Sunday, December 15, 2013

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 8



CHAPTER 8
( LEI’s POV )


“Don’t worry about the company. Nando’n na si Director Torres…”


“Damn!”


Binilisan ko ang pagligo ko. Nang makalabas ng restroom, sinubukan ko uling tawagan si Tim. Alam kong may alam siya dito. Pero katulad kanina, ring lang ng ring ang phone niya.


Mabilis na lang akong nagbihis. Lumabas ako ng kwarto ko para lang makitang naghihintay si Chloe sa labas.


Nilagpasan ko siya. Hinabol niya ko at hinarangan.


“Bawal ka pang pumasok. May sakit ka pa.” Hinawakan niya ang noo ko. Hinawi ko ang kamay niya. Hinawakan niya ang leeg ko. “O, mainit ka uli.”


“I’m not.” Nilagpasan ko uli siya. Nasa kalagitnaan na ko ng hagdan nang sumigaw siya.


“Lei! May manganganak!”


Nilingon ko siya. “What?!” What on earth did she say?!


“A-ano… manganganak yung ipis sa likod ng bahay mo.”


Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. “Tigilan mo ko. Wala kong panahon sa mga kalokohan mo. Ang dapat sa’yo, dinadala sa mental.” madiing sabi ko. Iyon lang at tinalikuran ko na siya. Tatlong hakbang na lang ako nang bigla siyang humawak sa braso ko. Hinawi ko ang kamay niya nang hindi siya nililingon.


Bago pa ko makahakbang sa huling baitang, nauna na siya sakin. Hindi dahil inunahan niya ko. Pero dahil nahulog siya.


Nahulog siya? Paano?


“Aray…” Hawak niya ang kanang paa niya.


“Tumayo ka nga dyan!”


“Ang sakit kaya…”


“Kasalanan mo ‘yan!”


“Ikaw kaya… Hinila mo ko, eh…”


“Ikaw ang humawak sakin, baka nakakalimutan mo.”


“Ang sakit…”


Kumunot ang noo ko nang makita kong pinahid niya ang pisngi niya. Is she crying?


Tumingala siya. Umiiyak nga siya. “Wag mo kong iwan dito… Ang sakit ng paa ko… Nabalian ata ko ng buto… Tapos may sugat pa ko…”


I sighed frustratedly.


Bakit ba sa lahat ng babae, ito pa ang napili ni lolo para ipakasal sakin?



= = = = = = = =



Hindi mawala-wala ang pagkakakunot ng noo ko habang nakatingin sa ginagawa ni Tim sa paa ni Chloe.


Nandito kami sa ER. Ospital na naman. Bakit ba simula nang makilala ko ang babaeng ‘to, lagi na lang akong napupunta sa ospital?


“Ang sakit, Tim…” daing ni Chloe habang nakakapit sa damit ko. Umupo na nga ko sa tabi niya bago pa niya masira ang suit ko.


“Tiisin mo, Chloe.” Tim said.


Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Chloe sa tabi ko. “Ano ba? Yung damit ko.”


“Sorry… Ang sakit, eh…”


“Ano ka ba namang klaseng asawa, Lei? Dapat nga kino-comfort mo siya. Nakita mo na ngang nasasaktan na, sinusungitan mo pa.”


“Ah, okay. So dapat pala i-comfort ko siya ngayon? Sorry, Doc Tim. Hindi ko kasi alam.” I said in a sarcastic tone. Nakakainis! “Bilisan mo na nga dyan sa ginagawa mo. Kanina ka pa ng himas ng himas dyan. Ano namang magagawa niyan? Lagyan mo na ng bandage ng matapos na. Bakit ba kasi ikaw ang nandito? May iba naman sigurong doctor dito diba? Yung mas mabilis kumilos kesa sa’yo.”


“Busy sila. Ako, hindi.” Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. “Marunong ka palang magselos, Lei? Kailan mo pa natutunan ‘yan?”


“Shut up.” Ano bang pinagsasabi niya? “May kasalanan ka pa sakin.” Siya ang nagsabi sa Torres na ‘yon!


Hindi na siya sumagot. Tinawag niya ang isang student nurse at nagpa-assist. Sinimulan na niyang lagyan ng bandage ang paa ni Chloe habang ang katabi ko, mas lalong humigpit ang kapit sa damit ko. Napatingin ako sa kaniya. Nakatago ang mukha niya sa likuran ko. Naririnig ko siyang umaaray pero mahina lang.


Nilingon ko si Tim. Busy siya sa ginagawa niya.


Gagawin ko lang ‘to ngayon. Ngayon lang.


Inangat ko ang kamay ko palapit sa ulo ni Chloe at ginawa ang bagay na never pumasok sa isip ko na gagawin ko.



= = =



( CHLOE’s POV )


“Aray…” paulit-ulit kong daing habang inaasikaso ni Tim ang paa ko. Mahina na lang ‘yon dahil baka mapagalitan na naman ako ni Lei. Nakaupo siya sa tabi ko habang nakakapit ako sa damit niya at nakatago ang mukha ko sa bandang likuran niya.


Hindi naman ‘to ang gusto ko pero bakit ganito ang nangyari? Why oh why?


Natigilan ako nang maramdaman kong may kamay na humahaplos sa ulo ko. Kaninong kamay ‘to? Kay Tim? Pero hindi, eh. Inaasikaso niya ang paa ko.


Tiningala ko ang nagmamay-ari ng kamay na nasa ulo ko only to find out na kay…


Kinurap-kurap ko ang mga mata ko.


Totoo ba ang nakikita ko o naghahalucinate lang ako? Baka naman iniisip kong may humahaplos sa ulo ko kahit wala naman para mawala ang atensyon ko sa sakit na nararamdaman ko?


Pero hindi ako naghahalucinate. Totoo talaga.


Hinahaplos ni Lei ang ulo ko. Nakaiwas ang mukha niya sakin kaya hindi ko makita ang itsura ng mukha niya. Napangiti ako.


Lei Constantine: Masungit. Ungentleman. Rude. Selfish. MABAIT, HINDI LANG KONTI - Noted mentally.


Ibinalik ko ang mukha ko sa bandang likuran niya. Hindi na rin ako kumapit sa damit niya. Sa braso na niya.


“Thank you, Lei.” I murmured.


Hindi ko naramdaman ang sakit. Anong nararamdaman ko? Masaya. Yun puso ko pumapalakpak. Hindi ko alam kung bakit. Baka trip niya lang at wala siyang magawa sa loob ng dibdib ko.


Naramdaman ko ang pagkawala ng kamay sa ulo ko. Hah? Bakit? Anong nangyari?


“Okay na.” Narinig kong sabi ni Tim.


Tapos na? Ang gara naman. Nag-eenjoy pa ko sa pwesto ko, eh. Umalis na si Lei sa tabi ko kaya napabitaw na rin ako sa kaniya.


Dumating na din ang x-ray result. “Wala namang bali. Two or three days lang, pwede ng tanggalin yung bandage. Lei, hindi ka pwedeng pumasok. Walang kasama si Chloe sa bahay nila.”


“What?!”


“O sige. Gagamitin ko na lang yung leave ko at ako na lang ang magbabantay sa kaniya sa bahay ninyo.”


Biglang umalis si Lei.


“Pare, sa’n ka pupunta? Papasok ka na?”


“Bibili ng kape!”


“Bawal sa’yo ‘yon!”


“Oo na!”


“Bumalik ka dito agad! Wala na kaming crutches! Ah! Ako na lang magbubuhat sa asawa mo!”


Hindi na sumagot si Lei bago siya nawala sa paningin ko.


“Nakakapanibago talaga siya. Para siyang bata.” sabi ni Tim na nakangiti lang.


“Papasok pa rin siya?” tanong ko sa kaniya.


“Hindi ‘yon. Takot lang niya.”


“Hah?”


“Wala.”


“Aray!” Pinitik niya kasi ang noo ko. I pouted. “Anong problema mo, Doc Tim?”


“Ang usapan natin, magpapanggap ka lang na na-sprain ka. Hindi ang totohanin mo.”


Nag-peace sign ko. “Hindi ko natantya yung pagkahulog ko, eh.”


Yun kasi ang naisip kong paraan para hindi makapasok si Lei. Tinawagan ko si Tim kanina tungkol sa balak ko. For sure kasi, dadalhin ako ni Lei sa ospital. Kaya nga pagdating namin dito, nakaabang na agad si Tim para siya ang mag-asikaso sa paa kong kunwaring na-sprain. Yun lang, naging totoo.


“Buti na lang at hindi ka nabalian. Konsensya ko pa kapag nangyari ‘yon dahil pinayagan kita.”


“Sorry na, Doc. Ang wrinkles mo, sige ka.”


“Sira ulo.” Ginulo niya ang buhok ko.


“Hi Doc Tim! Sino ‘yan? Girlfriend mo?” sabi nung dumaang nurse na babae.


“Asawa, Honey.”


Sira ulo din talaga ‘tong doctor na ‘to. Teka. Honey? Girfriend niya ang nurse na ‘to?


“Asawa mo siya, Doc Tim? Kailan pa?”


“Hindi pa ba tapos ‘yan? Gusto ko nang umuwi.” Bigla na lang sumulpot si Lei sa gilid namin.


“Ano ka ba, Honey? Hindi ko asawa ang magandang babaeng ‘to. Paano na yung mga nagmamahal sakin pag nag-asawa ako? Paano ka na? Right, Lei?”


Napailing ako. Siya na ang bolero.


“Tumahimik ka, Tim. Let’s go, Chloe.”


Inakbayan ni Tim ang nakakunot noo na si Lei. “Ito ang asawa niya. Ang selosong kaibigan ko.”


Napatulala ako. Hindi dahil sa sinabi ni Tim kay Lei. Pero dahil sa huling sinabi Lei.


Tinawag niya ko sa maganda kong pangalan.


Tinawag niya kong Chloe.


Napangiti ako.



= = = = = = = =



“Can you wipe off that grin face? Kanina ka pa. Para kang baliw.”


Napalingon ako kay Lei. Nakauwi na kami ng bahay. “Nakangiti ba ko?”


“Ewan ko sa’yo.”


Iniwan niya ko sa sala. Nagkibit-balikat na lang ako. Gamit ang crutches, pumunta ako ng kusina. Tanghalian na. Kumakalam na kasi ang sikmura ko. Wahehe.


Baka gutom na rin si Lei kaya magluluto ako. Medyo pahirapan lang sa pagkilos dahil sa sprain ko. Lalo na ngayong inaabot ko ang kaserolang gagamitin ko para sa lulutuin kong ulam. Nasa cabinet siya. Sa taas.


“Bakit ba kasi nandito ‘to?” Tiningkayad ko ang kaliwang paa ko habang nakasuporta ang isang crutch sa kanang bahagi ko. “Ang hirap naman. Magpakuha ka na, please. Mag—ay kabayo!”


Nakaiwas ako sa pagbagsak ng mga kaserolang nahulog mula sa cabinet. Yun lang, napaupo ako sa sahig habang nakakalat sa harap ko ang mga kaserola.


“Anong nangyari dito? Anong ginawa mo?”


Napalingon ako sa likuran ko. Nakita kong nakapameywang si Lei. Nag-peace sign ako. “Maglututo sana ko ng lunch natin. Kaya lang…” Tinuro ko ang mga kaserola. “Sorry.”


Napailing siya. “Tumayo ka dyan. Ako nang magluluto.” Sinimulan niyang kunin ang mga kaserolang bumagsak.


“Talaga? Sanay kang magluto? Masarap ba?”


Hindi siya sumagot.


Kumapit ako sa gilid ng kitchen table para tumayo. Hindi niya kasi ako tinulungan. Ungentleman nga kasi siya. “Tulungan na lang kita, Lei. Ako ang magsasaing. Tapos maghihiwa ng sibuyas, gulay o kahit na ano.”


Hindi niya ko pinansin. Binuksan niya ang ref.


Lumapit ako sa kaniya. “Tutulungan—ay kabayo!” Bumagsak ang hawak niyang gulay dahil pagharap niya, nasa gilid niya ko. Syempre, muntik na kong ma-out of balance kaya kumapit ako sa braso niya.


Magkasalubong ang kilay na tiningnan niya ko. “Chloe.” madiing sabi niya.


I smiled. Bakit ang ganda ng pangalan ko pag siya ang nagsasabi? “Sorry. Gusto ko lang naman—ay!” Hindi ako natumba o may ginawa na namang kapalpakan sa harap niya. Impit akong napatili nang basta na lang niya kong buhatin. Nabitiwan ko ang crutches ko. Dinala niya ko sala at binaba sa sofa.


“Dito ka lang, okay.” madiing sabi niya. Umalis na siya.


“Yung crutches ko, Lei!”


Hindi siya sumagot.


“Paano pag naiihi na ko o kailangan kong magbawas? Paano ako pupunta ng restroom? Akin na ‘yang crutches ko, Lei! Hindi na kita guguluhin! Promise ‘yan!” Nawala na siya sa paningin ko. Grabe naman. Hindi ako sanay nang nakaupo lang. Anong gagawin ko dito? Wala namang tv dito sa sala niya.


“Lei, naiihi na ko! Lei! Yung crutches ko!”


“Gumapang ka kung gusto mo!! Just shut up!!”


Napangiwi ako. “Sabi ko nga, hindi na ko naiihi.” bulong ko.








Lumipas ang araw na ‘yon at isang pang araw na gano’n ang set-up naming dalawa.


Siya ang nagluluto ng kinakain namin. Kapag nangungulit akong tutulong ako, susungitan, bubuhatin at itatambak niya ko sa sala. Minus my crutches, para hindi na ko makabalik sa kusina.


Itatambak talaga. Kasi minsan, halos ibagsak na niya ko sa sofa sa sobrang inis niya.


Paano namin pinapalipas ang maghapon?


Ewan ko sa kaniya. Nagkukulong siya sa kwarto niya. Hindi ko alam ang ginagawa niya. Malamang, natutulog. Basta ang mahalaga, hindi siya nagpapalipas ng gutom.


Anong ginagawa ko? Nanonood ng movie sa sinehan at natutulog. Buhay prinsesa lang. De joke lang. Inaasikaso ko yung Christmas party. May laptop naman ako kaya malaya kong nagagawa ang dapat kong gawin. Good thing, may wifi dito sa bahay ni Lei. Pinasa sakin ni Cyrish ang floor plan ng event hall. May contact na rin ako ng taong nakatoka do’n kapag may ginaganap na mga events do’n.


At si Lei, magkikita lang kami kapag kainan na.


And take note, hindi niya ko sinasabayang kumain! Do’n siya sa kwarto niya kumakain. Sinong naghuhugas ng pinggan na pinagkainan namin? Kaniya-kaniya kami! Hindi man lang naawa sakin dahil may injury ako. Ginagantihan niya siguro ako kasi hindi siya makapasok sa palasyo niya este sa office niya ng dahil sakin.


Ang bait talaga niya. Grabe.


Mabalik tayo sa Christmas party, bukas aalis ako. Kailangan kong makausap ang mga dapat kong makausap. Pupunta rin ako ng CTC para kausapin ng personal si Mrs. Josephine Cruz, siya ang nakatoka sa event hall and at the same time, marketing head din siya.


Third day na ngayon ng injury ko. Pwede ng tanggalin ang bandage ng kanang paa ko. Ang sabi ni Tim, siya na lang daw ang pupunta dito mamayang gabi. Off duty niya na daw kasi no’n.


Tiningnan ko ang wall clock. Eleven na. Ibig sabihin, time to eat na. May nakahanda na sigurong pagkain si Lei. Hindi na ko nangulit tumulong dahil alam ko naman ang gagawain niya. Mabo-bored lang ako do’n sa may sala.


Hindi ko na ginamit ang crutches ko. Hindi naman na masakit, eh. Pero pag naglalakad ako, sa kaliwang paa ko pa rin nilalagay ang bigat ng katawan ko. Lumabas na ko ng sinehan. Nasanay na talaga kong sinehan ang tawag dito. Yun pa. Napaka-ungentleman talaga ng Lei na ‘yon. Hindi man lang nag-presintang palit kami ng tulugan.


Pagdating ko sa kusina, walang pagkain akong naabutan. “Hindi siya nagluto?” Nanlaki ang mga mata ko ng may maisip ako. “Hindi kaya tumakas siya?”


Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Kumatok ako. “Lei?” Walang sumagot. Hindi naka-lock ang pintuan kaya dahan-dahan ko ‘yong binuksan. Tumambad sakin ang natutulog na si Lei. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang may laptop sa harapan niya.


Aba! May laptop pala siyang nakatago dito sa kwarto niya. Mautak talaga siya.


Sinilip ko ang ginagawa niya. Napailing ako. “Trabaho pa rin?” Tiningnan ko siya. “Ano ka ba naman, husby? Don’t tell me kaya hindi ka lumalabas dahil nagta-trabaho ka pa rin dito sa kwarto mo? Grabe ka talaga. Ikaw na ang may award ng pinaka-workaholic sa earth. Siguro nag-puyat ka kagabi ‘no?”


Tumuwid ako ng tayo. “Ako na lang ang magluluto. Pambawi ko sa’yo.”


Lumabas na ko ng kwarto niya at pumunta ng kusina. Nag-isip ako ng pwedeng iluto. At habang nag-iisip ako, nagsaing na ko sa rice cooker.



= = =



( LEI’s POV )


“Husby, wake up. Yuhoo.”


Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses na ‘yon.


“Hus—” I opened my eyes. “Lei.”


Kumunot ang noo nang makita ko si Chloe na malapit ang mukha sakin. Ilang segundo pa ang lumipas nang mahimasmasan ako. “Ang lapit ng mukha mo. Lumayo ka nga.”


“Sungit naman.”


Ikiniling ko ang ulo ko. Nangawit ang ulo ko. Nakatulog pala ko ng hindi ko namamalayan.


“May pagkain na sa baba. Kain na tayo. At dahil ako nag nagluto, ako ang masusunod. Sabay tayong kakain.”


Nauna na siyang lumabas ng kwarto ko.


Napailing ako. “Makapag-utos siya, ah.” Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko kaya sumunod na ko. Naabutan ko siya sa may hagdan. At hindi ako makadaan dahil nasa gitna na nga siya, naka-extend pa ang dalawang kamay niya sa wall at do’n sa hawakan ng hagdan. Ang bagal pa niyang maglakad.


Kumunot ang noo ko. “Where’s your crutches?”


“Hindi ko na ginamit. Kaya ko namang maglakad kahit wala na. Hindi ko lang pinupwersa yung kanang paa ko. Mahirap na, tatanggalan pa naman ‘to ni Tim ng bandage mamaya.”


“Pupunta ka ng ospital?”


“Bakit mo tinatanong? Uyy…sasamahan mo ba ko?” Kahit hindi ko makita ang mukha niya. Maaasar lang ako sa makikita kong ngiti niyang nanunukso.


“No. Pumunta ka mag-isa mo. Bilisan mo na nga lang dyan.”


“Ang bad mo talaga. Pero don’t worry, si Tim na lang ang pupunta dito mamayang gabi. Off duty niya kasi. Hindi ba siya nag-text sa’yo na pupunta siya dito?” Hindi. “Hindi ‘no?” Nakakabasa ba siya ng isip, hah? “Ako na kasi ang new bestfriend niya. Ayaw na daw niya sa’yo kasi lagi mo siyang dine-deny na bestfriend mo. Kaya ako na lang—ay!”


Binuhat ko na siya. Napakatagal na nga niyang bumaba ng hagdan, napakadaldal pa niya. Ang sakit sa tenga! Hindi ko alam kung nananadya ba o ano.


“Binabawi ko na yung sinabi ko kanina, Lei.”


Napatingin ako sa kaniya. She was smiling.


“Hindi ka bad. Mabait ka din kasi binuhat mo ko. Sweet din pala ang asawa ko.”


Sa sinabi niya ay binaba ko siya. Hindi pa kami nakakarating ng kusina. “Maglakad ka mag-isa mo.” Iniwan ko na siya.


“Okay. Pero mabait at sweet ka pa rin.”


Napailing na lang ako.



= = = = = = = =



“Ang sarap talaga ng luto ko. Pwede na kong mag-asawa. Ay! May asawa na  pala ko.”


Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. “Will you stop talking? Kanina ka pang tanghali.”


Oo. Dinner na ngayon. Kaninang tanghali habang kumakain kami, wala siyang ginawa kundi ang purihin ang luto niya.


She smiled. “Wala naman kasing pumupuri ng luto ko kaya ako na lang. Kaninang lunch, wala ka man lang sinabi. Ako na nga ang naghugas ng pinagkainan natin, wala pa rin.”


Binaba ko ang spoon and fork na hawak ko. “Are you fishing for compliments kaya ikaw ang nagluto? Hindi naman masarap ang luto mo.”


She pouted. “Ang bad mo talaga. Bakit mo kinakain kung hindi naman pala masarap?”


“I have no choice. Hindi pwedeng hindi ako kumain. Matibay naman ang sikmura ko.”


Mas lalo siyang napanguso. Para siyang bata. “Dapat pala ikaw na lang ang nag nagluto. Kaya lang hindi naman masarap luto mo.” bulong niya na umabot naman sa pandinig ko.


“I heard it, Chloe.”


Bigla na lang nagliwanag ang mukha niya.


“Hey love birds!”


Napalingon ako sa bungad ng kusina. I saw Tim. Kumunot ang noo ko. Kaya ba nagliwanag ang mukha ni Chloe dahil nakita niya si Tim? May gusto siya sa kaibigan ko?


“Hi, Tim! Kumain ka na o kumain?”


“Hindi at hindi.”


Nagtawanan ang dalawa. Anong nakakatawa? Ewan ko sa kanila. Mga baliw. Tumayo na ko. “I’m done.” Umalis na ko.


“O, Lei. Hindi pa ubos yung food mo sa plate, ah.”


“Oo nga, bestfriend. Dumating lang ako, aalis ka na.”


“Busog na ko.”


Wala na kong narinig na sagot. Iba ang narinig ko.


“Mukhang masarap ‘to, Chloe, ah.”


“Syempre. Ako ata ang nagluto nito.”


“Talaga? Aba! Pwede ka ng mag-asawa. Oh! May asawa ka na pala.”


Narinig ko pa silang nagtawanan.


“Linisin ninyo ‘yang kalat ninyo dyan!”


“Wala namang kalat dito, bestfriend!”


Hindi na ko sumagot at dumeretso na ng kwarto ko.



= = =



( CHLOE’s POV )


“Buti ka pa, Tim, na-appreciate mo ang niluto ko. Yang kaibigan mo, dedma talaga.”


Nandito kami ni Tim sa sala. Tapos na kaming kumain. Nakaupo ako sa sofa habang nakapatong ang kanang paa ko sa center table. Nakaupo naman sa floor si Tim. Tinatanggal na niya ang bandage ng paa ko.


“Masarap naman talaga ang luto mo. Nahihiya lang si Lei na sabihing masarap ang luto mo.”


“May pagka-shy pala siya.”


“Oo naman. Halatang-halata nga diba?”


“Sobra.”


Nagtawanan kami.


Masayang kasama si Tim. Para na nga siyang kuya ko kasi four years ang tanda niya sakin.


“Okay na, Chloe.” Hinilot niya nang marahan ang kanang paa ko. “Masakit pa?”


Umiling ako. “Hindi na, Kuya Tim.”


Ngumiwi siya. “Kuya Tim? Wag mo nga kong tawaging kuya. Tumatayo ang balahibo ko. Bestfriend ko ang asawa mo tapos kuya ang tawag mo sakin.”


“Hindi na nga, Kuya Tim.”


“Chloe!”


Ang lakas ng tawa ko.


“Baliw ka talaga. Hawaan mo nga ang asawa mo ng kumulay naman ang buhay niya.”


“May water color at crayons ako. Kukulayan ko na lang siya. Rainbow pa.”


Ginulo niya ang buhok ko. Maya-maya ay nawala ang ngiti niya. “Thank you, Chloe.” Sumeryoso ang mukha niya.


“Biglang seryoso?”


He smiled. “Seryoso nga. Thank you.”


“For what?”


“For—”


“Bakit ba ang ingay ninyong dalawa?”


Napalingon ako sa may hagdan. Nakapa-meywang do’n si Lei.


“Hindi naman kami maingay, ah.” dahilan ko.


“Maingay kayo. Rinig ang tawanan ninyo sa kwarto ko. Hindi ako makatulog. Ito ba ang rest day na sinasabi ninyo?”


Nagkatinginan kami ni Tim. Nakangiti lang siya. “I’m outta here.” Tumayo siya at tinapik niya ang ulo ko. “Goodnight, Chloe.”


“Goodnight, Tim. Thank you.”


“No. Thank you.” Nilingon niya si Lei. “Goodnight, bestfriend!”


Hindi sumagot si Lei. Nagkibit-balikat lang si Tim bago lumabas ng bahay.


“You’re so bad talaga, Lei.”


Tiningnan lang niya ko nang masama bago siya pumanhik ng hagdan.


“Kung babae lang siya, malamang kawawa ang lalaking manliligaw sa kaniya.”


= = =


2 comments:

  1. Naghuhunting ako ng story at nakita ko 'to :P Na miss ko ang blog. Hehehe. Ang kulit kulit ni Chloe ang sarap magkaroon ng kaibigan na ganyan. Tapos kinikilig ako ng sobra kay Lei. Laughtrip to the max

    ReplyDelete
  2. beb~ nakalimutan mo na naman, justified po ang post para maayos ang ating mga post blog~ naedit ko na ha, pero next time po. ^___^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^