Thursday, February 20, 2014

Pabitin Stories : A Cold-hearted Nerd


A Cold-hearted Nerd



I’m just an ordinary student, as in common. You know, I go to school to study and not to impress anybody. After class I go home and do my works. As in there’s nothing so special about me. That’s why never in my wildest dream and imagination that someone like him will like me. As in never!


He’s the captain ball of men’s soccer team of the university where I choose to learn. He’s popular since he’s a living demigod to every girl in this awful planet, plus the fact that he came from a super-rich family. Who wouldn’t fall for him? ME!



Parang joke lang nung sinabi nya sa akin na gusto nya ako, at liligawan nya ako with all his might. Like seriously? I know he and his friends are up for a gamble. Pagpupustahan lang nila ako of I will give in to their demigod friend named Burn.


Right after na ipagsigawan nya sa buong university na liligawan nya ako, dumami ang nakakilala sa akin. At mas dumami ang naiinis sa akin. Ok lang naman na kainisan nila ako dahil nerd ako and weird, but I don’t f*cking like the idea that they hate me because Burn likes me.


“You know what Burn, you’re starting to get into my nerves!” hindi ko n napigilan ang sarili ko. Nilapitan na naman kasi nya ako at kinukulit na sumama sa kanya na mag-dinner. “Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang simpleng ‘ayoko’ at ‘no’?”


Tatlong lingo na na syang ganyan, tatlong lingo na rin akong namamatay sa tingin ng mga babae na may gusto sa kanya. Sa loob ng isang araw pinaka-konti na ang limang beses nyang pagtatanong kung pumapayag na ba akong makipag-date sa kanya. Kahit Sunday at walang pasok hindi na nya pinatawad.


“Yes, yes lang kasi ang naiintindihan ko. So please say yes?”


“Sabi nga ni Bea kay John Lloyd, ‘hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.’ Kaya pwede ba Burn, tama na.” Malumanay na paki-usap ko sa kanya.


“Ayaw!” he said and grabs my hand. “I like you Aisha, please give me a chance to prove myself to you. Will you?”


Hindi naman agad ako nakapagsalita, nakatingin lang ako sa kamay ko na hawak pa rin nya hanggang ngayon. Nagugulahan na kasi ako ngayon, as in guloong-gulo, parang may sabong sa loob ng utak ko. Lahat ng brain cells ko nakikipag-debate sa isa’t-isa.


“I-I’ll think about it.” Hinila ko na ang kamay ko na hawak nya, at naglakad palayo sa kanya.


Nandito na ako ngayon sa parking lot para kuhanin ang kotse ko, uwian ko na kasi ng makasalubong ko na naman si Burn.


“Akala mo kung sinong santa, malandi rin pala. At talagang pa hard-to-get pa ang drama.”


See, ang daming galit sa akin dahil sa ginawa ni Burn. That’s Zaida, president ng cheering squad ng university, and parang aso kung humabol at dumikit kay Burn.


“Yeah right, akala mo kung sinong maganda.” Sabi naman nung kasama nya, si Millie.


Hindi ko na sila pinansin, sayang lang naman ang oras ko sa kanila. Ang mga klaseng tao na katulad nila, hindi na dapat pang pinagkaka-abalahan pa.


“Hey you bitch!” sigaw nya. Wala talagang breeding ang tao na to. “Stay away from Burn, he is mine. MINE!”


“My name is not Bitch, that’s yours. And about Burn, ako ang nilalapitan nya at hindi ako ang lumalapit sa kanya. Ngayon kung may problema ka sa paglapit-lpit sa akin ng MINE mo na si Burn, sya ang pagsabihan mo at huwag ako.”


Nakita ko naman na namula sya sa galit, and maybe dahil na rin sa kahihiyan na sya rin naman ang may gawa.


“By the way, ang galing pumili ng parents ng name mo for you. It suits you well. Zaida Bitch!”


Papasok na ako ng kotse ko, pero narinig ko pa yung iba na ‘ooohhh’ at pumalakpak. Hindi porke nerd ako hindi ko na sila lalabanan, at hahayaan na kayan-kayanin nila ako. In their dreams!

◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊

After that incident with Zaida, ‘pag nakakasalubong nila ako nginingitian nila ako, lalo na ng mga inalipusta nya noon. Knowing Zaida Bitch, she can make anyone’s college life miserable more that you can imagine.

“Hi beautiful.” Here we go again. “So, napag-isipan mo na ba?”

Actually pinag-isipan ko naman talaga yung offer nya. Wala namang masama if papayag na akong mag-dinner kasama sya, isang beses lang naman, saka para tigilan na rin nya ako sa pagpapa-cute nya araw-araw.


“Fine, payag na ako na mag-dinner tayo.”


“Yes!”


OA naman kung maka-react, akala mo sinagot na sya ng nililigawan nya. “Wag kang OA, isang beses lang tayo kakain sa labas, at hindi na iyon masusundan.” Deklara ko, at tinalikuran ko na sya.


“What? Bakit isang beses lang? Isang beses lang talaga? Hindi na talaga nasusundan kahit mag-enjoy ka na kasama ako?” tanong nya habang naka-buntot pa rin sa akin. “Wag namang ganon Aisha.”


Why my name does sounds so good whenever he says it? Erase! Erase! Ayokong dumating yung araw na umiyak ako dahil nasaktan ako ng husto, dahil nagkagusto ako sa isang lalake na alam ko kahit kailan ay hindi naman ako magugustuhan. Ayokong maranansan ang naranasan ng mga pinsan ko. They all cried because of what they call love.


Nakita ko kung paano nila mahalin yung mga lalake at babae na minahal nila, but end up hurting them. Ako ang kasama nila kapag umiinom sila, sa akin nila sinasabi lahat ng sakit na nararamdaman nila. Now, can you blame me if I don’t wanna try my luck on that so-called love? That’s the reason why I became like this. A cold-hearted nerd. I prefer to be this way para walang magtangka na ligawan ako. Walang manliligaw, walang sakit ng puso.



◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊



“Baby Aisha, nandito na yung ka-date mo.” Tawag sa akin ni Mama.


Hindi naman nagtagal bumaba na ako. Napilitan akong mag-dress ng maayos-ayos, yung disente na babagay sa kung saan man kami pupunta na restaurant. Isa pa pinilit din ako ni mama dahil nakakahiya naman daw kung hindi man lang ako mag-effort.


I look awful, I know that. Wag nyo ng sabihin dahil na-inform ko naman ang sarili ko.


“You look awesome.” Sabi nya ng makita nya ako. “What cuisines you like, Italian, Japanese, Korean, or European foods?” tanong nya sa akin.


Kumunot naman ang noo ko dahil sa itsura nya, mukang hindi sya mapakali. Para syang kinakabahan na constipated.


“Anything will do.” Simpleng sagot ko sa kanya. “Ma, una na po kami. Sandali lang kami.”


“Take your time, you two.” Naka-ngiting sabi ng mama ko. “Enjoy! Take care.”


Para naman kung saan ako makakarating, hindi naman kami magtatagal. Wala akong balak na makasama sya ng matagal.


He open the car’s door for me, then lumigid sya sa other side. “I’m sure you’ll like the place.” Sabi nya pa bago tuluyang paandarin ang kotse.



◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊




“You know what, you will look more pretty if you’ll use contact lens rather than those glasses.” Comment nya habang nakatingin sa akin habang mgumunguya. “You have beautiful eyes, are you aware of that?”


Hindi ko alam kung anong papupuntahan ng mga sinasabi nya, pero tingin ko nilalait nya ako. “I’d prefer glasses that contacts, it’s more convenient for me.” Sagot ko pagkalunok ko ng pagkain.


“Hey Aisha. I like you, I really like you.”


Nasamid naman ako sa sinabi nya. “What?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya kahit ilang beses na nya iyong sinabi sa akin.


“You know what Burn, I think you’re just challenged. Alam mo yon, I think I’m just a challenge for you since I am not smitten by your charm.”


“That’s what I like about you; you say what you want without any hesitation.” And he smiled at me. “You don’t get affected of what other people might think about you, because you are just being you.”


Wala akong naintindihan sa mga sinabi nya, I mean ayokong intindihin ang mga sinabi nya. Those words won’t lead me to a painless love road. I’d rather keep my sense of understanding close sa lahat ng sasabihin nya. I know I’m unfair, and I just want a life with no stress of love.


Masaya naman ako na wala akong boyfriend, masaya na ako sa papa ko, at sa mga pinsan ko.


“I’m sorry Burn. I think you’re a nice guy, pero kasi ayoko talaga.” Oh diba ang honest ko lang. “Wala akong panahon para sa love or like thing na yan. Fine, I’m afraid on that department of life, and you can’t blame me.”


“I saw how my cousins cried every night, and drunk their self to death. I don’t want to feel what they felt because they love someone with all their heart but end up being hurt.” Kapag naaalala ko yung itsura nila noon, naaawa ako sa kanila. “Please Burn, wag mo na akong kulitin kasi wala rin namang pupuntahan ‘yan.”


Tumayo na ako at umalis. Magco-commute na lang ako pabalik ng bahay, maaga pa naman kaya may taxi pa akong masasakyan.


“Wait! Aisha wait!” habol nya sa akin. “Fine, if ayaw mo talaga ok lang. Irerespeto ko yung desisyon mo, pero pwede ba na maging mag-kaibigan tayo?”


He held his hand in front of me, asking his acceptance to be my friend. I bet there’s no harm if we become friends. Yeah, friends!



◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊



Burn and I are now friends for like two months I guess. He always goes to our house, and close na sila ng parents ko. Looks like may kaagaw na ako sa pagmamahal sa mama at papa ko. Minsan nga, no, most of the time sa amin na sya kumakain ng dinner. Sa dalas nga naitanong ko na sa kanya kung hindi ba sya hinahanap ng mga kasama nya sa bahay.


Sa school naman, wala ng masyadong nambu-bully sa akin.si Zaida Bitch, iba na ang ginugulo nya, yung babae naman na nagugustuhan ng bago nyang gusto. Kawawang babae, lahat na lang ng nagugustuhan nya may gusto ng iba? Hindi na rin naman ako nagtataka kung bakit walang magka-gusto sa kanya, ang sama kasi ng ugali nya.


“Aisha!”


That’s him. Kanina ko pa sya hinihintay ditto sa paborito naming tambayan, may practise pa kasi sila ng football. Gusto nya kasi sabay kaming mag-snack at ihahatid na rin daw nya ako pauwi. Hindi lang naman ako ihahatid nyan, malamang may iba pa yang agenda sa bahay namin.


“Ang tagal, kanina pa ako naghihintay.” Reklamo ko.


Niyakap naman nya ako. “Sorry na, eh kasi nagkaron pa ng meeting after ng practise.” Paliwanag pa nya.


Natural na lang para sa kanya ang yakapin ako, and nakasanayan ko na rin naman dahil sa dalas. “Oh sya, sigi na. Tara na, uwi na tayo.”


Kinuha naman nya ang mga dala ko. “Ako na. Sa bahay nyo na lang tayo kain ha.” Naka-ngiti pang sabi nya. “Miss ko na luto ni Tita eh.”


“Expected! Mabuti na lang kumain na kami kanina ni Anton.” I said as I roll my eyes.


“And who is Anton, Aisha?”


“A new found friend.” Simpleng sagot ko, sabay lakad palabas ng university.


Hinabol at hinarang naman nya agad ako. “I thought... I thought ayaw mo ng madaming kaibigan? Na ayaw mong may nakikipaglapit na lalake sa’yo?” naguguluhan nyang tanong.


“I guess I just change my mind.” Maigsi ko na namang sagot, at halatang naiinis na. “Masaya pala kapag madami kang kaibigan.”


Ewan ko ba, gusto kong inisin si Burn ngayon, maybe because gumaganti ako sa paghihintay ko sa kanya ng ilang minute lang naman. But Anton is true, bago ko syang kaibigan.


“I am enough for you, Aisha. You don’t need many male species friends than me, dapat ako lang.”


Natatawa na ako sa itsura nya, promise. Para kasi syang iiyak na natatakot, na kinakabahan, na nasasaktan. Wait, nasasaktan saan? Natatakot sya saan?


“Ang selfish mo talaga. Share your blessing sabi nila, kaya dapat mo rin naman akong i-share sa iba.”


“Pero baka agawin ka nila sa akin. Baka kapag mas madalas na kayong magkasama makalimutan mo na ako. Paano ko pa mapapatunayan sa’yo na hindi lahat ng lalake sasaktan ka? Na iba ako sa kanila?


Huh? Ano yung huli nyang sinabi? Hindi ko naintindihan masyadong mabilis tapos mahina pa.



◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊




“Akala ko ba iba ka sa kanila? Akala ko ba hindi mo ako sasaktan at iiwan kagaya ng ginawa ng mga minahal ng mga pinsan ko? Kung nalaman ko lang agad na sasaktan at iiwan mo lang din pala ako, sana pala hindi na kita pinapasok sa buhay ko!”


Iyak-iyak ako ng iyak. Nasasaktan ako ngayon. I never thought that this day will come, na masasaktan ang isang cold-hearted heart nerd na kagaya ko. Kunsabagay, kasalanan ko rin naman ang lahat ng nangyayari ngayon sa akin.


“At akala mo talaga seryoso ako sa ginawa kong pakikipaglapit sa’yo? Sino naming matinong lalake ang gustong makipag-kaibigan sa isang kagaya mo sa pinagkaitan ng fashion sense? Definitely not me.”


Those words from him are like thousands of daggers that stubs my heart. Hindi ko alam kung bakit kailan masaya na ako, kung kailan tingin ko kaya ko ng magmahal saka pa nangyayari ang mga ito. Sa lahat ng tao na sinubukang makapasok sa buhay ko, kung sino pa ang pinagbigyan ko, yun pala ang mananakit sa akin ng ganito.


“You’re so gullible Aisha, ang dali mo naman palang lokohin, ang dali mong utuin. Anyway, thank you because I’m ten thousand pesos richer that yesterday.” At ipinaypay pa nya ang pera nya. “Here, buy a friend. That is kung may mabibili ka.” At tumawa sya kasama ng mga kaibigan nya.


Wala kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya at sa mga kaibigan nya habang pibagtatawanan ako. Yung mga napapadaan na estudyante kung nasaan kami ngayon ay nakatingin din sa amin.


“I bet you thought that I’m falling for you. Silly, I’ll never ever fall for a nerd like you. Ang boring mong kasama.” At nagtawanan na naman sila. “And you know what Aisha, kung meron man akong nagustuhan while I’m with you, that was the food your mom cooked for me. Assuming din ang mama mo eh no, akala nya yata napakaganda mo para patulan ko. Sorry to burst your mom’s bubble, but never na magiging tayo.”


So now damay na pati ang mama ko? That’s the final straw! I can’t hold my silence any longer.


“Sure thing you will miss my mom’s good food. Wanna know why? That is because nobody cares for you. Yang klase ng tao na katulad mo hindi nakakapagtaka na pinababayaan na lang ng magulang nila. Ano bang mapapala nila kung aalagaan ka nila eh puro kayabangan lang naman ang alam mo? You’re not even smart. Malamang nga wala kang mapasukan na matinong trabaho dahil hindi ka naman matalino, sasayangin lang nila ang pera na ipapa-sweldo sayo.”


Tinalikuran ko na sya, kasi hindi naman sya makapagsalita sa mga sinabi ko. Hindi ko naman talaga gusting sabihin ang mga iyon sa kanya, but he pushed me to my limit.


Humarap ulit ako sa kanya. “And by the way, Burn. I LOVED YOU!” at tuluyan ko na silang iniwan.


Yes. I already love Burn, now past tense na dahil sa ginawa nya sa akin. I’m such a fool to believe na gusto nya talaga akong maging kaibigan. Hindi na yung magkagusto sya sa akin bilang babae, bilang kaibigan na lang, pero mali ako.



◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊



Mabilis na lumipas ang maghapon, tapos na ang lahat ng klase ko. Paglabas ko ng classroom pinagtitinginan na naman nila ako, and I know that is because of what happened earlier.


Uuwi na sana ako, kaya lang bigla kong naisipan na dumaan sa paborito naming tambayan ni Burn for the last time.


“Tangina pare, hindi ko inaasahan na ganito kasakit ang mararamdaman ko dahil sa ginawa ko sa kanya.”


Napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses nya... na umiiyak.


“You know I like, and that infatuation grows mula ng maging magkaibigan kami. Sa lahat ng ipinakita ko sa kanya totoo, yung pagmamal ko para sa kanya totoo din ‘yon ‘pre. Pero tanginang sitwasyon na ‘to, nakisabay pa.”


“’Pre sana kasi sinabi mo na lang sa kanya yung totoo. Matalino si Aisha, alam natin pareho na maiintindihan ka nya.”


“Ayokong masaktan sya. I know na masasaktan sya kapag sinabi ko sa kanya ang totoo –“


“Pero nasaktan mo rin naman sya ngayon na nagsinungaling ka sa kanya. Mas masakit yung ginawa mo Burn. It’s more painful to hear a lie.”


Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Ano ba yung totoo na tinatago sa akin ni Burn? Ano ba yung sitwasyon na sinasabi nya?


“I love Aisha. I love her.” Yun ang huli kong narinig, at umalis na ako sa lugar na ‘yon.



◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊



Mabilis na lumipas ang panahon. After my graduation five years ago, and that incident, ngayon lang ulit ako tatapak sa lugar na ‘to. Yes, five years ang mabilis na lumipas. Isa na akong certified public accountant sa isang kilalang construction firm sa bansa. Reunion namin ngayon kaya nandito ako.


Inaaasahan ko na makikita ko sya ngayon, pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari ang inaasahan ko. Hindi ko alam kung magha-hi ba ako sa kanya o hindi ko na lang sya papansinin. But I already moved on, wala naman na sa akin kung nagsinungaling sya sa akin noon, at sinaktan nya ako. It’s not my loss after all.



“Aisha!” tawag ng isang boses sa akin from my back. Nilingon ko naman agad kung sino iyon. “Hi!”

2 comments:

  1. ndi purke nerdy ee, kayang pag tripan o paglaroan KAYA GO.GO Aisha :)

    ReplyDelete
  2. nakuuuuu!!!! bitin na bitin!!! oo nga nmn, nde porket nerdyyy k eh pede k ng pagtripan. girl power Aisha!!! kawaii!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^