CHAPTER
11
( LEI’s POV )
Aware
akong magkasalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa estanteng nasa
harapan ko. Hindi ko alam kung paano ko kukunin ang bagay na ‘yon ng hindi
mapapansin ng dalawang teenager na babae na nasa gilid ko. Akmang kukunin ko
‘yon nang mapatingin sila sakin.
Nagbulungan
pa sila na narinig ko naman.
“Para kanino kaya yung bibilhin niya?”
“Ang sweet naman niya.”
“Kaya lang, dyahe ‘no?”
Tiningnan
ko sila. Napatingin din sila sakin. “Next
time na magbubulungan kayo, just make sure na hindi maririnig ng taong
pinagbubulungan ninyo.”
Nagmamadaling
umalis silang dalawa. Ibinalik ko naman ang tingin sa estanteng nasa harap ko.
Humalukipkip ako.
“This is your fault, Chloe.”
Naiinis na sabi ko.
-
F L A S H B A C K -
Nakapikit
na kinapa ko ang relo ko na nasa side table. I opened my one eye. It’s already
six thirty in the morning. Ipinikit ko uli ang mga mata ko. Inaantok pa ko.
Hindi ko alam kung anong oras na ko nakatulog kanina. Sinong makakatulog kapag
may kasama kang babae sa iisang kwarto?
Ibinaling
ko ang ulo ko sa kabilang side ng kama kung sa’n natutulog si Chloe. Sa sahig.
At hindi sa tabi ko. Siya ang may gusto kaya hinayaan ko na lang siya. Dahil
mas lalo akong hindi ako makakatulog kapag katabi ko siya.
Bumangon
na ako. Saka ko lang napansin na wala na siya sa kinahihigaan niya. Kumunot ang
noo ko nang may mapansin ako. Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa kumot na
ginawa niyang sapin.
May
nakita akong pulang mantsa. At katulad nang nangyari kanina ng tumili siya
dahil sa bwisit na kaibigan ko, kumabog uli ang dibdib ko sa hindi ko malamang
dahilan.
“Chloe!”
Lumabas ako ng kwarto. “Chloe!” Wala
na si Tim sa couch. “Chloe!” Damn!
Anong nangyari do’n?
“Lei!”
Boses
‘yon ni Chloe. At mula ‘yon sa kwarto ko. Bumalik ako do’n. At nang buksan ko
ang pintuan, nakita ko siyang nakatayo sa gitna ng kwarto. Suot niya ang robe
ko.
“Lei, bakit? Tinatawag mo ko? Anong
nangyari?”
Tiningnan
ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang okay. Pero sa’n galing yung
dugo? “Ano ‘yon?”
Tiningnan
niya ang itinuro ko. “Dugo.” Nanlaki
ang mga mata niya. Tiningnan niya ko.
“Aaah!” Mabilis niyang kinuha ang kumot at niyakap. “Ano kasi...” Hindi siya makatingin sakin ng deretso. “Lalabhan ko ‘to, promise!” Mabilis
siyang humakbang paatras sabay pasok ng restroom.
Kumunot
ang noo ko. Kinatok ko ang pintuan. “Where
did that blood came from?”
“It’s a girl thing, Lei!”
Girl
thing? Natampal ko ang noo ko when I realized kung ano ang ibig niyang sabihin.
Akala ko naman kung ano na, yun lang pala.
“Get out.”
“What?”
“I said get out. Gagamit ako ng
banyo.”
“Wala bang banyo sa labas?”
“Mero’n. Pero itong restroom ang
ginagamit ko.”
“Do’n ka na lang sa labas, Lei.”
“What?!”
Sarili kong bahay, inuutusan niya ko?! Naiinis na humakbang ako para lumabas ng
kwarto ko nang marinig kong tawagin niya ako. “Ano na naman?!” Nang lingunin ko siya, nakasilip siya mula sa
loob ng restroom.
“May favor sana kong hihingin sa’yo.”
“Ano ‘yon?”
Parang nahihiya pa siyang sabihin ang gusto niya. At ayoko sa lahat, yung
paligoy-ligoy pa. “Chloe, ano ‘yon?” madiing
tanong ko.
She
smiled. Yang ngiti na naman niya na ‘yan. Parang may kinatutuwaan siya at
parang ako ‘yon. Dahil ba umagang-umaga, nagawa na naman niya kong inisin?
“Lei. Ano kasi…”
“Kung ayaw mong sabihin, bahala ka.”
Tumalikod na ko nang magsalita siya.
“Bilhan mo ko ng napkin!”
“Anong sabi mo?!”
Nang lingunin ko siya, wala na siya. Nasa loob na siya ng restroom. “Chloe!”
“Sorry na, Lei! Sorry talaga!
Nakalimutan ko kasing bumili kahapon pagpunta ko ng mall. Sa 7/11 ka na lang
bumili. Sorry talaga, Lei! Please, bilhan mo na ko. Hindi ako makakalabas nito.
May aasikasuhin pa naman ako. Please, Lei.”
“Ako?! Si Lei Constantine?! Uutusan
mong bumili ng nap… Damn!”
“Sorry, Lei.”
Matagal bago uli siya nagsalita. “Nandyan
ba si Tim? Siya na lang uutusan ko. Doctor naman—”
“Wala na siya!”
At gano’n ba sila ka-close para utusan niya si Tim na bumili no’n?!
Hindi
ko na siya narinig na sumagot. Siguradong nag-iisip na siya kung anong gagawin
niya. Hah! Kasalanan ko ba kung bakit hindi siya nakabili no’n?!
Kapag
hindi ako bumili, hanggang mamaya siya sa restroom na ‘yan at… Napapalatak ako.
Kapag bumili ako ng bagay na ‘yon, siguradong pagtitinginan ako ng mga tao!
Nakakahiya! Damn!
“Nakakainis ka talaga, Chloe!” I
walked out of the room.
- E
N D O F
F L A S H B A C K -
“Excuse me po.”
May
babaeng sumingit sa unahan ko. Umatras ako ng hakbang. Inayos ko din ang suot
kong cap at sunglasses. Sinilip ko ang kinuha niya. Napalingon siya sakin.
Iniwas ko naman agad ang tingin ko. Damn! Para akong sira nito. Umalis na ang
babae sa harapan ko. Lumingon muna ako sa magkabilang gilid ko bago tingnan
isa-isa ang nasa harap ko.
Non-wing.
With wing. Long night. What da— Ano ba naman ‘tong napkin na ‘to? Bakit iba-iba
pa?
“Hay, ewan!” Basta
na lang akong kumuha at inilagay ‘yon sa basket na hawak ko. Pumunta na ko sa
cashier at nilapag ang basket. Saka ko lang napansin na puno ng napkin ang
basket na nilapag ko. Napuno ko na pala ‘yon sa inis kanina.
I
gritted my teeth. Buti na lang at wala pang masyadong costumer at wala akong
kasabay dito sa cashier. Kundi uulanin ako ng tingin nito.
Tiningnan
ko ang babaeng nasa likod ng cashier. Nakangiti siya. At hindi ko gusto ang
ngiti niya. “Make it faster, miss. May
pasok pa ko. At kapag na-late ako, kasalanan mo.”
= = =
( CHLOE’s POV )
“Talaga? Binilhan ka niya ng—Hahahaha!”
Si
Ren ang kausap ko sa phone. Tinawagan niya ko after kong i-text sa kaniya ang
nangyari kanina. Gusto ko sanang tawagan siya kaya lang dyahe naman kung maririnig
ng driver ng taxi ang sasabihin ko.
“Ang sweet niya, best ‘no?”
“No choice na kasi siya. Kung hindi ka
daw niya bibilhan, babaha daw ng dugo sa—Hahahaha!”
“Sira ulo!”
natatawang sabi ko.
Nagpaalam
na ko sa kaniya dahil nandito na ko sa tapat ng building ng CTC. Galing akong
QC, sa main branch ng restaurant ng lolo ko. I just checked kung wala ng
problema sa catered food for the party. And my last stop would be here.
Halos
lahat ng nasasalubong ko, binabati ako. At bawat pagngiti ko sa kanila, may
kasamang ‘kitakits bukas sa party’.
Pero
mukhang ang isang ‘to na masasalubong ko, hindi ako babatiin. At ang ngiti ko,
tumabingi. Alam ninyo na siguro kung sino ang nakita ko.
Ngayon
lang uli kami nagkita simula nang sigawan niya akong nakakainis daw ako. Ayoko
naman talagang utusan siyang bumili no’n. Kaya lang wala na akong choice.
Tapos, nakaalis na rin si Tim kanina. At nang marinig ko ang reaksyon ni Lei,
nag-isip na talaga ko ng pwede kong gawin para makabili no’n. Ako pa! Madali
akong makakaisip ng paraan. Sinubukan ko lang si Lei kung papayag siya kahit
zero percent ang pag-asa ko. Siguradong galit na naman siya sakin ngayon.
Simula
talaga ng maging asawa ko siya, lagi na lang akong epic fail sa harap niya. Why
oh why naman kasi?
Nandito
na ako sa tapat ng elevator. Sa gitna. Yung nasa kanan kasi paakyat at nasa
tenth floor pa lang. Yung nasa kaliwa naman, for executives and with higher
positions only. Ang unfair, ah! Bakit may gano’n dito? Makapag-welga nga. Pero
syempre hindi ko magagawa ‘yon sa asawa ko.
Nilingon
ko si Lei. Huminto sila ng mga kasama niya at may kinausap. Maya-maya ay
naglakad na uli sila papunta sa gawi ko kasama ng lalaking kinausap ni Lei.
They stopped in front of the elevator. Sa kaliwa ko.
“Hi, Rhen. Hi, Cris.”
bati ko sa dalawang kasama ni Lei.
“Magandang hapon po, Ma’am Chloe.”
sabay nilang sagot.
“Hello po.”
bati ko sa isang lalaking kasama nila.
“Hello, iha. You are Chloe, right?”
He extended his hand. “I am Attorney
Gordon Cruz.”
I
accepted his hand. “Nice to meet you
po.” Siya siguro yung asawa ni Mrs. Josephine.
Sakto
namang nagbukas ang elevator sa harap ko. Nagsipagpasukan na ang mga taong nasa
unahan ko. Tiningnan ko si Lei. May kausap siya sa phone niya.
Ang
weird sigurong tingnan sa iba dahil naturingang mag-asawa kami pero para kaming
hindi magkakilala. Ganito siguro talaga kapag biglaan kayong ikinasal. Wala
kayong time na maging close at makilala ang isa’t isa.
“Ma’am, sasakay po ba kayo?”
Napalingon
ako sa elevator na nasa harap ko. Nakabukas ‘yon at mukhang ako na lang ang
iniintay nila. “Sorry for waiting.” Pumasok
na ko sa loob nang tumunog ang elevator. Pinikit ko nang mariin ang mga mata
ko. “Ganito ba ko kabigat?” hindi ko
napigilang sabihin.
Narinig
kong naghagikgikan ang mga katabi ko. Nilingon ko sila. Nag-sorry agad sila. “Okay lang. I’m not offended, guys.”
“Ako na lang po ang lalabas.”
sabi ng isang lalaking empleyado.
Pinigilan
ko siya. “Ah, no! Ako na lang. May
nakalimutan akong daanan.” Lumabas na ko. “Have a nice trip, guys!” Kumaway pa ko sa kanila hanggang sa
tuluyang magsara ang elevator.
Ang
totoo, wala naman talaga akong dadaanan. Malay ko ba kung nagmamadali yung
lalaki at nagpaka-gentleman lang na lumabas para sakin. Hindi naman ako
empleyado dito kaya okay lang na mag-intay ako. Maghagdan na lang kaya ako?
Exercise din ‘yon. Kaya lang ang taas ng aakyatin ko. Baka magkakalyo pa ko.
Naka-heels pa man din ako.
Napatingin
ako sa braso at katawan ko. “Hindi naman
ako mataba, ah. Bakit tumunog yung elevator?” I pouted.
“Don’t worry, iha. Hindi ka mataba.
May mataba kasing nauna sa’yong sumakay.” Napalingon ako sa
gilid ko. Si Attorney Cruz ang nagsalita. “Samin
ka na sumabay.” Bumukas na kasi ang elevator nila. Pumasok na din si Lei.
Ni hindi man lang ako inalok. Asual.
“Okay lang po?”
“Oo naman, iha.”
Pinauna nila akong pumasok bago sila sumunod na tatlo. Napatabi ako kay Lei.
“What floor, iha?”
“Twelveth floor po. Thank you po.”
Tiningnan
ako ni Attorney. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. Nasa twelveth floor
kasi ang office ni Lei kaya akala siguro niya si Lei ang kailangan ko gayong
katabi ko na siya.
Umiling
ako. Tumango-tango siya.
Pasimple
kong tiningnan si Lei. Deretso lang siyang nakatingin sa harap na parang wala
ako dito dahil hindi talaga niya ako binati o pinansin!
Alam
kong galit pa rin siya. Hindi ko naman kasi akalaing bibilhin niya talaga ‘yon.
Nagulat na lang ako paglabas ko ng kwarto niya, nakita ko na nakapatong sa couch
ang isang plastic ng napkin! Iba-ibang brand pa! Non-wing and with wing!
Hindi
ko mapigilang mapahagikhik dahil do’n. Pero nang marealize ko ang ginawa ko,
tinakpan ko agad ang bibig ko. Nilingon ko sina Attorney. Nagpeace sign ako. “Sorry. May naalala lang ako.” Umayos
na ko.
Tiningnan
ko si Lei. Ang seryoso ng mukha niya. Kailan ko ba makikita ang ngiti niya? Hindi
ako nakatiis. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang maalala kong hindi pala siya
nakikipag-usap sa loob ng elevator.
Hay…
Eto na naman ako, walang magawa at hindi makapagsalita. Inangat ko ang kamay ko
sa mga floor buttons at pinasadahan ‘yon ng mga daliri ko. Hindi ko naman
pinipindot, eh. Wala lang akong magawa. Pero may kamay na humila sa kamay ko
palayo sa mga ‘yon.
Nilingon
ko si Lei. Siya ang humila ng kamay ko. Deretso pa rin siyang nakatingin sa
harapan niya na parang wala siyang ginawa.
Hindi
na talaga ko nakatiis. Hindi ako pwedeng magsalita kaya kinuha ko na lang ang phone
ko at nagtype. Pinakita ko sa kaniya ‘yon. Pagkatapos niyang tingnan ay hinawi
niya ang phone ko. Nagtype uli ako sa phone ko at pinakita ko uli sa kaniya.
“One… Two… Three…”
pagbibilang ko ng pabulong. “Four… Five…
Six…” The elevator opened. Napa- “Yes!”
ako. Puno nang pagtataka ang mukha nila Attorney nang lumabas sila ng elevator.
Na-weirduhan ata sila sakin.
Akmang
magsasara ang pintuan ng elevator nang pindutin ko ang open button. “Lei!”
Tiningnan
niya ko. At nang ginawa niya ‘yon, mas lalong lumapad ang ngiti ko. Hindi ko
alam pero ang saya-saya ko. Ang saya-saya ko kasi hindi na siya galit. Hindi na
ba talaga siya galit? Ah! Basta! Hindi na! Edi sana, hindi niya ko nilingon
ngayon.
“Chloe.”
I
smiled. Itinaas ko ang hawak kong pizza. “Para
sa’yo ‘to. Kainin mo ‘to, ah. Iiwan ko na lang sa office mo.”
The
elevator’s door closed. Pero ang bibig ko hindi. Hindi kasi mawala-wala ang
ngiti ko.
= = =
( LEI’s POV )
Bakit
ang lapad ng ngiti niya? Akala ba niya, nawala na ang inis ko sa kaniya? Hindi
mawawala ‘yon sa tuwing naiisip ko ang ginawa ko kaninang umaga! Bakit ko ba
kasi ginawa ‘yon?!
Sorry na,
Lei. Wag ka ng magalit sakin. Hindi na mauulit ‘yon. Promise.
Yun
ang unang text na pinakita niya sakin. Hindi na talaga mauulit ‘yon! Ano ako,
sira?
Sorry na talaga. Bati na tayo.
Malapit na ang Christmas, eh. Magagalit si Papa God niyan. Sorry na. Please…
Magbibilang ako ng five seconds, kapag hinawi mo ‘tong phone ko, kukulitin kita
ng kukulitin hanggang sa mapatawad mo na ko. Pero pag lumagpas ng five seconds,
ibig sabihin, bati na tayo. Deal?
At
siguradong nagbilang na siya bago ko pa matapos basahin ang nasa phone niya.
Napailing ako. Big deal ba sa kaniya kung magalit ako sa kaniya? Ano naman sa
kaniya? Hindi ko siya maintindihan. Wala nga akong pakialam kung may magalit
man o mainis sakin. Basta ako, gagawin ko ang gusto ko. Pero siya? Bakit ba
ganyan siya?!
“She’s something, Lei.”
“Sakit siya ng ulo, Attorney.”
“Pero hindi ‘yon ang nakikita ko.”
Humakbang
na ko to dismiss the topic. “About the
new investors, attorney. The contract. It should be ready anytime.”
“Yes, Lei.” Naramdaman
kong nakatingin siya sakin.
“Attorney, alam kong may sasabihin pa
kayo.”
“About the Constancia Hotel and Resort
in Batangas. Flynn wanted to sell it.”
“What?! He can’t do that!”
“He can, Lei. You know he can.”
I
gritted my teeth.
= = =
CHLOE’s POV
“Ano ‘yan?”
“Ay kabayo!”
Napalingon sakin si Cyrish. Nanlaki ang mga mata niya. Ni-minimize agad niya
ang website na tinitingnan niya. “Ma’am
Chloe, sorry po. Hindi ko po ‘to laging ginagawa. Baka po malaman ni Sir
President.”
“Hala ka!”
“Ma’am Chloe…”
Kahit may aircon, parang nagpawis ang noo niya.
“Joke lang. Natakot ka naman agad.
Sabagay, nakakatakot naman kasing magalit si Lei. Doncha worry. Hindi kita
isusumbong. Alam ko namang napaka-efficient mong secretary, eh. Ano ‘yang
website na tinitingnan mo?” Na-curious kasi ako sa
pangalan ng website na nabasa ko.
“Ah, ito po ba?”
Pinakita niya uli sakin ‘yon. “It’s a
site where you can share your heart problems po.”
“Heart problems? Edi kung may heart
disease pala, pwede dyan. Heart problems, eh.”
Seryoso ako nung sinabi ko ‘yon. Yung mukha tuloy ni Cyrish, hindi malaman kung
seseryosohin ba yung sinabi ko o hindi. Tinapik ko ang balikat niya. “Uy, joke lang, Wag mong seryosohin.”
natatawang sabi ko. “So, ahm,
magshe-share ka lang ng heart problems? Yun lang?”
“Nope, Ma’am Chloe. Makakausap mo via
chat yung admin slash creator slash councelor ng site. Siya yung nagpapayo sa
mga napapadpad sa site.”
“Nice naman. Kaya lang ang gara nung
pangalan ng site. Buti may nagshe-share ng heart problems dyan.”
“Yun nga po yung nakakaakit sa mga
tao. Naku-curious sila sa name kaya sinusubukan nila.”
“Kaya lang paano siya nakakapagpayo
kung pusong bato naman pala siya? Weird.”
Nagkwentuhan
pa kami tungkol sa site na ‘yon. Hindi naman dahil sa may heart problem ako
dahil never ko pang naranasan ‘yon. Nacurious lang ako sa pangalan ng site.
“This is for you, guys.”
Nilapag ko ang isa pang box ng pizza na dala ko sa table niya.
“Naku, kahiya naman po. Thank you,
Ma’am Chloe.”
“Wala ‘yon.” Tinuro
ko ang office ni Lei. “Pasok lang ako,
ah.”
“Wala po ngayon dyan si Sir
President.”
“Ah, oo. Nakita ko siya kanina.” Pumasok
na ko ng office ni Lei at nilapag sa table niya ang isang box ng pizza. Dahil
hindi ko alam kung anong gusto niya, yung plain lang ang binili ko. Lumabas na
ko ng office at nagpaalam kay Cyrish.
Pumunta
ako ng function hall na nasa third floor at kinausap ang mga taong naka-toka
do’n. Bri-nief ko lang sila at nagbigay ng mga reminders para sa Christmas
party tomorrow. Excited na talaga ko.
“Okay na ba talaga yung banda para
bukas?” I asked.
“Yes, Ma’am. Five minutes ago, the
guitarist of the band was here. Sayang, hindi po kayo nagpang-abot.”
“Talaga? Sayang naman.” Nanghinayang
talaga ko. Idol ko pa naman ang gitarista ng bandang ‘yon. Okay lang. May bukas
pa naman. I will make sure na makakalapit ako sa kanila at makakapagpapicture.
Iinggitin ko si Ren na hindi makakapunta bukas. Idol pa naman niya ang vocalist
ng banda.
Kilala
ang bandang ‘yon in music industry. Bukod sa magaling silang tumugtog, may
pagka-mysteryoso ang dating nila. Misteryoso naman talaga dahil tuwing tumutugtog
sila, they always wear a black mask covering their eyes and half of their faces—except
their mouth. No one knows who really the persons are behind those masks dahil
sa tuwing humaharap sila sa mga interview at sa mga tao, nakasuot pa rin ang
mask na ‘yon sa mukha nila.
Maraming
rumors kung bakit naka-mask sila nung nag-uumpisa pa lang silang gumawa ng
pangalan sa music industry. Pero at the end, dahil sa music nila, minahal sila
ng mga tao. At dalawa na kami ng bestfriend ko do’n. And until now, no one
knows the real reason behind those black mask.
Bumalik
uli ako sa office ni Lei. Wala pa rin siya. Wala rin si Cyrish sa pwesto niya.
Pero dumating si Xiela. May mga dala siyang papel. Bumaba lang daw sa tenth
floor si Cyrish. Pumasok na ko ng office ni Lei. Sa table agad napatutok ang
mga mata ko. Nakita ko kasing bukas ang box ng pizza.
Wala
pa si Lei diba? Sinong kumain no’n? Hindi naman siguro sina Cyrish.
Malabong-malabong mangyari ‘yon. At malabo ring mangyaring may daga dito sa
office ni Lei.
“Who are you, miss?”
Napalingon
ako sa nagsalitang ‘yon. May nakita akong lalaking prenteng nakaupo sa sofa. At
may hawak siyang…
“Ikaw ang kumain ng pizza?!”
Tiningnan
niya ang hawak niya. “Yeah.”
“Bakit mo kinain ‘yan? It’s for Lei!”
Hindi ko mapigilang mainis. O mas tamang sabihing nagtampo kasi kinain niya ng
walang paalam ang pizza na binili ko for Lei!
“Hindi kumakain ng pizza si Lei.
Itatapon niya lang ‘to.” Tiningnan niya ako from head to toe. “Malayo ka sa mga babaeng humahabol sa
kaniya.” Matagal niya kong tiningnan na parang pinag-aaralan. Gano’n din
ang ginawa ko sa kaniya. Mukha siyang mabait kasi maaliwalas ang mukha niya.
He
smiled a liitle. “Ikaw siguro ang
napapabalitang asawa niya. I don’t know the reason why he had to marry you.
He’s not that impulsive in making decisions. Why, miss?”
Hindi
pa ko nakakasagot nang magsalita uli siya. “Never
mind. Hindi mo naman kailangang sagutin.” Humiga siya.
Bakit
ang dami niyang alam kay Lei? Apo ba siya ni Madam Auring? Sino ba siya? Humakbang
ako papunta sa harap niya. Nakapikit ang mga mata niya. “Sino ka? Ba’t parang kilalang-kilala mo si Lei?”
“I’m his step brother.”
“You are Flynn!”
Finally! Nakita ko rin siya! Dagling nawala ang inis na naramdaman ko sa kaniya
kanina.
Saka
lang siya dumilat at tiningnan ako. “Yes,
I am.” He looked surprised. Kung sa reaksyon ko o sa kung saan, hindi ko
alam.
Lumapit
ako sa kaniya. I extended my hand. “I am
Chloe. Nice to meet you, Flynn.”
Hindi
niya tinanggap ang kamay ko. And when I’m about to withdraw my hand, hinawakan
niya ‘yon. Nang mahigpit.
“Chloe!”
Napalingon
ako sa nagsalitang ‘yon. Si Lei. Nakatingin siya sa mga kamay naming magkahawak
ni Flynn. Binawi ko agad ‘yon pero ayaw namang bitawan ni Flynn.
“My hand, please.”
I
saw him smirked a little. At bakit parang may iba sa mga ngiti niyang ‘yon? May
something na hindi ko maintindihan. Mukha naman siyang okay. Mukha naman siyang
mabait. Maaliwalas ang mukha niya kaya lang parang may pagka-misteryoso ang
dating. Ay, ewan.
He
let go of my hand. Bumangon na siya.
“About the resort.”
“Maybe some other time, Lei.”
Tiningnan ako ni Flynn. “Nandito ang asawa
mo.”
“We will discuss it now.”
“No.”
Humakbang na siya palabas ng office nang lingunin niya ko. “Next time na bibili ka ng pizza, yung Hawaiian. Yun ang gusto ko. But
thanks for the pizza, Chloe.”
“Pero hindi naman—“
“See you around.”
Tuluyan na siyang nakalabas.
Hindi
naman para sa kaniya yung pizza, eh. Para kay—
“Damn it!”
Napangiwi
ako nang marinig ko ‘yon mula kay Lei. Mukha siyang inis sa itsura niya. Nainis
ba siya dahil may kumain ng pizza na bigay ko sa kaniya? Pero ang sabi ni
Flynn, hindi naman siya kumakain ng pizza. O nainis siya kasi hindi sinunod ni
Flynn ang sinabi niyang ngayon sila mag-usap?
“Galit ka ba kasi kinain niya ang
pizza na bigay ko sa’yo? Sabi niya kasi hindi kaw daw kumakain ng pizza.” Yun
na lang sinabi ko kesa naman sabihin kong galit siya dahil hindi pumayag na
makipag-usap sa kaniya si Flynn. Baka maghalo na ang balat sa tinalupan no’n.
“At naniwala ka naman?!”
“Hah? Kumakain ka ng pizza?”
Nilapitan ko ang box ng pizza at tiningnan. “Tatlo na lang ‘to. Ano ba namang lalaking ‘yon? Gusto pala ng pizza,
ba’t hindi na lang siya bumili? Humanda siya sakin kapag nagkita kami!” Aba!
Feeling close agad ako, ah!
“Kanina ka pa ba dito?” Ang
layo ng sagot niya, hah. “Kanina pa ba kayo
magkausap?”
“Halos kararating ko lang.”
Nagpeace sign ako. “Sorry kung hinayaan
kong kainin niya yung pizza. Pagdating ko kasi dito, nakain na niya. Bakit kaya
sinabi niyang hindi ka kumakain ng pizza? Ano kayang trip niya? Alam mo ‘yang
si Flynn, kahit ngayon ko lang siya nakita, parang ang hirap basahin ng utak
niya. Sabagay, hindi naman ako psychic para magawa ‘yon.” Napahagikhik na
ako. “Pero mukha siyang mabait. Mabait
ba siya, Lei?”
Tiningnan
niya ko nang masama. Tinakpan ko agad ang bibig ko.
“May step brother siya, Kaya lang
hindi naman niya kadugo talaga dahil anak ‘yon ng step mother niya. Tapos hindi
pa sila magkasundo.”
Bakit
ko ba nakalimutan ang sinabing ‘yon ni Jhom? Me and my big mouth talaga! Iniba
ko agad ang topic. “Ah, Lei. Okay na
yung party. Naayos na ang dapat na ayusin. Everything is under control.” Nginitian
ko siya.
Masama
pa rin ang timpla ng mukha niya. Buti na lang kahit lagi siyang nagsusungit,
gwapo pa rin siya. Swerte niya. Nagre-reflect daw kasi sa mukha ng tao kung
palagi siyang galit at palaging masaya. Tingnan ninyo ko. Masayahing tao kaya…
Ehem!
“Bibilhan na lang uli kita ng pizza.”
Tumabingi ang ngiti ko. Okay na sana, eh binalik ko naman yung topic kanina.
Epic
fail ka talaga lagi, Chloe! Hobby mo na talaga ang inisin si Lei ‘no?
Hindi
naman sa gano’n. Hindi ko naman talaga gustong inisin siya. Sadyang hobby na
talaga niya ang mainis sakin simula pa lang.
“Chloe.”
I
smiled. “Yes, Lei. Bibilhan na kita ng
pizza. Ano bang gusto mo? Ilang box? Hanggang tatlong box lang, ah.”
He
looked at me for a couple of seconds. Parang hindi niya alam kung anong
ire-react niya hanggang sa mapailing na lang siya. Lumapit siya sa gawi ko. Sa
table niya at umupo sa swivel chair. May hinawakan siyang papel bago inikot ang
kinauupuan niya patalikod sakin.
“What are you doing here in my office?”
“Wala lang. Gusto ko lang pumunta.
Sabay na tayong umuwi.”
“Mauna ka ng umuwi. Marami pa kong
gagawin.”
I
smiled. Yumuko ako sa table at nagpangalumbaba malapit sa likuran niya. Inabot
ko ang buhok niya pero hindi ko ‘yon hinawakan. “Ang sarap namang pakinggan ng sinabi mo.”
Bigla
siyang humarap sakin. “Ang alin?”
Natigilan
ako. Natigilan ako dahil parang slow motion ang ginawa niyang pagharap sakin.
Weird.
Wala
na rin ang inis sa mukha niya. Napangiti ako. Sa totoo lang, I love watching
his face. Galit man siya o hindi. Inis man o hindi. I just love watching his
face. Ay ewan. Paulit-ulit na lang ako.
“Stop smiling. And your hand.”
Ibinaba
niya ang kamay kong nakataas pa rin. Pero ang ngiti ko, hindi pa rin nawawala. “Ano nga uli yung tinatanong mo, Lei?”
“Lumayo ka.”
Na
hindi ko naman ginawa. “Ah! Yun nga! Yung
pinapauna mo na kong umuwi kasi marami ka pang gagawin. Para talaga tayong
mag-asawa the way you said it.” May naisip ako. I extended my hand.
“Para sa’n ‘yan?”
“Alam kong mag-asawa lang tayo sa
papel. Pero pwede naman tayong maging kaibigan habang magkasama pa tayo.”
Kaibigan?
Bakit parang ayoko siyang maging kaibigan? Eh, bakit sinuggest ko pa ‘yon? Hay,
ang imba ko talaga kahit kailan!
“I don’t need friends. Lalo na yung
inuutusan akong bumili ng…” Sumama na naman ang timpla ng mukha
niya. “Umuwi ka na nga.”
I
pouted. From now on, hindi ko na ipapaalala sa kaniya ang ginawa niyang ‘yon.
Okay na sana. Tinopak na naman. Teka! Hindi ko naman pinaalala sa kaniya ‘yon,
eh. Siya kaya ang nagsabi! “Akala ko ba,
okay na tayo?”
“Wala kong sinabi.”
“Pero yung kanina…”
“Wala kong sinabi.”
“Sorry na, Lei.”
“Umuwi ka na.”
“Ayoko.”
Todo ang pag-iling ko. “Tanggapin mo
muna yung sorry ko.”
“Hindi ka talaga uuwi?”
“Wala akong kasama sa unit mo. Wala
kong makakausap. Dito na lang ako. Makikipagkwentuhan ako kina Cyrish.”
“Never encountered the word busy?”
“Tao ba ‘yon? Ipakilala mo nga sakin.”
Nagpeace
sign agad ako. “Joke lang.”
“Ayaw mo talagang umuwi?” Umiling
ako. “Then go there.” Tinuro niya
ang kwartong gusto kong pasukin nung una akong tumapak dito sa office niya. “Ayoko ng istorbo.”
“Okay. May tv ba do’n? DVD? CD? O
kahit na anong ma-paglilibangan?”
“Chloe.”
“Oo na.” Tumayo
na ko nang mapansin kong hinawakan niya ang snow ball. Kinuha ko ‘yon na
ikinagulat niya. “Ang cute nito.” Binaligtad
ko ang snow ball. Nakita ko na naman ang pangalang nakasulat do’n.
Larah.
Nung
una ko ‘tong nakita, parang wala lang. Pero bakit ngayon…
“Lei, sino si Larah?”
“Wala kang pakialam.” Kinuha
niya ang snow ball na hawak ko.
“Girlfriend mo?”
Hindi
siya sumagot. Nakatingin lang siya sa snow ball.
“Ex mo?”
Still,
no answer from him.
“Ex-wife mo?”
“Hindi ka ba talaga titigil?”
“Sabi ko nga. Papasok na ko do’n.” Humakbang
na ako papunta sa kwarto.
Sino
ba talaga si Larah? Bakit parang mahalaga siya kay Lei? Bakit gano’n? Bakit
parang—
“Don’t come near him again. Neither
talk to him.”
“What?” Sabay
lingon kay Lei.
Hindi
siya sumagot.
“Don’t come near him again. Neither talk
to him.”
What
did he mean? Nagkibit-balikat na lang ako. Pumasok na ko ng kwartong itinuro
niya. Walang kama pero may sofa bed akong nakita. May bookshelves din. Yun nga
lang, walang tv o dvd.
Sinilip
ko si Lei. Napangiti ako nang makita kong may hawak siyang pizza. Hinayaan ko
na lang siyang kumain at hindi na nangulit. Binuksan ko ang aircon at humiga sa
sofa bed.
“Ang lambot…”
At
dahil sa pagod ko at kakulangan ng tulog kagabi, nakatulog agad ako ng may
ngiti sa labi.
Pero
ang nakapagtataka do’n, mukha ni Lei ang huli kong nakita bago ako makatulog.
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^