Thursday, February 20, 2014

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 12



CHAPTER 12
( CHLOE’s POV )



Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nagsisidatingan ang mga empleyado ng CTC dito sa function hall. Ang ku-cute nilang tingnan. Sana maging successful ang party na ‘to.


Madali lang sakin na mag-organize ng mga party. Nung college kasi ako, isa kami ni Ren sa event organizers ng school namin.


Nasa entrance ako ng hall katabi si Tita Josephine—I insisted her na Chloe ang itawag niya sakin, tapos Tita ang itatawag ko sa kaniya para hindi masyadong pormal kung Ma’am Chloe at Mrs. Josephine ang itatawag namin sa isa’t isa.


Saka nalaman ko ring malapit pala si Tita Josephine at ang asawa niyang si Attorney Gordon sa pamilya ni Lei. Bale, matalik na kaibigan ni Attorney Gordon ang daddy ni Lei na nasa heaven na.


Kaya lang, wala naman akong makuhang impormasyon tungkol sa pinagdaanan ni Lei nung bata pa siya. Halatang umiiwas si Tita Josephine nung tinanong ko siya. 
Ano nga kayang nangyari kay Lei no’n at naging ganito siya?


“Marami din ang pumunta, Chloe. Ang ku-cute nilang tingnan. Hay… Ang sarap talagang maging bata minsan. Sayang at wala si Gordon dito. Isa din yung young at heart. Excited pa naman siyang umatend. Wala tuloy akong ka-partner.”


Napalingon ako kay Tita Josephine. Ang cute ni Tita sa suot niya. She was dressed as Chi-Chi, yung asawa ni Son Goku. Alam ninyo na siguro ang theme ng Christmas party namin. Costume party ang naisip kong gawing theme—characters from the movie, tv series, book, comic book and even in  anime or manga. Kaya nga gano’n na lang ang inis—o mas tamang sabihing galit—ni Lei nang malaman niya ang theme.


“Okay lang ‘yan, Tita. Parehas lang po tayo. Tayo na lang po ang partner.”


“Pagpasensyahan mo na ang asawa mo, hija. Talagang malabong pumunta siya sa ganitong event.”


Sa kaniya ko lang sinabi kung nasa’n talaga si Lei ngayon. “Okay lang po.”


Kahapon, nang makatulog ako, mag-i-eight na ko nagising. Paglabas ko ng kwarto, wala si Lei. Sina Xiela, Cris at Rhen ang naabutan ko paglabas ko ng office niya. May meeting daw na pinuntahan si Lei, kasama si Cyrish.


Umuwi na ko sa condo unit ni Lei. Pagdating ko do’n, may box na naghihintay sakin sa front desk. Yung costume namin ni Lei for the party na pinadala ni Laleen. Nagtatahi din kasi siya ng mga costume. Saktong may available na ng costume na gusto kong isuot kaya inayos lang niya ayon sa size ko at ni Lei.


Hindi umuwi si Lei kagabi. Nang pumunta naman ako ng CTC kanina, dumaan lang ako sa office niya para ibigay ang costume niya. Kaya lang ang sabi ni Xiela, he’s out for a meeting. Kaya sa kwarto ko na lang iniwan ang costume niya.


Maghapon kaming hindi nagkita kasi halos nasa function hall lang ako the whole time para sa preparations and decorations ng buong hall. Nang daanan ko siya sa office niya bago ako umuwi to prepare myself for the party, naabutan ko siya na busy-ing-busy na naman sa trabaho. Half day ang pasok ng mga empleyado pero si Lei mukhang balak pang mag-overtime.


And when I told him about the costume, he—


“Ate Chloe!”


Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses na ‘yon. Tulog man ako o gising, hindi ko ‘yon makakalimutan. Ang boses na ‘yon kasi ang laging gumigising sakin kapag mahimbing ang tulog ko sa bahay.


“Ate Chloe!” Niyakap ako sa binti ng isang bata. Tiningala niya ako. Hanggang tenga ang ngiti niya.


“Kendra?! Waah!” I hugged her. “Namiss kita! Sinong kasama mo?” Nagulat talaga ako na makita siya dito. At ang… Waah! Ang sarap niyang kurutin! Super-duper cute ng little sister ko sa costume niya bilang Chibiusa!


“Kasama ko siya.”


Napalingon ako sa nagsalitang ‘yon. Palapit sakin ang bestfriend kong si Ren! “Bruha ka! Akala ko ba hindi ka pupunta? Nakakainis ka!”


“Na-surprise ka ba?” She was dressed as Sailor Mars, one of the Sailor Soldiers.


“Oo kaya!”


“Ano ka ba? Nandito kaya ang Dark Mask, palalampasin ko ba ‘yon?” Pinagmasdan niya ko. “Ang ganda natin ngayon, ah!”


“Ikaw din kaya!”


Sa totoo lang, cosplay ang nauna kong naisip kaya lang hindi naman lahat ng nagta-trabaho dito sa CTC familiar sa cosplaying. So I’ve decided na parang costume party na lang at hindi na nila kailangang gayahin ang ginagawa ng mga characters na napili nila. When it comes with cosplaying kasi, hindi lang look ng character ang ginagaya, pati mannerisms and body language ng character, pinag-aaralan ng mga cosplayers.


Pero may ilan akong empleyadong nakikita na umaakto katulad ng character na napili nila. Talagang kinarir nila. Sabagay, may cash prize and trip to boracay for two na sagot ng company ang mananalong best in costume. Kaya parang naging cosplay event na din ang Christmas party namin.


Costume party or cosplaying man ang kinalabasan ng Christmas party ngayon, it doesn’t matter as long as masaya ang mga empleyadong umatend. Yun naman talaga ang mission ko, eh. To make them happy tonight.


“Bakit nga pala kasama mo ang tabachingching na ‘to?” tanong ko.


“Alam kong miss mo na siya kaya sinama ko na.”


“Super kaya!” Pinanggigilan ko ang pisngi ni Kendra. “Ang cute mo talaga, baby!” Gusto ko sanang guluhin ang buhok niya kaya lang magugulo lang ang wig niyang color pink.


“Ang ganda mo naman po, Ate Chloe! Para pong hindi ikaw!” Lumingon-lingon siya na parang may hinahanap. “Si Kuya Lei po, Ate Chloe?”


Napangiti ako. Kahit once lang niyang nakita si Lei, natatandaan niya pa rin ito. Lumalaklak na kasi si Kendra ng memory plus sa edad niya. De joke lang. “Maraming trabaho si Kuya Lei mo, baby.” Yun na lang ang sinabi ko.


“Ang sabihin mo, hindi niya kayang umatend sa mga ganito. Nahihiya kamo siya. Sabagay, kasing labo ng pagputi ng uwak na a-attend sa mga ganito ang asawa mo. Ang boring siguro niyang kasama noh?”


Pinanlakihan ko ng mga mata si Ren. “Ano ka ba?” Buti na lang at may kausap si Tita Josephine kaya hindi nito narinig ang mga sinabi niya.


“Totoo naman, eh. Ganyan talaga ang mga lalaki. Nahihiya sa mga ganito pero pagdating sa ibang bagay, napakabilis.”


Kumunot ang noo ko. May napansin ako sa kaniya. Nagiging ganyan lang naman siya ka-bitter kapag… “Best, may nangyari ba?”


Hindi na siya nakasagot dahil nilapitan na kami ni Tita Josephine. “Chloe, it’s time to start.” Kasi kami ang magli-lead ng party.


“Sige, Tita.” Tiningnan ko si Ren. “We’ll talk later, best.”


She smiled. A bit. “I’m okay. We should enjoy the party tonight. Saka na ang problema.”


May problema nga.



= = =



( LEI’s POV )


Nakatutok ang mga mata ko sa papel na hawak ko nang mapalingon ako sa sofa. Nakapatong do’n ang costume na dinala ni Chloe kanina. At sa tuwing napapagawi ang tingin ko do’n, naaalala ko ang sagutan na naman namin kanina. Tumayo ako at lumapit sa sofa. Kinuha ko ang costume at pinasok sa loob ng kwarto. Nakabalik na ko sa table ko pero ginugulo pa rin ako ng nangyari kanina.



- F L A S H B A C K -

“Hello, Lei!”


Hindi ko na kailangang iangat ang tingin ko para alamin kung sino ‘yon. May binabasa akong report kaya ayokong magpaistorbo. Pero si Chloe ‘to, eh. Hindi ako makakapag-concentrate sa ginagawa ko kapag nandyan siya. Hindi ko man siya kausapin, mangungulit pa rin siya. And even if I told her to shut up, kung anu-anong bagay ang kukuntingin niya sa loob ng office ko.


At nadi-distract ako sa ginagawa niya.


“What do you want, Chloe?”


She smiled. “Wait lang, Lei.” Hinila niya ang isang upuan at inilapit sa table ko. Umupo siya do’n at nagpangalumbaba sa table. “Long time no see, Lei.” Kinuha niya ang isang ballpen at pinaglaruan.


“Kahapon lang tayo huling nagkita, Chloe.”


She smiled. “Twenty four hours to be exact.” Bigla niyang pinisil ang ilong ko na ikinagulat ko.


“Chloe!”


Mas lalong lumapad ang ngiti niya. “Namiss kita, Lei.”


Hindi ko alam pero…


Bigla ko na lang tinutok ang mga mata ko sa papel na hawak ko. “Puro ka kalokohan. Tigilan mo ko.”


“Ayoko nga.” Tiningnan ko siya. Nang masama. Nag-peace sign siya. Just like what she used to do. “Joke lang.” Tumayo siya. “I need to go na, Lei. Kailangan ko nang magready for the party later. Nga pala, yung costume mo for the party, nasa kwarto.”


Kumunot ang noo ko. “What costume?”


“Wait, kunin ko.” Mabilis siyang pumasok ng kwarto at mabilis ding lumabas. “Tiyaran!” May hawak siyang…


“Ano ‘yan?”


“Ito ang susuutin mo mamaya. Nakaayos na ‘to kung paano mo susuutin kaya hindi ka na mahihirapan.”


“What?! Are you out of your mind?! At sino namang nagsabi sa’yo na pupunta ako mamaya?”


Nawala ang ngiti niya. “Hindi ka pupunta?”


“No.”


“But Lei, you are the President of this company. You are suppose to be there.”


“Gusto mo ba kong gawing tanga do’n?” Paano niya naisip na susuutin ko ‘yan?!


“Lahat naman tayo mag-susuot ng costume, eh. Hindi lang ikaw.”


“No, Chloe. Hindi ko susuutin ‘yan.” madiing sabi ko. “Now, get out. I’m busy.” Tinutok ko ang mga mata ko sa papel na hawak ko.


“Lei naman. Hindi ka naman nila makikilala kasi—”


“Hindi ako pupunta kaya wag mo na kong piliting i-suot ‘yan. Get out.”


Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong nakatayo pa rin siya sa harapan ko.


“Bakit ba ganyan ka, Lei?”


Napaangat ang tingin ko sa kaniya. She looked serious and sad. And I felt…


“Kailan mo kaya matututunan ang salitang pakikisama? Kailan mo kaya iisipin ang nararamdaman ng mga taong nasa paligid mo? Hindi ka sasaya kung lagi na lang sarili mo ang iisipin mo. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Hindi ka sasaya kung lagi kang ganyan.”


“Hindi ko kailangang maging masaya, Chloe. Hindi mo ako kilala kaya wag na wag kang magsasalita ng ganyan.” madiing sabi ko.


“You didn’t know how to smile, Lei.”


“What?!”


“Yan ang una kong impression sa’yo nang magkakilala tayo. Para ka ngang may galit sa mundo, eh. You are masungit, ungentleman, rude and selfish. Hindi ka marunong mag-sorry at mag-thank you. Pero sa kabila no’n, may tinatago ka ding bait sa katawan. Mahilig kang sumigaw. Hindi ko alam kung hobby mo na talaga ‘yon or sadyang sumosobra na ko sa kakulitan ko. Ayaw na ayaw mong sinusuway ang mga utos mo. Alam mo pag nagka-award ng Top Workaholic sa mundo, ikaw na siguro ang Top 1. Mas gusto mo pang magtrabaho kesa ang kumain. Kaya ka nga nagka-ulcer dahil do’n.”

“May allergy ka sa mabalahibong hayop. Ayaw mong nakikipag-usap sa loob ng elevator. Hindi ka makatulog na patay ang ilaw. Your mother died when you were young. Nag-asawa uli ang daddy mo. They both died when you were in highschool. Your grandfather died three years ago. May step brother ka and that’s Flynn.”



Paanong…


“Hindi man kita kilala ng buo, pero kilala na kita, Lei Constantine. And you were wrong when you said that you need to be happy. Being happy is not a need. It’s a feeling, Lei. It’s a sincere feeling that will be felt by our heart. Dahil pag pinilit mong maging masaya dahil kailangan mo lang, you will never feel the true meaning of happiness.” Humakbang siya papunta sa sofa at nilapag do’n ang hawak niya. “Hindi na kita kukulitin. Nakakapagod din pala.”


Tumalikod na siya nang magsalita uli siya.


“Wag ka na ring lumabas dito. Idadahilan ko na lang sa kanila na may biglaang meeting ka sa... sa malayong lugar… sa ano… sa Pluto. Hay, bahala na si batman.”


Hindi na ko nakapagsalita hanggang sa makaalis siya. Napatingin ako sa papel na hawak ko. Nalukot na pala ‘yon ng hindi ko namamalayan. Tumayo ako at humarap sa glasswall ng office ko. Nag-replay sa isip ko ang mga sinabi niya.
Inis na napasuklay ako sa buhok ko as I frustrately sighed.


“Bakit ba nakilala pa kita?”

- E N D  O F  F L A S H B A C K-



“Para naman magkaro’n ka ng gwapong kaibigan na katulad ko.”


Napakurap ako at napatingin sa taong nakaupo sa gilid ng table ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Tim. “Anong ginagawa mo dyan?”


“Nakaupo.” Tumayo na siya. “Pero ngayon, nakatayo na.”


Minsan talaga—mas madalas—kung umasta ‘to, parang hindi professional. Parang hindi doctor.


“Sabi na nga ba, nandito ka lang. Hindi talaga magaling magsinungaling si Chloe.”


“Kanina ka pa dito?” sa halip ay tanong ko.


“Kararating lang. Tulala ka kasi nang pumasok ako kaya hindi mo ko napansin. Anong iniisip mo, bestfriend? Bakit nagsasalita ka mag-isa?”


“Wala.” Tiningnan ko ang suot niya. “Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang suot mo?” Naka-uniform siya na parang estudyante. Nakapolong puti siya na bukas pa ang ilang butones.


“Ininvite ako ni Chloe sa Christmas party ninyo. Ikaw? Ba’t hindi ka pa nakabihis? Malapit nang magsimula ang party, ah.”


“Do you think na pupunta ako do’n?”


He smiled. “No. Pero ayaw mo bang tingnan ang pinaghirapan ng asawa mo?”


“May tinatapos pa kong trabaho.”


Kinuha niya ang papel na nasa table. “Where? Wala naman, ah.”


“Tim.”


“Ano ka ba, Lei? Puro ka na lang trabaho, trabaho at trabaho. Dati naiintindihan ko pa. Pero ngayon, iba na ang sitwasyon mo. You have a wife, Lei.”


“Alam mong arranged marriage lang ‘to, Tim. Maghihiwalay din kami.”


“And Chloe is trying her best to be a good wife to you kahit alam niya ang sitwasyon ninyong dalawa. Alam mo bang maswerte ka dahil siya ang napili ng lolo mo? Pero mukhang hindi mo nakikita ‘yon. Bahala ka. Pag napagod siya sa kakaintindi sa’yo, iwan ka na lang no’n bigla.” Lumapit siya sa sofa at may kinuha. Wig ‘yon na malapit sa kulay dilaw. Pumasok siya sa loob ng restroom.


“Hindi na kita kukukulitin. Nakakapagod din pala.”


“Bahala ka. Pag napagod siya sa kakaintindi sa’yo, iwan ka na lang no’n bigla.”


Napahawak ako sa noo ko. “Edi umalis siya. Sanay naman akong mag-isa.”
“Bababa na ko, Lei.”


Napatingin ako kay Tim. Suot na niya ang wig. Tinanguan ko na lang siya.


“Ayaw mo talagang umatend? Masaya ‘to, Lei.”


Masaya? Tss. “Umalis ka na, Tim.”


“It’s Usui Takumi, Lei.”


“What?”


“I’m Usui Takumi.” Inayos niya ang neck tie niya. “Gotta go. Hahanapin ko pa ang Misaki ko.” He winked before he walked out of the room. But a few seconds passed when he entered again. “Pag hindi ko siya nahanap, pwede bang si Chloe na lang ang partner ko?”


Nagsalubong ang kilay ko. “Nagkamali ka ata nang pupuntahang party. Christmas party ‘yon at hindi Prom.”


“Wag kang hot, Lei. Sigurado kasing malungkot siya kaya ichi-cheer up ko na lang siya. That’s what friends are for, right? Bye!” Lumabas na siya.


“Tim!” Tumayo pa ko when I realized what did I do. Umupo uli ako at pinaikot ang swivel chair ko. “Ano naman kung maging partner sila? The hell I care!”



= = =



( CHLOE’s POV )


“And for the…” My voice trailed off. Napansin ko kasing sunod-sunod na nagsipaglingunan ang mga empleyado sa iisang direksyon na parang may nakita silang artista. Kitang-kita ko ‘yon mula sa stage na kinaroroonan ko.


Sinundan ko ang tinitingnan nila. Para lang magulat sa nakita kong taong nakatayo sa may entrance ng hall.


“Lei…”


At dahil naka-mike ako, rinig na rinig ‘yon ng mga tao. Kaniya-kaniya sila ng reaksyon pero mas nangingibabaw ang pagkagulat nila.


Nakita kong humakbang si Lei papunta sa gawi ko. At dahil aware siyang nakatingin sa kaniya ang lahat ng tao, ang bilis niyang maglakad. Pero bakit parang ang bagal ng oras bago siya nakarating sakin este sa stage?


Hindi pa siya umakyat ng stage dahil huminto siya. Habang nakatingin sakin. Gano’n din naman ako sa kaniya. After what had happened kanina sa pagitan namin sa office niya, hindi ko talaga akalaing pupunta siya. Hindi ko talaga akalaing bagay na bagay sa kaniya ang suot niya. Hindi ko talaga akalaing—


“Hey, love birds! Natulala na kayo dyan!”


Ang boses na ‘yon ang nagpagising sakin. At gano’n din kay Lei. Sabay pa kaming kumilos. Umakyat siya sa stage at ako naman mabilis na bumaba. Nagkabungguan pa kami. Buti na lang nahawakan niya ang beywang ko. At dahil sa ginawa niya, kumabog ang dibdib ko.


Bakit ba kasi ako bumaba? Umatras uli ako pabalik sa pwesto ko kanina. May nabunggo pa ko. “Sorry, Tita.”


“It’s okay, Chloe.” Pero wala sakin ang atensyon ni Tita Josephine. Nakatingin din siya kay Lei na parang nagtataka. O mas tamang nagulat.


May narinig akong tawa. Mula ‘yon sa table nila Ren. Kay Tim ang tawang ‘yon. Kung siya, tuwang-tuwa sa nangyayari, yung mga empleyado naman parang may dumaang anghel na bigla na lang tumahimik. Nawala ang kaingayan nila kanina nung hindi pa dumadating si Lei. Hindi pwede ‘to. I have to do something!


“Goodevening, everyone.”


Napatingin ako kay Lei na ngayon ay nasa tabi ko na. Sa harap ng mike.


“Am I late, everyone?”


“Ah, no. You’re not late, Lei. Nakapag-opening remarks na ko at katatapos lang namin ni Tita na ibigay ang mga awards. You’re not late. Really. You’re not.”


Tiningnan niya ko na parang sinasabing ‘pinipilosopo mo ba ko?’ May narinig na naman akong tumawa. Alam ninyo na siguro kung sino ‘yon.


Waah! Ano ba kasi yung sinabi ko?


Ibinalik ni Lei ang tingin sa mga tao. “I am late, I know…” May mga sunod pa siyang sinabi pero wala na do’n ang atensyon ko, kundi nasa kaniya mismo.


Ano bang nangyari? Bakit siya nandito? Hindi naman sa ayaw kong nandito siya. Kaya lang… Yung nangyari kasi kanina samin. Waah! Sinagot ko na naman kasi siya! At dahil do’n, hindi ko na inexpect na pupunta siya dito.


Siya ba talaga ‘tong nasa harap ko? Siya talaga ‘to, eh! Kahit pa sabihing nakasuot siya ng eye mask, hindi pwedeng hindi ko siya makilala. Teka! Bakit parang sinabi kong kilalang-kilala ko na talaga siya?


“Hindi ko kailangang maging masaya, Chloe. Hindi mo ako kilala kaya wag na wag kang magsasalita ng ganyan.”


Kinagat ko ang gilid ng labi ko nang maalala ko ang sinabi niyang ‘yon kanina. Ang sabi ko aalagaan ko siya. Ang sabi ko gagawin ko siyang masaya. Pero bakit gano’n? Bakit hindi naman nangyayari? Gusto ko lang naman makitang ngumiti siya. Pero ginagawa ko naman diba? Talagang napakamahal lang ng ngiti niya.


“Chloe.”


That voice ang pumutol sa naglalakbay kong isip. Nakita ko si Lei na nakatingin sakin. He leaned over me. “I don’t know the flow of the program. What’s next?”


Napakurap ako. “Games.” wala sa loob na sagot ko. Ang lapit-lapit niya kasi sakin!


“What?”


“Hah?”


“Excuse me.” Sumingit si Tita Josephine sa harap namin. Siya na ang nagsalita at ina-nounce na magsisimula na ang games. Saglit niya kaming nilingon. “Sige na. Ako na dito. Kaya ko na ‘to.”


Nagkatinginan kami ni Lei. Tumikhim siya at inayos ang suot niyang eye mask. Halatang naiilang siya sa suot niya. Para siyang batang nawawala sa itsura niya. At ang…  Waah! Ang cute-cute niyang tingnan!


Hinawakan ko bigla ang kamay niya. Teka! Bakit ko hinawakan ang kamay niya? Napatingin siya sa mga kamay namin. At sa akin.


Isip-isip, Chloe! Aha! Tsing!


“Umupo na tayo.” I said. Bumaba ako ng stage habang hila siya.


Chloe! Let go of his hand! Keri na niyang maglakad!


Waah! Ayoko nga! Waah! Bakit ayoko? Ano bang nangyayari sakin?


Hanggang sa makarating kami sa table nila Tim kung sa’n kasama niya sina Ren at Kendra, magkahawak pa rin kami ng kamay. O mas tamang sabihing, hawak ko ang kamay niya.


“Kuya Lei!”


Napabitaw ako kay Lei dahil bigla na lang siyang sinugod ng yakap ni Kendra! Hindi lang sinugod. Nakagawian na kasi ni Kendra minsan na kapag susugurin niya ng yakap ang isang tao, sugod na patalon. Which means, dapat nakahanda ka ng buhatin siya. Eh, ang bigat pa naman ni Kendra!


Hindi lang ‘yon, ang tinis pa ng boses ng kapatid ko! At ang lakas pa! Tuloy, na samin na ang atensyon ng mga tao!


“Si Kuya Lei ka po ba talaga?” malakas na tanong pa ni Kendra habang buhat siya ni Lei. Dahil bata siya, hindi siya aware na pinagtitinginan na kami ng mga tao.


“Kanina ko pa siya sinasabihan na ikaw ‘yan, Lei. Ayaw niyang maniwala sakin.” Tim said.


“Sabi kasi ni Ate Chloe kanina, nasa malayong lugar ka daw po. Bakit nandito ka po? Ikaw po ba talaga ‘yan?” Akmang tatanggalin ni Kendra ang suot na mask ni Lei nang pigilan siya nito.


“I’m Lei, Kendra.”


Feeling siguro ni Kendra ang gaan-gaan niya kasi tuwang-tuwa pa siyang naglambitin sa leeg ni Lei. Pero parang wala lang kay Lei ang ginawa niya. Hay… Ang macho talaga ng asawa ko.


Iniling ko ang ulo ko. Ano ba ‘tong iniisip ko? Hindi ito ang oras para pagpantasyahan ko siya.


“Baby, baba ka na, hah. Ang bigat mo kasi, eh.” Akmang kukunin ko si Kendra nang may kumislap sa gilid namin. Napalingon ako kina Ren. May hawak na camera si Tim.


“You looked like a real family.” Tim said.


“Hah?”


“Yung costume ninyo kasing tatlo.”


Saka ko lang napagtuunan ng pansin ang costume naming tatlo. I was dressed as Neo-Queen Serenity, the future form of Sailor Moon that would live in the thirtieth century. At dahil partner kami ni Lei, he was dressed as King Endymion, Tuxedo Mask’s future form. And my little sister Kendra was dressed as Chibiusa, the daughter of the Neo-Queen Serenity and King Endymion.


Napangiti ako. Ang cute naming tingnan. Tiningnan ko si Lei. Mukhang wala siyang idea sa tinutukoy ni Tim. Napatingin din siya sakin. Mas lalo akong napangiti.


“Ate Chloe, Kuya Lei! Picture daw po tayo!”


But it’s too late for us to turn around because the camera already flashed.

= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^