Saturday, December 14, 2013

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 3



CHAPTER 3
( LEI’s POV )


Hinimas ko ang paa kong nabagsakan ng mug at kape ng babaeng ‘yon. Ng Chloe na ‘yon. Ng asawa ko.


Asawa.


Napatingin ako sa kamay ko. Sa singsing na nakasuot sa daliri ko. Parang nung isang araw lang, single ako. Tapos ngayon? Nakatali na ko sa isang kasal na hindi ko gusto.



“Masakit pa ba ang paa mo, Lei?”


Nandito ako sa kusina. Napalingon ako sa likuran ko. Si Mr. Jose Sanchez, ang kaibigan ni lolo. Natatandaan ko siya. Nakita ko na siya no’n. Once lang ‘yon. Nung mamatay si lolo.


Hindi ko pa siya nakakausap dahil mabilis kong hinanap ang kusina bago pa maluto ang paa ko sa natapong kape ng babaeng ‘yon. Hindi na ata nakuntento sa mga ginawa niyang kapalpakan kagabi, may pahabol pa ngayon. Walking disaster ba siya? Kainis!


Napahawak ako sa noo ko. Nakapa ko ang bukol do’n. Bumalik tuloy sa alaala ko ang nangyari kagabi…



- F L A S H B A C K –


“Do you take this...”


“I do.” I answered. Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ng judge na nagkakasal samin ng babaeng katabi ko. We’re both sitting at the side of the bed.


Masakit ang ulo ko. Giniginaw ako.


Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko kagabi. Maraming trabaho sa office na kailangan kong tapusin at pagpuyatan. Dumagdag pa ang balitang sinabi ng attorney ni lolo. From Manila, lumuwas pa ko dito sa Bulacan para pakasalan ang babaeng katabi ko. Ginabi na ko dahil tinapos ko pa ang mga naiwan kong trabaho na hindi ko maiwan.


At dahil sa mga kapalpakang ginawa ng babaeng katabi ko simula nang dumating ako dito, ito na ako ngayon. Ang sama ng pakiramdam ko na konting-konti na lang, bibigay na ko.


Kaya dapat nang matapos ‘to!


“I do, father! I do, father!”


Tinakpan ko ang mga tenga ko. I do lang, kailangan bang isigaw niya?!


Kumikilos ako. Nagsasalita ako. Pero parang wala naman dito ang isip ko. All I wanted? Ang umuwi at matulog.


“You may now kiss the bride.” The judged announced.


Nagulat na lang ako nang hawakan ng babaeng katabi ko ang magkabilang pisngi ko.


She was smiling as she kissed me right on my lips. It was just a smack kiss. Pero napaatras ako dahil parang unggoy na kumapit siya sa leeg ko. At dahil masama ang pakiramdam ko ngayon, tuluyan akong nahulog mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama dahil nasakin ang lahat ng bigat niya.


Buuuggg!


Ang sama ng pagkakatama ng noo niya sa noo ko. Hindi lang ‘yon, tumama din ang ulo ko sa sahig.


I opened my eyes.


Narinig ko pa ang reaksyon ng mga tao sa loob ng kwarto. Nakapatong sakin ang babae. Inalis ko siya sa pagkakadagan sakin only to find out na nakapikit siya. Hindi ko alam kung bakit siya nawalan ng malay. Nauntog ba o dahil sa kalasingan niya. Hindi ko alam.


Dahil…


Sinubukan kong tumayo.


“Shit…”


Umikot ang paningin ko. At tuluyan nang nagdilim ang paligid ko.


- E N D  O F  F L A S H B A C K -



“Pasensya ka na sa apo ako. Nagulat lang ‘yon nang malaman niyang ikinasal siya.”


Napakurap ako at tiningnan ang lolo ng babaeng ‘yon. Nagulat? Ang galing naman niyang umarte. “Hindi ho ba alam niyang ikakasal siya?”


“Alam niya. Nakwento ni Nicky sakin ang nangyari kagabi. Gano’n talaga si Chloe kapag nakainom, hindi niya alam ang totoo sa panaginip. Narinig mo naman diba ang mga sinabi niya kanina?”


Tumango ako. Narinig ko ‘yon. Ang nakakainis pa do’n, tuwang-tuwa pa ang babaeng ‘yon sa mga nangyari sakin kagabi.


“Oh! How rude I am! Hindi pa ko nagpapakilala sa bagong myembro ng pamilya. Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari.” He extended his hand. “I’m Jose Sanchez, you’re late grandfather’s friend. Welcome to the family, Lei.”



= = = = = = = =



Ilang beses akong tumikhim ngayong kaharap ko na rin ang mama ng babaeng ‘yon. Nandito kami sa verandah. Naalala ko ang sinabi ni Mr. Jose kanina. Lolo Jose ang gusto niyang itawag ko sa kaniya dahil nga asawa ko na ang apo niya. Pero saglit lang naman ang pagsasamang ito kaya hindi ko na kailangang sanayin ang sarili ko sa pagtawag ng lolo sa kaniya.


“Welcome to the family.”


Family. Parang napakatagal na rin simula nang marinig ko ang salitang ‘yon.


“Mrs. Sanchez.”


“It was Salazar, hijo. Father ko siya.” sabay turo kay Lolo Jose. “But I’m Corpuz now.” Kumunot ang noo ko pero hindi na ko nagtanong pa. “And you should call me now ‘mama’, hijo. Asawa ka na ng anak ko.”


Oo nga pala. May asawa na ko. At ‘yon ang anak niya.


Tumango ako. “Alam ko hong nabigla kayo sa biglaang pagdating ko at ang pagpapakasal ko sa anak ninyo. Nung isang araw ko lang nalaman ang kasunduang ‘yon. At binigyan ako ng taning ng lolo ko ayon sa attorney niya na kahapon lang ang araw na pwede kong pakasalan ang anak ninyo.”


“Tungkol naman ho sa kasal. Kung gusto ninyo ng engrandeng kasal, sige ho. Mangyayari ‘yon.”


Pinagsiklop ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa.


“Gusto ko pong maging prangka. Hindi ko gusto ang kasunduan ninyo ni lolo. Pinakasalan ko si Chloe dahil sa kumpanya. At ngayong kasal na kaming dalawa, dapat lang siguro na iuuwi ko na siya sa bahay ko.” Sinabi ko lang ang gusto ko nilang marinig. Para hindi na humaba ang usapan na ‘to.


“Aalis muna ko ngayon. Bibigyan ko siya ng oras. After one week, susunduin ko ho siya.” Pero ang totoo, gusto ko na munang magpahinga, umuwi at lumayo sa lugar na ‘to. Lumayo sa babaeng ‘yon.


Hinintay ko silang mag-react. Patango-tango lang si Mr. Jose. Samantalang si Mrs. Corpuz, mukhang malalim ang iniisip.


“Walang kasiguraduhan na magtatagal kayo ng apo ko.”


Tumango ako. Hindi na siya nagsalita.


“Alam kong pwedeng mangyari ‘to. Isa lang ang gusto ko, hijo.” Napatingin ako kay Mrs. Corpuz. Hinawakan niya ang kamay kong nasa mesa na ikinagulat ko pero hindi ako nagpahalata. “Alagaan mo ang anak ko habang na sa’yo siya.”


Alagaan?


Paano ko magagawa ‘yon kung hindi ko naranasan ‘yon mula sa mga taong dapat na nagparamdam sakin no’n?



= = =



( CHLOE’s POV )


Tapos na kaming mag-usap ni Ren. Kanina pa. Pero hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari. Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko dahil sa pag-inom ko kagabi.


“Aaaahhhh!!!!”


Yan. Puro lang ako ganyan habang nakabaon ang mukha ko sa unan tuwing naiisip ko ang mga kapalpakang ginawa ko kagabi.


“Why o why?”


Yan. Paulit-ulit kong tinatanong ‘yan. Wala naman akong makuhang sagot.


“Bakit ba kasi sa lahat ng araw na pwede akong uminom, bakit kahapon pa? Bakit kasi sa lahat ng araw na pwede siyang dumating, bakit kung kailan chenglot pa ko?”


Tumihaya ako ng higa. Tumitig ako sa kisame. Parang nakikita ko sa ceiling ang mukha niya. Ang mukha ng asawa ko.


Napangiwi ako nang maalala na naman ang mga pinag-gagagawa ko kagabi. Kaya pala kanina, gano’n na lang ang reaksyon ng mukha niya na parang ang laki ng kasalanan ko.


Tiningnan ko ang wedding ring ko. I sighed.


“Matagal na kong ready para dito. Pero bakit parang hindi pa nagsi-sink na kasal na ko?”


Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko.


“Sino ‘yan?”


“Ang mama mo ‘to.”


“Pasok po.” Bumangon ako at umupo. Pumasok si mama at umupo sa gilid ng kama ko.


“Mama… Nakakahiya yung ginawa ko…”


Natawa siya. “Ikaw naman kasi. Iinom ka pa?”


I pouted. “Hindi na po. Last na yung kahapon. Never na kong iinom. Promise.” Napalunok ako. “Ahm, nasa’n na po siya?”


“Umalis na.”


Nanlaki ang mga mata ko. “Umalis siya? Eh diba po kasal na kami? Ano ‘yon? Nagbago ang isip niya? Tuluyan na ba siyang nainis sakin dahil aside sa mga pinaggagagawa ko sa kaniya kagabi, nabagsakan ko naman ng mug ang paa niya kanina.”


“Napaso mo pa siya ng kapeng natapon mula sa mug na bumagsak sa paa niya.” natatawang sabi ni mama.


Napangiwi ako. “Hindi naman ako clumsy, eh. Nagulat lang ako nang malamang totoo pala yung panaginip ko. Tapos ito pa,” Hinawakan ko ang buhok ko. “Ito pang buhok na ‘to kanina, parang nakipagsabungan sa mga manok.” I pouted.


Tinawanan lang ako ni mama.


“Teka lang, Ma, hah. Hindi ba kayo nalulungkot kasi kinasal na ko? Diba nga, ayaw ninyo ng arranged marriage na ‘to?”


Ngumiti lang si mama pero parang hindi naman umabot sa mga mata niya ang ngiti niya. Hinaplos niya ang buhok ko.


Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang sinabi niya kanina.


“Mama! Iniwan na niya ko!”


“Hindi ka niya iniwan. Umuwi muna siya. Sa Manila siya nakatira. May sakit siya, Chloe, kaya pinahatid na lang siya ng lolo mo sa driver. Ikaw, dito ka muna sa bahay. After one week, susunduin ka na niya.”


Nakahinga ako nang maluwag. Pero… “Ano, Ma? May sakit siya?”


“Oo. Natuyuan siya ng damit na may halong suka mo. Napansin na daw ni Nicky na namumutla siya kagabi pero sinabi naman ni Lei na okay siya. Nawala siya ng malay kagabi ng…” Tinuro niya ang noo ko. “Nang magkauntugan kayo.”


Napahawak ako sa noo ko. “Siguradong inis na inis siya sakin. Kasi naman kasi, eh. Ano pong nangyari sa kaniya kagabi?”


“Mabuti na lang at nandito rin si Ren. Tinulugan mo ang mga bisita mo. Pinatawagan niya kay Nicky ang family doctor natin para tingnan si Lei. Nang makontak kami ni Nicky, umuwi agad kami ng lolo mo. Naiwan sa hotel sina Henry at Kendra.”


“Hay nakakainis talaga!” Pinagtatampal ko ang pisngi ko. “Hindi na ako iinom! Hinding-hindi na!”


Hinawakan ni mama ang mga kamay ko. “Mukhang hindi naman siya gano’n kainis sa mga ginawa mo.”


“Talaga, Ma?”


“Medyo lang.”


“Pero, Ma, anong tingin ninyo sa kaniya? Mukha siyang masungit ‘no? Pero sa tingin ninyo, mabait din siya?”


Hinaplos niya ang buhok ko. “Ang sabi niya, aalagaan ka niya.”


Namilog ang mga mata ko. Ewan ko ba pero natuwa ako sa sinabi niya. “Talaga po? Sinabi niya ‘yon?”


“Dahil asawa ka niya at responsibilidad ka niya.”


I pouted. “Si mama, panira ng moment. Feel na feel ko na, eh.”


Ginulo niya ang buhok ko. “Para ka talagang bata. Ngayong may asawa ka na, kumilos ka na bilang may asawa. Hindi yung ganyan na para ka pa ring teenager.”


“Ma, pag nagpaka-serious ako, baka hindi na ko lapitan ng mga tao. Alam ninyo naman ang laging first impression sakin, mataray at maldita. Sa feslak lang naman, hindi sa ugali. Saka kung magigigng serious ako, hindi na ako ang maganda ninyong anak na si Chloe.”


“Oo na. Nasa’yo na ang lahat.”


“Neseye ne eng lehet, menemehel ke teng tepet…”


Kumunot ang noo ni mama. “Anong sinasabi mo? Ba’t nakangiwi ka? May singaw ka ba?”


Ang lakas ng tawa ko. “Kanta ‘yon, Ma.”


“Puro ka talaga kalokohan.” Tumayo na si mama. “Be a good wife, okay?”


Sunod-sunod akong tumango.


Nang makaalis si mama ay humiga uli ako sa kama. Tinitigan ko ang kisame. At parang nakikita ko na naman siya.


“Lei.”


Napangiti ako.


Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko.


“Masaya ka ba, heart?”


Napangiti ako.


“Paanong hindi ka sasaya, eh, nakita mo na ang magiging partner mo.”


Mas lalong lumapad ang ngiti ko.


“Ang gwapong partner mo. And take note, macho pa. At…” Napahawak ako sa labi ko. “Sa pagkakatanda ko, malambot ang lips niya.”


Napangiti ako.


“Ang first kiss ko...”



= = = = = = = =



This is the day!


Maingat na isinukbit ko sa balikat ko ang malaking back pack ko. Hinawakan ko ang dalawang maleta ko, inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto ko. Twenty three years of my life, dito ako nakatira. Tapos ngayon, aalis na ko dito.


Bumaba na ko sa sala kung sa’n naghihintay…


Teka…


Nasa’n sila? Nandito lang sila nang kunin ko ang mga gamit ko sa kwarto, ah.


Nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa labas ng bahay. Lumabas ako habang hila ang dalawang maleta ko. Nakita ko sila. Si lolo, Nicky, mama, Tito Henry, Kendra at Ren. At si Lei.


Dumating na pala siya. Nagtext kasi siya kay lolo na on the way na siya kanina kaya nag-ready na ko.


“Kuya, kayo daw po ang asawa ni Ate Chloe ko?”


“Yes. Ako nga.”


“Kuya anong name mo?”


“Lei. Ikaw?”


“I’m Kendra.”


Napangiti na lang ako habang kinukulit ni Kendra si Lei. Nakayuko si Lei kay Kendra habang sinasagot ang mga tanong ng kapatid ko.


Pinagmasdan ko si Lei. Nakasuot siya ng business suit. Hindi kagaya nung huling kita ko sa kaniya na nakabusangot ang mukha niya, ngayon may nababasa akong emosyon sa mukha niya habang nakikipag-usap siya kay Kendra.


Mukhang naramdaman niyang may nakamasid sa kaniya dahil napalingon siya sa gawi ko. Umayos siya ng tayo.


“You’re here.” Tiningnan niya ang relo niya. “Let’s go. May meeting pa kong pupuntahan.”


Lumapit ako sa kaniya. Ni hindi man lang siya lumapit para tulungan ako sa gamit ko. Hindi ko na lang pinansin ‘yon.


Saka lang niya kinuha ang dalawang maleta ko nang makalapit ako sa kaniya. Kinuha niya ‘yon at isinakay sa compartment ng kotse.


Habang ginagawa niya ‘yon, hinarap ko ang pamilya ko.


“Ingat, Ate. Balitaan mo na lang ako kapag sinaktan ka niya.”


“Nicky!”


“Hindi naman niya narinig, eh.”


Hindi nga kasi binulong lang niya sakin ‘yon. Kaya lang the way she whispered those words, parang nagbabanta pa.


Tapos na kong magpaalam sa pamilya ko nang hilahin naman ako ni Ren palayo sa kanila.


“Mag-iingat ka sa kaniya, okay. Just one text at susugod agad ako sa inyo. Send mo sakin yung address ninyo asap.”


“Best naman.” natatawang sabi ko.


“Ah, basta. Wag mo nga kong tinatawanan dyan.”


Seryoso ang mukha niya kaya natatawa ako. Para naman akong batang may field trip nito.


“Nesekenye ne eng lehet…” Natawa ako. Kinanta pa talaga niya ang line na ‘yon. “Gwapo, macho, matangkad at mayaman. Kaya niyang bigyan ng maganda at gwapong apo ang lolo mo. Maputi, kayumanggi at pwede pang may batik.”


“Gagi ka talaga! Anong batik ka dyan? Ano kami? Aso?”


“Seryoso ako. Kaya ka rin niyang ilibot sa buong Pilipinas para matupad ang pangarap mong kainin ang masasarap na pagkain na gusto mo. Pero yung mabait?” Sunod-sunod siyang umiling. “Mukhang tabingi siya dyan. Kung nakita mo lang ang itsura niya nung party mo, para siyang may galit sa mundo. Ang sungit!”


“Oo na. Ako ng bahala sa kaniya. Doncha worry, best.” Tinapik ko pa ang balikat niya. “I can handle him.”


“Handle? Eh, mukhang may pagka-bossy pa ‘yan. Kung utusan niya kami ni Nicky nung party para siyang hari. Nakarma tuloy siya at nagkasakit. Buti nga.”


“Chloe, apo! May meeting pa si Lei. Magkikita pa naman kayo ni Ren kaya tama na muna ‘yan.”


Nang lingunin ko si lolo. Mukha ni Lei ang nakita ko. Halata sa mukha niyang inip na inip na siya. Hinila ko na si Ren pabalik sa kanila.


“Basta ipapakain ko siya kay Snow, makita niya.” bulong pa niya.


“Oo na. Ipapakain natin siya. Promise.” bulong ko din.


Nakita kong hinawakan na ni Lei ang pintuan ng kotse sa driver seat.


“Wait! Ako ang magda-drive? I don’t know how to drive.” May kotse kami pero hindi ako nagsanay mag-drive. Mas gusto kong mag-motor. Kaya lang, binenta na ‘yon ni lolo one year ago. Nasemplang kasi si Nicky ng ginamit niya ‘yon.


“What?” kunot-noong tanong niya.


“Pinagbuksan mo ko ng pintuan sa driver seat, eh. Ako ang magda-drive?”


“No.”


Narinig ko ang tawa ni lolo mula sa likuran namin. Hindi ko alam kung anong nakakatawa. Ano nga ba?


“Ang slow mo, best. Pumasok ka na nga lang ng kotse.”


Napalingon ako kay Ren. Napapailing na lang siya na natatawa.


“Get in.”


Pagbalik ko ng tingin kay Lei, nando’n na siya sa kabilang seat. Sa may passenger seat.


“Get in.” ulit niya.


Saka ko lang naalala ang back pack ko.


“Ah, dito na lang pala ko sa back seat. Ayoko sa unahan. Thank you na lang sa pagbubukas.” Pumasok ako sa back seat at umupo. Dahan-dahan kong tinangggal ang back pack ko at inilagay sa tabi ko. Binaba ko ang bintana ng kotse.


“Ba-bye! Text and call tayo, ah! Mamimiss ko kayo! Ingat kayo, ah!”


Umandar na ang kotse. Patuloy lang ako sa pagkaway sa kanila hanggang sa tuluyang makalabas ng gate ang kotseng sinasakyan ko.


“Hindi ka mangingibang bansa, miss. Stop acting like you’re going out of the country.”


Napatingin ako kay Lei. Sinilip ko siya sa rearview mirror pero sa daan siya nakatingin.


“Anong miss ka dyan? Hindi mo ba alam ang name ko? My name is Chloe Salazar. Oh! Constantine na pala ko kasi kasal na ko sa’yo.”


“Sa uulitin, wag mo na uli akong ipapahiya sa harap ng ibang tao.” Ni hindi niya pinansin ang sinabi ko.


“Ano bang sinasabi mo?”


“Next time na sasakay ka ng kotse ko, ikaw ang magbukas ng pintuan. Hindi mo ko driver para pagbuksan ka. Hindi mo rin ako driver para dyan ka umupo sa likuran ng kotse ko.”


Saka lang nag-sink sakin ang ginawa niya kanina. Tumabingi ang ngiti ko. “Sorry.”


Lei Constantine: Masungit. Ungentleman - Noted mentally.


“I don’t need your sorry.”


I pouted.


Lei Constantine: Masungit. Ungentleman. A bit rude - Noted mentally.


“Ihinto mo yung kotse.”


“What?”


“Lilipat ako dyan sa tabi mo para hindi ka magmukhang driver.”


“No need. Mas gusto ko pang magmukhang driver kesa ang makatabi ka.”


Nanlaki ang mga mata ko. “Grabe ka! Ang hard mo naman.”


Lei Constantine: Masungit. Ungentleman. RUDE - Noted mentally.


Hindi na siya sumagot.


Grabe! Ang sungit talaga niya. Mukhang hanggang ngayon, galit pa rin siya sa ginawa ko sa kaniya sa party. Mahilig pa lang magtanim ng sama ng loob ang lalaking ‘to, eh.


Napatingin ako sa back pack ko. Oo nga pala. Bahagya ko ‘yong binuksan. Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog ng music.


“Shut it down.”


Napatingin ako kay Lei. Grabe! Shut it down agad? Hindi ba pwedeng paki-pause na lang ‘yan o wag na kong magpatugtog?


“Bored na kasi ako, eh. Wala kong magawa.” Pero napangiti ako ng may maisip ako. “Kung gusto mo, papatayin ko ‘tong music pero kakausapin mo ko? Tell me about your life, I’ll tell you mine. Okay ‘yon kasi matagal tayong magsasama.”


“Who told you?”


“Told what?”


“Never mind. Magpatugtog ka kung gusto mo.”


Grabe! Mas gusto niya pang mapanisan ng laway kesa ang kausapin ako?


= = =




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^