CHAPTER
9
( LEI’s POV )
“Damn!”
May
pinapanood akong power point presentation sa laptop ko ng bigla na lang
mag-black ang screen. Sinubukan kong i-on pero ayaw talaga.
“Anong nangyari dito?”
Naiinis
na tinabi ko ‘yon sa gilid ng kama ko. Tiningnan ko kung anong oras na.
Maghahating-gabi na.
Kinuha
ko ang flash drive ko at lumabas ng kwarto. Kailangan kong panoorin ang
presentation na ‘yon. At mero’ng lugar dito sa bahay kung sa’n ko pwedeng
panoorin ‘yon.
Bumaba
ako ng hagdan at dumeretso sa kwartong pakay ko. Bukas ang pinto kaya pumasok
na ko. May nagpe-play na movie sa screen. Hindi siya movie. Cartoon siya.
Lumapit ako sa table. Kinuha ko ang case ng dvd.
“Winnie the pooh? Wala kong dvd na
ganito. Sa’n galing ‘to?” Nilingon ko ang couch. Nakabaluktot
na natutulog do’n si Chloe. Wala siyang unan. Wala siyang kumot. Pero kasya
siya sa couch.
Napailing
ako. Hindi dahil sa para siyang kawawa sa itsura niya. Napailing ako dahil
nakatodo ang aircon kahit ang lamig-lamig na sa labas. December na kasi. Hindi
lang ‘yon, hinayaang bukas ni Chloe ang malaking tv screen na walang nanonood.
Kung matutulog naman pala siya, dapat pinatay na niya. Palibhasa, alam niyang
hindi siya ang magbabayad kaya napaka-aksayado niya.
Ganito
ba siya araw-araw simula nang tumira siya dito?
“Hmm… ang lamig.”
Kasabay
no’n ay nakita ko siyang bumaligtad ng higa at…
Buuuggg!!!
Bumagsak
siya sa sahig. Carpeted floor naman ang kinabagsakan niya pero kahit gano’n, ba’t
hindi man lang siya nagising? Bumangon pa nga siya habang nakapikit at humiga
uli sa couch na parang walang nangyari.
Hindi
ko alam kung mapapakunot ako ng noo o ano.
= = =
( CHLOE’s POV )
Nagtalukbong
ako ng kumot na nakapa ko at niyakap ang malambot na unan na nasa tabi ko.
Teka
lang!
Kumot?
Unan? At bakit parang mas malambot ang kinahihigaan ko?
I
opened my eyes. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Nawala ang antok ko sa nakita
ko. Bigla akong napabalikwas ng bangon. “Kwarto
‘to ni Lei, ah! Anong ginagawa ko dito?”
Bumangon
ako at hinanap siya. Pero nalibot ko na ang buong bahay hanggang sa labas at
likod, hindi ko pa rin siya nakita. Wala rin ang kotse niya. Mukhang pumasok na
siya. Tapos na kasi ang tatlong araw niyang rest day.
Anong
ginamit niyang kotse? May kotse siyang nakaparada dito. Hindi niya kasi nadala
yung kotse niyang naiwan sa CTC nung sumpungin siya ng sakit niya. Kotse ni Tim
ang gamit namin no’n, eh.
Pero
hindi yun ang issue dito. Wow! Issue talaga? Parang showbiz lang, ah. Ano ba
‘yan? Ang aga-aga, kalokohan na naman ang nasa isip ko.
Tiningala
ko ang second floor ng bahay. “Ano ba
talagang ginagawa ko sa kwarto niya? Hindi naman siguro ako nag sleep walk ‘no?
Pero never pa kong nag-sleep walk, eh. Paano kung namamahay pala ako kaya
nag-sleep walk ako? Pero paano akong mamamahay kung halos isang linggo na kong
natutulog dito? Hindi kaya binuhat ako ni Lei? Pero hindi rin, eh.”
Inis
na sinabunutan ko ang buhok ko. “Waah!
Hindi ko alam! Hindi ko alam!”
Wala
akong makuhang matinong sagot kaya pumasok na lang ako ng bahay. Magiging busy
ako ngayong araw kaya kailangan ko nang kumilos. Buti na lang, maaga akong
nagising.
Hinatidan
ko muna ng pagkain si Snow. After that, nagluto ako ng breakfast ko. Kumain. Inayos
ang mga dadalhin ko. Naligo. Nagbihis.
Ready
to go na ko. Pero bago ko umalis, may kinuha muna ko mula sa closet ni Lei.
Nang makuha ko ‘yon, pumunta uli ako sa bahay ni Tim. Kinuha ko si Snow.
Napaliguan ko na siya kahapon kaya ready to go na rin siya.
= = = = = = = =
“Snow, ayaw talaga kitang iwan, eh.
Pero kailangan. Walang magbabantay sa’yo kasi may pasok si Tim. Magugutom ka
do’n sa bahay. Baka mamaya, ma-dognap ka pa do’n.”
“Best, pwede bang bitiwan mo na si
Snow nang makaalis na kami ni Tom. Naiinip na yung tao, o.”
Sinilip
ko si Tom sa driver seat. May hawak siyang book. “Busy siya, best.”
“Kaya nga akin na si Snow. Baka
tapusin pa niya ‘yang book na binabasa niya at abutin kami ng siyam-siyam
dito.”
“Oo na.”
Binigay ko sa kaniya si Snow. Pero binawi ko din agad. “Alagaan mo siya, hah. Wag mo siyang gugutumin. Wag mo siyang—”
“Oo na. Bilis na.”
Tinitigan
ko muna si Snow. “Ba-bye, Snow.”
“Chloe Salazar Constantine. Akin na si
Snow. Para ka namang makikipaghiwalay sa boyfriend mo niyan, eh.”
I
pouted. “Para namang hindi mo alam na
love na love ko siya.” Tuluyan ko nang binigay sa kaniya si Snow.
“Gora na kami.”
“Sa 23, ah. Umatend ka.”
“Oo naman. I love the theme, eh.”
Nginuso
ko si Tom. “Isama mo ‘yan.”
“Yan? Mas gusto pa niyang magbasa kesa
umatend sa mga gano’n.”
Sumakay
na siya sa kotse ni Tom. Nakipagkita ako sa kaniya dito sa Cubao para ipaalaga
si Snow. Off niya kasi ngayon. Nagpasama siya kay Tom kasi tinatamad daw siyang
mag-commute.
Pumara
ako ng taxi at nagpahatid sa boutique ng kaibigan kong si Laleen na isang
fashion designer. Highschool friend ko siya. Nando’n din siya sa birthday party
ko.
Binigay
ko sa kaniya ang dala kong paper bag. Sinusukatan niya ako nang makatanggap ako
ng tawag mula kay Lei. Alam kong si Lei ang tumatawag kasi naka-save ang number
niya sakin which I got from his bestfriend. Pero hindi ‘yon, eh. Naka-save pala
ang number ko sa kaniya? Wow, ah!
“Anong klaseng theme ang ginawa mo?!”
Yun ang bungad niya sakin. Ni wala man lang hello-hello.
Napangiwi
ako. “I’ll call you later, Lei.”
“Chlo—” I
ended the call.
“Asawa mo?”
tanong ni Laleen.
“Oo.”
“Grabe ka! Ba’t hindi mo sinabi na si
Lei Constantine pala ang mapapangasawa mo? Ang daya mo.”
“Sikat ba talaga siya?”
“Naturingang mayaman ang pamilya mo,
hindi mo alam? Wag kasing puro tabloid ang basahin mo noh.”
“Sila lang ‘yon. Hindi ako. Saka mas
trip kong magbasa ng mga tabloid.”
“Hay, Chloe. Hindi ka na talaga
nagbago.”
“Yeah. Maganda pa rin ako. So, anong
tsismis tungkol sa asawa ko?”
“Yun nga. Habulin talaga siya ng mga
babae. Kahit gano’n kasungit ‘yon, marami pa ring naghahabol do’n. Hindi lang
kasi gwapo, mayaman pa. Biruin mo, at the age of what? Twenty five.
Napakasuccessful na niya. Kaya bantayan mo ang asawa mo.”
“No need.” Maghihiwalay
din naman kami. “Head over heels inlove
sakin ‘yon kaya hindi niya ko hihiwalayan. Ipagkalat mo na ‘yan sa mga babaeng
humahabol sa kaniya, okay?”
“Baliw ka talaga. Kailan ba ang kasal
ninyo sa simbahan?”
Wedding
church. Isa ‘yon sa mga pangarap ko kahit pa sabihing arranged marriage lang
‘to. But in Lei’s case, mukhang hindi na matutupad ‘yon.
“Pinag-uusapan pa namin ‘yan.” Yun
na lang ang tanging nasabi ko.
Iniwan
ko din kay Laleen ang mga gamit ko at dinala lang ang dapat kong dalhin.
Babalikan ko na lang ang mga ‘yon mamaya. After that, umalis na ko at pumunta
sa dalawang shop. Matapos ang pakay ko sa kanila, dumaan muna ko sa mall para magbihis.
Naka-rubber
shoes na naman kasi ako, skinny jeans at t-shirt. Sa CTC naman ang punta ko
nito para kausapin si Mrs. Josephine kaya dapat lang siguro na maging
presentable ako. Lunch ang usapan naming dalawa kaya sakto lang akong
makakarating do’n.
From
rubber shoes, nag-heels na ko. Mga two inches lang. Pinalitan ko na rin ang
t-shirt ko pero ang skinny jeans ko hindi na. Bagay naman siya sa suot ko.
Nag-re-touch na rin ako. And I’m done.
Pumunta
na ko ng CTC. Pagkapasok ko pa lang ng lobby, may sumalubong na sakin na babae.
Mga nasa late forties na siya. Si Mrs. Josephine Cruz. Ngayon ko lang siya
nakita ng personal pero nagkausap na kami via skype. Do’n kami nag-uusap about
sa party.
“Goodmorning, Mrs. Chloe Constantine.”
“Ma’am Josephine naman. Sabi ko po sa
inyo sa skype, Chloe na lang po.”
“Asawa ka ni Mr. President Lei, hija.
Ang pangit naman kung Chloe lang.”
Medyo
napalakas ang boses niya kaya nagsimula akong makarinig ng mga bubuyog na
bumubulong sa paligid ko.
“Asawa?”
“Chloe?”
“Siya ba ‘yon?”
“Chloe daw, eh.”
“Siya rin yung Chloe sa speaker no’n,
right?”
“Ano ka ba? Ma’am Chloe dapat. Asawa
nga siya ni Sir President diba?”
Ehem!
Hindi ba nila alam na naririnig ko sila? Nakangiting hinarap ko ang mga taong
nasa lobby. “Good day everyone!” Malakas
‘yon para marinig nila. “I’m Chloe! Ako
yung babae sa speaker na nag-invite sa inyo to attend the Christmas party next
Monday! See you there, okay?”
May
mga ngumiti. May mga blank expression.
Hinarap
ko uli si Mrs. Josephine pero iba ang nahagip ng mga mata ko. I saw him.
Mukhang kalalabas lang niya ng elevator. May mga kasama siyang naka-suit din.
Humakbang siya palapit sa gawi ko pero huminto din siya. Para pa ngang nagtaka
siya.
Bakit?
Akala niya ba kung sino ako? Grabe, ah! Nag-ayos lang ako ng kaunti, nag-iba na
agad ako sa paningin niya? Wahehe!
“Mukhang may sasabihin sa’yo si Sir
President, Ma’am Chloe.”
At
mukhang hindi maganda ang sasabihin niya. Ramdam kong may ginawa akong
kasalanan base sa pagkakatingin niya. Ramdam ko din na nasa amin na ang
atensyon ng mga empleyado sa paligid namin. Parang eksena lang sa movie, ah.
Lumapit
na ko kay Lei bago pa niya ko masigawan. Pero mukha namang hindi niya gagawin
‘yon.
“Hi, Lei.” I
greeted him while smiling from ear to ear.
“Bakit mo ko binabaan ng phone kanina?” mahina
pero madiin niyang tanong.
Nag-peace
sign ako. “Sorry.”
Mas
lalong tumalim ang tingin niya. “Anong
theme ang ginawa mo para sa party?”
“Hindi mo alam? Ay, oo nga pala. Hindi
mo nabasa yung letter kasi sinugod ka namin sa hospital.”
“Bakit ‘yon pa?!”
Napangiwi
ako sa lakas ng boses niya. “Lei naman.
Maraming tao dito. Don’t shout at me.” For sure, tsismis na naman ‘to. Na
kesyo bagong kasal kami tapos nag-aaway agad kami.
Nilingon
ni Lei ang mga empleyado. “Go back to
work!”
Mabilis
pa sa alas kwatrong nagsipag-kilusan sila.
“Ang ibig lang niyang sabihin, wag
kayong magpakapagod! Yung sakto lang para hindi kayo ma-stress!” pahabol
ko sa kanila. Nilingon ko si Mrs. Josephine. “Ma’am Josephine, kakausapin ko lang po yung asawa ko.”
Nakangiting
tumango siya.
Hinawakan
ko naman ang kamay ni Lei at hinila siya papasok sa pinakamalapit na pintuan na
nakita ko. Fire exit ‘yon.
“What do you think you’re doing?!”
Hinarap
ko siya. Minsan pala, kahit yung pinakamasayahing tao, nagagalit din. Hindi man
ako ang pinakamasayahing tao sa mundo—sa baranggay lang namin—nakakapikon din,
eh. Kailangan bang pagtaasan niya ko ng boses kanina sa harap pa ng maraming
tao? Nagawa na niya ‘yon nung nasa ospital kami nung atakihin siya ng allergy
niya. Madalas niyang gawin ‘yon sakin pag nasa bahay kami. Nakakapuno na din
pala.
Buong
buhay ko, ngayon lang talaga ako napuno ng ganito.
“Bakit ‘yon pang theme na ‘yon ang
naisip mo?! Bakit—”
“Shut up, Lei!”
“What did you said?!”
“I said shut up.”
walang kangiting-ngiting sabi ko sa kaniya. Natigilan siya. Mukhang nagtaka siya
sa inasal ko. “Bakit ba ganyan ka? Bakit
kailangang sigawan mo pa ko sa harap ng maraming tao? Okay lang kung dalawa o
tatlo sila, eh. Pero hindi. Ang dami kaya nila sa lobby kanina. Kung gawin ko
kaya sa’yo ‘yon? Matutuwa ka kaya? Malamang hindi diba? Baka ibalibag mo pa ko
palabas ng building na ‘to. Hinahayaan kong sigaw-sigawan mo ko dahil
iniintindi ko na gano’n ka talaga. But it doesn’t mean na pwede mo ng gawing
hobby ang pagsigaw sakin.”
“At yung ginawa mong pagsigaw sa
kanila kanina. Mali ‘yon, eh. Pwede ka namang magsalita nang hindi sumisigaw na
parang galit ka at may ginawa sila sa’yo. Tao din naman sila. May feelings din
sila. Lalo naman ako, Lei.”
“Itong ginagawa ko na ‘to. Itong
pag-aasikaso ko sa christmas party ninyo. Hindi naman para sakin ‘to, eh. Para
sa kanila ‘to at para sa’yo din, Lei. Para naman hindi maisip ng mga empleyado
mo na wala kang kwentang boss. Baka kasi sa sobrang ilag nila sa’yo, iwan ka na
nilang lahat. At sana lang din, marunong kang maka-appreaciate ng mga bagay na
ginagawa para sa’yo ng ibang tao.”
Hindi
ko na siya hinintay na sumagot dahil lumabas na ko. Nilapitan ko si Mrs.
Josephine na parang walang nangyari.
Pinilit
kong ngumiti. “Tara na po.”
= = = = = = = =
Saktong
closing hours ng mall ako lumabas kasama ang mga pinamili kong regalo para sa
pamilya at mga kaibigan ko. Mero’n din si Snow, syempre.
Hay...
Kamusta na kaya si Snow?
Kinuha
ko ang phone ko at idi-nial ang number ni Ren. Matagal pa bago may sumagot sa
kabilang linya.
“Hello, best! Kamusta si Snow?”
“Chloe?”
“The one and only!”
“Ano ka ba? Natutulog na ko, eh...”
“Ba’t ang aga?”
“Best, past ten na kaya. Maaga pa ko
bukas. Saka nag-inom kami ni Tom kanina kaya kailangan ko nang matulog para
magising ako bukas.”
“Nag-inom kayo? Anong nangyari?”
“Nasa’n ka ba? Ba’t ang ingay?” sa
halip ay tanong niya.
“Maka-change topic ka naman. Nasa loob
ako ng taxi. Pauwi na. Kagagaling ko lang ng mall. Nag-shopping ng mga gifts for
Christmas.”
“Grabe ka talaga! Nagawa mo pang
mag-shopping pagkatapos mong asikasuhin yung party? Iba ka talaga. Ilang bote
ba ng energy drink ang nilaklak mo? O anong brand ba ang ininom mo nang ma-try
ko?”
“Ma’am nandito na po tayo.”
Narinig kong sabi nung driver.
Sinilip
ko ang building na pinaghintuan ng taxi. “Best,
mamaya na lang, hah. Nandito na ko, eh.”
“Anong mamaya ka dyan? Talagang may
balak ka pang makipag-chikahan sakin mamaya, ah. Ikaw na ang hyper na bruha ka.
Matutulog na ko. May pasok pa ko bukas. Bye!”
“Best?”
Tiningnan ko ang phone ko. Binabaan na nga niya ako ng phone. Nagbayad na ko sa
driver at bumaba bitbit ang mga gamit at mga pinamili ko. Tinulungan pa ko nung
driver dahil ang dami kong bitbit. Para akong galing sa ibang bansa nito dahil
sa mga gamit ko, na binalikan ko pa kina Laleen kanina bago ako pumunta ng mall
after kong asikasuhin ang dapat na asikasuhin sa CTC.
Teka
lang. CTC? Oo nga pala! Bakit ngayon ko lang naisip? Patay! Pagkatapos ng
ginawa ko kay Lei kanina, baka hindi niya ako payagang tumapak ng unit niya!
Anong gagawin ko? Ayokong matulog sa kalsada ‘no! Saka, nandito na kaya siya?
Paano ba ‘to? Hay…
“Goodevening, ma’am.”
Napalingon
ako sa gilid ko. Yung security guard ng building.
“Goodevening din. Ahm, nandyan na ba
si Lei? Lei Constantine.”
Tiningnan
niya ako mula ulo hanggang paa. Ano bang problema nila? Nung una din akong
tumapak sa CTC, ganito din ang ginawa sakin ng mga empleyado do’n. What’s with
me ba? Mukha na ba kong haggard? Pero hindi naman ako haggard nung pumunta ako
sa CTC nun, ah.
“Ma’am, hindi na po kasi tumatanggap
si Sir Lei ng bisita kapag gabi. Sorry po.”
“Nandyan na siya sa loob?”
“Lumabas po siya.”
“Sa’n siya pumunta?”
“Sorry po, ma’am. Hindi ko po alam.
Guard lang po ako dito.”
Nakangiti
siya pero parang gusto na niya akong paalisin sa mga sagot niya. Teka lang! Don’t
tell me iniisip niyang isa ako sa mga babaeng naghahabol kay Lei? Naman, eh!
Hindi pwede ‘to! Ayokong matulog sa kalsada nito!
Aha!
I have to use that word again!
At
syempre, hindi ako papayag na matulog sa kalsada ‘no! Saka gusto ko na ring
matulog dahil may lakad pa ko bukas. Galit man si Lei o galit, dito ako
matutulog!
“Ma’am?”
I
smiled at the guard.
= = =
( LEI’s POV )
Tumayo
ako mula sa pagkakaupo ko at iniwan ang mga papeles na nasa mesa. Lumapit ako
sa glasswall ng office ko at nag-inat.
“Bakit ‘yon pang theme na ‘yon ang
naisip mo?! Bakit—”
“Shut up, Lei!”
“What did you said?!”
“I said shut up. Bakit ba ganyan ka?
Bakit kailangang sigawan mo pa ko sa harap ng maraming tao? Okay lang kung
dalawa o tatlo sila, eh. Pero hindi. Ang dami kaya nila sa lobby kanina. Kung
gawin ko kaya sa’yo ‘yon? Matutuwa ka kaya? Malamang hindi diba? Baka ibalibag
mo pa ko palabas ng building na ‘to. Hinahayaan kong sigaw-sigawan mo ko dahil
iniintindi ko na gano’n ka talaga. But it doesn’t mean na pwede mo ng gawing
hobby ang pagsigaw sakin.”
“At yung ginawa mong pagsigaw sa
kanila kanina. Mali ‘yon, eh. Pwede ka namang magsalita nang hindi sumisigaw na
parang galit ka at may ginawa sila sa’yo. Tao din naman sila. May feelings din
sila. Lalo naman ako, Lei.”
“Itong ginagawa ko na ‘to. Itong
pag-aasikaso ko sa christmas party ninyo. Hindi naman para sakin ‘to, eh. Para
sa kanila ‘to at para sa’yo din, Lei. Para naman hindi maisip ng mga empleyado
mo na wala kang kwentang boss. Baka kasi sa sobrang ilag nila sa’yo, iwan ka na
nilang lahat. At sana lang din, marunong kang maka-appreaciate ng mga bagay na
ginagawa para sa’yo ng ibang tao.”
Ikiniling
ko ang ulo ko. Bakit ko ba iniisip ‘yon? Ang babaeng ‘yon! Hindi ako sinagot ng
gano’n ni Tim na matagal ko nang kilala. Tapos siya?! Hah! Sino bang nagsabing
asikasuhin niya yung Christmas party? Ako ba? Siya ang makulit, hindi ako!
Tapos siya pa ang may ganang magalit? Ako ang dapat na magalit dahil sa ginawa
niyang pagsagot-sagot sakin!
I
frustratedly sighed.
Bumalik
sa alaala ko ang mukha niya kanina nang sagutin niya ko. Sa ilang araw na
nakasama ko siya at sa ugaling pinapakita niya, hindi pumasok sa isip ko na
magagalit siya ng gano’n. Sanay pa lang magalit ang makulit na babaeng ‘yon?
Sumobra
na ba ko kaya nagalit siya ng gano’n? Pero teka! Kasalanan naman niya! Hindi ko
kasalanan ‘yon!
Napalingon
ako sa table nang marinig kong may nag-ring. Not my phone but from the
telephone. Nagre-register kung kanino galing ang tawag at mula ‘yon sa front
desk ng condominium kung sa’n ako may unit.
Tiningnan
ko ang relo ko. Twelve midnight na. Hindi naman pwedeng babae ang dahilan kung
bakit sila tumawag. Mahigpit ang security ng condomium na ‘yon. And besides,
alam na nila ang gagawin nila sa mga babaeng ‘yon. Hindi naman siguro sila
tatawag kung hindi emergency. I answered the call.
“Goodevening, Sir Lei. I’m sorry to
disturb you, Sir. Mero’n po kasing babae ditong naghahanap sa inyo.”
Nagsalubong
ang mga kilay ko. “You know my rules,
right? Bakit hindi ninyo pa paalisin?”
“Sir, sinunod naman po namin ang mga
bilin ninyo. Kaya lang po, makulit yung babae. Maghihintay daw po siya hanggang
dumating kayo.”
“Then do something! Trabaho ninyo ‘yan
diba? It’s a class A condominium. Kaya nga ‘yan ang pinili ko because I know na
first responsibility ninyo ang security ng mga taong nakatira dyan. Paalis
ninyo ‘yang babaeng ‘yan, now!”
“S-sir, ano po kasi. A-asawa daw po
ninyo siya.”
“What?!”
“C-chloe Salazar, Sir. Yun daw po ang
pangalan niya.”
Ipinikit
ko nang mariin ang mga mata ko. “Anong
ginagawa niya do’n?”
“Sir, kilala ninyo po ba siya? Kung
hindi po, ipapagising ko na lang po siya sa guard at paaalisin.”
“She’s sleeping?”
“Yes, Sir.”
“Don’t wake her up.”
“Sir?”
“I said don’t wake her up!”
Then I ended the call. “What now, Lei?”
I sighed. Paano nalaman ni Chloe ang lugar na ‘yon? Napailing ako. Si Tim.
Siguradong siya ang nagsabi. Pero anong ginagawa niya do’n ng dis oras ng gabi?
I
grabbed my things and walked out of the office.
With
Chloe’s personality, siguradong hindi siya aalis do’n at maghihintay kahit
abutin pa siya ng umaga. But what’s with her? Galit siya kanina diba? Kung
galit siya, bakit pa siya pumunta ng condo ko? Hindi ba siya natatakot na galit
ako sa kaniya ngayon? Sabagay, kailan ba siya natakot tuwing nagagalit ako?
Mananahimik lang siya saglit. Pero pagkatapos no’n mangungulit na naman siya.
Dahil
hindi naman kalayuan ang building ng CTC sa condominium at wala pang trapik,
nakarating agad ako do’n. Sinalubong agad ako ng guard ng building.
“Sir, ayaw po talaga niyang umalis.”
As
I entered the lobby, nakita kong nakaupo si Chloe sa mahabang couch at
natutulog. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mga gamit na nasa baba. Bukod
sa mga plastic bag na may tatak ng isang mall, may backpack at maliit na bag pa
akong nakita.
“Gusto ko po sana, Sir, na gisingin
kaya lang nakakaawa. Mukhang pagod si Ma’am.”
“Ilang oras na siya dito?”
“Isa’t kalahating oras, Sir.”
“Ako ng bahala dito. Iwan mo na kami.”
“Sige, Sir.”
Humakbang
ako palapit kay Chloe. Tinapik ko ang balikat niya. “Hey.” Hindi siya kumilos. This time, pisngi niya na ang tinapik
ko. “Chloe.”
She
opened her eyes slowly. Our eyes met. She smiled. “My Prince. You saved me.”
Ano
daw?
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^