CHAPTER
14
( CHLOE’s POV )
It’s
almost two am pero hindi pa rin ako makatulog. The party ended two hours ago.
And it went well except sa biglaang pag-alis ni Ren at sa eksenang nangyari sa
restroom.
“Magsasawa din siya sa’yo!
Maghihiwalay din kayo! Tandaan mo ‘yan!”
Iniling
ko ang ulo ko. “Wag mo na ngang isipin
‘yon, Chloe.” Napahawak ako sa pisngi ko. Parang ramdam ko pa rin ang
sampal sakin ni Leoni.
“Mama…”
Napalingon
ako kay Kendra na natutulog sa tabi ko. Inayos ko ang kumot niya. Siya ang isa
sa dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Yung isa pang dahilan? Paulit-ulit
kasing pumapasok sa isip ko ang sagutan namin ni Leoni. Dumagdag pa yung sinabi
ni Lei bago kami pumunta ng restroom ni Kendra.
“Have you already forgot na kapag
dalaga na siya, hindi mo na ko asawa. Hindi na rin ako parte ng pamilyang sinasabi
mo. Three months lang tayo magsasama. At malapit nang matapos ang isang buwan
sating dalawa, Chloe.”
“Magsasawa din siya sa’yo!
Maghihiwalay din kayo! Tandaan mo ‘yan!”
“Bakit ko ba iniisip ang mga ‘yon?
Matulog ka na, Chloe. Please lang, matulog ka na. Pero paano ako makakatulog?
Edi uminom ka ng gatas.” I sighed as I pouted. “Nababaliw ka naman, Chloe.”
Bumangon
ako nang maramdaman kong kumirot ang likuran ko. Yung bahaging tumama nang
itulak ako ni Leoni. Siguradong may pasa na ‘yon. Mero’n pa naman ko.
Lumabas
ako ng kwarto, deretso sa kusina para magtimpa ng gatas. Bukas ang ilaw sa
kusina kaya nagulat pa ko nang makita ko si Lei. Nakatayo siya patalikod sa
gawi ko.
Nandito
nga pala kami ni Kendra sa condo unit niya. Wala si Ren. Napaaga ang uwi niya
dahil may emergency sa bahay nila. Hinatid pa siya ni Tim sa Bulacan para
mapabilis ang byahe niya.
Naramdaman
siguro ni Lei na may ibang tao kaya napalingon siya. “Ba’t gising ka pa?” tanong niya.
“Hindi ako makatulog. Alam mo na,
katabi ko si Kendra sa kama. Ikaw?”
Nagkibit-balikat
lang siya. Nagtimpla na ko ng gatas nang maisipan kong magtanong. “Lei, pwedeng magtanong?”
“Magtatanong ka pa rin naman kahit sabihin
kong hindi.”
Tumikhim
ako. “About Leoni. Gaano mo siya katagal
na kilala?”
At
dahil hindi ako nakaharap sa kaniya, hindi ko alam kung anong reaksyon niya. “Don’t mind her, Chloe. She’s not of your
business.”
Saka
ko lang siya hinarap. “Not of my
business? Diba may deal tayo na tutulungan kita para tigilan ka na ng mga
babaeng humahabol sa’yo. Yun nga yung kapalit ng pag-oorganize ko ng Christmas
party, eh. Gusto ko lang naman malaman kung bakit gano’n na lang ang pagkagusto
niya sa’yo.”
“Forget that deal.”
“What? But why?”
“Just forget that deal, Chloe. Wag ka
nang magtanong.”
Hindi
na ko nangulit pa dahil mukhang iritado na naman siya. Baka bangungutin pa siya
kapag kinulit ko pa siya.
Kinuha
ko na lang ang gatas ko at lumabas ng kusina. Pero hindi ako dumeretso ng
kwarto, umupo ako sa couch. May kumot at unan sa gilid. Dito natulog si
Lei—kung nakatulog nga siya at nagising lang ngayon o hindi pa.
Sa
kotse pa lang kasi, nakatulog na si Kendra. Kaya walang nangulit kung bakit
hindi matutulog si Lei katabi namin. Masyado pa namang matanong ang batang
‘yon.
Itinaas
ko ang mga paa ko sa couch. Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kanina.
-
F L A S H B A C K-
“Gold digger bitch!”
Yung
pagharap ko sa kaniya dahil nagpanting na ang tenga ko sa huling sinabi niya,
sinalubong niya ko ng sampal.
“Magsasawa din siya sa’yo!
Maghihiwalay din kayo! Tandaan mo ‘yan!”
Akmang
sasampalin na naman niya ko ng…
“Leoni! Stop it!”
Ang
boses na ‘yon. Parang pamilyar.
Hawak
ko ang pisngi kong nasampal ni Leoni nang lumingon ako sa likuran ko. Nakita
kong bukas ang pintuan ng restroom. Nahagip ng mga mata ko si Lei na nasa labas.
Pero hindi siya ang pumigil sa kamay ni Leoni. Si Flynn ang may gawa no’n na
nasa likuran ko.
“Let go of my hand, Flynn!”
Magkakilala
pala sila.
“Stop it, Leoni. Kung si Lei ang hinahanap
mo, wala siya dito. Do you think pupunta siya sa ganitong party?”
“Hindi talaga pupunta sa ganitong
baduy na party si Lei!”
Binitiwan
siya ni Flynn. “Kaya kung ako sa’yo,
umuwi ka lang at matulog. Nag-aaksaya ka lang ng oras dito.”
Tiningnan
ako nang masama ni Leoni. “Pasalamat
kang babae ka!”
“Leoni.”
Humarang pa sa harap ko si Flynn.
Padabog
na lumabas ng restroom si Leoni. Sinundan ko pa siya ng tingin kaya nakita kong
tinabig pa niya si Lei na nadaanan niya. Mukhang hindi niya nakilala si Lei. Si
Lei na nakatingin lang samin na biglang nawala sa line of vision ko dahil may
humarang.
“Are you okay?”
Si Flynn.
Tumango
ako kahit hindi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Hindi ako
okay ng mga oras na ‘to. Dahil ba first time kong nasampal? O mero’n pang ibang
dahilan?
Tinanggal
ni Flynn ang kamay kong nasa pisngi ko. “Namumula.”
I
tried to smile. “Make up lang ang
katapat niyan. Thank you nga pala.”
“You’re welcome. I have a piece of
advice, Chloe. Next time, kapag nakita mo si Leoni, lumayo ka na lang.”
“Bakit ako lalayo sa kaniya? I didn’t
do anything bad to her. Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko. Pinagtatanggol ko
lang—” Bigla akong napatigil nang idampi niya ang hintuturo
niya sa pisngi ko.
“You’re crying?”
Napahawak
ako sa pisngi ko. Buti na lang at nakaharang siya kaya walang nakita si Lei. At
buti na lang, mahina lang ang pagkakasabi niya no’n. “Masakit lang yung pagkakasampal niya sakin. But I’m okay.”
Pinunasan ko agad ang pisngi ko pero sunod-sunod lang na pumatak ang mga luha
ko. May inabot siya saking panyo. Kinuha ko agad ‘yon. “Humarang ka lang dyan, ah.”
“Chloe.”
Boses
‘yon ni Lei! Lalapit ba siya? Makikita niyang umiiyak ako! Ang ginawa ko,
tumalikod ako.
“I need to go, Chloe.”
Flynn said. “May gagawin pa ko. Napadaan
lang ako dito sa CTC.” Mukha nga dahil hindi naman siya naka-costume.
Sunod-sunod
akong tumango. “Thank you uli. Ibabalik
ko na lang ‘to kapag nagkita tayo.”
“It’s yours now.”
Naramdaman ko ang mukha niya sa gilid ko. “Cute.”
“Thank you.”
Tanging nasabi ko na lang dahil sa pagtuyo ng pisngi ko ang atensyon ko.
He
chuckled. “Lei. Ikaw ng bahala sa asawa
mo. Next time, don’t leave her unattended. Ikaw rin.”
Nagulat
ako. Akala ko hindi niya rin nakilala si Lei katulad ni Leoni. Pero hindi pala.
Nagpanggap lang pala siya kanina.
“Chloe.”
Hindi
pa rin ako humarap kay Lei. “Anong
ginagawa mo dito?”
“Sinabi ni Kendra na may nang-aaway
daw sa’yo.”
“Sinabi niya ‘yon? Sina Ren, alam ba
nila?”
“Nasabi na sakin ni Kendra bago pa
sila dumating.”
“Sinabi rin ba ni Kendra sa kanila?”
“No. Sinabihan ko si Kendra. Ayoko ng
gulo dito.”
Hindi
ko alam pero nakaramdam ng kirot ang puso ko dahil sa huling sinabi niya. Mas
inintindi pa niya ang gulo kesa sa ginawa sakin ng Leoni na ‘yon? Bakit, ako ba
yung sumugod dito? Hindi man lang niya ko kinamusta kung okay lang ako.
Kinagat
ko ang gilid ng labi ko. “Don’t worry.
Hindi naman manggugulo ang mga kaibigan ko kung nalaman nila ‘yon.”
Magkaka-riot lang dito. Pero hindi ko na sinabi ‘yon.
“Mauna ka nang bumalik. Pakisabi kay
Kendra na okay lang ako. Susunod agad ako.”
Wala
kong narinig na sagot mula sa kaniya. Tanging ang pagsara lang ng pintuan ang
narinig ko. Pinunasan ko agad ang luhang tumulo sa pisngi ko. Humarap ako sa
salamin.
“Ano ka ba, Chloe? Kaya ayokong
nagkaka-mens, eh. Masyado akong sensitive. Pero hindi naman ako ganito dati,
eh. Ang OA ko na. Daig ko pa ang buntis nito. Umiiyak na lang na walang
matinong dahilan. Kaasar.”
Kung
dahil nga ba mero’n ako o may iba pang dahilan, hindi ko na inalam. Inayos ko
na ang sarili ko para makabalik agad ako kina Kendra. Pagdating ko do’n, parang
walang nangyari na naki-join ako sa kasiyahan nila.
-
E N D O F F L A S H B A C K –
“Chloe.”
Ang
boses na ‘yon ang pumutol sa iniisip ko. Ubos na rin ang gatas na iniinom ko.
Nilapag ko ‘yon sa table.
“Lei, pwede bang dito na lang ako
matulog? Hindi talaga ko makakatulog do’n. Pakitabihan na lang si Kendra.”
“Dapat sinasanay mo na ang sarili mong
matulog ng may katabi.”
“Para sa’n pa? Hindi naman tayo
natutulog ng magkatabi. Besides, wala na rin akong balak mag-asawa kapag
nag-kaanak na ko sa’yo.”
Hindi
siya sumagot kaya humiga na ko patalikod sa kaniya. Pinikit ko nang mariin ang
mga mata ko. Ano ba yung sinabi ko? Syempre naman, may balak pa kong mag-asawa
kung sakaling tatanggapin ng lalaking ‘yon ang magiging anak ko kay Lei.
Anak
ko kay Lei. Mangyayari ba ‘yon? Parang malabo. Hindi na siguro ako dapat na
umasa. Pero sina Lolo…
Kung
maghanap na lang kaya ako ng donor? Tapos hindi ko ipapaalam kina lolo na hindi
‘yon mula kay Lei. Isi-sikreto ko na lang. Kaya lang, hindi ako magaling
magsinungaling. Ano ba ‘tong inisiip ko? Hay ewan!
Napahawak
ako sa tapat ng dibdib ko. Bakit na naman, heart? Ano na namang problema mo?
Bakit parang naririnig kong sinasabi mong hindi mo tanggap na papalitan ko ang
partner mo? Ikaw ba ang nagsabi no’n o ang isip ko?
“Matutulog na ko.”
Hindi
pa rin pala siya umaalis.
“Bakit, Lei? Bakit hindi mo ko
ipinagtanggol kanina?”
Now
I know the reason why I cried. Hindi dahil masakit yung sampal sakin. I cried
because Lei didn’t defend me. Si Flynn pa ang gumawa no’n na hindi ko naman
talaga close. Pinili manahimik ni Lei kanina sa halip na ipagtanggol niya ko
kay Leoni.
Teka
lang. Bakit nga ba niya ako ipagtatanggol? Edi nalaman ni Leoni na siya ang
taong nasa likod ng costume ni King Endymion. Ayaw siguro niyang malaman ni
Leoni na umatend siya gano’n party.
Napahawak
ako sa pisngi ko. Next time na magkrus uli ang landas namin ni Leoni, hindi na
ko papayag na gawin niya uli ‘yon. Hindi ako pinalaki nila mama para sampalin
lang ng gano’n.
Nilingon
ko si Lei. Wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Kung narinig niya ba ang
tanong ko o hindi, hindi ko alam. Sana, hindi na lang niya narinig.
Ako na rin ang nagsabi.
I’m not his responsibility. At kasama na do’n ang hindi niya obligasyong
ipagtanggol ako. Kahit pa si Leoni ‘yon.
Ilang beses pa kayang
mauulit ang nangyari na ‘yon? Totoo nga ang sinabi ni Jhom. Kakaiba si Leoni sa
mga babaeng naghahabol kay Lei. Para siyang leon na handang manakmal sa mga
haharang sa kaniya. Just like what she did to me.
Sana lang, wag umabot sa
puntong saktan ko din siya. Wala rin naman kasing patutungahan kung
magkakasikatan kami dahil tama rin naman siya, maghihiwalay din kami ni Lei
kaya para sa’n pa ang pagtatanggol ko sa relasyon naming papel lang ang
nagpapatibay?
= = = = = = = =
Dahil
puyat ako kagabi, medyo tinanghali ako ng gising. Wala na si Lei sa kwarto nang
sumilip ako. Si Kendra na lang ang nakita kong natutulog sa kama. Siguradong
mamaya pa ang gising niya dahil napuyat at napagod siya kagabi. Nagluto muna
ako ng breakfast at naligo. At nakita ko ngang may pasa ang likuran ko, bandang
baba.
Tulog
pa rin ang kapatid ko after kong maligo. Nauna na kong kumain para maumpisahan
ko nang magbalot ng mga regalo.
Hindi
ko namalayan ang oras hanggang sa mag-alas onse na. Nagluto muna ko ng lunch
bago gisingin si Kendra. Bago kami kumain, hinanap pa niya si Lei. Sinabi kong
pumasok na ng work. Pagkatapos naming kumain, pinaligo ko na siya.
After
niyang maligo, nag-umpisa na ang pangungulit niya sa mga regalong binabalutan
ko. Nasa’n daw ang gift niya? Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang cd ko na Winnie
the Pooh ang palabas at sinalang. Saka lang natigil ang pangungulit niya.
Pinagpatuloy ko na din ang pagbabalot ko.
Alas
dose ng tanghali nang makatanggap ako nang tawag mula kina mama at lolo. Sa
totoo lang, simula nang maging asawa ko si Lei, araw-araw na lang nila akong
tinatawagan para mangamusta.
“Kamusta ang party kagabi?” Si
lolo ang nagtanong.
“It went very well, lolo.”
“Halata nga dito.”
Kumunot
ang noo ko. “Anong dito, lolo?”
“Hindi mo pa ba nakikita?”
“Ang ano po?”
“Papa, hindi mahilig magbasa ng dyaryo
si Chloe.” Boses ‘yon ng mama ko.
“Nagbabasa siya.”
“Tabloid ang hilig niyang basahin, Pa.”
Tumikhim
ako bago sumingit. “Ano po bang mero’n
sa dyaryo? May nagbreak na naman po bang artista? May nagkabalikan? May lihim
na nagpakasal? May bago bang pulitikong nangurakot na nabuko? May pinatay na
naman? O this time, may alien na sasakop sa earth as in trulalu this time?”
“Puro ka kalokohan. Bumili ka na lang
ng Manila Bulletin mamaya.”
“Lolo, sabihin mo na po.”
“Bumili ka na lang para makita mo.
Dapat ngayon, hindi na puro tabloid ang binabasa mo. Baka nakakalimutan mo,
isang magaling na businessman ang asawa mong si Lei. Dapat updated ka sa mga
nangyayari sa paligid niya.”
“Ano pong connection no’n sa dyaryo? Kasama ko
naman po siya kaya updated ako sa mga nangyayari sa kaniya.”
“Hindi ka talaga nauubusan ng dahilan.
Anong oras nga pala kayo pupunta nila Lei dito mamaya?”
“Hindi ka pa po nasasabi kay Lei.”
At hindi ko rin sure kung papayag siya.
“Ako
na pong bahala. Baka mauna na lang kami ni Kendra dyan at sumunod na lang siya.
After office work na siguro siya makakapunta.”
“Magko-commute kayo ni Kendra? Wag na.
Ipapasundo ko na lang kayo kay Biboy.”
“Pero, lolo.”
“Magta-taxi kayo? Wag na. Delikado. Ipapasundo
ko kayo. I-text mo sakin ang address dyan. Nasa’n si Kendra?”
Nilingon
ko si Kendra na busy sa panonood. “Nakatulog
na naman po.” Hindi niya pwedeng makausap si Kendra. Hindi ko pa nakakausap
ang kapatid ko tungkol sa nangyari kagabi. She’s only five years old pero
advance nang mag-isip ang kapatid ko. Siguradong sasabihin niya ‘yon kina lolo.
Ilang
minuto pa kaming nagkwentuhan nila lolo at mama bago sila nagpaalam. Nilapitan
ko si Kendra at umupo sa tabi niya.
“Kendra, baby.”
“Ano po ‘yon, Ate Chloe?”
“Tumingin ka sakin.”
Na ginawa niya. “Remember what happened
last night? Yung kausap kong girl sa restroom?”
“Yung nang-away po sa’yo?”
Umiling
ako. “Hindi niya ko inaway, baby.”
“Sinigawan ka po niya, ate.”
“Diba naka-costume tayo kagabi?”
Tumango siya. “Diba tinanong mo ko kung
bakit yung ibang naka-costume parang umaarte?” Tumango siya. “Tapos sabi mo pa nga, gusto mo rin silang
gayahin kaya tinanong mo ko kung anong ginagawa ni Chibiusa?” Tumango siya. “Ano ulit tawag sa ginagawa nila, baby?”
Tumango
siya. “Yung cos… cos…”
“Cosplaying. Yun ang tawag do’n. Yung
girl na nasa restroom, character siya sa isang movie. Kaya nga red na red siya
diba? Kasi gano’n yung character niya sa movie. At kaya gano’n siya kasungit,
kasi gano’n din kasungit yung ginagagampanan ng character niya sa movie.”
Mabagal kong pagpapaliwanag. “Naiintindihan
mo ba ko?”
Tumingin
pa siya sa kisame na parang nag-iisip. Pagkatapos ay tiningnan niya ko. “Pero bad po siya.”
“Paano kung bad yung character na
napili kong gayahin, baby? Ibig bang sabihin, bad na rin si ate?”
Umiling
siya. “Mabait ka po.”
I
smiled at her. “Kaya wag mo ng ikwento
kina lolo at mama na may nang-away sakin kasi wala naman talaga, okay?”
“Yes, Ate Chloe.”
Ginulo
ko ang buhok niya. “Sige na. Watch ka na
uli.”
I
have to lie kahit hindi ko ugali ‘yon. Ayoko lang na umabot kina mama ang
nangyari. Ayoko lang na mag-alala pa sila.
= = = = = = = =
Hindi
mawala-wala ang ngiti ko habang nakatingin sa dyaryong hawak ko. Hindi ako
bumili ng dyaryo katulad ng utos ni lolo. Si Kuya Biboy—he’s in his late
thirties kaya kuya ang tawag ko sa kaniya—ang driver ni lolo na sumundo samin
ni Kendra ang nagsabing nasa dyaryo daw ako. Akala ko nga binibiro niya lang
ako kasi nga palabiro siya. Pero nang tingnan ko ang business section, nalaman
kong hindi nga siya nagbibiro.
I
saw my picture with Lei and Kendra—blurred ang mukha ng kapatid ko. Nakatayo si
Lei habang buhat niya si Kendra. Naka-peace sign pa ang kapatid ko habang
nakaharap sa camera. Me and Lei were looking at each other. I was smiling and
he was not. Hindi makita ang ekspresyon niya dahil sa mask niyang suot pero
nakatikom ang bibig niya.
Bukod
pala kay Tim, may iba pang kumuha no’n. Oh! I almost forgot, mero’n palang
kaibigan photo journalist si Tita Josephine na nando’n.
And
based on the caption and on the article, inannounce na sa buong Pilipinas ang
lihim na pagpapakasal ng bachelor and business tycoon na si Lei Constantine
sakin. Aside sa secret wedding na naganap, nakalagay din sa article ang
nangyaring Christmas party. Na-mention pa ang pangalan ko na siyang
nag-organize at nakaisip ng theme ng party. All in all, wala namang masamang
sinabi ang article.
Hindi
lang talaga ko sanay na malagay sa dyaryo ang mukha ko.
At
ito pala ang sinasabi ni lolo sakin kanina. Nakita na kaya ‘to ni Lei? Wala
kasi siya sa office niya kanina nang dumaan kami ni Kendra. Nasa meeting daw.
Half hour pa kaming naghintay pero hindi siya dumating. When I tried to call
his phone thrice, nagri-ring lang.
I
texted him na uuwi kami ng Bulucan ni Kendra. Wala akong nakuhang reply.
Binilinan ko din si Xiela na sabihing umuwi kami ng Bulacan ni Kendra. Nag-iwan
din ako for Lei.
Makakapunta
kaya siya mamaya?
“Ate Chloe, I’m hungry po.”
Nilingon
ko si Kendra. Nakahawak siya sa tiyan niya. Tiningnan ko ang relo ko. Magpa-five
na.
“Kuya Biboy, stop over muna tayo sa
restaurant na madadaanan natin. Nagugutom ang prensesita natin.”
“Ikaw, Ma’am Chloe?”
I
smiled. “Kailangan pa bang itanong ‘yan?
Gutom na rin ako.”
Huminto
kami sa isang restaurant. Inaya ko si Kuya Biboy sa loob pero hindi na siya
sumama. Busog pa daw siya kaya kami na lang ni Kendra ang pumasok.
Only
to find out that he’s here. Kasama niya si Cyrish at dalawang lalaking
ka-meeting nila. Do’n pa sa malapit sa table nila nag-ayang umupo si Kendra.
Hindi dahil sa nakita niya si Lei pero dahil malapit ‘yon sa glasswall ng
restaurant na favorite spot ni Kendra sa kahit na anong restaurant na puntahan
namin.
At
sadyang malikot ang mga mata ni Kendra dahil…
“Kuya Lei!”
Huli na para pigilan ko siyang makalapit sa table nila Lei. Mukhang ngayon lang
kami napansin ni Lei dahil busy siya sa pagsasalita kanina. Halatang nagulat
siya na makita si Kendra.
Mabilis
akong lumapit sa kanila. “Hello, Lei.
Hello, Cyrish.” Binati ko din ang dalawang matandang lalaking kasama nila
sa table.
“Ate Chloe, ba’t hindi mo po kiniss si
Kuya Lei katulad ng ginagawa ni mama kay papa?”
“Hah?”
Nagulat ako sa sinabi niya. Ang tabil talaga ng kapatid ko! Kung ako nagulat,
mahina namang tumawa ang mga kasama ni Lei sa table. At bago pa kung anu-ano
ang masabi ni Kendra, ginawa ko na ang gusto niya.
I
was about to kiss Lei on his cheek pero bigla na lang siyang humarap kaya
naglanding ang halik ko sa labi niya! Nagtayuan agad ang balahibo ko sa
nangyari. Dumeretso ako ng tayo na parang walang nangyari. Iniwas ko agad ang
tingin sa kaniya.
“Ikaw ang asawa ni Mr. Constantine,
right, iha? Ikaw yung nasa dyaryo.” sabi ng isang lalaki.
“Opo.”
Nagpakilala silang dalawa kaya nagpakilala na rin ako. Nag-sorry din ako sa
ginawa ni Kendra na pakikisingit sa meeting nila.
“Kuya Lei, sasama ka po ba samin
pauwi?”
Nagtatakang
napatingin sakin si Lei.
“Mamaya na tayo mag-usap after ng
meeting ninyo.” Hinawakan ko na ang kamay ni Kendra. “Baby, balik na tayo sa table natin. May
meeting ang Kuya Lei mo.”
“Pero po…”
“Gutom ka na diba? Let’s go.”
Nagpaalam na ko sa kanila pero may pahabol pa talaga ang kapatid ko.
“Kuya Lei, punta ka po agad sa table
namin after ng meeting ninyo, ah.”
Nakita
kong tumango si Lei kaya inakay ko na si Kendra pabalik sa table namin. Umupo
ako patalikod sa gawi nila Lei. Umorder na din ako. Maya-maya ay dumating na
rin ang order namin at kumain na kami ng kapatid ko.
Nasa
kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng may umupo sa katapat kong upuan.
“Kuya Lei!”
“Kendra, baby, your voice. May ibang
tao dito.” saway ko sa kaniya.
Tinakpan
naman agad niya ang bibig niya. “Sorry
po. Kuya Lei, kakain ka din po?”
“I’m finish, Kendra. Continue your
food.” Na ginawa naman ng masunurin kong kapatid. Gutom, eh.
“Si Cyrish?”
“Chloe.”
Nagkasabay
pa kaming nagsalita ni Lei.
“Nauna na siyang bumalik ng office.”
He said.
“Okay. Nga pala, galing kami ng CTC ni
Kendra.”
“Opo. Ang tagal nga po naming
naghintay do’n.”
Tiningnan
ko ang kapatid ko. “Kendra, anong sabi
ni mama? Wag sasabat pag may nag-uusap na mas matanda sa’yo diba?”
Tinakpan
na naman niya ang bibig niya. “Sorry po
uli.” Nagsimula na uli siyang kumain.
“Yun nga. Kagagaling lang namin ng CTC
kanina bago kami napadaan dito. Nagutom kasi si Kendra. At ako rin. Hindi ko
alam na nandito ka rin. Kanina pa kita tinatawagan. Tinext din kita.”
At habang sinasabi ko ngayon, hindi ako nakatingin sa kaniya. Ewan ko ba. Hindi
ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon.
“Nasa meeting ako.”
“Nakita ko nga. Magpapaalam lang ako
na uuwi ako ng Bulacan.”
“Hindi mo naman kailangang magpaalam.”
“Because you’re my husband, kailangan
kong—” Natigilan ako sa sinabi ko. “I mean, baka kasi hanapin mo ko. Ah no, I mean, baka… Ang totoo talaga
niyan… ano…” Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Binitiwan ko ang spoon
and fork na hawak ko.
“Pupunta lang ako ng restroom.” Tumayo
ako na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Ramdam kong nakatingin siya
sakin kaya binilisan ko ang lakad ko.
Ano
bang nangyayari sakin? Bakit ba ako nagkakaganito?
Bubuksan
ko na sana ang pintuan ng restroom nang magbukas ‘yon at lumabas ang apat na
babae na pinamumunuan ni Red Girl. Alam ninyo na siguro kung sino ang nakita
ko. Napakaliit naman ng Makati para saming dalawa!
Pero
bakit ngayon pa? Lord naman, wala pa pong twenty four hours simula nang
magkasagutan kami. Pagpahingahin Ninyo naman po ako sa babaeng ‘to. At bakit
dito pa po kung kailan kasama ko na naman ang kapatid ko?
“My, my, my! Look who’s here, girls!
The Gold digger bitch!”
“Siya ba ‘yan, Leoni?”
“Mukha lang naman siyang ordinaryo.”
“Anong nagustuhan ni Lei sa kaniya?”
Bakit
hindi nila itanong ‘yan sa sarili nila? O kaya magpahula sila kay Madam Auring
nang malaman nila. O kaya pumunta na lang sila ng Pluto nang mawala na sila sa
harap ko.
Tiningnan
pa nila ako mula ulo hanggang paa at pinalibutan. Aba! Parang eksena lang sa
movie at teleserye, ah. Pero syempre, hindi ako katulad nung mga bida sa
teleserye na madalas nagpapaapi.
May
kung anong hinagis sakin si Leoni. Dyaryo ‘yon. Pagtingin ko sa sahig, yung
picture namin ni Lei with Kendra ang nakita ko.
“Why didn’t you tell me na hindi mo
anak ang batang ‘yan?
Aba!
Sino siya para paliwanagan ko? Kung Presidente pa siya ng Pilipinas, baka
magpaliwanag pa ko sa kaniya.
“You’re such a liar!”
Here
we go again. “Wait lang, ah. As far as I
remember, I didn’t tell you na anak ko ang kapatid ko? Sino bang nag-conclude
na lang bigla sating dalawa? Ako ba?”
“You’re right, Leoni. Ang tapang nga
ng babaeng ‘to.”
Tiningnan
ko ang nagsalitang ‘yon. “Pinaglihi kasi
ako ng mama ko sa tigre. How about your friend? Sa leon ba siya pinaglihi? Kaya
siguro Leoni ang pinangalan sa kaniya.”
“Aba’t! Narinig mo ‘yon, Leoni?”
“I heard it of course!” Inilang
hakbang ako ni Leoni. “Nang dahil sa’yo
nagalit sakin si Lei! Malandi ka na nga, sumbungera ka pa!”
“Ano bang sinasabi mo?”
“Playing dumb? Hah! Bakit sinabi mo sa
kaniya yung nangyari sa restroom? He shouted at me because of you!”
Teka
lang. Pinagalitan siya ni Lei nang dahil do’n? At dahil hindi niya alam na si
Lei yung nakatayo sa labas ng restroom, inisip niyang nagsumbong ako?
Pinagtanggol
ako ni Lei?
Hindi
ko alam pero…
Napangiti
ako.
“What are you smiling at?”
Umiling
lang ako. Baka pag sinabi ko pa sa kaniya, manggalaiti lalo siya.
Tiningnan
niya ko nang masama. “Magkano ba ang
gusto mo para hiwalayan mo na siya?”
Hindi
ako sumagot. Aside sa pagsagot-sagot ng pilosopo sa mga kontrabida, wag kang sumagot
sa mga tanong nila, tiyak mapipikon sila. Na nakita ko ngang nangyari kay
Leoni.
“Answer me! Magkano?!”
Kumunot
ang noo ko habang nakatingin sa mukha niya. Hindi lang gusto. She’s kinda
obsess with Lei. Parang ‘yon ang nakikita ko.
“Bakit ayaw mong sumagot?!”
“Kailangang sumigaw?”
Pinagtitinginan na kaya kami ng mga taong pumapasok ng restroom.
“Sisigaw ako hangga’t gusto ko! Iwan
mo na kasi siya!”
“No!”
Eto na naman ako. Pinagtatanggol ko na naman ang relasyon namin ni Lei kahit
hindi dapat. Sinabihan na niya kong kalimutan ang deal namin pero hindi ko
maiwasan, eh.
Akmang
sasampalin na naman ako ni Leoni pero nahawakan ko agad ang wrist niya.
“Hindi na ko papayag na sampalin mo
lang ng gano’n. Hindi tayo close, okay. At kahit close pa tayo na malabo namang
mangyari, hindi pa rin ako papayag na masampal mo.”
“How dare you!”
Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak ko. “Hawakan
ninyo nga ‘yan!”
Nagpumiglas
ako nang hawakan ako sa braso ng tatlong alipores niya. “Wala ka bang originality? Napanood ko na ‘to sa movie, eh. Ano?
Sasaktan ninyo ko? Sige lang. Mauuna naman kayong makarating ng Pluto bago
ninyo pa magawa ‘yon.”
“Shut up, gold digger bitch!”
Inilapit niya ang mukha niya sakin. “Choose.
Stay away from my Lei or else…” Gamit ang hintuturo niya, pinasadahan niya
ang pisngi ko. Ngumisi siya nang nakakaloko. “Sisirain ko ang mukha mo.”
And
based on her expression, kaya niyang gawin ‘yon. And I felt a bit scared pero
hindi ko pinakita ‘yon.
“Hindi ko iiwan si Lei.”
Teka. Sinabi ko ba ‘yon?
“Ang tapang mo talagang babae ka!”
Tumaas ang kamay niya para sampalin ako pero hindi nangyari ‘yon dahil yumuko
ako. Kaya ang natamaan ng sampal niya ay ang kaibigan niyang nasa likuran ko.
Nagulat yung mga kasama niya kaya nakawala ako sa pagkakahawak nila. Mas lalong
nanggalaiti si Leoni kaya tinulak niya ko bigla. Nang malakas.
Hindi
ako natumba dahil tumama ang likuran ko sa isang matigas na bagay. Hindi talaga
siya matigas. Para siyang…
“Lei!”
Yung mukha ni Leoni na parang nakakita ng multo.
Si
Lei ang nasa likuran ko? Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Tiningala
ko ang taong ‘yon. Si Lei nga! And he looked so serious habang nakatingin kay
Leoni at sa mga alipores niyang kaibigan.
“We’re just playing here, Lei. Right,
girls?” Nagsecond the motion naman ang mga kasama niya.
“Playing outside the restroom, Leoni? Threatening
and pushing her?” Nakita niya ang nangyari?
Hindi
makasagot si Leoni. At bakit parang takot na takot siya?
“I warned you already. O hindi mo lang
sineryoso ang sinabi ko? Assault. Battery. Slander. Gusto mo pa bang madagdagan
‘yon?”
“You can’t do that, Lei!”
“I can.”
Nagpalipat-lipat
ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parang may pinag-usapan sila na sila lang ang
nakakaalam. So, tama nga si Leoni kanina. Kinausap siya ni Lei? Hindi lang
kinausap. May pinag-usapan sila.
“Do that and I will tell my dad to
pull-out his investments in your company!”
Anak
pala siya ng isa sa mga investor sa company ni Lei.
“Your dad is not a childish as you,
Leoni. Business is business.”
Leoni
looked helpless. “Lei, can’t you
understand? I just love you.”
“You don’t.”
“I am better than her. Ako na lang.
Akin na lang.”
“I don’t love you, Leoni. And I will
never ever love you.”
“This is the very first time na sinabi
mo sakin ‘yan. Why, Lei? Hindi ka naman ganyan dati, ah.”
Hindi
ko alam pero nakaramdam ako ng awa kay Leoni habang nakatingin ako sa kaniya.
Nawala na kasi ang katarayan ng mukha niya. Napalitan ‘yon ng mukha ng taong
nagmamakaawa na mahalin siya ng taong mahal niya.
“How about her, Lei? Do you love her?”
Hindi
sumagot si Lei. Tiningnan ako ni Leoni. Umiling-iling siya. At bago siya
tumalikod, nakita kong nagtubig ang mga mata niya. Napasunod na lang ako ng
tingin sa kaniya.
“Is she alright?”
“What?” Napalingon
ako kay Lei. Nakakunot ang noo niya. “After
what happened, you have the nerve to ask if she was alright?” Hindi
makapaniwalang tanong niya.
Nagkibit-balikat
ako. “Bigla lang akong naawa sa kaniya.”
“Hindi kita maintindihan.”
Nilingon niya ang manager na nasa gilid pala niya at kinausap.
Habang
ako, unti-unting napangiti habang nakatingin sa kaniya. Pinagtanggol ako ni
Lei. Ng dalawang beses. Hindi ko man nakita ang ginawa niyang pagtatanggol nung
una, nakita ko naman ngayon ang ginawa niya.
At
ang nararamdaman kong tampo sa kaniya dahil sa nangyari kagabi, mabilis na
nawala. Napalitan na naman ’yon ng saya. Hay, ang babaw talaga ng kaligayahan
ko.
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^