Thursday, February 20, 2014

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 15



CHAPTER 15
( LEI’s POV )



“I wish you a merry christmas! I wish you a merry christmas!”
 

Nilingon ko ang taong umupo sa bar stool na nasa kanan ko na kumakanta.


“I wish you a merry christmas! And a happy new year! I wish you a merry Christmas—”


“Tama na, Tim.”


“Hindi naman pangit ang boses ko, ah.”


Tama siya. Kaya lang… “Maingay na nga, dumadagdag ka pa. What are you doing here? Wala ka bang duty ngayon?”


“I forgot to tell you na nagpalipat na ko dito sa Makati. Next Monday pa ko magsisimula.”


“Why?”


“Para malapit na ko sa’yo.”


Tiningnan ko siya. Tinawanan niya ko. Sira ulo talaga. Ininom ko ang laman ng shot glass ko. Umorder naman siya ng maiinom.


“Ilang years na ba tayong nagse-celebrate ng christmas sa bar na ‘to?” tanong niya.


“Hindi ko na matandaan.”


Ininom niya ang laman ng shot glass niya. “I heard what happened.”


“What? Just get to the point, Tim.”


“Jozel told me about what happened in the restaurant. Isa si Jozel sa mga kasama ni Leoni.” And one of his flings again. “Nakipaghiwalay na rin ako sa kaniya kanina dahil tumulong pa talaga siya sa pambu-bully kay Chloe. First time bang nakaharap ni Chloe si Leoni kanina?”


“Thrice.”


“Thrice?” gulat niyang tanong. “Kailan yung mga nauna?”


“Nung first time niyang pumunta sa office ko at kagabi.”


“Kagabi? Don’t tell me kaya parehas kayong nawala kagabi dahil do’n?”


Tumango lang ako.


“Kaya pala parang may iba kay Chloe kagabi. Anong nangyari kagabi?”



- F L A S H B A C K -

Malapit na ko sa restroom kung nasa’n si Chloe nang makita kong lumabas ng kabilang restroom si Flynn. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman siya naka-costume. Huminto siya sa tapat ng restroom ng mga babae. Binilisan ko na ang lakad ko. Napalingon siya sakin.


“Lei.” Nakilala niya ko? “I heard something over here.”


“Gold digger bitch!” Mula ‘yon sa loob ng restroom.


Binuksan agad ni Flynn ang pintuan. Tama nga si Kendra sa sinabi niya dahil nakita ko si Leoni na galit na galit. Ano na naman kayang ginawa niya para makapasok dito? Nakatalikod sa gawi namin si Chloe kaya hindi ko makita ang mukha niya.


“Magsasawa din siya sa’yo! Maghihiwalay din kayo! Tandaan mo ‘yan!”


Pipigilan ko na sana si Leoni sa gagawin niyang pagsampal kay Chloe pero naunahan na ko ni Flynn. Dahil siya ang nasa unahan ko.


“Leoni! Stop it!”


I gritted my teeth. Nanatili akong nakatayo sa labas ng restroom. Lumingon sa gawi ko sa Chloe. Hawak niya ang pisngi niya. Nasaktan na siya ni Leoni bago pa kami dumating? Damn!


“Let go of my hand, Flynn!”


“Stop it, Leoni. Kung si Lei ang hinahanap mo, wala siya dito.” He’s playing good again. “Do you think pupunta siya sa ganitong party?”


“Hindi talaga pupunta sa ganitong baduy na party si Lei!”


“Kaya kung ako sa’yo, umuwi ka lang at matulog. Nag-aaksaya ka lang ng oras dito.”


Hinarap pa ni Leoni si Chloe na tahimik lang. “Pasalamat kang babae ka!”


“Leoni.” Nakita kong humarang pa si Flynn sa harap ni Leoni.


Kinuyom ko ang kamao ko. Lumabas na si Leoni na nabangga pa ko. Hindi niya ko nakilala dahil sa suot ko. Gusto ko siyang sitahin sa ginawa niya pero na kay Chloe ang atensyon ko. Nagtama ang mga mata namin. She looked hurt. Akmang lalapit ako sa kaniya pero nawala siya sa paningin ko nang humarang sa harap niya si Flynn!


“Are you okay?”


Hindi ko narinig na sumagot si Chloe. Hindi ko rin nakitang tumango siya pero kitang-kita ko ang ginawa ni Flynn! Umangat ang kamay niya papunta sa mukha ni Chloe!


“Namumula.”


“Make up lang ang katapat niyan. Thank you nga pala.”


“You’re welcome. I have a piece of advice, Chloe. Next time, kapag nakita mo si Leoni, lumayo ka na lang.”


“Bakit ako lalayo sa kaniya? I didn’t do anything bad to her. Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko. Pinagtatanggol ko lang—” Huminto si Chloe. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi ko siya makita!


“Masakit lang yung pagkakasampal niya sakin. But I’m okay.” Nakita kong may kinuha si Flynn sa bulsa niya. Panyo ‘yon at ibinigay niya kay Chloe. “Humarang ka lang dyan, ah.”


Kumunot ang noo ko. Bakit pinapaharang niya si Flynn? Para ‘san ang panyong ‘yon? Umiiyak ba siya?


“Chloe.”


Nakita ko siyang tumalikod.


“I need to go, Chloe.” Flynn said. “May gagawin pa ko. Napadaan lang ako dito sa CTC.”


“Thank you uli. Ibabalik ko na lang ‘to kapag nagkita tayo.”


“It’s yours now.” Flynn leaned over Chloe. Napahakbang tuloy ako at agad ring napahinto nang lingunin ako ni Flynn. “Lei. Ikaw ng bahala sa asawa mo. Next time, don’t leave her unattended. Ikaw rin.”


Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalabas siya. Nilingon niya ko and then he smirked. That smirk I never liked since then.


Hinarap ko si Chloe. “Chloe.”


“Anong ginagawa mo dito?” Ni hindi man lang siya humarap sakin!


“Sinabi ni Kendra na may nang-aaway daw sa’yo.”


“Sinabi niya ‘yon? Sina Ren, alam ba nila?”


“Nasabi na sakin ni Kendra bago pa sila dumating.”


“Sinabi rin ba ni Kendra sa kanila?”


“No. Sinabihan ko si Kendra. Ayoko ng gulo dito.” Buti na lang at walang tao dito. Nandito pa naman ang kaibigang journalist ni Mrs. Josephine. Ayoko lang na ilabas pa sa dyaryo ang nangyaring ‘to at madadawit pa ang pangalan ni Chloe. Ayoko nang makarating ‘yon sa pamilya niya.


“Don’t worry. Hindi naman manggugulo ang mga kaibigan ko kung nalaman nila ‘yon.”


Hindi naman ‘yon ang ibig—


“Mauna ka nang bumalik. Pakisabi kay Kendra na okay lang ako. Susunod agad ako.”


Kinuyom ko ang kamao ko. Bakit ba ganyan siya? Ba’t biglang nag-iba ang tono niya sakin sa tono ng pakikipag-usap niya kay Flynn kanina?


Hinayaan ko na lang siya. Bumalik na ko sa function hall.


Hindi ko siya maintindihan! Bakit ba gano’n siya? Sinabihan ko na siyang wag siyang makikipag-usap sa lalaking ‘yon tapos ngayon? I sighed frustrately. Pero iba ang sitwasyon ngayon.


At bakit ba ko nag-aalala ng ganito? Kainis!
 
- E N D  O F  F L A S H B A C K -



“Lei.”


Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. “What, Tim?”


“Anong what? Tinatanong kita kung anong nangyari kagabi pero para namang wala dito ang isip mo.”


“Wag mo nang tanungin.” Ininom ko uli ang laman ng shot glass ko. “Another shot.” I said to the bartender.


“Okay. Pero bakit hinayaan mong magkita pa yung dalawa? Sabagay, with Leoni’s personality, talagang malalaman niya ang tungkol kay Chloe.” Ininom niya ang laman ng shot glass niya bago nagpatuloy.


“I am a surgeon. But still I’m a doctor. And in my observance, she’s kinda obsess with you Lei. And obsess persons tend to do bad things just to get what they want. Ikaw ang gusto niya na hindi niya makuha. Ayaw din nila ng kaagaw. Remember what she did sa mga babaeng lumalapit sa’yo? Sinampal niya, sinabunutan niya at pinahiya niya. But it’s different now, kasal kayo ni Chloe.”


“At maghihiwalay din kaming dalawa kaya titigilan rin siya ni Leoni.”


“Matagal pa ang three months, Lei. At sigurado ka bang hanggang three months lang kayo?”


“What do you mean?”


“You know what I mean.”


Hindi ako sumagot. Ininom ko ang laman ng shot glass ko.


“One year, Lei, natagalan mo si Leoni ng gano’n?”


“Wala sa kaniya ang atensyon ko.”


“Yeah, I know. Nasa mahal mong kumpanya.” dagdag niya. “After what happened, siguradong hindi titigilan ni Leoni si Chloe. Tatagal kaya si Chloe sa kaniya? Yung tipo pa naman ni Chloe ang hindi palaaway. Naiimagine ko nga na nakikipagsagutan siya kay Leoni tapos pini-pilosopo lang niya.”


Tama siya. Gano’n nga ang ginawa ni Chloe kay Leoni sa office no’n.


“Bantayan mo ang asawa mo, Lei. Mukha siyang matapang pero si Leoni ang pinag-uusapan natin dito. It’s better to be safe than sorry.”


Hindi ko naman papayagang mangyaring umabot na mapahamak si Chloe. Nasa poder ko siya, responsibilidad ko man siya o hindi, dala niya pa rin ang pangalan ko.


“Bestfriend.”


“What?”


“Akin na yung wallet mo.”


“Wala ka bang wallet?”


“Patawa ka.”


“Hindi ako nagpapatawa.” Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at ibinigay sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa wallet ko dahil nakatutok ang mga mata ko sa shot glass na hawak ko.


“Here.” Nilapag ni Tim ang wallet ko sa harap ko. “Hindi mo ba titingnan ang Christmas gift ko sa’yo?”


Tiningnan ko ang wallet ko. Nakabukas ‘yon kaya nakita ko agad ang picture na nakalagay do’n. Yun din ang picture na nakalagay sa dyaryo. Hindi blurred ang mukha ni Kendra sa picture unlike sa dyaryo.


“Ang ganda ng kuha ninyo dyan noh? Don’t worry, hindi ako magtatampo kasi hindi na picture natin ang nakalagay dyan.”


“Bakit ba ang hilig mong maglagay ng picture sa wallet ko?”


“Edi tanggalin mo. Wala namang problema do’n.”


Hinawakan ko ang wallet ko at inangat ‘yon.


“Ikaw, bestfriend? Wala ka bang Christmas gift sakin?”


“Kailan ba ko nagregalo sa’yo?”


“Never. And now would be the first time.”


Nilingon ko siya. Ngiting-ngiti siya. “Ano na namang nasa isip mo?”


“Ganito. May itatanong ako sa’yo. Ito ang rule, oo at hindi lang ang pwede mong isagot. Kapag hindi ka sumunod, iinumin mo ang laman ng dalawang shot glass. At kapag ayaw mong sumagot, iinom ka rin. Deal?”


“Ano namang makukuha ko dyan?”


“Remember the Gonzaga Group of Companies? Ang hirap nilang ligawan  noh? Diba lolo ko ang CEO? At ako ang naman ang paborito niyang gwapong apo. Isang sabi mo lang sakin, magagawan ko na ng paraan ‘yon.”


“I can handle it.”


“Ows? Diba mero’n ka pang isang nililigawang company? Buti sana kung ikaw lang ang nanliligaw. Tapos kumalat pa ang tungkol sa stock holder’s meeting na gaganapin next month. Baka mahirapan ka niyan, bestfriend. Ano? Deal?”


Ibinulsa ko ang wallet ko. “Deal.” Kinausap niya ang bartender. Maya-maya ay may nakahilera ng mga shot glass na may laman sa harap ko. “Lalasingin mo ba ko?”


“Nasa’yo naman kung malalasing ka. Yun, eh, kung magsasabi ka lang ng totoo. First question, nagseselos ka ba samin ni Chloe?”


“What the—Ano bang klaseng tanong ‘yan, Tim?”


“Ano uli ang rule natin, bestfriend?”


“No.”


“The rule is oo at hindi lang ang pwede mong isagot. Kapag sumagot ka ng iba, iinom ka.”


“Fine.” Ininom ko ang laman ng isang shot glass. At ng isa pa.


“Concern ka ba kay Chloe?”


“Bakit ba puro na lang si Chloe ang—“


“Ang rule.”


“No.” But still, uminom pa rin ako.


“Mahal mo ba si Chloe?”


“Timothy Gonzaga!”


“Ang rule.”


Naiinis na uminom uli ako.


“Did you do things you didn’t use to do or you shouldn’t do but you couldn’t stop yourself from doing it?”


“Kay Chloe?”


Tinawanan niya ko. “Wala naman akong sinabing kay Chloe, ah.”


Tiningnan ko siya nang masama. “Ang gulo ng tanong mo.”


“Anong magulo do’n? Gusto mong itranslate ko pa?”


“Naiintindihan ko. It’s just that... Nevermind.” Uminom na lang ako para magtigil na siya.


“Okay! Tama na! Baka malasing pa kita. Ako ng bahala kay lolo.” Tiningnan niya ang relo niya. Tumayo na siya. “Let’s go.”


“Where?”


“Kina Chloe. Don’t tell me hindi ka niya ininvite?”


“Ininvite ka rin niya?”


“Yep. Sa party kagabi.”


“Mas nauna ka pa niyang— I mean…” Napahawak ako sa ulo ko. Damn! Bakit ko ba kasi pinatulan ang mga kalokohan niya?


“I know what you mean. You are—” Itinaas ko ang kamay ko to stop him from talking. “Okay. Which car? Your car? My car? Oh! I forgot. Nasa talyer pala yung kotse ko.” Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa bulsa at hinagis sa kaniya. “Okay. I’ll drive. Mukhang tipsy ka na.”


“Hindi ako pupunta.”


“What?”


“You heard me, hindi ako pupunta.”



= = =



( CHLOE’s POV )


“Pupunta po ba si Kuya Lei, Ate Chloe?”


“Pupunta ‘yon.” Kumagat ako sa fried chicken thigh na hawak ko.


“Nauuhaw ako, ate.”


“Pumasok ka na sa loob. Malamig na rin dito.” Nasa veranda kasi kaming dalawa ni Kendra. Pumasok na siya sa loob ng bahay.


Tumingala naman ako sa langit. Napangiti ako. Ang dami kasing bituin ngayong gabi. Para pang may magaganap na contest ng pakislapan. Ilang minuto pa kong nakatingala habang kumakagat sa chicken thigh na hawak ko.


Nang makaramdam ang leeg ko ng pangangawit, dineretso ko na ang ulo ko. Buto na lang din ang pinapapak kong manok kaya pumasok na ko sa loob ng bahay. Nadaanan ko pa sa sala sina Nicky at Kendra na nagpi-picturan.


“Ako din.” Nagpose ako sa tabi ng christmas party na parang model. Kinuhanan ako ni Nicky. “Isa pa.” Nag-wacky pose naman ako. Kinuhanan niya uli ako. “Isa pa uli. Jump shot naman.”


“Lowbat na.” Hinarap niya sakin ang camera.


“Weh? Ini-off mo lang ‘yan, eh.” Pero umalis na rin ako. Sina lolo, mama at Tito Henry ang naabutan ko sa dining room na nagkukwentuhan. Sunod-sunod pa nila kong tinanong.


“Anong oras ba darating si Lei, apo?”


“Pupunta ba talaga siya, Chloe?”


“Tinawagan mo na ba, Chloe?”


Tiningnan ko ang relo ko. Thirty minutes na lang bago mag-twelve. Alam kong pupunta siya kahit…



- F L A S H B A C K -

“Anong ngini-ngiti mo dyan?”


Mas lalo lang lumapad ang ngiti ko ngayong nakaharap na uli sakin si Lei.


“Chloe.”


Tumikhim ako. Alam ko nawi-weirduhan na siya sa ginagawa ko. “Paano mo nalaman na may gulo dito?”


“May lumapit sakin na staff ng restaurant.”


“Bakit ikaw ang nilapitan niya?”


“Nakilala ka niya.”


“Saan?”


“Sa dyaryo.”


“Talaga? Naka-costume ako do’n, ah, Buti nakilala niya ko. Ang galing naman niya. Nakita mo na pala ‘yon? Ang cute natin do’n noh? Kaya lang hindi ako sanay na mabalita sa dyaryo. Hindi naman kasi ako sikat diba?”


Hindi siya sumagot. Pinagmasdan niya lang ako mula ulo hanggang paa. At hindi ko alam kung kailan nagsimulang naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin sa paraan pa lang ng tingin niya.


“Okay lang ako, Lei. Hindi naman nila ko sinaktan, eh.” Tinapik ko pa ang mukha ko. ”See? I’m definitely, okay.” Pati braso at katawan ko pati likuran ko tinapik ko para lang mapa… “Ouch!” Nakalimutan ko yung pasa ko sa likuran ko!


“What happened?”


“Okay lang talaga—Lei!” Paano ba naman, itinaas niya ang suot kong t-shirt sa bandang likuran ko na agad ko namang binaba. May mga tao kayang nakatingin samin!


Hinawakan niya ang braso ko at inakay palayo sa mga taong uzi as in uzisero’t uzisera.


“Ba’t may pasa ka?”


“Wala lang ‘yan. Hindi naman masakit.” He just stared at me. I sighed. “Fine. Medyo masakit. Bumangga lang sa kung saan.”


“Chloe.”


Itinaas ko ang kamay ko. “Fine. Fine. Ba’t ba kasi ang hirap magsinungaling?” I pouted. “Tinulak ako kagabi ni Leoni. Tumama sa gilid ng sink yung likuran ko.”


Matagal bago siya sumagot. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yong kalimutan mo na yung deal natin? Bakit nakipagsagutan ka pa sa kaniya kanina?”


“Sorry na.” Hindi ko kasi maiwasan.


“And why didn’t you tell me na tinulak ka niya kagabi?”


“Paano ko sasabihin sa’yo? Ni hindi ka nga nag-react kagabi. Nakatayo ka lang—” I suddenly stopped when I realized something. I slowly smiled. “Concern ka sakin?” He didn’t answered. Para lang siyang nagulat sa tanong ko. “Concern ka nga!”


“I’m…”


“You’re what?”


“I’m not!” Tinalikuran na niya ko. Sumunod naman agad ako sa kaniya.


“Lei, aminin mo na kasi. Concern ka noh? Kasi kung hindi, hindi mo naman ako ipagtatanggol kay Leoni ng dalawang beses. Uyyy… concern siya.”


“Next time, wag mo na kong tatanungin kung bakit hindi kita magawang ipagtanggol. Ikaw na ang nagsabi, you are not my responsibility. Mas lalong hindi ko gawaing maging superhero sa mga babaeng makukulit.”


Napahinto ako sa pagsunod sa kaniya. Narinig niya pala ‘yon? Pero…


“Mas lalong hindi ko gawaing maging superhero sa mga babaeng makukulit.”


Pinagtanggol niya pa rin ako.


Sumunod agad ako sa kaniya nang may ngiti sa labi. Busy sa pagkain si Kendra nang makarating kami ng table ni Lei.


“Bakit ang tagal ninyo po?”


“May pinag-usapan lang kami ni Lei, baby.”


“Kuya Lei, sasama ka na po samin ni Ate Chloe?”


Kumunot ang noo ni Lei. Ako na ang nagpaliwanag.


“Ininvite ka ni lolo na sa bahay ka mag-noche buena mamaya.”


“Noche Buena?”


“Yap. Yung—”


“I know what it is. Wag mo nang ipaliwanag.”


“Makakapunta ka ba?”


Ang tagal niyang sumagot. Parehas pa kami ni Kendra na nakatingin sa kaniya at naghihintay ng sagot niya. Say yes, please.


“Pagkatapos ng mga trabaho ko.”


“Yehey!” Tuwang-tuwa pa ‘tong kapatid ko. Palibhasa hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Lei. Pagkatapos ng mga trabaho. Anong oras pa kaya ‘yon matatapos?


“I need to go.” Tumayo na si Lei. Bumaba naman si Kendra at hnalikan siya sa pisngi niya.


“Ate Chloe, kiss mo rin si Kuya Lei.”


Talaga nga naman ‘tong batang ‘to. “Baby, nagmamadali si Kuya Lei. Marami pa—” Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin kay Lei.


“Mangungulit pa ‘yan. I have to go.” Tumalikod na siya. Para namang may sariling isip ang kamay ko at hinawakan ang braso niya.


“Why?”


“Pupunta ka naman mamaya diba?”


“Wag mo kong tatawagan.” Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Umalis na siya.


“Pupunta siya, Kendra.” Halos pabulong na sabi ko.


“Ano po?”


“Wala.” Napahawak ako sa pisngi ko. I can still feel his lips. Hindi ko alam pero…


Kinikilig ako.


At ang lakas din ng tibok ng puso ko.

- E N D  O F  F L A S H B A C K -



“Chloe, apo.”


Napakurap ako.


“Tinatanong ka namin. Nasa’n na si Lei? Saka ang sabi mo, kasama niya ang kaibigan niyang kinukwento mo samin na si Tim.”


I smiled at them. “Parating na po sila.” Kumuha ako ng chicken leg na mapapapak. “Baka nga nasa bungad na sila ng subdivision, eh.” Hindi ko naman makontak si Tim. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Lei dahil sa bilin niya.


“Ate Chloe, may bisita ka.”


Napalingon ako sa likuran ko. Si Nicky na ang nakita ko. “Dumating na si Lei?”


“Si—”


“Sabi ko sa inyo, eh! Nandyan na siya!”


“Ate, hindi—”


“Nasa sala na ba siya?” Binilinan ko na kasi ang guard sa labas na papasukin si Lei at Tim kapag dumating sila—naghire na ng guard si lolo simula ng umalis ako sa poder nila, ako lang naman kasi ang ayaw ng guard dito sa bahay. Parang batang excited na pumunta ko ng sala. Nakita ko sa bungad ng pintuan si…


“Hi, Chloe!”


“Tim!” Sinilip ko ang likuran niya. “Nasa’n si Lei?” Hinawi ko pa siya para masilip ko ang labas ng bahay pero wala kong nakita kundi kotse lang.


“Ano kasi, Chloe—”


“Hindi siya pupunta?”


Alam ninyo ‘yung naramdaman ko? Para akong batang super excited na pumunta sa amusement park tapos hindi natuloy. Yung sayang naramdaman ko napalitan agad ng lungkot.


“Ang totoo niyan, Chloe…”


= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^