Sunday, December 15, 2013

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 6



CHAPTER 6
( CHLOE’s POV )


“Hahahaha! Grabe talaga! Sina—hahahaha! Hindi ko—hahahaha—sasabihin—hahahaha!”


Okay. Gets ko na gets ko ang mga sinabi niya. Grabe talaga ‘tong si Ren. 

Naturingang bestfriend ko, pero kung pagtawanan ako, parang wala ng bukas.


Tinawagan niya kasi ako at nangamusta. Sinabi ko na rin sa kaniya ang set up namin ni Lei pati yung kasunduan na binigay ko. Ayoko namang maglihim sa kaniya. Mas okay na rin yung may isang taong nakakaalam.


Pero hindi ko pa natatapos ang kwento ko hanggang sa pagdating ni Leoni dahil inulan na ko ng tawa ni Ren mula sa kabilang linya nang sabihin ko sa kaniyang sinabi ko kay Lei na gusto kong magkaanak.


Ano ba kasing nakakatawa do’n?


“Grabe talaga! Hahahaha! Ikaw ba—hahahaha!”


“Hoy! Karen Princess Feirri! Magtigil ka nga dyan! Tatanggalin ko ‘yang invisible mong pakpak, makita mo! Wala namang nakakatawa sa sinabi ko! Nakakahiya nga, eh! Ang bad-bad mong kaibigan!” Never in my whole na inimagin kong sasabihin ko sa isang lalaking hindi naman ako gusto at hindi ko gusto at lalong hindi ko pa masyadong kilala ang mga salitang ‘yon.


“Gustong kong magkaanak sa’yo.”


Waah! Putek! Lakas at tibay ng loob ang ginamit ko para masabi ko ‘yon.


“Yun nga, eh. Ikaw? Chloe? Inalok ng indecent proposal ang isang lalaking hindi mo gusto, hindi ka gusto at hindi mo naman masyadong kilala.” natatawang sabi niya. “Sinong hindi matatawa sa’yo?”


Nasabi ko na bang isa lang ang takbo ng mga braincells namin? Inulit niya lang yung inisip ko kanina.


At kung nasa tabi ko lang siya, baka nakurot ko na siya ng isang milyon. “Anong indecent proposal ka dyan! Para namang sugar mommy ang dating ko nito! Hello! Sa ganda kong ‘to?”


“Eh, kasi naman, Chloe—hahahaha! Naiimagin ko na ang itsura ng asawa mo. Parang—hahahaha! Kaya siguro sumakit ang tiyan—hahahaha!”


Okay. Tumawa na naman ho siya.


“Hoy Karen Princess! Kadalaga mong taong bata ka, kay lakas mong tumawa! Umayos ka nga bago pa kita makurot sa singit dyan!”


Boses ‘yon mula sa kabilang linya. At kahit hindi ako magtanong, alam ko kung kaninong boses ‘yon. Sa Lola Ising niya.


“Best, later na lang. Si lola, eh. Pero best turuan mo nga ko kung paano mo nagawa ‘yon. Kasi naman—hahahaha!”


Tawa niya ang huling narinig ko bago siya mawala sa kabilang linya.


“Kainis talaga siya. Hmp!” Humiga ako sa couch. Nandito ako sa sinehan. Alam ninyo na kung sa’n ‘to. Nandito na ko sa bahay ni Lei. Sa favorite room ko. “Hindi ko na tuloy na-kwento ang pang-famas kong pag-arte ng dumating si Leoni.”


Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Ang eksenang ‘yon. Napahawak ako sa labi ko.



- F L A S H B A C K -


“Remember this and put this in your twisted, delusional, psychotic head.” My God! I loved this line! Anne Curtis, idol! Yuhoo! “This guy is mine already. And what’s mine is mine alone. Ayoko ng kahati, ayoko ng kaagaw. Akin lang siya.” At akin din ‘tong line na ‘to! From the bottom of my hypothalamus ko kinuha ‘to!


Feel na feel ko ang lines ko, eh. Parang eksena lang sa movie. Kasi kung nagkataong trulalu ang marriage na ‘to, aba! Hindi ata ako papayag na may umagaw sa asawa ko!


Naramdaman ko ang mga kamay ni Lei sa beywang ko.


“And this would help us to convince her.”


Napatingin ako sa kaniya. Dahil sa sinabi niya. Huli na para malaman ko ang gagawin niya dahil gadangkal na lang ang layo ng mukha niya sakin. Hindi ko napansin ‘yon dahil busy ako sa pag-iinternalize sa mga lines ko kanina. Huli na rin para umiwas ako dahil sa kabiglaan ko.


His lips touched mine!


Nanlaki na lang ang mga mata ko. Kitang-kita ko tuloy ang mukha ni Lei. His eyes were closed. At hindi ko rin alam kung bakit napapikit na lang ako.


Ganito ba?


Ganito ba ang pakiramdam ng hinahalikan?


Yung mga nababasa ko, ang sabi daw may spark kang mararamdaman. Bakit nararamdaman ko ‘yon?


Bibilis daw ang tibok mo. Bakit nararamdaman ko ‘yon?


Para ka daw pinaghehele ng mga anghel. Bakit nararamdaman ko ‘yon?


At para daw titigil ang pag-ikot ng mundo mo. Bakit nararamdaman ko ‘yon?


At mararamdaman mo lang daw ang mga ‘yon if you like the person you are kissing. Bakit nararamdaman ko ‘yon kung hindi ko naman gusto ang lalaking ‘to?


O baka naman dahil lang masarap siyang humalik?


Waaah! Gumising ka na, Chloe! Itulak mo siya! Wala sa kasunduan ninyong pwede ka niyang halikan! Wake up, girl!


Pero bakit ayaw sumunod ng katawan ko? Bakit hindi ko siya magawang itulak? Para kasing may magnet ang labi niya kaya na-stock up na yung lips ko sa lips niya.


This is my first real kiss dahil sa pagkakatanda ko, smack lang yung ginawa ko sa kaniya no’n.


This is my first real kiss kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko dahil kusa na lang kumilos ang mga labi ko para…


“She’s gone.” I heard him murmured against my lips.


Ano daw? Nawala na rin yung pakiramdam na may malabot at mainit na bagay na nakalapat sa lips ko.


I opened my eyes. I saw him. He was not looking at me. Nakatingin siya sa pintuan. Tiningnan ko ang tinitingnan niya. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil wala na pala si Leoni pero yung isang employee na babae. Yung secretary niya ata. Nakatingin saming dalawa. Nang marealize siguro niyang para siyang sirang nakatayo do’n, mabilis siyang lumabas.


My God! Nakakahiya! Eat me alive, earth!


“Great act. Magaling ka naman palang umarte.”


Napalingon ako kay Lei. Saka ko lang na-realize na nakapaikot na ang dalawang braso ko sa leeg niya. Nakayakap din ang mga braso niya sa beywang ko. In short, wala ng space sa pagitan naming dalawa.


At ang init-init!


My God! Ginawa ko ba talaga ‘to? Never pa kong naging ganito ka-intimate sa isang lalaki! Eat me alive, earth!


Inalis ko ang mga kamay ko sa leeg niya at akmang lalayo sa kaniya nang maramdaman kong nanginginig ang mga tuhod ko. Tuluyan na niya kong binitawan. Kumapit naman agad sa mga balikat niya.


“What? You want another round again?”


Sunod-sunod akong umiling. Hindi ko pwedeng sabihing nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa…


Putek! Because he just kissed me!


“I’m sorry, miss. Pero pagod na ko. And one more thing, you’re such a looser kisser. Don’t you even know how to kiss?”


Namula ako. Ramdam kong namula talaga ang mukha ko. How dare him! Edi siya na ang masarap humalik este sanay humalik!


Tapos kanina lang wife ang tawag niya sakin. Ngayon miss na lang. Doesn’t he even remember my name? Pinakasalan niya ko tapos hindi niya matandaan ang pangalan ko? Anong klase siyang nilalang para makalimutan ang maganda kong pangalan?


“You’re blusing again. This is your first kiss, right?”


“Shut up.” madiing sabi ko. Bakit ba natutuwa siyang paglaruan ko? Hindi niya ba alam na nakapa-ungentleman ng ginagawa niya? Kailangan ba niyang ipamukha sa isang babae na virgin siya at wala siyang kwentang humalik? Kailangan bang ipamukha niya sakin ‘yon?


Yumuko na lang ako at hindi na sinalubong ang mga titig niya. Humanda talaga siya sakin! Kapag nakabawi na ang mga tuhod ko, kapag nakabawi na ako ng lakas dahil hinigop niya ata lahat ng energy ko, gaganti ako sa kaniya. Aalisan ko siya ng lahat ng hairs niya sa katawan. As in lahat. Ah, no! Upper part lang pala.


“You can leave, now. Marami pa kong trabahong tatapusin.”


Grabe siya! Over grabe talaga niya! After niya kong halikan ng walang paalam, papalayasin niya ko?! After ko siyang tulungan sa Leon na babaeng ‘yon, patatalsikin niya ko dito sa office niya?!


Akmang bibitawan niya ko nang higpitan ko ang pagkakahawak sa balikat niya.


“Ayoko na ngang halikan ka.”


“Shut up, Lei. Feeling mo naman gusto pa kitang halikan. Pinupulikat ang paa ko sa pagkakatingkayad dito kaya hindi ako makagalaw. Kasalanan mo ‘to, eh. Ang tangkad mo kasi.” Kasalanan mo ‘to, eh. Hinalikan mo pa kasi ako.


Naramdaman kong umangat ako kaya napatingin ako sa kaniya. He carried me and put me down in the sofa.


Tumalikod siya at bumalik sa table niya. Pero hindi siya umupo. Nakaharap siya sa glass wall ng office niya kung sa’n tanaw ang malalaking building mula sa labas. Nagpamulsa siya.


Hinilot ko kunwari ang paa ko kahit hindi naman talaga masakit. Ilang beses akong huminga nang malalim para i-relax ang isip ko. Pati ang puso ko na hanggang ngayon, ang bilis-bilis pa rin ng pagtibok.


“Relax lang, heart. Baka magulat na lang ako lumabas ka na dyan sa dibdib ko. Baka matsugi ako ng wala sa oras nito.” bulong ko.


Nilingon ko si Lei. Nakahawak na siya sa table niya habang ang isang kamay niya nasa beywang niya.


“Why did you kiss me? Wala sa usapan natin ‘yon.”


“You started it. Bakit ka yumakap sa leeg ko? Besides, hindi agad maniniwala si Leoni. And she knows that I don’t kiss a girl sa harap ng mga babaeng humahabol sakin para lang tigilan nila ko.”


Nanlaki ang mga mata ko. “Ibig sabihin, lagi mo akong hahalikan in front of her? Hindi lang sa kaniya kundi pati sa iba pang girls na humahabol sa’yo para tigilan ka na nila? My God! Ilang babae ba sila? Waah! Ayoko nga!” So lagi niyang hihigupin ang energy ko? Waah!


“Marami.”


Gusto nang lumabas ng eyeballs ko literally. Isipin ko pa lang na hahalikan niya ko sa harap ng mga babaeng ‘yon, kinikilig na ko. Waah! Wait! Sinabi ko bang kikiligin ako? I didn’t mean that. Ang ibig kong sabihin, kikilabutan ako. Diosme! Hindi ako sanay sa PDA ‘no! Never ko ngang nagawa ‘yon dahil never naman akong nagka-boyfriend.  


Kainis naman kasi ‘tong lalaking ‘to.


- E N D  O F  F L A S H B A C K -


 
Naputol sa pagbabalik-tanaw ang isip ko nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko ‘yon at nakita kong tumatawag si Tim. Sinagot ko ‘yon.


“Goodmorning, Doc!”


“Goodmorning, Chloe! Kamusta ang pasyente natin dyan?”


“Kakasilip ko lang sa kwarto niya kanina. He’s sleeping like a baby.”


“Bantayan mo ng mabuti ‘yang asawa mo, Chloe. Kilala ko ‘yan. Tatakas at tatakas ‘yan. Hari ng katigasan ng ulo ‘yan, eh.”


“Relax lang, Doc. Baka magka-wrinkles ka niyan sige ka. Bawas sa chicks ‘yan.” Sa ikli nang pagkakakilala ko sa kaniya, nalaman kong may pagka-chickboy ang doctor na ‘to.


“Sa lahat kasi ng naging pasyente ko, siya ang pinakamatigas ang ulo.” Narinig ko siyang napabuntong-hininga sa kabilang linya.


“Don’t worry, Tim. I’ll take care of him. Hindi siya makakatakas sakin.” Narinig ko ang pangalan niya na tinatawag mula sa speaker ng ospital. Duty niya kasi ngayon. “Tinatawag na ang maganda mong pangalang Timothy.”


Nagpaalam na siya. Lumabas naman ako ng sinehan at tsinek ang pasyente ko sa kwarto niya. Tulog pa rin siya. Lumapit ako sa kama niya at umupo sa upuan na nasa tabi ng kama niya.


Bumalik sa alaala ko kung bakit nandito siya sa bahay niya at wala sa condo niya o sa office niya.



- F L A S H B A C K -


“Why did you kiss me? Wala sa usapan natin ‘yon.”


“You started it. Bakit ka yumakap sa leeg ko? Besides, hindi agad maniniwala si Leoni. And she knows that I don’t kiss a girl sa harap ng mga babaeng humahabol sakin para lang tigilan nila ko.”


Nanlaki ang mga mata ko. “Ibig sabihin, lagi mo akong hahalikan in front of her? Hindi lang sa kaniya kundi pati sa iba pang girls na humahabol sa’yo para tigilan ka na nila? My God! Ilang babae ba sila? Waah! Ayoko nga!” So lagi niyang hihigupin ang energy ko? Waah!


“Marami.”


Gusto nang lumabas ng eyeballs ko literally. Isipin ko pa lang na hahalikan niya ko sa harap ng mga babaeng ‘yon, kinikilig na ko. Waah! Wait! Sinabi ko bang kikiligin ako? I didn’t mean that. Ang ibig kong sabihin, kikilabutan ako. Diosme! Hindi ako sanay sa PDA ‘no! Never ko ngang nagawa ‘yon dahil never naman akong nagka-boyfriend. 


Kainis naman kasi ‘tong lalaking ‘to.


“Ano ba kasing nagustuhan na sila sa’yo?” hindi napigilang tanong ko.


“I don’t know. Maybe because of my money. I really don’t know. Nakakapagod na silang itaboy ng itaboy. Nakakapagod na.”


Hindi ko alam pero I heard something behind his voice. Para bang may ibang meaning yung sinabi niyang ‘nakakapagod’. Para bang napapagod na siya sa nangyayari sa paligid niya. Hindi ko alam pero yun ang naramdaman ko habang nakatingin sa likuran niya.


Parang gusto ko siyang i-comfort at sabihing, ‘Kaya mo ‘yan, Lei. Ikaw pa. Nandito lang ako. Ready akong maging clown mo para mapangiti ka. Asawa mo naman ko diba kahit sa papel lang.’


Hindi ko alam pero yun ang pumasok sa isip ko ngayon. Parang yung naramdaman ko kanina nang dumating si Leoni at nakita ko yung mukha ni Lei na parang pagod na. Yung naramdaman kong gusto kong maging princess in shining red t-shirt sa kaniya.


Pero mas mataas ang level ng nararamdaman ko ngayon. Hanep! Lume-level up ang peg.


Kidding aside, ayoko talagang nakikitang malungkot ang mga taong parte ng buhay ko. Katulad ng sinabi ko kanina, part na si Lei ng buhay ko dahil asawa ko na siya.


Nag-isip ako ng pwede kong gawin nang lumipad ang tingin ko sa bilog na bagay na nasa table niya. Paper weight ‘yon. Lumapit ako sa table niya at kinuha ‘yon. Isa pa lang snow globe.


May nakita kong pangalan sa ilalim no’n.


Larah? Sino naman si Larah?


Nagkibit-balikat na lang ako at pinagmasdan ang loob ng snow globe.


May dalawang bata na nasa loob, girl and a boy. Nakaupo sila sa lap ni Santa Claus na napapaligiran ng mga dwarf at raindeer niya. At kapag kinalog mo, may mga parang snow na maggagalawan at magliliparan sa loob. Oo nga pala. Kaya nga snow globe ang tawag dito kasi may snow sa loob.


Malapit na pala ang Christmas. Sayang wala kong mapupuntahang Christmas party. Nag-resign na ko sa work ko, eh.


Teka. Christmas party.


Naalala ko ang himutok ni Jhom kanina.


“Sabihin mo naman kay Ren, Chloe, magkita-kita tayo. Gawa tayo ng mini Christmas party. Hindi ako aatend ng Christmas party dito sa CTC. Ang chaka! Ang boring! Hindi ko nga alam kung matutuloy ‘yon o hindi, eh. Simula talaga nang mawala si President Gener, yung lolo ni Sir President Lei, wala ng kabuhay-buhay ang Christmas party namin. Wala naman kasing kabuhay-buhay ang boss namin.”


Aha! May naisip na bright idea ang mga brain cells ko.


“Don’t touch it.”


Napalingon ako kay Lei nang kunin niya sakin ang snow globe.


“Umuwi ka na.” Lumapit siya sa isang cabinet at binuksan ang isang drawer do’n. May folder siyang kinuha.


“Pumapayag na ko.” I said.


Nilingon niya ko. “What?”


Kumunot ang noo ko nang may mapansin ako sa kaniya. “Lei, okay ka lang. Bakit parang namumutla ka?”


Iniwas niya ang tingin niya at ibinalik ang atensyon sa folder na hawak niya. “Sabihin mo na yung gusto mong sabihin at umalis ka na. Kanina ka pa dito. Ang dami ko ng nasayang na oras sa’yo.”


“Tutulungan kita para itaboy ang mga girlalung lumalapit sa’yo. Papayag na kong halikan mo ko. Basta ano… smack lang. Okay na siguro ‘yon.” Tumikhim ako. “Pero dapat may kapalit din yon, ah. Ikaw din, hanggang pagtanda mo, sasakit ang ulo mo sa kanila. Gusto mo ba ‘yon?


Parang isang dekada ang dumaan bago siya sumagot.


“Anong kapalit?”


Nakahinga akong maluwag. “Ako ang mag-oorganize ng Christmas party ninyo.”


Parang dalawang dekada naman ang dumaan bago siya sumagot.


“Bahala ka. Umalis ka na.”


“Does it mean na pumapayag ka na?”


“Umuwi ka na.”


“Wala ng bawian, ah! Pumayag ka na! Yes! Magpapatulong na lang ako do’n sa apat mong employee sa labas.” Tuwang-tuwang lumabas ako ng office niya.


Sabay-sabay na tumayo ang apat na employee na nando’n. Tumabingi ang ngiti ko nang maalala kong nakita ng isa sa kanila ang nangyari kanina. At baka nga, na-kwento na niya ‘yon sa kanila.


“Hi po, ma’am.”


“Sorry po kanina kung hindi namin kayo pinapasok.”


“Hindi po kasi namin alam na asawa po kayo ni Sir.”


“Sorry po talaga. Hindi po kasi namin alam na nag-asawa na si Sir.”


Nginitian ko sila. “Naku! Okay lang yun ‘no! No offense meant. Biglaan din kasi yung kasal naming dalawa. O, hindi ako preggy, ah. Ano lang… na-love at first sight yung boss ninyo sakin kaya hindi na niya ko pinakawalan.” Dinugtungan ko ng tawa para naman gumaan ang atmosphere sa paligid namin. Nailang ata sila bigla. O baka natakot na pagalitan sila ni Lei dahil napagkamalan nila ako na kung sino.


Nakita kong napangiti na rin sila.


“I’m Chloe Sa—Constantine.” Nakakapanibago, ah.


Isa-isa rin silang nagpakilala. At tama nga ako, yung babaeng nakakita sa kissing scene namin ni Lei ang executive secretary niya na nagngangalang Cyrish. Halos magkakasing-edad lang kaming lahat.


“About nga pala si Christmas party ninyo, gusto ko sanang tulungan ninyo ko. May naisip na kasi akong theme, eh. Kailan ba ’yon?”


“Ah, Ma’am Chloe.” sabi ni Cyrish.


“Chloe na lang. Hindi ninyo naman ako amo, eh. Nakakailang.”


“Baka pagalitan po ako ni Sir President.”


“Sige. Pero pag tayo-tayo lang ang magkakaharap, Chloe na lang, okay.”


Napatango na lang siya. “Yun nga po, Ma’am Chloe.” Napakamot na lang ako ng kilay. Hindi ko na siya tinama para matapos na ang usapan namin. “Supposedly, sa December 23 po ang christmas party ng CTC. Kaya lang, maraming department ang nagbigay ng letter na hindi sila makaka-aattend. Hinihintay pa po namin ang approval ni Sir kung ika-cancel na”.


“Bakit naman? Ang sad naman no’n. Wala kayong Christmas party.”


“Ano po kasi…”


“I know. May nakapagsabi na sakin. Boring daw ang Christmas party dito.”


“Sayang nga po. May mga award pa naman na ibibigay sa mismong party para sa mga employee na magagaling ang performance through out this year. Nakipag-coordinate na ko sa mga department heads. Naayos ko ng lahat ng bibigyan ng awards. Yun nga pala po. Mukhang maka-cancel pa.”


“Sayang naman. Kailangang matuloy ang party ninyo.” And I have seven days kung isasama ang araw ngayon para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin bago ang Christmas party. Kaunting pagsasaayos lang naman. May naisip ako.  “Sa’n ba yung audio room ninyo dito? Yung maririnig ng lahat ng tao sa building na ‘to ang announcement ko?”


“Ano pong gagawin ninyo?”


Nginitian ko sila. “Basta. Leave everything to me.”


Sinamahan ako ni Rhen. Yung isang employee na lalaki. Kapangalan pa niya ang bestfriend ko, ah. Yun nga lang, walang letter H si best. Si Rhen mero’n.


Nakarating kami sa audio room ng building. Pinakilala ako ni Rhen na asawa ni Lei. Syempre. What to expect? Nagulat ang dalawang lalaking nakatoka do’n. Gulat na gulat. Pero mukhang naniwala naman sila sa sinabi ni Rhen. May pagka-seryosong tao kasi si Rhen, ayon sa observation ko.


Umupo na ko sa pwesto ko. “Hello. Mic test. Test Mic.”


“Ah, ma’am. Okay na po ‘yan.”


Nag-peace sign ako sa kanila. “Sorry.” I cleared my throat. “Calling the intention of all the employees in this building. Lahat po. As in lahat. Nakikinig na po ba kayo?” I paused for a while.


“Mukhang nakikinig na po kayo. Una sa lahat, walang halong biro at pawang katotohanan lamang ang sasabihin ko. Hindi po ako nangti-trip ngayon. Pinapaalam ko lang na alam ‘to ni Mr. Lei Constantine. May approval niya ako para gawin ‘to. Pag hindi ako natapos sa mga sasabihin ko, ibig sabihin sinugod niya na ko dito. Gilitan ninyo na ko.”


Lei, wag na wag mo akong susugurin dito. Parang awa mo na. Ayoko pang matsugi ng maaga.


Tumikhim ako.


“Nalaman ko from a trusted source na maraming department ang hindi aattend ng Christmas party. Why naman po, guys? You know what, that is best party ever when December strikes. Masaya pong umatend ng Christmas party. Minsan lang tayo magsaya sa isang taon sa sobrang busy natin sa mga trabaho natin. Alam ko po ang pakiramdam na ‘yan. Kaya pag dumadating ang Christmas party namin, talagang umaatend ako. Isang araw na free stress, ayaw ninyo ba no’n?”


“Sabagay, bakit nga ba kayo attend ng christmarty na boring. That’s why I’m here at your service. I will make your Christmas party, the best party in town! You will never forget this one! I promise!”


“May matatanggap pong letter ang bawat department at sa mga iba pang nagta-trabaho dito. Nakalagay do’n ang magiging theme ng party na magaganap one week from now. Syempre, signed by our President. Same day tomorrow, kailangan po ng response ninyo sa letter. I’m expecting you to be there, guys! Thank you and see you there! By the way, I’m Chloe, at your service! Ciao!”


Nang matapos ang announcement ko, nilingon ko ang mga kasama ko si audio room na nakatulalang nakatingin sakin. I smiled at them. Nag-thumbs-up ako sa kanila. “Ayos ba? Punta kayo sa party, ah.”


After the announcement, bumalik na kami ni Rhen sa office ni Lei. Yung buong floor pala na ‘yon, office niya. Tanging silang apat lang ang employee na nando’n.


“Kamusta ang announcement ko? Ayos ba? Lumabas ba ang boss ninyo? Hindi diba? Love na love talaga ko no’n.” Natawa tuloy ako sa sinabi ko.


Napangiti na lang sila. Pero nando’n pa rin ang expression sa mukha nila na hindi sila makapaniwala na may asawa na ang boss nila at kabaligtaran pa ng ugali.


“Gusto ko sanang gumawa ng letter kung sa’n nakalagay ang info about sa Christmas party. Yung theme ng party. Date and time. Wait. May event hall ba kayo dito or sa hotel kayo nagki-christmas party?”


“May even hall po dito, Ma’am Chloe. Third floor.”


Napatalon ako. “Yes! Yes! Hindi na tayo mahihirapan sa venue!” Nang mapansin ko ang mga tingin nila, tumigil na ko sa pagtalon. “Sorry. Excited lang talaga. Pumunta kayo sa party, ah. Exciting ‘to, promise. Lalo na pag nalaman ninyo ang theme.”


Si Cyrish ang tumulong saakin sa pag-gawa ng letter. Natuwa nga sila sa theme na sinabi ko. Except kay Rhen. Mukha naman siyang natuwa, hindi lang halata.


Natuwa din ako sa mga sinabi nila sakin habang pina-plano namin ang party.


“Alam ninyo ma’am, bagay po kayo ni Sir President.” sabi ni Xiela, yung isang girl employee. Pronounce as Shiela daw sabi niya. Inispell pa nga niya yung name niya kanina nang magpakilala siya. Kikay siya.


“Opposite kasi kami. And opposites do attract. At para mahawaan ko naman siya ng goodvibes.” natatawang sabi ko.


“Saka ma’am, mas maganda naman po kayo sa mga babaeng humahabol sa kaniya.” sabi ni Cris, opposite siya ni Rhen. Madaldal ang isang ‘to, eh.


“Talaga? Shy naman ako.” Nagkunwari akong nahihiya. Natawa sila. Napangiti na lang ako.


“Guys, wag tayong maingay. Baka mapagalitan na naman tayo ni Sir.” saway sa kanila ni Rhen.


“Oo nga.” segunda ni Cyrish na busy sa pagta-type. “Makinig kayo kay Rhen. Right Rhen?”


“Uuuyyy!!! Ang swet-swet naman nila!”


Napangiti ako. Mukhang may something sweet not fishy na mero’n kina Cyrish at Rhen, ah.


“Ma’am Chloe, okay na po.”


Binigay sakin ni Cyrish ang letter. Binasa ko ‘yon. “Very good. Pwedeng mag-print tayo ng marami nito? Mga ilan ba? Hindi ko alam kung ilan ang department dito. Para mapapirmahan na natin kay Lei.”


“Ako na pong bahala mag-print, Ma’am Chloe.” sabi ni Cris.


“May signature stamp pong ginagamit sa mga ganitong letter. Minsan for emergency purposes na rin po kapag kailangan ng pirma ni Sir President pero out of the country siya. Nasa office po niya.” sabi ni Cyrish.


“Sige. Ako na lang ang kukuha. Lahat ng department ang padadalhan, ah. Pati yung mga security guard. Yung nagtitinda sa cafeteria.”


“Pati po sila?”


Nakangiting tumango ako. “Yep.” Tumayo ako at nag-inat. “Kukunin ko lang yung stamp sa loob.” Kumatok muna ako bago pumasok. Hindi ko nakita si Lei sa loob. Narinig ko ang gripo mula sa restroom.


“Lei, nasa’n na yung signature stamp mo dito?”


Wala kong narinig na sagot.


Lumapit na lang ako sa table niya at hinanap ang stamp. Binuksan ko ang unang drawer. Nakita ko agad ang hinahanap ko. Lumabas na ko ng office niya.


Maya-maya ay nagsimula na kong mag-tatak ng seal sa mga letter na na-print ni Cris. Ako na lang ang gumawa no’n kahit pinipilit nilang sila na lang. May mga ginagawa kasi sila bago ko sila istorbohin kaya ako na lang ang gumawa.


“I’m done!” Nakangiting binigay ko kay Cyrish ang mga letter. “Kayo ng bahalang magbigay niyan, ah.”


“Yes, Ma’am. Kami na po ang bahala.”


“About nga pala sa food. May catering service na ba kayong kinuha?”


“Pina-cancel ko na po, ma’am.” Cyrish answered. “One week po kasi before the event kailangang i-confirm ulit. Mukhang malabo po kasing matuloy ang party kaya pina-cancel ko na.”


“Okay lang. May kilala akong pwede. Ako ng bahala sa catering.”


Kinuha ko ang phone sa bulsa ko nang maalala kong nasa bag ko ‘yon. Nasa loob ng office ang bag ko. Pumasok ako sa loob. Hindi ko pa rin nakita si Lei. Magpapaalam na sana ko dahil kakausapin ko na lang ng personal si lolo about sa catering. May catering service din kasi restaurant.


Lumapit ako sa restroom dahil naririnig ko pa rin ang tunog ng gripo. Kumatok ako. “Lei?” Walang sumagot. “Lei, uuwi na ko. Hindi mo ba ihahatid ang asawa mo?” Nakuha ko pang magbiro ‘no? Wala pa rin akong nakuhang sagot.


“Lei? Nandyan ka ba?” Binuksan ko ang pintuan nang paunti-unti. May nakita akong itim na bagay. No. Damit siya, eh. Suit siya ni Lei! Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan para lang magulat. I saw him sitting on the floor. Nakayuko siya at hawak niya ang sikmura niya.


“Lei!” Tinapik ko ang pisngi niya. Ang lamig ng pisngi niya. Pinagpapawisan din siya. “Lei!” Umungol lang siya. Tumayo ako para humingi ng tulong nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko. “L-lei, saglit lang! Tatawag ako ng tulong!” natataranta kong sabi.


“I’m fine…” paungol niyang sabi.


“You’re not! Wait mo lang ako dito! Wait lang!”


“I said I’m fine…”


“No! Hihingi ako ng tulong, Lei!”


Naramdaman kong humawak siya sa braso ko. “Don’t leave…”


“Lei...”


Niyakap ko na lang siya. Hindi ko siya magawang iwan kaya sumigaw na lang ako at the top of my lungs.


“Cyrish!!! Tulong!!! Cyrish!!! Pumasok kayo dito!!!”


Maya-maya ay dumating na sila.


“Tumawag kayo ng ospital!! Ng ambulansya!! Ng doctor!! Ng albularyo!! Ng guard!! Ng pulis!! Basta tumawag kayo!!”


= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^