CHAPTER
7
( CHLOE’s POV )
Continuation of flashback…
Dinala namin ni Cris si
Lei sa pinakamalapit na hospital. Sinamahan ako ni Cris kasa natataranta na nga
ako. Tinawagan ko agad si Tim ng nasa ospital na kami. Siya agad ang inisip ko
nang magtanong sakin ang nurse ng tungkol kay Lei. Kung may sakit ba siya o
ano. Good thing, nandito din siya sa ospital na ‘to mismo kaya pumunta agad
siya ng ER (Emergency Room).
At nalaman ko na simumpong
pala si Lei ng ulcer niya. Nalaman pa namin mula kay Cris na hindi pa daw nanananghalian
si Lei. Hindi lang ‘yon, may sinat din siya ngayon.
Kaya pala kakaiba ang init
niya kanina. At kaya pala napansin kong parang may dinadaing siya bago pa man
dumating si Leoni kanina. Tapos nagawa pa niya kong halikan, inisin at sungitan
sa kabila ng nararamdaman niyang sakit. Paano niya natiis ‘yon?
Nang maging okay na siya
at nakatulog na, pinabalik ko na rin si Cris sa office para ibalitang okay na
si Lei. Dahil for sure, nawindang ang buong CTC sa nangyari kanina. Ayoko lang
na isipin nilang malala ang sakit nitong si Lei. Naranasanan ko na kasi ‘yon sa
dati kong trabaho. Tipong nahimatay lang yung CEO namin, kumalat ba naman na may
brain cancer siya. Mga tsismosa talaga.
Nag-run ng ilang test ang
doctor to make sure na hindi naman malala o hindi lumala ang sakit niya.
At ito namang si Lei nang
magising, nagpumilit nang lumabas ng ospital at bumalik sa office niya. Diosme!
Inabot na kami ng gabi dito sa ospital tapos babalik pa siya sa office para
magtrabaho? Adik ba siya? Syempre, pinigilan namin siya ni Tim.
Sinabi niyang hindi na
siya babalik sa office, sa condo na lang siya. Hindi na ako ang pumigil sa
kaniya, si Tim na.
“Kung
gusto mong umuwi. Fine. Pero sa Antipolo ka uuwi ngayong gabi. You have to rest
for three days, Lei.”
“Three
days? Nasisiraan ka na ba, Tim? Hindi ako pwedeng magpahinga ng gano’n
katagal.”
“Gusto
mo na bang mamatay, Mr. Lei Constantine at mawala sa’yo ang lahat ng pinaghirapan
mo? Gusto mo ba ‘yon, hah?”
Napatingin na lang ako kay
Tim. Serious ang mukha niya habang nakatingin kay Lei. Hindi sumagot si Lei
pero nakita kong kumuyom ang kamao niya.
“This
all your fault, Lei. Napakatigas ng ulo mo. Sa halip kasi na magpahinga ka nung
nagkasakit ka, hindi mo ginawa.”
Nagkasakit? Yun ba yung
araw na kinasal kami? Hindi siya nagpahinga no’n?
“Lagi
ka pang nagpapalipas ng gutom kahit alam mong hindi pwede. Yan tuloy ang
nangyari sa’yo. Gusto mo na atang mamatay, eh. Sabihin mo lang at itutulak kita
sa bangin na pinakamalapit dito.”
“That’s
enough, okay. Hindi na ko bata.”
Sumingit na ko bago pa
sila magkasapakan. “Boys, tama na. Nasa
ospital tayo and they are staring at us.” Nasa ER lang kasi kami.
Nakakaagaw na ng atensyon ang dalawa.
Hindi na sila umimik.
Mabuti naman. Para kasi silang batang handa ng magsuntukan kanina, eh
Tiningnan ko si Lei. “Alam mo bang pinag-alala mo ko kanina?
Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo nang makita kita sa restroom.”
Tiningnan niya ko.
“Wag
mo na uulit ‘yon, okay? Nerbyosa pa naman ako. Paano na lang kung tayong dalawa
lang ang tao sa building? Malamang natsugi ka na talaga sa sobrang pagkataranta
ko. Baka sa halip na doctor ang tawagin ko, bumbero ang mapapunta ko. Ano
namang gagawin ng bumbero sa’yo diba? Pauulanan ka ng tubig?”
Kumunot ang noo niya. “Ewan ko sa’yo.” Humiga siya patalikod
sakin.
Kinalabit ko siya. “Lei, seryoso ko. Wag mo na uulitin ‘yon,
ah.” Grabe talaga yung kaba ko kanina. Hindi talaga ko sanay ng gano’n, eh.
Yung tipong may mahihimatay sa harapan ko, mga gano’n eksena. Nakakakaba.
“Shut
up.”
madiin pero pabulong na sabi niya.
“Gusto
mo na ba talagang umuwi?”
“Ano
sa tingin mo?” hindi lumilingong tanong niya.
“Kakausapin
ko yung doctor. Gagamitan ko ng charm ko. For sure papayag ‘yon. Basta sa
Antipolo ka uuwi at sundin mo ang bilin ni Doc Tim.”
“Oo na!”
Narinig kong may tumawa
nang mahina sa gilid ko. Si Tim, hawak niya ang bibig niya. “Tawagin ko lang si Doc.” Pero hindi pa
rin mawala-wala ang ngiti niya nang umalis siya.
Anong nangyari do’n?
-E
N D O F
F L A S H B A C K -
Yun ang dahilan kung bakit
siya nandito sa bahay. Pumayag ang doctor na iuwi namin siya ni Tim pagkatapos
naming malaman ang resulta ng mga test na ginawa sa kaniya. Bumaba na din ang
sinat niya bago kami umuwi. Late na kami naka-byahe pabalik ng Antipolo. Hating
gabi na ata yun.
Tahimik lang kami kagabi
habang nasa byahe. Seryoso sa pagda-drive si Tim. Katabi ko naman sa back seat
si Lei na tahimik lang. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng games
sa phone ko. At lahat ng pwede kong gawin sa phone ko, ginawa ko kagabi para
mawala ang bored ko.
Napahawak ako sa balikat
ko.
Naalala ko ang nangyari
kagabi. Habang nasa byahe kasi kami bigla na lang bumagsak ang ulo ni Lei sa
balikat ko. Tinawag ko si Tim no’n. Ang sabi niya hayaan ko na lang. Epekto
lang daw ng gamot ‘yon kaya nakatulog siya. Hanggang sa makarating kami ng
bahay, nakasandal lang si Lei sa balikat ko. Ni hindi nga siya nagising kaya
binuhat na lang siya ni Tim hanggang sa kwarto niya.
Grabe. Ang macho ni Tim
kagabi. O, hindi ko siya gusto, ah. Nabuhat niya kasi si Lei ng walang hirap,
eh.
Hayyy… Nagpangalumbaba ako
sa gilid ng kama ni Lei.
“Napakatigas
naman kasi ng ulo mo. Uso ang pahinga, husby. Rest-rest din pag may time.”
Napangiti ako. Husby.
Siguradong magagalit siya kapag narinig niyang tinawag ko siyang gano’n.
Tiningnan ko ang wall
clock. Eight o’clock pa lang ng umaga. Tiningnan ko uli si Lei. “Mukhang namiss mo ang matulog, ah. Sige
lang, tulog lang. Walang pipigil sa’yo. Sasapakin ko sa ears ang gigising
sa’yo, husby. Gusto mo kantahan pa kita para mamaya pa ang gising mo? Sige.”
Mahina akong tumikhim.
“I’ve
been awake for a while now
You’ve
got me feelin’ like a child now
Cause
everytime I see your bubby—”
Kumunot ang noo ko.
Bubbly? Mas bagay nga sakin yung bubbly, eh. Tumikhim uli ako at pinagpatuloy
ang concert ko.
“Cause
everytime I see your sungit face
I
get the tinglies in a silly place
It
starts in my toes
And
I crinkle my nose
Where
ever it goes
I
always know
That
you make me smile
Please
stay for a while now
Just
take your time
Where
ever it goes…”
Napangiti ako. “Ano, husby? Maganda ba? Syempre naman,
favorite song ko ‘yon, eh. Gusto mo bang dugtungan ko pa? Wag na. Baka mamaya
ka pa magising, eh. Binilin pa naman ni Doc Tim na hindi ka pwedeng magpalipas
ng gutom.”
At dahil tulog siya,
sinamantala ko na ang pagkakataon na pagmasdan siya. Si Lei yung tipong tall,
dark and handsome plus that macho word.
Makapal ang kilay niya
pero hindi naman yung tipong parang betty la fea na ang dating. Bagay nga sa
kaniya lalo na pag nagsasalubong yung kilay niya, nakakadagdag ng takot sa
makakakita.
Mahahaba din ang pilik
mata niya. Para ngang magkasinghaba lang kami. Yung mata niya pagnakadilat,
hindi naman talaga totally nakakatakot. Kapag pinakatitigan mo siyang mabuti,
may ibang emosyon kang makikita. At kung ano man ang emosyon na ‘yon, hindi ko
pa maintindihan. Singkit naman ako. Medyo singkit lang naman. Wahehe.
Matangos ang ilong niya
pero…
Hinawakan ko ang ilong ko.
Mas matangos naman yung sakin. Wahehe.
Napatingin ako sa lips
niya. Biglang bumalik sa alaala ko ang ginawa niyang paghalik sakin kahapon.
Tinakpan ko ang bibig ko. Sunod-sunod akong umiling.
Ang aga-aga, Chloe! Wag ka
nga dyan!
Oo na ho. Hindi na.
Tutuwid na ang landas ko. Hindi na papaling.
Napatingin ako sa kamay ni
Lei. Hindi ako nakatiis. Hinawakan ko ang kamay niya. I intertwined my hands
with his. Napangiti ako. “Ang lambot
naman ng kamay mo, husby. Ang sarap naman sa pakiramdam.” May nahawakan na
kong kamay ng lalaki. Yung mga close friends ko pero syempre walang malisya
‘yon.
“What
are you doing?”
Bigla akong napatingin kay
Lei. His eyes were opened.
Napangiti ako. Totoo ngang
may gwapong lalaki pag bagong gising. Sana ako din. Hindi ko naman sinabing
maging gwapo ako paggising ko. Gusto ko maganda din ako paggising ko. Kaya lang
mukha akong nakipagsabong sa manok kapag bagong gising ako, eh.
Napatingin ako sa kamay ko
nang maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Lei. Putek! Hawak ko pala ang kamay
niya!
Huli ka, Chloe! Anong
ipapalusot mo ngayon, hah? Mag-isip ka na ineng bago ka pa niya mabalibag sa
pananantsing mo sa kaniya habang tulog siya.
Binitiwan ko ang kamay
niya. “May inexperiment lang ako kaya
hinawakan ko ang kamay mo.” Inexperiment ko lang kung anong feeling kapag
hawak mo ang kamay ko. Ang ganda talaga ng dahilan ko. Lusot na lusot.
Hindi na siya sumagot.
Dahan-dahan lang siyang bumangon. Inilibot niya ang tingin niya sa paligid
niya. Parang nagtataka pa siya kung bakit siya nandito. Naalimpungatan ba siya?
“Nandito
ka sa Antipolo.” sabi ko.
“Antipolo?”
“Hala!
Nagka-amnesia ka, Lei?”
“Of
course not.” masungit niyang sagot. Ano ba ‘yan? Ang
aga-aga, ang sungit.
“Alam
mo ba kung bakit ka nandito? Inatake ka ng sakit mong ulcer kahapon. Inuwi ka
namin ni Tim dito kagabi. At three days kang mag-re-rest dito. Kaya kung
iniisip mong pumasok ngayon, isang malaking No.”
“Naaalala
ko, okay.”
Sungit talaga.
Akala ko babangon siya,
pero humiga uli siya. Patalikod sakin.
“Inaantok
ka pa rin, Lei?”
Hindi siya sumagot.
“Ipagluluto
na lang kita ng breakfast. Kumain ka, hah. Bawal kang magpalipas ng gutom
simula ngayon. Alam mo naman kung bakit diba?”
Hindi siya sumagot kaya
tumayo na ko.
Habang nakatingin ako sa
kaniya, naalala ko ang sinabi niya kahapon.
“Nakakapagod
na.”
I sighed. Hindi ko alam
pero nakaramdam ng lungkot ang puso ko. Ayoko ng ganitong feeling. Hindi ako
sanay.
“Hihingi
ako ng tulong, Lei!”
“Don’t
leave…”
“Lei...”
Hindi ko alam kung dala
lang ba ng sakit kung bakit niya nasabi ‘yon pero tumagos sa puso ko ‘yon. Pero
siguro dahil sa mga nalaman ko mula kay Jhom kahapon.
“Ang
totoo niyan, Chloe, ayon sa trusted source ko, patay na ang mother ni President
nung bata pa lang siya. Nag-asawa uli ang papa niya. Highschool siya nang
mamatay sa plane crash ang mag-asawa. Tapos three years ago, namatay naman sa
sakit si President Gener. Nag-iisang anak lang ni President ang father niya.
All in all, ulilang lubos na siya. May step brother siya, Kaya lang hindi naman
niya kadugo talaga dahil anak ‘yon ng step mother niya. Tapos hindi pa sila magkasundo.”
“At
ang totoo niyan, hindi pa talaga siya ang President ng kumpanya. Ayon uli sa
mga trusted source ko, three years ago, naging acting president si Sir Lei nang
mamatay ang lolo niya. Pero valid lang daw ‘yon for three years. Kasi next
month sa stock holder’s meeting, malalaman na kung sino talaga ang papalit
bilang permanent president ng CTC. Hayyy… Sana si fafa Flynn ko na lang.”
Iyon ba ang sinasabi ni
Tim na maraming pinagdaanan si Lei kaya intindihin ko na lang siya? Kasi
nag-iisa na lang siya sa buhay niya. Nandyan naman si Tim kaya lang, literally,
wala na siyang matatawag na pamilya.
“Don’t
leave…”
“May
isa pa kong kondisyon, Lei. Babawasan ko ng isang buwan ang pagsasama natin.
After two months, maghihiwalay na tayo. Payagan mo lang akong alagaan kita.”
Pagkasabi no’n ay lumabas
na ko ng kwarto niya.
Maghahanda pa ko ng
breakfast niya.
Speaking of food, ano bang
gusto niyang kainin? Ayoko namang siya pa ang tanungin ko.
Aha! Kinuha ko ang phone
ko at idinial ang number niya. Sana lang, hindi na siya busy.
= = =
( LEI’s POV )
“May
isa pa kong kondisyon, Lei. Babawasan ko ng isang buwan ang pagsasama natin.
After two months, maghihiwalay na tayo. Payagan mo lang akong alagaan kita.”
Napalingon ako kay Chloe
dahil sa sinabi niyang ‘yon. Likod na lang niya ang nakita ko hanggang sa
tuluyan siyang makalabas ng kwarto ko.
“May
isa pa kong kondisyon, Lei. Babawasan ko ng isang buwan ang pagsasama natin.
After two months, maghihiwalay na tayo. Payagan mo lang akong alagaan kita.”
“Alagaan?” Napailing
ako. “Sira ulo talaga siya.”
Tumihaya ako ng higa.
Inilagay ko ang mga kamay ko sa ilalim ng ulo ko. Aminin ko man o hindi, ang
gaan ng pakiramdam ko ngayong nakatulog ako. Hindi ko na alam kung paano ako
nakarating dito sa kwarto ko. Basta ang alam ko, nakatulog ako sa kotse.
Malamang, binuhat ako ni Tim.
Si Tim.
Naalala ko ang sinabi niya
kahapon.
“Gusto
mo na bang mamatay, Mr. Lei Constantine at mawala sa’yo ang lahat ng
pinaghirapan mo? Gusto mo ba ‘yon, hah?”
I’ve known him since my
childhood days, sa isang exclusive village lang kasi kami nakatira. Two years
ang tanda niya sakin. We’re not close. Siya lang ang feeling close sakin
hanggang sa lumaki kaming dalawa to the point na siya ang nagsabing
mag-bestfriend kami. Nakasanayan ko na ding lagi siyang kinokontra kapag
sinasabi niya ‘yon.
He’s my friend, yes. Pero
para ko siyang nanay at tatay na laging nakabantay sakin. Naiinis na nga ko sa
kakulitan niya. Buti na lang nga at nag-medicine siya no’n kaya naging busy
siya.
At yung nangyari kahapon,
that was the first time na nagsalita siya ng gano’n sakin, ng gano’n kaseryoso.
Mukhang napuno na siya.
Ipinikit ko ang mga mata
ko. Kailangan kong magpahinga. Para mamaya, makakapasok na ko sa ayaw nila o sa
gusto.
“Alam
mo bang pinag-alala mo ko kanina? Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo nang
makita kita sa restroom.”
Idinilat ko ang mga mata
ko nang bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ng babaeng ‘yon
kahapon.
Kinuyom ko ang kamao ko
nang maalala ko ang nangyari sa restroom kahapon. Nung pigilan ko siya. Nung
sabihin kong— Damn! Hindi na mauulit ‘yon!
“Wag
mo na uulit ‘yon, okay? Nerbyosa pa naman ako. Paano na lang kung tayong dalawa
lang ang tao sa building? Malamang natsugi ka na talaga sa sobrang pagkataranta
ko. Baka sa halip na doctor ang tawagin ko, bumbero ang mapapunta ko. Ano
namang gagawin ng bumbero sa’yo diba? Pauulanan ka ng tubig?”
“Sira
ulo talaga. Puro kalokohan.”
Puro naman talaga siya
kalokohan. Sa halip na makatulong para mapalayas ko si Leoni, kung anu-ano ang
mga pinagsasabi niya kahapon. Pero aminin ko man o hindi, nakatulong ang huling
mga sinabi niya kay Leoni. I saw how Leoni’s face changed. Hindi ko alam kung
natakot ba siya o naintimidate sa sinabi ni Chloe.
Nagbabago pala ang aura
niya kapag sumeryoso na siya. Lalo na nang sabihin niya ang mga salitang ‘yon.
“I
don’t know who are you aside from you’re name, miss. You don’t even know me at
all so stop calling me bitch because you are the one who’s acting like a real
one. Remember this and put this in your twisted, delusional, psychotic head.
This guy is mine already. And what’s mine is mine alone. Ayoko ng kahati, ayoko
ng kaagaw. Akin lang siya.”
Sa’n niya pinagkukuha ang
mga ‘yon? Naagawan na ba siya dati? Pero paano siya maaagawan kung hindi pa
siya nagka-boyfriend? I’m sure hindi pa. She doesn’t even know how to kiss!
Kiss.
Damn! Bakit ko ba siya
hinalikan kahapon?! Nababaliw na ba ko? Basta ang alam ko, masama ang pakiramdam
ko kaya kailangan kong i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay. That’s why I
had to kiss to her. At isa pang reason, para tuluyan ko nang mapalayas si
Leoni. At nagtagumpay nga ako.
Nag-inat ako at ipinikit
ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung ilang
minuto o oras na kong nakatulog. Basta ang alam ko nakatulog ako at
naalimpungatan nang kumalam ang sikmura ko.
Bumangon ako at pumasok ng
restroom na nasa loob ng kwarto ko. Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin,
lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Ng nasa sala na ko, inilibot ko ang tingin
sa bahay ko.
Sa totoo lang, ngayon lang
uli ako tumagal dito. It’s been months simula ng matulog ako dito. Mas madalas
ako sa condo unit ko sa Makati na malapit lang din sa CTC. Napakalayo namin
kasi nitong bahay na ‘to. Hindi naman ako ang bumili nito. Okay. Pera ko ang
ginamit pambili pero si Tim ang pumili nito. Para daw malapit lang daw kami sa
isa’t isa.
Grabe talagang lalaking
‘yon. Kung hindi ko lang alam na chickboy siya, malamang inisip ko ng bakla
siya.
Napalingon ako sa sa
gawing kusina ng may maamoy ako. Humakbang ako palapit do’n. Nakita ko si Chloe
na may hinahandang pagkain sa table. Napalingon siya sakin. She smiled.
“Sakto,
Lei. Katatapos ko lang magluto. Gutom ka na ba? Favorite mo ‘to diba? Binilisan
ko ang pagluluto pero syempre sinarapan ko.” Pinagtuturo niya
ang mga nakahaing pagkain sa table. “Toasted
hot dog and toasted bread. Rice na hindi malata. Gusto ko sanang mag-fried rice
kaya lang mamantika ako magluto no’n. Baka mairita yung tiyan mo. Nagluto na
rin ako ng mainit na sabaw na beef flavor. Bawal sa’yo ang coffee kaya water na
lang.”
Paano niya nalaman lahat
‘yan? Sa totoo lang, ‘yan ang madalas kong kainin sa umaga. May mga bawal kasi
sakin.
“Yan
lang daw muna ang pwede mong kainin sabi ni Doc Tim, eh. Tinawagan ko kasi siya.”
Kaya naman pala.
“Upo
ka na. Ay! Wait! Yung sabaw pala.” Lumapit siya sa maliit na
kaserola at naglagay sa mangkok na hawak niya ng sabaw. “Ouch!” Nilingon niya ko. She smiled. “Okay lang ako.”
Bakit? Tinatanong ko ba?
Lumapit siya sa table at
nilapag ang mangkok. “Upo ka na, Lei.”
Hinipan-hipan niya ang kamay niya na mukhang namumula na. “Mainit ‘yang sabaw, ah. Ingat-ingat. Tapos na kong kumain kaya hindi
na kita masasabayan. Mukhang ayaw mo namang ng kasabay. Ubusin mo ‘yan, ah.
Pinaghirapan ko ‘yan kaya dapat—”
Hinawakan ko ang kamay
niya at hinila siya papunta ng sink. I opened the faucet at itinapat ang kamay
niya.
“Ang lambot naman ng kamay mo, husby. Ang
sarap naman sa pakiramdam.”
Bigla na lang pumasok sa
isip ko ang narinig ko kanina nang magising ako at maalimpungatan ng maramdaman
kong may humawak sa kamay ko.
Napailing ako. Ano bang
pumasok sa isip ng babaeng ‘to at at ginawa niya ‘yon? Puro siya kalokohan.
Walking disaster na nga, may pagka-pervert pa.
“Ah,
okay na ‘yan, Lei. P-pupunta muna ko kina Tim.”
Napalingon ako sa kaniya nang
bawiin niya ang kamay niya. “Kina Tim?” Close
na close na sila, ah. Pagdating talaga sa babae, hindi nagpapahuli si Tim. Pati
ba naman si Chloe? Teka. Ano namang pake ko?
“Oo.
Nando’n diba si Snow. May spare key ako ng bahay ni Tim kaya nakakapasok ako
do’n. Pakakainin ko muna siya. Kumain ka na din, ah.”
Umalis na siya.
Snow.
Ano bang klaseng pangalan
‘yon?
Isa pang aso na ‘yon. Ng
dahil sa kaniya, sinumpong ako ng allergy last week. At ang Chloe na ‘yan,
nagawa talagang itago ang aso niya sa backpack niya habang nasa byahe kami.
Tipong nilagyan pa niya ng takip ang bibig ng aso niya.
Sinong nasa tamang
pag-iisip ang gagawa no’n?
Edi siya lang. Kakaiba ang
takbo ng isip niya.
“Sorry.
Hindi ko talaga sinasadya. Kung alam ko lang na may allergy ka, kahit ayaw kong
iwan si Snow, iiwan ko siya. I’m sorry, Lei. Wag ka nang magalit.”
Iniling ko ang ulo ko nang
maalala ko ang araw na ‘yon. Lalo na ang mukha niya habang sinasabi niya ‘yon.
Inis talaga ko sa kaniya no’n. No. Galit ako sa kaniya. Kaya nga sa sobrang
bwisit ko, iniwan ko siya at umuwi ako ng Makati.
Hindi ko alam kung paano
siya nakauwi. Nalaman ko lang nang mag-text si Tim sakin na nakauwi na si
Chloe.
Puro sakit ng ulo at
perwisyo ang dinadala niya sakin. Ako ang dapat na magpahirap sa kaniya, not
the other way around.
Kahapon. Nang bigla na
lang siyang dumating sa office at magsalita ng pagkahaba-haba at papirmahan
sakin ang kasunduang sinabi niya, natigilan talaga ko no’n. All along, akala ko
ipipilit niya ang pagsasama namin. Pero kabaligtaran ang nangyari. I’m the one
who should say that, not her. Sanay akong ako ang nagdedesisyon para sa buhay
ko, hindi ang ibang tao.
Pero siya. Ni hindi ko
siya gano’n kilala, tapos ginawa niya ang kasunduan na ‘yon ng wala kong alam?!
Nainis ako no’n. Kaya nga pinirmahan ko na ang bwisit na folder na binigay
niya.
On the other side, mabuti
na rin ‘yon. Hindi na ko nahirapang kumbinsihin siya na ayoko ng kasal na ‘to
dahil parehas lang kaming ayaw nito. Hindi ko alam ang tunay na dahilan niya.
And I don’t care.
Three months kaming
magsasama. Mabilis lang ang three months. Besides, hindi naman kami magsasama sa
iisang bahay kaya okay lang. Parang wala na rin akong asawa.
At yung mga kasunduang
sinabi niya. Madali lang gawin ‘yon.
“Lei,
mero’n pa palang isang kondisyon.”
“What?”
“Hindi
ka naman siguro mawawalan dito. Kailangan din natin ng abogado dito kung
sakali.”
“Sabihin
mo na. Bilisan mo.”
“Gusto
kong bigyan ng apo ang lolo ko.”
“What?!”
“You
heard it, right. Gusto kong magkaanak sa’yo.”
Napailing ako nang maalala
ko ‘yon. Plinano niya ba ang mangyayari sa kasal na ‘to? Hindi kaya ang totoo,
gusto niyang magkaanak sakin para may habol siya sa kayamanan ko? I gritted my
teeth. Bakit hindi ko matanggap na ‘yon ang dahilan niya?
“May
isa pa kong kondisyon, Lei. Babawasan ko ng isang buwan ang pagsasama natin.
After two months, maghihiwalay na tayo. Payagan mo lang akong alagaan kita.”
“Alagaan?
Huh!” Napailing ako. “Kakaiba
talaga siya. Kakaiba ang takbo ng utak niya.”
Napatingin ako sa table.
Kumalam ang sikmura ko. Lumapit ako do’n at nagsimulang kumain.
“Pinaghirapan
daw niya ‘to. Anong mahirap dito? Napakadali lang lutuin nito.”
= = =
( CHLOE’s POV )
Pagkalabas ko ng kusina at
nasiguradong hindi na ko makikita ni Lei, mabilis akong tumakbo palabas ng
bahay niya habang hawak ang kamay ko. Talagang lumabas ako ng gate at umupo sa
gilid ng kalsada sa lilim ng isang puno.
Hindi totoong pakakainin
ko si Snow. Napakain ko na siya kanina. Ang totoo niyan, hindi ako masyadong
nakatulog kagabi pagdating namin. Pagising-gising ako.
Tiningnan ko ang kamay ko.
“Siya ba talaga yung kanina? Baka naman
na-abduct na ng Alien ang toong Lei habang nagluluto ako. Pero…” Hinaplos
ko ang kamay ko. “Talagang hinawakan
niya ang kamay ko at hinugusan ng tubig.” Nagulat talaga ako kaya bigla
kong binawi ang kamay kong hawak niya. Hindi ko akalaing gagawin niya ‘yon.
Napangiti ako. Mabait
naman pala siya.
Lei Constantine: Masungit.
Ungentleman. Rude. Selfish. MABAIT, KONTI LANG - Noted mentally.
Hindi lang naman ‘yon ang
dahilan kung bakit ako nagulat. Si heart kasi kanina, ang bilis-bilis ng tibok.
Hindi kaya nagulat din siya kasi nabigla siya sa ginawa ng partner niya na may
tinatago naman palang bait sa katawan?
Hinawakan ko ang dibdib
ko. “Ikaw, heart, ah. Gaya-gaya ka
sakin. Wag ka nga. Ang mga gaya-gaya, paglaki puto maya. Gets mo?” Kumunot
ang noo ko. “Mali ata yung sinabi ko,
heart. Basta yun na ‘yon.”
Natawa na lang ako. Tumayo
ako at nag-inat. Marami pa akong kailangang asikasuhin para sa party.
Hihintayin ko pa ang confirmation ni Cyrish about sa mga letter na pinadala sa
mga employees ng CTC.
Wait. CTC. Waah! Hindi ko
pa pala nasasabi kay Cyrish na hindi makakapasok ang boss nila. Paano ‘yon?
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya.
“Hello.
Who’s this?”
“Cyrish,
si Chloe ‘to. I got your number from Cris yesterday. Hindi kasi makakapasok si
Lei ngayon. He needs to rest for three days. May mga meetings or appointments
ba siya? Paano ‘yon?”
“It’s
okay, Ma’am Chloe. Inayos na po ni Doc Tim. Darating po si Director Torres
ngayon. Siya na po ang bahalang mag-take over temporarily sa mga naiwan na
trabaho ni Sir President dito hanggang sa makabalik si Sir.”
“Wow!
May director na pala dyan sa CTC. Grabe, ah. May president na nga, may director
pa. Anong bang movie ang ipi-film niya? Baka naman pwede akong umextra?”
Pero ang totoo, nakahinga ako nang maluwag. Kung sino man ang Director Torres
na ‘yon, thanks to him or her. And thanks to Tim, swerte talaga ni Lei sa
kaibigan niya.
“Si
Ma’am nagpapatawa na naman. Ay ma’am, nandito na po si Director Torres. I’ll call
you later, ma’am, tungkol po sa party.”
“Okay.
Thank you, Cyrish. Ba-bye.”
Sunod ko namang tinawagan
ay si lolo. Nagkataong nando’n pa si mama kaya naka-loud speaker yung phone
niya. Gulong-gulo na nga ko sa dalawa dahil halos sabay silang magsalita. Nangangamusta.
Nagtatanong. At kung anu-ano.
Pero syempre, magpapatalo
ba ko? Nakasingit ako at hindi sila nakasingit habang nagku-kwento ako. Sinabi
kong nandito sa bahay si Lei at kailangang magpahinga ni Lei ng three days.
Sinabi ko din na ako ang mag-aasikaso ng chrismas party ng CTC next monday at
kukunin kong catering service ay yung kay lolo.
Ito namang si lolo,
tuwang-tuwa. Mabuti daw akong asawa. Ipagpatuloy ko daw ang ginagawa ko.
Bakit? Hindi ba ko mabait?
Matagal na kong mabait, ah.
Pagkatapos ng walang
katapusang kamustahan at kwentuhan, sa wakas tinigilan na nila ko. Pumasok na
ko ng bahay. Nakita ko si Lei na paakyat ng hagdan.
“Masarap
ba yung luto ko?”
Nilingon niya ko. “No.”
I pouted. Grabe siya. Ang
hard niya.
“Papasok
na ko at wag na wag mong sasabihin kay Tim na umalis ako.”
“Ay,
hindi pwede ‘yan. Don’t worry about the company. Nando’n na si Director Torres
para—”
“What
did you say?!” Halos magsalubong ang mga kilay niya. No.
Nagsalubong na talaga.
“Si
Director Torres—”
“Damn!”
Mabilis
siyang tumalikod at iniwan ako. Narinig ko pa ang malakas na lagabog ng
pintuan.
“Anong
nangyari do’n?” I sighed. Sinundan ko siya sa kwarto niya.
Kumatok ako. “Lei, wag ka ng pumasok.
Mero’n namang—”
“Shut
up!!” bulyaw niya mula sa loob ng kwarto ko. “Papasok ako sa ayaw at sa gusto ninyo!!”
Napangiwi ako. Bakit ba
napaka-workaholic niya? Mero’n namang pansamantalang papalit sa kaniya diba?
Ayaw niya bang agawan siya ng trabaho? Napailing ako. Hindi naman niya
kailangang gawin ‘yon dahil sa kaniya na ang kumpanya nang pinakasalan niya ko
diba? Pero para sa’n pa ang stock holder’s meeting kung sinabi niyang nakuha na
niya ang gusto niya? Ang kumpanya nga ‘yon. Ang gulo naman.
Nakarinig ako ng lagaslas
ng tubig mula sa loob ng kwarto.
“Lei,
naligo ka?! Bawal ka pang maligo!”
Wala akong narinig na
sagot mula sa kaniya. Patay! Mukhang papasok talaga siya.
Isip-isip, Chloe.
Pagtrabahuhin mo ang mga braincells mo.
Aha!
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^