent
of shares in the company. Fifteen percent kay Attorney Cruz na isa rin sa mga
stock holders. Forty percent ang kay lolo. And the remaining forty percent ay
do’n sa tatlo pang stock holders.
I know I can count on
Attorney Cruz. I would get his vote. But that would make our shares in total of
twenty percent. Talo pa rin ako sa forty percent ng ibang stock holders. And I
knew na ang iboboto nila ay ang lalaking ‘yon. Bwisit!
Sa totoo lang, it should
depends on the count of vote, not on the percentage of shares ng mga bumoto.
Pero ewan ko kay lolo kung anong gusto niyang mangyari at dinepende niya sa
percentage ng shares ang botohan sa kung sino ang magiging presidente ng
kumpanya.
That’s why I need my
grandfather’s forty percent of shares.
Yun ang kailangan ko para
manalo ako sa next stock holder’s meeting na gaganapin next month.
“Alam
ba ng babaeng ‘yon ang kasunduan sa pagitan ni lolo at ng kaibigan niya?”
“Yes,
Lei. Bago pa mawala ang lolo mo, nasabi na niya saking pumayag na ang apo ng
kaibigan niyang nagngangalang Jose Sanchez.”
Ano naman kayang makukuha
ng babaeng ‘yon? Siguradong binayaran siya ni lolo para pumayag agad sa
kasunduang ‘yon. Sino bang matinong babaeng papayag na magpakasal sa taong
hindi naman niya kilala? It’s twentienth century for God’s sake! Hindi na uso
ang arrange marriage na ‘yan!
“It
now depends on you, Lei. Kung gusto mong mapunta ang kumpanya ng lolo mo kay
Flynn, don’t marry the woman.”
“No.”
madiing sabi ko. “I worked for this
position. Hindi ako papayag na mawala na lang ‘to na parang bula at mapunta sa
lalaking ‘yon. Kung kailangan kong pakasalan ang babaeng ‘yan, so be it.”
I gritted my teeth. How
clever you are, lolo. Napaka-manipulator mo talaga. Talagang gusto mo akong
pahirapan kahit wala ka na. Pwes. Pahihirapan ko ang babaeng nauto mo para
pakasalan ako.
-
E N D O F F L A S H B A C K -
That was the reason why
I’m here.
Para pakasalan ang babaeng
ipinagkasundo sakin ni lolo.
Today is my twenty fifth
birthday. Kung hindi ko pakakasalan ang babaeng ‘yon, sa pansitan na ko
pupulitin kinabukasan.
Kinuyom ko ang kamao ko.
Nilingon ko ang judge na kasama ko. “Let’s
go.” Humakbang na ko papasok ng nakabukas na gate.
May humarang sakin ni
guard. “Sir, invited po ba kayo?”
“No.”
“Eh,
sir—”
“Ako
ang pakakasalan ng apo ni Mr. Jose Sanchez. May reklamo ka pa?”
“Po?”
Hindi ko na hinintay ang
iba pang sasabihin niya. Every minute counts. Ilang oras na lang ang natitira.
Nakarating ako sa malawak
na hardin ng bahay kung sa’n nagaganap ang kasiyahan. May swimming pool sa
gilid. Hindi gano’n karami ang mga taong nakikita ko. Halos mga nakatayo sila.
May nakita akong babaeng nasa gitna. Nakapiring ang mga mata niya at parang
lasing na pagewang-gewang na parang may hinahanap.
“Nasa’n
na ba yung gift ko?!” malakas niyang tanong.
“Nasa
likuran mo.”
“Saan?!”
Napailing ako nang madapa
ang babae. Tumawa lang siya at bale-walang tumayo.
Hindi ito ang oras para tumunganga
ako. Gumilid ako sa may pool habang nagpapalinga-linga. Bwisit! Bakit ba kasi
hindi ko inalam ang mukha ng kaibigan ni lolo? Pangalan lang ang alam ko.
“Miss,
where is Mr. Jose Sanchez?” tanong ko sa babaeng katabi ko.
Kumunot ang noo ng babae. “Si lolo?”
“He’s
your grandfather?”
Tiningnan niya ko mula ulo
hanggang paa. “Yes. Who are you?”
Kumunot ang noo ko. Ito
ang babaeng ipapakasal sakin ni lolo? The hell! Mukha lang ‘tong college
student, ah. Ano bang tumatakbo sa isip ni lolo?
“Hey,
sino ka ba? Bakit mo hinahanap si lolo?”
“Ikaw
ang—” Naputol ang sasabihin ko nang may humawak sa braso ko.
Napalingon ako sa gilid ko. Nakahawak sakin ang babaeng nakapiring.
“Are
you my gift?” tanong niya.
Kumunot ang noo ko. “What?!”
“Siya
na ba ang gift ko?!” sigaw niya.
She’s drunk. Amoy alak
siya.
“I’m
not your gift, okay!” Tinanggal ko ang kamay niyang nakakapit sa
braso ko. Pero humawak lang uli siya sa polo shirt ko. “Hey ano ba?!”
“Nahihilo
na ko..” reklamo niya. Kumapit na siya sa polo shirt ko.
“Ate,
hindi siya yung gift mo. Nakakahiya ka.” Lumapit yung
babaeng kausap ko kanina sa babaeng nakakapit sakin. Tinanggal niya ang piring
ng babaeng tinawag niyang ate. “See?
Mukha ba siyang teddy bear na malaki?”
Magkapatid sila? Hindi
kaya...
Kumurap-kurap ang mga mata
ng babaeng tinanggalan ng piring habang nakatingin sa bandang dibdib ko. “Hindi nga. Pero mukha siyang teddy bear na
macho.” Inangat niya ang mukha niya at tiningnan ako. Dahan-dahan siyang
ngumiti. “Hindi lang pala macho, gwapong
teddy bear pa.” Namilog ang mga mata niya. “Wow! Sinong nag-gift sakin nitong papalicious na ‘to?!” sigaw
niya sa mga bisita na halos ka-edad lang niya.
“Wala!!!”
“Hah?
Wala?” Nilingon uli ako ng babae. Inilapit pa niya ang mukha
niya sakin. “Sayang naman. Ang gwapo mo
pa naman. Kaya lang bakit parang hindi ka marunong ngumiti? Sana yung future
husband ko hindi katulad mo, ayoko ng ganyan, eh. Gusto ko makulit din katulad
ko. Gusto ko masayahin din katulad ko. Para happy-happy kami lagi. Para—”
Don’t tell me siya ang...
“Ate,
tama na ‘yan. Hindi mo naman kilala ‘yan, eh.”
Nilingon ako nung babaeng kausap ko kanina. “Sorry, kuya. Nakainom na kasi. Saka sino ka ba talaga?”
“Hindi
ako nakainom, Nicky...” Kumawala sa pagkakahawak ang babaeng
lasing. Kaya lang, hindi niya napansin na pool na ang kababagsakan niya sa bawat
paghakbang niya paatras.
“Hey!”
Hinila ko ang kamay niya. Napasubsob siya sa dibdib ko.
“Aray...”
Naiinis na binitawan ko
siya. Pero nakakapit na naman siya sakin. At ang hindi ko inaasahang mangyayari
ngayong gabi ay nangyari.
Sinukahan niya ko!
“Yak
ka naman, Ate!”
“Best,
kadiri ka!”
Kung anu-ano pa ang mga narinig
ko mula sa paligid ko. Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin dahil nakatuon ang
mga mata ko sa polo shirt ko.
“Holy
shit! What did you do?!”
Nag-peace sign lang ang
babae habang nakangiti. May gana pa siyang ngumiti pagkatapos nang ginawa niya?!
“Sorry…” Humakbang siya paatras. At
humakbang pa. At humakbang nang...
“Mahuhulog
ka na naman!” Nanggigigil na hinila ko ang kamay niya.
Pero this time, tuluyan na siyang nahulog sa pool. At kasama ako! Dahil kumapit
siya sa kamay ko.
Ang nakakainis pa do’n.
Ang babaeng hawak ko.
Ang babaeng sinukuhan ako.
Ang babaeng dinamay ako sa
pagkahulog niya sa pool.
Siya ang babaeng napili ni
lolo para pakasalan ko!
Of all the woman,
Ang babaeng lasenggera pa
na ‘to!
= = = = = = = =
“You
need to wake her up now.” impatient na sabi ko sa dalawang
babaeng kasama ko sa loob ng kwarto ng babaeng ‘to na prenteng natutulog sa
kama niya.
Gising pa siya nang iahon
siya sa pool ng mga kasama niya kanina. Pero nang bigla dumating ang guard at
tanungin ng babaeng napagtanungan ko kanina kung sino ako at isagot ng guard
ang sinabi ko sa kaniya na ako ang lalaking pakakasalan ng apo ni Mr. Jose
Sanchez, halos sabay-sabay na nagulat ang mga tao sa paligid ko.
Do’n na nawalan ng malay
ang babae. At wala man lang kumilos para buhatin siya. Lahat sila nakatingin
sakin na parang hinihintay na buhatin ko siya. Ayaw ko mang gawin, pero binuhat
ko pa rin ang pahamak na babae at dinala siya sa kwarto niya.
Ang babaeng napagtanungan
ko kanina na nagpakilalang Nicky kasama ng isa pang babae na ang tawag ay best
sa babaeng nakahiga ngayon sa kama, ang mga nagbihis sa kaniya.
At ako, natuyuan na ng
damit na may halong amoy ng suka hanggang ngayon. Pinagpapalit nila ko pero
ayoko. Ang gusto ko, magising ang babaeng ‘to bago pa mawala sakin ang
kumpanya.
Pinagbigyan ko na sila.
Isang oras. Hinayaan kong matulog ang babae. At isang oras na lang ang natitira
sakin bago maghating gabi.
“Nagpapahinga
pa si Ate, Kuya. Pwede ninyo namang ituloy ang kasal ninyo bukas, eh.”
“Tama
si Nicky, mister future husband ni bestfriend ko. Tingnan mo nga ang itsura ni
bestfriend. Tulog na tulog. Bihira lang uminom ‘yan kaya mahina ang tolerance
niyan sa alcohol.”
“No!
Hindi pwedeng bukas! O sa susunod na bukas. O kahit na ilang bukas pa ‘yan.
Ngayon ko siya pakakasalan. Kaya kung ayaw ninyong baliktarin ko ang kama niya
magising lang siya, gisingin ninyo na siya.” madiing sabi ko.
“Na-love
at first sight ka ba sa bestfriend ko kaya atat na atat kang pakasalan siya?
What’s your name again, mister future husband ng bestfriend ko?”
“Anong
again, Ate Ren? Hindi pa nga niya sinasabi ang name niya simula kanina.”
Tiningnan ako ni Nicky. “Are you sure na
ikaw ang pakakasalan ni Ate Chloe?” Kumunot ang noo niya. “Okay ka lang, Kuya? Bakit parang
namumutla ka?”
“I’m
okay. Call your grandfather to confirm it. I’m Lei Constantine, the grandson of
his late friend.” Tumayo na ko. Sumasakit ang ulo ko sa
kanilang dalawa. Hindi na din maganda ang pakiramdam ko. Literally. Masama ang
pakiramdam ko.
“Hindi
ko nga makontak si Lolo, eh. Lumuwas sila nila mama.”
“Then
wala kayong magagawa kundi ang paniwalaan ako whether you like it or not. Hindi
naman ako pumunta dito para lang magpasuka sa babaeng ‘yan, magpahulog sa pool
kasama niya at mag-hintay ng isang oras para lang sa wala. Marami pa kong
naiwang trabaho kaya kailangan ko nang pakasalan ang babaeng ‘yan.”
“She’s
Chloe, mister future husband ng bestfriend ko. Don’t just call her ‘ang babaeng
‘yan’. She’s your wife to be, okay. So you better treat her right, okay? Or
else, ipapakain ka namin kay Snow.”
“She’s
right. Matakaw pa naman si Snow. Although hindi niya trip na kainin ka. Besides,
hindi naman tatakbo si Ate sa kasal ninyo. Tanggap na niya ‘yon. Matagal na.
Kaya kung kami sa’yo, maghintay ka na lang po.”
“Yeah
right. Ayoko nang pinaghihintay ako. One hour is enough.”
Humakbang na ko palapit ng kama nang dahan-dahang bumangon ang babae. Idinilat
niya ang mga mata niya.
Nagtama ang mga mata
namin. She smiled. “Let’s get married
then my handsome macho teddy husband to be.”
“Ate!”
“Best!”
Hindi ko na pinansin ang
tinawag niya sakin. Ang mahalaga, nagising na siya. “Siya na ang nagsabi. How old are you, two?“
“Eighteen.”
“Twenty
three.”
”Good.
Kayo ang witnesses.”
“What?!”
“Kami?!”
“Pag
sinabi kong kayo, kayo. Tatawagin ko na yung judge.”
I gritted my teeth when I
glanced at her. She was still smiling.
Chloe Salazar.
Sige lang.
Ngumiti ka lang.
Tinangnan natin kung makakangiti
ka pa sa mga susunod na bukas.
Pinahirapan mo ko ngayong
gabi.
Pwes, pahihirapan kita sa
mga susunod na araw na magkasama tayo.
Tandaan mo ‘yan.
= = =
(CHLOE’s
POV)
“Hmm…”
Iminulat ko ang mga mata
ko. Napangiti ako.
Ang ganda naman ng
panaginip ko. Nagkita na daw kami ng future husband ko. At infairness, hindi
lang siya gwapo, macho pa siya panaginip ko. Wahehe!
Bumangon ako nang
maramdaman kong sumakit ang ulo ko. Tiningnan ko ang wall clock. Kaya pala.
Tanghali na ko nagising.
Pumasok ako ng comfort
room. Kumunot ang noo ko nang makita kong may bukol ang noo ko sa salamin.
“Anong
nangyari dito?”
Nagkibit-balikat na lang
ako. Naghilamos ako at lumabas ng kwarto ko. Bumaba ako sa may kusina at
nagtimpla ng kape.
“O,
Chloe, gising ka na pala.”
“Goodmorning,
Ate Kit!” Siya ang nag-iisang kasambahay namin dito sa bahay.
“Nasa
verandah ang lolo mo. Pati ang mama mo. Hinihintay ka nila.”
“Si
mama?” Simula kasi nang mag-asawa uli si mama, hindi na siya
dito nakatira. Same subdivision din kami, pero ilang streets pa ang layo ng
bahay niya samin. Kami lang ni lolo, Nicky at Ate Kit ang magkakasama dito sa
bahay.
“Oo.
Kanina ka pa nila hinihintay.”
“Okidoki.”
“Hindi
ka man lang ba magsusuklay, Chloe?” pahabol niyang tanong.
“Ate
naman, parang hindi ka na nasanay. Tayo-tayo lang naman ang nandito kaya keri
lang ‘yan.”
Pumunta na ko sa verandah.
Naabutan kong nagkakape sina mama at lolo.
“Goodmorning,
Lo! Goodmorning, Ma!” Hindi ako umupo. Nakuntento na kong
nakatayo.
“Chloe.”
“Apo.”
“O,
ba’t ganyan po kayo makatingin?”
Wala namang nagsalita sa
kanila. Nagkatinginan lang sila na parang tinatantya kung sino ang sasagot sa
tanong ko.
Humigop ako ng kape.
Naalala ko ang panaginip ko. “Alam ninyo
po ba, lolo, mama? Nanaginip ako!” excited na sabi ko. “Dumating daw yung future husband ko! Ang nakakatawa pa do’n, chenglot
ako, I mean nakainom ako. Tapos nasukahan ko siya. Hindi lang ‘yon. Nahulog pa
siya sa pool kasama ko. Laftrip talaga!” Ang lakas ng tawa ko.
“Epic
talaga yung pagkikita naming dalawa. Pero diba nga po, ang sabi nila,
kabaligtaran nang mangyayari sa panaginip ang mangyayari sa totoong mundo? For
sure, magiging maganda ang pagkikita naming dalawa. Pero infairness po, ah. Ang
gwapo nung guy sa panaginip ko.”
“Chloe—”
“Ang
nakakatuwa pa do’n, nagpakasal daw kami!” natatawang sabi
ko. “Grabe talaga. Parang totoo.”
Itinaas ko ang kamay ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang ring finger ko.
Inilapit ko ‘yon sa mukha ko. “Bakit
parang iba ‘tong singsing na ‘to? Ah, no. Iba talaga siya. Nasa’n na yung
singsing ko? At kanino ‘to?”
“Chloe.”
Napatingin ako kay mama.
Yung mukha niya na parang natatawa and at the same time, may bahid ng lungkot
ang mga mata niya.
“It’s
your wedding ring, anak.”
“What?!
Wedding ring?!” Nagulat ako. Literal na nagulat. Paano
mangyayari ‘yon? Napalingon ako kay lolo. Nakatingin siya sa gawi ko. Pero
hindi siya sakin nakatingin kundi sa likuran ko.
“Hijo,
bakit bumangon ka agad? Okay na ba ang pakiramdam mo?”
Sinong kausap ni lolo?
Lumingon ako sa likuran ko
para alamin kung sinong ‘hijo’ ang kausap ni lolo.
Para lang magulat.
Bakit parang namumukhaan
ko siya?
Kinurap-kurap ko pa ang
mga mata ko.
“Hi,
wife. How’s you sleep? Nakatulog ka ba nang mahimbing at maayos?”
may diing tanong ng lalaking nasa harapan ko. He was looking at me na parang
ang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Parang gusto niya nga akong tirisin, eh.
“Wife?” Itinuro
ko ang sarili ko. “Ako?”
Hindi siya sumagot.
Humalukipkip lang siya.
“Yes,
apo. He’s Lei Constantine, your husband.”
Napalingon ako kay lolo.
Nakangiti siya. And to confirm kung tama ang pagkakarinig ko, tiningnan ko si
mama. At tumango siya. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa lalaking nasa
harapan ko. Inangat ko ang kamay ko kung nasa’n ang ‘wedding ring’ ko.
Naalala ko ang panaginip
ko.
“Oh…
my… God…” Hindi ko namalayang nabitiwan ko na ang mug na hawak
ko.
“Aray!!!”
Hindi ko pinansin ang
lalaking nasa harap ko dahil napahawak ako sa buhok ko. “Aaaahhhh!!!!” Mabilis pa sa alas-kwatrong nagtata-takbo ako
papunta sa kwarto ko.
Nasalubong ko pa si Nicky
na naka-uniform na.
“O,
ate. Ba’t ganyan ang itsura mo?”
“Nicky,
totoo ba?” I tugged her arm. “Hindi
ba ko nananaginip? Kasal na ko? May asawa na ko?” sunod-sunod kong tanong.
Napailing siya. “Sinasabi na nga ba. Wag ka na kasing
iinom, ate.”
“Totoo
ba, hah?”
“Ba’t
parang hindi mo matanggap na kasal ka na? Oo. Kasal ka na sa masungit na
lalaking ‘yon. Gwapo sana, ang sungit lang.” Tinapik niya ang
balikat ko. “Sige na, ate. Papasok pa
ko. Male-late na ko.”
Iniwan niya kong nakatulala
sa kawalan.
“Aaaahhhh!!!!”
Mabilis akong pumasok ng
kwarto ko at hinanap ang phone ko. Idi-nial ko agad ang number ni Ren.
Naka-ilang ring lang nang marinig ko ang boses niya.
“Best!”
patiling sabi ko.
“Kailangang
tumili?” Tumikhim siya. “Goodmorning,
Mrs. Lei Constantine!”
“Aaaahhhh!
Totoo ‘yon! Hindi ‘yon panaginip lang!”
“Expected
ko nang sasabihin mo ‘yan. Lagi ka namang ganyan kapag umiinom ka at nalasing.
Akala mo lahat nang nangyayari habang chenglot ka, part ng panaginip mo.”
At hindi panaginip ang
nangyari kagabi.
Parang flashback na
bumalik sakin ang inaakala kong panaginip ko.
Birthday ko nang nakaraang
araw. Kasama kong sinelebrate ang araw na ‘yon ang pamilya ko. Nagdinner kami
sa labas.
At kahapon, nagkaro’n ako
ng mini party with some of my highschool and college friends and officemates.
Solo namin ang bahay.
Lumuwas ng Manila sina lolo kasama sina Kendra, mama at Tito Henry. Kumuha ng
security guard si lolo if ever man na may mangyaring gulo.
Syempre, hindi mawawala
ang inuman. At napainom ako kahit alam kong mababa ang tolerance ko sa alcohol.
Okay lang sakin kasi nandito naman ako sa teritoryo ko at kasama ko sina Ren at
Nicky.
And to make the long story
short, medyo nalasing ako. Medyo lang pero para sakin grabe na ‘yon.
Piniringan ako ni Ren para
hanapin ang gift kong malaking teddy bear. Ilang beses pa kong nadapa pero
wafakels lang.
Hanggang sa dumating SIYA.
Ang handsome machong guy
na napagkamalan kong teddy bear ko.
Sinukahan ko siya.
Sinama ko pa siyang
mahulog sa pool.
At bago ako mawalan ng
malay, narinig ko pa ang mga salitang ‘yon.
“Siya
daw po ang lalaking pakakasalan ng apo ni Sir Jose.”
Hindi ko alam kung ilang
oras akong nakatulog no’n nang maalimpungatan ako dahil sa naririnig kong mga
boses.
“Then
wala kayong magagawa kundi ang paniwalaan ako whether you like it or not. Hindi
naman ako pumunta dito para lang magpasuka sa babaeng ‘yan, magpahulog sa pool
kasama niya at mag-hintay ng isang oras para lang sa wala. Marami pa kong
naiwang trabaho kaya kailangan ko nang pakasalan ang babaeng ‘yan.”
“She’s
Chloe, mister future husband ng bestfriend ko. Don’t just call her ‘ang babaeng
‘yan’. She’s your wife to be, okay. So you better treat her right, okay? Or
else, ipapakain ka namin kay Snow.”
“She’s
right. Matakaw pa naman si Snow. Although hindi niya trip na kainin ka. Besides,
hindi naman tatakbo si Ate sa kasal ninyo. Tanggap na niya ‘yon. Matagal na.
Kaya kung kami sa’yo, maghintay ka na lang po.”
“Yeah
right. Ayoko nang pinaghihintay ako. One hour is enough.”
Tuluyan na kong nagising
no’n. Nang magtama ang mga mata namin ni handsome macho teddy husband ko,
napangiti na lang ako. At dahil akala ko panaginip lang ang nangyayari, sinabi
ko ang mga salitang ‘yon.
“Let’s
get married then my handsome macho teddy husband to be.”
“Chloe,
yuhoo? Nandyan ka pa ba o na-rape ka na ng asawa mo?”
I sighed. “Stop it, Ren.”
“Wait
nga lang. Bakit parang hindi ka masaya?”
Ngumiti ako nang maasim. “Ang saya-saya ko kaya. Biruin mo, nagkita
na kami ng future husband ko. Nakita niya kong lasing. Sinukahan ko siya.
Nahulog kami sa pool. And worse, nakita niya ko sa hindi ko kaaya-ayang itsura
ngayong umaga. Great, right? Super epic nang pagkikita namin. Epic fail!”
Impit akong tumili.
“Hindi
‘yon ang pinapangarap kong pagkikita namin, best! My God! At hindi ang nangyari
kagabi ang pinangarap kong kasal ko!” Binaon ko ang mukha ko sa
unan at sumigaw. “Bakit, Lord? Bakit
naman po gano’n? Why oh why? Lunukin na ko ng lupa! Lunukin mo mo na ko!”
Narinig kong tumawa si Ren
sa kabilang linya.
“Best
naman! Wag mo kong pagtawanan!”
“Kulang
pa kasi ‘yang mga sinabi mo.” natatawang sabi niya.
Napaderetso ako nang
pagkakaupo sa kama ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang huling parte ng
panaginip ko. I mean ang nangyari kagabi.
“Binukulan
mo siya, Chloe. And because of that, he passed out.”
“Oh
my God... I want to die na…”
“Saka
na, best. Sayang ang honeymoon ninyo.”
“Aaaahhhh!!!!”
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^