Thursday, February 20, 2014

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 10



CHAPTER 10
( CHLOE’s POV )



Nakatayo ako sa isang malawak na hardin. Napapaligiran ako ng mga naggagandahang bulaklak habang nagliliparan ang mga paro-paro sa paligid ko. Nililipad din ang laylayan ng suot kong damit. Puting-puti ang damit ko. Pati buhok ko nililipad din ng hangin.


“Ang ganda naman dito!” Parang batang nagpaikot-ikot ako habang nakataas ang mga kamay ko. Pati yung mga paro-paro, sumasabay sa pag-ikot ko. “Ang saya naman!” Tawa ako ng tawa habang hinahabol ang mga paro-paro.


Kaya lang bigla silang nagsipag-alisan nang bigla na lang may sumulpot na leon sa harapan di kalayuan sa kinatatayuan ko. Kaya lang, bakit gano’n? Kakaiba yung leon na nakikita ko. Half human siya, kasi yung mukha niya mukha ng tao. Mukhang ng isang babae.


She roared. Napaatras ako ng hakbang nang humakbang siya papunta sakin. Pero nang tumakbo na siya, tumakbo na din ako. “Aaaah! Ayoko pang makain ng leon! Aaaah! Tulong! Tu—aray!” Napatid ako sa isang bato na hindi ko napansin.


Tinakpan ko ang mukha ko nang makita kong malapit na ang leon sakin. Hinintay kong dambahin niya ko at kainin pero walang nangyari. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko hanggang sa maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.


“Hey.” Hindi ako kumilos. Naramdaman kong may kamay na tumapik sa pisngi ko. “Chloe.”


Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Only to be greeted by a handsome face. I smiled. “My Prince. You saved me.”


Kumunot ang noo ng prinsipeng nasa harap ko. “I’m not a prince, okay. Nananaginip ka pa ata.”


Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Kinusot ko pa nga ‘yon. Pagkatapos ay tiningnan ko ang taong nasa harap ko. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sakin.


“Lei.” Hindi nga siya isang prinsipe. At malayong-malayong maging prinsipe siya kung ugali niya ang pagbabasehan. Ah! No! Pwede siyang maging prinsipe. Si Beast na partner ni Bella.


“What are you doing here?”


Ito na naman ako. Ang slow ng brain cells kapag bigla na lang ginising sa kalagitnaan ng pagtulog. Ilang beses kong tinapik ang pisngi ko para tuluyan akong magising. Ayoko namang tumalon dito at baka ma-weirduhan naman si Lei sa gagawin ko.


“What are you doing here?”


“Ano kasi…” Inayos ko ang buhok ko na bahagyang nagulo. Paano ko ba sasabihin na dito muna ako mag-i-stay sa unit niya sa kabila nang nangyari kanina sa pagitan naming dalawa? Sabagay. Yun naman talaga ang plano ko bago pa kami magkasagutan kanina.


“Chloe.”


“Ano kasi...” Pero napangiti ako nang marinig kong sabihin niya ang pangalan ko.


“Ano?” impatient na tanong niya. “Bakit nakangiti ka na naman?”


Inalis ko agad ang ngiti ko. Lumingon muna ko sa paligid namin. Nakatingin yung guard samin. Pati yung dalawang receptionist na nasa front desk. Mukhang napansin din ‘yon ni Lei dahil sa sunod na sinabi niya.


“Sumunod ka sakin.” Umalis na siya.


Mabilis naman akong kumilos at binitbit ang mga gamit ko bago sumunod sa kaniya. Nasa harap na siya ng elevator nang makita ko. Nagmadali akong lumapit sa kaniya. Sakto namang nagbukas ang elevator. Pumasok siya. Sumunod agad ako.


Tahimik lang kaming dalawa. At hindi ako sanay ng tahimik dahil parang nabibingi ako. Kaya sasabihin ko na kung bakit ako nandito.


“Lei.”


“Hindi ako nakikipag-usap sa loob ng elevator.”


Sinunod ko na lang siya. Ako ang may hihinging favor kaya dapat lang na sundin ko siya. After what I did to him kanina, dapat lang na maging masunurin ako. But I’m not sorry for what I did. Totoo naman kasi yung sinabi ko.


Okay lang na mapanisan ako ng laway, wag lang niya akong i-evict sa condominium na ito at sa kalsada ako pupulutin pag nagkataon.


Pero galit pa kaya siya sakin? Kasi kung galit siya, dapat pinalayas na niya ako sa lobby pa lang. Nilingon ko siya. Seryoso siya. Napansin siguro niya na nakatingin ako sa kaniya kaya napalingon siya sakin. Hindi ako umiwas ng tingin. Kumunot ang noo niya. Siya na ang kusang umiwas ng tingin.


Nasa eight floor ang unit niya. Sumunod agad ako sa kaniya pagkalabas ng elevator. Ang bilis niyang maglakad kaya kailangan kong lakihan ang mga hakbang ko para makahabol sa kaniya. Nahihirapan pa ko sa dami ng bitbit ko na ayaw pang makisama dahil dumulas sa balikat ko yung bag ko. Nabitiwan ko tuloy ang ilang plastic na dala ko nang dumulas do’n yung bag.


“Ano ba ‘yan?” Sinukbit ko uli ang bag ko. Pero nang hahawakan ko na yung mga plastic bag, may nauna na saking dumampot no’n. Nang tingalain ko kung sino ‘yon, si Lei ang nakita ko. Malamang. Siya lang naman ang kasama ko dito. Pero hindi ‘yon, eh. Ungentleman nga siya diba? Pero tinulungan niya ko.


“Ang bagal mong kumilos. Bilisan mo dyan.” Tumalikod na siya. Napangiti na lang ako nang sumunod ako sa kaniya. Pumasok siya sa isang unit. Asual, nakasunod lang ako sa kaniya.


Inilibot ko ang tingin sa loob ng unit niya. Malaki ‘yon. Manly na manly ang dating.
“I have only one room here. You sleep in the couch.”


Napalingon ako kay Lei. “How did you know?”


“Na dito ka matutulog? Common sense lang. Hindi ka naman maghihintay ng gano’n katagal sa lobby dahil trip mo lang.” Nagpamulsa siya. “Pero mali ba ko ng iniisip na ngayong gabi ka lang matutulog dito?”


Kung mag-usap kami ngayon, parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa kanina. Tumikhim ako. “Oo sana. Ganito kasi ‘yon. Mas convenient kung dito na lang ako tutuloy sa unit mo habang inaasikaso ko yung Christmas party.”


Christmas party. Yun pala ang pinag-awayan namin kanina tapos na-open ko pa yung topic ngayon. Yun naman kasi yung reason kung bakit dito ako mag-i-stay sa unit niya. Masyadong mahaba ang byahe kung sa Antipolo pa ako uuwi. Kaya nga pinaalaga ko muna si Snow kay Ren kasi hindi sila pwedeng magsama ni Lei sa iisang lugar. Masyado pa namang malikot si Snow.


Hindi nagsalita si Lei kaya dumaldal uli ako. “About the party, Lei.”


“You shouted at me. Anong karapatan mong gawin ‘yon?”


Tiningnan ko siya deretso sa mga mata niya. “Sinabi ko na kanina. Tao lang ako, marunong din naman akong mapahiya kahit ganito ako kakulit.”


Matagal bago siya sumagot. “Pwede kong ipa-cancel ‘yon kung gugustuhin ko.”


Nanlaki ang mga mata ko. Iniisip ko pa lang yung mga paghihirap ko para sa party na ‘yon at ika-cancel lang ng gano’n, parang gusto nang umakyat ng dugo ko sa ulo. Kinuyom ko ang kamao ko. Talaga bang ganyan siya kasama?


Kesa mapagsalitaan ko na naman siya katulad kanina, kinuha ko na lang ang mga gamit ko.


“What are you doing?”


“Sa Antipolo na lang ako matutulog.”


“Hindi ka pwedeng umalis dito.”


“What?!”


“Kapag may masamang nangyari sa’yo sa labas, ako ang mananagot sa lolo mo. I’m your husband, remember?”


“May kasunduan tayo, remember? Hindi mo ko kailangang alagaan dahil responsibilidad mo ko bilang asawa mo. I can take care of myself.” Tumalikod na ko nang magsalita siya.


“Then go. Dahil oras na lumabas ka ng pintuang ‘yan, sisiguraduhin kong walang Christmas party na magaganap.”


“Anong sabi mo?!” sabay lingon sa kaniya. Naglalakad na siya papunta sa kung saan. “Lei!”


“Don’t shout, okay! Madaling araw na!”


“You are shouting, too!”


Nilingon niya ko. “Nawiwili ka nang sigaw-sigawan ako, ah!”


“Para naman ma-experience mo ang feeling nang masigawan!”


“Ano pa bang gusto mo?! Pinayagan na kitang matulog at mag-stay dito kahit ayoko ng kasama! Pinayagan na kitang ituloy ang party kahit hindi ko gusto ang theme!”


Natigilan ako sa sinabi niya. “Matutuloy na yung christmas party?”


Hindi na siya sumagot at iniwan na ko. Narinig ko na lang ang malakas na lagabog ng pintuan.


“Pumayag na siya?”


“Pwede kong ipa-cancel ‘yon kung gugustuhin ko.”


“Hindi ka pwedeng umalis dito.”


“Then go. Dahil oras na lumabas ka ng pintuang ‘yan, sisiguraduhin kong walang Christmas party na magaganap.”


I pouted. “Ang gara naman kasi niyang pumayag. Kailangan pa niyang manakot.” Sinilip ko ang pinuntahan niya kanina. May nakita akong kwarto sa dulo.


“Strike two ka na sa paninigaw, Chloe. Swerte mo, hindi ka niya hinagis palabas ng bintana.”



= = = = = = = =



Wala mang kumot o unan, nakatulog pa rin ako nang mahimbing. Pero sa kalagitnaan nang mahimbing kong pagtulog, naalimpungatan ako nang maramdaman kong may katabi ako sa pagtulog.


Tuluyan akong nagising nang maramdaman kong niyakap ako ng taong ‘yon. Bumalikwas agad ako ng bangon sabay tili nang malakas. Natisod pa ko sa table na hindi ko nakita dahil patay ang ilaw. Muntik na kong mangudngod sa sahig kong hindi ko lang natukod ang mga kamay ko.


“Ano ba ‘yon?” Boses ‘yon mula sa likuran ko.


“Aaaah!” Gumapang ako palayo sa kaniya.


“Chloe!”


Boses ni Lei ‘yon! Kasabay no’n ay nagliwanag ang paligid ko. Nakita ko agad si Lei. Hindi ko na nakuhang tumayo dahil sa takot kaya napagapang na lang ako palapit sa kaniya. “Lei!” Kumapit ako sa binti niya. Lumuhod siya gamit ang binting yakap ko. Sa leeg na niya ako yumakap. “M-may tao!” Sabay turo sa likuran ko ng hindi lumilingon do’n dahil nakabaon ang mukha ko sa balikat niya.


“Anong ginawa mo sa kaniya?!” Narinig kong tanong ni Lei. Natigilan ako. Bakit gano’n? Kung makipag-usap siya sa taong ‘yon parang kilala na niya?


“Kanino? Ano bang sinasabi mo? Natutulog ako dito nang magising ako dahil sa sigaw. Ano ba ‘yan? Maaga pa ko bukas. Wait! Sino ‘yang babaeng nakayakap sa’yo? Lei naman! Kailan ka pa nagdala ng babae dito? Kung kailan naman may asawa ka saka ka nagloko! Lagot ka kay Chloe niyan!”


Ang boses na ‘yon! Nilingon ko ang taong katabi ko sa couch kanina. Nagulat ako sa nakita ko. O mas tamang sabihing parehas kaming nagulat. Sabay pa kaming nagsalita.


“Tim?!”


“Chloe?!”


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “At bakit katabi kita sa couch kanina?”


“Hah? Ako?”


“Oo, ikaw! Tinakot mo ko, alam mo ba ‘yon?”


Napakamot siya ng ulo. “Patay yung ilaw nang pumasok ako. Malay ko bang may tao sa couch. Malambot na unan yung nasandalan ko kanina, eh. Saka sobrang pagod at antok na ko kaya hindi ko na napansin na may natutulog pala dito.”


“How did you get in?”


“May spare key ako, Chloe. Galing akong medical mission at nagkayayaan kami ng mga colleagues ko na mag-happy-happy. Then I decided na dito na lang matulog. Malay ko bang may tao. Sanay naman akong matulog dito sa couch no’n.”


“Alam mo namang dito ako matutulog diba?”


“Oo nga. Pero malay ko bang sa couch ka matutulog.”


“Kanina ka pa ba natutulog sa tabi ko?”


Tiningnan niya ang orasan. “Fifteen minutes ago, maybe.” Binalik niya ang tingin sakin. “Chloe naman! Ba’t ganyan ka makatingin? Hindi ko nga sinasadya!”


“Eh, kasi naman, niyakap mo ko!”


“I didn’t know that, Chloe! I swear!”


“Kahit na!”


“Stop it, you two.”


Napalingon ako kay Lei. Saka ko lang napansin na nakayakap pa rin pala ako sa kaniya. Ang lapit-lapit ng mukha ko sa kaniya na konting galaw lang niya mapapadikit na ang mga labi namin.


Waah! Stop it, Chloe! Umayos ka nga!


Napatingin din sakin si Lei. Nakakunot ang noo niya pero dahan-dahan ‘yong nawala. Sabay pa kaming napatingin sa mga labi ng isa’t isa. Napalunok ako. Kumabog ang dibdib ko.


Ano pang hinihintay mo, Chloe? Lumayo ka na!


Pero ayaw namang sumunod ng mga kamay ko.


“Ehem! Ehem! Hello, love birds! Hindi lang kayo ang tao dito. Nandito pa ko. Ituloy ninyo na lang ‘yan sa kwarto, okay?”


Ang boses na ‘yon ni Tim ang nagpagising sakin. Humiwalay na ko kay Lei pero nanatili pa rin akong nakasalampak ng upo sa sahig.


“Alam mo, Lei, ikaw ang may kasalanan nito, eh. Bakit ba kasi dito mo siya pinatulog sa couch?”


“Bakit ba kasi bigla ka na lang dumating? Next time na hihiga ka, siguraduhin mong walang tao sa hihigaan mo.”


“Galit ka, bestfriend? Sorry na. Lagi ko namang ginagawa ‘yon, nandito ka man o hindi. Bakit kasi dito mo pinatulog si Chloe at hindi sa kwarto mo? Yan tuloy. Sorry talaga, Chloe.”


“Wag mo na uli uulitin ‘yon. Kundi, itatapon kita sa Pluto.” Tumayo na ko. Gano’n din si Lei.


“Mangyayari uli ‘yon kung dito ka patutulugin ni Lei.”


“Tim naman, eh!”


“I’m serious, Chloe. O, Lei naman! Ba’t ganyan ka makatingin? Kasalanan mo naman kasi.”


Nang lingunin ko si Lei, magkasalubong ang mga kilay niya.


“Chloe, dumudugo ang tuhod mo.” Tim said.


Napatingin ako sa tuhod ko. Dumudugo nga ‘yon. Kaya pala may naramdaman akong kirot kanina pagtayo ko. Umupo uli ako sa sahig at tiningnan ang sugat ko. ”Napatid ako sa table kanina dahil sa pagmamadaling makalayo sa’yo. At dahil kasalanan mo, gamutin mo ‘to.”


“Sorry na nga, eh. Kaya nang gamutin ‘yan ni Lei. May first aid kit naman siya. Kailangan ko na talagang matulog dahil maaga pa kong babalik ng Antipolo bukas. Sorry talaga sa nangyari, Chloe. Goodnight, love birds!” Humiga na siya sa couch patalikod samin ni Lei.


“Tim! Sa’n ako matutulog?” Hindi na siya sumagot. Nilingon ko si Lei na nakatingin sa tuhod ko. “Sa’n ako matutulog, Lei?”


Tiningnan niya ko. Tiningnan niya si Tim. At tiningnan uli ako. Napailing siya.



= = = = = = = =



“O. Kaya mo na sigurong gamutin ‘yang sugat mo.” Inabot ko ang first aid kit na hawak ni Lei. Nakaupo ako sa gilid ng kama niya.


“Oo naman.” Kumuha ako ng bulak at betadine nang maramdaman kong humiga si Lei sa kabilang gilid ng kama. Nilingon ko siya. “Anong ginagawa mo?”


“Matutulog.” He closed his eyes.


“Hah? Dito?”


“Malamang. Sa’n pa ba? Kung iniisip mong sa sahig ako matutulog, no way.”


“Paano ako?”


“Wala akong comforter dito.”


At wala ring couch sa loob ng kwarto niya na pwede kong tulugan. So, wala akong choice kundi matulog sa tabi niya. Malaki naman ang kama kaya lang…


Hay… Mamaya ko na nga iisipin ang gagawin ko pagkatapos kong gamutin ang sugat kong kumikirot na. Baka mamaya, may lumabas na pari o elepante dito. Syempre, hindi totoo ‘yon. Hindi na ko bata para maniwala do’n.


Hinarap ko si Lei matapos kong gamutin ang sugat ko. Nakatalikod siya sa gawi ko.


“Lei?” Hindi siya sumagot. Tulog na kaya siya? Kinalabit ko siya. “Lei?”


“What?” hindi lumilingong tanong niya.


“May kumot ka pa?” Iisa lang kasi ang kumot namin.


May tinuro siya. Lumapit ako do’n at kumuha ng kumot. Pagkatapos ay umupo uli ako sa gilid ng kama habang yakap ang kumot. “Lei.”


“Ano na naman? Two am na, Chloe. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka.”


Napangiti na naman ako nang marinig ko ang maganda kong pangalan mula sa kaniya. Mukhang magiging habit ko na ang pagngiti sa tuwing mababanggit niya ang pangalan ko. Tsk. Mapagkakamalan na naman niya akong baliw nito. Baka tuluyan na niya kong ipadala sa mental katulad ng suggestion niya nung nasa Antipolo pa kami.


“Malikot ka bang matulog?” tanong ko.


“No.”


Patay! Malikot akong matulog! “Pwede ko bang patayin yung ilaw?”


“I don’t sleep with the lights off.”


“Baligtad pala tayo. Hindi kasi ako makatulog ng bukas ang ilaw.”


“Ano namang gusto mong gawin ko? Patayin para sa’yo?”


“Ay, wag. Krimen kaya ang pumatay. Baka makasuhan ka ng murder at makulong ka pa sa bilibid. Sige ka.”


“What?!” Sabay lingon sakin.


Nag-peace sign ako. “Joke lang. Sige na, tulog ka na. Matutulog na rin ako.” Humiga na ako at nagtalukbong ng kumot. Pero hindi talaga ko mapakali kaya paiba-iba ako ng pwesto.


Ang totoo niyan, mas kaya ko pang makatulog na bukas ang ilaw. Tatalikod o tatakpan ko na lang ng unan ang mukha ko para hindi ako masilaw sa liwanag habang nakapikit. Pero ang may makatabi sa iisang kama pag natutulog, hindi talaga ako sanay. Kami nga ng bestfriend ko, never pang natulog sa iisang kama. Hindi kasi talaga ako makatulog kapag gano’n. Aabutin pa ng ilang oras bago ako makatulog. Hindi ako mapakali at naglili-likot. Katulad nang ginagawa ko ngayon.


Napatingin ako kay Lei nang bigla na lang siyang tumayo. Akala ko, nainis na siya ng tuluyan dahil ang likot ko. Pero hindi, he just turned off the lights. Iniwan niya lang bukas ang lamp shade na nasa side table sa gilid niya bago humiga uli ng kama.


“Now that I turned it off, patutulugin mo na siguro ako.”


“Hindi naman...” Hindi ko na lang itinuloy ang sasabihin ko na dahil may katabi ako kaya hindi ako mapakali.  “Thank you, Lei.” sa halip ay sabi ko. At hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil sa ginawa niya.


“I don’t sleep with the lights off.”


But he turned it off for me.


Pero hindi pa rin sapat ang ginawa niya para makatulog ako. Nagtalukbong ako ng kumot. Tumagilid. Dumapa. Tumihaya.


“Chloe.”


I smiled. Alam ninyo na kung bakit. “Sorry, Lei.”


I heard him sighed. Frustrately. “Kinakabahan ka bang may gagawin ako sa’yo, hah?”


Bigla kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko. Nakita ko siyang nakaupo habang hawak ang ulo niya. “Hindi, ah! Ano kasi...” Bumangon ako. “Ang totoo niyan, hindi ako sanay na matulog ng may katabi sa iisang kama. Never ko pang ginawa ‘yon. Ngayon lang.”


Nilingon niya ko. Dahil nakatalikod siya sa liwanag na nagmumula sa lamp shade, hindi ko masyadong makita ang ekspresyon ng mukha niya. Pero alam kong naiinis na siya sakin. At bago pa niya ako palayasin sa kwartong ‘to, tumayo agad ako. Kinuha ko ang kumot ko at nilatag sa sahig.


“Dito na lang ako.” Goodluck sa likod ko bukas. Siguradong sasakit ‘yon. Kesa naman hindi makatulog si Lei ng dahil sakin. Kinuha ko ang unan at humiga na. “Goodnight, Lei.” Hindi ko siya narinig na sumagot. Nakiramdam ako. Maya-maya ay sinilip ko siya. Nakahiga siya patalikod sa gawi ko. Humiga na rin ako.


I sighed. Ano pa bang aasahan ko sa kaniya? Na magpi-presinta siya na sa sahig na lang siya matutulog? Dapat na talaga akong masanay sa ugali niya. Wala sa bokabularyo ni Lei ang salitang gentleman. Pero may oras din naman na pinapakita niyang mabait siya.


Napangiti ako nang maalala ang eksenang ‘yon sa ospital nang ma-sprain ang paa ko. Napahawak ako sa buhok ko. Para akong tangang nakangiti nang ipikit ko ang mga mata ko.



 = = = = = = = =



I opened my eyes. Nagtaka pa ko dahil ibang kwarto ang namulatan ko. “Ouch…” Napahawak ako sa likuran ko nang bumangon ako. Sabi na, eh. Sasakit ang likuran ko pagkagising ko. Natutulog pa si Lei nang lingunin ko siya. Tiningnan ko kung anong oras na. Past six na ng umaga. Bumangon ako at pumunta ng comfort room nang maramdaman kong naiihi ako.


Only to find out that…


That I have.


Humarap ako sa salamin at nakita ko ang magulo kong buhok. Sinuklay ko ‘yon gamit ang kamay ko.


Hay… Kaya pala ang sensitive ko masyado nung sinigawan ako ni Lei kanina. Kaya pala ang dali kong magalit. Kasi magkakaro’n ako. Kaya ayokong magkaro’n minsan, eh. Nagiging sensitive kasi ako.


Buti na lang at hindi sumasakit ang puson ko kapag first day ko. Maaasikaso ko pa rin ang dapat kong asikasuhin mamaya.


Pero agad kong natampal ang noo ko nang may maalala ako.


“Patay… Paano na ngayon ‘yan?”

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^