Sunday, December 15, 2013

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 5



CHAPTER 5
( CHLOE’s POV )


Dalawang floor na lang.


Nasa loob ako ng elevator. Nasa twelveth floor ang office ni Lei. Nalaman ko ‘yon mula kay Jhom. Pinagbigyan niya ko kanina nang tanungin ko siya kung sa’ng floor si Lei. Sobrang lakas daw ng trip ko kaya siguraduhin ko daw na kumain ako dahil gutom lang daw ‘tong pagpapantasya ko kay Lei.


Naalala ko pa ang sinabi niya kanina bago kami naghiwalay.


“Hindi ko alam na type mo pala ang katulad ni President na parang walang buhay. Hindi ba type mo ang mga lalaking katulad ng ugali mo? Makulit, masayahin, madaldal. In short, hindi si President ‘yon.”


Tinawanan ko lang siya kanina.


Hindi niya kasi alam ang tungkol sa arranged marriage. Mahabang usapan pa kung iku-kuwento ko sa kaniya ngayon. Next time na lang.


Lumabas na ko ng elevator.


May mahabang pasilyo akong nakita sa magkabilang gilid ko. Mero’n din sa harapan ko na mas maluwag na papunta sa isang eleganteng pintuan. Mukhang ‘yon na ang office ni Lei.


“Grabe! Pintuan pa lang ng office niya ang ganda na.” Pero bakit hindi niya pagawan ng isa pang kwarto ang bahay niya? Wala tuloy akong matulugan. Matanong nga ‘yon mamaya.


May apat na employee akong nakita sa labas. Dalawang babae at dalawang lalaki na nakaupo sa kaniya-kaniya nilang desk. Lumapit ako sa kanila.


“Hello, guys!” malakas kong bati sa kanila with smiling face pa.


Sabay-sabay silang napalingon sakin.


“Nandyan ba si Lei sa loob?” nakangiting tanong ko.


Tiningnan nila ko mula ulo hanggang paa. Katulad nung receptionist sa lobby kanina. Grabe, ah. Ano ba talagang problema nila? Naku-curious na aketch, ah.


“Wala po.” sabay-sabay pa nilang sagot.


“Wow, ah. Ayaw ninyong mag-chorus ‘no? May itatanong lang ako sa kaniya. Ako nga pa…” Natigil ako sa litanya ko at napalingon nang magbukas ang pintuan. Hindi lang dahil sa ngayon lang ako nakakita nang nagbukas na pintuan. Para kasi galit yung nagbukas no’n, eh.


Isang babae ang lumabas do’n. Hindi lang basta babae, isang magandang babae na mukhang mataray. Nakataas kasi ang kilay niya na parang naka-stay in na sa pwesto. Yung baba niya din parang may tungkod sa ilalim. Taas noo. At favorite color niya siguro ang red. Umuulan ng red ang katawan niya from head to toe. Sabagay, bagay naman sa kaniya kasi maputi siya. Ginagawa niya sigurong gatas ang gluta.


And take note, destiny ata kami. Parehas kaming naka-red.


Napalingon ang babae sakin nang mapadaan siya sa gilid ko.


“What?” mataray niyang tanong.


“Parang may red lipstick ka sa teeth mo.” Sabay turo sa ngipin niya. “Lipstick ba ‘yan or tartar?”


Nanlaki ang mga mata niya. Tinakpan niya ang bibig niya at nagtatakbo siya papunta ng elevator. Impit pa siyang tumili nang makasakay siya do’n.


“Grabe, ah. Hindi ba marunong mag-take ng joke ang mga tao dito?” Naalala ko ang reaksyon ng mukha niya. “Grabe siya. Epic nung reaction niya. Naniwala naman siyang may tartar yung teeth niya. Grabe…” Hindi ko mapigilang matawa sa ginawa kong kalokohan.


At napansin ko ding hindi na ako ang tumatawa mag-isa. Napalingon ako sa apat na employee na kausap ko kanina. Napangiti ako.


“Yan. Tawa-tawa din pag may time. Tatanda agad kayo pag masyado kayong seryoso, wag ninyong gayahin ang amo ninyong parang may galit—”


“Ano bang ingay ‘yan?!”


Napalingon ako sa nagbukas na pintuan. Nakita ko do’n ang magkasalubong na kilay este si Lei pala.


Natahimik ang mga employee.


Napatingin naman sakin si Lei. Kumunot ang noo niya. Nagtaka siguro kung bakit ako nandito at kung paano ko nalaman ang office niya.


Kinawayan ko siya. “Hi!”


Hindi niya ko pinansin. Binalingan niya ang apat na employee.


“Hindi ba’t sinabi ko sa inyong pag may naghanap sakin, sabihin ninyong wala?! Mahirap bang intindihin ‘yon?!”


Nakayukong tumayo ang isang employeeng babae. Ito siguro yung executive secretary niya. “Sir, I’m sorry. Sinabi na po namin sa kaniya na wala  kayo.” Sabay tingin sakin.


Waah! Galit pa rin siya sakin until now?


“I’m not referring to her!”


Oh! Hindi naman pala ako ang tinutukoy niya, eh. Eh, sino? Aha! Yung babae kanina. Wait. Hindi kaya ang babaeng ‘yon ang tinutukoy ni Jhom na Leon este yung Leoni?


Napakislot ako nang makarinig ako ng lagabog ng pintuan.


Nilingon ko si Lei. Nakasaradong pintuan na lang ang nakita ko.


Grabe siya. Napasungit niya. Tiningnan ko ang apat na employee. Napailing ako. Kawawang mga nilalang.


“Cheer up, guys! Smile na kayo. Akong bahala sa boss ninyo. Palalamigin ko ang ulo niya.” Akmang papasok ako nang sabay-sabay nila akong pigilan.


“Ma’am, bawal po talaga.”


Nginitian ko sila. “Hindi naman ako ang tinutukoy niya kanina kaya hindi siya magagalit. Don’t worry. Close kami. Ganito o.” Pinagdikit ko pa ang hintuturo at gitnang daliri ko. “Sisigaw na lang ako kapag kailangan ko ng tulong, okay? Kaya intay-intay lang kayo dito, ah. Baboosh!”


Hindi na nila ko napigilan dahil mabilis na kong pumasok ng office ni Lei. Naabutan ko siyang nakaupo sa likod ng table niya at busy sa pagbabasa sa papel na hawak niya.


“How did you know this place? How did you get here? What are you doing here?” sunod-sunod niyang tanong ng hindi man lang ako tinapunan ng sulyap o tingin.


“Hinay-hinay lang sa mga tanong. Mahina ang kalaban, husby.”


“What did you just call me?”


Edi tumingin ka rin. Wahehe.


“Wala, ah.” Inilapag ko ang back pack kong winnie the pooh sa couch na nando’n. Nagpameywang ako at inilibot ng tingin ang loob ng office niya. “Ang laki ng office mo, ah.” Lumapit ako sa nakita kong pintuan. “Dito ka rin ba natutulog? Kwarto mo ba ‘to?” Pero bago ko pa ‘yon nabuksan, narinig ko na ang boses niya.


“Wag na wag mong bubuksan ‘yan.”


Naalala ko ang sinabi ni Tim sakin sa ospital.


“Tuwing sinusumpong siya ng kasungitan niya, wag mo ng patulan. Sakyan mo na lang at wag mo nang kontrahin o kaya tumahimik ka na lang. Pero mukha hindi ikaw yung tipong basta na lang mananahimik.”


I smiled at Lei. “Okay. Madali naman akong kausap, eh.” Pero tama si Tim, hindi ako yung tipong mananahimik na lang. “Pero kwarto mo talaga ‘to?”
Hindi siya sumagot dahil ibinalik niya uli ang atensyon niya sa mga papel na hawak niya.


Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimulang magtingin-tingin ng mga anek-anek na nasa office niya. Ganito talaga ko pag may kausap. Nasanay akong may kinukutinting na kung anu-ano. Para nga daw akong kiti-kiti, hindi mapirmi sa isang tabi.


Yung figurine na nasa naka-display ang napagtripan ko. Kaya lang…


“Don’t touch it.”


Napakamot ako ng kilay. “Okay po.” Yung bookshelves na lang ang pinagtripan ko. At buti na lang, wala kong narinig na saway mula sa kaniya.


“About your questions earlier, the second one. Nag-trike ako, I mean nag-tricycle, jeep at taxi ako nung pumunta ako dito.” Nilingon ko siya para tingnan ang reaksyon niya. Nakita ko lang siyang napapailing. Kumuha ako ng isang libro.


“Yung second question, si Tim ang nagsabi sakin kung sa’ng lupalop ko matatagpuan ang office mo. At ang totoo, siya ang naghatid sakin dito. Joke lang ‘yon kanina. Wahehe! May pupuntahan daw kasi siya na malapit dito at on the way naman ‘tong lugar na ‘to kaya sinabay na niya ko.”


“Si Tim?”


Nilingon ko siya. Nakatingin na siya sakin. Nakakunot ang noo niya.


“Yep. Si Tim, your bestfriend. Do’n din pala siya nakatira sa village. Buti na lang dahil hindi ko na kailangang iuuwi si Snow.” Naalala ko ulit ang nangari sa kaniya. “Sorry talaga sa nangyari sa’yo. I didn’t mean it. Promise.” Itinaas ko pa ang isa kong kamay.


Hindi siya sumagot. Binalik uli niya ang mga mata niya sa hawak niyang mga papel.


“So, yung nga. Siya muna yung umampon kay Snow. Kaya kung nagwo-worry ka na inuwi ko si Snow sa bahay, hindi ko ginawa ‘yon. Itanong mo pa si Tim. Close na kaya kami. Kaw kasi, eh. Hindi ka umuuwi sa bahay. Hindi ka tuloy updated. Although, sinabi naman talaga niyang hindi ka talaga umuuwi sa bahay. Hay… ano ba naman kasing buhay may asawa ‘to.”


Nilingon niya ko. At tiningnan nang masama.


Nag-peace sign ako. “Ito naman, Joke lang ‘yon.”


“Ano ba talagang ipinunta mo dito? Hindi ka naman siguro pumunta dito para daldalan lang ako at para ipamukha sakin na wala akong kwentang asawa.” may diing sabi pa niya sa salitang ‘asawa’.


Itinaas ko ang mga kamay ko. “Chilax ka lang dyan. Masyado kang hot, eh.” Lumapit ako sa couch. Binuksan ang bag ko at inilabas ang dalawang folder. Hindi lang folder ‘yon, may papel sa loob ‘yon. Hindi lang papel, may nakasulat din do’n. Ginawa ‘ko ‘yon habang naka-kampo ako sa bahay niya.


Inabot ko kay Lei ang folder na isa. Yung isa sakin.


“What’s this?”


“Buksan mo.”


Yun nga ang ginawa niya.


“Ay, wait lang!” Kinuha ko uli sa kaniya ang folder. “May question muna ko.”


Humalukipkip siya. “Can’t you see I’m busy?”


“I know you are. Saglit lang talaga ‘to. Ikaw kasi, hindi ka na umuwi kaya hindi ko nasabi sa’yo.”


“So ako pa ang may kasalanan?”


“Sabi ko nga ako diba?” Tumikhim ako. “Bakit ka pumayag sa kasunduan ng mga lolo natin?”


“Because of this company. Mawawala sakin ‘to kapag hindi kita pinakasalan.”


Expected ko nang pwede niyang isagot ‘yon. Hindi lang ‘yan. Marami ng dahilan sa isip ko ang inisip ko na pwedeng idahilan ng lalaking ipinagkasundo sakin. Sabi ko nga diba? Pinaghandaan ko ‘to.


“Bakit nung araw pa na ‘yon?”


“The night before my twenty-fifth birthday, sinabi sakin ng attorney ni lolo na kailangan kitang pakasalan. At ang araw na pwede lang kitang pakasalan ay ang araw na ‘yon. And I have no choice but to marry you.”


“Wow! Talaga birthday mo no’n? Magkasunuran lang pala tayo, eh. Galing-galing naman!” Yung sinabi lang talaga niyang birthday niya ng araw na ‘yon ang pinagtuunan ko ng pansin. Yung mukha tuloy ni Lei, nagtitimpi na.


“Leave.”


“What?”


“I said leave.” madiing utos niya. “You’re wasting my time.”


“Wait! Napaka-hot mo talaga.” Pero bakit parang iba ang meaning no’n para sakin? I cleared my head. “Parehas tayong may dahilan kung bakit natin tinanggap ang kasunduan ng mga lolo natin. May dahilan din ako.”


“Because my grandfather paid you to marry me.”


Nanlaki ang mga mata ko. Parang gusto ko siyang sapukin sa ears, ah. Pero inintindi ko na lang na kakaiba ang takbo ng utak niya. Parang laging bad vibes. Buti na lang ako, good vibes.


“Sa totoo lang, once ko lang naman nakita ang lolo mo. And that was eleven years ago nang mamatay ang papa at lola ko. Ni hindi ko nga alam na ganito kayaman ang lolo mo. At kung nalaman ko man, hindi pa rin ‘yon ang dahilan kung bakit pumayag akong pakasalan kita. Hindi ko na sasabihin sa’yo kasi mukhang hindi ka naman interesado sa dahilan ko.”


“I’m not interested at all. Nakuha ko na ang gusto and I’m done.”


Lei Constantine: Masungit. Ungentleman. Rude. SELFISH - Noted mentally.


At kailangan ko talaga ng maraming patience sa kaniya. Buti na lang marami akong nakaimbak no’n.


“Pa’no naman ako?” hindi nakatiis na tanong ko. Paano na lang yung mga gusto ko habang nakatali ako sa kasal na ‘to? Hindi naman pwedeng siya lang ang makinabang.


“Did you mean anong mangyayari sating dalawa ngayong kasal na tayo? To tell you prankly, wala sa bokabularyo ko ang makulong sa pesteng kasal na ‘to na hindi ko gusto.”


Grabe talaga siya. Ang hard niya talaga. “Edi maghiwalay tayo.”


Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Akala siguro niya ipipilit ko ang pagsasama naming dalawa. Natawa tuloy ako na ikinainis lalo ng mukha niya. Tinakpan ko ang bibig ko. “Sorry.” Tumikhim ako.


“Pinaghandaan ko na talaga ang araw na ‘to.” Na kabaligtaran niya. Windang na windang siya sa kasal namin. “Hindi ako nag-expect na magiging okay tayo bago pa kita makilala. Okay, I lied. Of course nag-expect din akong magiging okay kami ng mapapangasawa ko. Onti lang naman.”


“Yun nga. Parehas tayong may dahilan kung bakit tayo pumayag sa kasal na ‘to na hindi natin gusto. Okay lang sakin na makasama kita araw-araw, pero kung ayaw mo okay lang din sakin. Nabanggit ni Tim na may condo unit ka daw dito at do’n ka naglalagi. Okay, do’n ka na lang. Do’n ako sa bahay mo.”


“Hindi ako nag-e-expect ng kahit na ano mula sa’yo. Hindi mo ko kailangang alagaan dahil responsibilidad mo ko bilang asawa mo. I can take care of myself. Kaya ko ring buhayin ang sarili ko ng hindi umaasa sa ibang tao. And don’t worry, hindi rin ako maghahabol sa kayamanan mo. May mga kondisyon lang ako habang kasal tayo.”


“If ever na dadalaw si lolo o mama o maging ang bestfriend ko sa Antipolo, you need to be there. Kailangang ipakita natin sa kanila na okay tayong dalawa. Hindi ko naman sinabing magpaka-sweet ka. Maging civil lang tayo sa isa’t isa, okay na ko do’n.”


“At dahil bahay mo ‘yon, bilang asawa ko, kahit sa papel lang, ikaw muna ang bahalang mag-provide ng mga basic needs ko sa bahay. Nag-resign na kasi ako sa work ko a week before nating magpakasal. Next year pa ko babalik sa work, kay lolo na ko papasok. May ipon ako kaya lang naka-set aside na ‘yon para ngayong December para sa mga inaanak ko, pamilya at kaibigan ko. Ayoko ding manghiram kina lolo o mama dahil ayoko ng magtanong pa sila ng tungkol sating dalawa. Ayokong mag-alala sila. Babayaran agad kita pagkakuha ko ng sweldo kay lolo. Promise ‘yan.”


“At tutal naman, hindi ka uuwi ng bahay, pwedeng hingin ko na yung susi ng kwarto mo? Nakakangawit na kasing matulog sa couch mo do’n sa sinehan. Ang gulo ko pa namang matulog, lagi na lang akong nahuhulog.”


“At habang kasal pala tayo, hindi ka pwedeng makipag-date sa ibang babae. Gano’n din ako. Ayokong makarating sa pamilya ko kapag nangyari ‘yon. Pero kung gusto mong makipag-date, sige. Basta wag na wag mo lang ipapakita or ipapaalam sa pamilya ko. Ayokong mag-alala sila.”


“Alam nga pala ng mga taong kilala ko na ikinasal na ko. Remember at the party? Nando’n ang mga highschool and college friends ko pati ang mga officemates ko. For sure, kukulitin nila ko na makilala ka although nakita ka na nila no’n. Kahit once lang tayong makipagkita sa kanila. After that, ako na ang bahalang magdahilan sa kanila kapag umulit pa sila.”


“After three months, magpapa-annuled na tayo. Hindi naman mabibigla ang mga taong kilala ko dahil arranged marriage lang naman ‘to. Pwedeng mag-work, pwedeng hindi.”


“Yun lang. Simple lang naman diba?” Binigay ko sa kaniya ang dalawang folder. “Yung mga sinabi ko, halos lahat ng ‘yon nakasulat dyan. You will have your copy. I’m gonna have mine, too. We just need to sign it. And we’re done. Kailangang matupad mo ang mga kondisyon ko or else, madadagdan ng tatlong buwan ang pagsasama natin. Ayaw mo naman sigurong mangyari ‘yon diba? Pero syempre joke lang ‘yon. Hindi naman mabigat yung mga gusto ko diba? Tutal naman nakuha mo na ang kumpanya ng dahil sakin. Any violent reaction?”


Nakatuon lang ang atensyon niya sa dalawang folder na nasa table niya.


“Basahin mo uli kung gusto mo. Pwede ka ding magdagdag kung gusto mo.”


Kumuha siya ng ballpen at pinirmahan ang papel na hindi man lang binasa. Bakit parang inis pa siya?


Pero napangiti pa rin ako. Madali naman pala siyang kausap, eh.


I signed his copy. He signed mine. Prente. Tapos ang usapan.


Mero’n pa pala…


“Lei, mero’n pa palang isang kondisyon.”


“What?” impatient na tanong niya.


“Hindi ka naman siguro mawawalan dito. Kailangan din natin ng abogado dito kung sakali.”


Napahawak siya sa noo niya. Inikot niya ang swivel chair niya paharap sa glass window. “Sabihin mo na. Bilisan mo.”


Huminga muna ako nang malalim. “Gusto kong bigyan ng apo ang lolo ko.”


“What?!” malakas na tanong niya sabay harap sakin.


“You heard it, right. Gusto kong magkaanak sa’yo.” Tumalikod ako at lumapit sa bookshelves. Inabala ko ang sarili ko sa pagkutingting ng mga libro.


Waah! I want to die na! Grabe! Paano ko nasabi ‘yon ng hindi nabubulol? Waah! Never pa kong nagka-boyfriend tapos… Waah! Parang wala lang sakin ang sabihin na gusto kong magkaanak sa kaniya. Waah! Eat me alive, earth!


“Gusto mong may mangyari satin?”


Napaderetso ako ng pagkakatayo. Naramdaman ko rin ang pagtigas ng likod ko. Malapit lang ang boses niya. So it means…


Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Only to find out na nasa likuran ko na siya ilang hakbang mula sakin.


Pinilit kong ngumiti kahit ang awkward ng topic namin. “Kailangan naman talagang may mangyari sa dalawang tao para makabuo diba?” Ang galing mo talaga, Chloe! Hindi ka nabulol. Pero… waah! Eat me alive, earth! “Saka hindi naman—”


“Such a naïve.”


“Hah?”


Humakbang siya palapit sakin hanggang nasa mismong harapan ko na siya. At dahil matangkad siya, nakatingala tuloy ako sa kaniya.


“Alam mo bang pwede kang magkaanak kahit hindi mo gawin ‘yon at kahit hindi sakin?”


Ginawa pa kong shunga nito. Syempre alam ko din ‘yon. Saglit tuloy nawala ang pagka-awkward ko. “I know. Through artificial insemination. Bakit pa ko maghahanap ng donor kung pwedeng ikaw na lang? Besides, gusto ng mga lolo natin na magka-apo sating dalawa. Sakin at sayo, hindi sa kung sinong poncio pilato. Saka hindi pa kaya ako tapos sa sinasabi ko kanina. Feeling naman nito. Hindi ko sinabing gusto kong may mangyari sa’tin para mabuo si baby. Artificial insemination. Yun ang choice ko.”


“Are you still a virgin kaya natatakot kang may mangyari satin? May virgin pa palang babae ngayon.”


Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, feeling ko nagkulay kamatis ang mukha ko. “Hindi ‘no!” Waah! Sino ka bang hindi na ko virgin? Waah! Takte! Eat me alive, earth! Hindi totoo ‘yon! Virgin pa ko!


“Then why are you blushing? You’re still a virgin, right?”


Pinaglalaruan niya ko. Natutuwa siya sa nakikita niyang reaksyon ko base na rin sa pagtaas ng sulok ng labi niya. “Whether I am or not, labas ka na do’n.”


“Eh, paano kung…” Niyuko niya ko. Napasandal tuloy ako sa bookshelf na nasa likuran ko. Tinukod niya ang isa niyang kamay sa gilid ko, malapit sa leeg ko.


Napalunok ako. “A-anong paano?”


“What if I choose to have sex with you than that stupid insemination?”


Nanlaki ang mga mata ko. Lalo na nang unti-unting bumaba ang mukha niya palapit sakin. Naramdaman ko ang init na nagmumula sa kaniya.


“We’re married, woman. Ikaw ang nagsabi na pwede kong dagdagan ang mga kondisyon na sinabi mo kanina. I’m a man and I do have needs na…” Binitin niya ang sinasabi niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko.


Napalunok ako. Ramdam ko ang mainit niyang hininga. Hindi naman mabaho, mabango nga, eh. Ramdam ko rin ang pagpa-palpitate ni heart. Hindi ko alam kung natutuwa o kinakabahan o naeexcite. Naeexcite sa kiss niya?


Waah! Ano ba ‘tong iniisip ko? Umayos ka nga, Chloe. Mag-isip ka nang matino.


Sino bang makakapag-isip nang matino kapag kaharap mo ang lalaking ‘to? Para niyang hinihigop ang kaluluwa ko sa simpleng titig niya. Kaya ba baliw na baliw dito ang Leoni na ‘yon?


“Don’t worry, woman. I don’t sleep with woman I don’t like.”


Sa sinabi niya ay natauhan ako. Para naman niyang sinabing wala akong appeal. Sa inis ko, dinutdot ko ang noo niya. “Ayoko din ‘no! Feeling nito.” Tinapik ko ang pisngi niya. Bakit ang init ng pisngi niya? “Saka lumayo ka nga. Hindi ako makahinga ng mabuti. Inaagaw mo yung oxygen ko, eh.”


Pero hindi pa rin siya kumilos. Hindi na siya nakatingin sakin. Nakatingin siya sa ibabaw ng ulo ko. Saka yung mukha niya, parang may masakit siyang nararamdaman.


“Uy! Lei!” Tinapik ko uli ang pisngi niya. Bakit parang nanlalamig siya na mainit at the same time? Ang gulo naman ng temperature ng katawan niya. Alien ba siya?


“Not again.” Pinikit niya ang mga mata niya.


“Lei, okay ka lang?”


“I’m fine.” Pero nanatili pa rin siyang nakapikit.


“Bakit parang—”


“Where’s that freaking stupid woman?!”


Boses ‘yon mula sa labas. Boses ng isang babae. Biglang nagbukas ang pintuan ng office ni Lei. Yung mataray na babae kanina. Nasa likuran niya ang secretary ni Lei kung tama nga ba akong secretary niya ‘yon.


Napalipat-lipat ang tingin ni Leoni saming dalawa ni Lei, kung tama nga ba akong siya si Leoni. Yung tingin niya samin ni Lei na parang may ginagawa kaming masama. Sabagay, yung pwesto kasi naming dalawa. Kahit sinong makakakita, iisiping may ginagawa kaming kababalaghan na dalawa.


“What’s the meaning of this, Lei?!”


Grabe naman maka-react ‘tong babaeng ‘to. Girlfriend lang? Ang chika ni Jhom kanina, hindi naman daw girlfriend ni Lei ang babaeng ‘to. Never daw nagka-grilfriend ng matino si Lei. Puro mga flings lang.


Naningkit ang mga mata ng babae nang mapatingin siya sakin. “You freaking bitch!” Wow! Tinawag niya kong bitch? Ako ba ‘yon? O banlag lang siya? Baka naman si Lei ang tinawag niyang gano’n? Mabilis siyang lumapit samin. “How could you! Bakit sinabi mong may tartar ang teeth ko?”


Ay! Ako nga ‘yong tinawag niyang bitch! Dapat mainis na ko, pero hindi, eh. Natawa pa ko. Hindi ko talaga mapigilan dahil naalala ko ang ginawa kong kalokohan kanina sa kaniya.


Nakakatawa naman kasi. Naniwala talaga siya tapos ang late naman ng reaction niya. Ngayon lang niya ko sinugod. Baka naman pumunta pa siya sa dentist niya para ipatingin kung may tartar talaga siya.


“May gana ka pang tumawang babae ka! Bitch! Mang-aagaw!”


Akmang sasampalin niya ko nang may pumigil sa braso niya. Si Lei. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Wow, ah. Feeling knight in shining suit ang peg ng husby ko?


“Don’t call her bitch, Leoni.” Tama nga ako. Siya nga si Leoni. “She’s my wife.” madiing sabi ni Lei.


Wow, ah. Wife. Feel na feel ko naman ang pagtawag niya sakin no’n. Kabaligtaran naman ni Leoni na nanggagalaiti.


“That’s not true!”


“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na kinasal na ko? Nakita mo naman ‘to diba?” Napatingin ako sa kaliwang kamay ni Lei. Hindi ko mapigilang mapangiti. Yung wedding ring niya. Akala ko ba hindi niya gusto ‘tong kasal na ‘to? Bakit suot-suot niya ang wedding ring niya?


“It’s fake! Ang sabi mo wala sa vocabulary mo ang magpakasal. Then in just a snap of finger, sasabihin mo saking kasal ka na? If you’re doing this for me to stay away from you. No way!”


Napakamot ako ng noo. Mukhang ayaw magpatalo ng babaeng ‘to. Mahirap umintindi.


Tiningnan ko si Lei. Napailing ako. Kawawa naman ang mokong. He looked so tired na nga, dumagdag pa ang babaeng ‘to. Parang kailangan niya ng princess in shining red t-shirt sa itsura niya. Kahit hindi naman shuma-shine ang t-shirt ko, kunwari lang. Imaginin ninyo na lang.


Dahil asawa ko na siya, parte na rin siya ng buhay ko. At ang mga taong parte ng buhay ko, ayokong maging malungkot o pahirapan ng ibang tao.


Then maybe it’s my turn to epal.


“Ehem! Ehem! Excuse me pow!”


“I’m not talking to you, bitch! Shut up! Mukha ka lang nagtitinda sa market kaya hindi ka papatulan ni Lei! Mangarap ka ng gising!”


Aba! Ako pa daw ‘tong mangarap ng gising? At ilang beses na niya kong tinawag na bitch. Teka nga. Hindi naman ako papayag na inaapi ako. Aba! Ako kaya si Chloe Salazar. Wala lang. Binanggit ko lang ang maganda kong pangalan.


“Lei! Tell me the truth! You’re lying, right?! You’re just lying!”


Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. Kailangang sumigaw?


“Hoy, Leoni na kinuha ang pangalan sa Leon.”


Nanlaki ang mga mata ng babae sa sinabi ko. Sinamantala ko ‘yon para pangaralan siya ng tumuwid naman ang landas niya.


“Wag mo ngang sinisigawan ang asawa ko. Bakit? Isang metro ba ang layo niya sa’yo para sumigaw ka? Nakita mo na ngang pagod yung tao tapos sisigaw ka pa? Nakakairita kaya sa ears, you know?”


“I’m not taking to—”


“Wait!” Tinaas ko ang kamay ko para patigilan siya. “Nag-is-speech pa ko. Mamaya ka na, okay? See this?” Pinakita ko ang wedding ring ko. Hinawakan ko ang kamay ni Lei at pinagtabi ang mga kamay namin. “You’re not blind naman diba? We are already married. When? Nung birthday niya. Destiny nga kami kasi magkasunuran lang ang birthday namin. Alam mo bang pinuntahan pa niya ko sa bahay para magpakasal kami? How sweet of him, right?”


“Secret lang yung wedding namin. You know why? Ang gwapo naman kasi ng asawa ko. Balita ko ang dami daw naghahabol sa kaniya.” Yun ang sabi sakin ni Jhom kanina. “Ayoko namang masira ang araw ng kasal ko kapag may mga babaeng bigla na lang sumulpot sa simbahan at pigilan ang kasal namin. Dadagdag pa sila sa mga bisitang pakakainin ko.”


“At bakit ganito ang get up ko? Siya kasi ang bumili ng shoes at t-shirt na ‘to, eh. Tapos sabi pa niya suutin ko ngayon. Masunurin akong asawa kaya sinuot ko. Bait ko ‘no?”


“You’re lying.” madiing sabi ni Leoni. “I don’t even know you. I don’t even remember seeing you.”


Ayaw niya talagang magpatalo. “Hindi mo talaga ko makikita kasi nakatago ako. Nakatago ako sa isang cage na matatagpuan sa Amazon.”


“What?!”


“Joke lang.” natatawang sabi ko. “The truth is na-love at first sight sakin si Lei kaya niya ko pinakasalan. End of story.”


“Niloloko ninyo lang ako. Magkasabwat kayo dito.”


Hay… seryoso naman ako, ah. May halong joke nga lang. Hindi ko mapigilan, eh. Tiningnan ko si Lei. Mukha siyang inis at hindi natuwa sa mga sinabi ko. Okay. Magseseryoso na nga.


Binulungan ko si Lei. “Smile ka naman dyan. Kaya ayaw niyang maniwala kasi parang tinutukan kita ng shotgun para pakasalan ako.”


“Ikaw ang tumahimik.” bulong niya.


“Tinutulungan na nga kita, eh.”


“You’re not.”


“Can you stop whispering in front of me?!”


Napalingon ako kay Leoni. Para siyang Leon na handa nang manakmal.


Sumeryoso na ko. Yung seryosong-seryoso. At pag seryoso ako, nag-iibang tao ako. Nagiging Dyosa ako. De joke lang. Serious na talaga.


Kumapit ako sa leeg ni Lei. Ang init niya talaga. Tumingkayad ako. Ang tangkad naman kasi niya.


“What are you doing?” bulong niya.


Hindi ko siya pinansin at seryosong tiningnan si Leoni. “I don’t know who are you aside from you’re name, miss. You don’t even know me at all so stop calling me bitch because you are the one who’s acting like a real one.” Sinabi ko ‘yon nang may diin sa bawat salitang binitiwan ko.


“Remember this and put this in your twisted, delusional, psychotic head.” My God! I loved this line! Anne Curtis, idol! Yuhoo! “This guy is mine already. And what’s mine is mine alone. Ayoko ng kahati, ayoko ng kaagaw. Akin lang siya.” At akin din ‘tong line na ‘to! From the bottom of my hypothalamus ko kinuha ‘to!


Feel na feel ko ang lines ko, eh. Parang eksena lang sa movie. Kasi kung nagkataong trulalu ang marriage na ‘to, aba! Hindi ata ako papayag na may umagaw sa asawa ko!


Naramdaman ko ang mga kamay ni Lei sa beywang ko.


“And this would help us to convince her.”


Napatingin ako sa kaniya. Dahil sa sinabi niya. Huli na para malaman ko ang gagawin niya dahil gadangkal na lang ang layo ng mukha niya sakin. Hindi ko napansin ‘yon dahil busy ako sa pag-iinternalize sa mga lines ko kanina. Huli na rin para umiwas ako dahil sa kabiglaan ko.








His lips touched mine!


= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^