Saturday, December 14, 2013

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 4



CHAPTER 4
( CHLOE’s POV )


“Sa’n ba ang bahay mo?” tanong ko kay Lei. May nakita kong sign nang tumingin ako sa bintana ng kotse. “Antipolo na ‘to, ah.”


Hindi siya sumagot. Asual.



Simula kasi kanina nang umalis kami ng bahay, ang huling sinabi niya ay yung ‘Never mind. Magpatugtog ka kung gusto mo.’ After that, kahit kausapin ko siya nang kausapin at tanungin nang tanungin, para lang siyang bingi na walang naririnig kaya tumahimik na lang ako at nilibang ang sarili ko sa pakikinig ng mga kanta sa phone ko.


Inayos ko ang pagkakahawak ko sa back pack ko na nasa tabi ko at isinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse.


“Konting tiis na lang, Snow.” bulong ko bago ipikit ang mga mata ko. Pinilit kong hindi makatulog kanina pero inaantok na talaga ko.


Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ba ako nakatulog nang maalimpungatan ako dahil sa malakas na tapik sa pisngi ko.


Idinilat ko ang isang mata ko.


“Mabuti naman at gising ka na.”


Tiningala ko ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon. “Lei?”


“No. Bumaba ka na dyan.”


Umalis siya sa harapan ko. Bumaba ako sa nakabukas na kotse. Minasahe ko ang leeg ko na nangawit.


“Here.” May inabot na susi sakin si Lei.


“Anong gagawin ko dito?”


“Susi ng bahay. May mga stock ng pagkain sa loob. Malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo.”


Iyon lang at sumakay na siya ng kotse niya.


At dahil kagigising ko lang at naalimpungatan pa ko, ang slow tuloy ng mga brain cells ko ngayon. At gaya ng nakagawian para tuluyan akong magising, tinapik ko ang pisngi ko habang tumatalon-talon.


At prente, tuluyan na kong nagising.


Tiningnan ko ang susi na hawak ko. Lumingon ako sa likuran ko. May nakita akong bahay. May mangilan-ngilan din akong nakitang bahay sa paligid ko. Pero magkakalayo. Marami din akong punong nakita. Nasa ilalim nga ako ng lilim ng isang puno.


“Ang bad ng Lei na ‘yon, ah. Iniwan niya kong mag-isa dito.” Nang maalala ko ang sinabi niya. “Oo nga pala. May meeting daw siya.”


Napangiti ako nang umihip ang hangin. Pinikit ko ang mga mata ko. “Ang sarap talaga dito sa Antipolo.” Siguro naman nasa Antipolo pa rin ako ‘no? I opened my arms at tumingala habang nakapikit. “Welcome to your new home, Chloe.”


Hinawakan ko ang dalawang maleta ko at akmang hihilahin ng may mapansin akong kulang. Kinapa ko ang balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko. “Ang back pack ko!”



= = =



( LEI’s POV )


Wala talaga akong meeting ngayon. Mamayang gabi pa.


Sinabi ko lang ‘yon kanina nang sunduin ko ang babaeng ‘yon para bilisan niya ang kilos niya. Pero parang nang-iinis pa dahil ang dami pang arte bago kami nakaalis.


Nakuha pang magtanong kung siya ba ang magda-drive dahil binuksan ko nung una ang pintuan ng driver seat. Malamang, ako magda-drive! May kamay naman siya kaya siya ang magbukas ang pintuan niya.


Ang nakakainis pa, nakuha pa niyang ipahiya ako sa pamilya niya nang buksan ko ang pintuan ng passenger seat at mas pinili niyang umupo sa back seat.


Inis na tinapik ko ang manibela ng may dumaang truck sa intersection. Mukhang hindi pa sanay ang driver dahil nahihirapan siyang iliko ‘yon.


“Bwisit naman.” Napailing ako.


Napatingin ako sa likuran ko ng may bumagsak na kung ano. Yung dalang back pack ng babaeng ‘yon. Kumunot ang noo ko nang makita kong gumalaw ‘yon.


Inabot ko ang bag. Mabigat ‘yon. Gumagalaw ang nasa loob. “Ano ‘to?” Bahagyang nakabukas ang bag kaya tuluyan ko nang binuksan ‘yon para alamin ang nasa loob.


Na dapat ay hindi ko na ginawa dahil dinamba ako ng bagay na kumawala sa loob. Nagkaka-kawag ‘yon sa ibabaw ko nang tuluyang makalabas ng bag.


Nangati ang ilong ko. Sunod-sunod akong napabahing.


“Shit!”


Lumabas ako ng kotse ko. Hirap na kong sa pagbahing nang may lumapit sakin na dalawang tao.


“Pare, okay ka lang? Anong nangyayari sa’yo?”


“I’m not—“ Sunod-sunod na kong napabahing.


“He’s not okay, Tyler. I think he’s dying.”


“Stop it, Tanya. Dalhin na natin siya sa ospital.”


“What?!”


“Dalhin na natin siya. Do’n din naman ang punta natin.”



= = =



( CHLOE’s POV )



Nakapasok na ko ng bahay pero hindi ko pa nalilibot ‘yon dahil inaalala ko si Snow. Tinawagan ko agad si Lei nang makuha ko ang number niya kay lolo. Ilang beses na nag-ring ‘yon nang may sumagot no’n.


“Hello, Lei. Sorry. Yung ano kasi, yung bag sa back seat.”


“Boyfriend mo ba ‘tong may-ari ng phone na ‘to?”


Kumunot ang noo ko. Boses ‘yon ng babae. At mataray ang dating. “Sino ‘to?” tanong ko. May naririnig akong bahing ng bahing. At may tumatahol ding aso. Si Snow! Nakahinga ako nang maluwag to know that he’s okay.


“I think you’re boyfriend is dying. Sana lang umabot kami ng ospital. Mukhang may allergy siya sa aso na nandito sa kotse na ‘to. By the way, ipinasok ko uli ang maingay na aso sa loob ng bag na nandito bago pa matuluyan ang boyfriend mo. Gusto ko sanang lagyan ng tape ang bibig niya kaya lang ayaw ng kasama ko. Wait. Bakit nga pala nakatali ng tela ang bibig ng shih tzu dito?”


Nanlaki ang mga mata ko. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa. “Oh my God! May allergy si Lei sa hayop?!”


“You don’t know? Anong klaseng girlfriend ka ba?”


Hindi pa ko nakakasagot nang may sumingit na isa pang boses.


“Tanya. Stop it. Sabihin mo na lang kung sa’ng ospital tayo pupunta.”


“Just mind your driving, Tyler. Bilisan mo bago matuluyan ‘yang katabi mo. Tayo ang malalagot nito.”


Tumakbo na ko palabas ng bahay. “Miss! Sa’ng ospital ninyo dadalhin si Lei?!”



= = = = = = = =



Mabilis akong bumaba ng tricycle na pinara ko kanina paglabas ko ng village. Nakita ko agad ang kotse ni Lei sa labas ng ospital. Patakbo akong lumapit do’n. Naka-lock ang mga pintuan kaya sinilip ko na lang ang bintana.


Nakita ko si Snow na naglili-likot sa loob ng kotse.


“Saglit lang, Snow, ah. Pupuntahan ko lang si Lei.”


Tumakbo ako papasok ng emergency room. Hinanap ko siya sa mga nakahigang pasyente. Nakita ko siya sa dulo. Nakaupo siya sa gilid ng patient bed at hindi nakahiga. May kausap siyang doctor. Lumapit agad ako sa kaniya.


“Lei! Okay ka lang?”


“Is she your wife, Lei?”


Napalingon ako sa doctor. Paano niya nalaman?


“Yes.”


“No.”


Sabay naming sagot ni Lei. I was the one who said yes.


“I think she is.” The doctor extended his hand to me while smiling. “I’m Doctor Tim at your service, Mrs. Constantine. I’m Lei’s bestfriend by the way.”


“He’s not my bestfriend. Not even a friend.” narinig kong kontra ni Lei na tinawanan lang ng kaibigan niya.


“I’m Chloe.” I accepted Tim’s hand. “Okay na ba si Lei?”


“He’s okay now. Nakainom na siya ng gamot.”


“Sigurado ka bang okay na talaga siya?”


“Ang swerte mo naman dito sa misis mo, Lei. Maganda at mabait na, thoughtful pa. Parang simpleng allergy lang.”


“Hindi gano’n kasimple ‘yon, okay!”


Natigilan si Tim. Napatingin tuloy ako kay Lei na nakakunot ang noo na nakatingin sakin. Nagtataka siguro kung bakit nagtaas ako ng boses.


I sighed. “Sorry, Doc.”


Bumalik na ang ngiti niya. “It’s okay.”


“Paging Doctor Timothy. Please proceed to the OR now.”


Boses ‘yon mula sa speaker ng ospital.


Napakamot ng ulo si Tim. “Tsk! Sabi na ngang Tim na lang. Tumatanda ko sa Timothy, eh. O sige, lovebirds. Gotta go.” Tinapik niya ko sa balikat. “Goodluck.” nakangiting sabi niya bago nagpaalam sa tahimik lang na si Lei.


“Okay ka na ba talaga, Lei?”


“Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Tim diba? I’m definitely, okay.” masungit niyang sagot. “How did you know I’m here? Tinawagan ka ba ni Tim?”


“No. Tumawag ako sa phone mo. May sumagot na babae. Yung nagdala sa’yo dito. Nasa’n na nga pala sila?”


“I don’t know.”


“Lei. Sorry. Hindi ko alam na may allergy ka sa aso.”


“Hindi mo alam?!” Napataas ang boses niya kaya napalingon samin ang ibang pasyente.


Tumayo siya at iniwan ako. Sumunod naman agad ako sa kaniya hanggang sa makalabas kami ng ER. Saka lang niya ko hinarap nang nasa tapat na kami ng kotse niya. Nagpameywang siya.


“Hindi mo alam na may allergy ako sa aso o sa kahit na anong hayop na mabalahibo? Malamang! Close ba tayo para sabihin ko sa’yo ‘yon?”


“Lei—”


“Hindi ba sa’yo sinabi ng lolo mo na wag na wag kang magdadala ng hayop pag-alis mo?!”


Napayuko ako. “Sinabi niya.”


“Sinabi naman pala niya, pero bakit nagdala ka pa rin, hah?!”


“I’m sorry. Hindi ko kasi maiwan si Snow.”


“At okay lang na mamatay ako ng dahil sa aso mo, hah?!”


“I’m sorry…” Yun na lang ang tanging nasabi ko. Ayoko nang pahabain ang usapan namin. Mas lalo lang akong sinusundot ng konsensya ko.


Mas lalo akong—


Kumunot ang noo ko nang makita siyang naglalakad palayo. “Lei, sa’n ka pupunta?” Sinundan ko siya.


Nilingon niya ko. Matalim niya kong tiningnan. “Lalayo sa’yo.”


“Yung kotse mo.”


“Bahala na si Tim dyan. Idadaan niya sa carwash ‘yan para mawala ang pesteng balahibo ng aso mo.” madiing sabi niya.


Kinagat ko ang labi ko. “Sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Kung alam ko lang na may allergy ka, kahit ayaw kong iwan si Snow, iiwan ko siya. I’m sorry, Lei. Wag ka nang magalit.” Lagi na lang bang epic fail ang pagkikita namin?


Matagal lang siyang nakatingin sakin bago siya tumalikod at tuluyang sumakay sa isang kotseng nakaparada di kalayuan samin.


Iniwan niya ko.


Ilang segundo pa akong nakatayo sa pwesto ko nang mapahawak ako sa tapat ng puso ko.


“Masakit ba, heart? Naalala mo na naman ba ang nangyari no’n? Ikaw kasi, eh. Ang kulit mo. Yan tuloy, nasaktan ka ng wala sa oras.”


“Sinong kausap mo?”


Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Tim.


I smiled at him. “Wala.”


“Iniwan ka ni Lei?”


“Parang oo kasi wala siya dito. Ano nga palang ginagawa mo dito? Pinatawag ka sa OR diba?”


“Hindi na ko kailangan do’n. Tiningnan ko lang kung anong gagawin sa’yo ng kaibigan ko kahit alam ko naman ang gagawin niya. Exciting lang tingnan dahil asawa ka niya.”


“Kanina ka pa pala nakatingin. Ayun. Nakita mo naman diba? Sinungitan, sinungitan at sinungitan niya lang naman ako.”


“Pasensya ka na sa kaibigan ko. Masanay ka na ngayon sa ugali niyang ‘yon. In born na ‘yon.”


“Wala naman sakin ‘yon.”


“Pero bakit parang kakaiba ang reaksyon mo kanina sa loob?”


“Wala ‘yon. Nga pala. Ikaw daw ang magpapa-car wash sa kotse ni Lei? May favor sana kong hihingin kung okay lang. Si Snow kasi hindi ko pwedeng dalhin sa bahay ngayon. Baka nando’n si Lei. Ang kapal ng mukha ko, oo, kasi hindi naman tayo close. Pwede bang sa’yo muna si Snow ngayon? Kukunin ko na lang siya sa’yo bukas para…” I sighed. “…para ibalik sa Bulacan.”


He smiled. “Okay lang. Ako ng bahala sa Snow mo.”


“Thank you, ah.”


“Your welcome, Chloe.”


Nagpamulsa siya na parang may sasabihin pa siya.


“May sasabihin ka pa, Tim?”


Tumango siya. “Never na pumasok sa bokabularyo ni Lei magpapakasal siya. Mukha ngang wala ‘yon sa bukabolaryo niya. A piece of advice lang, Chloe. Tuwing sinusumpong siya ng kasungitan niya, wag mo ng patulan. Sakyan mo na lang at wag mo nang kontrahin o kaya tumahimik ka na lang. Pero mukha hindi ikaw yung tipong basta na lang mananahimik.”


Seryoso ang mukha niya habang sinasabi niya ‘yon. “Maraming pinagdaanan si Lei kaya intindihin mo na lang siya.”


“Pinagdaanan?”


 Ngumiti lang siya ng tipid.


“Tsk! Naunahan pa ko ng mokong na ‘yon. Dapat ako ang mauuna saming dalawa, ah. Sige ingat ka. Pasok na ko sa loob. Don’t worry about your Snow. Malapit na rin akong mag-out. I’ll take care of her.”


“Him. Lalaki siya.”


“Hah? Bakit Snow? Parang tunog babae ‘yon, ah.”


“Umulan kasi ng snow ng araw na nag-iisip ako ng pangalan niya.”


“Hah? Nasa ibang bansa ka ba no’n?”


“Dito sa Pilipanas.”


Natawa siya. Natawa na rin ako. Wow, ah. Bumenta ang korni kong joke. Magkakasundo kaming lalaking ‘to.


“Ang totoo niyan, nanonood kasi ako ng koreanovela nung nag-iisip ako ng ipapangalan sa kaniya. Saktong umulan ng snow do’n sa palabas kaya ‘yon ang ipinangalan ko sa kaniya.”


He smiled. “Nice. Sige pasok na ko.” Tumalikod na siya pero humarap uli siya. “Wag mo na rin pala siyang intayin sa bahay niya. Ninyo na pala. Kilala ko ang kaibigan ko. Hindi siya uuwi ngayon sa bahay niya. Ninyo pala. Sabagay, once a week lang naman siya umuwi sa bahay niya, ninyo pala. Mas lalo na ngayong nandyan ka na.”



= = = = = = = =



Tama ang sinabi ni Tim. Ilang araw na simula nang mangyari ‘yon. Hindi nga umuwi si Lei. Literal na hindi siya umuwi.


Ang sabi ni Tim nung tanungin ko siya kung sa’n tutuloy si Lei ng araw na ‘yon, may condo unit daw ang kaibigan niya sa Makati. Do’n daw madalas mag-stay si Lei kaya bihira lang siya umuwi dito.


Kaya ‘yon. Solong-solo ko ‘tong bahay. At si Snow? Hindi ko na siya inuwi sa Bulacan. Dito rin kasi sa village nakatira si Tim. Malapit lang din dito sa bahay ni Lei. Yun nga lang, mas madalas siyang babad sa ospital kesa sa bahay niya.


Nasa bahay niya si Snow. May spare key siya na ibinigay niya sakin para daw mapuntahan ko si Snow.


Hay… Buti pa si Tim. Ang bait na, palangiti pa.


Unlike that masungit guy.


Sa tuwing tinatawagan ako ng pamilya ko, mas madalas si mama at si Ren. Sinasabi kong okay lang ako. Hindi ko sinabi ang nangyari no’n sa ospital at ang hindi pag-uwi ni Lei dito. Mas mabuti ng hindi nila malaman. Ayokong mag-alala pa sila.


Saka, masaya naman ako dito, eh. Ang dami kayang stock ng pagkain ni Lei. Lagi akong busog. Hindi pa ko nabo-bored dahil ang dami kong pwedeng gawin. May mini gym at library sa second floor ng bahay. May swimming pool sa likuran ng bahay. May mini sinehan pa sa first floor. Do’n nga ako madalas nakatambay habang kumakain.


Isa lang talaga ang problema ko, eh.


Isa lang ang kwarto dito sa bahay. At ‘yon ang kwarto ni Lei na hindi ko mabuksan dahil naka-lock. Ang dalawang kwarto sa second floor, yun ang ginawang gym at library. Ang isang kwarto sa baba, entertainment room. Sinehan ang tawag ko do’n. May malaking screen kasi do’n kung sa’n maraming dvd’s at pwede kang manood ng movie kahit maghapon pa. Buti na lang at may restroom dito sa baba.


Sa’n ako natutulog? Sa sinehan. May mahabang couch kasi do’n. Okay na ko do’n dahil kasyang-kasya naman ako. May aircon pa. Minsan nga nakakatulugan ko na ang panonood ng movie. Okay lang. Si Lei naman ang magbabayad, hindi ako. Wahehe!


Kamusta na kaya ang masungit kong asawa?


Hindi naman sa nag-aalala ako sa kaniya. May kailangan lang akong sabihin sa kaniya na hindi ko nasabi ng araw na lumipat ako dito kasi nga may nangyaring hindi inaasahan.


Puntahan ko kaya siya sa office niya?


Nasabi na sakin ni Tim kung sa’n ‘yon. Somewhere in Makati rin. Isa ‘yong malaking textile company.


Tama. Pupuntahan ko siya. Siguro naman hindi na siya galit sakin ngayon. O kung galit man siya, dadalhan ko na lang siya ng pagkain. Pang-uto ba. Kaya lang, mukha namang hindi siya uto-uto. Ay, bahala na nga. Basta kailangan ko siyang makausap. Mukhang wala rin naman siyang balak umuwi kaya ako na lang ang pupunta sa kaniya.



= = = = = = = =



Tiningala ko ang building na nasa harap ko. Hindi ko na binilang kung ilang floor ‘yon. Pero sa tingin ko, nasa ten to fifteen floors ang building.


“Pag-aari niya ang buong building na ‘to?” Napakamot ako ng noo. “Anong floor naman kaya ang office niya? Wag naman sanang dulo ‘no.”


Pumasok na ko ng building. Lumapit ako sa receptionist. “Miss, pag-aari ba ni Lei ang building na ‘to?” nakangiting tanong ko.


“Po?” nagtatakang tanong niya.


“I mean. Ito bang buong building na ‘to pag-aari ni Mr. Lei Constantine? Ito ba ang company niya? Mukhang naliligaw ako, eh.”


Parang gusto kong matawa. Ang lakas talaga ng trip ko ngayon. Alam ko namang ito na ‘yon at hindi ako naliligaw. Gawain kasi namin ni Ren na guluhin at kulitin ang mga receptionist na pagtatanungan namin na hindi kami nahahalatang nangungulit. Trip namin ‘yon highschool pa lang kami.


“Yes, ma’am. This is Constantine Textile Corporation.”


“Sigurado ka, miss?”


“Yes, ma’am.”


“Sure ka, hah. Nga pala, I’m looking for Mr. Lei? Anong floor ang office niya?”


Hindi muna siya sumagot. Tiningnan muna niya ako mula ulo hanggang…


Hanggang dibdib lang kasi ‘yon lang talaga ang makikita niya sa mula sa kinauupuan niya.


Bakit? Anong problema sakin? O baka naman sa suot ko na parang hindi angkop dito sa building nila? Bakit kailan ba pinagbawal ang tshirt, skinny jeans at rubber shoes sa mga ganitong building? Baka akala niya, magbebenta ako ng kung anek-anek.


Eh, bakit ba? Ganito ang trip kong get up ngayon, eh. Gusto niya bang mag-gown pa ako. Okay. Sa susunod. Wahehe.


“Miss.” untag ko sa kaniya. “Sa’ng floor si Mr. Lei?”


“Yung president po namin?”


“Wow! Presidente na pala siya ng Pilipinas ngayon. Ba’t hindi ko alam?”


“Ma’am. Dito lang po sa company.” walang kangiti-ngiting sabi niya.


“Ito naman. Joke lang ‘yon sinabi ko.” Ano ba ‘yan? Hindi ba marunong mag-joke ang mga tao dito? Mukhang nagmana sa amo nila, ah. Makaalis na nga. “Anong floor siya?”


“May appointment po ba kayo kay Sir President?


Grabe, ha. Sir na, president pa. Sa’n ka pa?


“Wala.”


“Sir President is busy right now, ma’am. Kung wala po kayong appointment sa kaniya ngayon, hindi ka po niya mai-entertain.”


“Asa—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin kong asawa ako ni Lei dahil may kumalabit sakin.


“Chloe?”


Napalingon ako sa gilid ko. May babaeng kasing edad ko lang na nakasuot din ng uniform na katulad ng sa receptionist na kausap ko. At namumukhaan ko ang babaeng ‘to.


“Jhomarie?”


“Ako nga! Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan, eh!”



= = = = = = = =



Nandito kami ni Jhomarie sa cafeteria. Classmate namin siya ni Ren nung highschool. Kaming tatlo ang magkakasama noon. Pero nung third year na si Jhom, nagtransfer siya. Tumira na kasi ang pamilya niya sa Bicol. Nawalan kami ng communication.


At ang liit talaga ng Pilipinas, dito pa siya nagta-trabaho bilang receptionist/front desk staff sa company pa ng asawa ko. Pagka-graduate pala ng college, dito siya naghanap ng trabaho sa Manila.


Nagkamustahan kaming dalawa. At tutal naman, kausap ko na siya, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na magtanong ng tungkol kay Lei. may pagka-tsismosa kasi ‘tong si Jhom kaya for sure, may alam siya.


“Anong alam mo kay Lei?” Ayaw naman mag-kwento ni lolo kaya ako na lang ang aalam. Curious lang ako kung bakit parang may galit siya sa mundo. Simula nang sabihin sakin ni Tim na maraming napagdaanan si Lei, na-curious na ko.


“Lakas talaga ng trip mo hanggang ngayon, Chloe. Feeling close ka kay President, ah.”


President ang tawag niya kay Lei. Buti nga wala ng Sir. Mahaba daw kasi kapag may Sir pa kaya President na lang.


“Asawa ko nga siya. Siya nga yung pinuntahan ko dito, eh.” Kanina ko pa ‘yon sinasabi pero ayaw niyang maniwala.


“Sige na nga. Pagbibigyan na kita dyan sa pagpapantasya mo.” natatawang sabi niya.


“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Dati pa ba siyang masungit?”


Lumingon muna siya sa paligid namin bago sumagot. “Bago pa ko pumasok dito, masungit na ‘yon according sa matatagal ng nagta-trabaho dito. Strikto pa siya.”


“Nahawa na ata sa kaniya yung mga employees niya. Katulad nung receptionist kanina. Nag-joke na nga ko, hindi man lang ngumiti.”


“Ah, si Shaylee? Nasungitan kasi ni President ‘yon sa phone kanina.”


“Bakit?”


“Binilinan kasi siya ni President na kapag nakita niya si Leoni, harangin niya at wag nang paabutin sa taas.”


“Sinong Leoni? Pangalan ba ng Leon ‘yon?”


“Leon talaga siya pagdating kay President. Ang babaeng malditang habol ng habol kay President. Naku! May pinag-aralan naman at mayaman, bakit hindi na lang siya maghanap ng ibang lalaki? Ewan ko ba sa babaeng ‘yon. Baliw na baliw kay President kahit ayaw naman sa kaniya. Sabagay, gwapo naman kasi si President. Para nga lang may galit sa mundo.”


Habol ng habol. Eh, ngayong may asawa na si Lei. Hahabulin pa kaya niya ang asawa ko?


Asawa ko. Makaangkin naman ako, wagas na wagas. Hindi ba sa papel lang naman ang kasal naming dalawa?


Ngayon ko pa nga lang aalamin ang dahilan kung bakit niya ko pinakasalan ng gabing ‘yon ng biglaan.


“May alam ka ba tungkol sa pamilya ni Lei, Jhom?” tanong ko.


Lumapit siya sakin. Lumingon uli siya sa paligid niya bago nagsalita.


“Ang totoo niyan, Chloe…”


= = =



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^