CHAPTER
13
( CHLOE’s POV )
“Baka matunaw ‘yang tinitingnan mo.” Napalingon
ako sa katabi kong si Ren nang bulungan niya ko.
“Ang gwapo niya kasi, best.”
bulong ko sa kaniya. “Nakita mo ba?”
She
rolled her eyes. “Kitang-kita ko.” She
paused. “You know what? I still couldn’t
believe na dumating talaga siya at suot pa niya ang costume niya.” bulong
niya. “Si Lei ba talaga ‘yan? Baka naman
may kambal siya.”
“He’s Lei, best.” Ibinalik
ko uli ang tingin kay Lei na seryoso ang mukha. Katabi niya si Tim na natatawa.
Tinutukso kasi ni Tim si Lei. Si Kendra naman na napapagitnaan namin ni Lei sa
upuan, tanong ng tanong kay Lei ng kung anu-ano. Yung mga tanong pa naman niya,
tungkol sa mga costume ng mga taong nandito sa hall. Malay ba ni Lei sa mga
‘yon. Tuloy, ang mga sumasagot ng tanong niya, puro si Tim.
Isa
pa ‘tong si Tim, sinabihan ko ng ibutones yung polo niya dahil may bata kaming
kasama sa table. Half opened kasi ‘yon. Ayaw sumunod ng mokong. Kinikindatan
niya lang ako. Grabe. Parang mas malala pa siya sa character na napili niya na
si Usui Takumi ng Kaichou-wa Maid Sama.
Bigla
siyang tumayo. “Sasali ako dyan!”
Humakbang siya palapit sa kabilang table. Hinila niya ang nananahimik na si
Jhom. Jhom was dressed as Misaki, ang love interest ni Usui. Kanina ko lang rin
nalaman na close pala silang dalawa. Ibang closeness, eh. Para silang aso’t
pusa.
Ano
bang next game? Nilingon ko ang space sa gitna ng hall. Ah, paper dance.
“Join din kayong mag-asawa, Chloe.”
“Hah? Pero, Tim…”
Bigla akong napaisip. Oo nga. Bakit hindi? Para naman hindi sabihin ng mga
empleyado ni Lei na KJ siya. Tiningnan ko si Lei. Umiling siya.
“Sige na po, Kuya Lei! Sali din kayo
ni Ate Chloe!”
Pinisil
ko ang pisngi ng kapatid ko. Ang
galing-galing mo talaga, baby!
Tumayo
na ako at hinawakan ang kamay ni Lei. Nung una, ramdam kong ayaw niyang
magpahila. But when Tita Josephine announced na sasali kaming dalawa, napailing
na lang siya at tumayo.
“Yung pakpak mo.”
reklamo niya nang matamaan siya ng pakpak ko.
“Sorry.”
Tiningnan
niya ang likuran ko. “Are you an angel
or a butterfly?”
Napahagikhik
ako. “I am Neo-Queen Serenity.”
“Sino naman ‘yon?”
“Hindi ka naman nakikinig sa sinasabi
namin ni Tim kanina, eh. Si Neo-Queen Serenity ang future form ni Sailor Moon
na asawa—”
“Chloe! Ano pang tinatayo ninyo dyan?
Magsisimula na tayo!” malakas na sabi ni Tim.
“Grabe talaga ‘yang kaibigan mo noh?
Makasigaw, wagas.” Lumapit ako sa isang dyaryo. “You know this game, Lei?” Nakatingin
lang kasi siya dyaryo. “Paper dance ‘to
which means we have to dance. And when the music stopped, tatapak tayo sa
dyaryo na hindi lalabas ang mga paa natin. Ipo-fold yung dyaryo hanggang sa
lumiit na lang. Matira, matibay.”
“I know. Hindi naman ako pinanganak kahapon
para hindi malaman ‘yon.”
Eh,
bakit pinatapos pa niya akong magpaliwanag kung alam naman pala niya?
Teka
lang! May napansin ako, ah! Bakit ganito kaming dalawa ngayon? Bumalik na naman
kami sa dati kung mag-usap na parang hindi kami nagkasagutan kanina? Mas malala
pa yung sagutan namin kanina pero bakit…
Bakit
pinapansin niya ko? Hindi ba siya galit sakin? At ang gustong-gusto kong
itanong, bakit siya pumunta dito kahit pinag-awayan pa namin ‘yon kanina?
“Chloe. The music already stopped.”
“Hah?”
Nakatapak na siya sa dyaryo. Mabilis akong tumapak do’n. Muntik pa kong madapa
dahil sa laylayan ng damit ko. Buti na lang at naalalayan ako ni Lei. “Thank you.” Tumikhim ako. “Lei. Tungkol sa nangyari kanina.”
“I don’t want to talk about it,
Chloe.” Lumayo siya sakin. The music played again. I folded
the newspaper into half.
Bakit
ayaw niyang pag-usapan?
“Mr. and Mrs. Constantine, madaya
kayong dalawa. Paper dance ‘to kaya magsayaw kayo.”
Napalingon
ako kay Tita Josephine na nasa stage. Nag-thumbs-up siya. Sayaw pala, hah. Edi
nagsayaw ako. Yung parang nasa disco lang ang peg. Samantalang yung partner ko,
nakatayo lang talaga.
And
when the music stopped, nagmadali pa kong tumapak sa dyaryo. Samantalang si
Lei, parang naglalakad lang. Kasya pa yung dalawang mga paa namin, kaya lang
magkadikit na kami. Napahawak pa nga ko sa braso niya.
“Lei, galit ka ba sakin?”
“Ano naman kung galit ako sa’yo?”
“Kasi ayokong magalit ka sakin.”
“Ayoko nang pag-usapan ‘yon.”
Lumayo
siya sakin because the music started again. I folded the newspaper. Maliit na
‘yon. Kailangan na naming tumingkayad para magkasya ang mga paa namin. Kaya ang
ginawa ko, hinubad ko na ang sandals ko. Gano’n din naman ang ginawa ng ibang
girls na kasali sa game. Pati laylayan ng damit ko, inipon at tinali ko. Baka
mamaya, madapa pa ko at mangudngod kay Lei. Waah! Este, sa sahig pala! Ano ba
kasi yung iniisip ko?
I
danced. He didn’t. The music stopped.
Naunang
tumapak si Lei sa dyaryo. Ang totoo niyan, pinauna ko talaga siya. Hindi siya
tumingkayad! Sakto yung dalawang paa niya sa dyaryo. Wala akong pwedeng tapakan
kundi ang sapatos siya which I did. And I have no choice but to hold on to him.
Humawak ako sa dalawang braso niya. Hindi katulad kanina na magkadikit lang
kami, ngayon magkadikit na magkadikit na talaga kami.
Napalunok
tuloy ako. Kasabay nang pagkabog ng dibdib ko. Bigla akong bumitaw ako sa
kaniya kaya parang na-out of balance ako. Pero hindi ‘yon nangyari dahil
naramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko. Para kong may naramdaman na kung
ano.
Pinikit
ko ang mga mata ko. Ano ba ‘tong nangyayari sakin?
“This costume makes it hard for the
game.” I heard him said that pero hindi ko siya tiningnan. Ang
tiningnan ko yung mga na-out.
“Para may thrill at mas masaya.”
Just like what happened earlier sa larong Trip to Jerusalem. Tawa kami ng tawa
kasi sumali yung naka-costume as megatron. Siya ang unang na-out kasi hindi
siya nakaupo. Hindi siya nakaupo hindi dahil naunahan siya. Siya ang unang
natapat sa walang nakaupo pero hindi siya nakaupo dahil hindi talaga siya
makakaupo dahil sa costume niya.
Pero
ang nakakatuwa talaga sa lahat, kinausap ako ni Lei! Ibig bang sabihin, hindi
siya galit sakin?
The
music started again. I was about to fold the newspaper, pero naunahan na ko ni
Lei na gawin ‘yon. Napangiti ako dahil sa ginawa niya.
I
danced again. And he didn’t. The music stopped. Nagkatinginan kami.
“Ganito ang gawin—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong binuhat.
Napakapit ako sa leeg niya. Napatingin ako sa kaniya. Deretso lang siyang
nakatingin. Parang wala lang sa kaniya na isang paa lang niya ang nakatapak sa
dyaryo. At ang...
Ang
lapit-lapit ng mukha niya sakin. At naramdaman ko na naman ang pagkabog ng
dibdib ko.
Heart
naman, ano bang nangyayari sa’yo? Pwede bang chill ka lang dyan?
Kung
anim kaming pares kanina, tatlo na lang kaming natira. Sina Tim at yung
dalawang empleyado.
“Magpatalo ka na, Lei. Ibalato mo na
sakin ‘to.”
Tiningnan
lang ni Lei si Tim.
“Grabe ka talaga. Kahit sa mga ganito,
napaka-competitive mo pa rin.” Tiningnan ni Tim si Jhom.
“Magpagaan ka nga.”
“Hindi ako mataba!”
“Wala akong sinabing mataba ka.”
And
when we started the game again, sina Tim ang na-out dahil nagtatalo silang
dalawa habang buhat ni Tim si Jhom.
Gusto
ko na ding magpa-out. Hindi dahil ayoko ng premyo, para kasi akong aatakihin ako
anumang oras sa bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nagkakalapit kami ni Lei ng
gano’n katulad kanina.
Tinanggal
ng kalaban naming lalaki ang sapin niya sa paa. He was dressed as Naruto. Tapos
yung partner niya was dressed as Sakura. Mukhang mag-boyfriend-girlfriend sila.
Narinig
kong naghiyawan ang mga tao.
“Oh! Mukhang palaban ang presidente
natin, ah!” Si Tita Josephine ang nagsalita.
Napatingin tuloy ako kay Lei. Nagulat ako dahil tinatanggal niya ang sapatos
niya!
“Lei, seryoso ka?”
Tiningnan
lang niya ako. Seryoso nga siya! Totoo talaga yung sinabi ni Tim na
napaka-competitive niya!
“Kailangang sumayaw, okay?”
Tita Josephine said.
Nagulat
na naman ako for the second time around dahil si Lei! Waah! Hindi siya sumayaw
pero yung ulo niya, umuugoy na parang sinasabayan yung music!
Seryoso?
Si Lei ba talaga ‘to? Baka may kambal talaga siya katulad ng sinabi ni Ren kanina.
O baka naman alien ‘to at na-abduct si Lei? Feeling ko, pumuputi yung uwak
ngayon dahil sa mga nakikita ko. Feeling ko, nananaginip lang ako. Parang gusto
kong tanggalin yung mask niya para makita ko kung siya talaga si Lei. Parang—
Bigla
niya kong binuhat. And just what like happened earlier, napakapit ako sa leeg
niya. And just like what happened earlier, naramdaman ko na naman…
“Si Lei ka ba talaga?”
Inangat ko ang kamay ko para tanggalin ang mask niya.
“Don’t move, Chloe.”
But
still, I moved. Tinanggal ko ang mask niya. Napatingin tuloy siya sakin. “Si Lei ka nga.” Then I smiled.
And
we’re out.
Na-out
of balance kasi si Lei.
Lumapit
siya sa dalawang nanalo at tinapik sa balikat ang lalaki. Nagpalakpakan ang mga
tao. Napangiti naman ako. Kinuha niya ang sapatos niya. Hindi lang sapatos
niya, pati sandals ko! Tiningnan niya ako. Hindi na niya kailangang magsalita
para malaman ko ang gusto niyang iparating. Lumapit ako sa kaniya. At sabay
kaming bumalik sa table namin.
“Thank you, Lei.”
“For what?”
“For all of this.”
At
kung ano man ang dahilan niya kung bakit pumunta siya dito sa party, hindi ko
na tatanungin. Ang mahalaga, nandito siya. Kasama ko.
At
hindi na siya galit sakin kasi kinakausap niya ko ngayon.
Okay
na uli kami na parang walang nangyari.
Ang
saya ko, alam ninyo ba ‘yon?
I
am really happy.
= = =
“Aaah! Ang gwapo-gwapo talaga ni
Calix!”
“At ang ganda pa ng boses niya! He’s
so handsome talaga! Lahat sila, gwapo! Super-duper gwapo!”
“Paano naging gwapo ‘yan? Nakamaskara
nga diba? Nakikita ninyo ba ang mukha ng mga ‘yan?”
“Inggit ka lang!”
Napangiti
na lang ako habang pasulyap-sulyap kina Ren, Jhom at Tim. And yes, dito na
pumwesto si Jhom sa table namin. Ayaw niya nung una kasi nga makakasama niya sa
table si Lei. Pinilit lang namin siya ni Ren. Ngayon lang kasi sila nagkita
yung dalawa kaya chikahan to the max sila.
Sino
yung tinitilian ng dalawa kong kaibigan? Ang Dark Mask. Tumutugtog na kasi sila
ngayon. Naka-costume din sila. You know what their costumes are? From the
movie, The Three Musketeers. Yung lang, apat silang kabalyero ngayon.
At
dahil sikat sila, nagkagulo pa kanina—ang mga babae. Tumayo si Lei no’n at
nilapitan ang manager ng Dark Mask. Kinausap niya saglit at umakyat na siya ng
stage. Akala ko talaga magagalit siya, pero sinabi lang niya na kung hindi
magkakagulo ang mga babae, may autograph silang matatanggap mula sa mga member
ng Dark Mask. Hindi lang autograph, pwede pa silang makapagpa-picture with the
members!
Tuwang-tuwa
talaga ko nang marinig ko ‘yon! Hindi dahil may chance akong makapagpicture sa
kanila—magagawa ko naman yun dahil gagamitin ko ang connection ko bilang asawa
ni Lei. Wahaha! Natuwa ko dahil naisip niya ang bagay na ‘yon!
Hindi
kasi katulad ng ibang banda, hindi masyadong lumalapit ang mga members ng Dark
Mask sa mga fans nila. Nangyari ‘yon simula nang tangkain ng isang fan na
tanggalin ang mask ng member ng banda na si Cassius.
Sa
totoo lang, kanina ko pa gustong tumili dito sa pwesto ko habang pinapakinggan
sila. Kaya lang, hindi ko magawa kasi kasama ko si Lei. Iniisip ko rin yung
sasabihin ng mga tao kapag nakisama rin ako sa tilian nila. Kapag naumpisahan
ko na kasing tumili, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko at tuloy-tuloy na.
I
leaned over Ren. “Best, gusto kong
tumili!” bulong ko sa kaniya.
Tinawanan
niya ko. “Kanina ka pa nagpipigil noh?”
Sunod-sunod
akong tumango. Alam ninyo yung pakiramdam ko? Yung nakikita kong live na
tumutugtog ang bandang gustong-gusto ko tapos hindi ko mailabas ang tuwang
nararamdaman ko.
Hindi
ko na talaga kaya. Inusog ko ang plato kong may pagkain. Tinakpan ko ang bibig
ko at yumuko sa mesa. Sabay…
Tili
na parang naipit ang boses sa lalamunan ko. Yung tipong alam kong ako lang ang
makakarinig. Isang minuto ata ang lumipas nang iangat ko ang ulo ko para lang
malaman na nakatingin sakin ang mga kasama ko sa table. Pati si Kendra!
Narinig
nila? Sila lang ba ang nakarinig? Nilingon ko ang mga katabi naming table.
Nakahinga ako nang maluwag dahil busy sila sa pagkain nila.
“Ate Chloe, bakit ka po tumitili?”
“Wala ‘yon, baby. Nagpa-praktis lang
para sa... basta. Sige na, ubusin mo na ‘yang food mo.”
Yun nga ang ginawa niya. Sina Ren at Jhom naman, dahil alam na nila ang ugali
kong ‘yon, parang walang nangyaring ibinalik uli ang tingin sa Dark Mask. Si
Tim naman, nagkibit-balikat lang. At si Lei? Asual, ang weird ng tingin niya
sakin.
I
just smiled at him at hindi na nagpaliwanag.
“Ate Chloe, gusto ko pa ng chicken.”
“Bakit hindi ikaw ang kumuha, baby?”
“Po?”
“Joke lang.”
sabay pisil sa pisngi niya. Tumayo ako at lumapit sa buffet table. Napalingon
ako sa stage kung nasa’n ang Dark Mask nang magsalita si Calix, ang vocalist ng
banda. Nagpaalam siyang mag-be-break na muna sila. Nagtilian na naman ang mga
babae. Pagbalik ko sa table namin, wala na do’n sina Ren at Jhom.
“Nasa’n na yung dalawa?”
tanong ko kay Tim.
“Sinundan yung Mask. As if naman na
makakalapit sila sa dami ng bodyguard no’n.”
“Dark Mask ‘yon, Tim.”
“Kahit ano pang Mask ‘yan.”
Ngumiti siya. Pero hindi sakin dahil nakatingin siya sa likuran ko. Nag-excuse
siya. Paglingon ko, babae na ang kausap niya. Chickboy talaga.
“Ate Chloe.”
“Bakit, baby?”
“You shouldn’t call her baby.”
Napatingin
ako kay Lei. “What?”
“She’s what? Four years old? Five years
old? Hindi mo na siya dapat tinatawag na baby.”
“Five years old na siya. Nasanay na
kaming ‘yon ang tawag sa kaniya.”
“At makakalakihan niya rin ang
pagtawag ninyo ng baby sa kaniya.”
“Ano namang masama do’n? Besides,
kahit dalaga na siya, siya pa rin ang nag-iisang baby natin.”
Natigilan
siya. “Natin?”
“Yap. Natin.” Teka.
Para namang lumalabas na anak namin si Kendra. “I mean baby ng pamilya natin.”
“Pamilya natin?”
I
smiled. “Oo. Pamilya natin. Simula nang
maging asawa kita, you’re already a part of our family, Lei.”
Tinutok
niya ang mga mata niya sa plato niya. “Have
you already forgot na kapag dalaga na siya, hindi mo na ko asawa. Hindi na rin
ako parte ng pamilyang sinasabi mo.” Nilingon niya ko. “Three months lang tayo magsasama. At malapit nang matapos ang isang
buwan sating dalawa, Chloe.”
Hindi
ko alam pero…
Bakit
parang nakaramdam ng kirot ang puso ko? Anong mero’n sa sinabi niya at
nakaramdam ako ng ganito? Lagi namang nasa isip ko na maghihiwalay din kaming
dalawa. Pero bakit ngayon?
“Ate Chloe.”
Napakurap
ako at napalingon kay Kendra. “Yes,
baby?”
“Naiihi po ako.”
Inalalayan
ko siyang bumaba ng table. “Samahan ko
lang sa restroom si Kendra, Lei.” Hindi siya sumagot. Umalis na kami ni
Kendra. Nilingon ko pa si Lei na nakita kong nakatingin din samin. Naramdaman
kong hinila ako ni Kendra. Iniwas ko na ang tingin kay Lei bago pa maihi si
Kendra sa short niya.
Walang
tao pagdating ko sa loob ng restroom. Nasa loob na ng isang cubicle si Kendra
ng bigla na lang may pumasok ng restroom. Isang babaeng umuulan ng red from
head to toe. Ano kayang character niya? Humarap siya sakin. Bahagya pa kong
nagulat nang makilala ko siya.
Ano
kayang ginagawa niya dito? Nagtanong pa ko. Malamang si Lei ang pakay niya.
Pero paano siya nakapasok? Sa itsura niya kasi kanina, parang nag-gate crash
lang siya dito sa party.
Kumunot
ang noo niya. Mukhang hindi niya agad ako nakilala dahil lumapit pa siya sakin.
Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.
“I know you.”
Humalukipkip siya. Tinaasan niya ko ng kilay. “You, bitch.”
Ang
sakit lang sa pandinig. “Chloe ang
pangalan ko.”
“The hell I care!”
maarteng sabi niya.
Napalingon
ako sa cubicle ni Kendra. Baka kung ano pa ang bad words na masabi ni Leoni at
marinig ng kapatid ko. Sakto namang lumabas si Kendra.
“Wash ka muna ng hands, baby.” Binuhat
ko siya para maabot niya ang sink. Pero nagulat na lang ako nang bigla na lang
akong itulak ni Leoni! At dahil mabigat si Kendra, muntik na kong matumba!
Tumama lang yung likod ko sa gilid ng sink. No! Hindi ‘lang’ ‘yon! Ang sakit
kaya!
“Don’t turn your back at me, bitch.”
“Hey!”
Binaba ko agad si Kendra at tinakpan ang tenga niya. “Pwede ba, mag-usap tayo ng maayos? At wag sa harap ng bata.”
“Maayos? Hah! Bakit ako makikipag-usap
ng maayos sa malanding katulad mo?”
“Stop it.”
mahinahong sabi ko. Niyuko ko si Kendra. “Baby,
alam mo naman yung way pabalik diba?”
“Opo.”
“Mauna ka ng lumabas. Susunod agad
ako.”
“Bakit po?”
“May pag-uusapan lang kami. Sige na.
Balik ka na sa table natin.”
Tiningnan
muna ni Kendra si Leoni bago siya tumakbo palabas ng restroom. Saka ko lang
hinarap si Leoni.
“Wala kang karapatang sabihan ako ng
gano’n sa harap ng—”
“Anak mo ba ‘yon?”
Kumunot
ang noo ko. Napagkamalan pa niyang anak ko si Kendra.
“So, anak mo nga siya?! Ang kapal ng
mukha mo! Anak mo ba siya sa ibang lalaki?! Ang landi mo talaga! Pinaako mo pa
kay Lei ang anak mo! Mang-aagaw ka na nga, napakalandi mo pa!”
Unlike
the last time we saw each other at sinagot-sagot ko siya nang may halong biro,
this time it’s different.
Hindi
ako palaaway. Marunong akong makisama kahit pa masama ang ugali ng isang tao.
Pero kapag ganitong tao ang makakaharap ko at pinagsasalitaan ako nang masasama
na parang kilalang-kilala na niya ko, hindi ako papayag ng gano’n!
Gusto
niya si Lei. Fine. Pero mali ‘tong ginagawa niya na parang pag-aari niya si Lei
kung makaangkin siya.
“Sino ka ba sa buhay ni Lei, Leoni?”
Mukhang
hindi niya napaghandaan ang sagot ko dahil halatang nagulat siya. “I am his…”
“His what? Are you his girlfriend or
even his wife para mag-react ka ng ganyan? Malamang hindi, kasi ako ang ASAWA
niya. Mukha namang may pinag-aralan ka, naintindihan mo naman siguro yung
sinabi ko sa’yo the last time, right? Asawa ko na si Lei kaya tigilan mo na
siya.”
Mukhang
mas lalo pa siyang nainis sa sinabi ko. “You
have no right to tell me na tigilan ko siya! You’re just nothing compared to
me, bitch!”
Ang
sakit na talaga sa tenga, hah! Ang sakit na! “May karapatan ako dahil asawa ko siya! If I’m not nothing compared to
you, then why did he marry me?”
“Dahil nilandi mo siya! Ginamit mo
yung katawan mo para makuha siya! Tapos ngayon, pinapaako mo yung anak mo sa
kaniya! Siguradong pera lang ni Lei ang habol mo sa kaniya!”
Pinikit
ko nang mariin ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim. Chilax ka lang,
Chloe. Hindi naman totoo yung mga sinabi niya kaya wag kang magpaaapekto.
But
this is the first time na may nakaaway ako! At ganito pa kasama ang lumalabas
sa bibig! Bakit ba may ganitong babae sa mundo? Ang sarap nilang… ang sarap
nilang ipakain sa pirana!
Kinuyom
ko ang kamao ko. “Alam mo, paulit-ulit
na lang tayo sa usapan natin. Hindi ako naka-register ng unli ngayon kaya ayoko
nang makipagtalo sa’yo ng paulit-ulit. Sayang lang kasi yung mga sasabihin ko.” Tinalikuran ko na siya. Ayaw niya nang maayos na usapan, pwes bahala siya.
“Gold digger bitch!”
Yung
pagharap ko sa kaniya dahil nagpanting na ang tenga ko sa huling sinabi niya,
sinalubong niya ko ng sampal.
“Magsasawa din siya sa’yo!
Maghihiwalay din kayo! Tandaan mo ‘yan!”
Akmang
sasampalin na naman niya ko ng…
“Leoni! Stop it!”
Ang
boses na ‘yon.
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^